Unduh Aplikasi
30.95% MALTA FORMOSA SERIES 1: To Fall (Tagalog Novel) / Chapter 13: Chapter 11

Bab 13: Chapter 11

WALANG PAGLAGYAN ang hiya ko kinabukasan. Tumila na ang ulan, wala na ring bagyo pero ang hiya ko bumubuhos. How can I even forget those moves? Gaga na ako kung hindi ko pa maalala ang kawalang hiyaan na ginawa ko.

Nahihiya akong lumabas at harapin sila. 'Nahihiya talaga ako!'. Ito ang una at unang nagawa ko sa buong buhay ko. Ang humalik sa taong gusto ko dahil sa laro at kalasingan. Kahit sabihing lasing ako. Alam na alam ko parin ang ginagawa ko. Hindi ako hibang para hindi iyon maalala. Napasabunot nalang ako sa sariling buhok.

Maaga akong nagising, maagang naligo para mahimasmasan, maagang nag-impake nang dadalhin, maaga ring dinalaw nang kahihiyan. Ikinakahiya ko na talaga ang sarili ko.

Unang halik ko iyon, una! Pero naibigay ko lang dahil sa laro? Iniimagine ko pa naman na ang unang halik ko ay ibibigay ko sa taong gusto rin ako at hahalikan ako sa mala-fairy tale na lugar. Pero iyon? Iyong kagabi? Naku! Hindi ko ata naisip iyon.

Pero aminin mo, masarap! Sigaw nang isip ko.

"Agh!" napapadyak-padyak pa ako. Nang sumagi iyon sa isip ko.

Kung sabagay uuwi na rin naman kami maya-maya. Makakalimutan rin naman siguro ang ginawa ko at least kahit papaano nasubukan ko. Hindi narin masama, natural lang siguro iyon dahil laro lang naman. Ako lang siguro ang nagbibigay motibo sa ginawa ko, so dapat chill lang! Chill!

"Ran?" kalahati ng katawan ni Blessy ang nakapasok sa pintuan. Nakakapit sa doorknob.

"Bakit? Pasok ka." nginitian ko siya. Tumango naman si Blessy at dali-daling pumunta sa kama at umupo katulad ko.

"Uuwi na pala kayo ngayon. Akala ko magtatagal kayo dito." may bahid nang lungkot ang boses nito maging ang kanyang mukha, kung pwede lang din sanang umextend ng araw para makilala ko pa sila ay gagawin ko. Subalit hindi pwede dahil may trabaho pang naghihintay saakin. Maging kay Laz.

"Oo nga e. Sayang at uuwi na kami. We have messenger naman o kaya skype."

"Yeah, you're right. Pero-"

"Don't be sad, magkikita pa naman siguro tayo." gusto ko man tumagal pero hindi pwede, kahit sandali ko palang silang nakilala feeling ko ang tagal na namin naging magka-ibigan.

"Magkikita syempre. Baka nga doon kami magbabakasyon ni kuya next month."

"Ayun naman pala magbabakasyon kayo. Magkikita at magkikita din tayo doon." Hinawakan ko ang kamay niya. "Ganito nalang, if ever bakit hindi mo nalang kunin mo ang number ko, call me pag nasa pinas ka." Masayang sabi ko sa kanya na ikinasigla naman nang mukha niya.

Matapos namin mag-usap ni Blessy. Bumaba narin kami para makapag umagahan.

Kinakabahan man habang naglalakad sa dining area. Iniisip ko nalang na sana hindi ako mapansinin ni Simon. Baka atakihin ako nang wala sa oras.

Nang makarating kami ni Blessy kumakain na sila. Inilibot ko ang mga mata para makita kung nasaan si Simon, nasa dulo siya katabi iyong Anastasia. Dikit na dikit sa tabi ni Simon, umusbong ang inis ko dahil sa na kita.

Akala mo naman may aagaw kay Simon! Paghiwalayin ko kaya kayo! Napairap ako dahil doon.

Umiwas ako ng tingin nang lingunin kami ni Simon my heart pounded. Pinipigilan ko ang sariling wag lumingon dahil paniguradong namumula ako.

"Are you okay?" si Blessy. Tumikhim ako at tumango hindi na nagsalita, hinila ko ang upuan at umupo. May dalawang bakanteng upuan para saamin. Katabi ko si Laz at napapagitnaan nila ako nakahinga naman ako ng maayos.

