Unduh Aplikasi
87.23% She Leaves (Tagalog) / Chapter 41: The Being Of Free And True

Bab 41: The Being Of Free And True

"'Yan po, manong, 'yan... pakilagay na lang po," turo ko pa sa pina-utos ko sa isa sa mga trabahante ng site. "Salamat, manong." Ngumiti ako sa kaniya at ganoon din siya sa akin.

"Magandang umaga po, Engineer!"

"Magandang umaga rin sa inyo!" Nakangiti namang bati ko sa mga trabahanteng ngumingiti at bumabati sa akin.

Another busy day at work. Second week pa lang ng construction pero feeling ko ang dami ko nang na-achieve. Charot.

Matapos ang isang oras na paglilibot at pag-observe sa mga manggagawa, sumilong ako sa tent kung saan ang plano ng project na ito. S'yempre, naka-puting hard hat na ako niyan and dressed properly according to the situation. Mukha akong tambay sa suot ko ngayon pero kumportable naman ako.

Pinasadahan ko pa ng tingin ang blueprint sa lamesa bago umupo.

"Engineer, pinapapunta na po kayo sa office, nand'yan na po si Engineer Cervantes."

May lumapit na isang trabahante na naka-assign sa opisina. Tumango ako sa kaniya at muling tumayo. 'Yong tumawag sa akin ngayon ay para siyang secretary ko rito sa site, mga ganoon ba.

"Ito po 'yong kape n'yo, Engineer," sabay abot sa akin noong kape.

"Thanks Sara," sabi ko naman sa kaniya. Siya 'yong parang assistant ni Engr. Meeton dito sa site.

Agad kong tiningnan si Engr. Kith at tinanguan tapos ay naging abala na ako sa kapeng ibinigay sa akin.

Pinuntahan ko 'yong lamesa ko at saka naghintay na magsalita si Engr. Kith.

Marami kami ngayon sa opisina at medyo sumasakit ang ulo ko kaya mas inabala ko ang sarili ko sa kapeng hawak kesa pasadahan ng tingin ang ibang nandito.

"Since everybody is here, shall we start?" Panimula ni Engr. Kith kaya tuluyan kong inubos ang kape ko at ibinigay sa kaniya ang buong atensiyon ko.

May meeting kasi kaming lahat dito sa make shift office. Magbibilin lang siya ng mga instructions and kaonting paalala bago sila umalis ni Ar. Elron. Maiiwan sa pamamahala namin ni Engr. Meeton ang buong construction kasi aalis nga ang Project Manager at ang Head Architect. Si Ar. Elron, kailangang bumalik ng Canada para naman sa iba pa niyang project. Si Engr. Kith ay sisimulan na ang kaniyang month long vacation dahil... ah basta, matatawa na lang talaga kayo kung bakit siya magbabakasyon kahit na may major project pa kaming ginagawa.

Alam ko na naman 'tong mga instructions ni Engr. Kith, napag-usapan na namin 'to bago pa man magsimula ang project. Gamay na gamay ko na. Kaya hindi ko alam kung bakit nandito ako ngayon sa meeting na ito. Is my presence that important?

"Since isa sa pinakamalaking client ng kompanya si Mister Darry Lizares, special na nagpadala ang kinauukulan ng additional staffs and engineers to supervise the construction," sabi ni Engr. Kith na nagpaagaw talaga ng atensiyon ko. Napatingin pa ako sa kaniya.

Isa sa pinakamalaking client? Wow ha. Ang yabang talaga ng gagong iyon.

"Meet the additional civil engineers... Engineer Bellinda Vergara and Engineer Joemil Gonzaga."

Teka, ano?

Gulat akong napalingon sa tabi ni Engr. Kith nang marinig ang mga pamilyar na pangalan. Nang makita sila, dinaig ko pa bibig ni Anne Curtis sa sobrang laki nito. Wow? As in wow!

"Jason and Sydney as the additional staffs and Architect Riza Guanzon as the assistant architect," narinig kong sinabi ni Engr. Kith pero hindi ko na masiyadong pinansin kasi nakatingin pa rin ako sa dalawang engineers.

"By the way, Engineer Vergara and Engineer Gonzaga will be working directly under Engineer Rivera and Engineer Osmeña. Ano, Engineer MJ? Okay ba?"

Bigla akong lumapit sa dalawa na may ngiti sa aking mukha.

Damn! I've never seen these guys since college! What are the odds!

"Hey! Long time, no see mates! Belle, Joe?" Nagpalipat-lipat sa kanilang dalawa ang tingin ko. Nakangiti na rin sila sa akin kaya hindi ko napigilan ang sarili kong yakapin sila isa-isa.

"Nice to see you again, MJ! I mean, Engineer MJ," ani Belle matapos akong yakapin.

"Sinasabi ko na nga bang hindi mo pa rin ako nakakalimutan, e. Tama lang talaga na tinanggap ko ang project na ito," ani Joemil naman.

Mas lalo akong natuwa sa kanilang dalawa.

