THE BLITZ MARRIAGE: MARRIED AT FIRST SIGHT
Chapter 12
Sam's POV
Nandito ako sa kusina, katatapos ko lang magluto at mag-bake. For the past two days wala akong ibang ginawa kundi mahiga, matulog, manood ng tv at movies, mag-cellphone at mag-alaga kina Hikaru at Lantis.
Hindi kasi ako pinayagang gumawa ng gawaing-bahay ni Aljosh, kailangan ko daw kasi magpahinga at magpagaling. Habang siya naman ay pumapasok sa opisina n'ya.
Kaya ngayon na pwede na akong gumawa ng gawaing-bahay, nagluto ako at nag-bake. Kahit naman kasi may mga kasambahay kami eh gumagawa din ako dito sa bahay. Ayaw ko kasi ng wala akong ginagawa.
Anyway, naglalagay ako ngayon ng mga niluto ko sa lunch box. Balak ko kasing dalhan si Aljosh.
Nang matapos ako sa ginagawa ko ay agad kong kinuha ang cellphone ko at tinawagan si Travis.
Yes! May number na ako ni Travis at Aljosh. Binigay sa akin ni Aljosh para daw matatawagan ko sila anytime.
"Hello, Madam?" sabi ni Travis nang sagutin niya ang tawag ko.
"Travis, may lunch meeting ba si Aljosh?" tanong ko naman.
"Wala po, Madam."
"Great. Ahm punta ako diyan. Magdadala ako ng lunch n'yo."
"Sige po. I'm sure matutuwa si Boss. Magpapadala po ako agad ng driver para po sunduin ka."
"No need. Magpapasama na lang ako kay Mang Alfredo."
"Sige po."
"Bye." paalam ko kay Travis.
"Bye."
Pagkatapos nang tawag ay inilagay ko na sa isang bag. Pagkatapos ay nagtimpla ako ng fresh orange juice at inilagay iyon sa tumbler.
Nang matapos kong igayak ang mga dadalhin ko ay pinuntahan ko si Manang Lydia na nasa salas at naglilinis kasama ang iba pang kasambahay.
"Manang Lydia, pasabi po kay Mang Alfredo na aalis kami. Dadalhan ko po ng pagkain si Aljosh, magbibihis lang po ako." sabi ko kay Manang Lydia na napangiti sa sinabi ko.
"Kaya naman pala ang saya mo kanina sa kusina kahit mag-isa ka lang doon at ayaw mo kami patulungin." sabi ni Manang Lydia sa nanunuksong tinig.
"Manang naman."
"Sige na, magbihis ka na. Ako nang bahala magsabi sa Manong Alfredo mo." nakangiting sabi ni Manang Lydia kaya naman napapailing na lang ako na pumunta sa kwarto.
Kakapasok ko lang ng kwarto nang mag-ring ang cellphone ko, agad ko iyong kinuha sa bulsa ng short ko at sinagot ang tawag nang hindi tinitingnan kung sino ang tumatawag.
"Hello?" sabi ko habang papasok ako ng bathroom.
Maliligo ako ng mabilis. Kakahiya namang pumunta ako ng Fralanciana Empire nang amoy kusina ako.
"Mahal Ko, nasaan ka? Saan ka ba talaga lumipat? Bakit ayaw mong sabihin sa akin?"
Napataas ang isang kilay ko ng marinig ko ang tinig ni Sherwin.
"What do you want, Sherwin?" tanong ko na hindi maitago ang inis sa boses.
Hanggang ngayon hindi ako makapaniwala na ibinenta nila ako. We were in a relationship since college. I never cheat, I always support him, I do everything for him and give everything I can give.
Well, except for one thing, my virginity. Pero hindi naman 'yon sapat na dahilan para lokohin niya ako, at lalong hindi iyon sapat na dahilan para ibenta niya ako.
"Sam, I know na galit ka sa akin, sa amin ni Rina. But what happened last time was not our fault. It's a misunderstanding."
"Really?" I smirk with what he said.
"Yes. It's all Shane's doings."
"Shane?"
"Yes. She's one of the waitress at Rina's. Binayaran siya ni Fernan para lagyan ng gamot ang pagkain at inumin mo. Pagkatapos ay tinawagan niya ang kapatid mo at pinalabas na kami ang may kasalanan. Hinding-hindi namin magagawa ni Rina 'yon sa 'yo."
I tried so hard to contain my laugh. Ngayon ko lang na-realize na napakagaling palang umarte at magdahilan ni Sherwin. Kung hindi ko alam ang totoong pangyayari siguradong naniwala na ako sa mga sinasabi niya. And I guess it is one of the reason kung paano nila ako naloko nang hindi ko nahahalata sa loob ng maraming taon.
Yes, taon na nila akong niloloko, eight years to be exact. They had a relationship since we graduated from college.
Tinatanong ko nga ang sarili ko kung bakit kahit minsan hindi ako nagduda sa kanila. Sabagay magaling kasi silang umarte at magtago, plus malaki rin tiwala ko sa kanilang dalawa.
"Sam, Mahal Ko, please believe me, believe us." nagmamakaawabg sabi pa niya.
I sighed to suppress my anger.
"Okay, I'll believe you." pagsisinungaling ko.
"Thank you, Sam, for believing me, for believing us. So saan bahay mo? Puntahan ka namin ni Rina. Hangout tayo."
"Hindi ako pwede ngayon eh. May pupuntahan ako." pagdadahilan ko.
"How about tomorrow?"
"Birthday ni Mama. Alam mo naman na hindi ko kayo pwedeng isama 'di ba?"
"Then Saturday and Sunday. Weekend 'yon, wala ka sigurong lakad no'n."
"I'm not sure. Kilala mo naman sila Kuya, they will surely ask me to spend more time with them. Then by Monday and Tuesday may lakad din ako."
"Mukhang busy ang Mahal Ko ah. Hmm sa Wednesday na lang?"
Napabuntong-hininga ako. Ayaw ko sanang makita kahit sino sa kanila ni Rina, pero hindi rin naman pwedeng magdahilan ako lagi. Baka makahalata sila na iniiwasan ko sila, at iyon ang hindi dapat mangyari. Gusto ko pa kasi malaman kung hanggang saan aabot ang panloloko nila.
