Unduh Aplikasi
65.78% Leaving the Campus Prince (Tagalog/Filipino) / Chapter 25: Chapter 25: Sweet Moments

Bab 25: Chapter 25: Sweet Moments

×××

Naalimpungatan ako sa ingay ng tunog ng cellphone ko.

Napakusot ako ng mata para mawala ang pagka antok ko. Umaga pa lang pero may maaga ng tumatawag sa akin sa cellphone.

Inaantok ko itong sinagot at inilagay ko ito sa tenga ko.

Hindi pa ako nakakapag salita ng biglang magsalita ang taong nasa kabilang linya.

"Good morning pangit"

Mahinahon nitong sabi. Napamulat ako ng mata sa narinig. Si Xian, napaka ganda pala ng busis niya pag umaga.

"G-good morning"

Nauutal kong sagot.

"Breakfast kana. Ayokong nagugutom ka"

Dagdag niya inabot ko sa bedside table ang salamin ko sa mata.

Napa kagat labi ako dahil sa kilig. Hindi ko mapigilan ang sarili kong kiligin.

Napaka husky ng busis nito, manly voice, 'tsaka ang mahinahon. Pakiramdam ko kausap ko ang isang anghel.

"S-sige, ikaw rin"

Nauutal kong sabi. Umaga pa lang pero namumula na ang pisngi ko.

"Puntahan kita d'yan, na miss kita agad eh"

Sabi nito dahil sa narinig ko gusto kong tumili sa kilig.

Ano bang nangyayare sa akin. Bakit agad nalang akong kinikilig?

Pero anong sabi ni Xian? Pupuntahan niya ako rito?

"P-pero--"

Hindi ko na matuloy ang sasabihin ko ng magsalita siya.

"After 10 minutes nand'yan na ako"

Sabi niya at pinutol agad ang tawag. Nakaramdam ako ng taranta kaya nagmadali akong bumangon at naligo kasi pupunta pala dito si Xian.

Buti nalang nasa vacation time sila Mom at Dad kaya okay lang na pumunta rito si Xian.

Hindi ko sinasabing ayaw ko siyang pumunta rito pero first time ko lang talaga kasi sa buong buhay ko na magpapunta ng lalaki sa bahay.

Pagkatapos kong maligo, mag ayos ng sarili bumaba agad ako para pumunta ng sala.

Ang dami kasing kalat rito dahil dito ako magdamag nanood ng Netflix kagabi tapos no'ng inantok na ako dumeretso na lamang ako sa kuwarto.

May mga junk foods pa sa table at drinks.

Bakit kasi 'di nag hire ang pamilya ko ng katulong eh marame naman kaming pera.

Napa tigil ako sa paglilinis ng sala ng marinig ko ang ingay ng doorbell sa labas.

Sigurado akong si Xian na iyon kaya nagmadali akong nag ayos ng sofa naiwan ko pa rito ang bra ko kagabi kasi mahilig akong magtanggal ng bra pag nasa bahay lang.

Pero dahil nandito si Xian s'yempre nag bra ako. Nakakahiya, kahit A cup lang ako may kahihiyan parin naman ako sa katawan.

S'yempre hindi lang kay Xian kundi sa ibang tao rin. Maliban nalang sa mga magulang ko.

Lumabas ako ng bahay para pag buksan si Xian ng gate.

Pagbukas ko tumambad ang napaka guwapo, matangkad na si Xian.

Naka black checkered na polo siya at sa loob nito ay white t-shirt. Sa pang ibaba naman black fitted jeans. Sa sapatos naka korean rubber shoes siya.

Grabe kahit simple lang ang suot niya napaka guwapo niya parin tignan. Napaka attractive rin niya sa mga suot niyang ganito.

Napa lunok ako ng laway sa tension. Hindi parin ako maka paniwala na nagka boyfriend ako na ganito ka guwapo.

"Nakatulala ka d'yan? Hindi ka maka paniwala na may guwapo kang boyfriend na katulad ko 'no"

Naka ngisi nitong sabi sa akin. Bigla ako natauhan dahil kanina pa pala ako nakatulala sa kaniya.

"Pumasok ka na nga lang dito!"

Pag kukunwari na naiinis na sabi ko sa kan'ya.

