Dedicated to: GeraldineBasilides &
macalintalsofhia
Keira POV
Hindi makapaniwala si Keira sa nakita nya habang nilalagyan ng kung anu anu ang katawan nito. Nakita nya ang panghihina ng pagtibok ng puso nito mula sa heart beat monitor na tinitingnan din ng doctor.
May palabas na nurse at agad nya itong hinarang.
"Sorry, anung nangyayare sa kaibigan ko?" Napapalunok na ang nurse at parang hindi na mapakali na sundin ang utos ng doctor.
"Nanghihina po ang puso ng pasyente at kailangan syang madala sa ICU para i-CS. Kukunij na ang bata sa kanyang sinapupunan dahil mapanganib kapag huminto ang tibok ng puso ng ina mapapasama ang lagay ng baby. Sige po kailangan ko pa pong matawagan ang magpeperform ng CS sa kanya. Maupo na lang po muna kayo sa labas at maghintay." Agad na lumabas ang nurse at hindi na hinintay ang kanyang sagot.
Nanghina sya na lumabas ng kwarto at nakita na lang nya ang paglabas ng doctor at iba pang nurse na tinatakbo aang pasyente sa ICU.
Hindi nya kayang makita ang kalagayan ng kaibigan. Agad nyabg tinawagan ang asawa nito.
"Hello. Insan bakit?" Umuubo pa rin ito at mukhang mahinang mahina.
"You need to come here. Bea is in Red alert. I mean, the doctor will perform CS today. Hindi na kayang patagalin dahil mahina ang pagtibok ng puso ni Bea. She needs you here right now." Tumutulo na ang kanyang luha dahil sa nakitang paghihirap ng asawa nito.
Kanina lang ay okey ito bakit bigla namang nanghina.
Lumapit ang Doctor sa kanya.
"Ikaw ba ang guardian ng pasyente ? Nasaan ang asawa nya? He needs to sign this waiver." Naibaba nya ang phone at tiningnan lang ang doctor. Parang hindi nya kayang intindihin ang sinasabi nito.
"Papunta na po sya. Pahintay na lang po." Kahit mabigat ang loob ay nagawa pa rin nyang sumagot dito.
"Hindi na makakapaghintay ang kalagayan ng pasyente kailangan nang makuha ang baby sa sinapupunan ng ina dahil baka isa sa kanila ay walang mabubuhay pag pinatagal pa natin." Kalmadong paliwanag ng doctor.
Inilagay nya muli ang phone sa kanyang tenga.
"You need to sign the waiver Insan. You need to come here." Pero narinig nya sa kabilang linya na sya na ang pinapapirma.
Nangangatog na nilagay nya ang phone sa bulsa at kinuha ang medical Board at ballpen. Maraming lunok ang iginawad nya dahil mabigat ang desisyon na ito na nakaatang sa kanya. Possible kasi na kapag pinirmahan ito para na rin syang pumayag na mamatay ito at walang magiging kasalanan sa mga tao na nagperform ng operasyon.
"Hindi ba dapat si Doctor Lopez ang magpeperform ng CS? Hindi nyo ba sya tinawagan. Sya ang OB ng pasyente."
Ngumiti ito sa kanya. Lalake pala ang magpeperform ng operasyon sa pasyente. Kung malaman ito ni Lloyd siguradong magagalit ito. Guwapo ito at mukhang kilala sya dahil sa uri ng tingin nito sa kanya.
"Don't worry. Bea is my friend. I will do my best para maligtas ang mag-ina. I am also Dale's Friend. And also nandun na si Doctor Lopez, pinatawagan ko na sya sa nurse kanina. Naparito lang ako para pakalmahin ka. I think you are Dale's Girlfriend right?" Nakipagkamay ito sa kanya.
Teka.. bakit nagawa pa nitong maging kalmado samantalang nasa bingit na ng kamatayan ang kaibigan niya.
Tinanggap na lang nya ang kamay nito at naramdaman nya ang pagpisil nito kaya naman inagaw nya agad ang kanyang kamay at agad na pinirmahan ang waiver.
"I'm sorry. Im in a panic stage lang kanina pero salamat at kaibigan ka pala nila Bea at Dale. Im so relieve. Sorry. Natakot lang ako magdesisyon. Una, friend lang ako dahil asawa sya ng pinsan ko at kaibigan sya ng boyfriend ko kaya ang dapat nagdedecide ay ang asawa o ang magulang nito." Kagat labi nya dahil medyo napahiya sya sa harapan ng doctor.
"Im Doctor Walter Alejo. And you are?" Inabot naman nya dito ang medical board at ballpen.
"Keira Alessandro. I entrust her to you doc. And I pray na maging ligtas si Bea at si Baby." Tumango naman ito.
