Unduh Aplikasi
40% Secretly Married To My Bias / Chapter 2: Her Secret Husband

Bab 2: Her Secret Husband

DASURI KIM

"Nandito na ko!" Masigla kong pahayag matapos makapasok ng aming munting bahay. Matapos kong mapagalaman na nakauwi na pala ang lalaking inaabangan ko sa tapat ng SM Entertainment agad akong kumaripas ng takbo pauwi.

Aba! Dapat lang! Ang tagal ko kaya inantay ang oras na 'to. Makikita ko na ulit ang napakagwapo n'yang mukha. Hihi.

Sinalubong ako ni Maria eonnie pagkarating ko ng sala. Anak s'ya ng mayordoma sa dati kong bahay. Simula kasi ng tumuntong ako sa edad na dise-otsyo, kinailangan ko nang bumukod sa pamilya ko. At dahil hindi naman ako marunong sa gawaing bahay. Pinasama na s'ya sa akin para daw siguraduhing mabubuhay pa ako. Haha.

Mas matanda s'ya sa akin ng apat na taon kung kaya lumaki ako na tinuring na s'yang parang tunay na ate ko.

"O' Dasuri, mabuti naman at nakauwi ka na." pahayag nito pagkakita sa akin.

"Eonnie, nand'yan na ba s'ya?" tanong ko na may pilyang ngiti sa aking mga labi. Ngumiti naman s'ya ng bahagya.

"Oo, kanina pa. Nagpapahinga lang s'ya sa kwarto n'ya."

"Ganon 'ba? Mukhang napagod s'ya sa byahe. Hmm. Akala ko pa naman makikita ko na s'ya." Huminga ko ng malalim habang bagsak ang mga balikat.

"Sige, eonnie. Akyat muna 'rin ako sa kwarto ko. Magpapalit lang ako ng damit."

Haysst. Minsan talaga hindi nangyayari ang mga gusto natin sa buhay. Kagaya na lang ngayon, umasa lang ako sa wala. Nasa ikalawang baitang na siguro ako ng hagdan nang muli kong maulinigan ang boses ni eonnie.

"Ahh, Dasuri!" Sinilip ko lang ito mula sa gilid ng aking mata.

"Natapos ko na pa lang ihanda 'yung hapunan natin. Balak ko sanang umakyat sa taas para tawagin s'ya kaya lang iaayos ko pa 'yung mesa. Okay lang 'ba kung----" Hindi ko na s'ya pinatapos pa. Nilingon ko si eoonie na may malapad na ngiti sa aking mga labi.

"Oo naman! Ako nang bahala!" humagikgik pa ako sandali bago nagmamadaling umakyat sa taas. Napailing na lang si Maria eonnie habang nakangiti.

Hulog talaga s'ya ng langit sa akin. Alam na alam n'ya kung paano ako papasayahin! Hehe. Pagka-akyat ko sa taas, inayos ko muna ang aking sarili. Hinimas-himas ko ang aking buhok sabay pagpag ng mga alikabok na dumikit sa uniporme ko. S'yempre, dapat magmukha kong maganda sa paningin n'ya. Ang tagal kaya naming hindi nagkita!

Huminga pa ko ng malalim bago kumatok ng tatlong beses sa pintong nasa aking harapan. Kasabay ng pagtunog ng pinto ang pagkabog ng dibdib ko. Wooh! Para akong hihimatayin sa kaba.

Halos sumakit na ang kamay ko sa kakakatok ay wala pa 'ring nagbubukas ng pinto. Grabe naman matulog 'yon. Daig pa si snorlax ng pokemon. Ganon 'ba talaga s'ya kapagod sa byahe? Parang ayaw na n'yang gumising. Psh!

Teka… Hindi kaya? Binangungot s'ya dahil sa sobrang pagod?!

"H-Hindi! Hindi pwede! Ayoko!" Sinunod-sunod ko muli ang pagkatok. Wala kong pakialam kung magkasugat-sugat pa ang kamay ko. Ang mahalaga mailigtas ko sa kapahamakan ang lalaking nasa kwartong ito.

