Unduh Aplikasi
41.46% "You're Only Mine" / Chapter 17: KABANATA 17

Bab 17: KABANATA 17

"Daniel," may biglang humila sa braso ni Daniel. Kilala ko sya sa mukha pero hindi sa pangalanan, nakalimutan ko lang. Napabuntong hininga ako sa kaba. "Gago ka talaga, anong ginagawa mo." usal niya sa galit at nanatiling nakahawak sa braso ni Daniel.

"Bakit? nakipag-usap lang naman ako ah!" sagot ni Daniel. Palipat-lipat ang tingin ko sa dalawa.

"Na hawak ang kamay?" isang maawtoridad na boses ang nagsalita mula sa likuran ni Daniel. Sabay kaming napalingon. Bigla akong kinabahan ulit!

"Clifford, ako na ang bahala. Gago 'tong komag na to." hinila ng lalaki si Daniel at tuluyan silang umalis. Panay pigla ni Daniel ngunit mas malakas ang lalaking humila sa kanya.

"Sino yon?" tanong ko na ikinakunot noo ni Clifford. Ramdam na ramdam ko parin ang galit niya.

"Its Robi, pinsan ko." tanging sagot niya bago umiwas ng tingin. Nag-taas kilay ako sa pag iwas niya ng tingin.

"Okay," aakamang aalis ako ng hinila niya ang kamay ko. Bumagsak ang mata ko sa kamay niyang nakahawak saking kamay. Napatitig din sya mula roon, dahan-dahan kong binawi ang aking kamay.

"Yong kausap ko kanina, girlfriend ng kaibigan namin." eksplenasyon niya. Natawa ako ng mahina.

"No one asking," sarkastiko kong sagot. Igting panga niya akong sinamaan ng tingin. Sa puntong ito ay nakapamulsa sya.

"Okay, Stay away from Daniel he's a bad person." natawa ako sa sinabi niya. Isang mapaklang tawa na may pang-aasar.

"Ang dali mo namang manghusga sa isang tao, ganyan ka ba talaga?" sarkatiko kong ulit na sagot. Napabuntong hininga sya.

"Dahil kilala ko sya," tanging sagot niya na may ngiti. Taas kilay akong lumapit sa kanya.

"Judgemental pala ang magiging asawa ko," huli kong sabi bago sya tinalikuran subalit nagsalita sya agad na ikinahinto ko.

"I  judge when I knew the person what he was. Kong ayaw mo hindi kita pipigilan, just becareful." agad syang umalis pagkatapos sabihin iyon. Iniwan niya akong kuyom ang dalawa kamao. Napapikit ako sa pagod, sa totoo lang ay kanina pa nanga-ngawit ang aking mga paa.

"Marilou," sabay akong napalingon sa likuran. Papalapit sakin si Jazzy at Jilheart. Napabuntong hininga ako at agad silang niyakap dalawa. "Hey anong problema?" niyakap rin nila ako.

"Im so tired, kanina pa ako pagod na pagod. Buti nalang ang nakarating kayo." nakanguso ko. Nagtawanan ang dalawa at niyakap ako ulit.

"Kanina pa kami rito noh, hindi lang talaga kami lumalapit sayo kasi busy ka." Si Jazzy, napangiwi ako bilang ekspresyon.

"Oh may masakit ba?" si Jilheart at nakayukong tignan ang paa ko.

"Nangagawit na ang paa ko, gusto ko nang umupo. Lets go, dun tayo." hinila ko ang dalawa palapit sa isang mesa mula sa sulok. Panay bati naman sakin ng mga taong nakasalubong namin. Direkta agad akong umupo at agad inabot ang isang baso ng alak. Ininom ko agad iyon.

"Uhaw na uhaw ka yata," si Jazzy. Napasulyap ako sa kanya.

"Kanina pa ako galit na galit, kanina ko pa gustong magwala at sabihin sa lahat na ayaw ko sa party na ito, at ayaw ko kay Clifford." sunod-sunod kong sabi na ikinatahimik ng dalawa.

"Bakit di mo ginawa?" si Jilheart.

"Dahil--," usal ko bago lumingon sa direksyon ni daddy kasama ang mga kaibigan niya.

"Dahil takot ka? natatakot ka na mawala sayo ang lahat?" napayuko ako sa sinabi ni Jazzy. Buntong hininga akong sumandal sa upoan.

