Flashback..
3rd's Person POV
6pm palang nagsara na ang Coffee Shop na pinagtatrabauhan ng matalik na magkaibigan na sila Selene at Kharmela. Maaga silang nagsara dahil kaarawan ng head Barista nila ngayong araw.
Pagkasara, dumiretso sila sa isang bar, di kalayuan sa Coffee Shop. Pagkarating nila doon, bumungad sa kanila ang malakas na dagundong ng tugtog, samut-saring amoy ng alak at sigarilyo, nakakasilaw na dancing lights at mga tao na nasa gitna at nagsisipag-sayawan na tila mga wala na sariling katinuan.
Napakunot ang noo ni Selene at Kharmela sa nakitang eksena sa loob ng bar. First time lang kasi nilang pumasok sa ganitong lugar.
Umakyat sila sa ikalawang palapag ng bar kung saan wala gaanong tao dahil hindi masyadong lumalalim ang gabi.
Naupo sila sa long table na naroon. Nilapitan sila agad ng waitress at isa-isa na silang nagsabi ng kanilang order dito.
Ilang sandali lang ay hinatid na ang mga pagkain sa table nila.
"At dahil birthday ngayon ng ating pinaka-mahusay at gwapong head barista, iinom tayo! Sky is the limit! CHEERS!!! "
"CHEERS!!!" Sabay-sabay nilang sigaw at tinungga ang shot glass na hawak nila.
Habang ang magkaibigan naman ay ladies drink lang ang ininom dahil kapwa sila hindi sanay sa hard drinks na iniinom ng mga kasamahan nila.
Sa kabilang banda naman....
.
.
.
"Waiter! Isa pa ngang tequila."
Agad namang tumugon ang waiter sa kanya at dinalhan siya ng isa pang bote.
Tuloy lang si France sa pag inom at hindi iniinda ang mga babaeng kanina pa tumitingin ng malagkit sa kanya. Sanay na siya sa mga ganitong eksena tuwing pumupunta sya sa mga public na lugar.
Wala syang pakielam sa paligid dahil sa ngayon.. isa lang ang focus niya; ang balita na naka flash sa screen ng cellphone niya. Ang dating news ng pinakamamahal niyang babae na si Marcellane na kasalukuyang nasa London. Kalalabas lang ng balita na nakikipag date daw ito sa isang sikat na Fashion designer doon. Ito rin ang dahilan kung bakit nagpapakalunod sya ngayon sa alak.
"Are you kidding me, Marcellane? How can you do this to me? You know I love you, right?" Sambit niya sabay tungga sa hawak niyang shot glass.
Namumuo ang luha sa mga mata nya na nagbabadya nang bumagsak. Damang-dama nito ang sakit at lungkot na matagal na niyang kinukubli sa harap ng mga tao. At ngayon, unti-unti na itong lumalabas sa kanya.
Mabuti na lamang at malakas ang tolerance niya sa alak at hindi siya basta-basta nalalasing nito. Ngunit kahit na pa ganoon, tila lunod na lunod na ang isip niya sa mga nangyayari.
Matapos basahin ang article tungkol sa ex-girlfriend, pinatay nya ang cellphone nya at tinuloy ang pag-inom. Sunud-sunod ang salin nya sa baso hanggang sa mapangalahati na niya ang bote.
Maya-maya pa ay naisipan niyang mag CR kaya tumayo siya at naglakad papunta roon. Papasok na siya nang may nakabungguan siya.
"Ay sorry!" Ika ng babaeng nakabunggo sa kanya.
"It's okay. Watch your step. Medyo madilim dito." Sabi niya dito at pumasok na sa loob ng men's room.
Nag bow naman sa kaniya si Selene at dumiretso sa bar counter. Medyo nahihilo na siya kaya naman halos nag-gegewang gewang na ang lakad niya.
"Ah chogiyo.. (excuse me..) " tawag niya sa lalaking bartender na naroon. "Pwede makahingi ng tubig?"
"Sige miss. Gidalyeo. (Wait.) "
Naupo si Selene sa barstool na naroon habang hinihintay ang tubig habang tinatapos naman ng bartender ang ginagawa niyang mix drink. Pagkayari niya dito, ipinatong niya ito malapit kay Selene at kumuha na ng tubig.
