Nang idilat ni Skyler ang kanyang mga mata ay naramdaman niyang hindi solido at hindi rin kalmado ang Battle Qi niya sa katawan pati na rin ang kanyang martial spirit kay parang isang leon na nagwawala at paikot ikot ito at hindi mapalagay.
Alam niya na naninibago ang katawan niya sa bago nitong kapangyahiran at kailangan niya itong pakalmahin.Kaya naghanap siya ng isang lugar na pwde siyang mag meditate upang kumalma ito. Mahigit isang oras ng naglakakad si skyler upang maghanap ng ligtas na lugar para makapagsanay.
May nakikita itong mga kwebang maaring tunguhin. Ngunit karamihan sa mga ito ay mayroong nakatirang magical beast o di naman kaya ay masyado itong mababaw at madali siyang makikita ng iba. Ilang kilometro na rin ang kanyang nalakad nang sa wakas ay nakahanap ito ng isang biyak na burol at tamang tama ang lalim nito.
"Ayun! Tamang tama ito."
Nung nakapasok siya sa kweba ay agad siyang umupo at pumikit para kontrolin at pakalmahin ang kapangyarihan sa kanyang katawan.Habang ang pusa naman ay nakatingin lang sa kanya na para bang binabantayan siya nito.Lumipas ang isang araw ay hindi pa rin ito dumidilat.Hanggang sa Lumipas ang dalawang linggo,tatlo at umabot na nga ng isang buwan.
Dalawang buwan ang mabilis na lumipas ay makikitang may tatlong kabataan na nasa edad 10-14 ang nagawi sa parte ng kagubatang iyun.Naroon sila upang magsanay din. Halata sa mga suot ng mga batang ito na hindi sila mula sa ordinaryong pamilya lamang.
Gawa sa mamahaling tela ang mga kasuotan ng mga ito at mataas na kalidad naman ang kanilang mga hawak na sandata. Gayun paman ay hindi pa rin masasabing malalakas ang mga bagong dating.
Papasok sana sila sa kuweba kung saan nagsasanay si Skyler ng -
"Sandali lang Wei"pigil ng nakakatanda sa tatlo.
Agad namang napatigil ang dalawa nitong mga kasama.
"Pakiramdaman niyo ang paligid ng kweba,napakataas ng qi ngunit imposibleng wala man lang magical beast sa paligid."wika nito.
"Tama ka Ran mabigat ang paligid baka may immortal na nagsasanay sa loob o isang malakas ng magical beast."pagsang ayun naman ng nag iisang babae na kasama nila.
------
Pagkalipas ng 2 buwan ay sa wakas natapos ng pakalmahin ni skyler ang kanyang bagong kapangyarihan kahit ang kanyang martial spirit ay kalmado na rin. Ngunit ganun pa man ay hindi niya pa rin alam kung ano ang silbi nito.Alam lang ni skyler ay may nararamdaman siyang isang malakas na kapangyarihan na nagmumula sa kanyang martial spirit.
"Huh?"nagulat si Skyler sa nakita niya sa piligid nagkalat ang mga buto ng mga magical beast
"Ikaw ba ang may gawa nyan kuting?"napangiti si Skyler sa ginawa ng kaibigan niya alam nya kasing binantayan sa nito nung nasa meditasyon siya.
Hindi lang pagkontrol ang natutunan ni Skyler sa dalawang buwan niyang pagsasanay sinubukan niya ring gamitin ang mga kayamanang nasa loob ng storage ring na ibinigay ng matandang immortal sa kanya.Pero sa kasamaang palad ang hindi niya pa magamit kahit ano mang mga sandata duon sa kadahilanang mababa pa ang kanyang cultivation rank.Pero may iilang mga technique siyang natutunan.Nasa bunganga na nang kweba si Skyler ng makita niya ang tatlong bata,nagulat pa ang mga ito ng makita siya.
"Ran tingnan mo."nanginginig na sabi ni Xue.
Nagitla si ran sa nakita niya isang nakakakilabot na aura ang naramdaman nito mula sa batang palabas ng kweba.Kaya agad itong nagkaroon ng maling akala at agarang lumuhod.
"Immortal patawarin mo kami hindi po namin sadyang maabala sa pagsasanay mo."nagpapatirapang pakiusap ni Ran ang pinakamatanda sa grupo.Sumunod na rin ang dalawa at nagmakaawa kay Skyler na wag silang saktan..
Natatawa naman si Skyler sa nasaksihan niya.
"Ako bang ang tinutukoy niyo?"natatawang tanong ni Tian.
"Nandito lang din ako para magsanay"dagdag pa nito. "Tsaka hindi ako immortal,mas mataas pa nga ang inyong antas kumpara sa akin."
