Unduh Aplikasi
24.13% What If? (Book 1 Of Questions Trilogy) / Chapter 7: Chapter 5: Incidents

Bab 7: Chapter 5: Incidents

*C10's POV*

(IVER'S CHAPTER🖤)

🖤KINAUMAGAHAN🖤

*Kriinngggggg! Kriinnggggggg*

Nagising ako sa ingay ng alarm clock na nakatapat pa ata sa tainga ko, ayss! Napakaingay talaga ng bagay nato, nakakayamot masyado!

Napadilat tuloy ako ng mga mata ko ng wala sa oras at agad na naramdaman ang pananakit ng ulo ko. Ipinagsawalang bahala ko nalang ito dahil nakasanayan ko na r---

"Haaaaaaaaaa! Gudmorning pareeee!" Nagkukusot ang matang inat ni kie, kagigising lang rin ng loko.

At nakakagulat dahil biglaan ang pagbati nito. Pero masanay na kayo ganyan talaga siya eh,hehe.

Ngunit naagaw ng atensyon ko ang suot-suot nitong kulang gray na v-neck shirt, hindi siya nakaganyan kahapon ah!

Nang kusang mag-flashback ang paghahagis ni franchesca saken ng t-shirt na yun ay agad akong nagtanong sa kupal nato.

"OY! Nakalong-sleeves ka kahapon diba?" Binatukan ko muna ito bago ako magsalita.

"Aray! Badmorning naman yang pambabatok mo!" Malayong sagot niya sa tinatanong ko.

"Oy loko! Sumagot ka kasi ng maayosss!!!" Sigaw ko rito. Nakakayamot ang puta ayys!

"Woh, easy pre! Nakita ko to dito sa kama ko eh, amoy alak ako kahapon kaya nag-wash up ako, samantalang ikaw eh di man lang nag-abalang linisin yang ngipin mo,yays! Anjontot tuloy ng hininga mo!" Nakataas ang kilay at tatawa-tawang tugon nito.

Langyang to, kailangan munang mang-insulto bago sumagot ng maayos eh no? Jombagin ko kaya ng magtino, badtrip na!

"Loko, hubarin mo yan." Masama ang tinging ani ko.

"Hays, nababakl---" hindi ko na siya pinatapos at agad na pinutol sa sinasabi nya.

"Huhubarin mo o tatama ng diretso sa mukha mo tong kamao ko?" Seryosong tugon ko sa kanya kasabay ng pagtaas ko ng kamao kong binilog ko.

"Weyt lang paps, eto na nga diba huhubarin na nga eh, bwahahaha!" Saad niya bago tuluyang hinubad ang t-shirt na yun, hayys! Ako dapat magsosoot niyan eh, badtrip na ulupong na!

"B-b-- Hayyy! Nako!" Kasalukuyan ko ngayong kinakamot ng todo ang ulo ko sa kahayupan na ginawa ng kupal nato. Kainis! Bat di ko pa kasi sinoot kahapon eh?! Yan tuloy, nadali na!

Yung tipong di mo matuloy-tuloy yung sasabihin mo dahil gusto mong magpatumba ng tao, yah ganyan nga, hindi sapat ang bigwas at batok, langya!

"Woah, bat ba napakainit ng ulo mo ngayon pare? Past is past~ Yesterday isn't Today~ Because yesterday is a past that will never be today~ woohoo~" Nang-uulol na namang ani neto. Kumanta pa ng wala sa tono, mapalapa nga mamaya yan sa aso.

Siya lang gumawa ng bawat liriko nayan, baka si-nearch niya pa nga sa google yan eh. Bobo sa english yan, yan ang katotohanan.

Isang malutong na batok na naman ang dumapo sa ulo niyang bato. Di na marunong masaktan ang loko at patuloy pa rin talaga sa panggagago. (Sshh,badword)

"Put---" agad kong tinakpan ang maingay na bunganga niya at muli ay binigwasan siya.

Muntikan ng magpakawala ng malutong na mura! Ays! Bawal yun!

diba bad yun mga tropa?

"Weyt lang tropa, let's cut this shit for a while."mahinahon at seryoso sa ngayong ani niya.