Nainip naman sa paghihintay si Selene sa kanya. Hinanap niya ang bartender ngunit wala ito doon. Nang maupo syang muli, napansin niya ang isang baso na may laman malapit sa kaniya. Wala itong kulay kaya naisip niya na baka iyon na ang tubig na hiningi niya. Ininom niya ito agad dahil sa sobrang kauhawan.
Tatayo na siya nang biglang umikot ang paningin niya. Hindi na siya makapaglakad ng maayos at sobrang hilong-hilo na siya na lalo pang pinalala ng malakas na music at malikot na mga ilaw sa loob ng bar.
Naghanap siya ng lugar na pwedeng puntahan na malayo sa ingay at dami ng tao. Sakto namang nakita niya ang isang signage doon na nakalagay ay 'rooftop this way' at nakaturo ito sa hagdan paakyat.
Agad siyang umakyat doon.
Nang makarating, namangha siya sa nakita niyang view doon. Overlooking ng kabuuan ng Seoul, citylights at mga bituin sa langit. Manghang-mangha siya habang nakatitig dito. Naglakad siya papunta sa gilid upang mas lalo niya pang makita ang kabuuan ng view.
Nakaramdam siya ng pagluwag ng pakiramdam habang nakamasid dito.
Naisip niyang tumuntong sa bench na naroon at pagkayari ay tumingala siya sa langit. Namangha sya nang makita niya ang mga bituin kaya naman itinaas nya ang mga kamay nya na tila inaabot niya ang mga ito.
"Mama, Papa, nandyan ba kayo? Nakikita nyo ba ako? Miss na miss ko na kayo." Nanginig ang boses nya kasabay ang tuluyang pagbagsak ng mga luha nya.
Pilit niyang inaabot ang langit.
Sa pagpupumilit, naisip nyang i-tingkayad ang mga paa nya hanggang sa hindi nya na nabalanse ang kanyang katawan nya at tuluyan na syang na-out balanced sa tinutuntungang bench.
Pagbagsak na sya nang bigla nalang may humigit sa beywang niya dahilan para mahulog sya doon at mapayakap sa bumatak sa kanya.
Tuluyan silang bumagsak sa lapag. Napahiga ang lalaki sa sahig habang nakapatong naman sa kanya si Selene.
Sa sobrang pagkagulat, agad siyang kumawala sa pagkakayakap nito sa kanya at dali-daling tumayo. Tumayo din naman ang lalaki at pinagpag ang sarili.
"Miss ano ba?!! Balak mo bang magpakamatay?!" - France
Galit na tanong ni France sa dalagang kaharap nya. Pagkatanong nya, tinawanan lamang sya nito kaya nagtaka sya.
"Are you out of your mind?! Suicide is not the best solution to your problem. It will only make it worst!"
"At bakit naman huk ako magpapakamatay huk hah?! Matagal na huk akong patay!!" Galit na tugon nya dito. "Patay na mga magulang ko! Iniwan na huk*nila ako! Alam mo ba kung gaano kahirap yon ah?! Yung walang sumusubaybay sayong magulang. Yung walang huk gumagabay sa mga desisyon na ginagawa mo. Buhay nga ako pero parang walang nakaka-appreciate ng existence ko dito sa mundo. Daig ko pa ang namatay alam mo yon?! Di mo alam yon kasi siguro.. kumpleto ka! Nandyan mga magulang mo! Pero ako? huk Eto... mag-isa."
Naupo si Selene sa bench at doon na nagsimulang mag-iiyak.
Biglang nakaramdam ng awa si France dito. Wala na siyang nagawa kundi tabihan at aluin ito. Sinandal niya ito sa dibdib niya at hinimas himas ang buhok nito. Hindi niya alam kung bakit niya ginagawa ito sa isang babaeng hindi niya kilala ngunit kusa na lamang gumalaw ang katawan nya at niyakap ito. Basta ang naiisip niya lang ngayon ay kailangan niyang gawin ito.
"Sssh.. it's okay. I'm here." Pag kakalma niya dito habang hinihimas niya ang ulo nito na nakabaon sa dibdib niya.