"Natatakot ako na mawala sakin ang lahat, natatakot ako na baka isang araw ay pati si Lolo ay ayaw na sakin. Kaya lang naman ako napilitan sa gusto nila dahil ayaw kong mahiwalay kay daddy at Lolo. Remember nong inayawan ko sila, halos palayasin ako ni daddy, halos ayaw na sakin ni Loloa." gusto kong umiyak pero kailangan kong pigilan iyon. Ayaw na ayaw kong nakikita nila akong nanghihina. Sinusunod ko lang ang gusto nila, ngunit hindi ibig sabihin non ay magpapakulong na ako sa isang relasyon na puro kasinungalingan at walang katotohanan.

"Sorry girl, hindi ka namin matutulongan sa problema mo." si Jazzy habang hawak-hawak ang aking kamay.

"Okay lang ako, girls. Huwag kayong mag-alala. Alam kong hindi kami magtatagal ni Clifford, pagkatapos ng aming kasal ay wala ring mangyayari. Aabot lang kami sa gulo, awayan at hahantong sa hiwalayan. At siguro naman sa puntong iyon ay maiintindihan na ako ni Lolo at daddy, diba what you think?" natahimik ang dalawa sa sinabi ko. Nagkatinginan sila na para bang hindi sang-ayon sa sinabi ko.

"Alam mo girl, mahirap yan eh. Hindi ako sure huh pero baka kasi mahulog ka kay Clifford. Sobang gwapo pa naman nun." Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Jazzy.

Gwapo? Hindi rin ako sure.

"Watch me, girls. Sisiguradohin kong makikipag devorce lang din yan sakin. Tanging kayo lang dalawa ang nakakaintindi sa ugali ko." napanguso ang dalawa at sabay silang humawak saking kamay na nakangiti.

"Ikaw pa, alam namin kong gano ka katapang. Laban lang girl, nasa likuran mo kami." nagtawanan kaming tatlo pagkatapos ay isa-isang uminom ng alak.

Napalingon ako sa buong paligid at patuloy ang kasiyahan ng bawat isa. Napadpad ang tingin ko kay daddy na ngayon ay hawak-hawak ang mikropono. Bigla akong kinabahan!

"Goodevening ladies and gentlemen," biglang nagsalita si daddy sa harap ng lahat. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Hindi ko alam pero halos hindi ako makahinga ngayon.

Hinanap ng mata ko si Clifford at natagpoan ko sya sa kabilang table, kasama parin ang mga kaibigan niya. Nakangiti ang mga kaibigan niya na tila nasisiyahan rin sa nangyayari.

"Oh my gosh, exciting 'to." sinyas ni Jazzy kaya sinamaan ko sya ng tingin. Sa puntong ito ay nagtataka ako. Hindi ko alam kong ano ang mangyayari at hindi ako handa.

"It's my happy task to welcome you all here tonight to celebrate the engagement of My daughter Marilou and Clifford. For those of you who don't know me, I'm Marilou's very proud father, Mannuel." lumingon sakin si daddy na nakangiti. Lahat sila ay napalingon sakin ng kinawayan ako ni daddy. Biglang nanginig ang tuhod ko at the same time, ayaw ko ng ganito. Ayaw kong maging mahina!

"Thank you for coming to share this milestone event. It means so much to all of us Marilou and Clifford, my wife and to the Edelbario family, that you're here at the occasion marking the beginning of their life long commitment." dugtong ni daddy. Halos nagpalakpakan ang lahat. Ayaw ko sa mangayayari na ito, kinakabahan ako.

"Aalis na ako," aakmang tatayo ako ng biglang nagsalita ulit si daddy.

"I've had 20 years of being Marilou's father and they've flashed by.  I remember her newly born; how her minute fingers curled around mine and the feeling that gave me. I vowed I'd be her super man. Nothing would ever hurt my little girl. Now's a good place for a reality check. Sometimes, I was Super Man. 

But mostly I was me, a man - an ordinary one, made special, through the privilege of being her father. And now she has grown so fast." dahan-dahan akong napaupo sa sinabi ni daddy. Hindi ko alam kong iiyak ba ako o magagalit sa puntong ito. "Marilou come here," nanlaki ang mata ko sa anyaya ni daddy. Lumingon ako sa gawi ni Clifford at nakatingin na sya sakin maging ang mga kaibigan niya.