"Nakausap ko na ang driver para maihatid tayo sa airport. Wala nang bagyo kaya makakauwi na tayo. Naayos mo na ba ang mga dadalhin mo?" nakatingin siya ngayon saakin. Nahinto naman ako sa pag-inom nang tubig.

"Hmm. Tapos na kaninang madaling araw." Inilapag ko ang babasaging baso bago itinuon ang paningin kay Laz.

Ang natural ngayon parang walang nangyari kabagi kung makapag-usap kami. Mabuti na rin iyon para iwas kahihiyan.

-------

"HANGGANG DITO NALANG ang paghatid namin sa inyo Ran" si Lilou. kasalukuyan kaming nasa loob ng van.

Sumama silang lahat, ang naiwan lamang sa mansion ni Tom ay mga katiwala niya.

Gustong sumama nang tatlong ito. Si Bessy, Trisha at Lilou. Ayaw pa nga sana nila akong paalisin. Kinukulit din nila si Laz na mauna nalang umuwi.

Hindi naman natinag ang isang iyon. Pinagalitan pa nga sila dahil daw sa kakulitan.

"Surely, mamimiss ka namin" Lilou said. tumango naman ang dalawa.

Hinawakan ni Blessy ang kamay ko, si Trisha at Lilou naman ay nasa gilid niya. Bakas ang lungkot sa mga mukha nila.

"Wag na kayong malungkot." pinasigla ko ang boses para hindi ipahalatang nalulungkot din ako dahil kahit sandali lang ang pagsasama namin. Naging masaya naman ako.

"Pag katapos ka naming ihatid. Hindi na rin ako magtatagal sa bahay ni Kuya ayokong makasama iyong isa" pertaining to Anastasia. Na hanggang ngayon buntot ni Simon.

"Hmm. Ako rin di ako magtatagal doon." si Lilou. Nakasimangot ito habang nakatingin sa saakin, na pa buntong hininga naman ako.

"Ano ba kayo huwag naman ninyong ipahalatang di nyo siya gusto. May damdamin din niyan nasasaktan din"

"Edi masaktan siya! Hindi ko nga alam kay Simon kung bakit di pa niya pinauwi iyan e." napairap ako sa hangin dahil sa kanila.

Ayoko namang maging ganun ang trato nila. Wala namang ginawang masama si Anastasia kung tutuusin. Kami lang talaga ang malikot ang imahenasyon at napag-iisipan siya ng masama. Kung pwede lang din sana siyang maging kaibigan.

Kaso! Ah Nevermind!

"Let's go" si Laz.

Tawag pansin ni Laz saakin. napatinginako sa tatlong nasa harapan ko ngayon.

"Kailangan na namin umalis" mahinang sabi ko.

"Catch up tayo through skype. Don't forget! " mataray na paalala ni Blessy saakin.

Natawa naman ako dahil doon. "Hmm. Oo naman! " nakakailang paalala na siya tungkol doon. Na kapag nasa pinas na ako. Wag ko daw kalimutang iupdate sila.

Isa-isa silang lumapit sa amin ni Laz. I received a hug and kisses from them, niyakap ko rin si Anastasia. I smiled to her she smiled back, hindi nga lang abot mata, halatang peke.

Dali-dali rin siyang humiwalay saakin saka bumalik sa pwesto kung saan si Simon.

Tumikhim ako nang gumalaw si Simon at naglakad palapit saakin. Abot-abot ang kaba na nararamdaman ko sa oras na ito.

This is it!

"What should I say? " bungad niya saakin ng makalapit. Natetense naman ako sa kinakatayuan ko ngayon wala akong makalap na sasabihin.

Akala ko this is it na? Wala naman pala akong sasabihin. Parang umurong ang dila ko.

"Should I say thank you? " he is not minding those people who saw us. Napalunok ako sa sinabi niya. Ikinakunot naman iyon ng noo ko.

"A-ano? "

"Should I say thank you sabi ko."

"For what? " ganun parin ang reaction ko sa sinabi niya. Ano bang pinagsasabi niya?

"For... " tumikhim siya at iniiwas ang tingin saakin "... For the kiss" mahinang sabi niya, napalabi pa ito nang sabihin iyon.

Napapikit ako at napamura sa isip. Akala ko kakalimutan na iyon? Why did he mention pa? Shit!

"W-what? " maang maangan kung tanong. Lupa! Kunin na ako ngayon! Please!!

