Unduh Aplikasi
26.66% My Secret Wife and I (Tagalog) / Chapter 8: Chapter 8

Bab 8: Chapter 8

Pagkatapos ng uwian ay nagtext sa kanya si Kent. Kinuha ni Ada ang cellphone sa loob ng bag at binasa ito.

"Hihintayin kita sa kanto na binabaan mo kaninang umaga." text ni Kent sa kanya.

"Ah, hwag na, may pupuntahan pa kasi ako eh." reply ni Ada.

"Okey." reply ni Kent.

Pagkatapos ay nauna nang umuwi si Kent, samantalang si Ada naman ay dumiretso sa pinapasukan niyang Coffee Shop.

Pagdating niya doon ay kaagad siyang nakita ng kanyang manager, at tinanong siya nito kung bakit siya absent ng ilang araw.

"Oh, himala may gana ka pang pumasok!" wika ng Manager niya.

"Pasensya na po Sir, nagkasakit po kasi ako eh, kaya po hindi ako nakapasok." pagsisinungaling ni Ada.

"Ganun ba? Oh sige na, magtrabaho ka na nga!" wala namang nagawa ito sa pagdadahilan niya.

"Ok po, thank you po Sir." wika ni Ada at nagtrabaho na siya.

Samantala, sa mansyon naman ay naghihintay silanDon Manuel kay Ada na dumating. Nagtaka sila dahil maghahapunan na ay wala pa si Ada. Nag-aalala na ito kay Ada.

"Iho, ano ba sabi sayo ni Ada, abay gabi na wala pa?" wika nito.

"Lo, sabi nya po may pupuntahan pa siya kanina, kaya nauna na po ako umuwi. Siguro, mauna na po tayo kumaen, baka mamaya pa po yun dumating." wika ni Kent sa kanyang Lolo.

"Ah, basta hindi ako kakaen hanggat hindi siya dumarating!" galit na wika nito.

"Pero Lo, kailangan nyo pong uminom ng gamot." wika ni Kent pero hindi sya pinakinggan ng kanyang Lolo at pumasok na ito sa kanyang kwarto.

Tinatawagan at tenitext niya si Ada, subalit hindi ito sumasagot. Naiinis na din si Kent, sa pang dedeadma ni Ada sa tawag at text niya.

"Nasaan na ba ang babaeng yun! Humanda talaga sya sakin pag-uwi nya!" wika ni Kent.

Samantala, sa coffee shop naman ay busy si Ada sa pag-aasikaso ng mga customer. Madami ang customer nila ngayon, kaya hindi na siya nakapag short break. Nung oras na nagpaalam na magccr sya ay tsaka na lamang niya nabasa ang mga text ni Kent. Nakita niya ang 50 miss calls nito at 80 text.

"Nasaan ka ba? Umuwi ka na!"

"Sagutin mo tawag ko!"

"Bakit di ka sumasagot?" ...etch.

Sobrang dami na ng text ni Kent skanya, kaya siguradong lagot siya pag uwi.

"Hala, lagot ako, siguradong galit na si Kent sakin." wika ni Ada sa sarili.

Pag-close ng Coffee Shop, ay agad-agad na siyang umuwi. Bago buksan ni Ada ang pinto ng masyon ay huminga muna sya ng malalim. Dahan-dahan niya itong binuksan, nakita niyang walang tao. Dahan-dahan niyang isinara ang pinto ng biglang...

"San ka galing?" sita ni Kent.

Nagulat naman si Ada sa boses ni Kent, kinakabahan siya dahil siguradong galit na ito sa kanya.

"Alam mo ba kung anong oras na?" wika ni Kent.

Dahan-dahan siyang humarap kay Kent na naka pamaywang at nakatitig ng masama sa kanya.

"Alas onse na. A-ano kasi, may pinuntahan..." putol ni Ada sa sabihin.

"Saan ka ba talaga nagpunta? Kanina pa ako tawag ng tawag at text ng text sayo, hindi ka man lang sumagot! May lalake ka ba?" wika ni Kent habang nakatitig ito kay Ada.

"Ha, hindi wala akong lalake! Pumunta kasi ako dun sa work ko, sa coffee shop. Di ba nabanggit ko na sayo yun minsan." wika ni Ada habang kinakabahan.

"Work? Bakit kailangan mo pang magwork?" tanong ni Kent sa kanya, dahil kung tutuusin ay hindi naman sila mahirap para magwork pa si Ada. Binibigyan ito ng allowance ng Mommy niya at ng Lolo niya. Kaya sobrang pagtataka ni Kent, sa alibi nito.