"Eh kung hindi ka immortal bakit ang bigat ng aura mo at yung hitsura mo parang ilang daang taon kanang nasa seclusion sa kweba."si wei ang pinakabata.
Ito rin ang naisip ng dalawa nitong kasama,ngunit nang kanilang pinakiramdaman ang antas ng lakas nito ay tama nga ito nasa foundation rank lang din ito.Pero nagtataka pa rin sila kung bakit nakakatakot ang aura na nagmumula dito.
Naguluhan si Skyler sa sinabi ng kaharap kaya sinuri niya ang kanyang sarili at nagulat siya dahil totoo ngang mabigat ang kanyang aura kaya mabilis na itong itinago.Naguluhan din siya kung bakit ganun siya kalakas ganung nasa mababang antas lang siya ng Foundation rank.
Nang kumalma na ang lahat ay nagpakilala ang tatlo.Sila ay mula sa Flying Sword sect mula sa kaharian ng Hurrian .Ito ay sa kabilang ibayo ng kagubatan.Hindi na nila kailangan pang ipaliwanag kung saan ang kahariang ito dahil kilala ang Hurrian sa buong emperyo.Nakababatang kapatid kasi ng emperador ang hari doon.
"Ako nga pala si Ran."pagpapakilala ng matangkad na batang lalaki.
"Ito naman si Yden at si Wei ang pinakabata sa amin nandito kami upang magsanay din."dagdag pa nito.
Nagpakilala rin si Skyler sa tatlo at dahil magkasing edad lang sila halos ay mabilis nagkapalagayan ang kanilang loob kaya napagkasunduan nila sabay na sila magsanay sa kagubatan..
Halos magkaparehas lang ng cultivation rank ang tatlo maliban kay Ran na nasa high realm foundation rank na.Nang marating nila ang kapatagan at nakasalubong nila ang isang pulutong ng mga Red horned rhino nasa 30 ang bilang nila.
"Ran tingnan mo?"saad ni Yden.
"Ayus to..tara magsanay na tayo."excited na tugon ni ran..
Sinugod ng tatlo ang pulutong ng magical beast.Halatang sanay na sa labanan ang tatlo mabilis lang nilang npapatay ang nakakalaban nila.Hangang hanga si Skyler sa galing ng mga bago niyang kaibigan.
Bihasa si Ran sa pagamit ng espada at malinis itong umatake.Halos mahati na ang rhino kapag tinatamaan ng atake niya.Samantalang si Wei naman ay sa pagamit ng pana at palaso.Samantalang si Yden sa pagamit ng kutsilyo bihasa napaka asintado ng mga ito.Hindi na sumali sa labanan si Skyler,hinayaan niya na lang ang tatlo dahil kayang kaya naman nila ito.Naaliw rin siya habang nanonood dahil ngayon lang siya nasaksi ng ganito sa buong buhay niya.
May biglang sumugod na red horned rhino patungo kay Skyler pero tinitigan niya lang ito at biglang nag iba ito ng direksyon na tila.ba nakakita ng isang mas mabangis na halimaw kaya biglang umiwas.Nakita ito ni ran pero dahil abala ito sa pakikipaglaban ay binalewala niya na lang ito.Makalipas lang ang 30minuto ay walang natirang buhay ni isa man sa kanilang kalaban.
"Wow..ang lalakas niyo pala."
"Hahaha syempre para saan pa't disipolo kami ng Flying Sword sect."may pagmamalaki pang sagot ni Yden.
------
Nagpatuloy ang apat sa paglalakbay nila sa loob ng kagubatan.Marami na rin silang nasasalubong na mga halimaw pero karamihan ay iniiwasan na nila ito dahil masyado itong mga mahihina o di kaya ay pagod na sila maliban nalang kung ang mga halimaw na ito ang unang aatake tulad na lang Dark Tiger na kaharap nila ngayon.
"Mukhang mapapalaban tayo ngayon,malakas ang isang yan."magpag aalalang sambit ni Ran.Simula kasi ng magsama silang apat siya na ang tumatayong lider nila dahil siya ang pinakamatanda.
"Anong gagawin natin ran,tatakbo ba tayo?"si Wei.
"Kahit tumakbo tayo maabutan pa rin tayo ng halimaw na yan mabibilis silang kumilos."sabat naman ni Skyler."Ako ng bahala dito kaya ko na to"
"Ano?nababaliw kana ba Skyler malakas ang isang yan."may pag aalalang pagtutol ni Yden.Pero hinawakan lang siya sa balikat na parang bang sinasabi nito na hayaan nalang nila si Skyler.