Napataas ang kilay ko sa paraang hinihintay ang mga kasunod na sasabihin nya matapos ang panibagong mura, tss.

Bunganga talaga nito! Ansarap pasuin ng plantsya'ng nakatodo ang init ng bigla ng lang mawala ang labi niya, dahil di uubra ang malapnos lang mga tropa.

"Bat di ko napansin? Namamayat ka ah...! Are you taking drugs? Tamang solvent boy, or what?" Seryoso pa ring ani neto.

Dito ko na di napigilan ang sarili ko, sorry mga tropa pero hindi ako santo.

"Gago ka ba?" Nakakunot ang noo kong tugon dito. Halos lumuwa na ang mga mata kong ramdam na ramdam ko mismo ang panlilisik dito.

"BWAHAHAHA! Hindi naman mabiro to! Joke lang pare! Pero seryoso bat namamayat ka? Kinulang ang supply ng pagkain mo nung nasa US ka? Or di ka nabigyan ni tita ng kwarta kasi naman ay naglayas ka?" Dire-diretsong tanong nito na mas lalong nagpakunot ng noo ko.

Nakakapikon talaga tong tarantadong to.

"Tumigil ka nalang sa pagtatanong kung gusto mo pang mabuhay." Diretso ang tingin ko sa kanya na nagpataas ng dalawang kamay niya na parang isa akong pulis na nanghuhuli ng nakahubad na tambay sa kanto.

"Ibaba mo nga yan gago, nakakairita ka na." Seryoso at masama pa ring tingin na baling ko sa loko.

"Sabihin mo muna sa akin ang dahilan kung bakit x-ray ka nalang?!" Nakangising tugon nito at mas tinaasan pa ang pagtataas ng dalawa niyang kamay na parang sumasamba sa santo. Ansarap talagang upakan!!! Ayys!

"Tss." Tanging ayan na lang ang lumabas sa bibig ko. Mahirap na, umagang-umaga ay baka maging problema pa sa ospital ang loko pag lumapat ng diretsyo tong kamao ko sa mukha niyang sukdulan ang tigas.

"Pero kailangan nating mag heart-to-heart talk tropa. May feelings ka ba sakin?" Nakangising ani niya. Kailangan ko bang sampolan ng tumigil na mga tropa?

"Sinasagad mo ba talaga pasensya ko kie?" Akalain nyo nga namang mas may isasama pa pala ang tingin ko. There's a beast inside my eyes. Manlalapa to pag nakawala, in short 'bigla na lang may bubulagta'. Tss.

"Gusto ko lang sanang kumpirmahin loko, at mukha ngang tama ang hinala ko." Seryoso na sa ngayong ani niya. Mahilig siyang magpapalit palit ng mood, may mood swings ata. Dinatnan siguro to.(sige lang maniwala kayo)

Pero anong tamang hinala? Tsk. Malay ko ba kung maling akala yan at magaya pa siya sa kanta.(search nyo:maling akala lalabas na yon sa YouTube hehe)

"Totoo ba pr---" naputol ang sinasabi niya ng biglang may sagabal na kumatok.

*tok*tok*tok

"Oy! Bumaba na daw kayong dalawa tss, ginawa pa akong katulong dito badtrip." Iritadong boses ni matt na halatang kagigising lang rin ang narinig namin sa labas ng pintuan.

Narinig na lang namin ang mga yabag ng loko papalayo. May mga topak yata lahat ng tao ngayon, ano?

"At isa kana don loko! Balakanadyan!" Tuloy-tuloy na sabi niya at binuksan ang pintuan para siguro bumaba na.

Napaisip tuloy ako sa sinabi niya ngunit hindi ko akalaing hindi pa pala siya tapos sa buhay, dami niyang sinasabi. Tss.

"Sana lang paps mapanindigan mo ang desisyon mo, pinili mo yun eh, sana hindi ikaw ang talo." Nakita ko pa ang pagkikibit-balikat niya habang nakatalikod na at nagsisimula nang maglakad patungo sa baba.

