3rd person's POV
Agad na lumuluwa ang headmistress ang assistant nito, ang mga professor, at ang mga prinsepe't prinsesa. napaatras naman sila dahil sa pagkabigla sa kanilang nabungaran, mga nilalang na nasa likod ni light at nagkasira sirang parte ng stadium dahil sa thunderbolt na sandata ni light.
"Itigil niyo ito!!!" Pagsasaway ng headmistress agad naman nabigla at nagulat ang prinsepe pero si light mas pinagtuunan nito nang pansin kung papaano kontrolin ang kanyang makapangyarihang kidlat, hindi niya ito makontrol at namumutla na ito dahil sa pangambang baka sumabog ito. Napagpasyahan niyang ibalik ang sandata niya sa tunay nitong anyo.
" Divine cane" pagbabalik ni light sa totoong anyo ng kanyang sandata, napatigil naman ang pagdidilim ng kalangitan na animo'y uulan, ang kuryenteng dumadaloy sa kanyang katawan ngayon ay humihina na rin, napasinghap naman si light at ang iba dahil napatigil nito ang pagwawala ng kanyang sandata. Agad namang lumapit ang headmistress with angry eyes, galit na galit siya sa ginawa ng dalawa, pumunta lamang siya sa bayan upang ipasyal ang mga head ng bawat paaralan pagkatapos ito ang bubungad sa kanyang harapan. Ang mga nilalang naman kanina ay nagsiliparan na palayo, at parang nararamdaman nilang nasa maayos namang kalagayan ang kanilang panginoon
" Sinong may gawa nito?" Galit na pagtatanong ni headmistress, nahahahighblood na siya dahil sa mga sira sirang facility na bumungad sa kanya lalo na ang stadium na ito. Tanaw na tanaw nito mula sa baba ang sira sirang parte ng stadium pati rin ang mga upuan sa bawat bahagi ng stadium.
Light's POV
Omay gulay, iba pala magalit si headmistress shhitt ito kasing kapre na ito ang may kasalanan.
" Sino sino ang mga nakasaksi sa kaguluhan kanina" nanggagalaiting wika ni headmistress at parang bumubulusok na rin ang galit nito. Napayuko naman ako at yung kapre naman ngisi lang ng ngisi buwisit. Nagtaas naman ng mga kamay ang mga manonod, at tinuro si xavier hahahhah Buti nga sayo.
" Xavier anong kagaguhan na naman ang ginawa mo hah" dismayadong sigaw ni headmistress at napahagikhik naman ako ng tawa, ang kapre naman nagdikit na naman ang kanyang dalawang makakapal na kilay hahahah. Hindi siya makapagsalita dahil naguguilty siya at binelatan ko naman siya . Nakita ko namang napayukom ito ng kamao hahahhah. Binaling niya ang tingin niya sa mga tumuturo sa kanya na siya ang may kasalan at binigyan niya ito ng nakakatakot na tingin at natakot naman ang mga manonood, ang nakakarindi talaga ay tinuro ako ng mga chakang zombie na ito buwisit. Ganito ba sila kung matakot sa kapreng yan nakaturo na nga sila kanina kay kapre tapos ngayon binaling nila ang mga turo nila sa direksyon ko. Tinaliman ko naman nang tingin ang kapre na ngayon ay nakangisi at Nakabungisngis na shittt. Ba't ayaw niyang umamin na siya ang may kasalanan.
" At ikaw rin light ???" Nakataas na kilay na pagtatanong ni headmistress, no way hindi ako gagawa ng gulo kung hindi nila ako ginulo.
" Hindi po, headmistress that goddamn bullshit seahorse na yan na halang ang kaluluwa ang may kasalanan" nababanas na sabi ko habang tinuturo si kapre at napabaling naman ang tingin ni headmistress kay kapre.
" Totoo ba ang mga sinasabi ni light, Xavier answer me??!!!" Naiinis na pagtatanong nito at napatikhim si kapre na parang ayaw niyang aminin ang kanyang pagkasala.
" No!!, The truth is that ang baklang pandak na yan ang may kasalanan" paninisi ng kapre aba't ngayon ko lang nalaman na ang isang prinsepe ay marunong magsinungaling akala ko ba special yung pagtuturo sa kanila ba't parang lumaki na lang itong kapre na ito na puro kasinungalingan at kabulastugan ang pinaggagawa nito.
"No headmistress, siya ang nagsimula ewan ko nalang kung bakit siya nagkaganyan, he said to me that may trip to hell kami, at ginamit niya po ang mga estudyante para gumawa ng violent actions" pagkokompronta ko sa kanya at pinagpapawisan ang prinsepe sa aking sinabi hahahahha buti nga sayo.
" Is that true xavier??" Mahinahong tanong ni headmistress, at dun na kami nagsimulang magtalo at magbangayan napuno ng ingay ang stadium dahil sa aming pagtatalo, hindi namin namamalayan na namumula na sa galit si headmistress.
" Magsitigil nga kayo!!! Hindi na kayo nahihiya sa mga sarili niyo, mga walang kwentang estudyante!!! " Pagpapatigil ni headmistress shittt ano ba to?? Ikaw talaga kapre ka nandadamay kapa.
" At anong narinig ko light na ikaw ang nagpalabas ng mga kalansay kanina" pagtatanong ni headmistress at napatigil naman ako sa kanyang sinabi shitt patay ako nito ginamit ko pala ang dangerous spell kanina.
" Opo, ako po yung nagpalabas" nakayuko kong pagtatapat, at napaatras naman ang headmistress sa kanyang narinig mula sa aking sinabi at parang namumutla ito hahh?? Weird. Ang prinsepe naman ay napatigil din pati ang mga manonood ay parang gulat na gulat sila sa aking sinabi.
"Pa-paano mo i-iyon na-nagawa?? "Nauutal na tanong ni headmistress.
" Da-dark folks ka ba ??" Dagdag na tanong nito at parang nangangatog na ang paa niya and waitt ano darkfolks no way!!.
" Hindi po!!!, Nabasa ko lang po iyon sa isang books po kanina sa library na may title na The wand dangerous spell" pangbabara ko at napaatras sila ulit sa akin at napaluwa ang mga mata nila sa pagkagulanta. Ang Ooa naman nila hayyys.
