Unduh Aplikasi
67.39% DEREF / Chapter 31: DEREF CHAPTER TWENTY NINE

Bab 31: DEREF CHAPTER TWENTY NINE

Jairus POV

Nagising ako dahil sa sinag ng araw na tumatama sa muka ko at pati narin sa...

"Kababaeng tao kung maka hilik kala mo kalabaw e." Umiiling-iling kong sabi.

Dahan-dahan kong tinanggal yung braso nya na nakapalupot sa bewang ko at nagtagumpay naman ako, babangon na sana ko kaso hindi naman ako maka alis dahil nakapatong yung mga binti nya sa tuhod ho aba matinde.

Nang maialis ko yun tumalon ako pababa ng kama na di lumilikha ng kahit anong ingay.

Binuksan ko yung pintuan tapos dumiretso ako sa banyo at sinimulang mag toothbrush.

...

Ilang saglit lang ihinanda kona yung mga kakailanganin sa pagluluto ko.

Hinugasan ko na yung bigas at isinalang ko iyon.

Hinanda ko yung chopping board at nilagay ko dun yung sibuyas, hiniwa ko yun tapos tinantad. Binuksan ko yung tatlong lata nung sardinas at ihininiwalay ko yung sardines sa sabaw at dinurog iyon. Kinuha ko yung tatlong itlog at binasag ko yun at binati, tinimplahan ko yun at inilapag sa lamesa dahil narinig kong kumukulo na yung sinaing ko. Isinalang ko sa tabi nung sinaing ko yung kawali at binuksan yung stove. Nang mainit na yung kawali isinalang ko na yung durog na sardinas at ihinalo ko yun.

"Bango wa nuyan?!" Napapitlag ako dahil sa pamilyar na nagsalita.

"Gising na pala yung kalabaw." Sabi ko at nilagay yung itlog sa sardinas at hinalo-halo ko iyon. Binalikan ko yung sinaing ko ng matuyo iyon at tinakpan ko at hininaan yung apoy.

"Kagabi bibe ngayon kalabaw!" Sigaw nya at dumiretso sa banyo.

Tinimplahan ko yun at nilagay yung sibuyas, habang inaantay ko yun naghanda na 'ko ng mga dalawang plato at kutyara sa lamesa at binalikan ko yung niluluto ko hinalo ko yun at ilang saglit pinatay ko yun at sinalin ko sa malaking plato yun.

Bumili kase kami sa pure gold ni Joree bago kami umuwi, onti lang naman dahil aalis narin kami mamaya.

"Hoodlum!!!" Muntik ko ng mabitawan yung almusal dahil sa gulat.

"Bakit?" Tanong ko.

"Paabot ng tuwalya nakalimutan ko!" Pumasok ako ng kwarto na tinulugan namin at kinuha ko yung tuwalya sa sampayan.

"Ere na buksan mo." Sabi ko sa tapat nung pintuan sa banyo.

"Hoodlum niyakap kita kagabi pero hindi ibig sabihin nun pwede mo na 'kong silipan ha!!!" Nanlaki yung mga mata ko dahil sa sinabi nya.

"Buksan mo to at kamay ko lang at yung tuwalya lang makikita mo." Sabi ko ilang saglit unti-unti nya yung binuksan at nilusot ko yung kamay ko na may hawak na tuwalya kaso...

"BAKIT KA PUMASOK?!" Tinakpan ko kaagad yung mata ko ng dalawang tabo.

"Loko kaba hinila mo kase yung tuwalya yan tuloy nasama ko, wala kong nakita wag kang mag-alala." Seryoso kong sabi habang nakatakip ng dalawang tabo yung mga mata ko.

"SIGURADUHIN MO AT IFA-FLASH KO YANG MGA MATA MO SA BOWL!" Sigaw nya at napaatras ako ng banggain nya ko.

Tinanggal ko na yung dalawang nakatakip na tabo sa mga mata ko, nang matapos ako pinunasan ko yun gamit ang suot kong damit at naglakad palabas ng banyo.

"Ano to?!" Napatingin naman ako dahil sa kanya.

"Sisig." Nanlaki yung mga mata nya dahil dun.

"Sisig e ano yang lata ng sardinas na nakita ko?!" Napatango-tango ako dahil sa sinabi nya.