Muli ay napaisip ako. Kahit ano namang piliin ko, ako pa rin ang talo. Mas masakit nga lang kapag ipinagpilitan ko pa ang isang pagpipilian at ganito rin naman ang kalalabasan. Siguro tama nga itong pinili ko, ito na lang.

"Hmmm." Napabuntong-hininga nalang ako at napagdesisyunang magsipilyo. Mukhang totoo nga ang sinasabi ng loko, may naaamoy akong utot, at magkalapit ang ilong sa labi, remember?

Nang makapasok sa banyo ay agad-agaran kong hinanap ang sipilyo.

Asan? San na sipilyo ko?

Napakamot na lang ako sa ulo ko at tsaka naalalang hindi ko nga pala bahay to, badtrip na! Wala ako sa condo ko! Nakala kie ako, ayys!

Kaya ito ako ngayon at walang choice kundi ang kamay ko na lang ang gamitin kong sipilyo. Nakakatusok rin siguro to dahil bukod sa buto ang sabihin kanina ni kie ng pagmasdan ang namamayat na katawan ko ay x-ray ang napagtripang sabihin. Pero saglit pang, bat bako nakikinig sa kupal na yon? Tsk. Sapakin ko pa yun eh! Kanina pa ako trip, badtrip umagang-umaga,hays!

Nang matapos ang pagsisipilyo't paghihilamos ay napagpasyahan ko na ring bumaba, nakakahiya. Pinababa kami kanina ng iritadong loko, ni di ko nga alam kung bakit ganon ang mood non, di naman siya ganyan dati, baka di sinagot ng nililigawan nya? Oo nga no? Baka binasted o sumuko na ng kusa ke ria, pffftt kawawa! BWAHAHA!

Kaya ayun ang nangyari, bumababa ako ng hagdan ng parang lasing sa kanto at nagkanda-bunggo-bunggo na sa gilid ng bawat palapag ng hagdan sa kakahalakhak. Potana! Hahahaha!

Nang makababa ay agad natigil ang malupitang paghalakhak ko sa nakita ko. Bakit sila nakaabang sa pagbaba ko? Eh sa pagkakaalam ko tapos na bertday ko eh!

"Ay! Jusko kang bata ka! Kala ko naman kung napano ka na!" Kakamot-kamot at kabadong sigaw ni tita el sakin hahaha! Hayup naman eh bat ko ba kasi naalala ang senaryong yun? Hehe ma-flashback nga ng maka-relate kayo.

*flashback

Naglalakad kami sa corridor ngayon, malakas na loob naming magpagala-gala dahil papatapos na rin naman ang sem hehe. Kahit di naman papatapos eh halos lagi kaming naghu-wholeday eh ssshh! Wag maingay at huwag gagaya mga bata,hehe. Pero ang pinaka-advantage namin sa mga gantong panahon eh walang masyadong tao dito sa corridor bukod sa nakikita namin sa ngayong kumpulan ng tao'ng hindi kalayuan sa pwesto namin. Eh dahil sa pala-usisa kami eh nagpunta agad kami kung saan marami ang mga hayop sa paligid hehe.

At ayun! Boom! Sa isang iglap napanganga kaming lahat sa nakita namin, si matt naman siguro eh ilang beses ng pinukpok ng martilyo sa ulo, (hindi literal wag lutang hehe) ng dahil sa nakikita namin sa ngayon! Ohu! Palabasin na ang kabayong may pakpak na nag-trending noon dahil iba na nga ata talaga ngayon ang panahon!

Babae na ang lumuluhod sa lalake?Nye?!

At dahil kinakain na kayo masyado ng kuryosidad nyo eh akin nang ilalahad ang kabalbalang ito hehez.

Nakaluhod lang naman kasi ang bebe ni matt sa labas ng room ng isang lalakeng hindi namin kilala. Pero bat niluluhudan? Di dapat ganyan!

At dahil mga boboboys kami eh sige! Sugod! At napahiya lang kami sa nakuha naming impormasyon matapos ang pangingialam.

"Kayong mga bata kayo imbes na pag-aaral ang inuuna nyo eh puros pagiging usisero't usisera ang inatupag ninyo! Magsilayas nga kayo dyan!"