"Tsk. You forgot already? " naging malamig na tanong nito saakin. Mataman niya akong tinitigan.

"Ano-"

"Baka gusto mong ipaalala ko sayo? " nanunuyang sabi niya.

"Anong!" aangal sana ako at balak siyang hampasin nang maalalang may mga kasama pala kami.

Pigilan mo'ko self! Magpigil ka self!

Huminga ako nang malalim.

"Ano na? Magtititigan lang ba kayo diyan? Yakap na oy! " sigaw ni Quintin. Tawa ng tawa naman sila habang nakatingin sa amin.

Ang nakasimangot lang sa kanila ay si Anastasia. Paniguradong hindi niya nagustuhan ang narinig.

Nakahalukipkip ito sa gilid habang lukot ang mukha.

"Kulang pa ata iyong halik kagabi! "

namula ako at napapikit. Shit lang talaga ang nagpaalala nun.

Bumaling ako sa kanila. Si Blessy ang nagsabi niyon. Mala kontrabida ang dating sinamaan ko siya nang tingin. Tinaasan lang ako mg kilay habang nakatingin sa amin at ibinaling kay Anastasia.

Halata sa mukha ni Anastasia ang gulat at napalitan ng pagkainis. Lasing siya kagabi nang mangyari iyon kaya siguradong di niya alam ang nangyari. Naikuyom niya ang mga kamay.

"Kulang panga siguro. Simon!" tawag pansin ni Blessy sa lalaking nasa harap ko walang pakialam ang isang to. Nakatingin lang saakin hindi natatanggal ang mga mata nito sa kakatitig.

Kalma self! Kalma!

"What?! " nanatili ang mga mata niya saakin. Nang sagutin niya ang tawag ni Blessy sa kaninya.

"Hahalikan mo ba o yayakapin?!" sigaw nito.

Napaayos ako ng tayo hindi alam ang gagawin. Si Simon naman chill lang kunwaring nag-iisip pa.

Anu bang kalokohan ang ginagawa niya. Iyong anastasia niya nag-aapoy na sa galit.

"Hmm. Pwedeng both? " sagot nito sabay baling nang tingin sa likod. Binalik din sa akin ang tingin pagkatapos.

"Sus! Kahit di na kailangan nang sagot gagawin mo rin naman! " dinig naming sigaw ni Blessy.

Sumilay ang nakakalokong ngiti nito bago umambang hahalikan ako. Napapikit ako dahil doon, mahigpit ang pagkakahawak ko sa bagay na nahahawakan ko ngayon.

Namulat ako nang maramdaman ang mainit na halik nito sa aking noo. Ay buang! Akala ko sa lips na! Nag-assume nanaman ako. Assumera ng taon!

"E! Ang sweet kahit walang label! " ani ni trisha.

Handa na sana akong humiwalay nang hapitin niya ako at yakapin.

"Double kill! " sigaw ni Nolan, may pa palakpak pa ito ng kamay.

Mga lokoloko!

Naitago ko ang mukha sa kanyang malapad na dibdib. Naaamoy ko ang matapang niyang pabango. Lalaking lalaki, napakagat labi ako. Kung kilig lang ang pag-uusapan, umaapaw na ito. Grabe!

'Yun bang walang label pero kung makapag landian sa labas ng airport. Dinaig ang magsyota?

Ako ang unang bumitaw sa yakap. Ayokong ipahalatang gusto ko pa. Kahit ma halata naman talaga! Ang gulo!

Tumikhim ako at iniwas ang tingin. Nakikita ko parin sa gilid ng mata ko kung paano niya ako titigan.

Wag ka namang pa fall! Please!

------

"WELCOME BACK ANAK!" isang malaking karatula ang tumambad sa amin ng nakalabas kami sa airport sa NAIA.

Napabuntong hininga ako. Akala mo talaga ilang taon akong nawala kung makapag welcome saakin ang mga ito.

Hawak ni Dada ang karatula, nakataas pa ang dalawang kamay. Akala mo naman hindi mapapansin. E, halos iyon na nga ang napapansin ng mga tao.

"Welcome back ate! Pasalubong ko? " si Karen.

Nabatukan ko siya. "Aray! "

"Kakarating ko lang. Pasalubong agad ipambubungad mo saakin? " mataray kong sabi sa kanya, napakamot naman sa sa ulo niya.