"Sungit naman. Ang aga-aga eh"

Naka simangot nitong tanong.

"S'yempre sino pa bang 'di maiinis eh ang aga mo pumunta rito. Hindi ko nga magawang mag breakfast kasi papunta kana pala dito. Nagmamadali pa tuloy akong nag-ayos sa sarili ko kahit nakakatamad"

Reklamo ko sa kaniya. Nag sasalita ako habang papasok kaming dalawa sa bahay.

"Okay lang naman sa'kin kung bumungad ka sa harap ko na amoy laway at buhaghag ang buhok. Hindi naman kita sinabihan na mag ayos"

Sabi nito sa akin at umupo na sa sofa.

Hinarap ko siya at nakatayo ako ngayon sa harap niya na naka pamewang.

"Kahit na! Ang pangit ko kaya pag bagong gising. Kaya nag ayos na talaga ako para sa'yo"

Sabi ko sa kaniya sa mataray pa na pamamaraan. Ganito kami lage mag usap ni Xian. Normal na ganito kami kung mag lambingan.

"Kahit mag ayos ka pa walang magbabago sa'yo, pangit ka parin"

Pa simpleng sabi nito at nilagay ang dalawang kamay sa magkabilang headboard ng sofa. Ang paa naman nito ay naka dekwatro. Kita mo 'to na parang siya nag mamay-ari ng bahay.

"Aba't--"

Hindi ko natuloy ang sasabihin ko ng magsalita siya.

"Pero mahal parin naman kita"

Dugtong niya sa kaniyang sinabi. Pinamulahan agad ako ng mukha.

Kinuha niya ang kamay ko at hinila ako paupo sa tabi niya.

Pero maya-maya napansin niyang walang mga tao sa paligid.

"Nasa'n nga pala ang mga parents mo kanina ko pa napapansin na walang ka tao-tao maliban sa'yo?"

Tanong nito sa akin. Sinagot ko naman agad siya.

"Nasa Vacation time ang mga parents ko. Kaya mag isa ako ngayon sa bahay"

Sagot ko sa kaniya. Lumapit siya sa akin at umakbay 'tsaka hinawakan ang kamay ko.

"Buti nalang hindi ka sumama"

Kalmado nitong tanong.

Actually gusto ng Mom at Dad ko na sumama ako sa Vacation Time nila pero ako itong umayaw kasi iniisip ko rin si Xian. Alam niyo na mas lalong nag aalala ito pag umaalis ako.

Ewan ko nga sa lalaking 'to simula ng binangongot tungkol sa'kin. Para itong mababaliw pag buma-byahe ako mag-isa na hindi siya kasama.

Pero hindi alam nila Mom at Dad na nag b-boyfriend na ako.

Gusto ko nga sabihin sa kanila pero hindi ko alam kong paano ko sasabihin. Kinakabahan rin ako.

"Bakit gusto mo ba sumama ako?"

Pang aasar ko sa kaniya tumalab naman ang sinabi ko at na aasar nga na tinignan ako ng masama gamit ang kaniyang mata.

'Di mabiro ang isang 'to.

Bigla kaming napa tigil dalawa ng malakas na tumunog ang t'yan ko. Napa hawak naman agad ako sa t'yan ko at biglang napa tingin sa kaniya.

Gusto ko lang makita kong anong reaksyon niya.

Ayon nga! Nakita kong naka tingin siya sa t'yan ko at palihim na napa mura.

"Ang sarap naman pakinggan no'n pangit. Grabe gutom na pala itong mahal ko, gusto mo ba ipagluto kita?"

Naka ngisi nitong tanong sa akin. Pinamulahan ako ng mukha.

"B-bakit marunong ka bang magluto?"

Naka taas kong kilay na tanong sa kaniya. Mas lalo siyang ngumiti at tumayo na nilapitan ako.

2 inches na ngayon ang pagitan ng mga mukha namin dalawa. Nakakaduling tuloy siyang tignan.

"Oo naman! Ipagluto pa kita araw-araw eh"

Sabi niya sa akin 'tsaka mabilis na hinalikan ang toktok ng ilong ko.

Napa hawak naman ako sa ilong ko habang sinusundan siya ng tingin na papunta ng kusina.

Pumasok siya roon kaya pumasok na rin ako.