Lumipas pa ang ilang segundo ngunit wala kahit anong ingay akong naririnig mula sa loob. Lalong bumibilis ang tibok ng puso ko. "A-Ano nang gagawin ko?! Paano ko bubuksan ang pintong 'ito?!"

Aligaga akong umiisip ng solusyon. Hanggang sa maalala ko ang isang teknik na natutunan ko sa taekwondo. Madalas din itong ginagamit sa mga palabas. Umatras ako nang bahagya mula sa pintuan. Itinaas ko ang aking mga kamay at inihanda ang aking mga paa.

Bumilang ako ng tatlo bago buong lakas na sinipa ang pinto. "Kyaaaah!!!!" Ipinikit ko pa ang aking mga mata upang hindi matakot sa sakit na pwede kong madama.

Isang malakas na galabog naman ang umalingaw-ngaw sa paligid. Para bang may isang malaking bagay ang bumagsak sa sahig. Unti-unti kong muling iminulat ang aking mga mata.

"SH*T! SH*T!"

Isang lalaking namimilipit sa sahig ang bumungad sa akin. Namilog ang aking singkit na mga mata nang mapagtanto kung sino ito.

"K-KAI? OMO! KAI!!" Agad ko s'yang nilapitan upang tulungan.

"ARGH! SH*T! SH*T!" Patuloy ito sa pagmumura habang hindi malaman kung anong pwesto ba gagawin upang mabawasan ang sakit na nararadaman.

"Sorry! 'Di ko naman sinsadyang sipain ka sa... uh... ano… dyan sa ano.." Paano ko 'ba sasabihin na di ko sinasadyang sipain s'ya sa kinabukasan ng lahi namin? Este n'ya pala? Enebe!

Napahinto ako sa pagiging aligaga at napatulala nang mapansin ang kabuuan ni Kai. Nakatapis lang kasi ito ng tuwalya sa pang-ibaba nitong katawan. Habang kitang-kita ko ang kulay tsokolate n'yang six pack abs.

Errr.. bakit po ang sarap n'yang pagmasdan? Hihi.

Iniangat ko ang aking kanang kamay at dahan-dahang inabot iyon. Buong akala ko'y maabot ko na ang laman ng aking mga dasal, at minimithi kong pangarap. Ngunit sa huling segundo ay huminto sa paggalaw ang lalaking nasa harapan ko. Sinalubong n'ya ang mga mata ko habang sinasabi ang mga katagang…

"What the hell are you doing?"

Agad naman akong natauhan. Binawi ko ang aking kamay at tumayo nang maayos. Nakakahiya! Nakita n'ya kaya 'yung ginawa ko? Paano kung isipin n'yang ang manyakis ko? Argggh! Baka i-divorce na n'ya ko! 'Wag naman po sana. Huhu.

Tumayo na rin si Kai upang harapin ako. Sinubukan ko pa s'yang muling sulyapan ngunit napabawi rin agad ako ng tingin. Magkasalubong na naman kasi ang mga kilay nito. Lagot! Mukhang badtrip na naman s'ya sa akin.

"Bakit ka ba kasi nandito?!" naiirita nitong pahayag habang inaayos ang pagkakalagay ng tuwalya sa beywang n'ya.

"A-Ano kasi… si Maria eonnie.. i-inutusan ako na tawagin ka. Kakain na daw tayo ng hapunan." Nakayuko kong sagot. Mukha kasing galit na galit s'ya. Hindi ko tuloy s'ya magawang tignan nang diretsyo sa mata.

"Tss." Narinig ko naman ang pagdaing nito bago itulak ang pinto ng kwarto n'ya. Wala tuloy akong nagawa kung hindi umatras na lang upang hindi maipit sa pagsara.

Haaayst! Eto na naman po kami. Coooold Treatment!! May ginawa man ako o wala sa kanya? Napakacold n'ya pa 'rin sa akin. Hindi ko tuloy maiwasang mapaisip.

