Unduh Aplikasi
28.57% I love you till the end, Mr. Buenavista / Chapter 18: GOOD MORNING REVENGE

Bab 18: GOOD MORNING REVENGE

Iminulat ni Samarra dahan-dahan ang kaniyang mata. Tiningnan niya ang orasan na nasa gilid ng kama pasado alas otso ng gabi. Nag-inat siya bago napagpasyahan na tumayo. Wala si Zachary sa kuwarto nila kaya iniisip niya na baka nasa baba lang ito. Nang walang Zachary makita sa baba. Nagkibit-balikat siya tinungo ang kitchen nakita niya ang mga pagkain na nakalagay sa aluminum tray habang iniinit ang pagkain na pinadala sa kanila ni Mommy Lorraine sa microwave hindi maiwasan ni Samarra makaramdam ng lungkot kapag naalala ang mukha ni Ezekiel sa kasal niya kanina. Habang kumakain sinusubukan niyang tawagan si Ezekiel pero panay ang ring lang ng cellphone nito pero hindi sinasagot, nagpadala na rin siya ng mga text message hindi rin ito nagre-reply.

Nang matapos siyang kumain ay inilagay niya lang sa lababo ang plato at baso na ginamit niya. Bago napagpasyahan na magtungo sa study room na nasa baba para tawagan ang kaniyang magulang. Habang kausap ang magulang ipinaliwanag niya kung bakit biglaan ang naging desisyon nila ni Zachary, pero hindi na niya sinabi ang totoong dahilan. Ang Mommy Samantha niya kinikilig. Habang ang Daddy Frost niya hindi mabasa kung anong iniisip nito. Basta ang sabi dumalaw sila ni Zachary sa Australia. Sumang-ayon na lang siya sa mungkahi ng kaniyang ama para hindi na niya kailangan magpaliwanag. Hindi rin naman siya sigurado kung sasama sa kaniya si Zachary kung dadalaw sa Australia. Matapos niyang makausap ang magulang. Si Ezekiel naman ang sinusubukan niyang tawagan pero this time out of coverage area ang cellphone nito. Marahil pinatayan na siya ni Ezekiel ng cellphone. Kinagat ni Samarra ang pang-ibabang labi para pigilan ang kaniyang luha pero kahit anong pigil niya kusang bumagsak ng tuluyan.

Mabibigat ang paa tinungo ang hagdanan hindi niya aakalain sa isang iglap magbabago ang lahat sa kanila. Tinungo niya ang walk-in closet. Halos ang mga damit niyang dala na naiwan sa hotel ay nandito nakasalansa ng maayos. Wala siyang maisusuot na pantulog kaya kumuha na lang siya ng oversize na t-shirt ni Zachary at 'yon ang napili niyang isuot. Dahil sa pagod at puyat mabilis na nakatulog si Samarra.

Hatinggabi nang makauwi si Zachary galing siya sa Mendrez Medical Hospital. Nakatanggap kasi siya ng tawag galing sa kaniyang kaibigan na si Sean Jarem San Carlos. Anak ng isang politiko sa kanilang bayan. Ayon dito naaksidente ang isa nilang kaibigan na si Josh Primitivo Mendrez. Nang magkahiwa-hiwalay sila sa Ozem Pub Club kaya naman kahit labag sa kaniyang kalooban na iwanan si Samarra kanina, habang natutulog ay iniwan niya na lang kasi kailangan din naman siya ng kaibigan niya.

Ganoon na lang pagkunot ng noo ni Zachary nang makita ang ilaw sa kanilang kusina. Sinipat niya ang kaniyang relo pasado alas dose na ng hatinggabi.

"Gising pa si Samarra?" takang tanong niya sa kaniyang isip.

