Unduh Aplikasi
31.25% Make Up, Murders, and Macchiato / Chapter 5: 05| t h e n u i s s a n c e

Bab 5: 05| t h e n u i s s a n c e

05

t h e  n u i s s a n c e

AT exactly 6:00 PM Astrid went home and her car pulled over in front of their house. Agad naman siyang sinalubong ng isa sa mga driver nila upang ito na mismo ang mag park sa loob ng kanilang garage. Dali dali siyang bumaba sa kaniyang sasakyan at dire-diretsong naglakad sa dahang dahang bumubukas na kanilang gate.

"Nasa lamesa na 'yong dinner mo hija," paunang bati sa kaniya ni Aunty Celine habang binubuksan ang gate. Ngunit nagmamadali siya kaya napasigaw na lang siya dahil malayo layo na rin ang kaniyang kinatatayuan kay Aunty Celine niya. "It's okay Aunty sa labas po ako mag di-dinner kasama yung mga friends ko" pagsisinungaling niya at binuksan ang kanilang glass door.

Hindi na niya binisita ang kanilang dining room bagkus ay umakyat siya at pumasok sa kaniyang kwarto.

Binagsak niya ang dalawang walang lamang maleta sa kaniyang queen sized bed. Pinagmasdan niya lang ang maletang nakabukas sa kaniyang kama. Contemplating kung ano ba ang dadalhin niya sa AKT sorority house.

Astrid went to a certain room. Bumungad sa paningin niya ang kaniyang mga mamahalin at branded na damit. A row of coats, blazers, shirts, polo, camisole, brassiere and undergarments are proportionally aligned at nakasabit sa mga cabinet rods. Boots and high heels are safely secured under the cabinet. The temperature of the said room is controlled in order to protect the sensitive properties of the fabrics.

Her hands scanned through the rows of hanging clothes.

"Here we go again, aabutin nanaman ako ng ilang oras dito," sambit niya sa sarili habang nakatulala sa mga damit.

HILA HILA ni Astrid ang tatlong maletang puno ng kaniyang plotted outfit for the whole month sa AKT Sorority Manor. Ilang oras din siyang nag babad sa loob ng kaniyang closet.

"Ate, patulong naman po," aniya sa isa sa mga katulong nila nang dumaan ito sa sala. Ipinasa ni Astrid ang dalawang maleta rito.

"Thank you," pasasalamat niya habang bumababa.

Pakiramdam niya'y dala niya ang buong buhay niya sa kaniyang maleta.

"Walang anuman po." Sagot ng katulong niya.

Bago pa siya makaabot sa kanilang glass door ay biglang nag ring ang kaniyang cellphone. Dali daling kinapa ni Astrid ang katawan at hinahanap ang nag ri-ring na phone. Binuksan niya ang kaniyang Hermes Clutch Bag at kinuha doon ang cellphone.

It was her Mom!

"Yes ma?" paunang wika niya sa linya.

"Nandito na kami ng Daddy mo sa Iloilo! Where are you?!" nag aalalang tanong nito sa kabilang linya

"Um. Mom, something came up and I need to finish this muna. Thesis stuff, akala ko kasi postponed yung defense but i will inform you as soon as possible kung papunta na ako jan," paliwanag ni Astrid but under her subconscious mind she's wishing na sana umepekto ang pagpapaawa niya sa kaniyang Mom na malakas din ang pang amoy sa mga sinungaling.

Narinig niya sa kabilang linya ang malalim na pag hinga ng kaniya Mom.

"Are you sure na thesis stuff 'yan?" Tanong nito

"Yes. Ask Claire and Gigi," ani niya habang dinadamay ang pangalan ng mga kaibigan niyang di niya naman ka grupo sa thesis but she've already briefed her friends na in case her Mom called them sasabihin lang nila na may thesis silang tinatapos pati na rin ang title ng thesis nila upang hindi sila magkagulo kapag tinanong ang mga ito ng kaniyang Mom tungkol sa topikong tinatalakay sa thesis. Nothing more and nothing less.

"Ok ok. Mag ingat ka. Always call or text us or else uuwi kami ng Dad mo d'yan"

"Yes Mom! I will. Bye. I need to hung this call may gagawin pa ako. I love you both. Take care." Ani niya.

Hinintay niyang sumagot ang kaniya Mom ng "I love you too" at pinatay ang tawag.

Astrid immediately proceeded to their garage at pumasok sa kaniyang sasakyan. Nailagay na rin ng kaniyang katulong ang maleta sa compartment kaya di na niya ito chineck.

