Unduh Aplikasi
33.33% BABY YOU'RE MINE / Chapter 14: CHAPTER 13

Bab 14: CHAPTER 13

bakit magdadalawang isip siyang umalis kaya naman muli niyang sinarado ang pinto at bumalik sa lamesa nito at doon pinagpatuloy ang trabaho niya.

Kadaminuto ay hindi maiwasang mapatingin si Dhom sa gawi ni Billie.

Lumipas ang ilang oras ay nagising si Billie habang si Dhom ay busy sa pagbabasa ng mga ilang dokyumento, masakit ang ulo ni Billie kaya napahawak ito sa noo. Agad namang napansin ni Dhom na may dinadamdam ang asawa nito so he ask.

"Are you okay?" Punong puno ng pag-alalang tanong ni Dhom.

Umiling si Billie, ilang segundo pa ang lumipas nang nakaramdam si Billie ng matinding pagkasuka. Kahit man nahihilo ay tumayo ito at naglakad ng mabilis patungo sa banyo. Lumuhod siya sa sahig at sumuka sa inidoro.

Sinundan naman siya agad ni Dhom at kumuha ng tissue para iabot kay Billie para punasan ang mga tira-tirang laway nito sa labi.

"Dadalhin kita sa Ospital!"

Hindi na sumagot si Billie dahil wala na siyang sapat na lakas na natitira para sagutin si Dhom.

Mabilis siyang binunat ni Dhom at malalaki ang bawat hakbang nito.

Habang naglalakad pababa si Dhom habang buhat si Billie ay agad nilang naagaw ang atensyon nila Wyatt at Beatrix na nasa sala na may seryosong pinag-uusapan. Agad silang napatayo at linapitan si Dhom na buhat-buhat si Billie, kita sa mga mukha nila ang pag-aalala.

"Is she okay?" Tanong ni Wyatt.Umiling si Dhom.

"I will get the car!" Pagpapatuloy ni Wyatt, mabilis itong lumabas para ihanda ang masasakyanan nila Dhom at Billie.

Sasama na sana sila Beatrix at Wyatt nang lumabas si manang Ellen at hinawakan ang kamay ng dalawa. Umuling ang matanda sa dalawa.

"Hayaan niyo muna sila kaya na ni Dhom yan. Hindi niyo na kailangan sumama. Sige na Dhom umalis na kayo dahil mukhang masama ang kalagayan ni Billie at may importante ka pang dapat na malalaman." Sabi ng matanda, tumango si Dhom sa kanila bago isara ang pinto ng sasakyan nito at tinahak ang daan patungo sa Ospital.

Pagdating nila sa Ospital at sinalubong sila agad ng mga nurse at doctor.

Dinala agad nila si Billie sa isang private room at doon sinuri ang kalagayan nito. Samantalang si Dhom ay nanatili sa labas at hinihintay ang resulta.

Samantalang sa mansyon naman ay kanina pa sinusundan nila Beatrix at Wyatt si manang Ellen dahil sa sinabi niya kay Dhom.

Naunang nagtanong si Beatrix pero hindi siya sinagot ni Manang Ellen sa halip ay inutusan niya itong bumili ng mga sakap ng pangpaksiw sa palengke. Tatanggi pa sana si Beatrix nang sinabi ni Manang Ellen na sasabihin niya ang nalalaman niya pag sinunod niya ang iniuutos nito.

Sumunod naman si Wyatt sa pagtatanong kay manang Ellen at tulad rin ni Beatix inutusan niya itong linisin ang bangus. Dahil sa isang chismoso si Wyatt ay agad niya itong sinunod.

Habang naghihintay sa labas si Dhom ay naisipan niyang maglakad-lakad muna para pakalmahin ang sarili dahil sa pag-aalala.

Lumipas ang ilang mga minuto ay bumalik si Dhom sakto namang kakalabas lang ng doktor, naabutan siya nito na nakatayo lang mismo sa tapat ng pinto.