"Okay, it's seems like they knew each other."

Napalingon ako kay Engr. Kith nang marinig ko ang sinabi niya.

"They're my college classmates, Engineer Kith. Pasensiya ka na, matagal din kasi kaming hindi nagkita. At ngayon ko lang nalaman na sa Silver Lining din pala sila nagta-trabaho!"

"Manila based sila, actually. P-in-ull-out lang para sa project na ito. Ibang engineers sana ang ma-a-assign dito but they need to attend to other projects kaya sila ang nandito ngayon. They're both new to the company kaya ipina-assign sa 'yo as your apprentice," dagdag na sabi ni Engr. Kith.

Bumalik ang tingin ko sa dalawa at pormal na inabot ang aking kamay.

"Welcome and looking forward to be working with you, Engineers!" Tuwang-tuwa pa ring sabi ko.

Agad nilang tinanggap ang kamay ko.

Grabe, dati mga kaklase ko lang sila. Ngayon, kasamahan na sa trabaho. Grabe talaga. What are the odds!

Belle and Joemil were one of my many friends and batchmates in college of engineering way back college. Kaya nang matapos ang meeting, wala akong ibang ginawa kundi ang makipag-chikahan sa kanila. Catching up, kumbaga. At saka, hindi lang naman puro chika talaga ang ginagawa namin. May kaonti rin akong briefing sa kanila while surveying the site. At kuwentuhan na rin kung anong mga nangyari sa buhay nila after the graduation.

Napag-usapan nga rin namin si Raffy, e. Na-kuwento rin nila sa akin 'yong kinuwento raw ni Raffy sa kanila tungkol sa pagkikita namin noon sa Manila. Basta, ang dami naming napag-usapan.

Matapos ang paglilibot namin sa site, bumalik kami sa opisina dahil almost lunch time na rin at patuloy pa rin ang kuwentuhan namin. Ang dami kasing baon na kuwento at chismis ni Belle, e.

May delivery ng pagkain ang dumadating sa site every lunch time. This time, sagot ni Engr. Kith ang lahat. Pa blow-out na raw niya at kaonting pa-despedida na rin. Ewan ko ba kung anong trip ng lalaking iyon.

Nagpatuloy ang araw namin. Apprentice ko si Belle at si Joemil naman ay apprentice ni Engr. Meeton kaya no'ng lumabas si Engr. Meeton, sumama si Joemil sa kaniya. Naiwan kami ni Belle dito sa opisina para naman maituro ko sa kaniya ang kaonting paper works. At since tinatamad akong magturo and for sure alam na naman ni Belle ang lahat ng ito, nag-chikahan na lang kami. Tungkol sa mga college friends namin, kung anong mga scandal ang nangyari sa kanila.

Nasa kalagitnaan kami ng pagku-kuwentuhan nang biglang may kumatok sa pintuan ng opisina. Nagsasalita ako no'n pero panandalian lang akong huminto nang makitang nilapitan na no'ng Architect na bago ang pinto.

"Excuse me po, Engineer Osmeña, para raw po sa inyo."

Napalingon ako sa harapan ng table ko nang sumingit sa usapan namin 'yong Architect na nagbukas kanina ng pinto. Kunot-noo at puno ng pagtataka kong tiningnan ang bitbit niya. Inilapag niya pa ito sa ibabaw mismo ng lamesa ko.

"Kanino galing?"

Isang medium-sized cup na mukhang kape ang laman at isang box ng pizza.

"Wala pong sinabi, e, ang sinabi lang po delivery daw para sa inyo," aniya.

Sinipat ko ng tingin ang box ng pizza at no'ng may nakita akong note, bumalik ang tingin ko kay Ar. Riza at ngumiti.

"Salamat, Architect Guanzon."

Ngumiti rin siya sa akin kaya ibinalik ko na ang tingin ko sa pizza box.

'Huwag kang magpapayat. Eat well, Eat more. I Love You.'

'Yan ang nakalagay sa note. Mga salita lang pero wala man lang kahit anong pangalan o initials man lang ng kung sinong nagpadala.

"Akala ko ba may supply ng merienda kayo rito? Bakit parang ikaw lang ang meron?" Napatingin ako kay Belle nang magsalita siya. "Galing ba 'yan sa boyfriend mo?" Dagdag na tanong niya.

Ha?

"B-Boyfriend?" Gulat na tanong ko.

May boyfriend ako?

"Oo, 'di ba may boyfriend ka na? 'Yon ang usapan, e, na kasama mo raw umuwi ang boyfriend mo galing ibang bansa. 'Yong ipinalit mo sa asawa mo na si Mister Darry Lizares?"

What? May boyfriend akong kasama kong umuwi na ipinalit ko kay Darwin? Ha?

"May boyfriend ako? Sino? Ba't 'di ko alam?"

"Hindi mo ba boyfriend 'yon? Dating gawi ka pa rin ba?"

Teka, is she talking about Genil?

