"Hay naku, dinadamay mo pa ang kuya mo. Kung tutuusin ay ikaw lang naman ang nagbabanta sa kuya mo na wag kang isumbong, nagdadahilan ka pa eh noh." Sambit ng magandang ginang na si Li Wenren habang hindi pa rin nito tinatantanan ang tenga ng anak nitong si Li Zhilan. Hangga't siya ang ina ng tahanang ito ay siya pa rin ang masusunod. Cargo de consencia niya kasi silang mga anak niya kung sakaling may mangyaring masama sa mga ito.
Mabilis silang pumasok sa loob ng maliit na tahanan nila.
Maya-maya pa ay humagalpak naman sa kakatawa ang mag-amang sina Li Qide ag ang anak nitong batang lalaking si Li Xiaolong. Makikitang halos maluha-luha sila sa kakatawa sa eksenang nakitan ila kani-kanina lamang.
"Masyado mong ini-spoil yang kapatid mo. Hay naku, siguradong hindi siya uubra sa inay mo sa oras na umalis ka rito haha!" Natatawang sambit ng lalaking si Li Qide na siyang tatay nito.
"Hay naku tay. Okay lang yun tsaka bata pa naman si Li Zhilan para umintindi ng bagay-bagay katulad ng kinakaharap natin. Gusto kong mabuhay siya at ang kapatid ko ng mapayapa at masaya noh. Yun bang malayo sa kahirapan at karahasan dulot ng mundong ito." Seryosong sambit ng batang lalaking si Li Xiaolong habang nakangiti pa ito ng malawak. Halatang hindi maitatago ang kagustuhan nitong bigyan ng magandang buhay ang sariling pamilya niya. Masyado pang malayo para matupad ang mga pangarap at pinapangarap niya.
"Tama ka nga anak. Pagpasensyahan mo na ang itay mo ha. Naipit ka pa tuloy sa problemang kinakaharap namin at ng mga kaangkan mo." Malungkot na saad ni Li Qide habang makikita ang labis na kalungkutan sa pares ng mata nito.
"Hay naku tay, tama na nga nag drama nating to. Maaga pa kong aalis bukas eh haha." Natatawang sambit ng batang lalaking si Li Xiaolong. Ayaw niyang magdrama dito noh. Ayaw niyang umalis na mabigat ang loob noh tsaka kailangan niyang magsakripisyo para sa pamilya niya at ng buong angkan niya. Sapat na ang suporta at pagkalingang nakukuha niya sa kaniyang sariling mga magulang at pamilya. Ang kulang nalang ay ang sarili niyang gagawin uoang maisakatuparan ang minimithi niya sa buhay na ito. Sabi nga nila, mabilis lang dumaan ang panahon. We just need to go with the flow.
...
Kasalukuyang natatanaw na nang batang lalaking si Li ang malaking siyudad sa malayo. Masuwerte siya kung tutuusin sapagkat may dumaan na grupo ng mga sasakyang kalesa ng mga mangangalakal. Mabuti na lamang at maaga siyang naglakbay kung saan ay naawa siguro ang mga kalalakihang mga mangangakal kaya nagkaroon siya ng pagkakataon upang makapunta sa Dou City nang ligtas lalo na at hindi lang ordinaryong mga mangangalakal ang mga nakatagpo ng landas niya. Karamihan sa mga ito ay mga martial artists din na nasa Houtian Realm, Xiantian Realm Expert maging an iba ay nasa Purple Blood Realm o tinatawag na Purple Blood Warriors. Basta ang alam niya ay mula sila sa pamilya ng isang angkan ang Zēng Clan.
Tila namangha naman ang batang lalaking si Li Xiaolong sa kaniyang nalamang impormasyong ito. Biruin niya ba namang nakasabay niya sa isang sasakyang pangkalakal ang mga bigating mga nilalang na ito. Sino ba naman siya diba? Isa lamang siyang batang lalaking naglalakbay habang walang background ngunit nakaranas siya ng mainit na pagtanggap sa mga ito. Hindi naman sa nagiging pasaway siya ngunit labis ang kuryusidad niya sa kakayahan ng isang martial artist na may kakayahang maging isang Purple Blood Realm o yung tinatawag na Purple Blood Warriors subalit alam niyang hindi iyon katulad ng isang Xiantian Realm Expert lamang.