Ayaw n'ya ba sa akin?

"Asawa mo kaya ako." Bulong ko sabay mahinang sinipa ang pinto nito.

Yes. Yes. And Yes! Asawa ko po si KIM JONG IN o mas kilala sa stage name na KAI. Ang main dancer ng grupong EXO-K. 'Yun nga lang hindi ko feel. Halata naman siguro kung bakit di 'ba?

Isang malalim na buntong hininga ang aking pinakawalan bago umalis sa tapat ng kanyang pintuan. Mas pinili kong pumasok na sa aking kwarto at magpalit ng damit. Hanggang ngayon napapaisip pa rin ako… maswerte nga 'ba ko sa sitwasyon na ito?

"Sinungitan ka na naman ba n'ya?" bungad sa akin ni Maria eonnie matapos kong makarating ng kusina. Napansin n'ya siguro ang pagsimangot ko.

"Lagi naman e. May bago 'ba don?" sagot ko bago maupo sa isa sa mga silya. Napabuntong-hininga pa ito bago muling magsalita.

"Intindihin mo na lamang. Napagod siguro sa byahe." Hindi ako sumagot. Mas pinili ko na lamang ang manahimik. Wala naman kasi ako magagawa kung hindi ang palagi s'yang intindihin. Hmm.

"O' Kai, buti bumaba ka na. Pumwesto kana dito nang makakain na tayo." Itinuro ni eonni 'yung silya sa tabi ko.

"Sige, Salamat noona." Sinunod naman s'ya ni Kai at naupo sa tabi ko. Hindi ko s'ya pinansin. Itinuon ko lamang sa pagkain ang atensyon ko. Bahala s'ya d'yan. Basta nagtatampo ako sa kanya. Hmp!

Namutawi ang katahimikan sa paligid. Mukhang nararamdaman din ni Kai na naiinis ako sa kanya. Dati kasi lagi ko s'yang kinukulit ng mga tanong kahit pa, hindi naman s'ya sumasagot ng maayos.

Ang totoo n'yan, gusto naman talagang magsalita. Ang dami ko kayang tanong tungkol sa three months concert nila sa labas ng Korea. Nag-enjoy ba s'ya? Sobrang busy 'ba n'ya kaya hindi n'ya nirereplyan ang kahit isa sa mga message ko? Na-miss ba n'ya ko?

Kasi ako… sobra ko s'yang namiss. Kaya nga nalulungkot ako na sa muli naming pagkikita. Sinusungitan na naman n'ya ako. Huhu.

"Oo nga pala, babalik na ko sa dorm kasama ang mga kagrupo ko. Dumaan lang ako dito para kuhain 'yung iba pang natitira kong gamit." Basag ni Kai sa katahimikan.

Agad naman akong napahinto sa pagkain. Iniangat ko ang aking ulo at nagmamadali s'yang nilingon.

"A-Ano? Pero… bakit?" Kakalipat nga lang namin dito sa bahay bago s'ya lumipad sa ibang bansa para magconcert tapos iiwan na n'ya agad ako? Hindi ko pa nga s'ya nakakasama nang matagal.

Pilit kong pinipigilan ang pagtulo ng luha sa aking mga mata. Bakit naman ganon? Bakit nagdecide s'ya na hindi man lang ako tinatanong? Asawa n'ya ko di 'ba?

"Tapos na ang isang buwan na ibinigay sa akin ng management para payagan akong umuwi dito sa bahay. Wala na 'rin akong maisip na dahilan upang mapapayag silang ma-extend pa 'yon. Mas maganda na 'rin siguro 'yung ganito para makapagfocus ako sa pagpapraktis. Nalalapit na naman kasi ang comeback namin."

Naman eh! Kailangan ba talaga 'yon? Sabagay, ganon naman talaga ang mga idols. Sama-sama sa iisang bahay. Yumuko na lang ako at nagpatuloy sa pagkain. Mukhang imposible na talagang mapalapit kami sa isa't-isa.