Humakbang siya papasok sa kusina ngunit walang Samarra siyang nakita kundi ang mga pagkain na nakatakip at mga hugasin na nasa lababo. Tss. Kahit kailan ang babaing 'yon tamad. Pinagkainan na lang hindi pa hinugasan. Naiiling na inimis ang mga kalat at ang mga pagkain inilagay niya sa loob ng refrigerator bago hinarap ang hugasin na mga plato. Nang masigurong maayos na ang kusina ini-off na niya ng ilaw at umakyat sa staircase patungo sa kanilang master bedroom na nasa ikalawang palapag. Bumungad sa kaniya ang madilim na kuwarto tanging sinag lang ng buwan ang nagsisilbing ilaw sa loob. Hindi na siya nag-abalang magbukas ng ilaw. Dumiretso na siya sa bathroom para maligo at tumabi kay Samarra. Ewan ba niya kung bakit hinahanap-hanap ng kaniyang katawan ang presensya ni Samarra simula nang magkatabi silang matulog. Agad niyang tinapos ang paliligo at naghanap ng maisusuot bago lumapit sa higaan. Binuksan niya ang pin light kaya kitang-kita niya si Samarra na nakadapa ang katawan at nakatagilid ang ulo nito paharap sa gawi niya. Hindi niya maiwasang mapangiti habang pinapaunan niya ang ulo nito sa kaniyang braso. Suot nito ang kaniyang t-shirt parang may kung anong humaplos sa kaniyang puso. Gaya kagabi hinapit niya ito nang husto at hinagkan ang labi at noo bago ipinikit ang mata.

Kinaumagahan pagdilat pa lang ni Zachary ng kaniyang mata sumilay ang magandang ngiti sa kaniyang labi habang nakatingin sa babaing naka-unan sa kaniyang braso. Hinawi niya ang mga hibla ng buhok na tumatabing sa inosenteng mukha nito.

"Kahit buong araw ko ata tingnan ang mukha mo habang natutulog hinding-hindi ako magsasawa," nakangiti niyang bulong sa babaing tulog na tulog sa kaniyang braso. Hinapit niya ito at pinasadig ang ulo sa kaniyang dibdib. Bahagyang gumalaw si Samarra kaya ipinikit niya agad ang mata at nakikiramdam.

May pagtataka sa mukha ni Samarra nang magmulat ng mata. Tiningnan niya ang kaniyang katabi na exaggerated ang paghilik nito.

"Tulog ba talaga ito?" wika niya habang nakatingin sa mukha ni Zachary. Inilapit niya ang mukha sa mukha nito para matitigan kung natutulog ba ito o nagpapanggap lang. Bahagyang gumalaw ang ulo nito at ibinaling sa iba. Tinusok-tusok niya ang pisngi ni Zachary.

"Huy, gising ka ba?" aniya. Ilang beses niya tinapik ang pisngi nito pero hindi ito nagmumulat ng mata.

Nagpakawala siya ng buntong-hininga kaya umupo na muna siya ng ilang minuto bago ibinaba ang paa sa sahig. Napasinghap siya nang may humigit sa kaniya pahiga uli sa higaan. Napatili siya nang malakas at nanlalaki ang mata. Nasa ibabaw niya si Zachary nakatingin sa kaniyang mata. Napalunok siya sa kanilang posisyon at sa matigas na bagay na nasa kaniyang pusod.

"Good morning," nakangiting bati nito sa kaniya. Pilit niyang hinahanap ang kaniyang boses at batiin ito pabalik ngunit tila naumid ang kaniyang dila. Naka-ilang beses pa siyang lumunok at iniwas ang tingin.

"I said. Good morning." At siniksik nito ang ulo sa kaniyang leeg.

"Ahmm, ah... I mean g-good morning," aniya.

"Hmm..." Mas lalo pa nitong siniksik ang ulo sa kaniyang leeg napakislot siya nang maramdaman niyang dumadampi-dampi ang bibig nito sa kaniyang leeg. Matagal sila ng ganoong ayos nang biglang kumulo ang kaniyang tiyan.

Natatawang tumayo si Zachary bago siya nito alalayan tumayo. "Mukhang gutom ka na, may alaga ka ba sa tiyan?" Anito at inakbayan siya nito.

Napayuko siya sa tanong ni Zachary sa kaniya, at pasimpleng sinulyapan ang digital clock na nasa gilid ng kanilang kama. Fifteen minutes before ten o'clock, kaya siguro siya nakaramdam ng gutom. Hinawakan siya ni Zachary sa kamay at panabay silang naglakad pababa ng staircase. Nasa kalagitnaan na sila ng staircase nang bigla itong huminto at humarap sa kaniya.

