Unduh Aplikasi
63.49% I love you till the end, Mr. Buenavista / Chapter 40: COLD

Bab 40: COLD

Hindi maiwasan ni Zachary ang mag-isip kung ano gagawin ni Samarra sa kompanya ng kaniyang ama. Dahil siya man ay, bihira lang pumunta sa Buenavista Corporation. Napakislot pa si Zachary nang huminto si Samarra at inayos ang kaniyang kuwelyo. Napalunok siya nang malanghap niya ang mabangong hininga ni Samarra.

"What are you doing?" bulong niya sa tainga nito, kita niya ang mga empleyado na nakatingin sa kanila.

"Where is your ring?" Napatingin siya kay Samarra nakangiti ito, pero ang mata nito ay naniningkit pa rin sa inis.

Tumingin siya sa paligid at hinawakan niya ang pisngi ni Samarra at inilapit niya ang kaniyang bibig sa punong tainga nito.

"Love, hindi ko naman inaalis sa daliri ko 'yan." Pinagsiklop niya ang kamay nila at iniangat niya para makita ni Samarra na suot niya. Totoo 'yon never niyang hinubad ang singsing na nasa daliri niya.

"Very good. Mr. Buenavista."

Habang naglalakad papasok sa loob ng building maraming empleyado ang bumabati sa kanila at may ilan na yumuyuko pa. nginingitian niya pabalik at tumatango rin siya. Hindi naman siya suplado sa mga empleyado ng kaniyang ama.

"Ang suplada niya talaga," hindi nakaligtas sa pandinig ni Zachary ang sinabi ng isang empleyado habang nakatingin kay Samarra. Pansin niya rin simula kanina pa. Hindi ngumingiti si Samarra basta nakadiretso lang ang tingin nito. With her lovely and innocent appearance. She's aloof to everyone. Habang nasa loob ng elevator pansin niyang seryoso ang mukha ni Samarra.

"Jameson, anong oras ang meeting?" pagbasag ni Samarra nang katahimikan.

"Ten o'clock, Lady Summer. Nag-message si Sir Ezekiel tinatanong kung nasaan na tayo. Sabi ko nasa loob na tayo ng building. Sabi rin niya na kailangan mong pag-aralan ang isang folder regarding sa sales ng kompanya. And you have two hours para review-hin ang mga 'yon."

Hindi maiwasan ni Zachary na mapahanga kay Jameson at Samarra. Knowing na halos kaedaran lang niya ang mga ito, pero busy na agad sa kompanya. Kitang-kita niya ang pagtango ni Samarra na wari bang nag-iisip ito.

"At 'yong sa supplier pala ng wine ng hotel. Tama po kayo ng hinala mataas ang bigay nila sa atin,"

"Yeah, I know never akong magkamali. At alam mo 'yan. Wait sino nga pala ang supplier? At nakahanap ka na rin ba na puwedeng mag-supply sa atin just in case?"

"Yes, mamaya ilalagay ko sa table mo Lady Summer at 'yong iba pang kakailanganin mo."

Sa thirty-eight floor huminto ang elevator. Ramdam ni Zachary ang paghigpit na hawak ni Samarra sa kaniyang kamay.

"Are you okay?" Ramdam niya na nanlalamig ang kamay nito hindi man halata sa mukha pero alam niya kung kailan at hindi okay si Samarra.

"I'm fine, as long as you're with me." Nalaglag ang panga ni Zachary sa narinig niya kay Samarra. What the? He never thought that Samarra has this side. It's sounds gay but kinilig siya.

"Love, mamaya ka na magtulala-tulalaan d'yan. We need to hurry." Pinisil pa ni Samarra ang kaniyang kamay bago siya hinila palabas ng elevator. Damn! Ramdam niya na nagririgodon ang puso niya.

Nagpatianod na lang siya kay Samarra habang naglalakad sila sa hallway may mga empleyado na bumabati sa kanila pero katulad sa ibaba wala ni isang pinansin si Samarra. Hula ni Zachary na nasa dulo ng pasilyo ang pupuntahan nila at kung hindi siya nagkakamali ay opisina 'yon ng CAO chief administrative officer. Pero anong gagawin ni Samarra rito? Marami man katanungan sa kaniyang isipan ngunit hindi niya maisatinig 'yon.

"Oh, my gosh!" Napakunot si Samarra ng kaniyang noo nang makita ang kaniyang sekretarya na si Hazel Manalo na natulalang nakatingin kay Zachary. Kitang-kita niya ang ginawang pagtango ni Zachary sa kaniyang sekretarya, na naging dahilan na pag-hair flip nito. Hindi niya maiwasan na mapataas ang kaniya kilay. Mukhang nakalimutan ata siyang batiin ng kaniyang sekretarya. Tumikhim siya nang malakas para makuha ang atensyon nito.