"Ano!!! Hindi mo ba alam na mapanganib yon, at kayang kayang ng mga spell na yun na sakupin ang bawat kaharian" nagugulantang wika ni headmistress, napa ohhh naman ako so i just used that dangerous spell buti naman napaalis ko na ang mga kalansay na yun i didn't know na ganon pala yun kadelikado ayyy shittt kaya pala dangerous ang nakalagay buwisit nagiging bobo ka na light .
" At isa pa!! nanghihina ka ba, Hindi mo ba alam na karamihan ng gumamit ng spell na yun ay namatay na hahh dahil hindi nila kayang higitan ang eksaktong mana na kailangan ng spell na yun para maisagawa at maicast ang spell, at alam mo ba na 50 to 100 na katao ang kailangan para macast ang spell na yun!! " Gulat na gulat na wika ni headmistress nanindig naman ang aking mga balahibo but how?? I didn't feel that I'm draining, but how??? Paano ko yon nagawa.
Nahagilap naman ng aking mga mata si kapre na naninigas ng pagkakatayo at parang hindi makapaniwala sa kanyang narinig, hahahahh ang epic ng reaction niya, if that's the thing that will make him shut his entire system off para narin tumigil siya siguro gagamitin ko nalang yun ulit at ipapakita sa kanya para layuan na niya ako, para malaya na ako mula sa kanya.
"Gusto niyo po bang ilabas ko sila ulit" pagbibiro ko at napaatras na naman sila hayys nakailang atras na ba sila hahh?? Hahhahha
" No!! No!!! No !! No!!!! Wag mo nang gamitin yun kahit kailan ok" paghihindi ni headmistress at napahagikhik naman ako ng sandali dahil ang epic ng reaksyon nilang lahat hahahah.
" All of the students na involved sa kabuwisitang pinaggagawa ng dalawang ito ay may karampatang parusa ang ipapataw lalo na kayong dalawa, sundan niyo ako bilis the both of you follow me to the office" pagwiwika ni headmistress, shitttt nakakabuwisit involved nga ako but i need to prove that I'm innocent, wala akong kasalanan, siya ang may gawa nito not me, Nakakaimbiyerna na talaga ang lalakeng yan hayyss.
Susunod na sana ako sa likod ni headmistress para pumunta sa office nang mahagilap ng aking paningin si kapre na papalakad papuntang direksyon ko. Tinaliman ko naman ito ng tingin at kung anong ginawa ko ay ginawa niya rin tinaliman niya rin ako with dikit kilay hayyss. Nang makalapit na siya sa akin ay nanigas ako sa aking kinatatayuan ng amuy amuyin niya ako na parang manyak buwisit, gusto ko sanang gumalaw para hampasin ang pagmumukha ng kapreng manyak na ito, pero parang may pumipigil sa akin ehhh.
" Alam mo ba nakakaadik yang amoy mo, kahit pawis na pawis kana, ang sarap paring dilaan yang pawis mo" pagbubulong nito sa akin at tumindig naman ang mga balahibo ko sa aking narinig. Buwisit talaga ohhh ang manyak manyak ishhhh waittt akala niya ba magpapatalo ako no way, kaya yun agad ko naman siyang binulungan.
" Ikaw din naman hahh,ang sarap dilaan ng bawat parte ng katawan mo" pagbubulong ko at naramdaman ko namang parang hindi ito makapagsalita, parang napipi siya. Nakita ko naman ang tenga nito na namumula hahahah, gusto ko talagang tumawa ng malakas pero pinipigilan ko lang hahaha akala niya papatalo ako no way, wala sa bokabolaryo ko ang magpatalo lalo na sa mahahangin na kagaya ng kapreng ito.
"Sino ka ba talaga??? Hahh!! At paano mo nagawang buhayin ang mga kalansay na yun!!" Inis na bulong nito sorry, ako si light pero hindi ko sasabihin sayo ang buong pagkatao ko dahil magiging mapanganib ang buhay ko.
" Ako si maleficent" pagbibirong bulong ko, gusto ko talagang mapahagalpak ng tawa, idol ko pa naman si maleficent gusto ko din magkapakpak tapos sungay nalang ang kulang hhahah.
" Sumagot ka kung ayaw mong dilaan kita diyan" pagbabantang bulong nito, napatingin naman ako sa mga manonood na parang nagseselos at yung iba naman ay naiingit hahahha laklakin niyo na tong lalakeng ito at kung makapagbanta naman sa akin akala niya papatalo ako hahahhaha yun ba ang akala niya smirked*.
" Saan bang parte ang gusto mong dilaan?? O baka naman gusto mong dilaan nalang kita " pagseseduce ko, hindi naman talaga ako ganito kabastos pero kung hahamunin niya ako ng bastusan why not I'm always free and immune to that.
" Shittt!!! " pagmumura nito at aalis na sana siya ng sumakit ang likod ko, sobrang sakit talaga yung sa may bandang tattoo ko parang feeling ko may tutubo talaga at ilang sandali lang ay napasandal ako sa matipunong dibdib ni kapre and everything went black.
Prince Xavier's POV
Aalis na sana ako, ngunit napapansin kong parang matutumba si light kaya yun sa pagtumba niya napasandal siya sa aking dibdib. Ginagalaw galaw ko siya ngunit ni isang tugon mula sa kanya ay wala akong narinig shittt nacollapse ata siya shittt kasalanan ko ata ito pambihira naman ohh nakalimutan ko pa lang may inihabilin ang mga healer sa infirmary na hindi siya pwedeng mapagod dahil sa sumasakit na likod niya shittt hindi ko talaga kakayanin ang konsensya ko kalasanan ko ito ehhh sorry light.
" Light gising!! "panggigising ko habang niyuyugyog ko siya shittt.
" Tanda si light nacollapse ata" napaalerto kong sigaw sa kanila at napabaling ang tingin nila sa akin habang papalakad ng palayo at agad silang tumakbo papunta sa gawi namin ni light.
" Anong nangyari ??!!" Nag aalalang tanong ni headmistress, niyuyugyog ko parin si light pero hindi parin magising gising buti nalang nahawakan ko siya kung hindi matutumba talaga siya diretso sa damuhan.
" I think yung likod niya tanda" nag aalalang tugon ko kay tanda, alam niya rin kase yung nangyari nung nakaraan na nacollapse siya.
