Unduh Aplikasi
17.5% Protector's Love / Chapter 7: Chapter 7

Bab 7: Chapter 7

Ramdam ni Luke na halos mapupugto na ang kanyang hininga sa paghalik ni Valerie. Amoy na amoy din niya ang bango ng shampoo at sabon na ginamit ng dalaga sa paliligo nito kanina. Gusto niyang itanong bakit nandito ito pero mas nauuna ang kagustuhan niyang laliman pa ang paghalik sa dalaga. Biglang tumigil si Valerie sa ginagawa nito at ngumiti ng pagkatamis-tamis. Naguluhan man si Luke sa ginawa ng dalaga ay binalewala niya iyon. Bigla siyang itinulak ng dalaga sa kama. Ramdam ni Luke ang pananabik ng kanyang sarili lalo at nakita niyang dahan-dahang niluluwagan ni Valerie ang towel na nakatapis sa katawan nito. Nang tuluyan ng matanggal ni Valerie ang towel ay biglang lumabo ang mga mata ni Luke pero aninaw niya pa din ang pigura ng dalaga. Nakita niya itong palapit sa kanya at bigla na lang siyang dinaganan. Kasabay ng bigat ng katawan ng dalaga ay ang paglapat ni Luke sa sahig ng kanyang kwarto.

"Put...talaga naman oh!" Inis na sabi ni Luke dahil ang lahat ay isang nakakalokong panaginip lang pala.

.......

"Ano ba yung lumagabog sa kwarto mo kanina?" Bungad ng kanyang inang si Lucy ng maupo siya sa dinner table para sabayan ang mga ito sa breakfast. "Ah, wala yun, Ma. Nagkamali lang ako ng hakbang." Pagsisinungaling ni Luke. Nang matapos ay nagpaalam na siya sa mga magulang para pumunta sa team building park kung saan gagawin ang seminar ng mga bago nilang recruit na pulis. Pasakay pa lang siya sa kanyang Wrangler Rubicon 392 ay tumunog na ang kanyang cellphone at si Andre ang nakita niya sa caller ID.

"Pre, asan ka na?" Bungad ni Andre. "Paalis pa lang sa bahay, bakit?" Tanong ni Luke. "Good! Flat kasi yung gulong ng sasakyan ni Valerie. Hindi siya masusundo ni Abi kasi ay may emergency OR sa ospital. Ako naman ay nandito na sa site. Ikaw na ang sumundo kay Val." Sabi ni Andre na kinasimangot ni Luke. "Pre naman, alam mo naman hindi kami in good terms ni Taray Queen tapos ako pa susundo? Baka naman sumabog kami dito sa sasakyan." Nadinig niya ang mahinang tawa ni Andre. "Pre naman, nakakahiya kay Val kung sasabihin ko na mag-taxi na lang siya saka guest speaker natin siya kaya dapat lang ay sundo't hatid siya." Sabi ni Andre. "Eh paano kung hindi siya sumakay sa kin?" Tanong ni Luke. "Sus, kayang-kaya mo ng gawan ng paraan 'yun. Kaw na bahala, pare. Bye!" Di na nakatanggi pa si Luke dahil nawala na sa linya si Andre.

Pagkatapos tawagan ni Andre si Luke ay nag-text naman siya sa girlfriend. "Success!" Sabi niya sa text. "Very good, tart. I love you." Reply ni Abi. "Love you more." Reply naman ni Andre.

.......

Nasa entrance na si Valerie ng building ng kanyang condo at iniintay ang sinabi ni Abi na susundo sa kanya. Maliban kasi sa flat na gulong ng sasakyan niya ay hirap din siyang magmaneho dahil sa sugat niya sa braso. Kagabi ay pinilit lang talaga niyang makauwi pero ng makarating sa bahay ay nakita niya na may tumulong dugo mula sa kanyang sugat.

Nang may pumaradang sasakyan sa harap niya ay namangha siya. Isa ito sa pangarap niyang sasakyan at balak na sanang bumili pero niregaluhan naman siya ng mga magulang ng kotseng gamit-gamit niya ngayon. Nang ibaba ng driver ang bintana ng sasakyan ay napasimangot si Valerie.