"Papasyal pa 'rin naman ako dito." Napaangat muli ang aking ulo matapos marinig ang sinabi ni Kai. Tama 'ba 'yung narinig ko? Talaga bang magkikita pa 'rin kami?

"Hindi ko lang masabi kung kailan. Pero gagawa ako ng paraan para mabisita ka." Napalitan ng ngiti ang pagsimangot ko kanina. Huminto naman si Kai sa pagkain at tinitigan ako sa mata.

Omo! Kinikilig ako. HAHA.

"Kaya sana wag mo nang sabihin kila mama at papa ang tungkol dito." Pagpapatuloy pa n'ya. Kumurap-kurap naman ang aking mata habang nakikipagtitigan sa kanya.

"Kaninong mama at papa? Yung sayo ba.. o yung sa akin?" inosente kong pahayag.

Kumunot ang noo nito na parang hindi makapaniwala sa kanyang narinig. Naulinigan ko pa ang mahinang pagtawan ni eonnie sa tabi. Bakit? May mali ba sa sinabi ko?

"Both." Simpleng sagot nito.

Tumango-tango lamang ako habang nakangiti sa kanya. Haysst! Hindi ko talaga magawang magalit ng matagal kay Kai. 'Yung tipong kausapin n'ya lang ako. Kahit hindi pa s'ya nagso-sorry, napatawad ko na s'ya agad! Ganon ko s'ya kamahal!

Naalala ko tuloy 'yung unang beses kaming nagkita ng personal. 'Yung pinagmulan ng lahat. 'Yung dahilan kung bakit ako naging MRS. KIM.

"Ma, sa'an ba tayo pupunta? Bakit kailangan nakaayos pa ko?" Kasalukuyan kaming nasa loob ng kotse ni mama. Pinagsuot pa n'ya ko ng magarang damit dahil may importanteng tao daw kaming haharapin.

"Naaalala mo pa 'ba 'yung kinwento ko sa'yo dati na ex namin ng daddy mo?" Sinubukan kong alalahanin 'yung mga taong tinutukoy n'ya.

"Sino? Yung bf at gf nyo dati ni daddy pero nung bumaliktad si earth, nagkapalit-palit kayo ng partner at kayo ni daddy ang nagkatuluyan?" Alam ko 'yon . 'Yon yung love story ek ek daw nila.

"Sila nga.." Naunang bumaba si mama ng kotse pagkarating naming sa isang five-star restaurant. Agad ko naman s'yang sinundan

"Pero ma.. ano konek nun?" pahabol kong tanong bago kami tuluyang pumasok sa loob.

"Sila ang pinuntahan natin dito. Pati na yung anak nila." Ohh.. may anak na rin pala yung mga 'yon. Akalain mo 'yon?

Huminto kami ni mama sa tapat ng isang mesa kung saan nakapwesto na si papa kasama ang mga taong tinutukoy n'ya kanina. Bumeso muna si mama sa kanila bago umupo

"Ayan na ba yung anak mo mare? She's beautiful as expected." sabi nung magandang babae sa kabilang bahagi ng mesa.

"Ay, Salamat po." Ako na sumagot maganda daw kasi ako eh. Hehe.

"Just call me tita or mama. Haha." Tuwang-tuwang sabi nung magandang babae.

"Eh? Kabit po ba kayo ni daddy?" inosente kong tanong.

Napataas naman ang boses nung magandang babae. "WHAT?!" Bakas sa mukha n'ya ang sobrang pagkagulat dahil sa sinabi ko.

"Dasuri, what are you talking about?" saway sa akin ni mama bago ituon ang atensyon sa babaeng nasa harap n'ya. "I'm sorry mare, nagpapatawa lang itong anak ko."

"Ahh.. nakakatawa naman. Haha. Diba honey?" tanong nung magandang babae sa katabi nyang lalaki. Asawa nya ata? Kung asawa n'ya 'yon. Bakit gusto n'ya pang tawagin ko syang mama? Ang gulo. Nahihilo na tuloy ako.

