Zepehy's POV
Bumaba ako ng kwarto at nakipagsiksikan at nakipagbungguan pa ako sa mga tao sa baba. What kind of humans are these anyways? Tanong ko nalang sa sarili ko. I have to find Storm at baka kung ano pang mangyari sakanya. Nagpalinga linga ako sa boung bar ng makita ko siyang nakaupo sa may bar counter habang may hawak na isang bote ng alak. Akmang itutungga sana niya ang alak mula sa bote ng hawakan ko ang kamay niya at inagawa sakanya ang bote saka ako ang uminom. Napangiwi nalang ako sa lasa nito, I don't really drink that much kaya ganito ang lasa ng alak para sakin, mapait.
"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?" inis na tanong ni Storm sakin saka niya inagaw ang bote mula sa kamay ko.
"Ikaw? Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?" balik tanong ko saka ako umupo sa may stool sa tabi niya.
"I asked first" sabi niya saka uminom nanaman.
"So?" simpleng tanong ko saka ko inagaw ulit ang alak at itinungga ulit.
"Buy your own drink, little girl" sabi niya saka niya inagaw ulit ang bote, akmang kukunin ko sana ulit sakanya ng pigilan niya ako.
"Stop. It's not good for little girls to drink" sabi niya.
"I'm not a girl anymore, you idiot" irap ko sakanya. I saw him smirk.
"Really?" he ask while looking at me intently. Bigla akong na concious sa tingin niya kaya nag iwas ako ng tingin.
"Yes" I said then pause for a second.
"I'm a woman, already" I continued while looking at him intently, he looks at me with the same intensity saka siya lumapit sa akin. I clenched my fist. Masyado siyang malapit sa akin. I can smell the liquor plus his minty breath.
Biglang nag init ang katawan ko. I don't know if it's the liquor or it's just me. Mag iiwas na sana ako ng tingin para layasan siya ng bigla niyang hawakan ang baba ko at mas nilapit pa ang mukha ko sa mukha niya. Ilang dangkal nalang ay maghahalikan na kami.
Napalunok nalang ako ng bigla siyang tumingin sa mga labi ko. "W-what a-are you doing?" nauutal kong tanong sakanya.
"Mmmm?" he asked while smirking. Tinabig ko ang kamay niyang nakahawak sa baba ko saka ko siya tinulak palayo sa akin.
"You're drunk Storm" sabi ko sakanya habang umuupo ako ng maayos sa bar stool.
"I'm not" simpleng sagot niya saka siya bumalik sa pag upo at uminom.
"What are you doing here anyway? This is not a place for you" tanong niya.
"Sinundan kita rito" sagot ko.
"Why?"
"Dapat ba may rason kung bakit kita sinundan dito?" tanong ko rin sakanya.
"Mmm, sabagay may point ka don" sabi niya saka niya tinungga ang alak.
"May balak ka bang maglasing?" nakangiwi kong tanong sakanya.
"You should know, I don't like baby sitiing drunk people" dagdag ko pa.
"I didn't told you to baby sit me at wala sa plano kong maglasing" sagot niya saka uminom nanaman siya. Bat ba parang hindi nauubos yang alak na iniinom niya?
"Nakakatampo sila, alam mo ba yun?" biglang sabi niya pagkatapos ng ilang minutong katahimikan.
"Hah?" tanong ko sakanya, alam ko kung sino ang tinutukoy niya, gusto ko lang ulitin niya yung sinabi niyang nagtatampo siya. Storm is the kind of guy na parang wala sa bokabularyo niya ang salitang tampo kaya naman nagtataka ako ngayon.
"Hindi naman dahil mukha akong masayahin at nakikita niyo akong laging tumatawa ang ibig sabihin na non ay wala akong problema" sabi niya na para bang nabasa niya kung anong nasa utak ko.
"Bat ka nga ba nagtatampo sakanila?" tanong ko habang nakatingin sakanya.
"They doesn't tell me things" simpleng sagot niya habang nakatitig sa bote ng alak na iniinom niya.
"Dahil lang dun?" tanong ko naman sakanya. Napakunot noo siya saka siya napatingin sakin na may inis sa mukha.
"Ikaw ba pag naglihim sayo si Adiya hindi ka magtatampo?" tanong niya sakin. Napayuko nalang ako sa sinabi niya, realizing what he just said is true, magtatampo nga ako. Just the fact na hindi siya nagsabi sakin na aalis pala siya ng nation nagtatampo na ako, she's my friend kaya alam kong lalong masakit para kay Storm dahil mismong kambal niya ang naglihim sakanya.
"See?" aniya.
"I hate it when people keep things from me, especially my twin, isang pahiwatig lang yun na hindi niya ako kayang pagkatiwalaan" puno ng hinanakit ang boses niya.
"Hindi ba pwedeng he kept things from you because it's not his secret to tell?" sagot ko sakanya. Sandali siyang natahimik. I know that what I said is true.