Hays. Savage lvl 999999999! Tentenenennnn! Tatay na pala! Bat kasi mukhang bata? Potana! Nakakapamutla ang mga salitaan mga tropa, hindi lang ang lupa ang nangangain samin sa ngayon kundi pati na rin ang dagat ay lilipat na at isang malaking tsunami't ipo-ipo na tuluyan nang babagsak saming mga bobo! Ey! Putsaa pahiya! HAHAHAHAHA!

*end of flashback

(Helloowww pipowlsss! Miss nyo bako? Syempre hinde, wala kong kwenta eh di marunong mag-update, pabibo lang ng taon hehe. So ayun! Hahaha! Sorryyyy! Lutang po kasi talaga ako pagtapos ng Christmas break kaya etooo! Di nakapag-update HAHA! Btw! Thank u paren, god bless u all! Mwah! Labyu! At mga kyut sherkolang ho epic nakoooo! Yey! Ays sorry HAHA! Kaya hindi po ako makapag-update eh hindi po kasi ako makagalaw sa kama ko kaka-emels! Hehe! Add me cuties! Tyyyy!

USERNAME: That's_mej)

Matapos ang malupitang pagbabalik-tanaw ng mga bagay-bagay ay kusang bumalik sa reyalidad ang mundo at nakita ang iilang taong nakabusangot ang mukhang na sa akin lahat ang paningin. Yays! Nakakakilabot! Ano ba ang aking ginawa?lol BWAHAHA!

"Hmp! Sige na at maupo ka na dyan sa mesa at baka makapaso pa ako ng batang di marunong sumunod pag nagkataon, ays!" Singhal ni tita el at muling naglakad patungo sa kitchen.

Pftt! Ano ba kasing katangahan ang ipinasok namin? At h----

Naputol ang walang kwenta kong pag-iisip ng makitang hanggang ngayo'y masama pa rin ang tingin sakin ng kumag na matt, pft inano ko ba to?

Mas lalong kumunot ang noo niya na para bang si sensei na ine-examine ng napakalalim ang tumatakbo sa walang laman kong kokote,hehe.

Paglingon ko naman sa kabila eh nakita ko si kie na nakangising aso, sabagay ano pa bang bago? Tss.

At dahil sa magkaibang ekspresyon ng dalawang dascio sa magkabilaan ko eh di ko malaman kung anong mararamdaman ko, jok! Natatawa pala ako, hehe. Bobo kasi si matt eh ay jok ulit kami rin pala, hehez.

Malamang eh alam na ni kie ang tumatakbo sa utak ko, hindi man ako madaling basahin pero ano pa bang aasahan nyo sa sensei version 2.0'ng loko? Tss, edi malamang lahat ng tumatakbo sa kokote ko eh mabibisto!

Buti nalang eh perfect timing ang tita el ko, hehe. Baket? Dahil andito na po siya ngayon sa hapag-kainan mga madla, nakabusangot ang mukha habang inihahanda ang napakasarap na almusal sa balat ng lupa! Wanna know what? Yoko nga! Baka makihati pa kayo eh,bleh hehe!

Kaya ayun nawala ang tingin sakin ng dalawang kumag na magkapatid, sarap pag-umpigin ng mga bugok eh, tss!

Isang pikon, at isang loko-loko. Pero alam kong ako ang asar talo kapag nagkataong pagtulungan ako ng mga tarantadong to!

Hehe! So eto na, saglit lang mga madla,ha? Ansarap talaga ng putahe'ng nakahain sa lapag eh, I can't even, charot conyo? BWAHAHA!

(I'll finish this chap. today, as in today, mark my word, march 4, 2019, haha!Thanks for supporting i love you all❤️)

Kaya ayun, natural sa mga lalake ang malakas kumain girls, you know para magmukhang disente at hindi buto-buto sa paningin ninyo, at alam ko ring mahalaga ang pag-g-gym once a week para ma-enhance ang muscle at abs, para maglaway kayo sa mga katawan namin to be precise, hehe jok lang. We're humble and we have an appeal in a unique way na papatinginin kayo sa amin lang mismo at talagang magugustuhan ninyo ng pang-habangbuhay,hehe.

