I was like a zombie: barely alive, walking, talking, interacting with people.
I am in the state of information overload almost losing my sanity. I don't know what to do with that kind of information I just heard. Hindi ko alam paano manimbang. It's very new to me.
Hindi ko alam kung paano kami naghiwalay ng mag-jowa with a normal slate basta ang alam ko, naglalakad na kami ngayon ng mga magulang ko palabas ng airport. Kararating lang namin ng Negros from Manila and diretso kami sa bahay na nasa exclusive village ng kabisera. Nandoon na rin ang mga susuotin ko for tomorrow's graduation.
Dapat excited na ako ngayon. Dapat masaya na ako. Dapat makahihinga na ako nang maluwag. Pero hindi ko magawa kasi kahit anong palis ng masama kong iniisip, kahit anong pilig ng aking ulo, kahit anong sapaw ng ibang isipin, hindi talaga nawawala ang ipinakaing impormasyon ni Maj at Crisha sa'kin. I know it's not their intention to mention it to me kasi hindi naman nila alam na kay Sonny ako ipakakasal. Wala silang alam.
Hanggang sa makarating ako sa bahay namin sa kabisera at makahilata sa kama ko, ganoon pa rin ang nararamdaman ko.
Ang bigat-bigat, para akong may dalang isang sakong bigas na may isang drum na tubig sa loob. Sobrang bigat sa pakiramdam. Hindi ko na nga alam kung saan ako unang mag-iisip, e. Hindi ko na alam.
I should be relaxing right now but it seems that what I did today: relaxing and pampering, were put into waste because of what I discovered.
I want to sleep. I want to relax my mind. I really want to pero sa tuwing ipipikit ko ang mga mata ko... ang larawang iyon ang tumatatak sa isipan ko, sinabayan pa ng iilang senaryo na firsthanded kong na-experience. That Cabalen Scene... that punyemas scene!
Bumangon ako at tinitigan ang phon ko sa side table. It lighted na sinundan ng panandaliang vibration.
May nag-text.
Pumikit ako nang mariin nang maaninag kung kanino galing text message. Dahan-dahan kong kinuha ang phone ko to check the message.
Sonny:
Hindi ka raw um-attend ng meeting kanina?
Are you in Negros now?
See you tomorrow, aattend ako ng graduation mo. Good night :*
I massage the bridge of my nose and lock my phone, put it again on the side table, and stare at my toga na naka-hang sa wall ng kuwarto ko.
Ngayon lang siya nag-text. My last text to him was sent eleven hours ago, the hour I landed in the airport pagkarating ko ng Manila. I was also told na hindi rin siya naka-attend ng prenuptial agreement meeting. But that was fine kasi nga wala rin ako.
Pero... ganoon ba talaga kahirap mag-reply para umabot ng labing-isang oras bago makapagtipa ng mensahe? Ganoon ba talaga kahirap?
"Compose yourself, MJ, it's not the right time to poison your mind. Graduation day mo bukas for punyemas sake," mariing sabi ko sa sarili ko bago ako dahan-dahang humiga sa kama at pinilit ang sarili na matulog.
"Oh, bella ciao, bella ciao, bella ciao ciao ciao!"
Maligaya kong sinabayan ang kanta ng paborito kong series sa Netflix. Kahit hindi ko naman masiyadong maintindihan ang lyrics dahil nasa ibang lengguwahe ito, todo pa rin ang pagsabay ko sa bawat salita at lyrics nito.
Nakaharap ako sa malaking salamin ng kuwarto ko habang bahagyang sinusuklayan ang buhok kong hanggang bewang na ang haba. I let it flow kasi ito ang bagay sa OJT uniform na suot ko ngayon.
Pagkagising ko kaninang umaga, agad akong nagpatugtog ng mga jolly, happy, and super energetic songs. Nagawa ko pang mag-yoga para sa kalmadong estado ko sa susunod na mga oras.
It's my graduation day and please kahit ngayong araw lang, paalisin muna natin ang negative vibes? Kahit ngayon lang.
Ngumiti ako sa salamin nang makuntento sa naging ayos ko.
Seven-thirty AM at nandito pa kami sa bahay. Mamayang eight AM ang misa namin. Sasamahan ako ni Mama at Papa sa misa kaya nang paglabas ko ng kuwarto ay agad kaming tumulak pa-school kasi roon pa rin magaganap ang misa, sa amphitheatre.