Tuloy lang sa pag-iyak si Selene.
Ilang sandali pa ay kumalas na sya sa pagkakayakap nito sa kanya at umayos na ng upo.
"Salamat... pero kung ginagawa mo lang to para magpa-fall, nagkakamali ka. Alam mo.. kabisado ko ang mga ka-uri mo! Mga manloloko!" Matigas na sabi nya dito.
Natawa naman si France sa sinabi nya at napa-crossed legs nalang sa bench na kinauupuan nila.
"Anong nakakatawa don? Diba totoo? Ginagawa nyo yang mga pakitang tao na yan para makapang loko ng mga babae. Pare-pareho lang kayo!"
"Uliga gat-eunji eotteohge al-a? (How do you know if we are the same?) Naging boyfriend mo na ba kaming lahat?" Mahinahon niyang tanong dito. Alam niya kasi na dala lang ito ng kalasingan nito kaya nakakapagsalita ng ganon.
"Hinde! Pero may limang lalaki akong kilala na pa-fall. Lahat sila minahal ko. Pinahalagahan ko. Pero ano? Nung umamin ako sa kanila, ni-reject lang nila ako. Lahat sila!"
Nakuha ni Selene ang atensyon nito nang sabihin nya iyon sa kanya. Kaya naman nakinig itong mabuti sa kanya.
"Akala ko gusto din nila ako. Kasi ang bait nila sakin. Pinapakita nila na they care so much pero.. pero noong magkagusto na ako sa kanila, ni-reject nila akong lahat." Humarap siya kay France at binuka ang palad nya paharap dito. "Limang beses! Limang lalaki! Limang rejection!" Sabay tawa nya na halatang-halata ang pait sa bawat halakhak nito.
"Di mo alam kung gaano kasakit yon kasi lalaki ka!" Pinagduduro niya ang balikat nito ng madiin. "Di mo alam kung gaano kasakit sa aming mga babae na pinapaasa ng mga katulad ninyong mga lalake! Kasi wala kayong ibang alam na gawin kundi paglaruan ang damdamin naming mga babae!"
France clenched his fist.
Hindi na niya gusto ang mga naririnig niya mula dito.
Hindi ito totoo. Dahil siya mismo ay naging biktima din nito. Nagmahal ngunit iniwan. Kung silang mga lalaki ang manggamit at sila ang mga manloloko, eh paano naman ang ginawa sa kanya ni Marcellane? Hindi ba't panloloko din iyon?
France is now reaching the limit of his patience. Tila nawala sa isip niya na lasing ang kausap niya.
"Kayong mga lalake..... mga manloloko!!!! Manggagamit!!! Ma-----hmmp"
Napigilan sa pagsasalita si Selene nang sakupin ni France ang labi niya. Isang hindi inaasahang halik ang nagpatahimik sa kanilang dalawa.
Naputol ito nang bigla syang itulak palayo ni Selene at mabilis itong lumayo sa kanya. Maski si France ay nabigla din sa nagawa niya.
Napahawak si Selene sa labi niya. Yon ang first kiss niya. Ang halik na matagal na niyang pinapangarap na ma-experience ngunit hindi sa ganitong paraan. At hindi sa kung kani-kanino lang.
Napansin siya ni France na ngayon ay pilit kinakalma ang sarili.
"What? Is it your first time?" Tanong niya dito na tulala parin at nakahawak lang sa labi nito. Nagtaka naman si France sa kinikilos nya. Then he realized why. "Wait.... d-don't tell me... "
"MANYAK KA!!!"
Bigla nalang syang pinagpapalo at pinagsisipa niya ito.
"BAKIT MO GINAWA YON AH?!!! MANYAKIS KAAA!!! MANYAKIS!!!"
Sinasalag naman ni France ang bawat hampas at tadyak nito sa kanya. Hanggang sa tumayo na siya at pigilan ito sa pagwawala. Pilit siyang nagpupumiglas sa mga braso ni France na nakapalupot sa kanya.
"Bitawan mo ko!! Manyak ka!!"
Pinipigilan lang siya ni France nang bigla nalang itong mawalan ng malay.
"Hey.. hey!!! Miss!" Inalog-alog niya ito pero wala na itong ulirat.