"Go on, Marilou." si Jazzy at Jilheart.

"Anak," pangalawang tawag ni daddy. Kuyom ang dalawa kong kamao. Bakit kailangan pang umabot sa ganito? Nagulat ako ng lumapit sakin si Lolo, nanlaki ang mata ko ng nasa harapan ko na sya.

"Ilang beses kang dapat tawagin para lunapit?" isang ma awtoridad na boses ang binagsak ni Lolo. Taas kilay niya akong tinignan na tila nagbabanta na huwag akong tumakas o tumakbo. Inilahad ni Lolo ang kanyang kamay at inabot ko iyon. Dahan-dahan kaming lumapit kay daddy.

Inabot niya ang kamay ko para tumabi sa kanya. Bumalik si Lolo sa upoan niya.

"Mahal na mahal ka namin, Marilou. Masaya ako dahil dumating ka sa buhay ko. Gusto ko lang mapabuti ang buhay mo at alam kong si Clifford ang magbibigay sayo non, isang masayang pamilya." bulong niya sakin. Napakagat ako saking labi. Gusto kong sumigaw kay daddy na ayaw ko. Gusto kong magwala.

"Daddy please," sa puntong ito ay nabitawan ko iyon. "Ayaw kong---,"

"Huwag mong subukang umayaw, alam muna ang mangyayari." tanging sagot ni daddy at nagsimula ulit magsalita. "Clifford please join us here at stage" napatingin ang lahat kay Clifford. Agaran syang lumapit samin at tumabi sakin. Ramdam ko ang init at tensyon sa pagitan namin. "Please may gusto kang sabihin sa lahat?" nagulat ako ng ibinigay ni daddy ang mikropono kay Clifford. Mas lalo akong kinabahan! "I trust you, future son-inlaw!" huling sabi ni daddy at iniwan kami sa stage.

Sobrang tahimik ng lahat. Dahan-dahan akong humarap kay Clifford at ganon din sya.

"Anong gagawin mo?" bulong ko na may galit.

"Sa tingin mo ano ang dapat kong gawin?" sarkastiko niyang sagot. Umiwas ako ng tingin at napapikit. "Ayaw mo diba? sige ako na ang magsasalita sa lahat para sayo." mabilisan ko syang tinignan. "Dont worry, maiintindihan nila." huli niyang sabi bago humarap sa lahat. Napatingin ako sa lahat ng mga tao.

"Hi everyone," una niyang salita. Napalingon ako kay daddy at Lolo na ngayon ay sobrang laki ng ngiti. Napadpad ang tingin ko sa pamilya ni Clifford at sobrang laki rin ng mga ngiti nila. "Sa totoo lang ay ayaw ni Marilou---"

"Clifford," sigaw ko bilang pag pigil sa kanya. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Lumapit ako ng kaunti sa kanya at hinawakan ang kanyang braso para pigilan sya. Kunot noo syang tumitig sakin bago sya ngumiti sakin. Bigla akong nagtaka sa ngiti niya ngayon.

"Sa totoo lang ay ayaw ni Marilou na mawala ako sa buhay niya," isang masigabong pagtili ang umalingngaw sa tenga ko. Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Napatili ang mga bisita na tila kinikilig.

"Fuck you!," bulong ko na mas lalo niyang ikinangiti. Ang kaba ay biglang napalitan ng galit. Halos mapahiya ako sa lahat.

"Mahal na mahal ko ang magiging asawa ko," nakangiti syang humarap sakin. Halos mahimatay ako sa galit at puot. "Marilou and I are delighted, thrilled and honored to share our intentions for the rest of our days with you guys. Standing together in front of all the very special people in our lives to announce our engagement makes our private dreams public and in a way, real.

Thank you for being here, for your love and well wishes. Marilou has made what I previously condemned as trite meaningful." dugtong niya pa na may tawa sa gilid ng labi. Alam kong nang-aasar lang sya ngayon, ang galing niyang umakteng na para bang mahal na mahal niya ako at pani-paniwala ang mga tao sa sinasabi niya. "With her by my side I understand. Love makes the world go round and  all you need is love." dahan-dahan niyang inabot ang kamay ko inilagay niya iyon sa dibdib niya. Nagpalakpan ang lahat sa tuwa. "Walang saysay ang buhay, kong walang pagmamahal. I love you Marilou!" dugtong niya ulit. Halos mabunolan ako sa sarili kong laway.

