Unduh Aplikasi
31.03% Elemental Nation: City of Elements / Chapter 9: Chapter 8. Outside world

Bab 9: Chapter 8. Outside world

Adiya's POV

Nagising ako sa kwartong hindi pamilyar sa akin. Nang maimulat ko ng tuluyan ang aking mga mata, naaninag ko ang kabuuan ng silid. Isang hindi kalakihang cabinet, study table na puno ng libro at kung ano anong mga papel na malapit sa bintana at ang kamang hinihigaan ko, hindi gaanong malaki ang kwarto, sapat na ito para sa isang tao. Napakunot ang nuo ko ng may maramdaman akong parang basa sa noo ko, ng hawakan ko ito napangiwi nalang ako ng may mahawakan akong dahon na parang mamantika.

"Ano to?" tanong ko sa aking sarili. Tinggal ko ang dahon na nakalagay sa noo ko tsaka ako tumayo. Linibot ko ang aking paningin sa kwarto. Kaninong kwarto kaya to at nasaan ako? Anong nangyari? Just by thinking about it, bigla nalang nagflash sa utak ko ang nangyari sa kagubatan. Ang black hallow at... ang white hallow na nagligtas sa akin bago ako mawalan ng malay.

Lumapit ako sa mesa na malapit sa bintana, tumingin ako sa labas at napakunot ang noo ko ng makita kong kagubatan ang nasa bahaging yoon ng bahay. Nasaan ako?

Lumabas ako ng kwarto saka ako naglakad lakad, tinitingnan ko ang bawat sulok ng bahay. May nakita akong maliit na hagdan pababa, mga ilang hakbang lang siguro yon, bumaba ako at bumungad sa akin ang hindi kalakihang sala ng bahay. Nagulat nalang ako ng biglang may nagsalita sa kung saan.

"Gising ka na pala" tinig ng isang babae, napalingon ako sa kung saan ang pinanggalingan ng boses ng makita ko ang isang may edad nang babae na nakangiting nakatingin sa akin. May hawak siyang damit na sa tingin ko ay isang basahan habang nagpupunas siya ng kamay. Tinugon ko ng isang tipid na ngiti ang babae.

"Nasaan ho ako?" tanong ko sakanya.

"Nasa bahay ka namin" anang ale habang naglalakad palapit sakanya. "Masama pa ba ang pakiramdam mo?" dagdag na tanong pa niya.

"Hindi na po, maayos na po ang pakiramdam ko" sagot ko naman sakanya. "Pano po pala ako nakarating dito?" dagdag ko ring tanong.

"Nakita ka kasi ng anak namin na lalaki malapit diyan sa may gubat sa likod bahay na walang malay kaya dinala ka namin dito" nakangiti paring sagot niya. Maganda parin ang babae kahit na may edad na ito, maaliwalas ang mukha niya lalo na't nakangiti ito. Magtatanong sana ako kung nasaan ako ng biglang may nagsalita.

"Gising na pala siya, nakapagluto ka na ba?" tanong ng isang lalaki habang lumalapit sa amin saka niya ito hinalikan sa may gilid ng buhok.

"Oo, maghahain na ba ako? Nasan na ang mga bata?" nakangiting balik tanong naman ng ale? Napangiti nalang ako habang tinititigan silang dalawa pero nawala rin ang ngiting iyon ng maalala ko si Mommy at Daddy. Napayuko nalang ako at mapaklang ngumiti. Choice ko naman to, kaya wala akong karapatang malungkot, mas magiging okay silang dalawa kung wala ako sa nation. Naputol nalang ang pag iisip ko nang biglang may pumasok sa pintuan ng bahay.

"Mama! Mama! Si Dadada, ang galing niya!" masiglang sigaw ng isang bata na siguro nasa mga apat na taong gulang habang patalon talon na tumatakbo patungo sa kanyang ina. Inabot niya ang kanyang dalawang kamay na parang magpapakarga at kinarga naman ito ng kanyang ina.

"Talaga? Anong ginawa ng Dadada mo?" masigla ring tanong nito sa anak.

"Hallow Mama! Hallow!--" putol na sabi ng bata ng biglang tinakpan ng ina nito ang bibig niya. Nanigas ako sa kinatatayuan ko ng marinig ang sinabi ng bata.