Binuhay niya ang makina ng sasakyan at pinagmamasdang ang katulong nila na binubuksan ang gate.

"Aunty Celine please always lock the gates! Uuwi rin ako bukas also tell our drivers na wag na tumambay sa labas, gabi na! Call me if may problema, i-ready niyo rin yung phone number ng police station. Thank you!!" Sigaw niya sa bukas na bintana ng kaniyang sasakyan. Nag aalala siya sa mga ito lalong lalo na kay Aunty Celine niya dahil na rin sa mga pagbabantang kaniyang natatanggap recently.

She actually received another death threat thru letter kaninang umaga sa kaniyang locker. Same message, same content, and same sender. She didn't even bother dahil handa na rin siyang harapan ang taong iyon.

KAIRO squinted his eyes to see the road clearly ngunit kahit gaano pa kalakas ang ilaw sa kaniyang headlights ay di niya pa rin makita ng malinaw ang daan. Binaybay ni Kairo ang madilim na daan papunta sa Alpha Kappa Tau sorority manor upang um-attend ng party. He was invited by Seelie- his friend na miyembro rin ng AKT, since outsiders are also allowed to enter the manor and join the party.

Inikot ni Kairo ang manibela pakaliwa. It was a sharp turn na pati ang katawan niya'y sumunod sa pagliko. Tinignan niya ang kaniya wrist watch. It's already 8:40 PM and late na siya ngunit hindi siya nag alala dahil gamit niya ang Lamborghini Aventador, bagong model ng sasakyan na ini-regalo sa kaniya ng kaniyang ama noong makuha niya ang MVP award sa recent game nila.

He and his Dad came up with a bet na kung makukuha niya ulit ang award na iyon ay reregaluhan siya ng kaniyang ama whatever he wants, same rule is also applied sa kaniya if he failed to get that award siya naman ang bibili ng regalo sa kaniya Dad.

Nang makaliko siya ay may namataan siya isang babaeng nakasuot ng gold latex bodycon dress, her dress tightly hugged her body revealing an hourglass shape, nakatayo ito sa labas ng sasakyan. Sa tantiya niya'y nasira ang sasakyan nito. He immediately pulled over and open his window.

"Um, excuse me..." Hindi pa niya na dudugtungan ang kaniyang sasabihin nang biglang sumagot ang babae habang naka-focus sa cellphone nito.

"I dont do hanky panky jobs. Sorry sir."

Kumunot ang noo niya at pinagmasdan ang mukha ng babae. Her long gray hair is neatly gathered on her right shoulder. Marami na siyang babaeng nakitang may color ang buhok ngunit ang babaeng pinagmamasdan niya ngayon ay bagay na bagay rito ang kulay ng buhok nito.

He smiled managing his patience not to drain.

"No. That's not exactly what I meant. I was offering you a ride kasi gabi na at balita ko marami ng tao ang pinatay dito thats why nag mamagandang loob lang ako," pananakot ni Kairo sa babae. He was exaggerating the details 'saka hindi niya alam kung may pinatay ba sa lugar na ito this is his first time traversing that road.

Finally ,the woman gazed up.Nanlaki ang mga mata nito na animo'y nakakita ng multo "Kairo?" tanong nito na siya naman niyang kinataka.

That woman know him? Sabagay di na siya mag tataka kung bakit kilala siya. Siya lang naman ang kauna unahang estudyante ng Pontus University na nai-feature sa isang international sport's magazine at naging cover ng ilang lifestyle magazine dahil sa manly features ng kaniya mukha at ang kaniyang magandang hubog ng katawan.

"You know me?" Patay malisyang tanong ni Kairo para kunwari'y humble siya at magpa impress dito.

The woman twitched her lips.

"I saw you somewhere sa Pontus and i heard your name. Just your name and nothing more," anito nasa tinig nito ang isang mapanuksong tono.

"Is she joking? Seryoso siya? Hindi niya ako kilala? That's ridiculous! All women know my very existence!" Bulong niya sa sarili.

Pinagmasdan ni Kairo ang mukha ng babae. Those hazel doe eyes and perfectly curved lips are familiar. He saw her somewhere sa university.

"Wait! Aren't you the girl sa Anthro Department?" Tanong niya.

"Maraming babae sa Anthro Department," walang ganang sagot nito .

"Is she throwing sarcasm intentionally? I barely know this woman pero bakit parang may kasalanan ako sa babaeng 'to?" Ani niya sa sarili sabay kunot ng kaniyang noo.

Kairo's patience meter went from 90% to 10.5 %. This woman is getting to his nerves. Gusto niya sanang iwan ang babaeng ito at pabayaan ngunit di rin naman kaya ng konsensya niya kung may mangyaring masama rito.