"Teka, teka, teka... Ano 'yong usapan tungkol sa akin?"

Now my curiosity is killing me.

Ipinihit ko ang buo kong katawan paharap kay Belle. An indication that I am interested in whatever she will say.

"Hindi mo ba alam? Ang tagal na no'n, a?"

"Magtatanong ba ako kung alam ko?" Sarkastikong tugon ko naman sa kaniya. Natawa si Belle sa sinabi ko pero ako, hindi. "I am living a quiet life in Canada kaya hindi ko alam ang mga ganyan," depensa ko naman.

"Ah, so totoo nga na sa Canada ka na tumira matapos mong umalis ng bansa," aniya. "Alam mo, naging laman kayo ng balita noon, simula no'ng mamatay ang Lolo at Lola mo hanggang sa issue'ng hiwalayan ninyong dalawa ni Mister Lizares. Grabeng balita 'yon.

"Kung nakakagulat na kasal pala kayong dalawa, mas nakakagulat malaman na hiwalay na kayo agad. Alam mo ba noong unang sinabi ni Raffy na ikakasal ka na raw sa isa sa mga Lizares, halos hindi kami maniwala sa kaniya. Hanggang isang araw may nakita na nga kaming balita sa social media na ikinasal na nga kayong dalawa."

Wow.

"Basta, ang daming issue no'n tungkol sa 'yo. Mga rumors na kaya ka raw nakipaghiwalay dahil may bago ka na raw boyfriend na sinundan mo pa sa ibang bansa."

I'm not new with that one. Alam ko na ang tungkol doon, nasira nga ang pangalan ko rati noong nawala ako sa Pilipinas na parang bula. Kaso binalewala ko, anong pakialam ko sa kanila.

At tama nga yata ang hinala ko, si Genil nga ang ibig sabihin nito.

"Ikakasal ka na ba sa kaniya? Balita ko, matagal na raw kayo, a?"

What? Kasal?

Halos masamid ako sa sarili kong laway dahil sa sinabi ni Belle. Gusto ko rin yatang matawa, wait.

"He's not my boyfriend, kaibigan ko lang siya noong nasa Canada pa ako and hindi siya magpapa-deliver ng pagkain sa akin. Mas masiba kumain 'yon kesa sa akin kaya imposibleng siya."

Tiningnan ko ulit ang note na nakapatong sa pizza box. It's not even handwritten kaya mahirap i-identify ang penmanship ng kung sino man ang nagbigay nito.

Sinawalang bahala ko ang nangyaring iyon at nagpatuloy sa buhay.

Dumaan ang ilang araw na ganoon pa rin ang ginagawa sa site. Dumaan din ang ilang araw na consistent na may nagpapadala ng merienda sa akin sa site with the same message: 'Huwag kang magpapayat. Eat well, Eat more. I Love You.'

Medyo nakakaduda na nga ito. Mahilig akong kumain pero meron din naman akong mga gusto at hind gustong kainin. And in this case, lahat ng ipinapadala sa akin ay ang mga gusto kong kainin. Kaya medyo nakakaduda na.

Ngayon ay dumating na ang ika-limang araw ng merienda delivery na ito. Hindi ko naman ma-tiyempuhan ang nagpapadala kasi hindi consistent ang time. Merong late, merong advance at saka dino-drop lang talaga ng nagdi-deliver at sinasabing napag-utusan lang daw siya. Weird.

Napa-iling na lang ako sa kape at sa mini cake na ipinadala sa akin. Parang gustong-gusto talaga ng kung sino man ang nagpapadala nito na tumaba ako.

"Wow, may merienda ka na naman. Napapadalas na 'yan a?" Lumapit sa akin si Engr. Kith dito sa tent. Sinipat niya pa ng tingin ang pagkaing nasa lamesa. "Si Genil ba may pakana n'yan?"

I snorted a laugh and continue checking the blueprint.

"Hindi gagawin ng bak- I mean, lalaking iyon sa akin 'no. Mas masiba kumain 'yon kesa sa akin. Kaya imposible talaga," napapa-iling na sabi ko at inabala na lang ang sarili sa tinatrabaho.

"So you have admirers, huh? Sabagay, sikat ka nga pala sa ciudad mong ito, malamang nabalitaan ang pag-uwi mo at nagsimulang magparamdam ulit."

Nahihimigan ko na nang-aasar na naman 'tong si Engr. Kith.

"Umalis ka na nga lang, Engineer Kither Gollen!" Na-iinis daw na sabi ko. "Magpakasal ka na!" Dagdag na sabi ko pa.

"Oo, aalis na ako bukas, 'wag kang mag-alala," natatawa pang sagot niya na pabiro kong inirapan. "Pero sigurado kang hindi ka talaga a-attend? Gusto niya nandoon ka."

Namungay ang mata kong nilingon ulit si Engr. Kith.

"E, sinong maiiwan dito? Si Engineer Meeton? Edi kawawa 'yon? At saka, maiintindihan naman niya 'yon at mas maiintindihan mo rin 'yon. Intimate wedding nga dapat, 'di ba?"

