Unduh Aplikasi
17.74% The Virgin Mary / Chapter 11: KABANATA 9

Bab 11: KABANATA 9

Pagkatapos nong sagotan namin ni Matteo ay hindi ko na sya nakikita dito sa bar.

Hindi ko alam pero naiinis talaga ako sa kanya. Ang dami niyang alam sa mga bagay na hindi naman nakakatuwa. Halos hindi ako makatulog dahil sa huli niyang sinabi sa gabing iyon.

Nakakainis,

Hindi ko naman talaga sinasadya na makita silang nag lalampongan sa kotse pati sa counter ng bar. Iniinis niya yata ako eh.

"Hoy Maey nakikinig ka ba?" bumalik ang diwa ko ng sinigawan ako ni Ivony. Nakatayo sya sa gilid ng kama habang nakadungaw sakin. Dali-dali akong tumuwid sa pagkaka-upo.

"Sorry may sinasabi ka?" nanlaki ang mata niya sa tanong ko. Halos maluwal ang mata niya sa galit.

"Ano!?" bulyaw niya rason kong napalingon na yong ibang kasama namin sa loob. "Kanina pa ako nagsasalita dito tapos sasabihin mong may sinasabi ba ako?" Irritable niyang salaysay habang nakapikit sa inis.

"Im sorry na nga kasi. May iniisip lang ako." Sagot ko tsaka nag-iwas ng tingin. Kinalma niya ang sarili niya tska tumabi sakin.

"Ang dami kong kini'kwento dito tapos wala ka manlang narinig?" ngiyak-ngiyak niya kaya napabuntong hininga ako. Hindi ko lang talaga alam kong saang lupalop ang isip ko lumipad kanina.

"Were done," sabay lumabas si Jessica, Grace at Erika sa banyo. Pareho silang nakabalot ng puting towalya.

Oo nga pala nagyaya silang mag mall at manuod ng sine. Napagpasyahan kong sumama sa kanila tutal sahod namin kahapon. May naiipon na ako kahit kaunti. Mamimili nalang ako ng mga gamit na importante para saking sarili.

"You're turn guys." saad samin ni Jessica kaya tumayo ako tska kami sabay pumasok ni Ivony sa banyo.

Pati sa pag ligo ay gumugulo parin sa isip ko ang nangyari kagabi. Bakit ko nga ba iniisip yun? Kong pwede rin namang kalimutan ang lahat. Pero pano mo makakalimotan ang palagi mo namang natatandaan?

Nilibang ko nalang ang sarili ko sa tubig. Pagkatapos ko ay agad ding paglabas ni Ivony sa kabilang shower. Tumango sya sakin tska kami sabay lumabas ulit sa banyo. Tanging si Erika, Jessica at Grace ang naiwan sa silid. Mukhang nag si'alisan narin ang iba at may kanyang-kanyang lakad.

Nag-suot ako ng denim jeans at puting t-shirt na plain. Pinarisan ko rin ng luma kong dollshoes. Kailangan ko na yatang bumili ng isang dollshoes para may sali-salitan ang luma kong dollshoes sa mga lakad naming mag kakaibigan.

Naalala ko tuloy si tatay pag isinusuot ko ito. Sumisikip ang dibdib ko kapag naiisip ang mukha ni itay. Ang matangos niyang ilong at ang moreno niyang balat.

"Maey tayo na!" Putol ni Ivony sa imahinasyon ko tska ko kinuha ang itim na sling bag sa kama. Ibinuhag-hag ko ang aking buhok dahil ito ang gusto nila ng tatlo.

Sobrang tahimik ng bar at tanging si manong gwardya lang ang nandito. Minsan lang kasi dito si Clifford dahil umuuwi rin sa kanila. Ang alam ko ay isang co-holder si Robi sa ZEZ Magazine kong saan ay kilalang-kilala sila at tanging mga celebrity ang kinukunan nila ng larawan.