Baccalaurette Mass pa lang, sobrang gulo at dami na ng bisita. Kalaunan ay naging okay naman ang isa't-kalahating oras na misa. In-award na rin 'yong may mga latin honors at special awardees na katulad ko. Bali mamayang hapon sa graduation proper, ay pure graduation rights na lang ang magaganap.
The first half day went smoothly. Picture doon. Kumustahan dito. Batian dito. Nginitian doon. Maraming ganap at sobrang saya kahit misa pa lang naman ang na-achieve namin ng mga oras na 'yon.
Matapos ang misa at ibang kailangang gawin sa umagang iyon, umuwi muna kami sa bahay sa kabisera para makapaghanda.
Pag-uwi pa lang, sumalubong na agad sa akin ang ibang makakasama mamayang hapon. Malawak ang ngiti ko sa kanila na agad din naman nilang malugod na sinalubong ng yakap.
"I'm so proud of you, little sis!" Sabi ni Ate habang nakayakap sa akin.
"Ate, ang OA mo naman, mamaya pa nga ako ga-graduate, e!" Asik ko sa kaniya kaya kumalas ako sa yakap at si Kuya Yosef naman ang niyakap ko.
"Congrats, bunso!" Bati ni Kuya na nginisihan ko lang.
Umuwi ang dalawa kong kapatid galing ibang bansa. Si Ate, kasama siyempre ang buong pamilya niya: Kuya Uly, Jordyn, and Kansas. Si Kuya naman, since kapapanganak pa lang ni Ate Isabel, iniwan na muna niya ang asawa sa Pennsylvania para makauwi, kasama niya si Falcon.
Isa-isa kong binati ang mga bata, pati na rin si Kuya Uly. After no'n ay nag-lunch kaming buong pamilya at sinimulan ang pag-aayos sa akin. Change outfit na naman ako ngayon, imbes na ang OJT uniform ang susuotin, isang formal dress na papatungan lang ng toga ang susuotin ko. I wore a navy blue fitted off-shoulder dress and six inches stiletto black shoes. My make-up artist/hairstylist curled my haird and just highlighted my soft features. Hindi bongga ang make-up ko, 'yong sakto lang, 'yong pag-graduation day talaga.
After preparing everything, tumulak kaming lahat papuntang school. Except for the kids, of course. Pina-iwan muna sila sa condo ko para hindi ma-bored sa graduation rites. Ang sumama lang sa amin nina Mama ay sina Kuya Yosef, Ate Tonette, at Kuya Uly. Mabuti masunurin ang mga pamangkin ko, nagpaiwan sa condo.
Nasa school na kami but meron pang fifteen minutes before ang call time kaya I took that chance to chitchat with my engineering friends kasi hindi kami magtatabi mamaya. I'll be one of the students who will sit in front dahil sa medalyang natanggap ko. I feel like I don't deserve that award tuloy. Charot.
My parents mingled with other parents na kakilala nila, they also mingled with the Administrative staffs and faculties of Uno-R.
Our family is a well-known family in the whole island even in Manila pero katulad lang din naman kami ng ibang pamilya, we are still a normal family so who are we para hindi makihalubilo sa ibang tao?
I roam around, trying to find a familiar face in the sea of people. Sabi niya, aattend siya. Sabi niya, pupuntahan niya ako rito sa graduation day ko. Sabi niya. Pero bakit hindi ko siya makita? He should be easy to spot lalo na't marami siyang kakilala rito at isa siyang engkanto, kakaibang nilalang.
I sighed.
I forgot to bring my phone kaya hindi ko alam kung meron ba siyang text doon o tawag. I can't ask my parents personally kasi baka ma-disappoint lang ako sa isasagot nila. Kasi by now... alam ko na... hindi siya pupunta at tama lahat ng hinala at nalaman ko.
I sighed again... but my breath left hanging when suddenly, a familiar man stand in front of me holding a bouquet.
What. The. Shit?
"R-Raf?"
Nagugulantang man sa dala niya, nagawa ko pa rin siyang ngitian.
"MJ, for you..." Sabay abot sa akin ng palumpon ng pulang rosas. It was well-arranged and base sa card na nakalagay sa flowers, sa Flower Pauer niya pinagawa ito.
"T-Thanks..."
I don't know what to say. I don't want to assume, but is he...