Oo po, ikakasal na po si Engr. Kith sa long time partner niya.

"At saka puwedeng mag-post ka ng wedding picture n'yo after? Nang matigil na 'yong pang-aasar nila sa akin sa 'yo?" Dagdag pa na sabi ko na mas tinawanan ni Engr. Kith.

"Oo, gaya ng ipinangako namin sa 'yo, I'll come out after the wedding."

Bumalik ang tingin ko sa kaniya at matamis ko siyang nginitian.

"Gawin mo dahil bukal sa iyong puso, hindi dahil ipinangako mo sa akin," sabi ko pa. "You know what, nothing can beat the serene feeling of being free and true, not just with everyone but with yourself. Be free, Kither, but always, always prepare for the worst 'cause there will be someone who will criticize you for being who you are," hinaplos ko ang pisnge ni Engr. Kith at mataman siyang tiningnan. "And that's okay kasi parte 'yon ng growth ng isang tao. Hindi mo malalamang matatag ang isang tao kung walang susubok na titibag sa kaniya. Pero lagi mong tatandaan, hangga't may isang tao na sumusuporta sa 'yo, sa inyo, enough na rason na iyon para hindi ka tumigil sa pag ibig sa kaniya."

Nakita ko sa mga mata ni Engr. Kith na malapit na siyang umiyak kaya tumawa ako.

"Your principles in life will forever swoon me. Ano na lang ang mangyayari sa akin kung wala ang mga pananaw mo sa buhay, MJ? And for the record, you called me Kither without the title. Wow."

Mas lalo akong natawa sa sinabi niya kaya pabiro ko siyang sinampal.

"Punyemas, Engineer Kith, ha!"

"Pero seryoso, salamat... salamat sa mga naitulong mo sa akin. I can't deny the fact that you're one of the factors I became brave enough to know my own self."

"Ang tanda-tanda mo na, nagpapa-advice ka pa sa akin," sabi ko naman.

Pero masiyado siyang seryoso kaya sumeryoso na ako.

"Could you do it too?"

"The what?"

"Being free and true, not just with everyone but with yourself."

Ha?

Dinaan ko sa humor ang sinabi ni Engr. Kith.

"I am free and true to everyone and to myself," nakaturo sa sariling sabi ko pa.

"If you are true to everyone, bakit hindi mo masabi sa kaniya ang tungkol sa mga bata? Sa sariling mga anak niya?"

"Sin-"

"Alam ko na, MJ, ang tungkol sa kuwento ninyo ni Mister Darry Lizares. Dati kayong mag-asawa, naghiwalay sa hindi malamang dahilan at nang makita ko siya, alam ko agad na siya ang ama ng kambal."

Shit?

"Paanong..."

"Siguro noong maliliit pa sila, hindi pa masiyadong halata. Pero lumalaki na sila, MJ. The more they grow, the obvious it gets. Lalo na si Kaven. It's like a carbon copy."

Pagod akong nagbuntunghininga at umiwas ng tingin kay Engr. Kith.

"Hindi pa ako handa," simpleng sagot ko lang. And the scenario of Darry getting my children feels like hell to me. "Your presence and Genil's as father figure are enough for them kaya bakit pa kailangan ang presensiya niya?"

"Kailan ka magiging handa? Kapag naghanap na sila? Kapag malaki na sila?"

Pumikit ako ng mariin sa mga pinagsasabi ni Engr. Kith. Tinitimbang ang sarili.

"Hindi niya deserve ang mga bata. Hindi deserve ng isang sinungaling at manlolokong katulad niya ang mga anak ko. Kaya wala siyang karapatan para makilala sila. Fuck his rights 'cause the moment he cheated on me, nawalan na siya ng karapatan sa lahat," mahina pero buong tapang na sabi ko.

"Hey, calm down," pagpapakalma niya sa akin. Habol ang hininga, pinilit ko ang sarili kong kumalma. "Hindi kita pipilitin, nasa sa 'yo pa rin ang desisyon. Pero sana piliin mo 'yong makabubuti sa mga anak mo, hindi lang sa 'yo." Tinapik niya ang balikat ko. "Mag-dinner tayo mamaya, isama mo ang dalawa. Treat ko, pambawi ko man lang sa pag-o-open ng topic na iyon."

Unti-unti ay tumango ako sa kaniya at ngumiti. Tuluyang naipasok sa isipan ang sinabi niya.

Pero pasensiya, hindi pa talaga ako handa.

"Aalis po ba si Ninong Kither, Mom?" Tanong ni Keyla sa akin habang inaayusan siya para sa dinner namin with Engr. Kith.

"How did you know, anak?" Tanong ko pa.

"Nagpapa-dinner lang naman po siya na tayong apat lang kapag aalis siya at may pupuntahan, Mom, e." Si Kaven ang sumagot no'n kaya napalingon ako sa kaniya na naka-upo lang sa edge ng kama namin.