Pa simple akong umupo sa upuan at pinagmasdan ko siyang nagsisimula ng magluto.

May suot ito ngayon na apron at focus na focus ito sa niluluto niya.

Napaisip tuloy ako sa future namin dalawa. Dahil sa mga iniisip ko hindi ko mapigilan na mapangite habang pinagmamasdan siya.

"Xian"

Tawag ko sa kaniya. Sandali niya akong tinignan habang naka awang ng kaunti ang bibig niya.

Napakagat ako ng labi dahil sa napaka pula ng labi niya.

Pero pinagpatuloy ko parin ang magsalita.

"Sa tingin mo, magtatagal ba tayo?"

Out of nowhere ko na tanong sa kaniya. Padabong niya na binitawan ang kutselyo na hawak niya dahil kasalukuyan itong nag hihiwa ng mga ingredients.

Pinatong niya ang dalawa niyang mga kamay sa table at tinignan ako ng maigi.

"Ano bang pinagsasabi mo? Bakit, may balak ka bang ewan ako?"

Tanong nito pabalik sa'kin.

"Naisip ko lang, hindi kasi ako makapaniwala"

Sagot ko sa kan'ya.

Nilapitan niya naman agad ako. Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at marahan na hinigpitan ito, inangat niya ang ulo ko at hinalikan ang labi ko.

Hindi ko iyon inaasahan kaya hindi ako makagalaw sa upuan ko sa gulat.

Sobrang bilis ng puso ko. Nararamdaman ko ang malambot at mabangong hininga ni Xian.

Bumitaw siya sa labi ko at tinignan ako.

"Huwag mo ng isipin iyon. Dahil sisiguradohin kong tayo parin huli"

Seryoso nitong sabi. Napa tingin ako sa mga mata niya at halatang hindi siya nagbibiro.

"Paano kung makakita ka ng maganda?"

Tanong ko sa kaniya. Pinisil nito ang pisnge ko dahilan ng mapaaray ako sa sakit.

"Ba't ka ba lage nagtatanong? Ilang bisis ko na iyan naririnig sa'yo ah magtiwala ka nga sa'kin! Lage mo tatandaan dumaan pa ang napakaraming magandang babae sa harapan ko ikaw at ikaw parin ang hahanapin ng puso ko. Maliwanag?"

Sabi nito. Napa simangot ako.

Sana nga totoo.

"Oo na sige na. Naniniwala na ako sa kabulahan mo. Ipagpatuloy mo na nga iyang niluluto mo kasi sobrang gutom na gutom na ako"

Reklamo ko sa kaniya. Bago siya bumalik sa ginagawa niya hinalikan mo na niya ang likod ng palad ko at ngumiti na tumingin sa akin.

"Masusunod mahal ko"

Sabi niya na kinapula ng pisnge ko.

Oo na alam ko naman na napaka cheesey ng mga salita at galaw ni Xian pero dahil napaka guwapo niya. Bagay naman ang mga pinagsasabi niya.

Nakakaasar! Lage tuloy namumula ang pisnge ko dahil sa kaniya.

Matapos magluto ni Xian 'nilapag na nito sa harap ko ang niluto niyang pagkain para sa akin.

Ang niluto niya ngayon para sa'kin ay Stir-fried vegetable omelette. Nakakatakam kainin lalo na at mahilig din ako kumain ng gulay.

Tumikim agad ako, mainit pero kaya naman sa bibig ko.

Nalasahan ko agad ang napaka sarap na lasa ng niluto niya.

"Masarap ba?"

Naka ngiti nitong tanong sa akin habang pinagmamasdan akong kumain.

Wala sa sariling tumango ako ng mabilis at sumubo ulit.

Out of nowhere kong inabot sa kan'ya ang kutsara na may pagkain dahilan ng mabigla siya at napa tingin sa akin.

Wala naman akong sinabi at hinintay lang siya na kainin iyong isusubo ko sa kaniya.

Napa iling siya at ngumiti na kinain rin ito.

"Masarap nga"

Natatawa nitong sabi habang namumula ang tenga na tinakpan ng kamay ang bibig niya.

Halatang kinikilig ito.

Ngumiti lang ako sa kan'ya at masayang kumakain.