"Si ate talaga! Excited lang naman ako! "

"Tse! Excited mo mukha mo. O, ikaw magdala nito" binigay ko sa kanya ang maliit na maletang dala ko. Kinuha naman ni Karen iyon ngunit nagrereklamo pa, pinandilatan ko siya nang mata.

"Ikaw ba ang boss ni Eman? " napabaling ang tingin ko sa likod, hindi ko pala namalayang may kasama pa ako, nakalimutan kong kasama ko pa pala si Laz.

Ngumiti si moma kay Laz. Halata naman sa boss kong nahihiya ito.

"Opo, ako nga po" napataas kilay ako sa sagot niya, sobrang galang ah! May pa 'po' si boss.

"Naku ang gwapo mo pala" ngumiwi ako sa sinabi ni mama. Nahihiya naman akong bumaling kay Laz na ngayon napapakamot pa sa batok niya.

"Ma" suway ko sa kanya.

"What? I'm just saying kung ano ang nakikita ko sa kanya anak. Ikaw naman! " hinampas ni moma ang balikat ko kung makapag asta akala mo teenager.

Kunwari pa akong nasusuka. Habang nakahawak sa dibdib at tawa naman ng tawa sila dada.

"Wag ka munang umuwi hijo. Punta ka muna sa bahay! " nanlaki ang mata ko sa paanyaya ni mama kay Laz.

"Ma! Sobra kana! " saway ko ulit. Inismiran lang niya ako at bumaling kay Laz na nakangiti, napailing nalang ako.

"Hindi ka naman naaabala hijo diba? Doon ka nalang din magpahinga. Doon ka nalang din mag lunch at magdinner. Alam muna get to know the boss! " may pahawak pa siya sa dalawang kamay niya nang sabihin iyon.

"Hindi naman po. Kung gusto ni Ran na sumama-"

"Naku hijo ayos lang kay Eman yan, diba anak? " pinanditan pa ako ng mata ni moma. Pilit naman ang ngiting ipinakita ko kay Laz.

Ano pa ngabang magagawa ko? Nanay ko na ang nag-invite sa kanya. Aangal pa ba ako? Baka ako pa ang hindi patulugin sa bahay namin pag nagkataon.

Mas tinuring pa niya atang anak si Laz kesa saakin e.

"Oo nalang! "Sabi ko sa kay moma bago tumalikod at sumakay sa dala nilang kotse.

Habang nasa loob kami nang sasakyan. Panay ang tanong ni moma kay Laz. Ako naman ang taga saway kapag hindi na nasasagot ni Laz ang mga tanong sa kanya.

Kung makapag tanong kasi si moma akala mo imbestigador. Kulang nalang ata e, take down notes ang mga sagot ni Laz. Ito namang isa hindi man lang nagrereklamo, halata na ngang napipilitan na siyang sagutin ang itinatanong sa kanya.

Nang humupa na ang ingay siguro dahil wala nang maitanong si moma. Natahimik ang mundo ko, mundo ni Laz at mundo namin sa loob ng sasakyan.

"Nauhaw ata ako" bulong ni Laz saakin, napahagikgik naman ako sa sinabi niya.

"Ayan ang napapala ng kakasagot sa tanong ni Moma, dapat kasi tumahimik ka nalang. Matanong pa naman yan. " balik na bulong ko sa kanya.

"Halata nga!" naghagikhikan kaming dalawa ng palihim.

Napapagitnaan namin nang kapatid ko si Laz. Hindi naman siya nagreklamo. Nahihiya siguro dapat nga ay may susundo sa kanya. Ngunit dahil niyaya siya nang parents ko. I mean ni moma. Pinagpaliban nalang muna niya ang pagsundo sa kanya.

------

WEDNESDAY NGAYON at kasalukuyan akong nasa company nang dumating ako kanina. Tinadtad agad ako nang tanong nang dalawa kong kaibigan si Rein at Argen.

Sobrang namiss ko sila, grabe.

Halos limang araw ang pamamalagi ko sa Paris. Dalawang beses lang pala kaming nakapag video call nung dumating ako doon. Hindi na nasundan dahil sa mga kaganapan doon.

Hindi rin kami nagkita ni Laz ngayon dahil may mga meeting din siyang inatupag. Nagmamadali pa nga iyon kahapon na makauwi dahil tinawagan siya.

Matapos ang trabaho nagkayayaan kaming magbar. Nag-ayos muna kami sa rest room bago tumulak pa labas ng company.