"Yes, you're all right, aalis nga si Ninong Kither n'yo," sagot ko pa.

Ang tatalino talaga ng mga anak ko, mana sa Mommy.

"Where is he going, Mom? I thought he'll stay here? 'Di ba po magkasama kayo sa pag-build ng building?" Inosenteng tanong naman ni Keyla.

"He's going home, baby. He needs to go home, he needs to attend an important event of his life," nakangiti sa kawalan na sabi ko.

"What is it, Mom?" Tanong ni Keyla.

"He's getting married with the love of his life."

"She has a girlfriend?" Medyo gulat na tanong ni Keyla. Si Kaven ay tahimik lang na nakamasid sa akin.

Hindi ko alam kung paano ko i-explain sa kanila ang situwasiyon ni Engr. Kith.

Oo, alam nila ang tungkol kay Genil pero magkaiba naman kasi silang dalawa. Engr. Kith will marry his partner while Genil can't even get his self a boyfriend kaya hindi expose sa ganoong usapin ang mga anak ko.

Hinalikan ko na lang sila at agad ding umalis.

Sa Rodeway Inn ang dinner namin, isang hotel and restaurant dito sa ciudad namin. Mukhang nakalimutan naman ng dalawa ang usapan namin kanina kaya noong makarating kami sa resto at makita ang Ninong Kither nila, masigla nila itong sinalubong at binati.

Salitan naman sila sa pagku-kuwento kay Engr. Kither sa mga experience nila rito kaya buong hapunan, silang tatlo lang talaga ang magka-usap at ako naman ay tahimik at nakangiti lang na nakamasid sa kanila.

Now this is the serenity I want in my life.

"Ninong, Mom said you're getting married?" Kumakain na kami ng dessert nang i-open up ng almost four year old son ko ang ganoong klaseng tanong.

"Yes, Ninong, is it true?" Seconded by Keyla.

Napatingin ako kay Engr. Kith na saktong nakatingin na rin sa akin.

"Y-Yes, it's true mga anak." Umiwas siya ng tingin sa akin at nginitian ang mga bata.

"With whom, Ninong? I thought pa naman you and Mom will end up together."

Hala oy.

Napasapo na talaga ako sa noo ko dahil sa mga pinagsasabi ng dalawa.

Minsan talaga, isinusumpa ko na lang kung bakit sobrang talino at sobrang daldal ng mga anak ko. They are for sure my own children, manang-mana sa akin, e. Sobrang daldal, sobrang talino.

Gusto ko sanang pigilan ang pag-uusap nila pero nakapagsalita na si Engr. Kith.

"I actually have a boyfriend and I will marry him," buong tapang na sabi niya na nakapagpatigil sa akin.

Hindi alam ng mga bata na katulad ni Genil ang Ninong Kither nila. Katulad ng akala ng iba, lalaki ang alam nilang kasarian niya. Isang tunay na lalaki.

"Boyfriend? 'Di ba po dapat girlfriend 'yon?" Confuse na tanong ni Keyla.

"Are you gay po, like Ninong Genil?"

Shit.

Dahil sa sobrang bilis ng reflexes ng bibig nitong si Kaven, hindi ko na nga napigilan ang tanong niya. Kaya nang makita ang gulat na expression ni Engr. Kith ay napayuko na lang ako.

"Like Genil? Is your Ninong Genil, gay? MJ?" Mahihimigan talaga sa boses niya ang pagkagulat.

"Opo. Ninong Genil is gay po, Ninong Kith. Hindi niyo po ba alam?" Tanong naman ni Keyla.

"Hindi mo ba na-sense?" Nagkaroon ako ng lakas para tingnan siya. Umiling siya sa tanong ko. "Sabagay, minsan mo nga lang pala siyang makita kaya hindi mo talaga ma-s-sense agad," sagot ko na lang.

"Wow... I mean, sa tuwing nakikita ko siya, he's really like a man. He's so protective with you and the twins na malapit ko nang isipin na mahal n'yo na ang isa't-isa. Is he a closeted gay?"

"No..." Agad na iling ko. "Open siya sa kung ano siya, may pagka-siraulo talaga siya kaya na-trip-an niyang magpakalalaki lalo na kung may umaaligid sa akin. And in that case, akala kasi niya may gusto ka sa akin, e, hindi ko naman masabi sa kaniya 'yong tungkol sa 'yo kaya ipinagpatuloy niya ang trip niya sa buhay," explain ko naman.

Natawa si Engr. Kith sa sinabi ko.

Alam ko, hindi kapanipaniwala kaya pinabayaan ko siya sa pagtawa.

"Wow... kaya pala ganoon, I mean, nakakagulat siya ha pero magaling siyang magpanggap, napabilib niya ako."

"Trip lang talaga niya sa buhay 'yon, sinakyan ko na lang kasi wala namang masama."

"Ninong, do you love Mommy?" Biglang sumingit sa usapan namin si Kaven kaya napatingin kami sa kaniya.

