Unduh Aplikasi
17.14% MY VILE WARMTH (GL) / Chapter 6: Their Past

Bab 6: Their Past

LEXIE'S POV

Nagising ako sa tunog ng alarm clock at unang kong tiningnan sa pag gising ko ay kung nasa tabi ko si Gab and as what I expected, she went home already.

Pag punta ko sa kusina ay may naka handa roong pagkain sa mesa.

Kahit papaano ay napangiti ako ngayong umaga.

Kumain na ako habang nag i scroll sa cellphone.

Tumunog ang cellphone ko na agad kong kinagulat.

Ako lang ang tao dito sa bahay kaya medyo nag eecho sa loob ng bahay ang tunog no'n.

"Uhm?"

Si Mika ang tumatawag.

"What "Uhm?" Sabi ni Bea nag dala ka raw ng babae sa unit mo, akala ko ba si Gab lang?"

Napangiti ako saglit at nag seryoso ulit.

"Yeah, si Gab nga lang"

Natahimik ang kabilang linya saglit tapos..

"WHAT?! DON'T TELL ME.."

Bahagya kong nailayo sa tenga ko ang cellphone ko. Nagulat ako, bwiset na bunganga 'yan Mika.

Nag loud speaker nalang ako kesa masira eardrum ko sa kaniya.

Nag patuloy ako sa pagkain habang nakikinig sa mga kuda niya.

"She's the woman you brought home? What's the deal this time?"

What deal? Hindi nga natuloy 'yong kagabi.

Wow Lexie Jane parang disappointed ka pa ah?!

"Nothing, I just save her from a pig monster."

Namuo nanaman ang inis ko nang maalala ko ang kaganapan kagabi.

"That's why you need Mr. Jason?"

Umoo ako. Kailangan kong asikasuhin ang mga kailangan ko ngayon. Balak kong umabsent sa school ngayon at makipag kita nalang kay Jason.

"Nakausap niyo na ba siya?"

"Kapag ikaw nag sabi parang may magagawa pa kami"

Tinapos ko na ang pagkain at nag ligpit.

"Don't you have a class?"

"I have no class."

"Ok, ako may gagawin pa kaya mamaya na tayo mag usap pag uwi ko diyan."

Pinatay ko na ang tawag.

Hindi rin naman ako pinuntahan ni Troy sa bahay kaya wala akong nakalaban sa pabilisan sa computer.

Paunahan kasi ang magiging laban namin. Paunahan maka pasok sa isang server, kailangan matalino ka at madiskarte kundi matatalo ka kaagad. CTF Cyber Security Competition ang sasalihan ko, individual performance lang naman at pabilisan ang labanan. Within 20 minutes ata tapos na ang labanan unless may mag tie sa oras na bihira naman mangyari.

Hindi pa naman 'to ang CTF na pang bigtime na talaga or 'yong mga nilalaban sa ibang bansa pero malapit na rin doon.

Gusto na sana akong kunin bilang CTF member ng isang grupo pero ako lang ang umayaw. Muntik na kaming magkaroon ng grupo noon para lumaban sa CTF competition pero ako ang umalis sa grupo na naging dahilan para magka watak watak din sila.

May mga plano na kami pero lahat nang 'yon nauwi lang sa wala at ang pinaka masaklap sa lahat nilayuan din ako ng best friend kong kasama namin sa grupo dahil sa naging desisyon ko nang mga oras na 'yon.

Masaklap nalang akong napangiti habang inaalala ang mga nangyari 2 years ago.

Ang daming problema at nag sabay sabay sila. Naipit ako at wala akong magawa para makaalis sa masikip na sitwasyon na 'yon at ang tanging pag pipilian ko lang ay kusang lumuwang ang sitwasyon para maka hinga ako nang maayos.

I miss Fana.

Every time I accidentally think about her, it always brings pain into my whole chest that I don't know how will last or if it'll fade away.

Napa buntong hininga nalang ako. Ganto talaga ako kapag mabigat ang nasa dibdib ko, kailangan kong ihinga ng malalim para kahit papaano ay mawala.

YRA'S POV

As an officer in our department I have a lot of things to do and joining a extra curricular activities are so hard for me. I'm not good as LJ that can handle her time properly. I want to focus on a specific thing before proceeding to other one so I can finish my work properly.

Inayos ko ang salamin ko at saka humiga sa kama habang nakatutok ako sa binabasa kong libro nang bumukas ang pinto ng kwarto ko.

Mabilis akong napa tingin doon at pinandilatan ang siraulo kong kapatid na hindi man lang marunong kumatok.

"May kamay ka naman, bakit hindi ka marunong kumatok?"

May katarayang tanong ko

"There's no time for that, come I have something to show you"

Sa pag mamadali niya pati ako ay naalarma sa mga kilos niya.

Bumaba kami ng hagdan at saka mabilis na nag tungo sa desktop computer.