"M-ma'am, g-good morning po." At bahagyang yumuko pa ito sa kaniya. She rolled her eyes.

"Ms. Manalo," aniya na agad naman itong nag-angat ng tingin.

"Ms. Manalo, may I remind you that Mr. Buenavista is my husband. So, I hope you should be a professional while I'm here. I loathe my secretary who's trying to flirt with my husband."

Binigyan ni Samarra ng diin ang salitang 'flirt' kita niya ang pamumula ng mukha nito sa pagkapahiya sa sinabi niya. Dapat lang may asawa na, kung makaharot parang hindi siya nakikita. She loathes girls who perform a cheap move.

"I'm so-"

"Enough." Itinaas ni Samarra ang isang kamay at tinaasan niya ng kilay ang sekretarya niya. Ayaw na niyang may marinig na kahit ano pa man na explanation mula rito. Tinalikuran na niya ang kaniyang sekretarya at pumasok sa opisina. Kahit si Zachary hindi na niya hinila papasok sa loob. Pagkapasok pa lang ay dumiretso na siyang umupo sa swivel chair niya at binuksan ang kaniyang desktop. Habang nakayuko si Samarra narinig niya ang pagbukas sara ng pinto. Kahit hindi niya lingunin ito alam niyang si Zachary ang sumunod sa kaniya. Narinig niyang tumikhim ito. Pero hindi niya iniangat ang tingin. Naiinis pa siya baka may masabi na naman siya na hindi maganda.

"Love."

Napapitlag si Samarra nang hawakan ni Zachary ang kaniyang kamay nakaupo na ito sa harapan niya. Sinalubong niya ang tingin nito at kitang-kita niya ang pilyong ngiti na naglalaro sa labi nito.

"What?"

"You look cute when you're jealous."

"Don't wait for me to become furious." Napahalakhak si Zachary sa sinabi niya. Ewan niya kung may nakakatawa basta sinabi niya ang totoo.

"What?" She hissed.

"Okay, I'm sorry." Itinaas na ni Zachary ang dalawang kamay tanda ng pagsuko kay Samarra. Hindi niya maintindihan ang sarili dahil sobrang saya niya. Hindi man inamin ni Samarra na nagseselos ito pero hindi rin naman itinanggi.

"Love, please don't be so rude to others, especially Dad's employees." Nagsalubong ang kilay ni Samarra sa pakikiusap ni Zachary sa kaniya. What the F? Siya pa talaga ang sasabihin na rude. Sinamaan niya ng tingin si Zachary.

"Okay, I'm sorry. I was saying lik-"

"Like, what? Is it wrong for me to say something to my secretary? She's trying to grab your attention. Now, as your wife I'm not tolerate her. She should be thanking me. Dahil hindi ko siya tinanggal agad." Ibinalik na ni Samarra ang tuon sa kaniyang ginagawa. Ramdam niya ang pagtitig ni Zachary bago ito tumayo at umupo sa may sofa. Binaliwala na rin niya ang panginginig ng kamay niya sa sobrang stress at tensyon na nararamdaman niya.

Ilang minuto rin silang hindi nag-iimikan nang dumating si Jameson na may bitbit na mga folder. Kasunod ang sekretarya niyang may dala-dalang tray. Tinaasan niya agad ito ng kilay. Ewan, nakakaramdam pa rin siya ng inis.

"Ma'am here's the agenda about the meeting." Isa-isang nilapag ni Jameson sa lamesa niya ang mga folder. Habang nagpapaliwanag si Jameson sa kaniya. Ang mata naman niya ay naka-focus sa babaing naglalagay ng kape sa lamesa kung saan nakapuwesto si Zachary. Sinalubong ni Zachary ang kaniyang tingin at bahagyang ngumiti pa ito. Inis niyang inirapan ito at ibinaling ang tingin kay Jameson. Pero honestly wala naman siyang naintindihan sa sinabi nito.


Load failed, please RETRY

Status Power Mingguan

Rank -- Peringkat Power
Stone -- Power stone

Membuka kunci kumpulan bab

Indeks

Opsi Tampilan

Latar Belakang

Font

Ukuran

Komentar pada bab

Tulis ulasan Status Membaca: C40
Gagal mengirim. Silakan coba lagi
  • Kualitas penulisan
  • Stabilitas Pembaruan
  • Pengembangan Cerita
  • Desain Karakter
  • Latar Belakang Dunia

Skor total 0.0

Ulasan berhasil diposting! Baca ulasan lebih lanjut
Pilih Power Stone
Rank NO.-- Peringkat Power
Stone -- Batu Daya
Laporkan konten yang tidak pantas
Tip kesalahan

Laporkan penyalahgunaan

Komentar paragraf

Masuk