" Ikaw talaga hampaslupa ka, kung may mangyari sa kanya ipabibitay talaga kita dito sa stadium" galit na wika ni tanda hayys buwisit, may oras pa talagang dumada ang matandang ito. Agad ko namang binuhat si light na parang bata, wala parin talagang pinagbago yung bigat niya, magaan parin nakakainlove ganito yung gusto kong makasintahan dapat magaan shitt erase erase sa oras talaga ng emergency may paganito pa talaga ako hayyss!!.
" Light !!" Sigaw ng mga kasamahan niya na nag aalala din.
" Prince xavier dalhin natin siya sa infirmary bilis" nag aalalang rekomendasyon ni shiela at agad naman silang humawak sa akin pati rin si headmistress,ang mga prinsepe at prinsesa at bigla kaming naglaho na parang bula.
3rd person's POV
Dinala ni prinsepe xavier si light sa royal infirmary, kahit hindi nananalaytay sa dugo ni light ang pagiging royal ay wala nang pake si xavier ang mahalaga ay magamot ito. Pagdating nila, agad niyang inihiga sa may kama si light at pinatawag ang mga bihasang manggagamot sa royal infirmary.
Nangangamba na si xavier na baka hindi na ito magising pa, dahil isa yun sa mga maaaring mangyari base sa sinabi ng mga healer nung nakaraan na nangyari ito. Bakas sa mukha ng lahat ang pangamba sa sinapit ni light, hindi makayanan ni xavier ang kanyang konsensya at napasuntok na lang ito sa pader ng wala sa oras, galit na galit ito sa kanyang sarili hindi niya alam kung sinong nagtulak sa kanya upang iparamdam ang malaimpiyernong laro kay light. Binali niya ang kanyang promise noon na hindi na niya ipaparamdam kay light ang malaimpiyernong buhay sa paaralan na ito. Ang mga nandodoon naman ay naaawa na kay light at si prinsepe xavier naman ay sising sisi sa kanyang ginawa, napaluha nalang sa may gilid si prince xavier, hindi niya inaasahan na maluluha siya dahil sa awa at pinagpupukpok nito ang kanyang sarili na parang baliw.
" Headmistress hindi po siya magigising kaagad, maybe there's a chance na weeks, months or even a years bago siya magising dahil base sa aming pagsusuri ay ibang klaseng pananakit ito, hindi din namin malaman kung anong klaseng sakit ito. Base din sa aming pagsusuri sa kanyang likod ay namumula ito, first case po ito kung aming ituturing at sa tingin namin ay kahit expert na healer ay hindi ito basta basta magagamot" pagpapaliwanag ng healer sa headmistress, nanlumo ang headmistress, kasamahan ni light at mga prinsepe't prinsesa lalo na si xaiver sa sinapit ni light hindi nila aakalain na mangyayari iyon.
" Kasalanan ko ito!!!" Pagsisi ni xavier habang nakasandal sa may pader at naluluha, si prince oliver naman ay napayukom ng kamay, kilalang kilala ni oliver ang ugali ni xavier na walang sinasanto at kung hindi Sana niya ginawa iyon ay makikita parin nila si light na tumatawa, at gumagalaw. Sina shiela naman at ang mga kasamahan niya ay naluluha na rin ni isa sa kanila ay hindi nagsalita at kanina pa walang imik.
Habang umiiyak si xavier ay agad namang sumugod si prince oliver at inambaan ito ng malakas na suntok na nagpagulat kay xavier hindi na gumanti ng suntok si xavier at hinayaan nalang itong matamaan siya dahil sa tingin niya nararapat lang ito sa kanya at kulang pa. Agad namang pinigilan ng mga kaibigan ni light at ni headmistress ang kamao ni prince oliver, pero hindi parin mapigilan ni prince oliver ang pagsuntok nito kay xavier ng dahil sa galit.
"Nahihibang kana ba oliver hahh!!" Sigaw ng headmistress habang pinipigilan niya si oliver sa pagsuntok nito kay xavier. Napatigil naman si oliver at nahihingal na rin dahil sa pagod.
" Ohhh na-nakaganti ka na-naba hahhh!!" Nasasaktang wika ni xavier habang lumuluha ito. Susugod pa sana si oliver nang pinigilan na siya ng mga prinsepe't prinsesa.
" Hindi pa tayo tapos!!" Sigaw ni prince oliver habang tinuturo nito si xavier gamit ang kanyang hintuturo at agad itong umalis ng padabog at sinara ng malakas ang pintuan ng malaking infirmary room.
" Balitaan niyo nalang kami kung gising na siya" matamlay na wika ni princess avira, bakas sa mukha ng mga prinsepe't prinsesa ang lungkot at lumabas na ito.
Agad namang pumunta si shiela sa gawi ni light at hinawak hawakan nito ang mukha ng kanyang matalik na kaibigan.
" Light gumising kana ohh!! Kasalanan mo din kase ehhh kumain ka ng expired na masanas ehh yan tuloy naging snow white ka" natatawang wika ni shiela habang naluluha ito, awang awa siya sa sinapit ni light at agad niya itong hinalikan sa batok at inayos ayos ang buhok ng kanyang matalik na kaibigan. Sumunod naman ang iba at hinalikan din si light sa batok atsaka sila lumabas na parang nawawala sa sarili.
Samantala si prince xavier naman ay natatakot na baka matagalan pa bago siya magising, ayaw niyang matulad si light sa sinapit ng kanyang unang kasintahan na nakaratay din ngayon at ilang taon na din itong nakahiga sa kanyang higaan. Si headmistress naman ay nakatunganga lang, hindi niya ineexpect na mangyayari ito. Ang prinsepe ay galit na galit parin sa kanyang sarili dahil sa sobrang pagkagalit, ang flower base na nandodoon ay kanyang tinapon na nagpagulanta sa mga healer at kay headmistress. Agad namang pinigilan ni headmistress si prince xaiver sa pagtatapon ng mga flower base na nakadisplay sa mesa.
"Xavier, nawawala ka na ba sa katinuan mo hahh" pagpipigil ni headmistress habang inaalog alog niya si prince xavier na Hindi parin mapigil pigil sa pag iyak, ngayon lang muling napansin ni headmistress na umiiyak si xavier dahil ang huling iyak nito ay nung hindi din magising si princess eva at nawawala siya sa katinuan niya at nagtatapon ng mga bagay at nangbabasag ng mga kagamitang kanyang nakikita.