Hindi ko nga alam kong anong trabaho ni Matteo dahil hindi naman kami close. Hindi ko lang pala namalayan na nakasakay na kami ng jeepney. Mukhang napalalim yata ang iniisip ko ngayon.

Sobrang laki ng ngiti ng mga kaibigan ko dahil sumama ako sa lakad nila. Dumaan ang ilang minuto ay nakarating narin kami sa isang Robinson. Namangha ako sa lawak at laki ng palapag ng building. Isa-isa kaming lumabas ng jeep habang hawak ni Ivony ang kamay ko.

"Omg....makakakain narin ako ng fries." Masayang sabi ni Jessica tska umikot-ikot ito sa daan. Nagtawanan kaming lahat pati narin si Erika. Hindi ko maiwasang tumingin sa kanya dahil hindi pa ako nagkakaroon ng tsempo para kausapin sya.

Sabay kaming pumasok sa mall na may bahid na ngiti. Kanina pa nakapulupot ang kamay ni ivony sa braso ko kaya namamawis na ito. Nag pa linga-linga ako sa paligid at sobrang nakaka-inggit dahil sa may iilang masayang pamilya ang nag babonding.

Sumisikip ulit ang dibdib ko ng maalala ko si nanay at tatay. Siguro kong buhay pa sila ngayon ay dinala ko na sila dito sa napakalaking mall.

"Okay ka lang?" agad akong napaligon kay Ivony na nakatitig na sakin ngayon.

Umiling ako tsaka yumuko. Hindi ko alam kong okay lang ba talaga ako dahil mahirap mag-isa lalo na't wala ka ng mga magulang.

"Guys let's go ano bang tinatayo-tayo nyo dyan. "bulyaw samin ni Grace na nakapamewang. Tumango ako kay Ivony tsaka kami pumasok sa isang resto.

Tumungo kami sa Mang Insal kong saan gusto yata ng mga kaibigan ko ang unli rice. Napapangiti ako dahil sa mga kaibigan kong sobrang liit pero ang ang lalaki ng kain.

"Pagkatapos nito saan nyo gustong pumunta?" Putol ni Ivony sa katahimikan namin habang ngumunguya ng pagkain.

"Manuod tayo ng bagong palabas ng Kathniel yung Barcelona." Excited na saad ni Grace. Mukhang interesado din ako sa palabas na iyan kahit hindi ako mahilig sa love story.

"Mukhang maganda yan. Go ako dyan," sambit ni Jssica tsaka ito uminom ng tubig.

"How about you Erika?" Sabay kaming lumingon kay Erika na kumakain ng halo-halo.

"Kong san kayo dun ako. Wala naman akong magagawa kundi sumama sainyo." Sarkastiko niyang sagot kaya kumunot ang noo ni Grace. Nagkatinginan ang tatlo na tila nagalit.

"So it means napilitan ka lang sumama samin? Ganon ba ang punto mo Erika?" Taas kilay ni Grace kaya hinawakan ko ang kamay niya bilang pakalma. Ayaw kong umabot ito sa awayan dahil lang sa maliit na bagay.

"No.... ikaw lang naman ang nag-iisip ng ganyan. Sumama ako sainyo dahil kaibigan ko kayo at sana ganon din kayo sakin." Biglang natahimik ang tatlo sa sinabi ni Erika. Napahawak ako ng mahigpit sa kubyertos na hawak ko.

Hindi ko alam kong bakit nagkaka ganito si Erika. Simula nong nagtrabaho ako sa bar ay nag-iba na ang kanyang inasta sa tatlo. Tatlong taon na sila sa bar kaya alam kong kilala na nila ang isat-isa kesa sakin. Minsan naiisip ko parang ayaw niya sakin at ramdam na ramdam ko 'yon.

"Naku... tama na nga yan nasa hapag tayo. Mas mabuti pang kumain nalang tayo ng mabilisan dahil excited na ako sa panunuorin natin." Putol ni Ivony sa samaan ng tingin ng dalawa kaya ngumiti rin ako bilang pasang-ayon. Nagbuga ng hininga si Grace tsaka ito ngumiti ulit samin.