"What the fuck is that?"

"I think he's back."

No, this can't be. Nananahimik na kami, ano pa ba'ng gusto niya?!

"Alam na ba ni LJ 'to?"

Binasa ko ang isang article na naka highlight ngayon sa social media.

"I don't think she has a clue"

Seryoso kaming naka tingin sa headline.

"Paanong hindi pa rin nakikita ang hayop na 'yan, dalawang taon na tapos wala pa ring usad ang kaso? He almost killed Troy- MYGOD!"

Ako na i stress sa batas na meron kami, napaka bagal ng usad at kadalasan pa walang lead.

"Hindi ko rin ma kontak si Troy o si Tristan, nasa'n ba kasi 'yang nga pinsan mo"

Maka pinsan mo naman 'to akala mo hindi niya rin pinsan eh.

"May klase si Tristan, balita ko bumalik sa Rancho si Troy. Baka mamaya uuwi narin 'yon."

Hindi rin naman 'yon ang problema eh. Isa pa sa iisipin ay ang kaibigan ni LJ, malaki ang galit no'ng kriminal na pumatay sa isang lalaking tumutulong lang kay LJ, 2 years ago dahil gusto talagang patayin no'ng kriminal ang kaibigan ni LJ.

Nag ugat daw lahat 'yon no'ng nag pakamatay ang isa sa mga kaklase dati ni LJ at no'ng kaibigan niya.

Nasa kulungan na 'tong lalaking nasa article no'ng nag pakamatay ang kapatid niya at after 3 years nang lumaya ay binalikan niya ang mga dahilan kung bakit nag pakamatay ang kapatid niya.

Seriously? 17 years old ang babalikan niya?

Nalaman lang ni LJ ang bagay na 'yon nang muntik ng ma kidnap ang kaibigan niya, gumawa agad ng paraan si LJ para maprotektahan ang kaibigan niya.

Si LJ na ngayon ang pakay no'ng kriminal dahil siya ang bumubulilyaso sa mga lakad niya para gumanti sa kaibigan ni LJ.

Naka patay ang lalaking 'yon, isang lalaki na mukhang gwardiya ata o kung ano mang klaseng pang uniform 'yon basta pang gwardiya at hanggang ngayon wala pa ring hustisya sa pagkamatay no'ng lalaking 'yon.

"Oh gosh.. ayoko pang mag mukhang stalker"

Napa singhal nalang ako nang maisip ko 'yon

"Stupid, why would you let yourself look stalker"

Inismiran niya ako

"This is your stupid idea"

"Naaah.. let me correct it, it's Lexie's idea but we played and you lose"

Last year nagkaroon kami ng meeting, first time in history na sana na nag karoon kami ng meeting na seryoso. Sinabi ni LJ na kailangang may mag babantay sa kaibigan niya kapag nagkaroon nanaman ng lead na bumalik yung kriminal. Matunog na rin sa mga pulis ang pangalan ng kriminal na 'yon.

"Can't Tristan do it?"

"Tsk.. you know how much Fana means to LJ. She won't let your womanizer cousin fool her innocent best friend"

Fana?

Ahh.. 'yan pala pangalan niya.

"Ate.."

Nag pa cute ako sa kaniya, baka sakaling talaban pa siya ng ka cute-an ko.

Tiningnan niya ako ng nakakadiring look. Kala mo naman isa akong duming tinitingnan niya.

"Mag tigil ka Yra Fistorn, nakakadiri ka. Kilabutan ka nga."

Muntik na akong mapanguso sa sinabi niya. Akala mo hindi kapatid eh.

"Hindi ko kaya mag bantay sa kaibigan ni LJ at the same time mag aral at maging officer."

"Edi tumigil ka sa pag aaral"

Hehehe.. pag kinaltukan ko ba 'to di 'to gaganti? Nangangati kamay ko sa mga advice at comments niya.

"Nuknukan ka ng ka sweetan sa katawan Mika Fistorn, nakakangilo ka"

Ngitian ko siya ng nakakauyam.

Hindi talaga ako pag bibigyan nito lalo na kapag inutos na ni LJ.

Nag asaran lang kami hanggang sa may bumukas ng pinto na wala man lang katok katok.

Agad kaming humarang sa desktop para itago ang masamang balita.

Lupaypay na umupo si LJ sa couch.

"What happen babe?"

Ako lang naman nag tatawag sa kaniya ng babe kasi wala lang trip ko lang.

Kinalabit ko si Ate para isara ang tab nang nasa computer.

Hindi naman napansin ni LJ 'yon kaya lumapit na ko sa kaniya habang shina shut down ni Ate 'yong computer.

Tumabi ako sa kaniya at saka tiningnan siya nang nakangalumbaba.

"Success"

Simpleng aniya habang naka laylay ang ulo niya sa sandalan ng upuan.

