Unduh Aplikasi
47.5% Protector's Love / Chapter 19: Chapter 19

Bab 19: Chapter 19

"Wow!" Sabi ni Iggy ng makita ang pinsan na suot na ang SWAT uniform na dala niya. "Ano na naman ba 'to, Iggy?" Nakataas ang kilay na tanong ni Valerie. "Kasyang kasya pa din ah." Sabi ni Iggy para ibahin ang usapan. "Iggy!?" Inis na sabi ng dalaga. "I have my reasons and you'll know it later." Nakangising sabi ni Iggy. "Naku!" Akmang babatukan ni Valerie ang pinsan pero nakatakbo na ito palabas.

.......

"Bakit nandito tayo?" Takang tanong ni Valerie ng pumasok sila sa BASE CAMP ng ORION pero kumindat lang si Iggy. Nang makababa ang magpinsan ay agad na nagsilapitan ang iba pang miyembro ng PHOENIX SWAT TEAM na nagpakunot sa noo ni Valerie pero maya-maya ay naintindihan na din niya ang gustong mangyari ng pinsan.

Iggy Villaflores, ang Captain ng PHOENIX. Kasama niya sila Arater, Axl, Barack, Bjorn, at Bond bilang kanyang mga Lieutenants at Sergeants. Kung ang ORION ay sa Luzon, ang PHOENIX ay sa Mindanao, at ang HAWK naman ay sa Visayas.

"Salute!" Sabay-sabay na sabi ng PHOENIX ng makita si Valerie. "Sino na naman ang injured sa inyo ha at dinamay na naman ako ng magaling n'yong Kapitan sa kalokohan niya?" Natawa ang PHOENIX sa sinabi ng dalaga.

Si Valerie ay isang Reservist ng Philippine Swat Team. Yearly ay ginagawa ang joint tactical military activities sa pagitan ng Visayas at Mindanao SWAT Team at lagi siyang isinasama ni Iggy dahil natataon na isa sa PHOENIX ang may injury o kaya naman ay may sakit. Sa mga ganitong pagkakataon lang naman siya isinasama ng pinsan dahil ayon dito ay parang refresher course din ito sa mga natutunan niya noon ng sumabak siya sa training.

Itinaas ni Arater ang kamay at nakita ni Valerie na nakabenda ito. "Ano'ng nangyari d'yan?" Tanong ng dalaga sa 1st Liuetenant ng PHOENIX. "Aksidente sa motor, Val." Umikot ang mata ni Valerie sa sagot ng binata.

"At dahil sa Tactical training si Arater, sa firearms ka." Tumaas ang kilay ni Valerie ng madinig ang sinabi ng pinsan. "I'm giving you an hour. Tingnan natin kung hindi ka pa kinakalawang." Nakangising sabi ni Iggy. "Hindi ko alam kung ano'ng kalokohan ang binabalak mo Iggy pero kapag ako..." Hindi natapos ni Valerie ang sasabihin dahil iniwagayway ni Iggy ang phone sa ere. "Galing mo talagang mang-blackmail." Inis na sabi ni Valerie. "You'll thank me later." Sabi naman ni Iggy. Tinanguan ni Iggy si Arater. "Tara na, Val." Aya ni Arater sa dalaga para pumunta na sa field kung saan gagawin ang joint tactical military activities.

.......

Sabay-sabay na dumating ang mga miyembro ng ORION sa Base Camp. "Ang aga ng PHOENIX ah." Sabi ni Andre na nakatingin sa mga sasakyan nakaparada sa parking lot. "Ang HAWK kaya?" Tanong ni Aziz. "As usual, grand entrance na naman sila mamaya." Sagot ni Bowie na ikinatawa ng lahat. "Sino kaya papalit kay Arater? Balita ko babae daw yun eh." Sabi naman ni Ceasar. "At hindi lang maganda, sexy pa daw." Dugtong naman ni Darwin. "Malalaman natin 'yan mamaya." Si Luke ang nagsalita. Naglakad na ang ORION papunta sa training field kung saan doon mag-assemble ang tatlong SWAT Team.

.......

Sabay-sabay na pumalakpak ang PHOENIX sa pinakitang galing ni Valerie sa paghawak ng mga baril na nasa mesa. At lalo silang humanga ng wala pa ding palya ang dalaga sa pagtama nito sa mga bull's eye ng mga target paper na nakapila sa shooting area.

"Galing-galing talaga, Val!" Sabi ni Axl na nakipag-apir sa dalaga. "Salute!" Natawa ang dalaga sa ginawa ni Barack. "Pakipunasan nga laway ko, Val." Sabi naman ni Bjorn. "Doktora na, sharp shooter pa!" Sabi naman ni Bond. "Alam n'yo, aral na aral talaga kayo sa Kapitan n'yo." Sabi ni Valerie na inirapan si Iggy na nakangiti sa kanya.