Agad niya itong binuhat at ibinaba. Diniretso niya ito sa fire exit ng bar papunta saparking lot kung saan naka park ang kotse niya.
Sinakay niya ito sa loob at pinagtatapik nya ito upang magising.
"Miss!! Wake up!! I need to know your address! Hey, wake up!! " Ngunit wala itong kagalaw-galaw. "Damn! Anong gagawin ko sa babaeng to? I don't know anything about her tsk! Hindi ko naman siya pwedeng basta nalang iwan doon. Baka ma-rape pa to ng mga lasing don eh."
Sumakay na sya sa driver's seat katabi ng wala paring malay na si Selene. Nag-isip siya kung anong gagawin nang mapansin niya ang body bag na nakasakbit sa balikat nito.
Agad niya itong kinalkal para magbakasakali na may ID or kahit anong info siyang makukuha tungkol sa pagkakakilanlan nito.
Nakita niya ang cellphone nito sa loob ng bag pero nang bubuksan na niya, ayaw naman nitong bumukas. "Empty battery ba to? Tss useless! " ika niya at naghanap pa ng ibang gamit doon. Nakakita siya ng wallet at agad niya itong binuksan. Nakakita siya ng pera at isang ID. Binasa nya ito. "Name: Selene Jang." Nakasulat din ang emergency contact number nito doon. Kinuha niya ang cellphone niya at nagsimulang mag dial.
Napalingon siya kay Selene nang gumalaw ito ngunit mahimbing parin ang tulog nito. Nakahinga siya ng maluwag nang malaman niya na nakatulog lang pala ito.
Tatawagan na sana niya ang contact number nang matigilan siya. Naalala niya bigla ang naging pag-uusap nila sa rooftop kanina. Sinabi nito sa kanya na wala na siyang mga magulang kaya napaisip sya. Kung iuuwi nya ito sa bahay nito, sino naman ang mag-aasikaso sa kanya doon?
Iniisip nya ito habang nakatitig sa contact number na tinype niya sa dial screen ng cellphone nya. Bumaling syang muli dito at nagpakawala ng isang malalim na buntung-hininga.
"Fine. I'll just take her home with me to be sure." Sabi niya nalang sa sarili.
Pinaandar na nya ang kotse at inilabas na nya ito sa parking lot.
.
.
Pagtapat ng kotse ni France sa gate, automatic itong bumukas at iginarahe na nya ang kotse sa loob.
Pagkaparada, bumaba siya at binuhat si Selene papasok sa loob.
Nang makarating sa front door ng bahay, agad siyang pinagbuksan ng katulong na medyo may edad na.
Pagsalubong ng katulong sa kanya, agad nitong napansin ang babaeng buhat buhat nya. Gulat na gulat ang reaksyon nito.
"Sir, anong nangyari sa kanya?!" Pag-aalalang tanong ng katulong sa kanya.
"Geunyeoneun gwaenchanh-a. (She's just fine.) Lasing na lasing lang sya kaya nakatulog sya." Paliwanag niya. "Yaya, can you take off her shoes?" Tumango ito at agad nitong tinanggal ang suot na sapatos ng dalaga. "Ako nang bahala sa kanya. Ije swieodo dwae.(You can rest now.) "
Hindi na nakasagot pa ang katulong sa kanya dahil agad na nyang inakyat si Selene sa itaas.
Nang makaakyat, ipinasok niya agad ito sa kuwarto niya at doon inihiga sa kama. Nang maihiga nya na ito, tinitigan nya lang ito na himbing na himbing parin sa pagtulog. Napansin niya na gusut-gusot na ang suot nitong blouse. Hindi naman sya mapakali sa itsura nito.
Pumasok muna sya sa CR na nasa loob ng kuwarto at doon nagbihis ng pambahay na TShirt at pajama.
Pagbalik niya, mahimbing parin ang tulog nito ngunit halata sa itsura nito ang pagka-irita. Naisip naman ni France na baka dahil ito sa suot niyang damit.
Lumapit siya at naupo sa gilid ng kama katabi ni Selene.