"Ha? Did you poop?"

Kunot noong tiningnan niya ako

"Stupid"

Ok?! Strike 2 na yan ah!

Bakit ba nila ako sinasabihan ng stupid?!

"Buti naman napakulong mo-"

"I miss Gab"

Simpleng aniya habang nakatingin sa taas.

Nag katinginan kami ni ate.

"Malala ka na Lex."

"Should I visit her mother in the hospital?"

Napangiwi ako. Hindi siya ganito dati, halos hindi kami maka porma ng salita sa sobrang sungit niya, mabuti nalang bumait bait siya.

"Bakit? Anong sakit ng Mama niya?"

"Sa puso"

So alam na rin niya kung anong problema ni Gab ngayon, masyado na siyang adik sa babaeng 'yon.

Itong side na 'to ang hindi namin inexpect sa kaniya lalo na ang pagiging into girl niya.

Sobrang daming mas maganda kay Rhemzo na nakilala namin pero do'n pa siya sa babaeng 'yon bumaliko.

"Help me to find a job"

Natigilan ako

"Why? Are you going to quit in our part time job?"

Umayos siya ng upo

"Nope, I need to look a job for Gab, I made her quit her job last night because of that beast in the jail. At least tomorrow or overmorrow.

May alam ba kayong pwedeng applyan?"

I don't think so.

Kung hindi nga nila ako pinasok sa part time job namin wala ring mangyayari sa buhay ko.

"Wala bang available sa Pyrocyber?"

Ang tinutukoy ni ate ay ang pinag tatrabahuan namin.

"I called but I don't want her to be a cleaner"

Bakit siya pa namimili, sana tinanong niya muna 'yong babae kung gusto niyang maging cleaner.

"Puro computer lang naman ang-"

"Ayoko"

Ang sarap ding barahin minsan netong lover girl namin eh. Sana hindi na siya nag patulong kung ganiyan lang din.

"Sa pag kakakilala ko naman kay Gab hindi siya maarte, itanong mo rin malay mo pumayag siya edi nag kakasama pa kayo sa trabaho bukod sa school."

Pwede rin pero hindi kasi nakakausap si LJ kapag nasa trabaho kami. Nasa isang glass wall room siya at mag isa siya doong nag tatrabaho, ayaw na ayaw niyang iniistorbo siya.

"Kung ayaw mo ng gano'n edi buohin mo na ulit ang team mo, ikaw boss tapos I hire mo siya at ikaw mag mando sa kaniya ng mga gagawin niya."

Pairap na sabat ko.

Alam ko namang hindi niya 'yon gagawin eh.

Pinanlakihan lang ako ng mata ni ate

"Wala ka talagang magandang dulot Yra"

Wow! Coming from my bitch sister.

I rolled my eyes at her. C'mon sister kahit pa mag pa billboard ako sa harap niya hindi niya gagawin ang sinasabi ko na bumuo ulit siya ng-

"I'm planning to do it again"

Bumagsak ata ang panga ko sa sagot niya.

What the fuck! This is really unexpected!

"Are you kidding us?"

Sumandal siya at saka nag cross arm and legs.

"Gagawin ko 'yon kapag naka hanap na ako ng mga magagaling na player at willing lumaban."

This can't be real.

"Bakit?"

"I really want CTF but you both know why I ended up giving it up. I can't lose again someone I loved."

"And now?"

Wala sa sariling tanong ko.

"Of course it's still the same but this time I'll pursue my passions, both CTF and photography, I'm just waiting for a suitable member who can fight along with me up to the end and this time no turning back"

Namamangha ang puso ko sa sinasabi niya.

Nakita namin kung paano niya nilabanan ang sakit na nararamdaman niya dahil sa mga pangarap na binitawan niya. Ngayon bumabalik na siya at walang halong biro ang mga salitang binitawan niya.

"I'll support you cous."

"Count me in babe"

Sabi ko rin

Tumingin sila sa'kin.

"Saan? Sa CTF member?"-Mika

"Sa support! Stupid!"

Natawa lang sila pareho sa'kin. Mukhang ako nanaman ang stupid dito sa'min ah? Bakit lagi nalang nila akong pinatutulungan?!

Napaka nila!


Load failed, please RETRY

Membuka kunci kumpulan bab

Indeks

Opsi Tampilan

Latar Belakang

Font

Ukuran

Komentar pada bab

Tulis ulasan Status Membaca: C6
Gagal mengirim. Silakan coba lagi
  • Kualitas penulisan
  • Stabilitas Pembaruan
  • Pengembangan Cerita
  • Desain Karakter
  • Latar Belakang Dunia

Skor total 0.0

Ulasan berhasil diposting! Baca ulasan lebih lanjut
Laporkan konten yang tidak pantas
Tip kesalahan

Laporkan penyalahgunaan

Komentar paragraf

Masuk