"I mean, tanggap ko na hindi man lang nagsabi si Adiya sakin ng umalis siya sa nation, nagtampo ako, oo, pero wala naman akong magagawa eh because that's her choice and as for your case with your brother you know deep inside that I have a point and sometimes people around us kept things a secret to protect us, so wag ka nang magtampo sa kambal mo okay?" paliwanag ko sakanya. Natahimik nalang siya bigla habang nakayuko.
"And I know he feels sorry for keeping things from you" basag ko sa katahimikan.
Mapakla siyang ngumiti saka nagsalita. "Eh bakit ikaw ang sumunod dito? Hindi siya?"
"Gusto ka niyang sundan kanina kaso pinigilan ko siya, baka kasi mag away lang kayo eh" nakangiti kong sagot sakanya, easing his hurt feelings.
"So let's go back there, baka hinahanap na tayo eh" sabi ko sakanya saka na ako tumayo. Akmang maglalapag na sana siya ng pera sa may counter ng biglang nagsalita yung babaeng barista kanina, I think her name is Gwuinie.
"It's on the house" simpleng niyang sagot, tango lang ang binigay ni Storm na sagot saka siya tumayo at naglakad na kami pabalik ng kwarto namin sa taas. Ng makapasok kami sa loob, nadatnan namin silang nakaupo sa kanya kanyang kama at sa kamalas malasan sa kama ko nakaupo si Pyrrhos kaya wala akong magagawa kundi lumipat sa katabing kama ni Storm. Mula sa bintana ganto ang pagkakasunod namin. Storm, ako, Trevet, Firth at Pyrrhos.
Nabalik nalang ako sa reyalidad ng biglang naglakad si Storm sa kama ni Trevet dahilan para mapaupo ang kambal saka umupo si Storm sa tabi niya. Pabirong binangga ni Storm ang balikat ni Trevet gamit ang balikat niya dahilan para mapangiti ang mga kambal and just like that, their okay.
*
Kinaumagahan lumabas kami ng bahay at nagumpisa sa paghahanap kay Adiya. Nagpunta kami sa pinaka centro ng mundo ng mga tao at dun kami naghanap. Hindi kami pwedeng maghiwa hiwalay dahil medyo mapanganib, wala ang isa sa tabi ng isa, walang tutulong sakanya so we decided to stick together. Ilang minuto na kaming naglalakad at naghahanap pero hindi talaga namin siya mahanap. Nagtatanong tanong na kami sa mga tao dito pero wala silang nakita na naaayon sa mga description namin kay Adiya. Maglalakad na sana kami ng biglang nagsalita si Trevet.
"Where is Firth?" tanong niya. Noon lang namin napagtanto na hindi na pala nakasunod si Firth samin. Nagpalinga linga kami para hanapin siya ng makita namin siyang nakatayo hindi kalayuan sa pwesto namin. Linapitan namin siya at kung hindi pa nagtanong si Trevet ay hindi pa kami papansinin dahil mukhang may tinitingnan siya. Ng sundan ko ang tingin niya, she's looking at an alley between the two houses pero wala namang tao roon o kung anong kakaiba.
"Are you alright?" tanong ni Trevet.
"I-im fine" sagot niya.
"Let's go?" dagdag niya saka nauna na siyang naglakad.
Ilang minuto pa kaming nagpalakad lakad pero wala kaming napala ng biglang may bumangga kay Pyrrhos.
"Watch where you're going, man" maangas na sabi ng lalaki. He has a silver hair, a deep forest green eyes, square jawline, thick brows and a thin red lips, matangkad din siya. He has the same height as Pyrrhos'. Pyrrhos just gave him a death glare, maglalakad na sana kami ulit ng may babaeng lumapit sa lalaking bumangga kay Pyrrhos.
"Kuya, san ka ba nagpunta? Kanina ka panamin hinahanap ni A-" nahinto siya sa pagsasalita ng lumingon siya sa likuran niya at parang may hinahanap.
"Asan na siya?" tanong ng babae.
Aeon's POV
Naglalakad kami ni Elle sa may bayan dito sa mundo ng mga tao para hanapin si Elgorth, kanina pa kasi nawawala eh, hindi namin alam kung san siya nagpunta, bigla nalang nawala. Kabilin bilinan pa man din ni Tita Ellaine na wag kaming maghiwa hiwalay. Sumama ako kila Elle sa pamimili sa bayan para malibang. Lumiko kami sa may alley at akmang maglalakad ng makita ko si Elgorth pero nanlaki nalang bigla ang mata ko ng makita ko si Pyrrhos na nakatitig ng masama kay Elgorth at napaawang nalang ang bibig ko ng makita ko kung sino ang kasama ni Pyrrhos. Si Zephy at may kasama itong dalawang lalake at isang babae. Napabalik nalang ako sa alley na dinaanan namin kanina para magtago.
"Anong ginagawa nila dito?" tanong ko sa sarili ko.
"At bakit kasama ni Zephy si Pyrrhos?" andaming tanong sa utak ko pero isa lang ang dapat kong gawin at yun ay ang magtago dito sa pwesto ko. Hindi nila ako pwedeng makita.