"Should I take off her blouse myself o tatawagin ko nalang si Yaya Ysabel? Tsk baka tulog na yon." Hindi nya malaman kung anong gagawin dito. Nag-isip siyang mabuti kung anong gagawin nya. Wala na siyang maisip na ibang paraan kundi siya mismo ang magtanggal ng blouse nito.
"I'll do it then."
Humugot muna siya ng isang malalim na hinga bago nya simulan ang pagtatanggal ng butones ng blouse nito.
Isang mata lang ang nakabukas sa kanya habang unti-unti niyang tinatanggal ang pagkakabitones nito. Hanggang sa matanggal na niya at lumantad ang makinis at maputing balat ng dalaga at ang suot nitong itim na panloob.Napapikit ng mariin si France nang maaninag nya ito.
Lalaki siya. At hindi ito madali para sa kanya. Nanginginig ang mga kamay niyang hinubad ang asul na blouse nito at nilapag sa kabilang side ng kama.
Nilibot niya ang paningin nya sa loob ng kwarto para maghanap ng pwedeng ipasuot dito ngunit wala siyang makita. Halos lahat ng damit niya kasi ay nasa loob ng walk-in closet sa kabilang kwarto. Naisip niya na kung kukuha pa siya ng damit doon, baka lamigin na ito sa aircon.
Kaya naman nang wala na siyang maisip na ibang paraan, hinubad na lamang niya ang suot niyang tshirt at iyon ang ipinasuot niya dito.
Bago niya ito isuot kay Selene, napatitig siya sa mukha nito na tila anghel na natutulog dahil sa sobrang payapa nito. Hindi niya maiwasang hindi mapatingin sa katawan nito na ngayon ay nakalantad sa harapan nya. Naramdaman niya ang unti-unting pag-init ng mukha at ng pakiramdam niya kasabay ang pamumula ng magkabilang pisngi nya. Alam nyang iba na ang nararamdaman niya kaya naman mabilis na niyang binihisan ito.
Matapos nya itong damitan, kinumutan nya ito agad at sunod naman niyang hinubad ang pantalon nito. Maingat niyang kinapa ang butones ng pantalon nito at dahan-dahan nya itong tinanggal. Pagkakalag nya sa butones, marahan niya itong binaba mula sa bewang pababa sa hita hanggang sa mahubad na nya ito ng tuluyan. Hindi sya gaanong nahirapan sa paghuhubad nito dahil nasa ilalim ito ng kumot.
Pagkatapos nya dito, inayos na niya ang kumot na nakatakip dito at kinumutan ang buong katawan nito.
Napabuntong-hininga sya ng malalim. Sa wakas nagawa nya itong bihisan. Ngayon nya lamang ito ginawa sa isang babae.
Tumayo na sya at akmang lalabas na ng kwarto nang matigilan siya at muling binalingan ito ng tingin.
Aminado siyang natukso siya sa kagandahan ng dalaga kaya mabuti na lamang at napigilan niya ang kanyang sarili. Hindi sya katulad ng ibang mga lalaki na mahilig magsamantala ng kahinaan ng mga babae.
Isang ngiti ang sumilay sa kanyang mga labi habang nakatitig dito.
"You know what? You're beautiful. Siguro.. kung hindi ko nakilala si Marcellane, I'll be interested in you. Good thing.. I'm taken and I'm not pervert like those party men. Jal-ja.(Good night.) wika niya dito.
Pagkasara nya ng pinto, dumiretso sya sa guest room at doon na muna natulog.
End of flashback....
.
.
3rd Person's POV
"Michyeoss-eo?!! (Nababaliw ka na ba?!!) " Gulat na sabi ni Byul sa matalik na kaibigan matapos nitong ikuwento sa kanya ang lahat ng nangyari dito kagabi.
"SHH! Wag ka sabing maingay eh!" Pagbabawal naman ni France dito nang halos mapasigaw ito.
"Seriously bro?! At sino namang matinong lalaki ang magbibiro ng ganun sa isang virgin na babae?! Eh mana pang tinotoo mo nalang siyang ginalaw eh! Ewan ko sayo Francesco! Ang childish mo!"
"Ar-a, geulaeseo joechaeggam. (Alam ko. Kaya nga nagu-guilty ako eh.) ". Believe me, babawiin ko naman sana yung prank eh kaso... di ko alam! Nadala ako sa nangyayari kaya hindi ko na nasabi."