" Ngayon na alam mo na, kung anong kinahinatnan ng ginawa mo, masarap ba sa pakiramdam hahh!!" Pagwiwika ni headmistress habang hawak hawak nito ang magkabilang braso ni prince xaiver.
" Umayos ka !!!" Muling banggit ni headmistress pero hindi parin mapigilan ng Prinsepe ang pag iyak.
" Mga healer pakiayos at pakilinis ito, pagkatapos ay lumabas na kayong lahat" pag uutos ni headmistress at dali dali namang sumunod ang mga healer, nilinis nila ang mga basag na flower base na pinagbabasag ni xaiver kanina at pagkatapos nilang nilinis ang mga kalat ay agad silang umalis lahat at ang natira nalang sa loob ng napakalaking room ng infirmary na para kay light ay sina headmistress , prince xaiver at si light.
" Halika dito bilis lapitan natin si light may sasabihin ako" pag uutos ni headmistress at si xavier naman ay papatigil na sa pag iyak at puro hikbi nalang ang maririnig sa kanya. Agad naman silang lumapit sa gawi ni light at hinawakan ni xaiver ang kamay ni light at pinisil pisil ito.
" Ta-tanda, ba-bakit siya nag-nagkakaganito?" Nahihikbing tanong ni xaiver habang pisil pisil nito ang kamay ni light, ang headmistress naman ay tinugunan niya lang ito ng iling.
" Matanong lang kita xavier"biglang saad ni headmistress at napatingin naman ang prinsepe sa headmistress na parang interesadong malaman kung anong tanong ang itatanong ng headmistress sa kanya.
" Ano yon tanda??" Pagtatanong ni Xavier, ngumiti ang headmistress sa kanya, naguguluhan ang prinsepe sa mga ngiti ng headmistress ngayon.
" Tapatin mo nga ako, Mahal mo ba siya o hindi?" Nakangiting tanong ng headmistress habang sapo sapo nito ang buhok ng batang si light. Napantig naman at nanigas sa kinatatayuan ang prinsepe, hindi niya alam kung anong isasagot. Napasinghap muna ito at nagseryoso.
"Paano kung sasabihin ko sayo tanda na mahal ko siya" seryosong tugon ni prince xavier, hindi na nabigla ang headmistress dahil alam na nito na kahit bago lang si light dito ay napapansin nitong may namamagitan sa dalawa.
" Walang problema sa akin kung mahal mo siya ito lang ang palagi mong tatandaan at wag na wag mo itong babaliin hah, wag na wag mo siyang iiwan sa madilim na sulok ng isang lugar, sabihin na nating isa siyang light bulb at ikaw naman ang kuryente na magsusuply sa kanya upang magkaroon ng ilaw sa isang silid, kapag puputulin mo ang pagsusuply mo sa kanya ay mawawalan siya ng kakayahang magbigay ng liwanag sa isang silid, isa yun sa dapat mong iwasan ang putulin ang koneksyon sa kanya dahil magdidilim at maghahari ang buong dilim sa silid na iyon" makahulugang wika ni headmistress at napatingin naman si xavier sa nakaratay na si light at nag iisip ito ng malallim.
" Kakain ka ba ngayon??" Pagtatanong ni headmistress
" Padalhan mo nalang ako tanda ayoko siyang iwan dito" pagtutugon ni xavier at napatango nalang ang headmistress, bago siya umalis ay humalik muna ito sa batok ng kanyang anak anakan at lumabas na.
Napaupo naman si xavier sa tabi ni light dalawa nalang sila ngayon sa infirmary, gabi narin at ang mga estudyante naman ay nasa dining hall na para kumain. Ang ibang estudyante naman na nasaktan kanina ay ginamot na at ang mga bunny students kanina ay naibalik na rin sa totoo nilang anyo.
" Pasensya kana light sa ginawa ko kanina hahh" naluluhang wika ni xavier habang pinagmamasdan nito ang nakaratay na si light.
" Ikaw kasi, nakakainis ka pinapaselos mo ako, alam mo namang seloso ako, gusto ko ako lang ang nagpapangiti sayo, ako lang ang yayakap sayo, at higit sa lahat ako lang ang hahalik sa pisngi mo at lalong lalo na sa labi mo na hindi ko pa nagagawa dahil nirerespeto Kita." naluluhang sabi ni xavier kay light
" Ewan ko ba light, pagdating sayo nababakla ako kahit ayaw ko man pero narito na may lugar kana sa puso ko ehhh, kapag nahihirapan ka nahihirapan din ako ehhh pretentious na nga ako ehh hindi pa naman naging tayo" nahihikbing saad ni xavier habang hawak hawak nito at pinipisil nito ang kamay ni light.
" Wag kang mag alala, hihintayin kitang magising , dito ako matutulog palagi at dito din ako kakain dito din ako maliligo, ipapadala ko na din ang mga damit ko dito, at aalagaan kita" nakangiting wika ni xavier habang sumisingok.
" Mahal na kita light, at hindi kita iiwan light, pero kung may pagkakataon man na iiwan kita, babalikan parin kita" nakangiting wika nito at hahalikan na sana niya ito sa labi ngunit nag iba agad ito ng posisyon at diretso sa batok ni light.
Someone's POV
" Panginoon bali balita po sa buong agartha na ang batang nagngangalang light na yun ay napakalakas at parang nahihigitan na nito ang kapangyarihan ng prinsepe, guardian niya po ang isa sa mga alalay ni lux na si encanta, at hawak niya rin ang mga legendary warriors" pag uulat ng aking heneral habang nakaluhod ito sa harapan ko. Hahahahah magagamit ko siya upang pabagsakin ang mga light folks hahahha kaya pala kahit dito sa kaharian ko ay amoy na amoy ko ang kakaibang dugo na nanalaytay sa kanya hahahha.
" Ganon ba hahahhaha magagamit ko siya laban sa mga light folks at lalong lalo na sa hari ng agarthi" nakakatakot kong sabi sa kanila habang nakangisi.