"Nice to meet you. Sige, punta na ako sa ICU isa ako sa mag-aassist kay Doc Lopez." Naisip nya tuloy na may something kay Doc Lopez at Doc Alejo. Maganda si Doc Lopez.
Napailing na lang sya at nasa bingit na ng kamatayan ang kaibigan nya nagawa pa nyang maging match maker sa dalawang doctor. Napaupo na sya sa upuan at agad dinampot ang phone.
Dinayal nya ang number ni Savin. Sumagot naman ito agad sa kabilang linya.
"Please fetch Lloyd, my cousin. I'll send you the details." Agad naman itong nagsabi ng copy at binaba ang phone. Tinipa rin nya ang address ng kanyang pinsan dito.
Mahal ko Calling....
Agad nyang sinagot ang tawag.
"Hey love! How is Bea?" Nang marinig nya ang boses nito ay para syang bata na bigla na lang nag-break down.
"Love... huhu... T.T .. ka-kanina l-lang o-okey naman sya pero ngayon nasa ICU na sya. Ako na ang pumirma ng waiver dahil i-peperform na nila ang CS sa kanya. Dale, Sana nandito ka. I need comfort. Mabuti na lang at na-meet ko si Dr. Alejo, at pinakalma nya ako. Love, I need you right here😢😭😭😭" humikbi sya at di na nahiya na magpalahaw ng iyak sa kanyang boyfriend.
"Calm down baby. Please call secretart A na sunduin ako dito gamit ang private plane ko. I will come. Wait for me baby." Nang marinig na uuwe ang kanyang nobyo ay napasinghot sya at lumiwanag ang kaniyang mukha.
"Talaga love? Uuwe ka na? Thank you love thank you. I call him now and I'll wait for you. I love you so much!" At inulan ng kisses ang cellphone. Naririnig naman nya ang pagtawa sa kabilang linya at ibinaba na ang phone.
Tinawagan nya ang secretary nito.
"Secretary A. Dale need his private plane now. Pakisundo daw sya ngayon din. Asap!" Hindi na nya hinintay pa ang pagsagot nito at ibinaba na nya ang linya.
Napasandal sya sa dingding at napatingin ang mata nya sa ilaw ng ceiling. Napapikit sya at nanalangin.
'Diyos ko, kayo na po ang bahala sa mag-ina. Iligtas nyo po sila sa bingit ng kamatayan. Ipinagkakatiwala ko po sya sa inyo. Kalooban nyo po ang syang mangyare. In the mighty name of Jesus, Amen.'
Ilang minuto pagkatapos nyang manalangin ay ang pagdating ni Lloyd at ni Savin. Nakadantay ang braso ni Lloyd kay Savin. Tumayo sya para paupuin ang kanyang pinsan.
"Mukhang malala na yan insan ah. Magpacheck up ka kaya." Nakikita nya ang paghihirap nito habang umuubo.
Napatingin naman sya kay Savin.
"Thank you Savin for bringing him here." Tumingin naman ito sa kanya at nakita nya sa mga mata nito ang pag-aalala.
"Umiyak ka ba Ms. Keira? Namumula ang mga mata, pisngi at ilong mo." Pinahid naman nya ang mukha ng panyo.
"Wala ito. Pakibantayan muna si insan at pupunta lang ako ng restroom." Tumango naman ito at hindi na sya muling tinanung.
Tinalikuran na nya ang mga ito at agad tumungo sa restroom.
Kailangan nyang pahintuin ang oras kung kinakailangan kapag inilabas na ang bata para hindi maranasan ni Bea ang hirap at sakit kapag tinatahi na nito ang tyan nya pero paano nya gagawin iyon. Samantalang kapag tumigil ang oras lahat ng nanduon ay titigil din kasama ang doctor. Nagpaparoo't parito sya sa loob ng restroom at nagiisip ng plano.
Sinubukan nyang pahintuin ang oras. Kaya ng lumabas sya ay nakita nya ang pagtigil ng lahat sa loob ng ospital.
Pumunta sya sa ICU at nakita nyang gumagalaw si Dr. Alejo?
Hindi ba ito apektado ng kanyang kapangyarihan? Bakit? Nagtatanung ang kanyang sarili. Alam nyang si Dale ang tinulungan nyang bata pero si Dr. Alejo?
Nakita nyang napatayo ito at tiningnan ang mga kasamahan na tumigil na tila mannequin. Nakita nya pang nagwawagayway ito sa harapan ni Dr. Lopez.
Hindi na sya nagpatumpik tumpik pa at kumatok sya sa pintuan ng ICU. Saka na lang nya tatanungin ito ang mahalaga ay magawa muna nya ang plano.
Nang buksan nito ang pinto at pumasok sya ay nabigla ito.