Kalaunan ay naging okay narin ang dalawa. Marami kaming pinag-usapan hanggang sa matapos kaming kumain.

"Thank you for coming Ma'am, please come again."

Ngumiti kami kay manong gwardya tsaka labas ng resto. Nagtungo si Jessica at Ivony sa isang foodcourt at bumili ng iilang pagkain. Kasama ko naman si Grace at Erika na bumili ng ticket para sa line one. Ilang sandali lang ay dumating na ang dalawa na nakangiti.

"Bakit ang daming pagkain niyan?" kunot noo ni Grace sa dalawa habang tumatawa ito.

"Hello sigurado akong mapapasabak tayo sa kissing scene ng Kathniel kaya mas mabuti ng handa noh." natatawang sabi naman ni Ivony.

Napatingin ako sa iilang supot na dala nilang dalawa. Kakainin ba talaga nila yan? Sigurdo ba silang mauubos namin yan? Pumila kami sa line one kong saan ang Barcelona ipapalabas. Panay ang kalbit ni Grace at Jessica sa gwapong nasa harap namin.

Humagik-ik sila ng tawa dahil sa pinagnanasaan nila ito. Umiling ako tsaka tumawa narin. Pag ganitong bagay ay wala ka ng aasahan pa sa dalawa. Pag gwapo ang hihilig nilang magpapansin kahit meron na silang mga boyfriend.

Pagkatapos non ay pumasok na kami sa loob. Pangalawang beses na akong nakapasok sa sinehan. Hindi naman kasi ako mahilig mag lakwatsa sa probinsya at tanging si Rocky lang yung kasama ko pag aalis kami.

Nagsimula na ang palabas kaya todo hiyaw ang bawat-isa. Hindi ko alam kong anong dapat kong reaksyon dahil sa totoo lang kinikilig din ako.

"Gosh ano ba yan nabitin ako sa kissing scene nila." pagmamaktol ni Jessica habang kumakain ng pop corn.

"Oo nga akala ko pa naman mahabaan ang lalakbayin ng halikan nila HAHAHA." Sabay tumawa si Jessica, Ivony at Grace.

Naging tahimik kaming dalawa ni Erika habang nakatitig sya sa tatlo. Napadpad ang tingin ko sa kanya at nahuli ko syang nakatitig rin sakin. Umirap sya bago umiwas ng tingin. Yumuko ako sa kahihiyan dahil ayaw na ayaw ko sa mga ganitong bagay. Gusto ko yung okay kaming lahat. Hindi yung may tinatago kaming pout at galit sa isat-isa.

"Maey si Rocky ba 'yon?" Kinalbit ni Ivony ang braso ko bago may itinuro sa unahan. Nanlaki ang mata ko sa nakita. Si Rocky nga---

Naikuyom ko ang kamao ko dahil sa sakit. Hindi ko alam pero ang bigat ng nararamdaman ko.

"Omg.... may kasama syang ibang babae?" Maarteng sambit ni Grace sabay tingin sakin.

Sobrang sikip ng dibdib ko habang pinapanuod ko silang naghahalikan. Umiwas ako ng tingin dahil sa nararamdaman ko ngayon. Oo nga pala bakit naman ako masasaktan?

"Okay ka lang?" Hinawakan ni Jessica ang kamay ko kaya napatingin ako sa kanya.

"Okay lang ako. Ano ba kayo kaibigan ko lang si Rocky." Nakangiti kong sabi kaya kumunot ang noo nilang lahat.

"Hindi ka ba nasasaktan? Diba crush mo si Rocky since birth." Natatawang sabi ni Grace kaya siniko sya agad ni Ivony.

May namumuong luha sa gilid ng mata ko kaya pinipigilan ko lang iyon. Ayaw kong umiyak dahil lang dito. Ang hirap abotin ni Rocky at tanging kaibigan lang ang tingin niya sakin.

Kaya tayo nasasaktan dahil minamahal natin 'yong taong dapat ay kaibigan lang.

