Unduh Aplikasi
21.56% The Billionaire's Innocent Maid (R18/SPG) / Chapter 11: KABANATA 10

Bab 11: KABANATA 10

Ah, gusto ko nang umalis dito.

Napakagat na lang si Hera ng kaniyang labi at hindi alam ang gagawin. Nanginginig pa rin ang kaniyang katawan dahil sa takot. Hindi niya inaakala na ganoon pala kalala ang magiging reaksyon ni Lucas matapos niyang sabihin sa lalaki na hinampas niya ito ng matigas na bagay kagabi kaya siya nakatakas.

Sa totoo lang ay wala talaga siyang plano na sabihin sa lalaki ang totoo nang mag tanong ito sa kaniya kanina. Pero wala siyang nagawa kung hindi ang sabihin sa lalaki ang totoo sa takot na mapalayas nga siya ng tuluyan dahil sa kaniyang pagsisinungaling. Wala siyang pagpipilian kanina. Pakiramdam niya ay na korner siya sa isang sulok at hindi makaga ng desisyon na mag liligtas sa kaniya.

Dalawa lang ang kaniyang pagpipilian nang tanungin siya ni Lucas kanina. Una ay sasabihin niya sa lalaki ang totoo kahit na mapapatalsik siya at pangalawa ay hindi niya sasabihin ang totoo kahit na mapapatalsik siya. Kahit na ano sa dalawa ang kaniyang piliin ay isa lang naman ang kahahantungan niya, ang mapalayas sa mansyon na ito.

Pero kahit na ganoon ay umaasa pa rin si Hera na sana ay patawarin siya ng kaniyang boss kahit na alin sa dalawa ang kaniyang piliin. Pinaka-una pa lang ay hindi naman niya ginusto ang nangyari, lalo na ang paghampas sa lalaki ng isang matigas na bagay dahilan nang pagkawala ng malay nito. Hindi niya iyon ginusto, wala lang talaga siyang choice kung hindi gawin iyon dahil kapag hindi ay baka may nangyari na sa kanilang dalawa.

Akala ni Hera ay kapag sinabi niya iyon sa kaniyang Amo bilang dahilan ay hindi na siya nito papalayasin, pero laking gulat na lang ni Hera nang iba ang reaksyon ng lalaki kumpara sa reaksyon na inaasahan niya.

Ang akala ko Hera ay papatawarin siya nito pero laking gulat na lang niya nang napatayo bigla ang lalaki at madilim na tumingin sa kaniya. Galit at madilim ang mga berdeng mata nito na para bang papatayin na siya nito.

Nang makita ni Hera ang mga mata ng kaniyang Amo ay hindi niya mapigilang manginig sa takot. Hindi rin siya makahinga nang maayos dahil sa klase ng tingin na binibigay nito sa kaniya. The way he stares are making her whole body trembled and feel colds. Grabe ang naging epekto ng lalaki sa kaniya kanina na hanggang ngayon ay nanginginig pa rin ang kaniyang katawan.

Hindi niya alam kung bakit ganoon na lang ka galit ang kaniyang Amo. Hindi naman siguro ganoon ka big deal ang mahampas ng matigas na bagay sa ulo kung kasalanan mo naman kung bakit ka hinampas 'di ba?

Pakiramdam ni Hera ay mukhang nag over react si Lucas pero wala naman siyang karapatan na husgahan ito dahil lang sa naging reaksyon nito. Kung siya siguro ang amo at hinampas siya ng kaniyang kasambahay ay magagalit talaga siya. Pero may magandang rason naman siya kung bakit niya nagawa iyon kay Lucas.

Sa totoo lang ay dapat na siya ang magalit sa lalaki dahil sa ginawa nito sa kaniya. May karapatan nga rin siyang mag sumbong at sampahan ito ng kaso pero may pumipigil sa kaniya na gawin iyon. Hindi niya alam kung sa awa ba iyon o ano, pero hindi niya nakikita ang sarili na sinusumbong ang lalaki sa kinauukulan.

Kanina ay wala talaga siyang nagawa kung hindi manginig na lang sa takot. Aka niya ay sisigawan siya ng lalaki pero nang ilang minuto ang nakalipas ay umalis na lang ito bigla nang walang isang salitang binibitawan. Nakahinga talaga siya nang maluwag nang nawala na ang lalaki sa kaniyang harapin at kinuha ang pagkakataon na iyon para bumalik sa kaniyang silid at hito siya ngayon, nasa sulok ulit ng kaniyang kuwarto.

Nakaupo siya sa pinaka sulok ng silid at nakayakap sa nanginginig niyang katawan. Kahit na anong kalma niya sa kaniyang sarili ay natatakot pa rin talaga siya kahit na wala namang ginawang masama sa kaniya ang lalaki. Mga trenta minutos o higit pa ang nakalipas bago tuluyang kumalma ang kaniyang sarili.