Isa-isang nagpalakpan ang lahat.

"Love! Marriage! Growing up seems to happen so quickly love! So happy for you, apo." sambit ni Lolo habang nakataas ang hawak niyang wine. "Please raise your glasses and join me in a toast," isa-isang nagtaasan ng baso ang lahat. "For Marilou and Clifford, May God bless and keep you always, May your wishes all come true. May you always do for others. And let others do for you

May you build a ladder to the stars

And climb on everything. May you stay forever young. We love you! Toast" dugtong ni Lolo at sabay sabi ng toast ang lahat.

Hindi ko alam kong ano ang magiging reaskyon ko, ang lahat ay sobrang saya na kahit di mo magawang ngumiti ay mapapangiti ka. Ilang oras din ang dumaan at natapos narin ang party. Kinausap ko ang dalawa kong kaibigan, bago sila nagpaalam. Isa-isang umuwi ang lahat. Napalingon ako sa direksyon ni Clifford at kausap niya ang kanyang mga kaibigan na pauwi narin.

Napahilot ako saking sentidu, tila bumabalik lang saking alaala ang lahat lahat ng mga sinabi nila kanina. Puro kasinungalingan at ni isa ay walang katotohanan. Bakit ganito ang nararamdaman ko ngayon? Bakit sumobra ang galit ko.

"Marilou welcome to the family," nagulat ako, hindi ko namalayan na nasa harap ko na ang mommy ni Clifford. Niyakap niya ako ng mahigpit. Lumapit sa direksyon namin si Daddy, si Lolo, ang stepmom ko at ang daddy ni Clifford.

"Finally I get a daughter! Thankfully Clifford changed his mind about girls being, as he put it aged about 12, "really dumb guy, sobrang daming babae ngunit nagbago sya ngayon and Im so happy." sobrang laki ng ngiti ng mommy ni Clifford. Umiwas ako ng tingin, sobrang bigat ng damdamin ko ngayon. Bakit lahat sila ay sobrang saya samantala ako ay nasasaktan.

"Buti kayo masaya, ako hindi eh." natahimik ang lahat sa sinabi ko. Isa-isang tumulo ang luha ko. Hindi ko mapigilan. Sobrang sakit na kasi. Hindi ako masaya sa nangyayari sakin ngayon.

"Marilou!!!" sigaw ni daddy. Napalingon ako sa kanya na may luha.

"Bakit dad? Totoo ba lahat ng sinabi mo kanina na mahal na mahal mo ako? Kong mahal mo ako bilang anak, siguro naman hahayaan mo akong piliin 'yong taong gusto ko dad." halos hindi ko makita si daddy sa rami ng aking luha. Pinunasan ko ang aking mata, bakit hindi nila ako naiintindihan. "Hindi ako masaya at sana nakikita nyo iyon," dugtong ko ulit. Ramdam ko ang galit ni Lolo at daddy.

"I'm sorry hija," sambit ng mommy ni Clifford at naiiyak narin ito. Nilapitan sya ni Mr. Edelbario.

"Bakit nyo kami pinipilit sa mga bagay na ayaw namin? Dun ba talaga kayo masaya?" dugtong ko. Sobrang bilis ng pangyayari at dumapat sakin ang kamay ni daddy saking pisnge. Napagilid ang mukha ko sa ginawa niya. Napasigaw ang stepmom ko at pinigilan si daddy.

Naramdam ko ang paglapit sakin ni Clifford ngunit umatras ako.Lahat sila ay nakatingin sakin na para bang ako ang may mali.

"Happy?" galit kong sagot kay daddy. Hinawi ko ang aking mga luha sa mata habang hinimas himas ang pisnge kong nasan ako nasampal. "Masaya kana sa ginawa mo dad? Masaya kana kasi nasaktan muna ako?" dugtong ko pa. Lumipat ang tingin ko kay Lolo, hindi sya kumibo at ramdam ko ang pagsisisi niya. "Ikaw lolo? Baka gusto mo rin akong saktan para mag-bago!? Diba iyon naman ang gusto nyong mangyari sakin, kaya nyo ako gustong ipakasal kay Clifford, dahil gusto nyo akong magbago?" naging tahimik ang lahat. Hingal na hingal si daddy sa puntong ito, nakahawak sya sa kanyang dibdib na tila sobrang galit.