"Morning, hop in!" Aya ni Luke sa dalaga. "Ikaw ang susundo sa akin?" Tanong ni Valerie. "May iba ka bang nakikita?" Balik tanong naman ni Luke na kinataas ng kilay ni Valerie. "Pasensya na Mr. Luke pero siguro ay magtataxi na lang ako." Sabi ni Valerie sabay lakad palayo sa sasakyan. Nagmamadali naman bumaba ng sasakyan si Luke at hinarangan ang dadaanan ni Valerie. "Look, Ms. Valerie, ang start ng seminar ay 8 am and ang oras natin ngayon ay 7:45 am. Kung mag-iintay ka pa ng taxi ay malelate ka na and I don't want tardiness in my field." Sabi ni Luke na lalong ikinairita ni Valerie. "Excuse me, maaga po ako sana ang kaso hindi ko naman ginusto na ma-flat ang gulong ko." Inis na sabi ni Valerie. Huminga ng malalim si Luke saka tumingin ng deretso kay Valerie. Hindi naman nagpatalo ang dalaga kaya tumingin din siya ng deretso sa binata. Nang madako ang tingin ni Luke sa labi ng dalaga ay nawala siya sa kanyang concentration. "Damn!" Mahinang mura niya. Naguluhan naman si Valerie pero hindi siya nagpahalata.

"Excuse me, mag-aabang na ako ng taxi." Sabi ni Valerie sabay lakad pero hindi pa siya nakaka-dalawang hakbang ay hinila siya pabalik ni Luke dahilan para mapangiwi siya. "Shit!" Muling mura ni Luke ng maalala ang sugat ng dalaga. "Sorry, sorry, hindi ko sinasadya." Hinging paumanhin ni Luke. Inirapan naman siya ni Valerie sabay lakad palayo ngunit bigla siyang napatili.

"You have given me no choice, Ms. Valerie." Sabi ni Luke. "Ano ba? Ibaba mo nga ako!" Inis na sabi ni Valerie. Buti na lang ay jeans at shirt ang suot niya kung hindi ay baka nakitaan na siya sa pagbuhat sa kanya ni Luke. Binaba naman siya ng binata sa tapat ng pinto ng sasakyan nito. Tiningnan niya ng masama ang binata pero parang wala lang ito sa damuho. Maglalakad na sana ulit si Valerie palayo pero hinawakan muli siya ni Luke pero sa pagkakataon ito ay sa kabilang braso na siya hinila nito.

"Sasakay ka ba o gusto mo pang buhatin kita at ihagis sa loob?" Banta ni Luke. "Subukan mo!" Ganting banta naman ni Valerie. "Don't test my patience, Ms. Valerie Villaflores." Sabi ni Luke sabay handa sa pagbuhat na gagawin kay Valerie. "Okay! Okay! I'm going in! I'm going in!" Tili ni Valerie sabay sakay sa loob ng sasakyan ng binata. Hindi naman maiwasan ni Luke na mapangiti. "1 point Luke, 0 point Valerie." Bulong ng binata sa kanyang sarili.

Habang nasa daan sila ay pasipol-sipol pa si Luke na lalong ikina-inis ni Valerie. "Stop that!" Natingin naman si Luke sa dalaga pero hindi naman pinansin ito. "Will you stop whistling!" Pasigaw ng sabi ni Valerie. Kita ni Luke na talagang galit na ito kaya itinigil na din niya ang pang-iinis.

Pagdating nila sa team building site ay agad silang sinalubong ni Andre. Hindi na inintay pa ni Valerie na pagbuksan siya ng pinto ng binata at mabilis na bumaba.

"Dre, can I use the comfort room first?" Walang kangiti-ngiting sabi ni Valerie. "Oo naman. Doon sa left side." Turo ni Andre. Walang lingon-likod na dumiretso na doon ang dalaga. Tumingin naman si Andre kay Luke. "Ano'ng nangyare?" Tanong ni Andre pero isang kibit-balikat lang ang sinagot ni Luke sabay tinuloy ang pagsipol na naudlot kanina.


Load failed, please RETRY

Status Power Mingguan

Rank -- Peringkat Power
Stone -- Power stone

Membuka kunci kumpulan bab

Indeks

Opsi Tampilan

Latar Belakang

Font

Ukuran

Komentar pada bab

Tulis ulasan Status Membaca: C7
Gagal mengirim. Silakan coba lagi
  • Kualitas penulisan
  • Stabilitas Pembaruan
  • Pengembangan Cerita
  • Desain Karakter
  • Latar Belakang Dunia

Skor total 0.0

Ulasan berhasil diposting! Baca ulasan lebih lanjut
Pilih Power Stone
Rank NO.-- Peringkat Power
Stone -- Batu Daya
Laporkan konten yang tidak pantas
Tip kesalahan

Laporkan penyalahgunaan

Komentar paragraf

Masuk