"Can we talk, MJ? I just need to tell you something."
Punyemas.
Muling kumabog ang dibdib ko sa sinabi ni Raffy. Pero 'di kalaunan ay tumango ako sa kaniya at pumunta kami sa isang sulok, sa hindi mataong lugar ng university park.
Nakayuko si Raffy habang nakahawak sa batok niya. He's oozing with appeal kahit na pare-parehong naka-black toga kaming lahat. Bagong gupit siya at fresh na fresh pa. Umabot pa nga sa ilong ko ang pabango niyang manly scent talaga ang datingan. Naka-turquoise colored button down shirt siya, nakita ko lang base sa braso niyang hindi natatabunan ng toga. I want to appreciate his appearance for today, I really want to, pero napangunahan ako ng kaba.
Ito na ba ang matagal ko nang iniiwasan? Sa limang taon naming magkakilala, ito ang araw na ayaw kong dumating sa aming dalawa. Kinakabahan ako.
"Anong sasabihin mo, Raf?" Lakas loob na tanong ko, trying to act normal and trying to remove the negative feeling about this talk. Please sana, iba ang sabihin mo.
He slowly look at me in the eyes and cleared his throat.
"MJ, I just want to say thank you for everything for the past five years we've been together," panimula niya.
Hindi ko alam kung hihinga na ba ako nang maluwag o patuloy kong pipigilan ang paghinga ko.
"O-Of course, Raf, kaibigan kita and we're classmates and buddies since freshman year," pang-aalu ko sa kaniya. Emphasizing the word kaibigan para sana hindi na niya ipagpatuloy ang kung anong sasabihin niya.
"P-Paano ko ba sasabihin 'to?" Bulong niya sa sarili pero sa sobrang tahimik, umabot 'yon sa pandinig ko. "Um, MJ, si-simula pa lang noong una k-kitang makita, alam k-kong may kakaiba na sa'yo..."
I heavily sighed. I should say something.
Naagaw ko ang atensiyon niya kaya I grab that opportunity to finally say it to him.
"I know, Raf, nararamdaman ko sa mga kilos at pag-aalala mo, sa mga pahatid-hatid mo, sa aksyon mo. Matagal ko nang napapansin, Raf, na may gusto ka sa'kin pero ayokong masira ang pagkakaibigan natin kaya hindi kita kinukumprunta. Mas nauna kasi kitang naging kaibigan kaya sobrang importante no'n para sa'kin."
Hindi ko alam kung saan ko napupulot ang mga sinasabi ko. Basta ang importante, galing lahat ito sa puso ko kaya sana matanggap niya kahit na mahirap.
"W-Wala ba akong pag-asa, MJ? Kahit fling lang?"
Mapakla akong ngumiti sa kaniya at hinawakan ang kaliwang braso gamit ang free right hand ko.
"Raf, hinid bagay sa'yo ang maging pampalipas-oras lang. Ang bagay sa'yo, 'yong sinseryoso at pinapahalagahan bilang boyfriend, hindi bilang fling... at hindi ako ang magbibigay sa'yo no'n, Raffy. Tanging pagkakaibigan lang ang kaya kong ibigay sa'yo at sana hindi na natin hayaang masira pa iyon sa pag-amin mo ngayon," sinserong sabi ko, pilit tinitingnan siya sa mga mata. "I treasure our friendship, Raf, sobra. Pero hindi ako 'yong babaeng magbibigay sa'yo ng isang seryosong relasyon. Trust me, Raf, iba ang takbo ng buhay ko at hindi mo maiintindihan 'yon."
This is so far... the hardest turn down I've ever done with a boy. Dati, isang salita lang ang ginagamit ko para ayawan ang mga lalaking nagkakagusto sa'kin, pero ngayon, ang hirap, e. Sabi ko na nga ba at mahihirapan ako kay Raffy. Masakit sa puso ang mga sinabi ko at buong ingat kong hinanap ang mga salita para hindi siya masaktan pero kahit anong flowery words pa ang gamitin mo, kung ang punto ng gusto mong sabihin ay saktan siya, masasaktan talaga siya.
"Thanks for the flowers... but I don't think I deserve this," sabay abot sa kaniya ng bulaklak.
Nag-angat siya sa akin ng tingin at kitang-kita ko ang pulang mga mata niya, may nagbabadya ring luha at handa nang bumagsak. Mas lalong piniga ang puso ko. My friend doesn't deserve this shit.