Biglang sinunggaban ng tigre si Skyler pero mabilis itong nakailag at tumalon sa ibabaw nito.Nais nitong subukan ang bago nitong kapangyarihan at nagpakawala ito ng isang sipa papunta sa likod ngdark tiger.At ng tumama ito ay kalunos lunos ang sinapit ng katawan ng tigre.Lumabas ang bituka nito sa tindi ng tinamong pinsala ni hindi man lang ito maka ungol at agad binawian ng buhay.Nang masaksihan ito ng tatlo ay takot ang kanilang naramdaman.Inisip nila kung isa ba talaga itong Foundation rank,masyado itong malakas at bata pa.
Biglang na alala ni ran ang nasaksihan niya nung nilalabanan nila ang mga red horned rhino kaya pala umiwas ito nung aatakihin nito si Skyler nakaramdam ito ng takot.Instinct na kasi ng isang hayop na umiwas kapag nakakaramdam ng panganib.Saya ang naramdaman ni ran at nasambit niya na lang sa sarili na mabuti nalang at naging kaibigan nila ito.
Ding! You killed the Dark Tiger
Ding! Level up!
"Ayos!"tuwang tuwa si Skyler ng marinig ang boses.Malaki pa ang kanyang ngiti nang pabalik na siya sa mga kaibigan niya.Habang si Wei at Yden naman ay kinakabahan habang papalapit ito.
"Tao kaba talaga Skyler?o bata ka lang ba talaga?"tanong ni Yden.Ngunit tawa nalang ang sagot nito sa babae.
Muling nagpatuloy sa paglalakad ang grupo nasa unahan sina Ran at Skyler habang ang dalawa ay nasa likuran at nakatitig pa rin kay Skyler.Isa pang nahihiwagaan sila ay sa kasamang pusa nito parang pamilyar sa kanya ang alaga nito pero di lang nila matandaan kung saan niila ito nakita.
Maya maya pa ay biglang huminto sa paglalakad si Skyler.
"Anong problema Skyler?"pabulong na tanong ni ran.
"May naririnig akong mga boses ng tao sa banda ron."sagot nito.Naglakad ito patungo sa boses na kanyang narinig habang nakasunod naman ang tatlo..
Nang marating na nila ang pinanggagalingan ng boses ay-
"Ran wag mong palapitin sina Wei at Yden dito."mahina pero may diin na babala nito.Pero huli na nakita na ng dalawa kung ano ang pinanggalingan ng boses.
Napasinghap si Yden ng makita ang nangyayari samantalang si Wei naman ay halos masuka.Kitang kita kasi nila sa di kalayuan ang nasa limang mga bandido na salit salitang ginagahasa ang dalawang kababaihan.Kahit anong pagmamakaawa ng mga ito sa mga bandido ay hindi ito tumitigil bagkus ay tuwang tuwa pa ito sa kababuyang ginagawa nila.Hindi pa nakontento ang mga ito at sabay pa nilang tinaga sa leed ang dalawang ka awa awang babae.
At dahil dito ay napasigaw si Yden kahit kasi sanay siya sa labanan pero mga mystical beast lang naman ang nakakalaban nila ito ang unang pagkakataon na nakakita sila ng ganun ka brutal na ginawa sa isang tao..
Nang marinig ito ng mga bandido ay naging alerto ang mga ito at nang makita ng mga ito ang apat ay para itong mga hayop na hayuk sa laman na papalit sa kanila.May apat na lalaki ang papalapit sa kanila samantalang ang isa nman kay naiwan sa bangkay ng mga babae at nakangiti pa.
"Ran umalis na kayo bilisan niyo na"utos ni Skyler.
"Pero pano ka?tara na hindi natin kaya ang mga yan nasa high realm foundation rank ang apat na yan."tarantang sagot ni Ran.Habang ang dalawa kay parang tuod nalang sa kinatatayuan nila.
"Hindi ko mapapalampas ang kahayupan nila."isang mabigat ngunit malamig na aura ang lumalabas mula sa katawan ni Skyler isang aura ng isang taong hindi na mabilang ang pinatay.
Sinalubong ni Skyler ang apat bandido na papasugod sa kanya.Habang papalapit ay nakahanda na rin ang apat para atakihin siya.Alam ng mga ito na hindi ordinaryo ang mga batang ito dahil walang mangangahas na pumasok sa gubat na ito kung wala ang mga itong kakayahan.
"Bata malas mo naman hindi kana makakaalis dito ng buhay at isusunod namin ang yung - "hindi na natapos ng isang bandido ang kanyang sasabihin dahil nahulog na sa lupa ang ulo nito.Nang makita ito ng mga kasama niya ay nabigla ang mga ito sa bilis ng atake ng batang karahap nila.
"Bata lang yan sabay sabay tayong aatake."natatakot man pero wala silang pagpipilian dahil ayaw din nilang mamatay sa kamay ng batang kalaban nila..Pero hindi paman sila nakakaporma ay natumba naman ang dalawa at biyak ang mga ulo nito.Hindi na naman nakita ng kalaban ang nangyari.