Kaya eto ako ngayon anlayo ng mga pinagsasasabi ko sa nangyayari sa hapag-kainan, bwahaha! Magkakagalit ang lahat ng tao kapag kumakain okay? So don't aim for a world peace on this kind of situation, jok lang ule,bwehehe!

Seryoso ang lahat ng tao pagdating sa mga pagkaing mapanukso, diba pipowls tama ako no?

Matapos ang masarap kong kain eh nagpaalam na ako kela tita pati na rin sa mga ululin kong papiz para makauwi na.

*parking lot

"Oh sige na, mag-iingat ka sa pag da-drive pamangks ah? Huwag loloko-loko sa daanan, hindi ikaw ang hari nyan!" Nakataas ang kilay at tatawa-tawang huling habilin sa akin ng kyut kong tita bago ako sumibat.

"Of course ta! Ako pa ba, psh!" Mayabang na tugon ko rito.

Agad naman akong binatukan ni tita habang nanatili parin ang ekspresyon niya kalaunan.

"Oh? Alis kana?" Nakataas ang kilay na sabat naman ng kumag na matt ng makita ang pamamaalam sa akin ng kyut niyang nanay.

"Baket? Yaw moko paalisin?" Nakangising tanong ko rito.

"Loko, sipain pa kita papasok diyan sa auto mo eh!" Bulyaw ng kumag sabay batok.

Potcha, aray! Dalawang kamay na yun ah, kawawang ulo naman to! Pimagdiskitahan na nga ng todo-todo kahapon eh hindi pa rin matigil-tigil ang panta-target dito hanggang ngayon,tss.

"Hep!" Boses ng isa pang ulupong ang narinig kong papalapit sa kinaroroonan ko, tss. Papasok na nga sana ako ng auto eh!

"Uhmm, sarap!" Sambit ng loko matapos akong batukan ng solid sa namanhid ko ng ulo. Aray,potana!

"Para naman makalog yang utak mo tropa, hindi ka dapat laging pakabayani't pabida loko!" Masama ang tingin na baling sa aking ng kararating lang na si kie.

"Onga!" Sulsol naman ng kumag na matt.

"Learn to be happy, pamangks. Learn to give yourself a chance sa mga bagay na deserve mo, we only live once, mas worth it if you would take a risk!" Kampi naman ni tita sa mga anak niya!

Hays, ano pa bang aasahan ko sa pamilyang to,tss.

Matapos ang iilang mga banatan ng mga kamag-anak kong to eh agad na akong pumasok sa auto ko, mahirap na, mapaniwala pa ako sa isa pang pagkakataon. One more chance eh hindi ko nga binigyan ang sarili ko ng chance na maipahayag man lang sa kanya tong nararamdaman ko eh,tss.

Malamang eh bawal nga kasi eh. Kahit gaano mo kamahal ang isang tao ay kailangan mong respetuhin ang bawat desisyon niya madurog ka man, wala lang yan, ang mahalaga masaya siya.

Muli'y marami na namang ala-ala ang nagbabalik-tanaw ng makaalala ako ng tungkol doon. Sunod-sunod eh, para bang domino.

Habang nagmamaneho ay para akong tanga'ng hindi malaman kung saan ba talaga ang daan'g tatahakin ko, lutang na gago,tss.

Ngunit isang kulay asul na auto ang nagpabalik sa ulirat ko. Naaninag ko sa may kalayuan ang kotse'ng un. Kotse ba ni franchesca yun?

Sa hindi ko malamang dahilan ay biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Yung tipo bang tibok na kinakabahan, sobrang bilis nito at hindi ko alam kung bakit ganun.

Nang makalapit ay mas nakita ko ng malinaw ang kalagayan niya at--.....

Napababa agad ako malapit sa kotse niya na ngayo'y naglalabas na ng may kalakasang apoy! Putcha! Anong nangyare?!

"FRANCHESCA?!"

Sobrang bilis ng tibok ng puso ko ng makitang nagdurugo ang bandang noo ni franchesca at walang malay na nakahiga sa driver's seat.

Agad ko siyang binuhat papunta sa sasakyan ko at nagmamadaling inilayo sa kanyang sasakyan na alam kong kahit anong oras ay maaari ng sumabog.