"Maupo kana." Utos naman sa akin ni daddy.

Hindi kaya ko nagbibiro. Kainis! Bakit kasi gusto n'yang tawagin ko syang mama tapos hindi naman pala s'ya kabit ni daddy. Sila 'tong magulo tapos sa akin sila maiinis. Asar ah! Umupo na lang tuloy ako sa tabi ni mama gaya nang utos sa akin. Pero muli akong nagulat nang mapansin ang lalaking nakaupo sa harap ko.

Hindi tugma ang porma nito para sa isang pormal restaurant na kinaroroonan namin. Itim na t-shirt, ripped jeans at rubber shoes lamang suot-suot n'ya ngunit kapansin-pansin pa 'rin ang taglay n'yang kagwapuhan. Woah! Hindi ko mapigilang mapanganga.

"Did you know that staring at people are bad habits?" puna n'ya sa paraan ng pagtitig na ginagawa ko sa kanya.

"S-sorry!" Paghingi ko naman agad ng tawad.

"May problema ba?" tanong ni mama nang mapansin ang pagkabigla ko. Umiling-iling ako bilang sagot. Hindi ko pa 'rin kasi magawang magsalita dahil sa gulat.

"O' Dasuri iha, This is my son…" pagpapakilala ng kabit este ex ni daddy sa lalaking katabi n'ya.

"Kim Jong-In.." bulong ko naman habang nakatitig dito.

"Wow. Mukhang kilala mo s'ya?" namamanghang pahayag ni tita.

"Opo ma'am, este mama. Ay tita pala." Nahihiya kong sagot. Idol kaya yung anak n'ya paanong di ko makikilala?

"That's good. Since kilala mo na pala s'ya. Wala na tayong rason para patagalin pa ang kasal." Singit naman ni tito.

Halos maibuga ko naman 'yung tubig na iniinom ko. "ANO? K-KASAL?!" sigaw ko matapos tumayo sa aking kinauupuan.

"Huminahon ka." Bulong ni daddy. Sinunod ko naman s'ya at bumalik sa silya ko.

Nakakaloka naman kasi 'yung mga pinagsasabi nila. Ako daw ikakasal? At sa bias ko pa?!

"Sorry po. Ano po ulit iyong sinabi nyo? Medyo nabingi po kasi ako sa parte ng kasal." Pilit kong pinapakalma 'yung dibdib kong sobrang bilis ng tibok.

"Tss." - Kai

"Ahh. Sige. Babagalan ko para sa iyo. Ang anak kong si Jong-in, s'ya ang mapapangasawa mo." Tatayo pa lang sana ulit ako nang pigilan ako ni Daddy.

"Wag kanang sumigaw. Pangalawa na yan. Oa na." Edi umupo na ulit ako. Panira ng moment itong si daddy. KJ. Psh!

Tinitigan ko na lang muli si Kai. Tahimik lang s'ya sa tabi at halatang walang paki alam sa pinaguusapan ng mga magulang namin.

Pero seryoso, talaga bang ang lalaking ito… ang magiging asawa ko?!


PERTIMBANGAN PENCIPTA
Bunny_x_x_x Bunny_x_x_x

Have some idea about my story? Comment it and let me know.

Load failed, please RETRY

Status Power Mingguan

Rank -- Peringkat Power
Stone -- Power stone

Membuka kunci kumpulan bab

Indeks

Opsi Tampilan

Latar Belakang

Font

Ukuran

Komentar pada bab

Tulis ulasan Status Membaca: C2
Gagal mengirim. Silakan coba lagi
  • Kualitas penulisan
  • Stabilitas Pembaruan
  • Pengembangan Cerita
  • Desain Karakter
  • Latar Belakang Dunia

Skor total 0.0

Ulasan berhasil diposting! Baca ulasan lebih lanjut
Pilih Power Stone
Rank NO.-- Peringkat Power
Stone -- Batu Daya
Laporkan konten yang tidak pantas
Tip kesalahan

Laporkan penyalahgunaan

Komentar paragraf

Masuk