"Anung nangyare? Bakit tumigil sila? Bakit huminto ang oras?" Hindi nya ito pinansin at direderetso lang sya sa loob para tingnan kung nailabas na ang bata.
"Doc, marunong ka bang magtahi?" Nakakunot naman ang noo nito pero tumango naman dahil nantindihan nito ang sinabi nya.
"Doc, I need you to do this. Its for the safety of them. Please." Nangungusap na mata ang pinakita nya sa harapan nito.
Nakita naman nya ang pagdidilim ng mukha nito at agad syang hinawakan sa braso at inilabas.
"Let go of me. Kailangan nating maagapan ang mangyayare kay Bea."
"Ms. Keira, we are a doctors. Wala ka bang tiwala sa amin? Nanalangin ka naman di ba? Wala ka bang tiwala sa Kanya? Bakit kailangan mong diktahan ang mangyayare? What if something happens to Bea? Its the Lord's will not you. You don't need to do this thingd for the sake of their safety. Dr. Lopez is doing her best para mailigtas ang dalawa. Kung may ganitong kang power Ms. Keira please itago mo na lang. Did Dale know this?" Napatingin sya sa madilim na mukha nito at nahintakutan. Gusto lang naman nya ang makatulong pero bakit sya pa ang napasama. Why?
"Doc, I just want to help----" hindi pa rin sya binibitawan ng doctor at mas humigpit ang hawak nito sa braso nya at nasasaktan na sya.
Naramdaman naman nya na may nagtanggal ng braso na nakahawak sa kanya.
"Let go of my Girlfriend, Walter. Its my decision and request na gawin nya ito." Isang pamilyar na boses ang narinig nya pero nakapikit pa rin sya kaya hindi nya pa nakikita ito.
"So you know this kind of thing about her. Dale, wala ka bang tiwala sa amin na mga kaibigan mo? Kay Ivanna? Were doctors men. And we're doing our best for Bea's sake. How can you request that ridiculous thing?" Narinig nya ang pagsigaw nito.
"And her power. I didn't know bakit hindi ako naapektuhan ng kapangyarihan nya and even you? What the heck is that?" Naramdaman nya ang pagyakap ng kanyang nobyo sa kanya dahil sa amoy nito na nanunuot sa kanyang ilong.
Yumakap din sya ng mahigpit dito.
"I'm so sorry. I didn't mean to hurt your feelings Walter. I entrust her to you. No need to be anger at Keira. Ako na ang bahala sa kanya. Huwag mo ng uulitin ang pananakit mo sa kanya dahil kailan hindi ko sya sinaktan ng physical even emotional. At wala akong balak saktan sya sa kahit anung paraan. Please do your best, para kay Bea. I believe in you man and again Im sorry." Hindi na nya hinayaan pang magsalita ito at pinaandar na muli nya ang oras.
"Sorry Doc." Mahina nyang sabi dito at naramdaman na lang nya ang pagpasok nito muli sa ICU.
"Are you alright love? Im sorry na-late ako." Umiling naman sya at yumakap ulit ng mahigpit dito.
"Wala kang kasalanan Dale. Its my decision and choice. Sorry. Kung nagdecide ako ng hindi sinasabi sayo. Thank you sa pagtatanggol mo sa kin." Naramdaman nya ang paghalik nito sa kanyang noo.
"Do you remember that day when I requested you to stop the time kapag dumating na ang araw ng panganganak nya? I know that day that we already agreed for this to happen kaya wala tayong dapat ihingi ng tawad sa isa't isa. But like what Walter said, its not for us to decide what will happen. We must trust their capabilities to save Bea and her baby." Naluluha syang napatingin dito at niyakap nya ang kasintahan ng sobrang higpit.
"Napalapit na sa akin si Bea kaya gusto ko syang tulungan. Gusto ko syang mabuhay pa ng matagal kasama ang kanyang baby at ang aking pinsan na asawa nya. Dale, im scared." Mas naramdaman nya ang pagyakap nito ng mahigpit sa kanya.
"Ms. Keira?" Naghiwalay lang sila ng yakap ng marinig ang pamilyar na boses.
"Who is he?" Kunot noong tanung nito ng mapadako ang tingin sa nagsalita.
"Ah, Dale this is Savin, the one who save my life and our new bodyguard. And Savin this is Dale my Boyfriend and your boss." Nang marinig iyon ay nanatili lang ang mga mata ng mga ito na nakatingin sa isat isa. Na animo'y hindi nila gusto na makita ang isa't isa pero kalaunan din ay naglahad ng kamay si Savin sa kanyang nobyo.
"Nice to meet you Sir. Dale." Hindi naman nagtagal at sinagot din ng kanyang kasintahan ang nakalahad na kamay ng binata.