Ano bang nangyare sa kanya?!

"FRANCHESCA, Wake up, please!" Sobrang frustrate ng sigaw ko.

Agad ko siyang ipinasok sa passenger's seat at agarang nagmaneho sa alam kong pinakamalapit na ospital dito.

*hospital

Nang makarating sa ospital ay agad kong tinawag ang pansin ng isang nurse na pinakamalapit sa kinaroroonan ko.

"Nurse, nurse! P-pakidala siya sa emergency room, n-ngayon na!" Sigaw ko matapos ang mabilisang pagtakbo.

"Pero sir, meron pa pong nasa e.r, mas critical po ang kalagayan kays---"

"Putcha! Kailangan pa bang maging kritikal ang kalagayan nito ng madala nyo na jan sa putanginang e.r na yan?!" Nanlilisik ang matang bulyaw ko sa walang utak na nurse nato.

"Sir, wag naman po kayong masyadong maingay nakakahiya sa mga pamilya ng pasyen---"

"Wala ka bang utak? Bat ka pa naging nurse? Nakikita mo ba tong kasama ko,ha?!"

"Sorry po sir, I'll just check the last patient in the e.r if ever tapos na po siya."

"I don't care, you stupid! Palabasin mo yung pasyente mo diyan babayaran ko kahit magkano gusto niyo, unahin nyo to, wag kayong tanga!"

"Wait sir." Mabilis na umalis ang nurse at agad rin siyang nakabalik wala pang isang minuto.

"The bed is clear napo, this way sir." Nakatungo at magalang na tugon nito.

Agad akong sumunod sa kanya at hanggang ngayo'y ramdam ko pa rin ang lakas ng tibok ng puso ko.

Alam kong walang mangyayari'ng masama sa kanya. Ngunit hindi ko pa rin lubusang maisip ang dahilan kung bakit niya ginawa ang bagay nato.

Agad ko siyang inihiga sa kama at mabilis na hinalikan ang ulo niya bago lumabas ng room nayon.

Sa ngayo'y pinapakalma ko ang sarili ko pero hindi ko magawa, palakad-lakad ako sa ibang direksyon, at muling babalik sa harap ng room kung nasaan si franchesca.

Nang mahimasmasan ng kaunti ay agad kong naisipang tawagan si alex.

Matapos ang ilang ring ay agad rin niyang isinagot ang tawag.

"Hey bro, what's up? Musta?" Maligayang panimula nito.

"Alex kelangan mong pumunta dito sa ospital ngayon na!" Mabilis kong sabi rito.

"Ha? Ospital? B-bakit? A-anong nangyare?" Magkahalong pagtataka't takot ang mababakas sa boses nito.

"Si franchesca, nadisgrasya! Anuba?! Magtatanungan pa ba tayo rito?!" Hindi ko na napigilan ang sarili kong uminit ang ulo sa dami ng tanong nito.

"Sorry, sorry paki-text kung saan banda yan bro, please."

"Sige, bilisan mo." At agad ko nang pinutol ang usapan.

Napahawak na lamang ako sa sentido ko at hinilot-hilot ito. Matapos ang ilang saglit ay hindi ko namalayang nakaupo na pala ako sa waiting area habang nakayuko't hindi ko na malaman pa ang ekspresyon ko sa ngayong halo-halo na ito.

Makalipas ang iilang minuto ay naaninag ko na sa di kalayuan si alex, siguro'y nagtatanong nato kung asan ang room ni franchesca.

Agad ko siyang tinawagan at bago pa niya ito masagot eh napansin niya na rin ako rito sa upuan, nakatungo at nananatiling naghihintay sa muling paggising ni franchesca.

"Pre, anong nangyari sa kanya? Is her condition already stable? Is she okay?" Sunod-sunod na tanong nito.

"Yes, but as her best friend I'm truly worried parin pare." Nag-aalalang tugon ko.

"Yah, that's normal, and I should thank you for this bro, salamat you saved franchesca's life." Malungkot ngunit nag-aala'ng sambit nito.

"Wanna see her?" Pag-iiba ko ng usapan.

"Yah, is her room over here?" Nakataas ang kilay na turo niya sa e.r.

