Unduh Aplikasi
80.35% My Unpredictable Boss / Chapter 45: Forty Four

Bab 45: Forty Four

CAROL'S POV

Nandito na ako sa opisina pero pagdating ko ay mukhang paalis na sila...

"Teka... Aalis na kayo? Hindi ba tayo babalik sa trabaho??" gulat na tanong ko sa kanila

"Oo Carol, aalis na kami atsaka wala naman si Ms. Marga eehh, mag-m-mall kaming tatlo" si Jonah

"Bakla, halika na... Kwentuhan mo kami kung anong nangyari sa inyo ni sir kanina sa office niya at kung may nangyari bang himala sa inyo habang nandon ka" si Jake sabay hila sa akin

"Teka lang naman bakla, kukunin ko muna yung gamit ko sasabay na ako sa inyo" dali-dali akong pumunta sa desk ko at kinuha yung shoulder bag at yung ibang gamit ko.

"Bakla, halika na at hahanap tayo ng mga damit, cosmetics, sandals at kung ano pang chichiburichi sa katawan natin" pagmamadali sa akin ni Jake

"Oo na, heto na nga diba... Nagmamadali na oh" ang hot masiyado huh, hindi makapag-antay

"Dito ba tayo mag-m-mall o sa ibang mall tayo pupunta??" sabi ko sa kanila

"Sa ibang mall tayo Carol, nakakasawa na kasi dito kahit na ang dami kong natitipuhan na damit" si Ms. Marie

"Oo nga, hindi naman magiging atin yung damit na magugustuhan natin" sabat naman ni Jake.

Sumakay na kami ng jeep papunta sa ibang mall, yung malapit lang sa kompanya tapos kinwentuhan ko pa sila kung anong nangyari at bakit natagalan ako kay sir Lance kasi pinakain ko pa at yung sa wedding anniversary, kahit na hindi ako sigurado na makakadalo ako doon.

"So bakla, a-attend ka ba doon sa sinasabi ng boss mong wedding anniversary ng lolo niya??" tanong ni Jonah

"Hindi rin ako sigurado eehh, atsaka sabi niya nandon daw lahat ng angkan niya at ipapakilala niya raw ako sa mga angkan nila" nag-aalalang sabi ko pa.

May kakilala naman ako sa angkan nila eehh.. pero hindi rin naman kami close ng mga yun, parang plastik plastik lang ganon... Ngi-ngiti at kunwaring yayakap pero patalikod mo nililibak ka na pala... Mga plastik

"Oh ba't hindi ka sigurado bakla, hoy... Lance Ramillano na yun at maki-kilala mo pa si sir Theo at yung maliit nilang kapatid na si Philip, bless ka na nun bakla noh, diba Ms. Marie??" sabi pa ni Jake sabay baling kay Ms. Marie

Si Ms. Marie naman tumango-tango na parang sinasabi tama ang sinabi ni Jake.

"Hindi ako sigurado kasi...." pambi-bitin ko

"Kasi... Ano nga bakla"

"Kasi nakakahiya kaya, buong angkan niya ang nandun, okay lang sana kung pamilya niya pa eehh... Pero buong angkan hindi na kinakaya ko yun noh... Atsaka hindi rin naman ako interesado sa ganiyang malalaking party...."

"Ikaw nalang ang pumalit sa akin bakla, walang problema yun atsaka balita ko... Marami daw mga hot papa doon, makakapag-boy hunting ka pa doon" sabay tango ko sa kaniya parang naninigurado

"Kung pwede lang talaga bakla, pero ikaw yung in-invite doon ni sir Lance, okay lang sana kung invited ako o kami, Hindi ba?? Atsaka tamang-tama rin dahil pupunta tayo ng mall para matulungan ka naming makapili ng dress para sayo" sabi pa Jake

"Manong dito na po kami, manong bababa na po kami!!!" medyo may pagkabingi pala si manong. Kaya dali-dali na kaming bumaba baka kasi humarurot agad si manong

Nandito na kami sa mall,  pumasok na kami at pumunta kami diretso sa 3rd floor dahil nandon yung mga casual attire at yung mga stilleto..

Pagdating namin dito ay nalula ako sa mga semi-formal at formal casual attire na pangbabae... Shit naman oh, sarap tuloy iuwi lahat ng toh... Nakakalula tuloy...

Pumili na kami ng damit at pumili rin sila ng damit para sa akin dahil daw sa party na sinasabi ko sa kanila...

May damit naman ako doon pero semi-formal nga Lang yung mga damit ko...

May binigay sila sa akin na damit na susukatin ko at sumobra ata sa sampo yung damit na susukatin ko.