Sumeryoso bigla ako sa naging tanong ni Kaven. Humarap si Engr. Kith sa kaniya.

"I love your Mom but I love more the man I will soon marry," panimula niya. "Your Mom and I, we're forever be friends. It doesn't matter if I marry someone else and it doesn't matter if she marries someone else because our friendship will stay until the end. That's how I love your Mom and that's called friendship."

Napatagal ang titig ko kay Engr. Kith. Naluluha.

"I know you both are too young to know what love is but I tell you, love comes in all shapes, sizes, and kind," 'Yong luhang gustong tumulo sa aking mata ay biglang umurong dahil sa sinabi niya. "Pero ang importante rito, tayong tatlo, pareho nating mahal ang Mommy ninyo. At lagi ninyong tatandaan na lahat ng ginagawa ng Mommy niyo ay para sa inyo at sa ikabubuti ninyo."

At tuluyan na nga'ng bumagsak ang isang patak ng luha na kanina pa nagbabadya. Agad ko itong pa-simpleng pinahid.

"I love you, Mom!" Ani Keyla.

"I love you, Mommy. Thank you for everything," seconded by Kaven.

Ngumiti ako sa mga anak ko at niyakap sila isa-isa.

"I love you more than anything and nothing can ever separate us," bulong ko sa kanila.

"Okay, Mom, but can we go home now? I'm sleepy na."

Nakayakap ako sa dalawa nang iyon ang isinagot ni Kaven sa akin. Agad ko siyang ch-in-eck at inaantok na talaga ang mukha niya. Lumingon ako kay Engr. Kith at sabay kaming natawa.

"Me too, Mom," ani Keyla naman. Hinalikan ko sila ulit sa noo.

"Yes, we will go home. I'm sorry, mommy forgot it's past bedtime na pala."

Umayos ako ng tayo at inalalayan si Keyla. Si Kaven naman ay agad kinuha ni Engr. Kith at kinarga. Inaantok na talaga si Kaven, agad pumikit nang lumapat ang pisnge sa balikat ni Engr. Kith, e. Si Keyla naman ang kinarga ko na mukhang antok na antok na rin. Hindi na gumalaw nang kargahin ko.

Palabas na kami ng resto at tahimik na ang dalawa. Na-una si Engr. Kith sa paglalakad at nakasunod lang ako sa kaniya. Nasa bukana na kami ng entrance nang may marinig akong isang pamilyar na boses ng babae. Sumilip ako mula sa likuran ni Engr. Kith...

Punyemas.

Bago pa man siya makatingin sa akin, nag-iwas na ako ng tingin. Plano ko sanang 'wag na silang pansinin pero huli na ang lahat.

"Oh, Engineer Cervantes, Engineer Osmeña, you're here," bati niya sa kasamahan ko na nauna. Huminto si Engr. Kith kaya napahinto na rin ako.

"Good evening, Miss Macalintal, Mister Lizares," bati ni Engr. Kith sa kanila. Nilingon rin nila ako at ngumiti na lang ako sa kanila.

"You're too formal naman, Engineer Cervantes. Audree na lang kasi," sagot naman ni Audree pero isang senyas na 'tumahimik kang bruha ka kundi susungalngalin kita' ang isinagot ni Engr. Kith sabay turo kay Kaven na karga niya.

Punyemas times two!

Nandito siya. Nandito ang mga bata. Ang pinagpapasalamat ko na lang talaga ay parehong tulog ang dalawa.

Punyemas, MJ, kumalma kang gaga ka!

"Oh, sorry, am I that loud?" Tanong niya pa. "Is that your children?" Turo niya sa mga batang karga naming dalawa.

Matinding paglunok ang ginawa ko sabay lingon kay Engr. Kith.

"Yes, Miss Audree," si Engr. Kith na nga ang sumagot.

Punyemas, hindi ko alam kung magpapasalamat ako o hindi, e.

"Really?"

"Let's go, Aud, you need to check in."

'Let's go Aud you need to check in.'

Neknek mo, Lizares! 'We' dapat 'yon, hind 'you' kasi kayong dalawa ang magchi-check in.

Nakakairita na! Ang sarap manunog ng kabit. Punyeta.

"Nice bumping to the both of you. I'll visit one of these days sa site," sabi niya bago siya marahang kinaladkad ni Darwin paalis sa harapan namin.

May pahawak sa siko pang nalalaman, puwede namang maglakad na lang kasi may paa at utak naman 'yan, kusa 'yang susunod kapag alam niyang iniwan na siya ng kasama niya. 'Nyetang babaeng 'to.

"Sabihin mo nga, hindi pa ako nakaka-move on."

Isa pa 'to.

Masama ang naging tingin ko kay Engr. Kith nang ma-realize ang sinabi niya. Muntik ko nang sundin.

"Shut up, umuwi na tayo, tulog na o," depensa ko sabay turo sa dalawang bata.

"I saved your ass for the last time."