"Ano ka ba naman Grace. Crush lang naman diba?" Lumingon sakin si Ivony na nag-aalala. "Alam nyo mas gwapo pa si Sir Matteo sa kanya." Tumili si Ivony kaya sumabay si Grace at Jessica sa kanya.

"6 pack abs," Sabay nilang tatlo habang nagtutulakan sa kanilang mga braso. Natawa ako ngunit pilit. Hindi ko na mapigilan ang sakit ng aking dibdib kaya napagpasyahan kong tumayo nalang.

"Banyo muna ako saglit." Paalam ko kaya nagkatinginan silang tatlo.

"Sigurado ka bang okay ka lang? Baka mag patiwarik ka sa banyo dahil dito,"  agad pinalo si Grace ni Jessica dahil sa sinabi nito. Natawa ako!

"Hindi mangyayari yon," Tipid kong sagot tsaka sila tuluyang iniwan.

Hindi mangyayari yon dahil matagal na akong patay kay Rocky. Hindi ko maiwasang masaktan at alam kong lumalalim na itong pagtingin ko kay Rocky.

"Ikaw kasi eh,"

"Hindi ah... Gusto ko lang naman kasing patawanin si Maey."

"Bakit natawa ba?"

"Hindi,"

"Edi ang tanga-tanga mong kaibigan. Kita mong nasasaktan si Maey gumagawa ka pa ng joke na mas lalong ikakasakit niya. Ikaw talaga."

Narinig ko pa silang nag babangayan na ikinasisi ko. Oo inaamin ko nasaktan ako ngunit hanggang dun lang naman ang limitasyon ko. Nasasaktan ako sa isang bagay na malayo at ang hirap abotin simula pa noon.

Nagtungo ako sa banyo tsaka inayos ang sarili. Sinuklay ko ang buhok ko at ginawang pony tail. Naglagay narin ako ng kaunting lipstick dahil mukhang nakain ko ang lipstick ko dahil sa mga kinain namin kanina.

Lumabas ako ng banyo sabay ng paglabas ni Rocky sa mens room. Nanlaki ang mata niya dahil sa gulat. Naikuyom ko ang aking kamao. Umasa ako, pinaniwalaan ko ang sarili ko na baka may gusto rin sya sakin.

"Mary bakit ka nandito?" Gulat niyang tanong kaya hindi ko magawang sumagot dahil sa reaksyon niya ngayon.

Bakit? Bawal na ba akong pumunta dito Rocky? Ang sakit-sakit Rocky. Hindi ko magawang panuorin ang love story ng Kathniel dahil busy ako sa kakanuod ng lovestory nyo ng babae mo.

"Babe tapos kana?" Agad akong napaligon sa babaeng palabas ng banyo. Matangkad, maputi ang sobrang kulot ng kanyang buhok.

Ipinulupot niya ang kamay niya sa braso ni Rocky tsaka ito tumingin sakin. Sobrang ganda niya at sigurado akong ganitong tipo ang gusto ni Rocky .

"Who is she?" Maarte niyang saad kay Rocky.

"K-Kaibigan ko. Sya 'yong matalik kong kaibigan sa probinsya." utal na sagot ni Rocky. Tinignan ako ng babae head to toe.

Oo lumang kaibigan. Isa lang akong kaibigan. Sobrang sakit sa dibdib dahil sa sobra nilang magkadikit.

"Oh really?" taas kilay nito tsaka lumapit sakin. "Hi im Kria his fiance," mas lalong bumigat ang dibdib ko sa narinig. Naglahad sya ng kamay tsaka ko yun tinanggap.

Fiance? Walang sinabi si Rocky sakin na may fiance sya.

"Marylyn, nice meeting you." pakilala ko rin. Maarte niyang bintawan ang aking kamay at pakembot na bumalik kay Rocky.

Sobrang sakit ng dibdib ko ngayon. Halos hindi ako makahinga. Tinititigan ko silang dalawa at sobrang bagay nila sa isat-isa.