" Ngunit panginoon hindi ba kayo nababahala na baka gamitin din siya ng mga light folks sa atin" pagsasalita ng aking heneral at binigyan ko lang ito ng isang nakakalokong ngiti. Hindi yun mangyayari!!
" Wag kang mag aalala dahil may magbabalik at kung magbabadya man silang atakihin tayo, uunahan natin sila bago iyon mangyari" nakangisi kong pagwiwika sa kanila. Konting tiis nalang aking alagad, nalalapit narin ang pamumukadkad ng aking nakakamatay na rosas.
3rd person's POV
Tatlong linggo na rin ang nakakaraan ng magcollapse si light hanggang ngayon ay hindi parin siya nagigising, si headmistress, mga kaibigan ni light ,at ang mga prinsepe't prinsesa naman ay nag aalala na sa kalagayan ni light. Parang natutulog lang ito sa higaan ng payapa. Samantala si prince xavier naman ay naiinip na sa kakahintay kung kailan magigising si light. May pagkakataong hindi na siya pumapasok sa klase at mas pinagtutuunan nito ng pansin ang pag aalaga kay light, parang nababaliw narin si prince xavier dahil habang nakaidlip si light ay lahat ng kanyang naranasan noon kagaya nalang ng pagkabigo, happiness at marami pang iba ay kinikwento niya kay light habang nakaidlip ito. Ang headmistress naman ay palagi niyang naaabutan na ang prinsepe ay nagsasalita ng mag isa at napapailing nalang ang headmistress, pati ang mga kaibigan ni light ay napapailing na rin sa mga pinagsasabi ng prinsepe. Hindi nila inaasahan na magtatapat nalang ito sa kanila na mahal niya si light, si shiela naman kinikilig nalang at natatawa nalang sa mga pinaggagawa ni prince xaiver kay light. Sa pagkagat ng dilim ay sa tabi narin ni light natutulog si xavier hindi niya ito maiwan iwan, ni isang lamok sa loob ng infirmary ay walang nakakadapo sa kutis ni light dahil palaging nakabantay sarado si xavier. Nalaman narin ng mga kuya ni light ang nangyari kaya pinuntahan nila ito, humihingi naman ng tawad ang prinsepe sa kanyang nagawa at inamin din nito na may gusto siya kay light, ngunit binalaan lang siya ng mga kuya nito na kapag sinaktan niya si light ay hindi sila magdadalawang isip na alisan siya ng bituka kahit prinsepe pa siya.
" Magandang umaga MAKOLI " pagbabati ni Xavier kay light, sa katunayan niyan kahit hindi pa naging sila nung nakaraang linggo ay gumawa si xavier ng endearment o tawag niya kay light, MAKOLI na ang ibig sabihin ay mahal kong light, hindi siya nakatulog ng isang araw para lang gumawa ng napakaunique na tawag niya para sa kanyang mahal na si light.
" may strawberry akong dala sayo, sabi daw nang kuya mo paborito mo daw ang strawberry kaya nagpabili ako sa bayan" nakangiting wika ni xavier habang pinagmamasdan si light, agad niya itong hinalikan sa batok at kinurot kurot ang mukha nito, napaluha na lang siya ng hindi inaasahan dahil namimiss na niya ang mga ngiti, at tawa ni light.
" Makoli alam mo ba missed na kita, kailan ka ba magigising hahh??" Nahihikbing sabi ni xavier habang hinahawak hawakan nito ang pisngi ni light.
" Makoli gumising ka naman ohhh, naiinip na talaga ako" pagsasalita ulit ni xavier at nakahelera na ang mga luha nito na nagbabadyang tumulo. Agad namang may kumalabog sa pinto at bumungad ang pigura ni shiela at nagulat ito.
" Hoy xavier tigil tigilan mo yang paiyak iyak effect mo , at pwede ba alisin mo yang dirty hands mo at wag mong ring siyang kurutin , lagot ka talaga sa akin kapag nagkapimples yang friennie ko!! Hindi pa naman yan nakakaranas ni isang acne sa mukha." Pagsasaway ni shiela kay xavier at binigyan naman ni xavier ng masamang tingin si shiela.
" Pwede ba wag mo na kaming guluhin ng Makoli ko ang ingay ingay mo hahh!!" Inis na sigaw ni xavier kay shiela at nagpangiwi naman si shiela sa narinig niya.
" Makoli!! Makoli!! Ka diyan may paendearments ka pang nalalaman, hindi pa nga nagiging kayo ni friennie ko tapos may Makoli ka nang pakulo" nababanas na wika ni shiela at pumunta sa gawi ni light para kamustahin.
" Friennie gumising kana ohhh, inaasume mo na talaga ang pagiging snow white mo , missed kana rin namin nagiging busy narin ang kateam guilds natin, at pasensya narin kung hindi ka namin nabisita nung nakaraang araw, dahil busy talaga kami para matupad yung wish nating itayo yung guild" pagwiwika ni shiela sa nakaratay na si light.
" Hoy wag mo daw talsikan ng laway si makoli ko ang baho baho pa naman niyan " biglang saad ni xavier at inilayo si shiela kay light.
" Anong mabaho ka diyan, talsikan kaya kita diyan!!!" Naaasar na saad ni shiela, naiinis na si xavier dahil ayaw niyang may ibang tao sa loob ng infirmary, ang gusto niya, sila lang dalawa ni light.
" Ayaw mong lumabas 1.. 2... 3..." Pagbibilang ni xavier pero nakipagtigasan si shiela . Nang mapuno na si xavier agad nitong binato ng nagbabagang apoy si shiela ,buti nalang ay gumawa ng water wall si shiela para hindi siya matamaan ng nagbabagang apoy ni prince xavier.
" Napakabayolente mo talaga buwisit ka" naiinis ni shiela, wala na siyang magawa kundi ang umalis sa loob ng royal infirmary.