"Oo na, oo na, I'll add one day on your stay at Maldives nang matahimik 'yang I saved your ass sentiments mo," at nag-walk out ako.

Tinawanan lang ako ng walanghiya.

Kinabukasan, balik trabaho na naman except that Engr. Kith and Ar. Elron will not be around.

Ngayon kasi ang alis nila pabalik sa Canada. Hindi na siya nagpahatid sa akin kasi kailangan ko raw mag-trabaho kaya si Manong Bong na lang ang ipinahatid ko sa kanila.

Paper works ako ngayon kaya sa loob ng make shift office lang ako nakatambay.

Nang magsawa sa paper works, sumandal ako sa swivel chair ko at iginala ang tingin sa loob ng maliit na opisinang ito. Abala ang mga assistant samantalang kasama ni Engr. Meeton si Belle at Joemil ngayon, nasa labas yata, hindi ko alam.

I sighed. Memories of last night kept hunting me up until now.

The serious look on his face as he watched me and Engr. Kith carried the two child.

Sa unang pagkakataon, nakita niya ang aking mga anak, ang kaniyang mga anak.

I sighed again, hinayaan ang sariling lunurin ng mga iniisip.

Harap-harapan. Sa mismong harap ng kaniyang mga anak. Ano na lang ang sasabihin ng mga bata kung gising sila at nakita nila ang ama nilang may kasamang ibang babae?

"Engineer Osmeña, excuse po, may naghahanap po sa inyo sa labas. Bawal po raw kasing pumasok dito sa opisina, Engineer."

Narinig ko ang boses ni Sara kaya dumilat ako at umayos sa pagkaka-upo.

Ang bagong batas ni Darwin Lizares. Punyemas.

Tinanguan ko ang sinabi ni Sara. Inayos ko ang sarili ko at bumalik siya sa kaniyang puwesto. Lumabas ako ng opisina at agad pinuntahan ang entrance ng site. May sasakyan na naka-park doon, nilapitan ko at nang malapit na ako, lumabas siya sa kotse niya.

"My God! Bakit biglang hindi na ako puwede sa loob?" Agad na maktol niya habang pinapagpagan ang sarili. Huminto ako sa paglalakad at nag-cross arms na tinawanan siya.

"May bagong utos mula sa itaas, bawal daw ang bisita sa site, pasensiya na. Ano bang sadya mo?"

Inirapan niya ako tapos sinilip niya ang likuran ko which is ang site mismo.

"Hindi na naman ako ang sadya mo rito, 'no?" Inunahan ko na siya.

Umismid si Genil sa akin.

"Siyempre ikaw pero nasa loob ba sila Engineer Kith? Nagpadala na naman kasi ng merienda si Lola. Mamamahagi lang ako," aniya.

Marahas akong huminga at natatawa siyang tiningnan.

Siguro puwede ko nang sabihin? Ikakasal na rin naman si Engr. Kith, e.

"Si Engineer Meeton lang ang nasa loob," sagot ko naman.

"E, sina Architect Elron at Engineer Kith?"

"Umalis."

"Huh? May pinuntahan ba?"

"Yep, umuwi na ng Canada," sagot ko naman.

"What? Agad? Bakit?" Eksaheradang tanong niya.

Pinigilan ko ang sarili kong matawa dahil sa sobrang gulat nga niya sa sinabi ko. And his face is so epic din.

"Si Architect Elron, may gagawin pang ibang project sa New Jersey," panimula ko. Huminga muna akong malalim at matamang tiningnan si Genil. "At si Engineer Kith," suminghap ako. "Well, he went home because he's going to attend his own wedding."

"Ah, he needs to attend a wedding- teka, kaninong wedding?" Noong una, patango-tango pa siya pero nang ma-realize niya ang nasabi ko, nag-second look pa siya sa akin.

"His own wedding." Napasinghap ulit ako. "Ikakasal na si Engineer Kith sa long time partner niya," dagdag ko pa.

"What did you say, MJ?" Gulat na gulat na tanong niya.

Huminga ulit ako ng malalim.

"You know, here's a thing about Engineer Kith... He's gay, a closeted gay and he's going to marry his long time boyfriend in Thailand."

Tinimbang ko kung ano ang magiging reaksiyon ni Genil. Bawat kibot ng kaniyang bibig, pagda-dilate ng kaniyang mata, at ang pagturo niya sa akin.

"What? Ha? A-Ano 'yong sinabi mo? Engineer Kither is gay? What the fuck, MJ?" Hindi pa rin siya makapaniwala sa sinabi ko. Eksaherada na siya sa mga expression niya sa mukha. "Bakit hindi ko... Bakit hindi ko na-sense, like OMG! Lalaking-lalaki siya and he's gay and he's getting married? Like OMG again! Information overload!" Nagtititili na siya. Hindi pa rin matanggap ang naibalita ko.

Tinapik ko ang balikat niya para kumalma naman siya.

"Maging masaya na lang tayo kay Engineer Kith, Genil," pagpapakalma ko pa rin sa kaniya.