"Okay, Wednesday. Pwede bang 2 in the afternoon? May gagawin rin kasi ako that day."
"Sure. See you on Wednesday."
"Hmm."
"Bye." paalam niya.
"Bye." paalam ko rin.
"I lo-" hindi ko na tinapos kung anuman ang sinasabi n'ya at agad ko nang pinindot ang end button. I know that he's going to say that he loves me, but I also know that it is a lie kaya bakit ko pa papakinggan.
Ipinatong ko ang cellphone ko sa ibabaw ng kama at pagkatapos at pumunta na ako sa bathroom at naligo. Pagkatapos ko maligo I put a towel on my head at nagsuot ng bathrobe. Tapos ay pumunta na ako sa walk-in closet.
Nasabi ko na bang I really love this walk-in closet. Halata kasing pang-couple. We don't have seperate shelf for clothes, footwear and accessories. I mean kay Aljosh ang left side at akin naman ang right side. Tulad sa cabinet and drawer ng mga damit at drawer. Pag binuksan yung kabinet left side of it is mga damit ni Aljosh, yung mga nasa right side sa akin naman. Lahat naman ng nasa left na drawer kay Aljosh, sa right akin.
Ang plano ko noon eh hiwalay ang mga gamit namin, as in literal na parang may hati itong walk-in closet. Para sama-sama ang mga gamit ko at sama-sama rin ang mga gamit ni Aljosh.
But Aljosh disagree. Gusto daw kasi n'ya na tuwing kukuha siya ng gamit eh makikita n'ya na magkasama ang mga gamit namin. His exact words were:
'Gusto ko sa tuwing kukuha akong gamit eh makikita kong magkasama mga gamit natin. It will always remind me how lucky I am to met you that night and how lucky I am to be your husband. I may not love you yet, but I can say that I am attracted to you. Aaminin ko na meron akong nararamdaman para sa 'yo, and I am not sure kung ano itong nararamdaman ko. But I know that I am happy that you are with me and you are my wife.'
Sinong mag-aakala na ang paglalagay ng gamit sa walk-in closet ay mauuwi sa confession. Hindi man niya sinabing mahal na niya ako, pinaramdamn naman niya sa akin kung gaano ako kaimportante at ramdam ko ang sincerity n'ya sa bawat salitang binitawan n'ya.
Anyway, napili kong suutin ay yellow sunday dress na above the knee at flat sandals. At dahil ayaw kong makilala ako ng mga empleyado ng Fralanciana Empire, kumuha na din ako ng yellow cloth face mask at sunglass.
I don't know kung bakit nagpagawa si Aljosh ng mga cloth face mask naming dalawa, and take note kumpleto sa kulay kaya pwedeng iterno sa suot namin. Pero kahit anuman ang dahilan ni Aljosh, nagpapasalamat ako na nagpagawa siya kaya may magagamit ako ngayon.
Inilagay ko ang face mask at sunglass sa handbag ko at tapos ay lumabas na ng kwarto. Pinuntahan ko si Manang Lydia na nasa kusina na.
"Manang, aalis na po ako." paalam ko kay Manang Lydia na hinuhugusan ang mga ginamit ko sa pagluluto at pagbe-bake. "Pasensya na po at hindi ko nalinis ang mga iyan."
"Ayos lang, hija. Baka mapasma ka kung ikaw pa ang maglilinis ng mga ito. Ilang oras ka ding nagluto at nag-bake."
"Salamat po. Meron na po ba kayong nagawang grocery list at listahan ng mga kulang dito sa bahay?"
"Oo. Kakagawa ko lang kanina. Nandini pa nga sa bulsa ko at hindi ko pa naiitabi. Bukas ko bibilhin ang mga iyon." sabi ni Manang habang nagtutuyo ng kamay.
"Ako na lang po bibili. Bibili rin naman po ako ng pang-regalo kay Mama at mga kailangan ko sa pagbe-bake."
"Sigurado ka ba, hija?"
"Opo."
"Ay hala, ikaw ang bahala kung 'yan ang gusto mo. Naay ang listahan." tapos ay may kinuha syang papel na nakatupi sa bulsa ng kanyang suot na pantalon.
Kinuha ko iyon at inilagay sa handbag. Tapos ay kinuha ko na ang bag na may mga lunch boxes at tumbler.
"Alis na po ako, Manang Lydia." paalam ko ulit.
"Sige. Nasa labas na si Alfredo. Mag-iingat kayo ha."
"Opo." tapos ay lumabas na ako ng bahay at pumunta na sa kotse kung saan naghihintay si Mang Alfredo.
Travis's POV
After my phone call with Madam, inilagay ko na sa bulsa ko ang cellphone ko at tumayo na para puntahan si Sylvia, ang pinakamatagal ng secretary sa mga babaeng secretary ni Boss.
"Sylvia, ipa-cancel mo na ang lunch ni Boss."
"Are you sure? Baka ako ang mapagalitan. Alam mo namang ilang araw nang mainit ang ulo ni Boss. Ayokong makaharap ang dragon." nag-aalangang tugon ni Sylvia.
"Don't worry. Hindi magagalit si Boss sa 'yo." Aalis na sana ako nang may maalala akong sabihin. "Huwag mong hahayaang may pumasok sa office ni Boss. May pupuntahan lang ako saglit." I said at tuloy-tuloy na akong umalis.
Ramdam kong nakatitig siya sa akin habang papuntang office ni Boss. Marahil ay nagtataka siya kung bakit pina-cancel ko ang pagkain ni Boss. Alam kong gusto n'yang malaman kung bakit but I am not in the position para sabihin sa kanya ang tungkol kay Madam.
Tiningnan ko muna ang office ni Boss at sinigurado kong malinis iyon. Knowing Madam, kapag nakita niyang hindi nakaayos itong office ni Boss siguradong siya ang mag-aayos at maglilinis dito. At kapag nangyari 'yon siguradong ako ang masasabon ni Boss.
After kong i-check ang office ay bumaba na ako sa lobby. Mas maigi nang ako ang maghintay kay Madam. Baka magalit sa akin si Boss kapag hinayaan kong maghintay si Madam.