"Hoy bakla, chika minute later ha? " ilang beses na akong pinagsabihan ni Argen na magkwento. Hindi pa ata sila kontento sa ikinuwento ko sa kanila kanina.

Napairap ako sa kanya. "Oo na, chismosa ka talaga bakla! " singhal ko sa kanya.

Sumakay kami sa kotse ko mabuti nalang at ipinahatid ni Laz ito noong nakaraang biyernes bago kami lumipad pa puntang Paris. Kaya nagamit ko kaninang umaga papuntang company.

Bumaba kami nang makarating kami sa isang bar. Hindi naman ito kalayuan sa pinagtatrabahuhan naming, nang makapasok kami. Ang malakas na sigawan ang narinig naming, maraming nagsasayawan sa gitna.

Isang high class bar ang pinasukan namin kaya may ibang artista kaming napansin, ang iba mga businessman. Naghanap kami nang mauupuan hindi pa naman ganun ka puno ngayon dahil maaga-aga pa. Mamayang 12 midnight paniguradong dagsaan dito.

"Bakla! Excited na ako, go na, chika minute na! " bakas sa mukha ni argen ang sabik sa kwento.

"Oo na!Ganito kasi yun. " panimula ko sa pagkukwento. Sinalaysay ko ang mga naganap sa pagpunta ko aa Paris. Simula first day hanggang laat day namin doon. Ikinuwento ko. Wala akong kinalimutang sabihin.

"Bakla ka talaga! Ang haba ng hair mo a! " sabay sabunot ni Argen saakin. Hinampas ko naman ang kamay niyang pinang sabunot niya saakin.

"Sakit nun a" reklamo ko.

"Mas sakit ka sa mata bakla! " si Argen.

"So , you mean yung anastasia na iyon nagfefeeling jowa lang? Pero hindi naman talaga? " si Rein. Tumango naman ako.

"Hmm. 'Yun ang sabi ni Blessy saakin e. "

"Grabe din pala siya bakla. Gusto kong makita ang pagmumukha niyan bakla. Patingin! " sabi ni Argen.

"Gaga. Wala akong picture niya, di ko nga nakausap yun e. "

"Si Simon nalang, baka may facebook yun. Search natin, malay mo rin mutual friend sila. Diba? " tumingin si Argen kay Rein, na tinanguan naman ng katabi.

"E, bakit pa? Sinabi ko na sa inyo maganda siya, yun na yun." pagmamatigas ko.

"Naku! Ang sabihin mo inggit ka sa beauty niya bakla. Kaya ayaw mong ipakita sa'min ha! " si Argen. Napalumbaba naman akong nilabas ang cellphone.

Kahit labag sa loob ko. Sinunod ko sila. Ayoko namang isipin nilang naiinggit ako kay Anastasia.

"Oh ayan. Search nyo..."

Kinuha naman ni Argen ang cellphone sa kamay ko. Nakataas pa ang kilay ng buksan ang facebook ko.

"Gaga. Hindi ko alam ang password mo. Open mo muna. " balik niya saakin. Kunot noo ko namang hinablot at tinipa ang password pagkatapos ay binigay ulit sa kanya.

"Anong buong pangalan ni Simon? " tanong ni Rein habang nakatingin sila sa cellphone ko. Inismiran ko silang dalawa kahit di nila nakikita ang reaction ko.

"Simon Louise Tabone" banggit ko sa buong pangalan ni simon.

"Aba! Kabisadong kabisado ni bakla a. Ibang klase! " pang-aasar ni Argen.

"Got yah!" napatingin ako sa kanilang dalawa. Nagkatinginan sila habang ako ay naghihintay nang sasabihin nila.

"Babasahin ko ba? " nag-aalangang tingin ni Argen kay Rein pagkatapos ay tumingin saakin.

Napalunok ako bigla ring kinabahan. Hindi ko alam kung bakit basta nararamdaman ko nalang na kinabahan ako.

"Ikaw, para alam niya"

"E, baka mawalan nang malay si bakla! "

Ano ba ang pinagbubulong nila? As if naman wala ako sa harapan nila. Para mag-usap nang ganyan. Hello? Naririnig ko kaya sila. Hindi naman ako bingi para hindi parinig.

"Ikaw nalang magbasa bakla! " si Argen. Umiling naman ai Rein. Nagtataka na ako sa kanilang dalawa. Ano bang meron sa tinitignan nila akala ko isesearch lang ang name ni Anastasia at titignan ang picture.