"Mr. MacCoughlan congratulations your wife is 3 weeks pregnant. At natural lang sa mga nagbubuntis ang pagkahilo at pagkasuka."

Parang nabingi si Dhom sa narinig niya. Tumigil ang mundo nito at wala siyang ibang naririnig kundi ang pagtibok ng puso niya.

Muli siyang tumingin sa doktor, and he blinks twice. Parang hindi siya makapaniwala nagbunga ang gabing iyon.

Then he widely smiles, his wife is pregnant with his child. Gusto magtatalon si Dhom sa saya pero pinigilan niya ang sarili nito.

"Come let's go to my office we have so much things to talk about, and as your wife's husband you need to be responsible." Paalala ng doktor, naglakad sila patungo sa opisina ng doktor at pinag-usapan ang pagbubuntis ni Billie kung ano ang mga dapat at hindi dapat gawin ng mga buntis, at bilang asawa ay tungkulin mo itong pangalagaan dahil maseselan ang mga buntis lalo na't nasa unang kabuwanan sila.

Binigay ng doktor ang mga ilang riseta ng mga bitamina para sa buntis nitong asawa.

Pinaalala niya rin kay Dhom na kailangan ay buwan-buwan ang check up niya para masigurado ang kalagayan ng mag-ina kung nasa maayos silang kondisyon.

Nakinig si Dhom sa lahat ng payo ng doktor kung paano niya aalagaan ang asawa nito.

Pagbalik ni Dhom sa kwarto ni Billie sa Ospital ay agad niyang sinalubong ng halik sa noo si Billie. Nagulat naman ang dalaga sa inasta ng asawa nito pero hindi niya maitatanggi na nagugustuhan niya ang pinapakita ni Dhom sa kanya na pinaparamdam nito na napakaimpotante niya sa kanya. He let her feel that she's wanted, na karapat dapat siyang alagaan at pagsilbihan. Dahil nitong mga nakaraang linggo ay nagkakamabutihan na sila kung saan masasabi nila na may pag-aalala na silang nararamdaman para sa isa't isa, at ang muling pagbago ng nararamdaman nila.

"Dhom I'm pregnant...."

"I know sinabi ng doktor sakin kanina."

"Anong sa tingin mo Dhom, tanggap mo ba siya. Do you want this child."

"Yes, ofcourse. Gagawin ko ang lahat para maprotektahan kayong dalawa. Your my family now."

Napangiti si Billie sa sagot ni Dhom ang akala nito ay hindi niya matatanggap ang bata pero tanggap nito. Ngayon makakahinga na siya ng maluwag kahit bunga ng pagkasala ng ama nito sa kanya ay ipaparamdam niya sa anak niya na mahal na mahal siya nito maging ang ama nito.

Narinig mo ba yan baby, your father will take good care of us.

"Sabi ng doktor pwede na daw tayong umuwi....may gusto ka bang puntahan o bilhin sabihin mo lang."

Napangiti na naman si Billie dahil kay Dhom.

"I'm okay umuwi na tayo, kilangan nating sabihin ito sa iba."

CHAPTER 21

Nakaluhod si Elliot sa harapan ng kapatid nito na walang malay na nakahiga sa hospital bed habang maraming mga apparatong na nakakonekta sa bawat parte ng katawan niya. Napalingon si Elliot sa markinang nagbibigay buhay sa kapatid nito.

Muli na namang lumiyab ang galit ni Elliot para kay Beatrix, tumayo ito mula sa pagkakaluhod at inayos ang magulo nitong buhok.

I promise you my dear brother, gagawin ko ang lahat ng makakaya ko para ipaghiganti ka sa taong gumawa nito sayo.

Umalis ng Ospital si Elliot at tumungo sa bahay nito, agad siyang nagpunta sa counter table ng mini bar niya sa loob ng bahay at nilaklak ang pinakamatapang na alak na meron siya, habang iniinom niya ito ay hindi mawala-wala sa isip ni Elliot ang masasayang mukha ni Beatix, he wanted to kill that woman badly.