" Makoli pagpasensyahan mo na ang kagagahan ng kaibigan mo, ang ingay ingay ehhh" pagwiwika ni xaiver kay light
Light's POV
Habang naglalakad ako sa may space yung literal talaga na nasa space ka yung may maraming bituin at nakikita ko na rin ang milky way ang laki pala sa personal. I didn't expect na pwede palang lumakad dito ang akala ko kasi kailangan mong lumutang. Habang naglalakad ako ay may nahagilap akong mga nagliliwanag na mga nilalang shittt. Ang dami nila at para silang mga bituin sa sobrang liwanag. Ang mga katawan nila ay nagliliwanag at ang karamihan sa kanila ay may suot at may hawak ding mga kalasag at mga espada yun bang pang medieval war ang costume. Habang papalapit ako sa kanila ay lumiliwanag at nagkikislapan silang lahat. Nagulanta ako ng may isang babae at lalakeng lumitaw sa aking harapan, i didn't expect that coming at ang nakakabigla pa ay nagsisiluhuran ang mga ito waittt ba't ba niluluhuran nila ako, wala nga akong palatandaan na ako ay isang hari, wala naman akong korona or something.
" Maligayang pagbabalik aming panginoon" pagbabati ng lahat ng mga nilalang sa kalawakan hahh??? Nakaiirita na talaga ang pagtawag nila sa akin na panginoon, hindi nga ako isang diyos.
" Sorry pero hindi ako ang panginoon niyo hello!!" sarkastikong wika ko sa kanila at napahagikhik naman ang dalagang may korona na ito i think she is the princess kasi may korona siyang maliit.
" Ngunit panginoon, matagal ka na po naming naging panginoon" marespetong wika ng lalakeng may korona hahhh?? Wait anong matagal na.
" Hindi ko kayo kilala hello!!" Sarkastikong tugon ko sa kanila at napahagikhik na naman ang batang prinsesa.
" Paumanhin po panginoon, magpapakilala po kami sa inyo ang akala po namin ay kilala niyo na po kami" nakaluhod na wika ng lalake na may korona at tumayo silang lahat. Infairness ang dami nilang para silang 1 kilo ng bigas or much more pa doon.
" Ako si cephus ang hari ng mga constellation at bituin, siya si Cassiopeia ang reyna, at siya naman si Andromeda ang prinsesa, ang mga nasa likod ko naman ay ang mga heneral ng hukbong sandatahan ng mga constellation. si aries ang ram na may kapangyarihang manipulahin ang apoy, si taurus ang bull na may kapangyarihang manipulahin ang lupa, si gemini the twins na kayang mag shape shifting, gumawa ng armas at armor. Si cancer naman ang crab na kayang magpagaling ng pisikal, emosyonal, energy, mental. Si leo the lion na kayang manipulahin ang kidlat, si virgo the virgin na may kapangyarihang malaman lahat ng impormasyon sa isang hawak lang ng isang bagay. Si libra the scale na kayang manipulahin ang hangin. Si scorpio the scorpion na kayang manipulahin ang dugo. Si Sagittarius the archer na kayang mag astral projection. Si Capricorn the sea goat na kayang manipulahin ang mga object. Si aquarius the water bearer na may kapangyarihan ng tubig, at may abilidad din itong makipag usap sa mga patay. Si Pisces naman the fishes, kaya niyang magtelepathy at may kapangyarihan din siya ng tubig. Ang mga nasa likod namin ay ang mga hukbong sandatahan ng mga constellation." Mabahang pagpapakilala nito at napanganga nalang ako shittt ang dami nila at ang nasa harapan ko ngayon ay dalawa sa anim na alalay ng manlilikhang si lux wait anong ginagawa ko dito shitty
" Matanong ko lang po kayo kamahalan anong ginagawa ko dito??" Nahihiyang tanong ko sa kanila at napangiti naman itong si Andromeda na prinsesa ng mga constellation waitt parang naaalala ko si shiela sa prinsesang ito sa tingin ko kung magmemeet ang dalawang ito naku naku baka maghahalo ang kagagahan ni shiela at ng prinsesang ito.
" Naririto ka ngayon aming panginoon upang makipagcontract sign sa aming lahat" nakangiting tugon ng gwapong hari na ito. Sumakit naman ang aking ulo sa aking narinig shittt sobrang lakas ko na ang dami na nila,mga bathala, anghel, fallen angel, si encanta , ang mga legendary warriors at dadagdag pa ito susmaryosep
" Ang dami niyo na nakakaimbiyerna hindi ko mamememorize ang mga pangalan niyong lahat" pagwiwika ko sa kanila at natawa naman silang lahat.
" Kung maaari po panginoon ay pakibilisan po dahil baka pagalitan kami ng nakakataas sa amin, may pupuntahan pa po kayong isang nilalang na mas malakas pa sa amin " biglang saad mga hari ng mga constellation hahh?? Ano ito tour??
" Sige nalang daw, sa bagay the more the merrier" pagpapapayag ko at agad silang nag silapitan at idinampi ang magkabilang mga palad nilang lahat na parang nagdarasal. May mga sinasambit silang mga salawikaing hindi ko maintindihan kaya tumitingin lang ako sa kanila. Agad namang lumapit ang hari, reyna at ang prinsesa at agad nilang inilapit ang kanilang kamay sa ulo ko at nagliwanag ito.
Nabigla ako sa aking nakita na ang bawat parte ng katawan ko, mga bahagi ng katawan ko ay nag uumapaw ang liwanag. Agad namang inalis ng hari, reyna at ang prinsesa ang kanilang kamay at agad itong nasiluhuran. Waittt shocking talaga ito. Sino ba talaga ako hahh???
Pagkatapos kong nagliwanag ay bigla akong nahilo at nawala silang lahat, nagpalit ang setting place ng aking kinatatayuan, nasa isang magandang lugar ako at Nasa isang lawa, nagniningning sa ganda ang lawa at ang paligid ay kulay green, sobrang payapa dito tanging huni ng hangin lang ang iyong maririnig, ni isang nilalang ay wala. Nabigla naman ako ng aking napansin ang aking sarili na nakasuot ng ginintuang kasuotan na armor, lahat ng parte ng katawan ko ay may gintong armor at napansin ko ring may korona akong sinusuot wow ang cool !!hahahahah. Habang binabagtas ko ang madamong lugar ay may napansin akong isang lalakeng may korona din at same kami ng costume ngunit ang kaibahan lang namin sobrang tangkad niya para siyang isang anghel pero mas matangkad pa siya sa mga anghel. Siguro kung susumahin sa tangkad, ang tangkad kong ito siguro sa laki niya nasa legs lang ako. May pakpak din siya na kulay puti at may halong ginto, ang mas nakakagulat pa sampu ito at sobrang laki!! What the heck!! What kind of creature is this?? and wait yung tungkod niya parehong pareho nang sa akin pero mas malaki yung sa kanya.