"Yah, balitaan mo nalang ako." I said at tatayo na sana ako para umalis na ngunit napigilan ako ng mga salita niya.

"No, you should stay here, she needs us." Malumanay na tugon nito bago tuluyang pumasok sa kwarto kung asan si franchesca.

Need? Don't he dare says that! Best friend my ass! Hindi niya lang alam kung gaano ako kabaliw sa girlfriend niya,shit!

Napaupo nalang muli ako rito waiting area at hindi ko alam ang pumasok sa kokote ko na dahilan ng bigla kong pagtayo at dire-diretso'ng nagtungo sa pintuan kung nasaan ang dalawa. Shiz! What am I doing?

Bubuksan ko na sana ang pintuan ngunit nabigla ako ng may marinig akong sumisigaw na boses.

"Why do you even bother to get here?!"

Boses ni franchesca ang una kong narinig nang mabuksan ko ng kaunti ang pintuan.

"I still cared for you, please let me stay here, kahit sandali lang."

Nakatungong sagot naman ni alex.

What's wrong with them? What the fuck is happening?!

"No you don't have to, hindi mo na ako priority, at isa pa hindi na rin naman tayo." Nakangiti ngunit malungkot na mata ang nakikita ko ng sabihin niya ang mga katagang yan.

"That's not important, and that's not true either, alam mong kahit kailan anupamang mangyari ay ikaw ang priority ko." Nakatungong tugon nito.

"So, if you really prioritize me, you would leave now because that's what I want you to do." Malayo ang tinging sagot ni franchesca rito.

"I'm sorry franchesca, alam ko kung gaano kita nasaktan, I'm sorry for everything I did, I'm sorr---"

"I said you don't have to say and do everything for me, that's forgiven. Now I'm begging you to stop and leave."

"Okay I will. But promise me you'll not let this happen again."

"Hindi ko maipapangako, coz every promises are meant to be broken."

"Alam kong mahirap para sayo to, but please."

"Okay, can you leave now?"

"Again, I'm sorry, you should take a rest and drink your medicine, mauuna nako."

Nang marinig ko ang huling sinabi ni alex ay agad kong isinarado ang pinto at nagmamadaling muling umupo sa kinauupuan ko kanina.

"Oh pre, wag mong sabihing aalis kana agad?!"

"Oo bro eh, pakibantayan nalang siya ah, make sure she would drink her medicines."

"Oo naman, maaasahan ako diyan, ako pa ba?"

"Thanks, bye." Huling sambit niya bago tuluyang lumakad papalabas.

Nang mawala si alex sa paningin ko ay muli'y napahawak ako ng ulo at unti-unting napagtagpi-tagpi ang mga pangyayari.

Kaya ba ginawa to ni franchesca ay dahil don? What's with the break up? Is it real? Or galit lang talaga si franchesca? I'm probably sure my mind will just blow up anytime. Ansakit na ng ulo kakaisip sa mga pangyayari.

Nang muling mahimasmasan ay ako naman ang sumunod na magpakita kay franchesca, sa totoo lang kinakabahan din ako sa ngayon. Malay ko ba kung sisigawan niya rin ako diba?

Nang tuluyang makapasok ay napatingin sa akin ang nakahigang anghel, pft kahit kailan ang baduy ko talaga, badtrip!

Papalakad palang ako papunta sa direksyon niya ng agad siyang nagsalita.

"Thank you." Nakangiti'ng panimula niya.

Nang tuluyang makarating sa kinaroroonan niya ay agad akong naupo sa gilid ng kama niya.

"Wala yun. Masakit pa ba?" Nginuso ko ang noo niyang may bandage pa sa ngayon.

"Hindi na andito kana eh." Nakangising sabi nito.

"H-ha?" Nagtatakang tugon ko kasabay ng muling pagbilis ng pintig ng puso ko.

"Haha jok lang, pero real talk, salamat par." Nakangiti muling sambit niya.

"Wala nga yun, tss!" Nakagiti ring tugon ko.

"Weyt nakalimutan ko, sigurado akong wala na yung kotse mo." Malungkot na pag-iiba ko ng topic.