"Sir Travis, ano po ginagawa n'yo dito?" tanong ni Shane, ang bago naming receptionist.
Yes, siya si Shane na dating waitress ng Rina's. Nalaman namin na 18 years old lang siya at kaya siya nagta-trabaho sa Rina's ay para makaipon para makapag-college siya. When Boss found about it agad niyang ini-hire si Shane as receptionist and si Boss na din ang magpapa-aral sa kanya.
"Padating si Madam."
"Really? Ito na siguro yung chance ko para makapagpasalamat sa kanya."
Magsasalita na sana ako ng mahagip ng mga mata ko ang isa sa kotse ni Boss.
"She's here. Gusto mong sumama?" tanong ko kay Shane kasi nakikita kong gusto talaga niyang kausapin si Madam.
"Talaga?" paninigurado niya kaya tumango ako bago naglakad palapit kay Madam. Dali-dali naman sumunod sa akin ang excited na si Shane.
"Good morning, Madam." magalang na bati ko nang makababa si Madam sa kotse.
"Tsk. Huwag mo nga ako tawaging 'Madam', kinikilabutan ako. Tsaka ang feeling ko tuwing tinatawag mo akong non eh ang tanda-tanda ko na pero bata pa naman ako at mas matanda ka pa sa akin. I'm only 26 years old. Just call me 'Sam'. "
"Pero baka magalit si Boss."
"Hindi, ako ang bahala. Sagot kita."
Napapailing na lang ako sa pinag-uusapan namin. Pero wala pa rin ako
magagawa kundi ang pumayag na lang. Si Boss ang amo ko, pero mas dapat sundin si Madam. Dahil kung ano ang gusto ni Madam 'yon ang masusunod.
"Anyway, Sam this is Shane. Siya yung tumulong sa amin na malaman ang nangyari sa 'yo. She is now a receptionist of Fralanciana Empire." pagpapakilaa ko kay Shane.
"Yeah, nabanggit nga sa akin ni Aljosh." then she looked at Shane and smiled. "Hi, Shane, nice to meet you. I want to thank you sa ginawa mo. Kung hindi dahil sa 'yo baka kung ano na ang nangyari sa akin." pagpapasalamat ni Madam, I mean ni Sam kay Shane at niyakap pa niya ito.
"Ako nga po ang dapat magpasalamat sa inyo. Hindi lang po trabaho ang binigay n'yo sa akin, binigyan n'yo pa po ako ng scholarship. Maraming-maraming salamat po." sabi ni Shane pagkatapos siyang yakapin ni Sam.
"You deserve it. Sabi ni Aljosh matalino ka naman daw, sadyang kinulang ka lang financially kaya hindi ka makapag-college." nakangiting sabi ni Sam.
"Thank you po talaga."
"Shane, tuwing pupunta dito si Sam at wala ako ikaw ang magdadala sa kanya sa office ni Boss. Pwede mong gamitin ang elevator ni Boss basta kasama mo si Sam." sabi ko kay Shane.
"Yes, Sir Travis." sagot ni Shane habang tumatango, at pagkatapos ay hinarap niya ulit si Sam. "Thank you po ulit, Ma'am. Maiwan ko na po kayo, babalik na po ako sa pwesto ko."
"Sige." nakangiting sagot ni Sam.
"Let's go." aya ko kay Sam nang makaalis na si Shane.
Nang tumango si Sam ay pumunta na kami sa eelvator. We have four elevators, 3 ay para sa mga empleyado at ang isa naman ay kami lang dalawa ni Boss ang pwedeng gumamit, na kung tawagin ng mga empleyado eh Dragon's elevator.
Nang makasakay na kami sa Dragon's elevator ay hinayaan ko na lang si Sam na nanahimik. I can sense that she's a little nervous. Hinayaan ko lang s'ya na pakalmahin ang sarili n'ya.
Nang makarating na kami sa top floor kung nasaan ang office ni Boss ay lumabas na kami ng elevator. Agad namang inilibot ni Sam ang paningin. At nakita kong nalilito s'ya.
"May anim na secretary si Boss bukod sa akin, tatlong lalaki at talong babae. But you don't have to worry kasi ang elevator na ginamit natin ay diretso sa mismong office ni Boss. This is the receiving area, dito kinakausap ni Boss ang mga gusto siyang kausapin." sabi ko na ang tinutukoy ay ang lugar kung nasaan kami.
Meron ditong mga sofa na at center table. Tapos ay itunuro ko na din kay Sam ang mga pinto kung alin ang sa mismong office ni Boss, pantry, conference room, palabas kung nasaan ang mga secretary, comfort room at ang secret room kung saan natutulog noon si Boss kapag ginagabi s'ya dito sa opisina.
"Okay, na ako dito. You-"
"Is this what you called proposal? It's a piece of trash!" hindi natapos ni Sam ang sinasabi n'ya dahil sa narinig naming pagsigaw ni Boss.
"Is that Aljosh? Bakit galit na galit s'ya?"
"This is the third day na ganyan s'ya. May makita lang siyang konting mali nagagalit na siya. Everyone is afraid of him at ako lang talaga ang nakakalapit sa kanya." I explained.
"Why? I mean kapag umuuwi naman siya he's gentle at laging nakangiti, malambing. Hindi ko siya nakikitang galit."
"He's the one you should ask. Wala ako sa posisyon para pangunahan si Boss. I have to go. Babalik na ako sa meeting at baka pati ako eh mapagalitan."
Nang tumango si Sam ay umalis na ako. Binuksan ko ang pinto na papunta diretso sa conference room.
Albert's POV
"Is this what you called proposal? It's a piece of trash!" I shouted angrily. "I am disappointed with all of you. Paano 'to nakapasa sa mga head n'yo? Is this the quality you want for Fralanciana Empire? Gusto n'yo ba masira ang image natin. We were known for having great projects. Pero ano 'to?"
Napatigil ako sa panenermon nang pumasok si Travis. He just smiled at me bago umupo sa katabi ko. He didn't even bother to explain kung saan s'ya galing.