Pilit siyang ngumiti kaya mas lalo akong na-guilty. Pero kailangan kong gawin. Sana nga dati pa para hindi na umabot sa ganito ka tagal.
"Sa'yo na 'yan, graduation gift ko. Salamat sa sinabi mo, MJ. Tumatagos sa buong pagkatao ko. Umasa kasi ako kaya masakit. Masakit kasi akala ko may pag-asa ako sa'yo. Fuck your actions, MJ," at bigla siyang umalis sa harapan ko.
Panandalian akong natulala sa biglang ginawa niya at sa mga pinagsasabi niya. Nang maka-recover, sinundan ko ng tingin ang daang nilakaran niya.
I did the right thing, right? Masakit pero kailangan niyang malaman kung anong nararamdaman ko sa kaniya. Sana, Raffy, balang araw... mapatawad mo ako sa ginawa kong pangba-busted sa'yo.
Nagsimula ang program nang hindi ko na ulit nakita si Raffy. Humarap ako sa mga tao na parang walang nangyari.
The program kicked off with the usual opening ceremony. Speaking and everything. Usual rites during the graduation and everything. Hanggang sa umabot na sa bigayan ng diploma.
And as an engineering student, kami ang pinakamaingay sa lahat. Habang nakalinya alphabetically, nag-uusap ang lahat na may kasamang kantiyawan at asaran. Hindi talaga mapigilan kahit anong saway. Nakitawa ako sa mga katabi ko, sa engineering friends ko. I even saw Raffy na simpleng nakipag-usap sa katabi niyang si Alvin.
He look at me once, he didn't smile but I did. He just look away and continue talking with others.
I know, Raf, masakit. Hindi ko nga lang ma-i-imagine kung gaano kasakit. Gusto kong ikumpara ang sakit na nararamdaman ko sa sakit na ipinaramdam ko sa'yo pero alam kong magkaiba 'yon at hindi pareho ang timbang ng sakit nating dalawa. Sana talaga, Raf, mapatawad mo ako balang araw. I did what I think will save you... from being hurt... because of me. I should've done it earlier, 'yong presko pa ang feelings mo pero sa tingin ko may rason kung bakit ngayon ko lang sinabi. Alam kong meron at sa tingin ko, makakatulong sa'yo ang rasong iyon. Sana.
I look at Raffy before stepping the stage.
Pareho tayong nasasaktan ngayon, Raf. Ikaw sa akin, ako sa kaniya.
May aaminin ako sa inyo...
Crush ko si Darry.
Ewan ko ba! Ang tanga lang! Nasa kalagitnaan ako ng pagkuha ng diploma ko nang mapagtanto ko 'yon. Pathetic, right?
"Osmeña, Maria Josephina Constancia Leonardia. Honorable Mentions in Academic."
I breath harshly despite of what I'm thinking while walking on stage to greet the honorables and to get my diploma. I genuinenly smiled to all the faculty and everything before turning my face into the crowd and raised my diploma and take a bow.
Crush ko si Darry. Nasasaktan ako kay Sonny. B-in-usted ko si Raffy. Pero heto ako't nakangisi habang kinukuha ang bunga ng aking paghihirap sa college.
"Whoo, MJ!"
I heard my fellow engineering students cheered for me. I wink at them and laugh with them before meeting my parents at the end of the stairs to have a photo op.
Dati rati, sa mga bar na pinagpa-party-han ko lang naririnig ang pangalan ko na isinisigaw ng mga tao, ngayon... sa pagtatapos ko na.
Sa kabila ng mga napagtanto, nagawa ko pang akbayan nang mahigpit ang Mama at Papa habang malawak ang ngiti sa camera. I kissed them both before returning to my seat.
I am the most pathetic person on earth right now. The most pathetic Osmeña that ever lived. I should be focusing on my graduation but here I am wondering what to think first.
Of all the places and situations I could encounter, bakit ngayon pa na may patong-patong akong problema? Can I please set aside that damn feeling? Crush? Ano ka, Maria Josephina Constancia, bata? Punyemas.
Inabala ko ang sarili ko sa pagtingin sa diplomang natanggap. It's the real one kasi Autonomous ang school namin kaya original diploma talaga ang ibinibigay during graduation. Unlike other schools na hindi Autonomous, they give some fake and printout copy of diploma. There are only two schools in the province na Autonomous: La Salle and Uno-R.