"Maldo andwae! (This is ridiculous!) Paano kung malaman ni auntie yang kalokohan mo? Ne kkeut-iya! (Katapusan mo na!)".
"Yun na nga Byul eh. Alam ko namang mali yung ginawa ko! Pero ewan ko ba! I suddenly became interested in pranking her. Hindi ko naman alam na seseryosohin niya ng sobra yon. I mean, parang ako pa nga ang sumeryoso eh. Kahit na palabas lang na may nangyari saming dalawa, sobrang na-guilty ako sa mga pinagsasabi nya sakin. Nawala tuloy sa isip ko na prank lang yon tsk tsk!" Frustrated na sabi ni Francesco.
"Neon babo ya.. jinjja. (You're stupid.. seriously.) Alam mo ba ang pagkakaiba ng prank sa reality huh? Eh pano kung maniwala nga sya na may nangyari sa inyo at i-frame up ka nya na nabuntis mo sya? Nakalimutan mo na bang ikaw ang CEO ng Lemint'? At ang mga katulad natin na galing sa mga mayayamang pamilya ang tinatarget ng mga social-climber na babae!"
"I know! Pero sa tingin ko hindi naman sya ganun eh. Mukhang man-hater pa nga sya eh. Hindi din naman tama kung huhusgahan nalang natin sya ng ganun, diba? Saka kasalanan ko naman eh. Ako ang nang-prank."
Nakatitig lang si Byul sa kanya na tila sinusuri nito ang mukha niya. Nagtaka naman sya dito.
"Mwo? (What?) Bakit ganyan ka makatingin? May nasabi ba akong mali?"
"Hah! Ano kamo? Kanina pa nga maling-mali yang mga lumalabas sa bibig mo eh! Alam mo Francesco, ewan ko sayo ah pero may gusto lang akong i-confirm eh. Soljighi daedab hae!(Answer me honestly!) Don't you dare lie to me!" - Pagbabanta niya dito.
"Oo na! Ano ba yon?"
"Are you into her?" Diretso nyang tanong dito.
Nabigla si France sa tanong nito sa kanya.
"M-Museun mal-iya?! (W-What do you mean?!)"
"Geunyeoga joh-a? (Do you like her?) " - paglilinaw ni Byul
Kinabahan naman si France sa biglaang tanong nito sa kanya. Dinaan na lamang nya ito sa tawa.
"Hahahaha! Na?! (Me?!) Gusto sya?! Do you even know me, Byul? Alam mo naman na loyal ako kay Marcellane diba? Stop that nonesense, will you?"
"That's the problem Francesco! That's it! So talagang trip mo lang siya, ganon? Sige nga.. paano mo ngayon ipapaliwanag yan kay auntie Felice kapag nalaman nya yang pinaggagawa mong yan? Sasabihin mo bang trip mo lang sya? Handa ka na bang magmukhang tanga sa mama mo?" - sarcastic niyang tanong dito. "Tsk tsk akala ko talaga nagtaksil ka na kay Marcellane eh."
"You know I'll never do that." - seryosong sabi ni France sa kanya.
"Malay ko?! Just in-case naisip mo lang na gumanti sa kanya diba?"
Natahimik si France pagkasabi nya non. Bigla nalang may pumasok na ideya sa isip nya nang marinig ito.
"Wait bro... ano ulit yung sinabi mo kanina?"
"Yung alin? Na mas gwapo ako sayo? Yun ba?" Pagbibiro nito.
"Tss kapal. Not that! Yung sinabi mo kanina! Yung gumaganti ako!"
"Aahh yun ba? Akala ko kasi gumaganti ka lang kay Marcellane para quits na kayo. Bakit? Tama ba ako? Gumaganti ka nga?"
"No I'm not! But... what if.... I do?"
Nabigla naman si Byul sa sinabi nya.
"Wait-- What?! Gaganti ka nga sa kanya?!"
"I want to win Marcellane back, bro. Kung ito lang ang paraan para bumalik sya sakin, why not?!"