I was about to ask him nang mag-vibrate ang cellphone ko. Hindi ko sana iyon papansinin dahil ayaw na ayaw ko na may gumagamit ng cellphone habang may meeting, unless it's an emergency. But it should be answered outside the room. Pero nang mahagip ng mga mata ko kung sino ang tumatawag ay agad ko iyong dinampot at sinagot.
"Hello?" I answered gently.
At ramdam ko na natigilan ang mga kasama ko dito sa conference room, except for Travis na nakangiti nang nakakaloko.
"Can you please be calm? You can talk to them gently and you don't have to shout. Tell them nicely kung ano ang gusto mo at kung ano ang ayaw mo." sabi ni Sab sa tonong tila isang nanay na sinasabihan ang anak.
"Where are you?" I asked though I already have an idea where she is.
"Take a guess. Bibigyan kita ng clue. Kung nasaan man ako, rinig na rinig ko ang pagsigaw mo." she said teasingly before ending the call.
Inilagay ko ang cellphone sa bulsa ko bago hinarap ang mga kasama ko dito sa conference room.
"Meeting adjourned. Let's continue this tomorrow." sabi ko na lalo naman nilang ipinagtaka dahil I never end a meeting that way.
Pero wala na akong pakialam sa kanila at pumasok na ako sa office ko. And at the receiving area of my office, standing near the glass wall, I saw my wife looking at the view outside.
Lumapit ako sa kanya at niyakap siya mula sa likuran. Then I kissed her cheeks and then inilagay ko ang ulo ko sa balikat n'ya malapit sa kanyang leeg na naging dahilan para maamoy ko ang pinaghalong natural niyang amoy and a slight scent of sweetness that makes me feel home whenever she's near me. And I actually like her fragrance na talaga namang hinahanap-hanap ko.
"Why are you here?" I asked her gently.
"Nagluto ako kanina kaya dinalhan kita ng lunch. Nag-bake din ako ng cake para sa 'yo."
"Really?"
"Hmm." she humm while nodding.
I can't stop myself from sniffing her neck. Her fragrance always makes me feel relax. And her sweet smile always tell me that I can do anything.
Humarap s'ya sa akin at ikinawit niya ang kaniyang mga kamay sa batok ko. And then I slightly brush my nose on hers.
"Why are you mad? Ilang araw na daw mainit ang ulo mo." she asked while looking at me.
"It's nothing." I answered.
"Did I scare you?" I asked. Alam ko kasi na ngayon niya lang ako narinig na sumigaw.
"Dahil ba sa nangyari sa akin?"
I hugged her tight.
"Yeah. I can't stop myself thinking na paano kung hindi namin nakausap si Shane. Paano kung hindi kami nakarating agad? Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung may nangyaring masama sa 'yo."
Inilayo n'ya ng konti ang katawan n'ya at pagkatapos ay hinawakan ng dalawang palad niya ang aking magkabilang pisngi at tumingin sa aking mga mata.
"But you came and you saved me, at iyon ang mahalaga. You should stop thinking about those what ifs. Understand?"
Tumango ako at hindi ko napigilan ang sarili kong halikan siya sa kanyang mga labi. Pareho kaming nabigla pero wala ding namang lumayo sa amin.
Our kiss lasted for a few seconds bago ko ilayo ang mukha ko at yakapin siya na ginantihan rin niya ng yakap. It felt so magical. That is our first kiss since we got married. Maliban siyempre during the wedding.
I then kissed her hair while hugging her.
"Kain na tayo." sabi ko sa kanya pagkalipas ng ilang minuto.
We then went to the couch. Agad inilagay ni Sab ang mga dala niyang pagkain sa center table ang mga pagkaing dinala n'ya. May dala siyang sushi, carbonara, kanin, nilagang kalabaw, pork barbecue, lumpiang sariwa, at fish fillet. And for dessert may dala siyang chocolate cake, leche flan at fruit salad.
Ako naman ay kumuha ng isang pinggan at isang kutsara sa pantry. Kumuha rin ako ng pitsel at isang baso.
"Bakit isa lang?" I just smiled at her at umupo na sa katabi niya.
Isinalin ko ang laman ng tumbler sa pitsel. Tapos ay kumuha na ako ng pagkain at inilagay sa hawak kong pinggan.
"Let me feed you." I said at itinapat ko sa kaniya ang kutsarang may lamang pagkain.
Sinubukan pa niyang agawin sa akin ang kutsara but I didn't let her kaya wala siyang nagawa kundi ngumanga. After ko siyang subuan ay ako naman ang kumakain, alternate kami.
Nang matapos kaming kumain ay inilagay ko na sa center table ang pinggan. Tapos ay lumapit ako kay Sab para halikan siya. Pero nahulaan yata niya ang gagawin ko kasi tinakpan niya ng kanyang dalawang kamay ang kanyang labi.
"Tama na, nakakarami ka na."
I laugh with her statement. Totoo naman kasi, pagkatapos ko kasi siyang subuan ng pagkain eh lagi ko iyong sinusundan ng halik.
"You can't blame me. Since we got married, you have no idea kung ano'ng pagpipigil ang ginagawa ko para lang huwag kang halikan. And now that I can finally kiss you sinusulit ko lang."
"Sino naman kasing may sabing magpigil ka?" narinig kong bulong n'ya.
At dahil nakatingin ako sa kanya, kitang-kita ko nang manlaki ang kanyang mga mata. With her expression I can say na sa isip lang niya dapat sasabihin.
"A-ano.. Ahm.. I-ibog kong s-sabihin-"
I didn't let her finish kung anuman ang sasabihin niya. Kinabig ko siya, niyakap at hinalikan. At first magkalapat lang mga labi namin, but after few seconds I move my lips at tinugon naman ni Sab iyon. My arms were at her waist, and Sab's arms were at the back of my neck.
We were so engrossed in kissing that we didn't notice when the door opened.
"Awtss. Porn."
And I swear that right now I could kill a doctor even if he is my friend.
~sweetbabyrsmwx~
Starting next week every Saturday na ako mag-update... True na ito... Hindi ko na hintayin makatulog mga junakis ko para hindi ako nasisira sa promise ko.
Enjoy reading...