Nakaramdam na ito ng matinding takot dahil papaano iyun nagawa ng isang Foundation rank lamang.Pero ang hindi nila alam ay dahil sa Martial Spirit ni Skyler kahit ang kalaban niya ay mataas sa kanya ng isang buong ranggo ay hindi problema sa kanya.
Ding!You killed a high realm foundation rank cultivator
Ding! You killed a high realm foundation rank cultivator
Ding!You killed a high realm foundation rank cultivator
Ding! Level up.
Sunod sunod ang tunog ng system sa isip ni Skyler naabot niya na ang high realm foundation rank na katumbas ng level 10 foundation rank sa sukatan ng continenteng ito.Pero wala dito nakatuon ang kanyang pansin.
"Ikaw na ang susunod."malamig niyang sabi sa natitirang bandido.
Pero bago niya pa ito atakihin ay bigla siyang inatake ng pinuno ng mga ito.Nagpakawala ito ng malakas na sipa kaya tumilapon si Skyler mahigit sa 100 metro.Tumagos ang kanyang katawan sa bawat bato at punong kanyang tinatamaan.
"Wag kang mayabang bata,isa kalang langgam sa paningin ko."mayabang na sambit ng pinuno ng apat na bandido.Malakas ang loob nito kahit pa sa nakakagulat na lakas na ipinakita ni Skyler dahil naabot na nito ang 1level earth rank.
Ngunit nang makita niyang bumangon si Skyler na nabigla siya ng kaunti.Hindi na siya nagdalawang isip at inipon niya ang battle qi sa kanyang kamao na nagresulta ito ng pagkabuo ng kuryente sa kamao nito.Mabilis itong tumakbo pasugod sa kalaban at buong lakas na susuntukin si Skyler pero sinalubong din ni skyler ng suntok ang atake nito.
Nang magtama ang kanilang mga kamao kay lumikha ito ng napakalakas na hangin.Napaatras ang dalawa ng ilang metro.Nakaramdam si Skyler ng pamamanhid sa kanyang braso at ganun din naman ang kanyang kalaban.Subalit mas matindi ang pinsala ng pinuno ng bandido sa kanyang kumpyansya dahil papaanong nasabayan siya ng isang batang nasa foundation rank pa lamang.Kapag nalaman ito ng kanyang ibang kasama ay tiyak magiging katawatawa ito.
Sumugod naman si Skyler sa kalaban nagpakalasa ito ng isang sipa namabilis naman niyang nasangga.Halos isang oras ng nagpapalitan ng atake ang dalawa,sa simula ay pantay lamang ang mga ito pero habang tumatagal ay lumalamang na si Skyler sa palitan nila.
Nang makakita ng pagkakataon si Skyler ay,
"Yama's Wrath."halos katulad ito ng atake ng kanyang amain na si gabriel(jibril) ang kaibahan lang ay kamay niya lang kanyang gamit.
Sapul ang kanang bahagi ng katawan ng kalaban ito naman ang tumilapon at halos matanggal na ang buong braso at balikat nito sa lakas ng atake.Habang nakahiga ay tila ba naguguluhan pa rin ito kung papaanong nakagamit ng ganoong atake ang isang foundation rank lamang.
Nang makalapit si Skyler sa kanya ay tinanong niya ito sa kanyang pangalan..
"Maari ko bang malaman ang henyong kikitil sa aking buhay?"habang nahihirapan itong huminga sa tinamong pinsala.
Pero sa halip na sagutin ni Skyler ang kanyang tanong ay bigla niyang tinapakan ng buong lakas ang ulo nito sanhi ng pagkadurog.Nagtalsikan pa ang napakaraming dugo sa paligid.
"Hindi ka karapat dapat na bigyan kahit na kaunting respeto."malamig nito tugon.
Ding! You killed a lower realm earth rank cultivator
Ding! Level up.
Napangiti lang si Skyler ng marinig niya ito.Nakatapak na siya sa Warrior rank tulad ng kanyang kuya.Nilingun niya ang natitirang bandido upang tapusin pero nakadapa ito at may malaking butas sa likod at nakita ni Skyler ang kanyang pusa na nakaupo sa tabi ng bandido habang dinidilaan ang paa na puno ng dugo.
Napasalampak na rin si Skyler sa lupa sa sobrang pagod.
"Ganito pala ang mundo ng isang adventurer."sa isip pa niya.
"Skyler okay ka lang ba?"si ran ng makalapit ito sa kanya.Kitang niya ang lahat ng pangyayari sa labanan.Hindi siya makapaniwala sa nangyaring labanan.Wala siyang masabi kundi puro paghanga sa batang nasa kanyang harapan at iyun din ang nararamdaman nila Wei at Xue.
Kahit sa sect nila na itinuturing na numero uno sa kaharian ng Chi ay walang kasing henyo ni Skyler.
-----------