"Ah, maghahain na ako para makakain na tayo. Nasan na ang kuya at ate mo?" tanong niya saka nito inabot ang bata sa tatay niya para ito ang kumarga sakanya at pagka tanong niya sa bata saka naman may pumasok na isang babae at isang lalaki sa pintuan.

"Oh nariyan na pala kayo, hali na't maghahain na ako para makakain na tayo" sabi ng ale saka siya naglakad sa kung saan siya lumabas kanina na sa tingin ko ay sa kusina.

"Maghugas na kayo ng kamay niyo at kakain na tayo" sabi naman ng kanilang ama saka siya pumasok sa may kusina na sinundan din ng dalawa niyang anak. Pagkatapos ng ilang minuto lumabas sila sa kusina na may kanya kanyang bitbit. Ang ina na hawak ang kanin, ang lalakeng mukhang kasing edad ko lang na may hawak ng ulam at ang kapatid nitong babae na may hawak na pitsel na may lamang juice at ilang baso sa kabila niyang kamay at ang ama na karga karga parin ang bata.

"Maupo ka na at kakain na tayo" sabi ng ale saka niya ako giniya sa may mesa na malapit sa may sala nila na di rin kalayuan sa may kusina. Ngumiti nalang ako saka ako umupo sa may upuan. Bigla namang tumabi sa akin ang lalaking anak nito.

"Siya nga pala, ako nga pala si Ellaine" pagpapakilala ng ale sa akin. Hindi ko pa kasi alam kung anong mga pangalan nila.

"Ako naman si Emmanuel" sabi naman ng asawa ni Ellaine.

"At ito naman ang anak namin na sina---" naputol ang sasabihin ni aleng Ellaine ng biglang nagsalita ang anak nitong babae.

"I'm Elizabeth Ysabelle, Elle for short, as in Elle in Elizabeth and Ysabelle" masayang sagot naman ng babae.

"Elgorth Fjord" simpleng pagpapakilala naman ng lalake. Mukhang tahimik ito.

"And am Ehzcy Eixy" masiglang sagot naman ng batang babae. Mukhang lagi itong masigla at masayahin. Napangiti nalang ako. Natigilan nalang ako ng makita kong nakatingin silang lahat sakin.

"Ahhh...I'm Adiya" simple kong pagpapakilala. Ayokong malaman nila kung sino ako.

"Kain na tayo" putol ni aleng Ellaine sa katahimikan ng hindi na ako nagsalita. Ngumiti nalang ako saka kumain. Pagkalipas ng ilang minuto biglang nagtanong si Elle.

"Ano nga palang ginagawa mo sa may malapit sa gubat?" nanigas siya sa kinauupuan niya. Hindi niya maaaring sabihin sakanila.

"Elizabeth" may diing sabi naman ni Elgorth. Napatingin nalang ako sakanya at mukhang galit siya. Nang mapansin niyang nakatitig ako sakanya, nag iwas siya ng tingin.

"Saan ka pala nakatira?" tanong ulit ni Elle habang kumakain. Mukhang makulit ang isang to.

"Malayo rito" pagsisinungaling ko.

"Asan ang mga magulang mo?" tanong niya ulit. Natigilan ako sa tanong niya. Mommy, Daddy.

"Wala sila rito" tanging sagot ko nalang.

"Elle" parang warning sakanya ni aleng Ellaine.

"What? I'm just asking" sagot naman ni Elle.

"Siya nga pala Adiya, kung wala kang matutuluyan dito ka na muna. Hindi man namin alam ang rason kung bakit ka umalis, bukas naman ang tahanan namin para sa iyo" nakangiting sabi nito.

"And you can call me Tita Ellaine, not Aleng Ellaine" dagdag pa nito na hindi nawawala ang ngiti sa mga labi niya. Napakunooot noo nalang ako dahil sa sinabi niya. How does she know? Paano niya nalaman ang tawag ko sakanya sa isipan ko? Anong sikreto ang tinatago niya? Anong sikreto meron ang pamilyang ito?

Zephy's POV

A/N: Ito yung mga oras na umalis sila sa black forest nung nakalaban nila ang Hallow.