THE BLITZ MARRIAGE: LOVE AT FIRST SIGHT
Chapter 13
Sam's POV
Kaharap namin ngayon ni Aljosh ang mga kaibigan niya. He was holding my hand habang ako ay nakatungo lang at hindi makatingin sa kanila. Kanina pa nag-iinit ang pisngi ko kaya alam kong pulang-pula ang mukha ko.
Kanina pa pinupukol ni Aljosh ng masamang tingin si Dr. Neil, ang dahilan kung bakit ako hiyang-hiya ngayon.
'Bigla-bigla na lang kasing pumapasok kaya kung anu-ano ang nakikita.'
Nang maalala ko ang tagpong dinatnan nila kanina ay lalo akong napatungo at lalong nag-init ang magkabilang pisngi ko. Wala akong ibang hinihiling ngayon kundi ang bumuka ang lupa at lamunin ako.
Nakaupo pa rin kami ni Aljosh sa couch habang ang kanyang mga kaibigan ay nakaupo naman sa couch na nasa tapat namin. Si Dr. Neil ay nagtatago sa likod ng kaibigan nilang lalaki, si Margaux ay nakangiti lang at ang iba pa nilang kaibigan ay mahinang tumatawa.
"Tama na, hindi ko naman sinasadya eh. Hindi ko naman alam na ano eh na ano basta ano." narinig kong sabi ni Dr. Neil.
"Tsk. What are you doing here?" tanong ni Aljosh na may halong inis sa tono.
"Zoe, called me. Sinabi niya na three days ka nang mainit ang ulo. So we're here para sana ayain kang lumabas para kumalma. But I guess kalmado ka na ngayon." sagot naman ng pinakaseryoso sa kanila.
"Konti na lang Zander, I will fire that sister of yours." Aljosh said. "Lagi na lang nagsusumbong sa 'yo."
"Nah. You will never do that. You treat her like a little sister."
"Albert, ipakilala mo naman kami sa asawa mo." singit naman ng kaibigan nilang babae. "Naipakilala mo na sila Margaux at Neil, pero kami hindi pa."
Bumuntong-hininga si Aljosh tapos ay bintawan n'ya ang kamay ko at umakbay sa akin.
"This is my wife, Samantha." nahihiya man ako ay tiningnan ko ang mga kaibigan ni Aljosh.
Nandoon si Dr. Neil, si Margaux, at may kasama silang dalawang lalaki at isang babae.
"She is an accountant and you can call her Sam."
"But never call her Sab kung ayaw n'yong magalit si Albert sa inyo." nakangising dugtong ni Dr. Neil sa sinasabi ni Aljosh. Kaya naman muli na naman itong tiningnan ng masama ni Aljosh.
"I think mas maganda ang Sab. Pwede bang Sab na lang itawag namin sa kanya." tanong nang karatig ni Dr. Neil.
"No." mabilis na sagot ni Aljosh. "You can call her Samantha or Sam, but never Sab."
"Di ba, tama ako?" tumatawang sabi ni Dr. Neil.
"Ngayon lang kita nakitang ganyan, Albert. Ultimong nickname pinagdadamot mo." tumatawang sabi din ng lalaking karatig ni Dr. Neil.
"Tsk."
"Pag pasensyahan mo na ang dalawang iyan, Sam. Sadyang ganyan lang sila, mapagbiro." pagkausap sa akin ni Margaux. "Anyway, hayaan mong ako na ang magpakilala sa iba pa naming kaibigan. This is Ariane." sabi ni Margaux na hinawakan sa dalawang balikat ang karatig na babae. "She is the only daughter of Judge Sarmiento."
"Hello, Sam, nice to meet you. I heard so much about you." inilahad niya ang kamay niya para makipag-kamay na tinanggap ko naman. "Ang dami kasing naikwento sa amin nila Margaux and Neil tungkol sa 'yo." dagdag pa niya.
"N-nice to meet you, too." nahihiyang sabi ko.
"Yung karatig naman ni Neil ay si Lyndon, he's an architect." pinagpatuloy ni Margaux ang pagpapakilala nang matapos ang pagkakamay namin ni Ariane. "Sila ang tandem ni Neil sa mga kalokohan."
"Grabe naman. Parang sinabi mo na rin na puro kalokohan ang alam namin ni Pareng Neil." angal naman ni Lyndon.
"Totoo naman eh. Puro kalokohan ang alam ninyong dalawa lalo na kung magkasama kayo." sagot naman ni Ariane.
Napailing na lang si Lyndon. Tapos ay inilahad niya ang kamay.
"Nice to meet you, Sam."
"Nice to meet you din." sagot ko na inabot ang nakalahad niyang kamay sa pag-aakalang nakikipagkamay siya sa akin.
Pero laking gulat ko nang ilapit niya sa labi niya ang kamay ko.
Pero bago pa man lumapat ang labi niya sa likod ng palad ko eh nahablot na ni Aljosh ang kamay ko.
"What are you doing?" galit na wika ni Aljosh na tinawanan lang nila Lyndon at Dr. Neil.
"Relax. Gusto lang namin malaman ang gagawin mo. Tama naman hinala namin na may pagka-possessive ka." tumatawang sagot naman ni Dr. Neil kaya napailing na lang ang iba pa nilang kaibigan.
"Magseryoso nga muna kayong dalawa." saway ni Margaux sa dalawa.
Pagkatapos ay tumikhim siya at pinakilala ang isa pa nilang kaibigan.
"And last is Zandro. He's an engineer and siya rin ang pinakaseryoso sa aming magkakaibigan."
Zandro just raised his right hand at ngumiti. Na sinagot ko naman nang mahinang tango at tipid na ngiti.
Tapos ay nakarinig kami ng mahihinang katok. Kaya sila ay napatingin sa pinto at ako naman ay tumungo. Baka kasi isa iyon sa mga sekretarya ni Josh.
"Okay na ba ang lahat?" tanong nang bagong dating na nagpakunot sa aking noo dahil pamilyar sa akin ang tinig niya.
"Pasok ka, Baby Zoe, pakilala ka namin sa asawa ng Kuya Albert mo." narinig kong sabi ni Dr. Neil.