Parang bumalik ako sa pagka bata dahil sa kinain ko. Ang sarap kasi talaga. Parang ito na ata ang isa sa mga paborito kung kainin ngayon.

Pagkatapos kong kumain dumeretso kami sa sala para manood ng Netflix. Magkatabi kami at naka akbay ngayon si Xian sa'kin.

Habang nasa gitna kami ng panonood biglang nag salita si Xian.

"Pangit, kailan ang balik ng parents mo?"

Tanong nito habang seryosong naka tingin sa pinapanood namin.

"Sa sabado pa ata"

Sagot ko. Napa lingon naman din siya bigla sa akin na parang gulat na gulat.

"So all this time ikaw lang pala mag-isa rito?!"

Hindi makapaniwalang sabi niya.

"Oo, bakit? Ano namang problema?"

Nagtatakang tanong ko sa kan'ya. Humarap siya sa akin.

"Bakit hindi mo man lang sinabi sa akin?! Sana sinamahan kita!"

Malakas na busis na sabi nito. Tinapon ko sa kan'ya ang unan at hindi makapaniwala sa sinabi niya.

"Baliw ka ba?! Ayoko nga matulog na kasama ka! Baka kung ano pang gawin mo sa'kin 'no!"

Sagot ko sa kaniya habang yakap ang sarili ko.

"Ano ka ba. Magpipigil ako para sa'yo. 'tsaka may respeto naman ako sa'yo. Huwag kang mag alala babantayan lang naman kita"

Sabi nito. Mas lalo akong nabigla.

Hindi naman mapagkakaila na lalaki rin siya. Nature na sa kanila na ganito mag isip ang mga lalaki pag may kasamang babae.

Bigla tuloy akong kinilabutan ng ma realize ko na kaming dalawa lang dito sa bahay.

Napa urong ako sa kan'ya na pinagtaka niya.

"Ano bang ginagawa mo? Wala akong gagawin sa'yo"

Nakasimangot na sabi niya.

Na realize niya rin ata ngayon ang setwasyon namin dalawa.

Bakit kasi na open pa ang topic na iyon eh. Okay na sana no'ng una!

"Basta huwag ka munang lalapit sa akin!"

Sabi ko. Mas lalo lang siyang napa simangot.

"Wala ka bang tiwala sa'kin? Lumapit ka na kasi rito!"

Pangungulit niya at bigla niya akong hinila dahilan ng natulak ko siya pahiga sa sofa, nasa ibabaw naman niya ako.

"Okay naman pala ang hitsura mo, cute"

Naka ngising sabi nito.

Hindi ako makagalaw dahil napa titig rin ako sa mukha niya.

Small face, V shaped chin, Sharp jaw, double eyelids, big/doe eyes, slim nose/high nose bridge, heart shape lips, full but red slim slips, fair skin.

Grabe napaka guwapo niya. Hindi talaga mapagkakailang maraming babae ang mapapa tingin sa kaniya at nahuhumaling sa ka guwapohan ng lalaking ito lalo na at slim body with musculature siya, prominent shoulders, at ang height nito above 1.80 meters.

Kaya tinatagurian siyang Campus Prince dati no'ng High School na ngayon ay boyfriend ko na.

Na bigla akong niyakap niya ako at bumulong sa tenga ko.

"I love you so much, pangit"

Namamaos nitong sabi. Siniksik ko nalang ang mukha ko sa liig niya dahil pakiramdam ko biglang uminit ang mukha ko sa kilig.


Load failed, please RETRY

Status Power Mingguan

Rank -- Peringkat Power
Stone -- Power stone

Membuka kunci kumpulan bab

Indeks

Opsi Tampilan

Latar Belakang

Font

Ukuran

Komentar pada bab

Tulis ulasan Status Membaca: C25
Gagal mengirim. Silakan coba lagi
  • Kualitas penulisan
  • Stabilitas Pembaruan
  • Pengembangan Cerita
  • Desain Karakter
  • Latar Belakang Dunia

Skor total 0.0

Ulasan berhasil diposting! Baca ulasan lebih lanjut
Pilih Power Stone
Rank NO.-- Peringkat Power
Stone -- Batu Daya
Laporkan konten yang tidak pantas
Tip kesalahan

Laporkan penyalahgunaan

Komentar paragraf

Masuk