"Ikaw na! " balik ni Rein ng cellphone kay Argen.

"Hindi ikaw na! " nilapag ulit ni Argen sa kamay ni Rein ang cellphone ko.

"Ayoko ko. Ikaw na-"

"AKO NA NGA!"naiinis kong sabi nang makuha ko galing sa kanila ang cellphone na pinag-aagawan.

"Para kayong mga tanga, kung ano man ang nabasa nyo ditto... " tinaas ko ang hawak na cellphone habang ang screen nito ay nakaharap aa kanila. Hindi ko pa makita kong ano ang nakalagay doon, napalunok ang dalawa. "Babasahin ko, hindi naman siguro importante iyon diba? Grabe kayo kung makapag agawan akala nyo kaissue-issue na sa lipunan-"

Parang may bumara sa lalamunan ko ng makita ang nasa wall ni Anastasia. It say here that Simon Louise and Anastasia Smith are married. Napapakurap ako as nakita ko.

Kahapon lang hinatid pa nila kami sa airport. At may pahalik halik pa sa noo ko siyang nalalaman. May payakap-yakap pa siyang nalalaman. Pero malaman-laman ko palang. Kasala na siya? Ano to? Naglolokohan ba kami?

"Bakla" tawag pansin nila Argen saakin.

Naramdaman ko nalang na may nagpunas sa pisngi ko, doon ako natauhan. Napatingin ako say dalawa. Bakas sa kanila ang pag-aalala.

Nakalapit na pala sila saakin hindi ko man lang naramdaman.

Niyakap nila akong pareho, mas lalong bumigat ang nararamdaman ko dahil doon. Doon lang bumuhos ang luha ko. Ang luhang kanina hindi ko naramdaman.

Napatakan nang luha ang hawak kong cellphone ng dumako ang tingin ko dito.

Ito ang unang beses na umiyak ako dahil sa isang lalaki. Umiyak dahil umasa ako. Ganito ba ang unang sakit sa mga taong ngayon lang sumubok magkagusto? Nagkagusto nga ako sa maling tao naman. Naagkagusto mga ako sa may nagmamay-ari naman.

"Bakla tahan na. " pag-aalo ni Rein saakin. Ramdam ko ang pagsuklay niya sa buhok ko at pag hagod nang kabilang kamay sa aking balikat.

"Sana hindi ko nalang pala pinilit na tignan ang facebook nung anastasia na iyon" dinig sabi ni Argen

"Sana nga kaso nabuksan muna, mapilit ka kasi" singhal ni Rein sa kanya.

"Gaga, hindi ko naman alam na iyon ang makikita natin no. Balak ko lang namang tignan ang profile picture nun. Hindi ko naman alam na makikita ko ang status nila doon. Kasal na! " kahit pabulong na iyon. Naririnig ko parin mas lalo lamang ako napaiyak.

"Bakla! " impit na sigaw ni Rein sa likod ko.

"Oy, Ran tahan na yan iinom mo nalang yan bakla" kumuha si Argen ng isang bote nang san miguel beer at ibinigay saakin. Walang reklamo ko itong kinuha at ininom. 'Bahala na! '

Napapikit ako nang wala sa oras. Nanunuot sa lalamunan ko ang pait nito. Pait na katulad nang nararamdaman ko. Pait na naghahatid ng kakaibang epekto sa buong katawan ko.

Akala ko wala silang relasyon? Akala ko wala lang sa kanya si Anastasia. Akala ko walang 'sila'. Akala ko lang yun. Akala ko lang pala yun.

Tsk! Pa fall nga siya!


Load failed, please RETRY

Status Power Mingguan

Rank -- Peringkat Power
Stone -- Power stone

Membuka kunci kumpulan bab

Indeks

Opsi Tampilan

Latar Belakang

Font

Ukuran

Komentar pada bab

Tulis ulasan Status Membaca: C13
Gagal mengirim. Silakan coba lagi
  • Kualitas penulisan
  • Stabilitas Pembaruan
  • Pengembangan Cerita
  • Desain Karakter
  • Latar Belakang Dunia

Skor total 0.0

Ulasan berhasil diposting! Baca ulasan lebih lanjut
Pilih Power Stone
Rank NO.-- Peringkat Power
Stone -- Batu Daya
Laporkan konten yang tidak pantas
Tip kesalahan

Laporkan penyalahgunaan

Komentar paragraf

Masuk