"Akala ko kinakalawang ka na." Naningkit ang mga mata ng dalaga ng tumingin sa pinsan. "Ano'ng masasabi mo kay Luke?" Kumunot ang noo ni Valerie sa biglang tanong ni Iggy. "O, bakit ganyan itsura mo?" Natatawang tanong ng binata. "Bakit naman napasok si Luke sa usapan?" Umiwas ng tingin ang dalaga dahilan para mangiti si Iggy. "Do you like him?" Bigla ulit napatingin si Valerie sa pinsan. "Ano ba 'yang mga pinagtatanong mo ha?" Namumulang balik tanong ni Valerie dahilan para matawa si Iggy.

"Kahit ano'ng iwas mong sagutin ang mga tanong ko, your actions confirmed everything." Seryosong sabi ni Iggy. "I think he's a good man." Dugtong ni Iggy. "Ano bang nakain mo, Iggy. May sakit ka ba?" Pag-iiba ng topic ni Valerie. "Haha, alam mong wala kang maitatago sa akin. Deny lang ng deny pero I know you. Hindi si Andre ang dahilan kung bakit bigla ka na lang lumuwas pabalik dito sa Manila with an injury to be exact." Lalong namula si Valerie. "Ha'ay! Ewan ko sa'yo!" Sabi ng dalaga saka lumakad palayo sa pinsan. "Oi, malapit ng magsimula. Saan ka pa pupunta?" Sigaw ni Iggy. "CR!" Maikling sagot ni Valerie.

.......

Nagtanguan ang ORION at PHOENIX ng magkita-kita sa training field. Nagsipag-fist bomb pa ang isa't isa ng magkalapit na ang dalawang grupo. Noong unang araw silang magkita ay hindi maiiwasan ang tensyon sa bawat grupo pero pagkatapos ng halos isang linggong pagsasama-sama ay nahuli na din nila ang ugali ng bawat isa.

Isang linggo silang magkakasabay na nag-training at ito ang huling araw kung saan magkakaroon ng isang friendly match sa pagitan ng tatlong grupo.

"Goodluck!" Sabi ni Iggy kay Luke. "Parang kinabahan naman ako sa goodluck mo." Sabi naman ni Luke na nakangiti. "You're hitting two birds in one stone." Makahulugang sabi ni Iggy. "Ano?" Natawa si Iggy sa itsura ni Luke. "Basta goodluck at 'wag mo kong bibiguin. Sa'yo na ang boto ko kaya 'wag kang magpapatalo." Nangunot ang noo ni Luke dahil hindi niya talaga maintindihan ang sinasabi ng kausap. "Lasing ka ba?" Natawa si Iggy sa sinabi ni Luke. Naputol ang usapan nila ng madinig ni Luke ang isang pamilyar na pangalan na tinawag ni Andre. Lumapit si Iggy sa pinsan para ipakilala ito.

"Okay guys, meet our PHOENIX reservist and ang kapalit ni Arater ngayong araw na 'to, Dr. Valerie Villaflores." Natawa ang PHOENIX ng makitang nakanganga ang ORION ng makita si Valerie. Walang ibang nakakaalam na reservist ang dalaga ng PHOENIX, tanging si Abigail lang ang sinabihan niya.

"Hi!" Bati ni Valerie sa ORION na hindi pa din makapaniwala. "Grabe, Val, ano pa bang hindi ko alam sa'yo?" Sabi ni Andre at ngumiti lang ang dalaga. "May paki-usap sana ako sa inyo. Si Abigail lang ang nakakaalam nito kaya please lang, kung ano ang nakita at nalaman n'yo dito ay sa atin na lang." Nagtinginan ang ORION saka sabay-sabay na tumango.

"Cap! Si Valerie oh." Tawag ni Andre kay Luke saka lamang lumapit ang binata sa kanila.

"Padating na ang mga Lawin!" Sabi ni Arater kaya napatingin silang lahat sa mga naglalakad palapit sa kanila.

HAWK SWAT Team, pinamumunuan ni Captain Boyan, kasama sila Bruce, Cobain, Draco, Einer, at Elon bilang mga Lieutenant at Sergeants ng grupo.

Nagulat si Luke ng biglang tumabi sa kanya si Valerie. Tiningnan niya ito pero ngumiti lang sa kanya ang dalaga.

"Valerie!?" Sigaw ni Boyan at agad-agad nilapitan ang dalaga. Nagmamadali namang kumapit si Valerie sa braso ni Luke. "Hep! Hep! Hep!" Pigil ni Valerie sa akmang pagyakap sa kanya ng binata. "Boyfriend ko nga pala!"


Load failed, please RETRY

Status Power Mingguan

Rank -- Peringkat Power
Stone -- Power stone

Membuka kunci kumpulan bab

Indeks

Opsi Tampilan

Latar Belakang

Font

Ukuran

Komentar pada bab

Tulis ulasan Status Membaca: C19
Gagal mengirim. Silakan coba lagi
  • Kualitas penulisan
  • Stabilitas Pembaruan
  • Pengembangan Cerita
  • Desain Karakter
  • Latar Belakang Dunia

Skor total 0.0

Ulasan berhasil diposting! Baca ulasan lebih lanjut
Pilih Power Stone
Rank NO.-- Peringkat Power
Stone -- Batu Daya
Laporkan konten yang tidak pantas
Tip kesalahan

Laporkan penyalahgunaan

Komentar paragraf

Masuk