Ngumiti nanaman si Kairo upang i-charge ang kaniyang patience meter.

"Please, Miss hop in. Sa'n ka ba pupunta? I am heading to Alpha Kappa Tau sorority manor. Sinabi ko na kung saan ako pupunta. You can text it to your friends, you can also take a picture of me and my car plus the plate number and send it to your friends, family or to anyone if that will make you somehow safe and comfortable," pakiusap ni Kairo. Hindi siya makapaniwalang nakikipag talo siya sa isang complete stranger sa isang hindi kilalang lugar.

He grasped the steering wheel so hard that the bones in his fist appeared under his skin.

Maya maya pa'y nakarinig siya ng isang shutter click mula sa cellphone ng babae, kumukuha na talag ito ng litrato ng mukha niya at ang plate number ng sasakyan niya.

"Hop in!" Ani niya.

"Wait. I am gonna get my luggage bags," nagulat siya nang biglang bumungad sa kaniya ang compartment nitong puno ng maleta.

"Mag lalayas ba 'to at makikipag tanan?" tanong niya sa sarili.

Hindi niya tinulungan ang babae na buhatin ang mga luggage bags nito dahil inubos na nito ang kaniyang pasensya ngunit kahit gano'n pa man ito ay natutuwa pa rin siya rito kahit papaano.

Pinasok nito ang luggage bag sa backseat at naupo sa front seat.

ILANG minutong naging parang sementeryo ang loob ng sasakyan ni Kairo dahil sa sobrang tahimik, ni isang tanong o kwento ay walang lumabas sa bibig ng babae.

"So, um, Where are you going?" tanong niya, he is breaking the ice.

Ngunit focus na focus ito sa cellphone nito. She was scrolling through her instagram feed.

"Oh. Are you talking to me?" Tanong nito .

"Oh Dios. Por favor. Dame mas pacencia" wika niya sa espanyol. Kairo grew up in Spain, he stayed there for almost 10 years kaya alam niya ang lenguwahe.

"To AKT sorority manor," sagot nito at ngumiti.

He felt quite weird, kanina'y walang emosyon ang mukha ng babaeng iyon tapos ngayon ay pangiti-ngiti na ito.

"Oh! Same. A-attend ka ng party?" Tanong niya.

"Yes. I am a member actually," sagot nito at binaling ang tingin sa labas ng bintana.

Pinagmamasdan niya ang side profile ng babae, kahit kapiranggot lang ang ilaw sa loob ng kaniyang sasakyan ay naaninag niya ang makinis at matangos na ilong nito. Nagtataka siya kung modelo ba ito.

"Are you a model?" Out of the blue na tanong niya.

"No," matipid na sagot nito

"An actress perhaps?" tanong ulit niya

"No. I am not a socialite," sagot nito at muling binuksan ang phone.

"Cual es tu nombre?" Ani niya. " I mean, what's your name?" pag correct niya.

Why is he stuttering? Maybe, some sort of bilingual error.

Ilang segundo pa bago makasagot ang babae.

"Astrid," sagot nito.

A sudden low electric voltage struck her heart, pakiramdam niya'y narinig na niya ang pangalang iyon. Somewhere sa kaniyang practice, games or mga fan's club.

An imaginary light bulb emerged on top of his head.

"Wait! Aren't you the president of a certain fan's club of mine?" Bigla niyang tanong.

"WHAT?!!! WHAT? WHY? I MEAN, WHAT?! WHO? ME?" sigaw niya, nauutal pa ito sa pagtanong nito. Kamuntik na niyang matapakan ang brake ng kaniyang sasakyan dahil sa pagkagulat.

HINDI makapaniwala si Astrid na nasa loob siya ng sasakyan ni Kairo. It smells like a freshly baked cinnamon roll. Panay rin ang pag kwento at tanong nito na animo'y close friend sila. Though she wanted to be silent all throughout their journey ay hindi niya magawa dahil magkasama sila sa isang sasakyan at magkatabi pa. Kung sana'y chineck niya muna ang kaniyang sasakyan bago umalis ay hindi mag ku-krus ang landas ng lalaking kaniyang kinaiinisan.

Ilang beses din siyang nagpakita na hindi siya interesado sa pakikipag usap sa mayabang na lalaking iyon ngunit hindi niya ring puwedeng pabayaan ang sarili niya sa gitna ng madilim na daan.

Noon ay nasa malayo lang niya nakikita si Kairo ay ngayon halos mag bungguan na ang kanilang mga siko sa sobrang lapit. She wanted to scream dahil sa sobrang kilig ngunit naalala niyang tapos na ang crush phase niya sa lalaking iyon.