Teka, sandali, mababaliw na yata ako! Ngayong malapit nang matapos ang graduation namin ay kailangan ko ng isipin ang bukas.
Bukas, April eight, ang engagement party namin ni Sonny.
Should I continue despite of what I discovered? I think I will. Those were only rumors and hoax and fraud and fake. Walang katotohanan ang lahat ng iyon. Maaaring magkakilala nga si Ayla at Sonny dahil nga nagtatrabaho siya sa milling nila bilang IT Expert, but what are the chances na silang dalawa ang nasa picture? What if people just assume na si Sonny 'yon? What if they just concluded that man's identity? Nakatalikod siya kaya what are the chances to know a person na merong mahabang buhok sa batok? Marami! Maraming chansa na marami silang may ganoon! Hindi lang siya! Hindi lang siya ang may mahabang buhok sa batok. Hindi lang si Sonny!
Sinabi ni Sonny na wala siyang sabit. Sinabi ni Sonny na 'wag akong maniniwala sa nababasa ko sa social media. Sinabi ni Sonny na 'wag akong maniniwala sa iba. Sinabi ni Sonny na may gusto siya sa akin. Sinabi niya kaya paniniwalaan ko.
Kasi kung meron mang ibang involve dito, sana noong nagpa-plano pa lang ng engagement, sinabi na niya. Sana noong isang buwan, sinabi na niya. Sana noong isang linggo, sinabi na niya. Sana noong isang araw, sinabi na niya. Kasi kung sinabi lang niya, maiintindihan ko naman, e. Sana sinabi niya. Pero hindi niya sinabi kaya kailangan kong magtiwala sa kaniya. Mapapangasawa ko siya kaya nararapat lang na pagkatiwalaan ko siya.
Napatingala ako sa mga graduation caps na inihagis ng mga kapwa ko graduates. Ang gandang tingnan.
Nang makuntento sa nakiya, agad hinanap ng mga mata ko ang pamilyar na mga tao para sa picture taking. Sa bawat lakad na ginagawa ko, wala ni-isang hindi nag-congratulate sa akin. Siyempre, sinusuklian ko naman ng pagbati at ngiti.
I hugged my friends when I finally saw them. We shouted with enjoyment and happiness. Wala na kaming pakialam kasi nga graduate na kami. Ang tagal din naming nagtimping hindi sumigaw nang malakas sa campus, 'no.
May mga photo op din kami. Dinamihan na namin kasi may mga diploma na kaming hawak, parang hindi nakuntento sa picture-ang ginagawa namin bago nagsimula ang program.
"Congratulations to us, future Unorian engineers!" Sabay naming sigaw habang naka-group hug. Maraming nakisali kaya sobrang saya na tila'y napawi nang panandalian ang mabigat na isipin kanina.
One last hug with them and one last glance with Raffy.
Nahanap ako agad nina Ate nang maghiwa-hiwalay na kami ng mga friends and classmates ko. Busy si Ate na picture-an ako. Merong solo, merong kasama silang mga kapatid ko, merong kaming lahat na pamilya.
Nagtagal kami sa amphitheatre dahil pinaalis muna namin ang mga taong nagsisilabasan na ng campus para sa kani-kanilang celebration. Kinausap na rin muna nina Mama ang guest speaker.
Iginala ko ang tingin ko sa paligid and a familiar face caught my attention again.
Pero this time, gulat na gulat na ako.
Gulat na gulat ako sa lalaking naka-manbun, specs, and the rest of his appearance is history. May dala siyang palumpon ng blu tulips at seryosong nakatingin sa akin.
"Congratulations!"
Nang tuluyang lumapit, agad siyang bumati at sabay abot sa hawak niya.
Punyemas! Holy Punyemas! Anong ginagawa niya rito?
Dahan-dahan kong itinikom ang bibig ko at inabala ang sarili sa pagtingin sa bulaklak na dala niya.
Tulips... my favorite flower... how did...
Ibinalik ko ang tingin sa kaniya, pinipilit na salubungin ang mga tingin niya.
"T-Thanks... Uh..." Punyemas! "S-Si ano- si Sonny nga pala?" Pa-simple akong ngumiwi sa sariling tanong. Ewan ko ba, mababaliw na yata ako.