"Sisig sardines." Sabi ko at umupo sa upuan at nagsimula ng mag sandok ng kanin at ulam.

"Yan almusal natin?!" Tinignan ko sya ng seryoso dahil sa sinabi nya.

"Alam mo yung ayoko sa lahat yung mag iinarte sa harap ng pagkain, hindi palagi dapat mag se-seven eleven tayo para lang kumain ng masasarap buti nga may nakakain ka." Sabi ko at ibinalik yung atensyon ko sa pagkain.

Hindi ko mapigilang mainis dahil kami nga nun kung anong nakahain at niluto nila mama nagpapasalamat pa kami.

Sabagay, mayaman sya at halatang maarte sa mga bagay-bagay yung gigising na lang tapos may nakahain na pagkain pagka-gising nya.

Tumayo ako at pumasok sa kwarto dahil narinig kong nagri-ring yung phone ko. Kinuha ko yun at sinagot iyon.

"Hello." Seryoso kong sabi.

"Tol magkakasama kaming lima dahil pupunta kaming libing sabay-sabay na tayo." Si Kyle lang pala.

"Nandito ko sa dati naming bahay dito nyo na lang ako puntahan mag iingat kayo." Sabi ko.

"Sige tol isa't kalahating oras pa naman bago magsimula yun, on the way na kami." Pagkasabi nya nun pinatay ko na yung tawag at ibinaba yung phone ko sa lamesa.

Naghanap ako ng kulay itim kong damit at ng pantalon, kinuha ko yung isang tuwalya na nakasampay at lumabas ng kwarto...

"Sarap?" Umupo naman sya ng diretso ng marinig nya yung sinabi ko.

"A-ahm ano tinikman ko lang. Eto pala kape nagtimpla ako." Napangiti naman ako dahil sa sinabi nya at ininom yung tinimpla nyang kape.

"Hindi porket mainit ulo ko, malamig na kape ibibigay mo." Natatawang sabi ko.

"Hindi ako sanay mag bukas nung stove e." Sabi nya habang nagkakamot ng ulo.

"Andun yung susuotin mo sa kwarto magbihis kana at maliligo na 'ko dahil aalis na tayo maya-maya." Seryoso kong sabi.

"Hindi kapa nangangalahati sa pagkain mo." Tinignan ko yung pagkain ko at tama sya.

"Kumain ka na lang dyan, maliligo na 'ko." Seryoso kong sabi at naglakad papasok ng banyo.

...

"Hoodlum may tao sa labas." Binuksan ko yung pintuan at sinilip ko kung sino yun...

"Tuloy kayo may pagkain sa loob." Nag-unahan naman yung apat at naiwan si Kyle sa harap ko.

"Pagkatapos kumain nung mga kengkoy nayun aalis na tayo." Sabi ko at naglakad papasok ng bahay.

"Hood- WHAT THE?!" Napatigil naman yung apat sa paglamon dahil sa pagsulpot at pagsigaw ni Joree.

"T-tol ma-mag kasama ka-kayo?" Nauutal na sabi ni Raymond.

"Wa-wala namang nangyari sa inyong dalawa no?" Napakunot naman yung noo ko dahil sa tinanong ni Covie.

"Ni-ninong ba 'ko?" Napailing-iling na lang ako ng tumalon-talon pa sa tuwa si Paolo.

"Congrats tol, TATAY KANA WOOO!" Sigaw ni Jhared habang nakikipag shakehands pa sa 'kin.

"HOY WALANG NANGYARI SA 'MIN NI HOOLUM WAG KAYONG EXAGGERATED!" Nagtaka si Joree ng tawanan sya nung lima.

"Ho-hoodlum tawag mo kay Jairus?" Tumatawa-tawang sabi ni Paolo.

"Tumigil nga kayo! Iligpit nyo yang pinagkainan nyo aalis na tayo." Pagkasabi ko nun para silang mga patay gutom na nag-aagawan sa pagkain.

...

Nasa labas pa lang kami madami ng tao at pinagtitinginan kami.

"Tol ayun si Hazel oh." Tinignan ko yung tinuturo ni Jhared at naglakad palapit sa kanya.