"Marupok ka ate girl!" Bulong niya sa sarili.

She kept on texting Genesis tungkol sa nangyayari ngayon at panay rin ang panunukso ng kaibigan niya sa kaniya.

"Make your Momma proud," text nito sa kaniya.

What she likes the most kay Genesis ay ang pagiging supportive nito sa lahat ng bagay kahit pa mga kalandian niya.

Hindi magawang pagmasdan ni Astrid si Kairo dahil naiinis pa rin siya rito. Gusto niyang batukan ang lalaking iyon dahil sa ginawa niya sa dating girlfriend nito ngunit pinipigilan niya ang kaniyang sarili.

Ilang beses niya na ring binabara ito at kada pamimilosopo niya'y pinapanalangin niyang sana'y maintindihan nito ang sarcasm na kaniyang pinapalaman sa bawat sagot niya.

Ngunit tama nga sila that karma is fast in digital age dahil agad namang kinuyog ng hiya ang kaniyang buong sistema nang tanungin siya nito.

"Wait! Aren't you the president of a certain fan's club?" Tanong ni Kairo habang nakatingin sa daanan.

Kamuntik na siyang masamid ng sariling laway sa tanong nito and from that very moment ay hiniling niya na sana'y kainin na lang ang buong katawan niya ng carpet ng sasakyan ni Kairo.

"WHAT?!!! WHAT? WHY? I MEAN , WHAT?!WHO? ME?" Natatarantang tanong niya.

Matagal na ang fan's club na iyon mag dadalawang taong ng inactive ang fan's club na iyon ngunit bakit naalala pa nito .

"Yes. Is that you?" Sandali siyang pinagmasdan ni Kairo at nag salita muli.

"Yes! I remember I saw you na may hawak hawak na cardboard and you are cheering for me! And I saw you carrying a water jug tapos nilagyan mo ng label na 'For Kairo', " natatawang pagbabalik tanaw ni Kairo.

Kinuom ni Astrid ang kaniyang kamay . Hindi niya alam kung mahihiya siya o maiinis. Maiinis dahil nag e-enjoy si Kairo sa pagbalik ng mga alalaang kaniyang ikinahihiya o mahihiya dahil naalala niya nanamang ang mga kahibangang ginawa para lang mapansin ng lalaking iyon.

"Look. I dont know what you are talking about but for sure its not me since transferee lang ako that's why di kita kilala. I didn't even know na you're a football player," pagsisinungaling ni Astrid.

"Well. I am pretty sure na ikaw 'yon," sambit ni Kairo.

Sandali niyang binalingan ng tingin si Kairo na nagmamaneho at naka-lock ang paningin sa daanan, biglang puminta ang isang ngiti sa labi nito nakita niya ang paglabas ng dimple ng binata. She must admit she haven't seen a smiling Kairo that close. Agad namang niyang kinontra ang isipan na kung ano ano na ang pumasok.

"Na star struck ka lang Astrid, you'll get used to it!" Ani niya sa isip at inilipat ang tingin sa labas kung saan nakikita niya ang mga nag gagandahang christmas lights na nakasabit sa mga poste at mga palamuting sa tuwing Pasko lang makikita.

"Ang ganda 'no?" Biglang tanong ni Kairo.

Hindi na siya nakasagot sa tanong nito, tumango na lang siya.

Napako ang kaniyang paningin at atensyon sa labas. Pakiramdam niya'y na trap siya sa isang fairytale or in her own dream fog.

Ilang beses na siyang nakakita ng mga lugar na marami at magagandang christmas decorations ngunit hindi niya lubos maisip kung bakit ibang-iba ang kaniyang nararamdaman sa mga oras na iyon.


Load failed, please RETRY

Status Power Mingguan

Rank -- Peringkat Power
Stone -- Power stone

Membuka kunci kumpulan bab

Indeks

Opsi Tampilan

Latar Belakang

Font

Ukuran

Komentar pada bab

Tulis ulasan Status Membaca: C5
Gagal mengirim. Silakan coba lagi
  • Kualitas penulisan
  • Stabilitas Pembaruan
  • Pengembangan Cerita
  • Desain Karakter
  • Latar Belakang Dunia

Skor total 0.0

Ulasan berhasil diposting! Baca ulasan lebih lanjut
Pilih Power Stone
Rank NO.-- Peringkat Power
Stone -- Batu Daya
Laporkan konten yang tidak pantas
Tip kesalahan

Laporkan penyalahgunaan

Komentar paragraf

Masuk