"Like OMG talaga! Bakit hindi ko na-sense man lang?"

"Baka sira na 'yong gay radar mo? Labas-labas din kasi minsan, maghanap ka ng lovelife mo nang maibalik sa tuwid 'yang gay radar mo," pagbibiro ko naman.

Natawa siya sa sinabi ko at pabiro akong inambahan ng sampal.

"Bruhilda ka, nagsalita ang may love life."

"Edi magsama-sama tayong mga walang love life," sagot ko.

Nagtawanan lang kami ni Genil kahit na mababakas pa sa kaniyang mukha ang gulat sa nalamang bagong impormasyon.

"'Wag mo nang masiyadong isipin si Engineer Kith, he's being true to his self now and was able to accept every consequences he will face when he will come out because of this marriage."

"Taray maka-english! Kaya pala hindi magiging kayo, kaya pala deny ka nang deny na bruha ka, alam mo pala ang totoong pagkatao ni Engineer Kith. Oh baka naman pati si Architect Elron ay bakla rin."

"Hindi... Totoong lalaki si Architect Elron, may girlfriend nga lang."

"Asows, walang straight na lalaki sa malanding bakla," aniya na muntik ko nang batukan.

"Hoy bad!"

"Charing lang." At nagtawanan ulit kami.

"Excuse me po, magandang hapon po..." Natigil ang tawanan namin ni Genil nang biglang may lumapit sa amin na isang lalaki.

Ngumiti ako sa kaniya.

"Yes? Ano pong kailangan nila?"

"Delivery po para kay Engineer MJ Osmeña po, nand'yan po ba siya sa loob?"

Oh?

Tuluyan kong nilingon ang lalaking ito na may bitbit nga'ng isang brown na paper bag.

"Ako po si Engineer Osmeña," turo ko pa sa sarili ko. "Anong delivery ba 'to Kuya? At kanino galing?" Usisa ko pa.

Inabot niya sa akin ang paper bag kaya wala akong nagawa kundi ang tanggapin ito. Sinipat ko ng tingin ang loob ng paper bag at pagkain nga ang laman nito.

"Sige po, Ma'am, alis na po ako," at biglang umalis nga ang delivery guy na iyon pero mabilis ako.

"Teka, Kuya, sandali nga lang." Alanganin siyang huminto at lumingon sa akin. "Matagal ko nang gustong malaman 'to, e, kanino po ba galing ang mga pagkaing ito?"

Kitang-kita ko ang pagkataranta niya.

"P-Pasensiya na Ma'am, h-hindi ko po kasi alam," hindi makatingin sa aking sabi niya. Dahan-dahan ay lumapit ako sa kaniya.

"Imposible namang hindi mo alam kung sino ang nag-utos sa 'yo na mag-deliver nito, Kuya?"

"H-Hindi ko pa talaga alam, Ma'am. N-Napag-utusan lang din po ako at hindi ko po kilala. A-Ang sabi niya naman po ay napag-utusan lang din po siya, M-Ma'am," aniya na iwas nang iwas sa akin.

Tumigil ako sa paglapit sa kaniya at napabuntunghininga.

"Pakisabi na lang sa nag-utos sa 'yo na sabihin niya sa nag-utos sa kaniya na tigilan na niya ang pagpapadala ng mga merienda'ng ito. Kung gusto niya akong patayin sa diabetes at cholesterol, mas mabuting puntahan niya ako rito at tutokan ako ng baril. Pakisabi na rin na hindi na ako natutuwa sa mga padala niyang ito. Masiyado ng creepy."

Kumurap-kurap ang mata ni Kuya'ng delivery guy na nakatingin sa akin.

"S-Sige po..." At dali-dali na siyang umalis.

"Ano 'yong sinabi mo? Masiyadong magulo, wala akong naintindihan."

Binalewala ko ang sentiments ni Genil at tiningnan na lang ang note na nakalagay sa paper bag.

'Huwag kang magpapayat. Eat well. Eat more. I Love You.'

Whoever you are, I'm gonna hunt you and I will let you regret the day you sent me foods. Hindi ka na nakakatuwa!

~


Load failed, please RETRY

Status Power Mingguan

Rank -- Peringkat Power
Stone -- Power stone

Membuka kunci kumpulan bab

Indeks

Opsi Tampilan

Latar Belakang

Font

Ukuran

Komentar pada bab

Tulis ulasan Status Membaca: C41
Gagal mengirim. Silakan coba lagi
  • Kualitas penulisan
  • Stabilitas Pembaruan
  • Pengembangan Cerita
  • Desain Karakter
  • Latar Belakang Dunia

Skor total 0.0

Ulasan berhasil diposting! Baca ulasan lebih lanjut
Pilih Power Stone
Rank NO.-- Peringkat Power
Stone -- Batu Daya
Laporkan konten yang tidak pantas
Tip kesalahan

Laporkan penyalahgunaan

Komentar paragraf

Masuk