"Maybe kailangan nating pag-usapan ito, hindi ko aakalain na aabot sa ganito." nagsalita ang daddy ni Clifford. Natawa ako ng mahina.

"Siguro nga at kailangan nyong mag-usap lahat. Maraming paraan para mag-bago ang tao, hindi sa paraan na ganito sana ay maintindihan nyo." huli kong sabi at mabilisang unakyat sa hagdanan. Dali-dali akong pumasok saking kwarto. Dali-dali kong hinubad ang aking heels at agad humiga sa kama, ibinuhos ko ang aking mga luha habang yakap-yakap ang unan ni mommy.

Sobrang sakit at hindi ko maintindihan, feeling ko ay isa akong laruan na ginawa nilang kasiyahan. Humihikbi Ako, ang dami kong iniisip, ang dami kong naiisip sa nagawa ko. Napapikit ako, siguro nga ay kailangan ko ring gawin iyon.

Natigilan ako ng biglang may bumukas saking pintoan. Narinig ko ang boses ni daddy, ramdam na ramdam ko ang paglapit niya sakin. Umuga ang higaan ng umupo sya mula sa gilid.

"Can we talk?" nanlaki ang mata ko ng ibang boses ang marinig ko. Mabilisan akong napa upo sa kama. Nagtama ang mga mata namin ni Clifford.

"Anong ginagawa mo dito? Get out!" sigaw ko sabay turo sa pinto. Natawa lang sya sabay suklay sa kanyang buhok gamit ang kanyang kamay.

"Your dad let me in," usal niya. Natawa ako!

"My room, not my dad so get out!!!" sigaw ko ngunit natawa lang sya.

"I just want to say sorry," natigilan ako sa narinig. Dahan-dahan akong kumalma. Gano ka ka'fake Clifford?

"Tssss," ismid ko.

"Nag-usap na kaming lahat," mabilisan ko syang tinignan sa sinabi niya.

"And?" napalunok ako, sobrang seryoso ng kanyang mukha.

"Tuloy ang kasal," lumuwal ang mata ko sa sinabi niya. Hindi ko mapigilang magalit at mapahawak ng mahigpit sa yakap kong unan. Gusto ko syang sigawan ngunit mas pinili kong tumagilid at humiga nalang. Isa-isang tumulo ang luha ko, humikbi ako, ramdam na ramdam kong nanatili syang nakaupo mula saking likuran.

Tumayo sya at alam kong nakatitig parin sya sakin. Oo inaamin kong nag iinarte lang ako kamina pero hindi ko sinasadyang mapaiyak ako at masigawan si daddy dahil isa lang iyon sa mga palabas ko. Pano iyon nahalata ni daddy?

"Alam kong ayaw mo ganon din naman ako," napakagat ako saking labi. Namangha ako sa sinabi niya, bakit ba pinapamukha mo sakin ma ayaw mo rin.

Pweeess!

"Sabihin mo sa kanilang lahat itutuloy natin, lumabas kana." galit kong saad. Pumikit ako bago nagbuntong hininga.

"Okay," tanging sagot niya at tuluyang lumabas.

Sabay ng pagsara ng pinto ay ang pag sigaw ko ng malakas at itinapon ang unan mula sa pintoan. Hingal na hingal akong nakaupo mula sa kama!

"Gusto nyo ng laro? Pwes, pagbibigyan ko kayo." ngiti ko.


Load failed, please RETRY

Status Power Mingguan

Rank -- Peringkat Power
Stone -- Power stone

Membuka kunci kumpulan bab

Indeks

Opsi Tampilan

Latar Belakang

Font

Ukuran

Komentar pada bab

Tulis ulasan Status Membaca: C17
Gagal mengirim. Silakan coba lagi
  • Kualitas penulisan
  • Stabilitas Pembaruan
  • Pengembangan Cerita
  • Desain Karakter
  • Latar Belakang Dunia

Skor total 0.0

Ulasan berhasil diposting! Baca ulasan lebih lanjut
Pilih Power Stone
Rank NO.-- Peringkat Power
Stone -- Batu Daya
Laporkan konten yang tidak pantas
Tip kesalahan

Laporkan penyalahgunaan

Komentar paragraf

Masuk