"Nag-iisip ka ba Francesco?! Paano kung ma-misunderstood ni Marcee tong gagawin mo na to! Baka sa halip na balikan ka nya, lalo pa syang dumistansya sayo. Ano na naman bang binabalak mo huh? Sige nga! Malhaebwa. (Tell it to me.)"
Huminga muna ng malalim si France bago muling magsalita.
"I'm gonna use this incident to win Marcellane back. And that girl.. will be our bait."
Batid ni Byul sa tono ng kaibigan na desidido na ito sa binabalak nitong gawin.
"What?! Teka lang ahh. Let me process this. So you mean... you will use the girl you've met last night at the bar para pagselosin si Marcellane?" Paglilinaw nya dito.
"Bingo!" Tugon ni France sa kanya nang ma-bulls eye nito ang plano nya.
"Wait lang ulit ah Francesco. Hindi ko alam kung tama ba tong binabalak mo eh pero bakit parang sakin ka pa yata nakaisip ng plano? Dahil ba dun sa part na inakala ko na naghihiganti ka kay Marcellane? Bro! Akala ko lang yon! Hindi yon suggestion!"
"Oo na! Alam ko naman eh. But I have no choice. Desperado na kung desperado pero eto nalang talaga ang naiisip kong paraan para bumalik sya sakin eh. Tulungan mo naman ako dito Byul. Matagal na tayong magkaibigan. You know that Marcellane is occupying the biggest piece in my heart. Without her, hindi ko na alam kung anong mangyayari sa buhay ko. Jebal dowajuseyo.. ibeon man. (Please help me out.. just this once.)"
"Alam mo naman Francesco na hindi kita kayang tiisin eh. Naiintindihan ko rin yang nararamdaman mo ngayon pero kasi... paano kung nalaman ni auntie tong kalokohan mo? Alam naman nating ayaw na ayaw nya kay Marcellane at sa family nya diba? Saka kung ipapakilala natin yung babae kay auntie, hindi din tayo sigurado kung tatanggapin nya yon."
"Yon na nga! Edi mas pabor sakin kung hindi! That girl is just a bait anyway and not for real. Still, my relationship with Marcellane is the real deal."
"So.. gusto mong ipain yung babaeng yon kay Marcee para magselos sya at balikan ka nya? Teka teka! I don't understand you, man! Paano mo to sasabihin kay auntie Felice? Sasabihin mong nakipag one night stand ka kahit hindi naman totoo? Isipin mo ngang mabuti! Paano kung magalit ng sobra si auntie sayo? And worst, baka i-demanda nya pa yung babae dahil baka isipin non na pinikot ka nya. Kawawa naman yung babae Francesco. Lalo na ang alam pa nun totoo ngang may nangyari sa inyo. Imagine.. makukulong sya na inosente!"
"No, that will never happen. Don't worry bro. Hindi naman tayo aabot sa ganon eh. Once the rumor about my relationship with another girl has been spread out inside and outside the Lemint', I'm sure that's the time Marcellane will come back to me. And if that happens, we'll stop right there."
"Eh paano kung hindi kumagat si Marcellane?"
"Nope. I'm positive. I'm sure hindi yon makakatiis. All I need to do is to keep the girl with me until Marcellane comes back."
"Bro... haist! Ako ang kinakabahan sa gagawin mong yan eh! Alam mo, mas natatakot ako sa magiging reaksyon ni auntie kapag nalaman nya to. You know na ikaw lang ang inaasahan nun sa Lemint'. Besides, napakalinis ng reputation mo as a CEO for three years kaya I'm sure gagawin non lahat para lang hindi kumalat yung fake issue na gagawin mo."
"I know. But rumors spread fast like fire. Imposibleng hindi yon makakarating kay Marcellane." sabay ngiti nya dito na tila desididong desidido na sa gagawin nya.
Napabuntong-hininga nalang si Byul sa kanya.
"So bro.. are you with me?" Tanong sa kanya ni France.
Napayuko sya na tila nagdadalawang isip kung tutulungan nya ba ito o hindi. Ngunit mas nanaig parin sa isip nya ang matalik na kaibigan kahit na ito ay labag sa loob nya.
Ilang sandali lang ay inangat nya ang ulo nya at tumango dito. Napangiti naman si France sa kanya sabay akbay sa kanya nito.
~~~