"Finally, I'm going to meet her. Mula nang malaman kong may asawa na si Kuya Albert gustong-gusto ko nang makilala asawa niya." sabi ni Zoe habang papalapit sa amin.
Nang makalapit na siya sa amin ay nag-angat ako ng mukha at parehong nanlaki ang aming mga mata ng makita ang isa't isa.
"Zoe?"
"Sam?"
Gulat at sabay naming bulalas.
"You know each other?" tanong ni Zandro.
"Obviously." maarteng sagot ni Zoe sa kapatid.
"How?"
"She is Brent's twin sister."
"Brent who?" nagtatakang tanong ni Zandro.
"My boyfriend, duh."
"What? Ano'ng boyfriend? Alam ba nila Mommy 'yan?"
"Of course alam nila. Nililigawan pa lang ako ni Brent eh kilala na nila, sa bahay ako niya ako niligawan, noh. Siya rin naghahatod at sumusundo sa akin dito mula pa nang ligawan niya ako. Madalas din siyang nasa bahay."
"Bakit hindi ko alam?"
"What do you expect? Hindi ka pumupunta sa bahay eh. Everytime na pinapauwi ka nila Mommy hindi ka umuuwi. Kung hindi ka pa namin pupuntahan sa condo mo hindi ka namin makikita. Two years nanligaw sa akin si Brent and 1 year na kami next month. During those years laging nasa bahay si Brent. Pero dahil ayaw mong umuwi hindi mo siya na-meet."
"Bakit hindi mo man lang sinabi sa akin?"
"I already did, napakaraming beses na. Tuwing sinasabi ko sa 'yo lagi mo lang sagot eh 'I want to meet him' pero kapag nasa bahay na si Brent hindi ka naman pumupunta. Hindi naman namin maisama si Brent sa condo mo kasi ayaw mong magdadala kami ng taong hindi mo kilala. Hindi ka ba nagtataka? Ikaw lang ang nagulat na may boyfriend na ako, because they all know about Brent. Ate Ariane and Ate Margaux even met him for a few times." mahabang pangangatwiran ni Zoe na nakapagpatahimik kaya Zandro.
Tapos ay naglakad siya palapit sa akin at umupo sa katabi ko.
"We were really meant to be sisters, Sam. First, you are my boyfriend's twin, then now you are Kuya Albert's wife."
"Kaya dapat simulan mo na siyang tawaging 'Ate' dahil asawa ko siya." singit nu Aljosh kaya siniko ko siya ng mahina.
"Ang awkward naman no'n. Paano kapag ikinasal na kami ni Brent?"
"What the? Akala ko ba boyfriend mo pa lang eh bakit ikakasal na kayo?"
"Kuya Zandro, relax, okay? Aaminin ko na Brent and I sometimes talk about marriage, which is normal lang sa isang relasyon. But it doesn't mean na we are already getting married. We are not ready yet. At isa pa hindi pa naman nag-po-propose si Brent. Mag-girlfriend ka na kasi at nang hindi ka ganyan."
"Pass. Mas focus ako kung paano mabibigyan ng magandang buhay sila Mommy at Daddy."
"Pero gusto nilang magkaroon ka ng sariling pamilya. Tanggap na tanggap nga nila yung manliligaw mo." tumatawang sagot ni Zoe.
"Teka, teka, chismis 'yan ah. Bakit hindi namin alam 'yan?" sabi ni Dr. Neil.
"Wala 'yon. Isa lang siyang babae na walang magawa sa buhay at ako ang napiling kulitin." sagot naman ni Zandro.
"Really? Nangungulit lang 'yon? Eh bakit ipinagluluto ka niya araw-araw ng pagkain at siya na rin ang naglilinis ng condo mo? Pero ang pinakanakakagulat you gave her a spare key."
"Tsk. Daldal mo." napipikong saad ni Zandro. "Napakakulit kasi niya. At nabubuwisit na ako sa kanya kaya we had a deal. Gagawin niya lahat ng gusto niyang gawin for 6 months. Pero after 6 months at hindi ko pa rin siya mahal o wala man lang akong nararamdaman kahit konti para sa kanya titigilan na niya ako."
"Gusto kong ma-meet ang girl na 'yan." singit ni Ariane.
"Punta kami sa condo mo next week ha." sabi ni Lyndon kaya wala nang nagawa si Zandro kundi pumayag.
Kung saan-saan napunta ang usapan. Hindi nawawala ang tawanan. At hindi rin ako binibitawan ni Aljosh. Naro'ng hawak niya ang kamay ko, or aakbayan niya ako o kaya naman ay nasa bewang ko ang kamay niya. At aaminin kong with those simple gestures kinikilig ako.
Nang mag-alas tres na ng hapon ay nagkaayaan na pupuntang mall para mag-merienda at mag-shopping. At dahil pupunta naman talaga ako sa mall, I decided na sumama na rin sa kanila.
When Aljosh found out na sasama rin ako, walang pagdadalawang-isip na inayos niya ang kanyang mga gamit. Sa bahay na lang daw niya gagawin ang mga iyon.
Kaya naman tinukso siya nila Lyndon at Dr. Neil. Dati kasi ang hirap patigilin si Aljosh sa pagtatrabaho. Kailangan pa daw nila itong puntahan at antaying matapos ang trabaho bago nila maisama. Pero ngayon ito na daw ang kusang sumasama.
Tinawagan rin ni Aljosh si Travis para isama ito at inutusang ibigay sa iba pang secretary ang maiiwang trabaho ni Zoe.
Yes, Zoe is one of Aljosh's secretary. Ayaw kasi itong payagan ni Zandro na magtrabaho sa ibang kompanya, kaya pinapili niya ito kung kaninong kompanya sa kanilang magkakaibigan gustong magtrabaho. And Zoe choses Fralanciana Empire.
At huwag na rin kayong magtaka kung bakit kasama si Travis. Kasi kung nasaan si Aljosh nandoon din si Travis. Kaya hindi na ako magtataka kung mapagkamalang may sikretong relasyon ang dalawa.
We are now here at the front yard of parents' house. Kanina pa kami dito pero hindi pa kami bumababa. Birthday ngayon ni Mama at sobrang kinakabahan ako.