Nang pakiramdam ni Hera na okay na siya ay tumayo na siya sa kaniyang kinauupuan at nagpunta sa kaniyang kama. Dinampot niya ang kaniyang dipindot na cell phone at dinial ang numero ni Bryle na siyang naghila sa kaniya para mapunta siya rito.

Mabigat ang dibdib na tinawagan niya ang lalaki. Mga ilang ring pa ang lumipas bago sinagot ng lalaki ang kaniyang tawag.

"Hera, I see you're calling me now." Hindi alam ni Hera kung sarkastiko ba ang tono ng boses nito o normal na mapaglaro lang. Hindi niya mawari pero wala siyang panahon para diyan. Napalunok nang paulit-ulit si Hera at binuka ang nanginginig na mga labi.

"S-sir Bryle... Tungkol po sa sinabi mo noon. Puwede po bang mag q-quit ako?" Natahimik ang kabilang linya matapos niyang sabihin ang mga katagang iyon. Sa totoo lang ay hindi talaga niya gusto na umalis dito at maghanap na naman ng trabahong mapapasukan. Kampante at okay na siya dito pero ayaw niya namang manatili sa isang lugar na walang kasiguraduhan.

Ayaw niya talagang umalis. Like sino bang gusto? Napakalaki ng sahod at kahit na siya lang mag-isa na naglilinis dito sa malaking mansyon ay okay lang sa kaniya. Siya na gumagawa ng lahat ng gawain pero hindi naman ganoon ka bigat dahil may mga gamit naman dito sa mansyon ang nakakatulong sa kaniya.

Kaya siya napilitan na sabihin ang mga salitang iyon sa lalaking nag-alok sa kaniya ng trabaho ay dahil sa kaniyang amo na si Lucas. Galit kasi ang lalaki sa kaniya dahil sa kaniyang ginawa at ayaw niya namang mag trabaho dito na galit ito sa kaniya. Nakakawalang gana at nakakadurog ng puso. Kaya imbes na hayaan ang lalaki na mas lalo itong magalit ay lulunukin niya ang kaniyang kagustuhan na manatili dito at umalis na lang.

Total ay ayaw niya namang nakikita na galit ang lalaki. Pakiramdam niya kasi ay mahihilo siya sa sobrang takot na kaniyang nararamdaman.

"Are you sure about that?" seryosong tanong sa kaniya ni Bryle kaya hindi mapigilan ni Hera mapalunok dahil sa tensyon at kaba na kaniyang nararamdaman.

"Y-yes po..." Halos bulong na lang iyon nang lumabas ito sa kaniyang bibig. Ayaw niya talagang umalis pero wala naman siyang magagawa kung galit sa kaniya ang lalaki. Sigurado siya na papalayasin din siya nito kahit na hindi ito nagsalita sa kaniya kanina. Kaya mas mabuti na mag voluntary exit na lang siya kaysa sa patalsikin siya nito. Mas masakit iyon no.

"I'm sorry about that Hera but you need to triple the salary I gave you if you wanted to terminate the contract." Parang nahulog ang puso ni Hera matapos marinig ang sinabi ng lalaki sa kaniya. Gusto niyang maniwala na nag j-joke lang ito pero walang bahid ng pakikipaglaro sa boses nito. Seryoso iyon at malamig.

Napakagat na lang siya ng kaniyang labi at pinigilan ang sarili na maiyak. Saan siya kukuha ng ganoon ka laking pera? Ang advance payment na binigay sa kaniya ay napadala na niya lahat sa kaniyang Ina noong nakaraang araw. Sigurado siya na ubos na 'yo lahat. Anong gagawin niya? Tama ba talaga ang kaniyang desisyon na umalis sa trabaho?

Ayaw naman niya talagang umalis pero ayaw niya rin naman mapalayas ni Lucas na galit. Hindi niya alam kung ano ang kaniyang gagawin sa totoo lang.

"Did something happen? Tell me, maybe I can help you." Hindi na nagdalawang isip pa si Hera at tinabi na ang kaniyang hiya sa katawan. Sinabi niya kay Bryle ang buong nangyari at tahimik lang ang lalaki at nakikinig talaga. Nang matapos na siyang magkuwento ay nagpakawala ito nang malalim na hininga.

"So that happened again huh?"

"Po?" takang sabi ni Hera nang hindi niya marinig ang sinabi ni Hera matapos siyang magkuwento sa lalaki.

"It's nothing. Don't quit your job. I'll talk to Lucas about it, it's not your fault but his so don't quit. I'll settle this mess for the both of you." Walang nagawa si Hera kung hindi ang tumango na lang. Wala rin naman siyang choice kung hindi sundin ang lalaki dahil parang amo na rin niya si Bryle.