"Bakit? Oks lang yun, malay mo naman nasa langit napunta diba?" Muling nakangisi at tatawa-tawang tugon nito.

"Ays! Loko ka talaga! Di ako nagbibiro, wala na talaga yung kotse mo, as in sumabog na." Papahina ng papahinang sabi ko.

"Alam ko, sinira ko na talaga yun."

"I'm worried franchesca, hindi biro yung ginawa mo."

"Alam ko ulet, gusto ko na nga sanang matuluyan---"

"Wag ka ngang ganyan! Marami kaming nag-aalala sayo rito! Please don't make any decision na alam mong makakasakit ng nakakarami."

"Woh, weyt! Lalim ah, pero sorry. Naging makasarili nga siguro ako sa desisyon kong baluktot." Nakangiti ngunit malungkot pa rin ang mga matang ani niya.

May problema to. Sa tagal kong pagkakakilala rito ay sinasarili niya talaga ang problema niya, kahit gaano kabigat ayaw niyang sabihin. But syempre I'm an exception,hehe.

Sa akin lang siya naglalabas ng mga problema niya, tatawa-tawa lang yan pero magugulat ka nalang nagbigti na yan. Yan ang personality niya, mahilig magpasaya ng tao kahit na sandamukal ang problema.

Napangiti ako sa mga naisip ko.

"Uy! Para kang manyakol,loko! Pangiti-ngiti ka pa dyan, creepy mo!" Tatawa-tawang binatukan pako neto. Oo nga malakas na siya, walang pang ilang oras eh amazona na.

"Haha, may naalala lang ako." Nakangiting tugon ko rito.

"Ay! Saglet! Me nakalimutan ako!" Muling dagdag ko.

"Oh nuyun?" Nakakunot ang noong tanong niya.

"I'll just call tita, sandali lang." pamamaalam ko.

"Oy, weyt!" Muntikan pa siyang mapatayo na ikinataas ng kilay ko.

Agad akong bumalik sa pagkakaupo sa gilid ng kama at agad ding inupo siya.

"Uy! Wag ka nga munang tumayo!" Nakakunot ang noo kong bulyaw dito.

"Kasi ikaw eh, wag na, mag-aalala lang eh!" Nagkakamot na ng ulong ani niya matapos ang muling pag-upo.

"Tss, kahit kailan ka talaga. Magpahinga ka muna, sige na." Muling pamamaalam ko at lalabas na sana ng pintuan ng muli siyang magsalita.

"Iiwan mo na rin ako?" Malungkot na ani niya.

Awtomatiko akong napahinto at napagalaw ng ulo na dahilan ng muling pagkakabaling ko sa kanya.

"Hinding-hindi ko kailanman magagawa iyon." Seryosong sambit ko habang nakatitig pa rin sa mala-anghel niyang mukha.

-------

A/N: Yak! HAHAHAHA! Hindi ko po akalaing makakagawa ako ng ganitong kabaduyan mga madla,hehe. Muli'y maraming salamat sa pagbabasa! Medyo iiklian ko na lang po ang mga u.d ko ha? Hehehe. Para po hindi rin sobrang haba, I got the technique naaaa! Charannnn! Salamatz😊!! -J❤  (4,414 words)

I will edit those errors soon. I'm sorry for some errors such as wrong grammars and typos that you would encounter. Thanks!💞


Load failed, please RETRY

Status Power Mingguan

Rank -- Peringkat Power
Stone -- Power stone

Membuka kunci kumpulan bab

Indeks

Opsi Tampilan

Latar Belakang

Font

Ukuran

Komentar pada bab

Tulis ulasan Status Membaca: C7
Gagal mengirim. Silakan coba lagi
  • Kualitas penulisan
  • Stabilitas Pembaruan
  • Pengembangan Cerita
  • Desain Karakter
  • Latar Belakang Dunia

Skor total 0.0

Ulasan berhasil diposting! Baca ulasan lebih lanjut
Pilih Power Stone
Rank NO.-- Peringkat Power
Stone -- Batu Daya
Laporkan konten yang tidak pantas
Tip kesalahan

Laporkan penyalahgunaan

Komentar paragraf

Masuk