"Oo nga, Darry, nakalimutan kong itanong sa'yo kanina, nasaan nga pala si Sonny? Akala ko ba pupunta siya ngayon?" Ani Ate kaya napatingin ako sa kaniya.
Kanina? So, kanina pa pala silang magkasama? Bakit ngayon lang siya lumapit?
"He's busy," casual na sagot niya kaya napatingin ulit ako sa kaniya.
Punyemas naman!
Halos humiwalay ang kaluluwa ko sa katawa ko dahil sa gulat. Baki ba kasi nakatingin pa rin siya sa akin? E, si Ate ang kausap niya, a!
Teka, sandali... busy si Sonny?
"I thought he's coming. He said he will be here," sabi ko habang nasa bulaklak na ang atensiyon. "Siya ba nagpapabigay nito?"
"No."
Matinding paglunok ang nagawa ko sa sagot niya kaya imbes na ang una kong tingnan ay siya, napatingin ako sa direksyon nina Ate na wala sa amin ang atensiyon.
"S-Sino? Si Tita Felicity at Tito Gabriel?" Sinubukan kong tumingin sa mga mata niya pero hindi rin nagtagal kasi para akong mapapaso sa sobrang seryoso, sa sobrang maalab ng tingin.
Punyemas jud ka MJ! Pagtadlong diha ba!
He harshly sighed and didn't answer my question kasi bigla siyang tinawag ng mga kausap nina Mama.
Doon ko naibuga ang hanging kanina ko pa palang pinipigilan.
Ano ba, MJ! Umayos ka nga! Mag-focus tayo kay Sonny!
Even during dinner, I am constantly reminding myself to focus on Sonny kahit wala siya. I'm with my family at ang puwesto na sana si Sonny ang nandoon ay pinunan ng kapatid niya dahil nga abala siya sa hindi malamang dahilan. Wala ni-isang nagtanong ng whereabouts ni Sonny. It feels normal na wala siya sa pinakamahalagang araw sa buhay ko, parang normal alng na wala nga ang mapapangasawa ko. Normal sa kanila, sa akin hindi.
Nasaktan ako. Hindi man sobra pero alam kong nasaktan ako. Kasi kahit anong kumbinse ko sa sarili ko na mali lahat ng nalaman ko, it will always turn out that something is right with that information.
May tama 'yon at may mali sa iniisip ko. Something is going on between Ayla and Sonny. The picture was right, the conspiracy theory was right, what I saw was right.
Gusto kong itanong kay Darry pero naduduwag akong malaman ang totoo. Isang senyales na lang at mapipigtas na ang kinikimkim kong sakit.
After the dinner, nagpaalam ako sa parents ko na mag-party sa Art District. The alumni officers of our batch organized an after party sa Art District. Hindi man expected na makakarating ang lahat, I know some of my friends and acquaintances will be there kaya habang nandito pa ako, go lang nang go. Besides, the engagement party will start at six PM pa naman the next day kay I still have time to enjoy. I also need a release. A punyemas release from everything that's bothering me today.
Hinatid ako ni Manong Bong dahil pinayagan na nga ako nina Mama na gumala tonight kaya hindi na ako umangal nang sabihin nilang maghihintay si Manong Bong sa akin. I have nothing against it, mas mabuti nga siguro 'yon.
Nasa parking pa lang, sobrang hype na ng paligid. I'm expecting only few graduates but, boy, I was wrong... sobrang daming kotse sa parking ng Art District at halos mapuno ito. I guess, I underestimated the number of graduates of my dear alma mater, Uno-R, huh.
Hindi ko man na-ikukuwento sa inyo, marami akong kakilala at kaibigan sa campus. Ang engineering friends lang talaga ang parati kong kasama kaya sila ang highlights. Ngayon, papasok ako isang bar sa Art District. Nakakasalubong ko ang mga batchmates ko kasi literal na lahat ng naka-graduate sa araw na ito ay nandito ngayon sa Art District. Batian doon. Beso rito. Kamayan doon. Sabihan ng congratulations dito. Halos mag-iisang hakbang lang ako ay may babati na agad sa akin kaya matagal bago ako tuluyang nakapasok sa mismong bar.
Huminto ako saglit para makahanap ng puwedeng inumin and luckily kasi nakita ko nga ang isang waiter na may dalang tray of random drinks kaya bago pa man lumampas 'yon sa'kin, kumuha na ako ng isang wine glass.