"Sukatin mo yan at pipili pa kami ng stilleto na susuotin mo, kaya go na..." sabi ni Jake, sabay tulak sa akin, papasok sa fitting room

Sinukat ko naman yun isa-isa pero may na-bet akong apat na formal dress, may isang umbre backless dress at yung iba naman ay nagustuhan ko yung design.

SEE THE IMAGE OF THE DRESSES BELOW:

Lumabas na ako nang biglang dumating sila Ms. Marie na may dalang stilleto na susukatin ko.

Dalawang stilleto Lang naman yung dala nila pero ang tagal nilang bumalik dito sa fitting room.

"Carol, sorry natagalan kami, kasi yung mga sapatos dito ang gaganda tapos dalawa Lang yung napili namin sayo, ang sa amin naman ay pinakuha pa namin sa sales lady dito" sabi ni Ms. Marie

Ang kulay kasi ng dala nilang stilleto ay nude color at puti... Simple Lang yung design pero ang gara pa rin kasing tignan

"Bakla sukatin mo na" sabi ni Jonah, kaya sinukat ko na at tama naman yung sukat sa paa ko.

"Ito na pala yung mga napili kong damit... Hindi ko kasi trip yung iba at heto lang ako nagandahan" sabay pakita sa mga dress na dala ko

Kinuha naman nila yun tapos pumunta sa may salamin para makita yung kabuuang disenyo ng damit. Inisa isa nila yung sinusukat sa salamin kung bagay o Hindi sa kanila.

Lumapit sila sa akin at ngumiti sila sa akin...

"Bakla ka, ang ganda naman ng mga ito... Pahiram ako ha, kung may party akong pupuntahan sayo na Lang ako manghihiram" sabi ni Jonah sa akin

"Ako rin ateng... Pahiram ako, kung may Miss Gay na magaganap sayo rin ako hihiram ha" sabi pa ni Jake sa akin

"Oo naman noh, atsaka pagka-tapos niyong hiramin sa akin ang mga yan... Bayaran niyo ako kahit 350 Lang" biro ko sa kanila

"Ano ba yan parang nirenta lang namin yung damit mo ha!!" reklamo ni Jake na sinang-ayoman naman ni Jonah

"Hoy 350 lang naman eehh... Atsaka mahal kaya yung mga nirerentang mga gown, umaabot kaya yun sa 5,000 pataas, ang pinaka-mababa na dun is 2,500" sabi ko pa, sana mahulog sila sa biro

"Oo nga ano... Sige na nga, 350 Lang ha... Atsaka wala ng itataas yan ha" tumango naman sila Jonah at Ms. Marie kay Jake tapos tumingin sa akin

"Oo naman, atsaka kailangan ko rin yung kita dahil sa pang-araw araw na gagastusin ko sa bahay" sabi ko pero poker face pa rin ako kahit na gusto ko nang matawa sa kanila

"Atsaka pagka-tapos niyong magamit yan, paki-sauli agad ha... Naninigurado Lang ako mga bakla"

"Oo na, dami pang sinasabi eehh..." reklamo ni Jake sa akin

"Guys sasagutin ko lang tung tawag ha" sabi ni Jonah.

Tumango lang kami Kay Jonah tapos lumayo siya sa amin ng ilang metro bago niya sagutin yung tawag.

"Mga bakla, pumili pa tayo ng mga damit dito" sabi ni Jake sa amin

"Nako... Hindi na ako pipili bakla, babayaran ko na ito... Baka kasi magkulang yung ipang-babayad ko kung susubra eehh..." sabi ko kay Jake kaya, tumango siya sa akin at sila Ms. Marie naman ay namimili na ng damit.

Pumunta na ako sa pinaka-malapit na cashier, para i-punch at bayaran lahat yun.

Buti nalang talaga wala masiyadong nagbabayad ngayon dito, madali sandali lang ako sa pila at binarayan yung mga binili ko.

Please Don't Forget to Vote, Comment Follow


Load failed, please RETRY

Status Power Mingguan

Rank -- Peringkat Power
Stone -- Power stone

Membuka kunci kumpulan bab

Indeks

Opsi Tampilan

Latar Belakang

Font

Ukuran

Komentar pada bab

Tulis ulasan Status Membaca: C45
Gagal mengirim. Silakan coba lagi
  • Kualitas penulisan
  • Stabilitas Pembaruan
  • Pengembangan Cerita
  • Desain Karakter
  • Latar Belakang Dunia

Skor total 0.0

Ulasan berhasil diposting! Baca ulasan lebih lanjut
Pilih Power Stone
Rank NO.-- Peringkat Power
Stone -- Batu Daya
Laporkan konten yang tidak pantas
Tip kesalahan

Laporkan penyalahgunaan

Komentar paragraf

Masuk