"Hazel." Pagtawag ko at lumingon sya, nakita kong umiiyak sya tapos yumakap sa 'kin.

"Jairus, it's papa's last day." Hazel cried as she hugged me.

"Patawarin nyo ko." Sabi ko habang hinihimas yung buhok nya. Bumitaw sya sa 'kin at sumunod na yumakap sa 'kin si tita.

"Jairus they are animals, they have no soul, they would have died but what will we do if we don't know who is doing this!" Tumingin ako sa ibang direksyon dahil sa sinabi ni tita.

Nanggagaliiti ako sa galit dahil sa mga hayop nayun, humanda sila sa 'kin.

"Tita excuse lang po sagutin ko lang po yung tawag. Kengkoy's kayo na muna bahala kay tita." Tumango naman sila at naglakad na 'ko palabas dahil medyo maingay dito sa loob.

"Hello." Seryoso kong sabi.

"MASTER!" Nailayo ko kaagad sa tenga ko yun dahil sa pamilyar na sumigaw sa kabilang linya.

"Ariza napatawag ka." Nakarinig ako ng tawanan sa kabilang linya pagkasabi ko nun.

"Master sunduin mo kami dito sa airport." Nagtaka naman ako dahil sa sinabi nya.

"Bakit may gagawin ba kayo dito sa pilipinas?" Seryoso kong tanong.

"Master magkakasama kaming lima na pinapunta ni tanda dyan...

Para samahan ka." Nanlaki yung mga mata ko dahil sa sinabi nya.

Teka ano na naman bang pakulo ni tanda at binigyan ako ng mga kunsumisyon.

"Andyan naba kayo sa airport?" Tanong ko habang tinitignan ang mga sasakyang nagdaraanan.

Anong gagawin ko libing ni tito ngayon.

"Oo master hindi namin alam kung san kami didiretso kaya sunduin mo kami master pls." No choice na 'ko.

"Antayin nyo ko tatlumpung minuto." Nakarinig pa 'ko ng hiyawan bago ko iyon ibaba.

Naglakad ako papasok at nakita ko si Joree na nakatingin sa 'kin at kasama na pala nya yung mga kaibigan nya.

"Joree kapag umuwi na mga kaibigan mo sumabay kana sa kanila." Hindi na 'ko nagtaka ng nagulat sya dahil sa sinabi ko.

"Aalis kaba?!" Tumango ako at hindi na sya inantay na makasagot pa dahil naglakad na 'ko sa direksyon nila tita at Hazel.

"Tita gusto ko pong makilibing pero may kailangan po akong puntahan." Umiling-iling naman si tita dahil dun.

"Ayos lang Jairus ang pagpunta mo dito napakalaking bagay na yun." Kaagad ko syang niyakap ng umiyak sya.

"Tita pangako eto na ang huli nila at oras na para magbayad sila." Seryoso kong sabi at naramdaman kong humiwalay si tita sa pagkakayakap.

"Kengkoy's kayo na bahala dito may pupuntahan lang ako, salamat sa tulong nyo." Sabi ko at tinapik ko yung mga braso nila.

"Hazel mauna na 'ko." Niyakap nya ko ng ilang saglit at pinakawalan rin at naglakad na 'ko paalis.

Sumakay ako sa motor ko at sinusian ko iyon. Ilang sandali pinaandar ko yun ng pagkabilis-bilis.

Full tank ako ngayon dahil bumili kami kahapon ni Joree bago umuwi.

Habang nasa byahe ako iniisip ko kung bakit pinadala sa 'kin ni tanda yung mga yun.

...

Ihininto ko yung motor ko sa harap nung airport at ng makababa ako kinuha ko yung susi nun at naglakad papasok.

Habang naglalakad nagpapalinga-linga ako.

"MASTER!" Sigaw ni...

Ariza habang kumakaway. Naglakad ako palapit sa kanila at nakita kong katabi nya sila...

Jessel.

Sealtiel.

Shannice.

Fiona.

At yung pinaka malakas sumigaw.

"A-ariza bi-bitaw n-nahihirapan akong huminga." Napahawak ako sa leeg ko ng bumitaw sya at tumatawa-tawa pa.

"Yakap ba yun o Sakal." Tumawa silang lima dahil dun.

"Master." Sabay-sabay na sabi nung apat.