"Sinong kasama mo?" Tanong sakin ni Rocky.

"Me," Sabay kaming napalingon sa papalapit na si Matteo. Nanlaki ang mata ko sa nakita.

Bakit sya nandito? Hindi ko alam kong anong sinasabi niya kaya mas pinili kong tumahimik nalang.

Hindi ko inaasahan ang sunod niyang ginawa ng ipinulupot ni Matteo ang kamay niya sa bewang ko. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko sa ginawa niya at tila nag sitaasan ang mga balahibo ko sa katawan. Hindi ako makagalaw.

"Matt are you dating my bestfriend?" Kunot noo ni Rocky na may galit. Ngumiti si Matteo at mas hinila pa ako palapit sa kanya.

"Why Rocky there is any problem?"  Nakapamulsang saad ni Matteo. "She's single and im ready to mingle. I think its good idea, right?" sarkastiko nitong dugtong kaya halos hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko ngayon. Gusto ko syang pigilan.

Hindi ko alam kong pano at kong ano ang isasagot sa bawat sinasabi ni Matteo.

"Babe magkakilala din ba kayo?" Tanong ng girlfriend niya kaya tumango si Rocky bilang sagot. "Wow great...sounds exciting pwede tayong mag double date tonight, what you think?"

Date? Tika lang---

"Im sorry miss but i think its not good idea. I want to consume my time with my love. Ayaw naming madisturbo, sorry." Sagot ni Matteo tsaka ito tumingin sakin ng malalim. Napalunok ako ng ilang ulit.

Tumalon ang puso ko sa ginawa niya habang ramdam na ramdam ko ang kamay niya sa bewang ko. Halos mabingi ako dahil sa sobrang lakas ng pintig ng puso ko sa eksenang ito. Hindi ko alam kong pano babarangin si Matteo dahil parang naging komportable narin ako sa pangyayari.

"Oh maybe nextime. I want to know more about your bestfriend kasi babe eh." Simangot na saad ni Kria. Sobrang lalim ng titig sakin ni Rocky at tila hindi napapansin si Kria.

"I dont know Kria dahil busy sya sa trabaho." sagot ni Rocky habang nakatuon ang tingin sakin. Hindi ko mabasa ang titig niya dahil wala itong ekspresyon.

"Yes she is busy with me. Excuse us by the way we need to go, Mary." Inakbayan ako ni Matteo tsaka kami tuluyang lumabas ng sinehan.

Hindi ko magawang lumingon kina Rocky dahil sa braso ni Matteo na naka akbay sakin. Hindi ko alam kong sinong nagtulak sakin na pumayag na sumama sa kanya. Hanggang sa nagtungo kami sa labas ay nakaakbay parin sya sakin. Naiilang na ako sa bawat titig ng mga tao. Huminto ako sa paglalakad tsaka mabilisang hinawi ang kamay niya saking balikat.

"Babalik na ako sa loob. Nandon pa ang mga kaibigan ko." Saad ko.

"Then text them," Sagot niya na kunot noo.

"Text?" gulat ko.

"Yes.... text them that your with me." sarkastiko niyang pang-uusal.

"Excuse me lang Sir huh? Hindi ko nga alam kong anong pinagsasabi mo kanina. Bigla ka nalang sumusulpot at may pa sabi-sabi ka pang were dating!?" giit ko. Umigting ang panga niya sa sinabi ko.

"Why you just dont say thank you?" Taas kilay niya sakin.

"Bakit naman ako mag ti'thankyou sayo abyer." Sarkastiko kong sagot. Nakapamulsa niya akong tinawanan.

"I save you from jealousy," natahimik ako sa sinabi niya. Nagseselos ba ako? "You like Rocky right? Then i catch you whenever you fall." Mas lalo akong natahimik sa sinabi niya. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko dahil sa titig niya.

"Hindi ko naman sinabi sayo na saluin mo ko kanina. Kaibigan ko si Rocky at hindi ako nagseselos." Umiwas ako ng tingin tska ko narinig  ang mahina niyang pagtawa.