Nang ipakilala ko kasi si Sherwin sa kanila noon eh hindi nila ito nagustuhan. Hindi naman nila sinabi kay Sherwin at hinarap at kinausap pa rin nila ito ng maayos. But they all talked to me privately at sinabi kung gaano nila kaayaw si Sherwin para sa akin.
Paano kung hindi din nila matanggap si Aljosh?
"If you're not ready we can just go home and meet them some other time." Aljosh suggested.
"Hindi pwedeng hindi tayo pumasok. It's Mama's birthday, hindi pwedeng wala tayo." sabi ko.
We stayed for another few minutes bago ako nag-decide na bumaba na. I was about to open the car nang pigilan ako ni Aljosh.
"Wait."
"Why?" nagtataka kong tanong pero nginitian lang ako ni Aljosh.
Kaya naman sinundan ko ng tingin bawat kilos niya.
He opened his car door, then bumaba siya at umikot papunta sa side ko tapos ay binuksan niya ang pinto at inilahad ang kamay para alalayan akong bumaba.
Sherwin never opened a car door for me. Kaya naman hindi ako sanay na may ibang nagbubukas ng pinto para sa akin bukod sa mga kapatid at pinsan ko. Kaya naman sobrang nata-touch ako tuwing ginagawa iyon sa akin ni Aljosh. Pakiramdam ko eh napaka-importante ko at para akong isang prinsesa.
Itinayong ko ang kamay ko sa nakalahad niyang kamay. At tapos ay magkahawak-kamay kaming pumasok. Maya't mayang pumipigil ni Slosh ang kamay ko na dahilan para lumakas ang loob ko.
"Finally, nandito na kayo. " si Kuya Brent ang unang napapansin sa amin nang makapunta kami sa garden kung saan gaganapin ang birthday party ni Mama.
Pumunta kami sa kinaroroonan nang mga kapatid ko. I hug them one by one na sinukuan rin naman nila ng yakap at halik sa aking noo. Then they shake hands with Aljosh.
"Sila Mama?" tanong ko ng matapos ang bayan.
"At the study room." sagot ni Kuya Steve.
"With our grandparents." dagdag naman ni Kuya Kurt.
"S-sige. Punta muna kami do'n." paalam ko na tinangkang naman ng mga kuya ko.
Habang papasok kami sa loob ng bahay ay ramdam ko ang tinig ng mga pinsan at Tito at Tita ko. Alam kong nagtataka sila kung sino at bakit ko kasama si Aljosh. But I didn't mind them all dahil gusto kong kila Mama at Papa ko unang ipakilala si Aljosh.
Agad akong kumatok nang nasa harap na kami ng pintuan at si Mama ang nagbukas ng pinto.
"Happy birthday, Mama." bati ko at agad akong nagmano sa kanya. I also kissed her on her cheeks and hugged her.
"Akala ko hindi ka na pupunta. Magtatampo na sana ako sa 'yo." she said as she hugged me back.
"Pwede ba naman 'yon? Hindi ko hahayaang mag-celebrate ka ng birthday mo nang wala ako."
"At sino naman itong gwapong kasama mo?" tanong ni Mama na nakatingin kay Aljosh matapos kaming magyakap.
"Good evening, Ma'am." bati ni Aljosh. Pagkatapos ay yumuko siya. "Mano po." sabi pa niya na nagpangiti ng todo kay Mama.
Walang pag aalinlangang ipinatong ni Mama ang kanyang kamay sa ulo ni Aljosh.
"I like him. Magalang na bata. Pero sino ba talaga siya at bakit kasama mo siya?"
"Pumasok na muna kayo, Princess, bago mo ipakilala ang kasama mo." singit ni Papa.
Kaya naman pumasok kami. Agad akong nagmano, humalik sa pisngi at yumakap kay Papa at sa mga grandparents ko nang makapasok kami. Si Aljosh naman ay nagmano rin sa kanilang lahat.
"Ma, Pa, Lolo, Lola, Granddad, Grandmom." tawag ko sa kanilang lahat nang matapos kaming magmano ni Aljosh. "This is Albert Joshua Banasiewicz Fralanciana, my husband." pakilala ko na ikinagulat nila Mama, Lola at Grandmom.
They opened their mouth to talk pero dala marahil ng pagkabigla kaya hindi rin nila alam ang sasabihin.
Napakunot naman ang noo ko nang makitang nakangiti at hindi nagulat sila Papa, Lolo at Granddad. And then a realization hit me.
"Y-you knew?" tanong ko at tumango naman silang tatlo. "H-how?"
"The night before your wedding." sagot ni Papa. "Tinawagan niya kaming tatlo at sinabing may kailangan kaming pag-usapan. Pinasundo pa niya kaming tatlo para lang makarating kami sa FE Hotel.
"He already told us everything, Princess." sabi naman ni Granddad, ang daddy ni Mama. "Kung paano kayo nagkakilala, at kung bakit nandoon ka. He even took all the blame."
"You could've come to us, Tigress." sabi naman ni Lolo na dahilan para pumatak ang luha ko. "You know that you can count on us always." dagdag pa niya na naging dahilan para sunod-sunod na pumatak ang luha ko. "But I think it's better na ginawa mo 'yon. Dahil nakilala mo si Albert."
"I think so, too." segunda naman ni Granddad. "He earned our trust and respect that night. At masaya kami na he still talked to us kahit ayaw mo munang sabihin sa amin ang tungkol sa inyo."
Naguguluhan at lumuluhang tumingin ako sa kanilang tatlo.
"He asked your hand in marriage that night, Baby. Ayaw niyang magpakasala kayo nang hindi hinihingi ang blessings naming tatlo. Gusto pa sana niyang ihatid kami para makausap din niya ang Mama mo, Lola at Grandmom. Pero kami na ang tumanggi, para kahit papaano mangyari ang hiling mo na ilihim ang kasal n'yo." sagot ni Papa.
"Ano'ng nangyari kay Sam na hindi mo sinasabi sa akin Leonardo?" galit na sabi ni Mama. "Alam mong ayaw na ayaw kong naglilihim ka ng tungkol sa mga anak ko, lalo na ang tungkol kay Samantha."
