FIVE minutes later, nakatingin pa rin si Ember sa larawang hawak. She was mesmerized. Lantis was handsome—no, he was beautiful. His smile was shy but sweet. Capture na capture sa camera ang bawat detalye ng mukha nito lalo na ang kulay tsokolate nitong mga mata. May flecks ng gold ang mga mata ng lalaki, deep-set iyon at malalantik ang mga pilik. A five o'clock shadow was lining his prominent jaws, his fine laughlines made his smile seemed sweeter. Kulot ang may kahabaan nitong buhok. It was the same color of his eyes and they seemed so soft. Hindi siya mahilig sa lalaking kulot at may stubble but this man instantly changed her perception. Sa unang tingin ay mapaghahalataan na hindi purong Pilipino ang lalaki.
Bumuntong-hininga si Ember, pinagmasdan ang puntod nito. Anim na buwan pa lang ito nang pumanaw ngunit tila ilang taon na ang lumipas kung ang puntod na iyon ang pagbabasehan. Hindi niya ma-imagine na ang ganito kagandang nilalang ay nakahimlay sa ganoon karuming lugar na napagkamalan pa yatang tambakan ng basura dahil sa mga balat ng pagkain at patay na damong basta na lang itinambak do'n. Hindi niya napigilan ang makaradam ng inis. Kung siya si Lantis baka minulto na niya ang mga balahurang tao na gumawa no'n sa puntod niya.
"And how come walang naglilinis sa puntod mo?" tanong niya sa larawan. Wala ring nag-alay ng bulaklak at nagsindi ng kandila. Nang muli niyang pakatitigan ang mga mata ng binata, pakiwari niya ay magsasalita ito at sasagutin ang tanong niyang iyon. Mukha namang mayaman ang lalaki. Kung kapamilya niya ito ay baka ipinagpatayo pa niya ito ng rebulto at pinalagyan ng guwardiya ang paligid na parang sa Luneta Park. "Okay, para makabawi ako sa ginawa ng aso ko, ako na ang maglilinis ng beloved grave mo." She smiled at the photo. Nakaramdam siya ng kiliti dahil sa paningin niya ay sa kaniya nakangiti si Lantis.
Nagsimula na siyang maglinis. Inabot siya ng ilang oras, basa na ng pawis ang kili-kili at likod niya, nananakit ang mga balikat at kamay niya. Pero kakaibang satisfaction ang naramdaman ni Ember nang makitaa ang resulta ng trabaho niya. Ngayon ay hindi na iyon mapagkakamaliang dump site.
Inilagay niya sa ibabaw ng puntod ang picture frame at nagsindi ng puting kandila sa tabi niyon. She sighed and stared at his photo, wondering how he died.
I'm sure he died happily. He looked so beautiful and peaceful in the photo. But then naisip niya, mayroon bang namamatay na masaya?
Nang magsawa sa pagmamasid sa mukha ni Lantis, dinampot na ni Ember ang mga basurang inipon sa isang tabi pero napahinto siya sa akmang paghakbang nang may malaglag sa lupa at mabasag.
"Shit, ano 'yon?" kabado niyang tanong. Tumingin siya sa paanan. Isang basag na garapon ang nakikita niya ro'n, sa paligid ay may nakakalat na makukulay na bagay. Yumukod siya at kunot-noong dumampot ng isa. "Paper airplanes?"
There are about hundreds of it scattered around her feet, in different neon colors. Maliliit lamang ang mga eroplanong papel, nasa dalawang pulgada ang haba. Halatang pinagtiyagaang tupiin ngunit ang ilan nga ay naalis na sa pagkakatupi at nalukot na. Kumuha siya ng isa para ayusin nang may mapansing nakasulat sa loob. Binuklat niya ang papel at binasa.
March 29, 2003: Lantis's graduation day in highschool. His Lolo gave him his first horse named Swift, a black Arabian stallion. My baby was so happy. My baby...he's so tall now. And so handsome. Soon, he'll fall in love and get married. Whoever she is, I wish she'll take care of my boy.
Nagpalipat-lipat ang tingin niya sa hawak na papel at sa puntod ni Lantis. "Lantis?" Nakagat niya ang pang-ibabang labi, na-guilty. "Sa'yo ba ang garapon na ito?"
Dadampot pa sana siya ng isa nang biglang umihip ang malakas na hangin. Kakaiba ang lamig niyon, nanunuot, humahagod. Saka niya lang napansin na madilim na at siya na lang ang natitirang tao sa gawing iyon ng sementeryo. Isa-isa niyang dinampot ang mga eroplanong papel, ang iba ay tinangay ng hangin sa unahan. Isinilid niya ang mga iyon sa plastic bag na pinaglagyan niya ng basahan.
That's when Ember felt a prickling sensation at her nape. Iyong pakiramdam na may nakatingin sa kaniya. Napalingon siya sa puntod ni Lantis. And there, she saw a man standing beside the crucifix. Hindi niya maaninag ang mukha pero tiyak siya na sa kaniya ito nakatingin. Kinilabutan si Ember lalo na nang makitaang nakasuot ito ng puti.
Dali-dali niyang dinampot ang natitirang eroplanong papel, kinarga si Fujiku na sunod nang sunod sa kaniya at lakad-takbo na umalis. Hindi na niya kinuha ang mga ginamit sa paglinis kanina. She badly wanted to get out of the place. Nang lumingon siya, wala na roon ang lalaki. Nakahinga siya nang maluwag pero ramdam pa rin niya ang kilabot sa buong katawan niya.
Ano 'yong nakita ko? Ghost?
"Really? Ghost? Ano ka, bata? Nagpapaniwala sa kalokohang 'yon?" Pumalatak siya at sinaway si Fujiku na kahol nang kahol sa passenger seat. "Itatapon Kita sa bintana kapag hindi ka tumahimik." Tila naman nakaintindi ang makulit na aso. Tumigil ito sa pagkahol pero may kung ano itong inaangilan sa back seat.