" Hayy mr. angel " pagbabati ko at agad siyang humarap sa akin shiiit Ohhhhhh EMMMM Giiiii kamukha ko siya, same face parehong mata, ilong, kulay ng labi hahhhh?? What's happening is this for real what kind of world is this??? Agad naman itong lumapit sa akin at pinukpok ang kanyang tungkod na kapareho nang sa akin.
" Hello!! Kiddo nice to see you!! Sa wakas nagkita narin tayo, at ang oras na ito ay oras na nang pagpapala sa buong sanlibutan" nakangiting sabi nito hahh??? Anong pagpapala hayys naguguluhan na ako plsss lord help me, nasaan ba ako ngayon??!!
3rd person's POV
Gabi na, sa kalagitnaan ng mahimbing na pagtulog ng mga nilikha ay napagising at nagulanta silang lahat sa kanilang naramdam. Kakaibang enerhiya ang kanilang naramdaman at ito'y nakakatindig balahibo, ang buwan na si selene naman ay nag liliwanag na parang mag uumaga na. Ang mga tahol at alulong ng mga nilalang ay hindi mapigil pigil at maririnig ito sa bawat sulok ng agartha na nagpagising sa mga magical folks at non magical folks nahihirapan silang malaman kung saang dako ng agartha nanggagaling ang enerhiyang kanilang nararamdaman, ang mga sirena at mga nilalang ng karagatan sa bawat sulok nang karagatan ay nagsisi ahon papuntang dalampasigan. Ang mga nilalang na kayang lumipad naman ay nagsiliparan papunta sa isla ng lux imperium, napapalibutan ng mga nilalang ang paaralan ng lux imperium academy at umaalulong ito at nagsisigaw na nagpagising sa mga estudyante at professor.
Samantala sa mundo ng mga tao naman ay yumayanig ang buong kalupaan, at maraming mga infrastructure ang nasira, mga tulay na natumba.
Samantala sa imperium realm naman na lugar ng mga patay na diyos ay napadasal silang lahat.
" Oras na !!!!" Pasisigaw ni bathalang zeus
Samantala sa light realm naman na realm at pahingahan ng mga anghel ay nagpatunog sila ng malaking trumpeta sa apat na sulok nito. Nagsisipagdasal narin silang lahat ng mga anghel gamit ang kanilang dalawang palad.
" Oras na!!!" Pagsisigaw ni serephiel at pinalakas pa lalo ng mga anghel na may hawak ng trumpeta ang pagpapatunog nito.
Samantala sa middle realm naman na pahingahan ng mga fallen angel ay nagsipagdasal din at may pinangangambahan silang lahat.
" Oras na !! Sana magtagumpay siya!!" Pagsisigaw ni baal ang hari ng mga fallen angel.
Sa realm naman ng mga buhay na diyos ay nag sipagdasal din sila na animo'y nangangamba din.
Napabalikwas naman ng pagkagising ang bawat pinuno ng bawat kaharian at nagulat sa kanilang naramdamang enerhiya, hindi ito pangkaraniwang enerhiya, ibang iba ito sa mga enerhiyang kanilang naramdaman. Sa tanang buhay nila ay hindi sila nakaramdam ng ganitong klaseng enerhiya na makakaramdam ka nang masidhing pagkatakot.
" Mahabaging kataas taasang bathala , anong klaseng enerhiya ito!" Namamanghang wika ng bawat hari at reyna sa iba't ibang dako ng mundo ng agartha.
Napabalikwas din ang sinaunang reyna dahil sa enerhiyang yun at dali dali siyang tumayo at tumunghay sa labas, nabigla ito dahil nagliliwanag ng pagkalakas lakas ang buwan na si selene na parang mag uumaga na.
" Mahabaging kataas taasang bathala, ngayon ko lang ito muling naramdaman, nagbabalik na ang aming panginoon." Masayang wika ng sinaunang reyna at napabalikwas ito ng pagkakatayo ng may nagsalita.
" Gaga ka, papatayin mo ba ako" gulat na wika nito at tumambad sa kanyang harapan si queen maharia ng Atlantis habang dala dala nito ang tungkod niyang trident.
" Elora, naramdaman mo ba yun??" pagtatanong ni queen maharia at napatango nalang ang reyna bilang tugon.
" Ang panginoon natin ay nagbabalik na " nakangiting wika ni queen maharia.
" At nararamdaman ng tungkod ko na ang enerhiyang iyon ay nasa sinaunang paaralan ng agartha ang lux imperium academy, halika puntahan natin gusto kong masaksihan ang mga mangyayari" masayang saad ni queen maharia at dali dali silang naglaho papuntang academy.
Prince Xavier's POV
Habang natutulog ako ay napabalikwas ako ng gising ng nakaramdam ako ng napakalakas na enerhiya, nang binuksan ko na ang aking mga talukap ay nagulanta ako, dahil si makoli ko ay lumulutang at nagliliwanag, na sa sobrang liwanag nito ay mabubulag ka nito.
" Makoli!" Nag aalalang saad ko, agad ko itong nilapitan pero nabigo ako dahil napatalsik ako sa may pader shittt ang lakas niya. Naririnig ko narin ang mga alulung ng mga nilalang na parang nag sisigawan.
Agad ko namang ginamit ang telepathy ko para sabihan ang mga kasamahan ko pati narin si headmistress.
"Tanda, mga prinsepe't prinsesa at mga kaibigan ni light puntahan niyo kami bilis si light!!" pagtatawag ko gamit ang aking isipan.
" Xavier, saan nanggaling ang enerhiyang nararamdaman ko ngayon" nahihirapang tanong ni tanda sa aking isipan shittt sabi nang puntahan ako kung ano ano pa ang tinatanong nito nabubulag narin ako sa napakasilaw na liwanag ni light ngayon.
" Puntahan niyo nalang ako plss i think the answer for your question ay nandito sa infirmary." Pagpapabilis ko sa kanila.
" Sige na pupunta kami diyan" wika nilang lahat sa akin.