"I-it's her wish. Kaya ayaw ko mang maglihim sa 'yo ginawa ko dahil 'yon ang kagustuhan niya." paliwanag naman agad ni Papa.
Lumapit naman sa akin si Mama.
"Sam, Anak, ano'ng nangyari sa Baby ko, ha?" sabi ni Mama in a gentle and full of love and concern.
Kaya naman hindi ko na napigilan ang sarili ko. Humagulhol ako at yumakap kay Mama. Inalalayan naman kami ni Aljosh na makaupo sa sofa. Tapos ay iniwan niya ako sa mga bisig ni Mama. Sunod kong naramdaman ang paglapit sa amin nila Lola at Grandmom.
"Ano'ng nangyari sa prinsesa ko, ha? Sabihin mo kay Mama." gumagaralgal na sabi ni Mama.
"Mama, si Sherwin po, niloloko ako." umiiyak na sabi ko. "M-may relasyon sila ni Rina. And Rina is now pregnant."
Naramdaman kong natigilan si Mama, pati sila Lola at Grandmom. But after few seconds the three of them hugged me.
"Sshh. Nandito si Mama. Hindi ka iiwan ni Mama. Iiyak mo lang lahat ng sakit na nararamdaman mo."
At dahil sa sinabing iyon ni Mama ay hindi ko na pinigilan ang sarili ko na umiyak at ilabas lahat ng sakit na nararamdaman ko.
After kong umiyak kay Mama ay gumaan ang pakiramdam ko. And they assured me na susuportahan nila ako sa mga desisyon ko about Sherwin and Rina.
Naipakilala ko na rin si Aljosh sa mga pinsan ko at sa mga Tito at Tita. At masaya ako kasi tinanggap nila si Aljosh. Wala akonf narinig na bad comment about Aljosh. Puro ang swerte ko daw at nakilala ko si Aljosh. Nagpa-plano na nga sila kung kailan ang family outing para daw makasama at makausap nila ng matagal si Aljosh.
Maalam rin naman kasing makisama si Aljosh. Wala siyang pinipiling kausapin. Lahat nakakausap niya ng maayos at magalang, pinsan ko man o yung mga oldies.
At ang isa pa nilang ikinatuwa ay nang hindi ako payagang uminom ng marami ni Aljosh. After two shots eh sinalo na n'ya ang lahat ng para sa akin. Kaya ang nangyari eh doble ang shot na iniinom niya na ikainatuwa naman ng mga kapatid at pinsan ko.
Nandito ako ngayon sa kusina. Kukuha sana ako ng juice nang mapansin ko na may hugasin sa lababo. Medyo madami rin 'yon kaya nag-decide akong hugasan na ang mga iyon. Alam ko naman kasing pagod na ang mga kasambahay namin. Sila kasi ang katulong ni Mama na magluto at mag-ayos nang lahat. At sigurado akong pinatulog na sila ni Mama.
Nagbabanlaw na ako ng mga pinggan nang maramdaman kong may tao sa likod ko. Nang tingnan ko kung sino iyon, nakita ko si Aljosh na nakatitig sa akin habang nakasandal sa hamba ng pinto.
I just smiled at him at ipinagpatuloy na ang aking ginagawa.
Sunod ko na lang na naramdaman ay nasa likod ko nasl siya. As in nakalapat ang likod ko sa harap niya. Then inilagay niya ang mga tapos ko nang hugasan sa dish cabinet na nasa taas lang namin.
Habang ako eh hindi na nakakilos. Amoy na amoy ko kasi siya na dahilan para magdulot iyon sa akin nang kakaiba ngunit masarap na pakiramdam. Nang maitaas na niya ang mga hugas ng pinggan ay siya na rin ang nagtapos banlawan ang iba pang pinggan habang nasa likod ko pa rin siya. Kaya naman hindi ko maiwasang mag-init at pamulahan ng pisngi dahil dikit na dikit siya sa akin. Ramdam na ramdam ko ang init na nagmumula sa kanyang katawan.
Pagkatapos niyang hugasan at itabi ang mga natitirang hugasin ay pinatay na niya ang gripo at tinuyo ang mga kamay namin gamit ang pamunas na nakalagay lang malapit sa amin. Tapos ay niyakap niya ako at hinalikan sa ulo.
Hindi nagtagal ay iniikot niya ako paharap sa kanya. And then we stared at each other's eyes. Hanggang sa unti-unti nang lumapit ang kanyang ulo. And then his lips touches mine. He moves his lips at ginaya ko ang galaw nang kanyang labi. I put my arms at the back of his neckn habang ang mga kamay naman niya ay nasa bewang ko.
Palalim na ng palalim ang halik namin nang biglang...
"Hey, lovebirds. Sa kwarto n'yo na ituloy ang paglalambingan n'yo, huwag dito."
Agad kaming naglayo nang marinig ang tinig ni Kuya Kurt. At tingnan namin ang pinanggalingan ng tinig, for the second time gusto kong lamunin ako ng lupa. Dahil kasama namin dito sa kusina ang mga kapatid at pinsan ko na puro may mga nakakalokong ngiti.
Wala akong ibang nagawa kundi ang isubsob ang mukha ko sa dibdib ni Aljosh dahil sa sobrang kahiyaan.
~sweetbabyrsmwx~
For the second time, nahuli at nabitin na naman... Hahahaha...
Sorry kasi late na naman. Panay kasi ang iyak ko habang isinusulat ko yung part na nag-open-up si Sam sa kanyang Mama. Nakatulugan ko ang pag-iyak at pagkagising ko umiyak na naman ako. Damang-dama ko kasi yung nararamdaman ni Sam.
Tagal tuloy bago ko natapos ang scene na 'yon. Pigil pa ang iyak ko kasi baka may makarinig.
Komentar Paragraf
Fitur komentar paragraf sekarang ada di Web! Arahkan kursor ke atas paragraf apa pun dan klik ikon untuk menambahkan komentar Anda.
Selain itu, Anda selalu dapat menonaktifkannya atau mengaktifkannya di Pengaturan.
MENGERTI