Hindi ko alam kong anong ibig niyang sabihin. Nagkakamali lang sya.

"Really? Dont pretend you dont like Rocky because i can see in your eyes." lumingon ako sa kanya na may galit.

"Wala nga akong gusto sa kanya." Bulyaw ko rason kong bakit lumapit sya ng kaunti sakin.

"Dont act you dont.. Bakit di mo nalang sabihin sa kanya ang totoo?" sinamaan ko sya ng tingin.

Nababaliw na ba sya? Sasabihin kong may gusto ako kay Rocky?

"Hindi..... Hindi totoo yang sinasabi mo. Kaibigan ko sya at wala akong gusto sa kanya. Ano bang pinagsasabi mo huh?" Umiwas ako ng tingin pagkatapos sabihin iyon.

"If you want, i am going to tell him about it. Its really exciting right?" namilog ang mata ko sa sinabi niya.

"Wala nga akong gusto sa kanya. Pwede ba sir Matteo, wala akong oras sayo." Bagsak boses ko.

Naiinis na ako sa pabalik-balik na sinasabi niya sakin. Pano niya nalaman na may gusto talaga ako kay Rocky? Pero---- wala akong gusto sa kaibigan ko.

"Then prove it," Hamon niya kaya naningkit ang mata ko.

"Kailangan pa ba ng proweba sa ganong bagay?" Taas kilay ko kaya tumuwid sya ng tayo.

"Yes kailangan... You need to prove me wrong so here is the catch." Agad akong napahawak ng mahigpit sa sling bag ko. Anong ibig niyang sabihin? At bakit ginagawa niya ito? Anong gusto niyang mangyari?

"Date me Mary," napaatras ako sa sinabi niya. Date him? Ano bang pinagsasabi ng lalaking ito. "Orelse, I am going to tell him about your feelings!" Sobrang bilis ng tibok ng puso ko sa dinugtong niyang sabi.

Binablackmail niya ba ako? At isa pa ayaw kong malaman ni Rocky ang totoo. Kaibigan ko sya at ayaw kong masira at mawala kong ano ang meron kami noon at ngayon. Kailangan kong patunayan kay Matteo na mali sya at tama ako.

Kailangan kong takpan ang totoo kong nararamdaman para kay Rocky.

"Sige payag na ako," Hamon ko kaya lumapad ang ngiti niya. Hindi ko alam kong ano ang balak niya sakin at kong bakit ako pa ang gusto niyang e date.

Dahan-dahan syang lumapit sakin tsaka inabot ang kamay ko at pinagsiklop niya ito sa kamay niya. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko dahil sa mag kadikit naming balat. Anong trip ito Matteo? Bakit ako pa?

"Bakit may pa holding hands pa?" Kunot noo ko na ikinatawa niya.

"Just only this day, Mary. Date me now and forget me later. Ngayong araw lang at mamaya mag kalimutan na tayo." Huli niyang sinabi bago ako hinila palayo sa sinehan.

Sobrang bilis ng pintig ng puso ko habang nag patianod sa paghila niya.

Date ba talaga ito?


Load failed, please RETRY

Status Power Mingguan

Rank -- Peringkat Power
Stone -- Power stone

Membuka kunci kumpulan bab

Indeks

Opsi Tampilan

Latar Belakang

Font

Ukuran

Komentar pada bab

Tulis ulasan Status Membaca: C11
Gagal mengirim. Silakan coba lagi
  • Kualitas penulisan
  • Stabilitas Pembaruan
  • Pengembangan Cerita
  • Desain Karakter
  • Latar Belakang Dunia

Skor total 0.0

Ulasan berhasil diposting! Baca ulasan lebih lanjut
Pilih Power Stone
Rank NO.-- Peringkat Power
Stone -- Batu Daya
Laporkan konten yang tidak pantas
Tip kesalahan

Laporkan penyalahgunaan

Komentar paragraf

Masuk