"Kapag inuwi ko kayo sa dati naming bahay at nalaman ng limang kengkoy na may mga magandang dalaga akong pinatuloy dun, mag sisilipatan nayun at sasamahan na kayo." Ngiting-ngiti naman sila dahil dun.

"Master kung lalaki sila baka pwede pa nating pagusapan yan." Napailing na lang ako ng sabihin yun ni Fiona habang nag pa-pacute.

"Tanga sabi ni master mga 'dalaga' hindi baklita." Natawa naman kami dahil sa sinabi ni Jessel.

"Master kamusta na? Alam mo bang nalungkot kami nung umalis ka para bumalik dito." Napangiti naman ako dahil sa sinabi ni Shannice.

"Master wag kang maniwala dyan, tuwang-tuwa nga yan nung umalis ka dahil may panibagong laban na naman daw." Nagsagutan sila ni Shannice matapos sabihin ni Sealtiel yun.

Jessel Abara, Shannice Alfaro, Fiona Salgado, and Ariza Mariano. Yang apat nayan puro mga kalog yan at di natatahimik yung mga bibig.

At syempre kung yung apat maingay...

Sealtiel Castro tahimik lang yun pero paminsan-minsan nagsasalita din.

Sila ang mga kaibigan ko at naging kasama ko nung sumama ako kay tanda.

Lahat ng kinuha ni tanda may mga problema sa nakaraan at pare-pareho ng hinahangad at pinaglalaban.

At isa na kami dun.

"Master sa 'n may kainan dito?" Lantang-lantang tanong ni Ariza.

"Anong motto nating anim kapag kumakain?" Tanong ko.

"WALANG PWEDENG TUMALO SA 'TIN!!!" Pinagtinginan kami ng mga tao dahil sa sinigaw nung lima.

"Let's go." Kanya-kanya silang kuhanan ng maleta nila ng sabihin ko yun.

"Ano bayang maleta nyo, kasya na kayo dyan e." Seryoso kong sabi.

"Hindi halata kay tanda na gusto nya kaming umalis." Natatawang sabi ni Fiona.

"Ayaw nya kase ng maingay." Sumang-ayon yung apat ng sabihin ni Sealtiel yun.

"Girl wag kang maingay baka biglang sumulpot si tanda sa harap natin." Natawa kami dahil sa sinabi ni Shannice.

"Hilig pa naman manggulat nun." Kinapitan ako nung apat pagkasabi nun ni Jessel.

"Master ikaw ang savior namin kay tanda." Sabi ni Ariza.

Totoo yun walang sumusuway kay tanda kundi ako lang.

Kahit ganun yun nakakatakot parin yun kapag nagalit.

"Master kanina pa sa 'tin nakatingin yung lalakeng yun, kilala mo ba sya?"

Napansin din pala ni Sealtiel.

"Anong oras?" Tanong ko.

"3:00." Sabi ni Fiona.

"Hindi ko sya kilala, hayaan nyo sya." Tumango yung lima pagkasabi ko nun.

Ganyan kami kapag may nakatingin sa 'min or may kahina-hinalang tao.

Iisipin mong nakatayo ka sa orasan at may doseng numero iyon, ikaw ang nasa gitna at sila ang naka paligid sayo.

Pero hindi ako pwedeng magkamali ang nakatingin na yan...

Ang pumatay kahapon sa napasukan naming eskenita ni Joree.


Load failed, please RETRY

Status Power Mingguan

Rank -- Peringkat Power
Stone -- Power stone

Membuka kunci kumpulan bab

Indeks

Opsi Tampilan

Latar Belakang

Font

Ukuran

Komentar pada bab

Tulis ulasan Status Membaca: C31
Gagal mengirim. Silakan coba lagi
  • Kualitas penulisan
  • Stabilitas Pembaruan
  • Pengembangan Cerita
  • Desain Karakter
  • Latar Belakang Dunia

Skor total 0.0

Ulasan berhasil diposting! Baca ulasan lebih lanjut
Pilih Power Stone
Rank NO.-- Peringkat Power
Stone -- Batu Daya
Laporkan konten yang tidak pantas
Tip kesalahan

Laporkan penyalahgunaan

Komentar paragraf

Masuk