Ang mga ngiti ni Beatix na mas lalong nagpapainit ng dugo nito, na para bang nakalimutan na nito ang ginawa niyang kasalanan sa kanya. Samantalang siya ay hindi niya magawang ngumiti o sumaya manlang dahil kay Beatrix.

If he can't kill Beatrix maybe her sister para maramdaman nito ang sakit na nararamdaman niya. Ang kapatid niya lang ang meron siya at kung tuluyan na itong mawala ay mararamdaman ni Beatrix ang sakit ng mawalan ng kapatid. Iyon ang tanging nasa isip niya kung kaya't pinapangako niya sa diyos ng kamatayan papatayin niya si Beatrix!

Lasing na napatayo si Elliot at umakyat sa kwarto nito, tinapon niya ang sarili nito sa kama at pumikit. Pero hindi siya danadalaw ng antok, tumayo siyang muli at pumunta sa banyo at binabad ang sarili sa tubig. Suot-suot niya parin ang mga damit nito habang nakababad sa tub.

Pilit niyang pinapakalma ang sariling sumugod sa kinaroroonan ni Billie para makaganti kay Beatrix pero naisip niya si Dhom ang pinsan nito.

Killing Billie would lead to Elliot's betrayal to Dhom and probably Dhom will hunt him down. Kilala ni Elliot si Dhom at alam ni Elliot ang mga kakayahan niya, dahil mula pagkabata ay sabay na silang lumaki kasama ang nakakandang kapatid ni Elliot.

Kinuyom ni Elliot ang kamay nito at malakas na napasuntok sa pader kung saan sa sobrang lakas ng impact ay dumugo ang kamao nito. Tinignan niya ang pag-agos ng mga dugo na nagmumula sa sugat nito, walang ganang napangiti si Elliot.

Humarap si Elliot sa salamin at tinignan ang repleksyon nito, magulo ang buhok at basa ang damit nito.

Lumapit si Elliot sa salamin at hinawakan ang salamin at ginamit nito ang dugo niya para isulat ang buong pangalan ni Beatrix.

BEATRIX AVERY MALACHI

Tinititigan niya palang ang pangalan ng dalaga ay kumukulo na naman ang dugo niya, kaya hindi niya napigilan ang sarili na basagin ang salamin gamit ang kamaong dumudugo. Kaya naman lalo pang dumugo, nakatingin lang si Elliot sa basag na salamin at ilang segundo lang ang lumipas nang nagpasyahan ni Elliot na lisanin ang sugat sa banyo.

Pagbalik niya sa kwarto nito ay agad niyang kinuha ang isa sa mga damit niya at ginamit iyon pangpunas sa dumudugo niyang kamay.

Habang pinupunasan niya ito ay walang kahit anong sakit siyang naramdaman ang tangging nasa isip niya lang ay ang paghihiganti.

Bumalik si Elliot sa kama nito kasabay ng pagtunog ng selpon nito at muli niya na namang natanggap ang mensaheng iyon.

Napangiti siya dahil sa natanggap nito. Isang linggo narin ang lumipas bago magparamdam ang numerong ito na hindi niya alam kung sino ang nasa likod nito.

YOUR NEXT.


Load failed, please RETRY

Status Power Mingguan

Rank -- Peringkat Power
Stone -- Power stone

Membuka kunci kumpulan bab

Indeks

Opsi Tampilan

Latar Belakang

Font

Ukuran

Komentar pada bab

Tulis ulasan Status Membaca: C14
Gagal mengirim. Silakan coba lagi
  • Kualitas penulisan
  • Stabilitas Pembaruan
  • Pengembangan Cerita
  • Desain Karakter
  • Latar Belakang Dunia

Skor total 0.0

Ulasan berhasil diposting! Baca ulasan lebih lanjut
Pilih Power Stone
Rank NO.-- Peringkat Power
Stone -- Batu Daya
Laporkan konten yang tidak pantas
Tip kesalahan

Laporkan penyalahgunaan

Komentar paragraf

Masuk