Wine muna atay, 'wag masiyadong sabik sa hard.
Iginala ko ang tingin sa kabuuan ng nagsasayawang crowd and sa iilang sulok na rin, nagbabakasakaling makakita ng mga pamilyar na mukha ng malalapit na kaibigan.
At hindi nga ako nabigo... my engineering friends are here! Akala ko pa naman, hindi pupunta kasi uuwi sa kani-kanilang mga ciudad at province, but here they are together with out other classmates.
Bago pa man ako makalapit sa table nila, may humarang na sa akin.
"MJ Osmeña!" Pasigaw niyang sabi kaya nang makita ang mukha niya despite of the dancing lights ay agad akong napangiti. "Congratulations on your graduation day!" Dagdag niya na mas lalong ikinatuwa ko.
"Thanks, Chuck!" Confuse ako kung bakit siya nandito, pero agad ding nasagot ang tanong ko sa isipan nang makita ang babaeng kaakbay niya. "Kayo na?" Turo ko pa sa pamilyar na babae.
She's not that familiar level lang, kundi kilala ko talaga siya. Ang Summa Cum Laude ng aming batch... Daniel Manguilimotan. And the guy is the governor's son... Chuch Francisco. Small world alert!
"Yeah, matagal na," nakangising sagot ni Chuck.
Tiningnan ko si Daniela.
"Congrats, Summa!" Bati ko pa sa kaniya.
I wasn't able to do that kanina kasi maraming bumabati sa kaniya. Siya lang naman ang nag-iisang Summa Cum Laude ng batch namin. From the BS Psychology department.
"Thanks, MJ, ikaw din."
Tinanguan ko ang sinabi niya tapos inilipat ko ang tingin kay Chuck.
"Hoy, Chuck! Ang suwerte mo r'yan kay Summa! Subukan mong saktan at iwan 'yan, Summalangit nawa ang iyong kaluluwa!"
Humalakhak si Chuck sa naging litanya ko. Ganoon din si Daniela. Mga baliw, bagay nga sila.
"'Tang inang utak 'yan, MJ! Mabuti talaga't naka-graduate ka, e, 'no?" Biro naman ni Chuck na mas lalo naming tinawanan.
Halos halakhakan ang paalaman naming tatlo bago ako nagpatuloy sa paglalakad papunta sa mga engineering friends ko.
Pinasadahan ko ng tingin ang mga nandoon at halos mapaklang ngumiti nang makitang wala si Raffy.
I guess, that's it? Hahay.
I continued partying with friends and everyone. Kung kani-kaninong tagay ang tinanggap ko at kung anu-anong inumin ang tinungga ko.
I planned to waste my life tonight dahil sa mga problema ko sa buhay. It seem small pero masakit, e. Tagos sa gawang bakal kong heart.
Siguro ginawa sa Osmeña Steel Works ang puso ko. Sobrang tigas, e. Sa sobrang tigas, hindi ko magawang masaktan sa mga taong unconsciously ay nasaktan ko pala. Pero tama naman ang naging desisyon ko, 'di ba?
Siguro, tama nga si Paulla, I am a lesson to every boy I had in the past. Masaya na ang mga iniwan kong lalaki rati kesa sa akin dahil ako? Nananatili akong miserable... oh, scratch that... magiging miserable pa pala.
Bukas! Bukas ako magiging miserable! Kakausapin ko na si Sonny. Itatanong ko na lahat sa kaniya at nang maging miserable ako nang tuluyan. Kasi dalawa lang 'yan: magiging miserable ako kung aamin siya sa mga issue niya sa buhay o magiging miserable ako dahil magpapakasal ako sa kaniya. Dalawa lang 'yan at wala akong kawala. Hahaha! Ang sarap i-umpog ng ulo ko sa pader!
Punyemas! Lasing na yata ako. Kung anu-ani na ang ginagawa ko, kung anu-ano na ang naiisip ko, at kung anu-ano na ang nakikita ko.
Katulad ngayon, nagsasayawa ako sa dancefloor, may kaharap akong lalaking kamukha ni Sonny. Ewan ko! Umaalon na ang paningin ko, tama pa ba itong nakikita ko?
Hinaplos ko ang mukha niya at ngumisi.
"Ang mapanakit mo, Sonny."
Everything went black after a tear escaped from my eyes.
~
Hi, happy weekend!