"My shirt suits you." Nakangiting anito at bigla na lang siyang binuhat na pa bridal style.

"'Wag kang malikot kung ayaw mong pareho tayong pulutin sa ibaba," pananaway nito sa kaniya para matigil siya sa pagkawag ng paa niya para ibaba lang siya.

Kaya wala siyang magawa kundi ikawit ang mga kamay sa leeg nito at pigil ang hininga habang bumababa sa staircase. Napadilat na lang siya ng maramadaman niya na inilapag siya nito dahan-dahan sa upuan. Nasa kitchen na sila at si Zachary naman binuksan ang ref mukhang naghahanap ito ng makakain nila.

"What do you want to eat for breakfast?" tanong ni Zachary sa kaniya habang nakatalikod. Ano nga ba? Hindi naman siya kumakain 'pag umaga. Tanging fruit juice lang at slice of apple ang kaniyang kinakain after workout. Paano niya ba sasabihin kay Zachary 'yon? Napabuntong-hininga siya bago pa siya makapagsalita nakalapit na ito sa kaniyang gilid at nakapamaywang bakas sa mukha nito ang pagkainip.

"Ah. Eh, kahit mag-fruits na lang ako," alanganin niyang sagot kay Zachary.

Humalukipkip ito at nag-squat para magpantay ang kanilang tingin. "Teka lang! Bakit pala ako ang magluluto ng kakainin natin? Hindi ba dapat ikaw ang magluto dahil ikaw ang babae?" tanong nito sa kaniya. Napakunot siya ng noo at mataman tiningnan si Zachary.

"Bakit ako magluluto? Eh, siya naman nagsabi sa Mommy nito na hindi nila kailangan ng katulong," anang niya sa kaniyang isipan.

Napangisi siya na pinagtakhan ni Zachary at napaatras pa ito nang tumayo siya at hinawakan ang pisngi nito na bahagya niyang tinapik ng ilang beses.

"Huy, lalake! Baka nakakalimutan mo, ang sinabi mo, sa magulang mo. Na hindi mo kailangan ng katulong dito dahil kaya mo naman," pagpapaalala niya kay Zachary na tila na-off guard ito sa klase ng tono niya.

"Kung ipipilit mo sa akin, na ako ang magluluto. Puwes! Mamumuti 'yang mata mo dahil hinding-hindi ako magluluto ng pagkain para sa atin." Tinalikuran na niya ito at kumuha ng isang apple sa ref at hinugasan bago kinagat. Humarap siya kay Zachary na ngayon ay masama ang tingin sa kaniya.

"What?" patay-malisya niyang tanong habang ngumunguya ng apple. Sinamaan siya ng tingin nito bago tumingala si Zachary sa kisame habang nakapamaywang tila nagpipigil ito ng galit sa kaniya.

Ano ka ngayon? Kala mo, magagawa mo ang lahat ng gusto mo? Sino ngayon ang magugutom sa ating dalawa?

Nangingiting tumalikod agad siya para matago ang pilyang ngiti sa kaniyang labi. Na ano mang oras baka bumunghalit siya ng tawa sa nakikita niya sa itsura ni Zachary.

Habang naglalakad palayo si Samarra hindi niya nakita ang masamang tingin ni Zachary sa kaniya at umiling-iling na lang.


Load failed, please RETRY

Status Power Mingguan

Rank -- Peringkat Power
Stone -- Power stone

Membuka kunci kumpulan bab

Indeks

Opsi Tampilan

Latar Belakang

Font

Ukuran

Komentar pada bab

Tulis ulasan Status Membaca: C18
Gagal mengirim. Silakan coba lagi
  • Kualitas penulisan
  • Stabilitas Pembaruan
  • Pengembangan Cerita
  • Desain Karakter
  • Latar Belakang Dunia

Skor total 0.0

Ulasan berhasil diposting! Baca ulasan lebih lanjut
Pilih Power Stone
Rank NO.-- Peringkat Power
Stone -- Batu Daya
Laporkan konten yang tidak pantas
Tip kesalahan

Laporkan penyalahgunaan

Komentar paragraf

Masuk