"Thanks for saving my Girlfriend's life." Tumango naman ito.
"Its my job to keep her safe always." Na lalo pang nagpakunot sa noo ng kanyang kasintahan at bago pa man magkaroon muli ng tensyon sa pagitan ng dalawa ay pumagitna na sya sa usapan.
"Savin, mukhang may importante kang sasabihin kanina nung tinawag mo ko batay sa tono ng boses mo. Anu yun?" Pag-iiba nya sa usapan para mapadako ang tingin ng mga ito sa kanya.
"Ahmm Ms. Keira, tungkol kay Sir. Lloyd po. Nagcollapse po sya at naidala na rin sa isang room para icheck po ang kalagayan nya." Pagkarinig nun ay agad syang kinabahan at nag-alala.
Napasapo sya sa kanyang ulo na inalalayan naman siya ng kanyang nobyo upang makatayo sya ng maayos.
"Dalhin mo ako sa kanya." Mariin nyang sabi kay Savin.
Nang akto na syang aalalayan ng kanyang kasintahan para siguro samahan sya ay hinarap nya ito.
"Dale, dito ka na lang at bantayan mo si Bea. Ako na ang pupunta kay Lloyd, nandyan naman si Savin." But Dale insist.
"No, ako ang boyfriend mo Keira at ako ang may responsibilidad kung may mangyare man sayong masama. Savin, can you take us there and after that you may take your rest. Ako na ang bahala dito." Matigas nitong sabi. Nahimigan nya ang selos dito kaya lihim syang napangiti at nagpaubaya na alalayan sya nito.
Tumango naman si Savin at nagpatiuna na sa paglalakad.
Nang makapasok sa kwarto kung saan dinala ang kanyang pinsan ay naupo sya sa upuan sa tabi ng kama.
"Love, sorry sa sasabihin ko pero hindi ko gusto ang presensiya ng Savin na iyon. Pagbibigyan ko lang sya dahil sya ang nagligtas sa buhay mo but I will not let go of my eyes off him. He'll be on my watched from now on." Hindi sya makasagot sa sinabi nito dahil alam nyang kapag may sinabi ang kanyang kasintahan ay talagang tototohanin nito.
"Puntahan ko lang si Bea at titingnan ko ang nangyayare. I know you are safe here. I'll be back. Ilove you." Tumango naman sya ng marinig ito habang nakatitig pa rin sa natutulog nyang pinsan.
Naramdaman nya ang paghalik sa kanyang sentido ng kanyang kasintahan at narinig nya ang pagbukas at pagsara ng pinto na nagsasabing wala na ito sa loob ng kwarto.
Wala na rin si Savin dahil pinauwe na nga agad ito ni Dale pagkadala nito sa kanila rito.
"Keira? Is that you?" Mahina at panay pa rin ang ubo ng kanyang pinsan.
"Wag ka munang magsalita at mahina ka pa. Anu bang nangyare sayo bakit ka ba inuubo ng ganyang kalala?" Umiling lang ito na parang isinasawalang bahala ang nararamdaman.
"Kamusta na ang mag-ina ko? Ayos lang ba sila?" Napatango naman sya kahit maging sya hindi rin sigurado sa kalalabasan ng operasyon.
"Wag kang mag-alala sa kanila. Magagaling ang mga doctor na tumitingin sa kanila. Ang dapat gawin mo magpalakas para sa kanila." Umiling muli ito at muling nagsalita.
"Hindi ko alam... k-kung anu ba itong nararamdaman ko at hindi ko alam kung hanggang kailan na lang ako pero mangako ka sa akin insan--- aalagaan mo ang mag-ina ko ah----" pinutol nya ang pagsasalita nito.
"Nakakainis kayong dalawang mag-asawa. Para kayong ewan. Bagay nga talaga kayo. Parehas kayong nagsasalita ng ganyan. Anu ba? Kung makapagsalita kayo ayaw na ninyong mabuhay. Tigilan mo nga yang pagsasalita mo ng ganyan. Kung makapagsalita ka may malubha kang sakit----" napatigil sya ng may bumalatay sa emosyon sa mga mata nito. Emosyong nakaramdam sya na baka totoo nga ang sinabi nya rito.
"Huwag mong sabihing----" nanlaki ang mga mata nya at parang nahihinahuna nya na ang kalagayan nito.
Bago pa man ito magsalita ay nagbukas na ang pinto ng kwarto at para syang binuhusan ng malamig na tubig ng mapagsino ang mga bisita ng kanyang pinsan.
Alam nya na kapag narito ang mga ito ay kabuntot ng mga ito ang mga taong sa hinagap ng kanyang isip ay hindi nya kailanman inasam na makita. At hindi pa sya handa na makita.