"Ah kasi, gusto kong -" hindi na natuloy ang sasabihin ni Ada ng makita si Don Manuel na palapit.

"Iha! Mabuti dumating ka na! Alalang-alala na kami sayo. Akala ko kung napano ka na." wika nito.

"Lolo, pasensya na po kung ngayon lang ako nakauwi, may pinuntahan pa po kasi ako eh." wika ni Ada.

"Oh sya, sa susunod magpapaalam ka ha, para hindi kami nag-aalala sayo. Tara at kumaen na tayo!" wika nito.

"Ah hindi pa pala kayo kumakaen?" wika ni Ada.

"Hindi pa! Dahil sa kaaantay sayo!" galit na wika ni Kent.

"Sorry po, kung naghintay kayo sakin." wika ni Ada.

"Sige na, kumaen na tayo." wika ng Lolo nya.

Pagkatapos kumaen ay umakyat na kaagad si Ada sa kwarto, sumunod naman sa kanya si Kent.

Habang namimili ng damit na susuotin ay dumating si Kent. Galit parin ito sa kanya at agad siya nitong kinausap.

"San ka ba talaga nagpunta ha?! Nakailang beses kitang tinawagan at tinext, ni isang reply hindi mo ginawa!" sigaw ni Kent sa harap niya, napaupo naman si Ada sa gilid ng kama.

"Pasensya na talaga, busy lang kanina sa work eh, kaya 'di ko na nacheck yun phone ko." paliwanag ni Ada.

"Work?! Bakit ba kailangan mo pa mag work ha? Hindi pa ba sapat ang ibinibigay ni Lolo sayo?" wika ni Kent.

"Sapat naman yun, actually, sobra-sobra pa nga eh, pero hindi ko naman ginagastos yun! Ayaw kong iasa sa ibang tao ang pamumuhay ko! Kaya ako nagtratrabaho, para kumita ako ng sarili kong pera! Pera na pinaghirapan ko!" wika ni Ada.

"Pera, pera lang problema mo? Ito, pati allowance ko sayo na!" pagkawika ni Kent ay kinuha niya ang wallet niya at nilagay niya lahat ng pera niya sa wallet ni Ada.

"Teka, anong ginagawa mo?!" pigil naman ni Ada sa kanya.

"'Di ba sabi mo kailangan mo ng pera? Ayan! Sayo na lahat yan! At umalis ka na sa work mo! Kung kulang pa yan, dadag-dagan ko pa yan!" sigaw ni Kent.

"Kent, hindi mo ko naiintindihan!" sigaw ni Ada.

"Ako, ang hindi mo naiintindihan! Alam mo bang hinintay ka nun matanda? Kahit kailangan niyang uminom ng gamot, hinintay ka pa rin niya!" galit na wika ni Kent at hinawakan ni Kent ng matindi ang baba ni Ada habang sinasabi ang...

"Kapag magkasakit ng dahil sayo ang Lolo ko, hindi kita mapapatawad! Tandaan mo yan!" mariing sinabi ni Kent kay Ada, tinitigan pa siya ng masama ni Kent bago siya malakas na binitiwan pahiga sa kama. Pagkatapos ay tinungo nito ang pinto at malakas nitong isinara.

Sumakit naman ang mga bagang ni Ada sa lakas ng pagkakahawak ni Kent sa mukha niya. Medyo natakot din siya kay Kent, dahil sobrang galit na galit ito sakanya. Napaiyak na lamang si Ada sa takot.


Load failed, please RETRY

Status Power Mingguan

Rank -- Peringkat Power
Stone -- Power stone

Membuka kunci kumpulan bab

Indeks

Opsi Tampilan

Latar Belakang

Font

Ukuran

Komentar pada bab

Tulis ulasan Status Membaca: C8
Gagal mengirim. Silakan coba lagi
  • Kualitas penulisan
  • Stabilitas Pembaruan
  • Pengembangan Cerita
  • Desain Karakter
  • Latar Belakang Dunia

Skor total 0.0

Ulasan berhasil diposting! Baca ulasan lebih lanjut
Pilih Power Stone
Rank NO.-- Peringkat Power
Stone -- Batu Daya
Laporkan konten yang tidak pantas
Tip kesalahan

Laporkan penyalahgunaan

Komentar paragraf

Masuk