Subalit hindi siya pinayagang makita ang mga Purple Blood Realm lalo na at hindi sila basta-bastang personalidad lamang. Nakakatawa man isipin ay kasama niya sa isang malaking kalesa ang mga martial artists na nagpasabay sa kaniya papunta sa Dou City na mga Houtian Realm. Mangilan-ngilan lamang ang bilang ng mga nasa Pulse Condensation Realm Expert.
"O bata, bakit ba atat na atat kang makita kanina ang mga boss namin ngunit ngayon ay parang ayaw mo na?!" Tila nangungusisang sambit ng isang matandang lalaking Houtian Realm Expert na si Tatang Dong. Masasabing masayahin itong martial artist kahit na may katandaan na talaga.
"Oo nga bata. Alam mo bang nakakatakot ang mga Xiantian Realm Expert maging ang mga Purple Blood Realm Expert. Sige ka!" Pananakot naman ng binatang lalaking si Zēng Ying isang Houtian Realm Expert din. Masasabing pabiro lamang ang sinasabi nito ngunit malaki ang boses nito kaya kung sensitive kang tao ay talagang kahit pa bata ay matatakot talaga.
Mabilis naman siyang nakatanggap ng mahinang suntok sa sa braso nito nang isang katabi nito sa pag-upo.
"Hoy, wag mo ngang takutin ang batang si Li Xiaolong. Naku, baka umiyak ang batang yan hmmp!" Sambit naman ng isang binatang lalaking mayroong mahabang buhok. Masasabing ang lalaking ito ay may pagkaseryoso. Siya si Zēng Yaoting.
"Oo nga, hay nakong bata ka. Pati bata talaga Ying² ay talagang wala kang pinapalampas!" Sambit naman ng isa pang matandang lalaki sa hanay nila.
"Hoy Ying², susumbong talaga kita sa nanay mo nang matingnan natin kung sino ang mas bata sa inyo!" Sambit rin ng isang binatang lalaking sobrang tahimik pero nagsalita na. Siya ay si Zēng Weiyuan na kaedaran nina Zēng Ying at Zēng Yaoting.
Marami pang nagsalitang mga kaangkan o kapamilya ng mga miyembro ng Zēng Clan.
Natatawa naman ang batang lalaking si Li Xiaolong sa nakikita niyang sagutan sa pagitan ng mga iilan sa mga miyembro ng pamilyang ito. Nakakatuwa lang kasi halos wala kang makikitang anumang kapintasan sa mga ito. Nakakatuwa talaga ang mga pmailya ng mga martial artists na nahahanay ang pamilya o angkan nila sa pagnenegosyo at pangangalakal.
Ang buhay kasi ng mga ito ay hindi nagkakaroon ng kahirapan o dumadanas ng buhay na katulad nilang nasa isang lugar lamang. Nalaman niya kasi kanina na marami na silang lugar na napupuntahan at pinupuntahan at ang angkan nila na Zēng Clan ay nasa Dou City naka-established their roots there. Umayon siguro ang tadhana at makilala o makasabat niya ito sa paglalakbay niya sa Dou City.
Makita lamang ng batang lalaking si Li Xiaolong ang masayang pamumuhay ng mga Zēng Clan ay mayroong inggit siyang nararamdaman ngunit mayroong kasiyahan sa puso niya. Naiinggit siya sa simpleng usapan nila hindi kagaya ng ibang mga angkan na sobrang reserved o di kaya ay napaka-istrikto. Siguro ganito siguro kapag iba-iba ang taong nakakasalamuha nila kaya ganito na lamang ka-open minded at carefree kung makipag-usap ang mga ito.