Mukhang hindi na matutuloy ang kaniyang plano na umalis sa kaniyang trabaho at mukhang hindi rin siya mapapaalis ni Lucas dahil kay Bryle.

Napabuntong hininga na lang si Hera sa sobrang gulo ng kaniyang utak talaga. Hiniga na lang niya ang kaniyang katawan sa kama at pinikit ang mga mata. Ngayon na nakahiga siya sa kama at nakaramdam na naman siya ng pagod at antok. Mga ilang minuto mula noong humiga siya sa kaniyang kama ay nagising siya nang makaramdam ng kung ano sa kaniyang tiyan.

Mabilis na bumangon siya at halos magkadapa-dapa na nang tumakbo siya papunta sa CR ng kaniyang silid. Sumuka siya nang sumuka hanggang sa wala na siyang maisuka pa kung hindi laway na lang niya. Walang lakas na bumalik siya sa kaniyang kama pero bago pa man siya makarating ay umikot na ang kaniyang paningin. When darkness was finally pulling her down, she heard the door opened but she was too tired and dizzy to check it.

"Lucas, what did you do again? Don't you know that your maid was so scared earlier?" galit na tanong ni Bryle kay Lucas mula sa kabilang linya. Napahilot na lang si Lucas ng kaniyang sentido at hindi alam kung ano ang isasagot sa kaniyang kaibigan.

Sa totoo lang ay hindi talaga niya alam kung ano ang ginawa niya sa gabing iyon. Wala siyang maalala kaya nagtanong siya kay Hera. Pero nang sabihin sa kaniya ng babae na sinaktan siya nito kaya ito nakatakas ay bigla na lang naging blangko ang kaniyang isipan. Bumalik lahat ng mga hindi magandang alaala niya mula sa nakaraan. It makes him sick and mad at the same time.

Hindi naman niya sinasadya na takutin ang babae. Hindi rin naman siya nag-expect na sobrang bilis lang nito matakot. At ngayon ay may problema na naman na kailangan niyang ayusin. Napabuntong hininga na lang siya at nakinig na lang sa pag sesermon ng kaniyang kaibigan.

"Apologize to her or else I won't help you with your medicine anymore!" Lucas groaned and couldn't help but feel pissed. Why is this bastard so annoying and persistent today?

"Fine! Stop annoying me and get lost!" Lucas didn't give his friend another time to scold him again and immediately hang up the call. Pagod na humiga siya sa malaking couch na nasa loob ng kaniyang silid. Pinikit niya ang kaniyang mga mata at tinakpan ang mga ito gamit ang kaniyang braso.

Sobrang dami ng nangyari sa araw na ito na hindi na niya ma isa-isa ang lahat ng iyon. Masakit pa rin ang kaniyang ulo dahil sa sugat na nanggagaling sa paghampas sa kaniya ng kaniyang katulong kagabi. Sa totoo lang ay hindi naman talaga siya galit. Hindi naman kasalanan iyon ng babae kaya siya nito hinampas ng matigas na bagay. It's simply just a self defense but for Lucas, who has been abused his entire life, getting to learn that someone hurts him while he's not on himself is like a force trying to pull back all those filthypast he tried so hard to forget.

It's not Hera's fault and it seems like that woman misunderstood something. Napabuntong hininga na lang ulit si Lucas at pinilit ang sarili na bumangon. Gusto niyang magpahinga but he still needs to talk to her. Since kung hindi ay baka kung ano na naman ang gawin ng kaniyang kaibigan. It's better to be sure than sorry.

Nang makarating na siya sa harap ng kuwarto ni ay hindi na siya kumatok pa dahil hindi naman iyon nakasarado nang tuluyan. Binuksan niya iyon at nagulat siya nang tumambad sa kaniyang paningin ang nakahandalusay na si Hera.


Load failed, please RETRY

Status Power Mingguan

Rank -- Peringkat Power
Stone -- Power stone

Membuka kunci kumpulan bab

Indeks

Opsi Tampilan

Latar Belakang

Font

Ukuran

Komentar pada bab

Tulis ulasan Status Membaca: C11
Gagal mengirim. Silakan coba lagi
  • Kualitas penulisan
  • Stabilitas Pembaruan
  • Pengembangan Cerita
  • Desain Karakter
  • Latar Belakang Dunia

Skor total 0.0

Ulasan berhasil diposting! Baca ulasan lebih lanjut
Pilih Power Stone
Rank NO.-- Peringkat Power
Stone -- Batu Daya
Laporkan konten yang tidak pantas
Tip kesalahan

Laporkan penyalahgunaan

Komentar paragraf

Masuk