Pinagmasdan ko naman si light, shittt sino ka ba hahh?? Anong klaseng nilalang ka?? Bakit parang ang lakas mo hahhh??. Gusto ko siyang lapitan ngayon pero napakasinag ng nag uumapaw na liwanag sa kanyang buong katawan At tatalsik lang ako nito kapag lalapitan ko siya, buti nalang malaki ang room na kinalalagyan ko ngayon. Nanginginig ako ngayon hindi ko alam kung bakit, dahil ba ito sa enerhiyang nararamdaman ko ngayon na alam kong kay light nanggaling o sa takot na nararamdaman ko sa maaaring mangyayari sa kanya.
Nabigla naman ako ng agad na lumitaw ang sinaunang reyna at ang reyna ng Atlantis. Waitt anong ginagawa nila dito???
" Queen elora and queen maharia anong ginagawa niyo dito???" nasasaktang wika ko sa kanila shittt ang sakit talaga ng pagkakatalsik ko. Nabigla sila dahil sa liwanag na kanilang nakita sa katawan ni light. Agad naman nilang binaling ang tingin nila sa akin at tinulungan nila akong tumayo.
" Lumayo ka muna sa liwanag at wag na wag mo yang lapitan kung ayaw mong mamatay ng maaga" nagugulat na wika ng sinaunang reyna wait sino ba talaga si light hahhh??
" Sino ba siya queen elora and queen maharia?" Naguguluhang tanong ko sa kanila at napangiti nalang ito.
" Siya ang liwanag, prince xavier! ispesyal siya sa lahat ng mga nilalang dito sa buong agartha" nakangiting tugon ng sinaunang reyna ano daw ???? Hindi ko talaga maintindihan
Agad namang lumuwa ang mga prinsepe at prinsesa pati narin ang mga kaibigan ni light at shock na shock sila sa bumungad sa kanila, hindi sila makagalaw sa kanilang kinatatayuan.
" Ba't nagliliwanag si light??" Tanong ni headmistress habang tinatakpan nito ang kanyang mata para hindi siya masinagan ng nakakabulag na liwanag.
" Wag kayong lumapit sa kanya maliwanag" pagwiwika ng sinaunang reyna at napaatras silang lahat.
" Gumawa kayo ng sarili niyong pananggala dahil nagsisimula palang yan" dagdag ng sinaunang reyna kaya ginamit ko ang water wall para protektahan kaming lahat, ang mga nandidito naman ay nakanganga lang dahil sa pagkamangha, hindi sila makapaniwala sa kanilang nakita.
" Kakaiba ito, totoo pala ang sinabi ni serephiel sa akin na dapat siyang ingatan" nagugulat na wika ng headmistress waitt ano?? Isang pinuno ng anghel may sinabi sa tandang ito, ang hirap pa naman nilang Makita sa katunayan tanging si metatron lang ang nakita kong seraphim wala nang iba, pero nalulungkot ako dahil hindi ko na siya Guardian ngayon.
Lumuwa ang mata naming lahat dahil sa pagkagulanta ng sunod sunod na lumuwa at nagpakita ang mga bathalang buhay at patay at ang mga anghel na seraphim at si baal na hari ng mga fallen angel nakita ko rin si metatron pero tinignan niya lang ako ng walang emosyon, lumuwa din ang guardian ni light na si encanta at ang hari at reyna ng mga constellation shittt sino ba si light at anong meron sa kanya kung bakit nagpapakita ang mga matataas na uri ng nilalang na ito hayyys.
" Ang lakas ng beshie ko kiyaah" namamanghang wika ni shiela hayys isa pa to.
" Oras na para ipagdasal siya" pagwiwika ni bathalang zeus waitt anong ipagdasal siya hahhhh??? Gusto ko talagang malaman kung anong nangyayari, kaya pakapalan ng mukha nalang, agad ko silang tinanong.
" Patawarin niyo po ako bathalang Zeus, bathalang mahiqa, serephiel at baal, maaari ko bang malaman kung sino siya??" Naguguluhang tanong ko sa kanila at binigyan nila ako ng walang emosyon na looks hahhh??
" Pasensya ka na bata ngunit hindi namin masasagot ang tanong mo" pagtutugon ni bathalang zeus shittt bakit ayaw nilang ipaalam hahhh?? Mabubuang talaga ako dito sa kakaisip kung sino siya shittt tangina naman ohhh.
3rd person's POV
Habang nanonood si headmistress, ang mga prinsepe't prinsesa, at ang mga kaibigan ni light pati narin ang dalawang reyna ay hindi sila kumukurap dahil sa pagkamangha,nakanganga lang silang lahat.
" Siya na ba ang bagong panginoon natin??" bulong na tanong ng reyna ng Atlantis sa sinaunang reyna ng mga fairy at bumulong din ito para tugunan ang nakabinbin na tanong ng reyna ng atlantis.
" Baka, yun lang ang alam Ko" tugon ng sinaunang reyna sa reyna ng atlantis.
" Simulan na natin mga alalay ng panginoong lux" pagpapasimula ng bathalang zeus, pinalibutan nila ang buong liwanag, atsaka sila naghawak hawak kamay ng mga bathala, mga anghel, si baal at ang hari at reyna ng mga constellation at hindi papahuli si encanta.
Agad silang napayuko habang hawak hawak nila ang bawat kamay ng kanilang katabi, at may sinasambit itong mga salawikaing hindi maintindihan, ang mga nandodoon naman ay litong lito na at naguguluhan, punong puno sila ng tanong sa kanilang mga kokote.
" Mahabaging kataasang taasang bathala tulungan niyo po siyang malampasan ang huling pagsubok" pagsasambit ni bathalang zeus habang nakatingin ito sa taas. Nagimbal ang lahat ng mga naroroon ng humina ang liwanag ni light, napaalerto ang mga bathala, anghel at ang iba pa. Agad nilang sinara ang kanilang mga talukap at nagdasal ng taimtim na sana mapagtagumpayan ni light ang pagsubok.
Habang nagdadasal ang mga matataas na uri ng mga nilalang ay napatalsik silang lahat at nagkabitak bitak ang mga pader dahil sa paglalabas ng matinding wave na nilabas ni light.
" Mahabaging bathala tulungan niyo siya " taimtim na pagdadasal ni bathalang zeus kahit nasasaktan na ito ng dahil sa pagkatalsik nito, hindi parin nagpapatinag ang mga nagsisipagdasal.
Abangan....