Hindi ko maaninag ang lugar kung saan kami lumabas dahil sa maliwanag na sikat ng araw pagkalabas na pagkalabas namin sa portal, ngunit may mga naririnig kaming mga ingay, ingay ng mga tao at ingay ng mga hayop.

"Where the hell did you take us Storm?" inis na tanong ni Trevet ng makita ang kabuuan ng paligid.

"I don't know, tinaranta naman kasi ako ni Pyrrhos kanina eh, hindi na ako nakapag isip ng mabuti" sagot ni Storm saka ito nagkamot sa batok. Napatingin nalang ako sa paligid, sa likod namin ay mukhang ang kagubatang pinanggalingan namin at sa harap namin ay tanaw ko ang kabahayan na medyo malayo sa kagubatan.

"Let's go" anang Firth na naunang naglakad sa amin na sinundan ni Pyrrhos at sinundan namin nila Storm at Trevet. Hindi namin alam kung san kami dinala ni Storm.

Pagkatapos ng mga ilang minutong paglalakad narating rin namin ang mga kabahayan. Maraming tao sa labas ng mga bahay, maraming nagtitinda ng kung ano ano. Pagdating na pagdating namin sa lugar na yon, napatingin sa amin ang mga tao. Sinong hindi mapapatingin? Mga bagong mukha kami rito.

"We're in the outside world" biglang sabi ni Pyrrhos. Napamura nalang si Storm.

"What? How the hell did we get here?" inis na tanong ni Trevet saka bumaling sa kakambal. Napakamot naman si Storm sa batok niya.

Napapatingin ang mga tao sa amin na may pagtataka sa mga mukha. Sino ba namang hinde? Sa suot palang namin nakakaagaw na ng tingin. Ang mga tao rito ay nakasuot ng mga simpleng damit habang kami hindi at suot pa namin ang aming mga kapa, it's a navy blue cape with a gold pin. Too much of an attention seeker, nagpatuloy nalang kami sa paglalakad, hindi pinapansin ang mga tingin ng mga tao na nadadaanan namin.

"We need to find Adiya as soon as possible" ani Pyrrhos.

"San naman natin siya hahagilapin? We don't even know this world. We've never been to this world" sagot naman ni Storm.

"Sino bang may kasalanan kung bat nandito tayo?" inis kong tanong sakanya saka ko siya inirapan.

"Oo na, kasalanan ko na" Storm accepted his defeat.

"Pero sigurado ba kayong nandito si Adiya? Bakit naman siya pupunta rito?" dagdag na tanong niya. Oo nga, pano kung nasa gubat pa siya? Pano nalang siya? Hindi siya pwedeng mapahamak.

"She's here" simpleng sagot ni Pyrrhos? Napakunot noo nalang kaming lahat?

"Pano mo naman nalaman na nandito siya?" tanong ko naman sakanya.

"I just know," he said then shrugged. "We need to find her before they do" dagdag pa niya.

Tama siya kelangan namin siyang mahanap bago pa nila siya makuha. Mas nanganganib ang buhay niya ngayon. I cursed through my breathe. Hindi ba alam ni Adiya yun? Hindi nanaman siya nag iisip. Mas delikado ngayon ang buhay niya lalo na't nandito siya sa labas. Mas dadami ang kalaban, mas darami ang mga taong gusto siyang kunin at gamitin kaya kailangan namin siyang mahanap sa lalong madaling panahon.


Load failed, please RETRY

Status Power Mingguan

Rank -- Peringkat Power
Stone -- Power stone

Membuka kunci kumpulan bab

Indeks

Opsi Tampilan

Latar Belakang

Font

Ukuran

Komentar pada bab

Tulis ulasan Status Membaca: C9
Gagal mengirim. Silakan coba lagi
  • Kualitas penulisan
  • Stabilitas Pembaruan
  • Pengembangan Cerita
  • Desain Karakter
  • Latar Belakang Dunia

Skor total 0.0

Ulasan berhasil diposting! Baca ulasan lebih lanjut
Pilih Power Stone
Rank NO.-- Peringkat Power
Stone -- Batu Daya
Laporkan konten yang tidak pantas
Tip kesalahan

Laporkan penyalahgunaan

Komentar paragraf

Masuk