Unduh Aplikasi
21.73% My Amazing Girl / Chapter 5: CHAPTER 5 - THE PROBLEM

Bab 5: CHAPTER 5 - THE PROBLEM

KEIRA POV

Masaya sya para sa dalawa ng malaman na buntis ito at ang ama ay ang kanyang pinsan. Bahagya lamang syang nagulat sa binalita nito ngunit sa bandang huli ay sinuportahan na lang din nya although para sa kanya dapat mauna muna ang kasal bago ang baby pero dahil nangyare na ay wala na siyang magagawa pa doon.

Napatingin siya sa dako ni Dale kung saan ang lalake ay madilim ang kaanyuan nito. Hindi rin mababakasan ng kasiyahan sa mukha nito o kahit anung emosyon. Although alam nyang maselan ang pagbubuntis ng kaibigan nito kaya siguro ganito ang pinapakita o di kaya nabigo ito dahil may nakauna sa kaibigan nito at hindi ito. Ang dumi naman ng isip nya para dito. Wala naman itong sinasabi kung may gusto ito sa babae dahil nung umamin din ang dalawa sa harap nito ay may halong kabiglaan sa anyo ng mukha nito.

Natutulog na si Bea sa hospital bed at mukhang payapa naman ang itsura nito walang mababanaagan na pag-aalala o takot at kanina ay masayang-masaya nitong binalita na nagdadalantao ito. Ngunit itong boss nya ay hindi pa rin matinag sa pagkakaupo at napakalalim ng iniisip.

'Bakit hanggang ngayon wala pa rin si pinsan? Nasaan na kaya ito? Dapat sya ang kasama nito sa panahon ngayon.' Nasa gitna sya ng pag-iisip ng biglang bumukas ang pinto. Marahan lang ang pagkakaluwang ng pinto at pumasok ang isang matangkad na lalake. Seryoso ito at mukhang galing sa pag-iyak?

Nginitian sya nito at agad yumakap sa kanya. Bago ito yunakap ay makikita sa mga mata nito ang pag-aalala, takot at kawalan ng kapayapaan na opposite naman sa kaibigan ng boss nya na ngayon ay natutulog na sa kama.

Pagkahiwalay nya rito ay lumapit ito sa natutulog na nobya at hinawakan ang kamay. Hinalikan nito ang kamay ni Bea at ipinatong ang baba sa kamay nito na bahagya ring lumuhod upang maabot ang natutulog na kasintahan.

Saka naman tumayo si Dale at lumapit sa kanyang pinsan. Hinawakan nito ang balikat ni Lloyd na hudyat para sabihin na aalis na sila. Tumango lang ang binata sa kanyang boss. Saka naman kinuha nito ang kanyang kamay at lumabas na ng kwarto.

Sa sasakyan ay tahimik lang ito. Malalim pa rin ang iniisip. Hinayaan na lang nya ito at papaandarin na sana ang makina ng pigilan nito ang kanyang braso. Napatingin naman sya rito.

"Pede mo bang patigilin ang oras? Hanggang sa manganak si Bea?" Napatitig sya rito at napamaang. Nakita nyang namumula na ang mata nito at mamasa ang gilid nito. Hindi nya rin alam ang kasagutan sa hinihiling nito. Hiling ba o utos?

"Hindi ko alam boss. Ang alam ko lang ay ang protektahan ka." Napatingin ito sa kanya. May tumulo na luha sa dalawang gilid ng mga mata nito. Nabigla sya ng yumakap ito sa kanya.

"Ang hirap ng situwasyon nila Keira. Nahihirapan ako para sa kanila." Nanikip ang dibdib nya dahil first time lang nya nakita itong naghihirap at parang meron sa puso niya na nararamdaman ang sakit na iyon at hindi nya maintindihan. Hindi nya alam ang gagawin sa mga oras na iyon. Nagpapadala na lang sya sa flow kung san sya balak dalhin ng usapan na iyon.

"Bakit anu bang ibig mong sabihin?" Takang tanung nya rito.

"Hindi kita maintindihan, di ba dapat masaya ka para sa kanila dahil buntis na ang kaibigan mo at blessing ang batang iyon." 'O dahil hindi mo lang matanggap na ang pinsan ko ang naging ama ng kanyang dinadala at hindi ikaw.' Humigpit ang yakap nito sa kanya. Naramdaman nya ang paninikip ng kanyang dibdib. 'May mali ba sa sinabi nya'

Humiwalay ito ng yakap. At saka tumingin sa labas.

"Keira, may buhay nga na darating ngunit may buhay din na kukunin. Oo masaya ako sa pagkakaalam na buntis si Bea at si Lloyd ang ama pero masakit din sakin na malaman na malaki ang posibilidad na mawalan ng ina ang bata at mawalan ako ng kaibigan at mawalan ng kasintahan ang pinsan mo." Nanlaki ang mata nya sa narinig. Hindi sya tanga para hindi maintindihan ang nais nitong sabihin.

Pinagkamalan nya pa itong may gusto kay Bea gayong buhay na pala ang nakataya sa nangyayare. 'Napakasama mo Keira, pinagisipan mo pa sya ng masama' napalunok sya sa pagkakaalam na nagkamali sya sa naisip dito.

"Y--you mean???" Kandautal nyang pagsasalita at napatakip pa sya sa kanyang bibig.

"Oo Keira, mamamatay si Bea kapag itinuloy nya pa ang pagbubuntis. Kakasabi lang kanina ni Lloyd na bawal itong mabuntis pero nangyare na ang nangyare. Kung masakit sa akin paano pa sa hinaharap ng pinsan mo ngayon?" Kusang tumulo ang mga luha nya sa narinig. Hindi nya lubos maisip na ganun pala kabigat ang problema nito at ganun na lang kabigat ang sitwasyon ng pinsan nya at ng kaibigan nito at mukhang wala namang idea ang babae sa maaaring mangyare rito kapag nanganak na ito. .

Akma syang bababa ng pigilan sya nito. "Saan ka pupunta?" Pigil nito sa kamay nya.

"Pupuntahan ko sila. Kailangan nila tay---"

"No!" Matigas na sambit nito na ikinatigil nya. "Hindi nila tayo kailangan doon!"

"Pero----" tinignan nya ito at nakaramdam sya ng authority sa mukha nito.

Maawtoridad na nagsasabing huwag siyang gagawa ng ayaw nito. Muli ay bumalik sya sa pagkakaayos ng upo. Pinahid nya ang luhang kumawala doon.

"Susubukan ko." Tanging nasaad nya lang rito.

Tumitig sya sa mukha nito. Nawala ang galit sa mata nito ngunit kakikitaan ng pagtataka, mga tanung at humihingi ng paliwanag sa sinabi nya rito.

"Susubukan kong iligtas si Bea para kay pinsan, para sa baby at para sayo. Kung pedeng pahintuin ko ang oras gagawin ko kapag nanganganak na sya. Hindi ko alam kung pede iyon dahil alam ko na kapag ginawa ko iyon magiging kalaban ko ang langit. Ngunit kung yun lang ang paraan para mabuhay siya gagawin ko at isa pa---" natigilan sya ng yumakap ito sa kanya. Hinahaplos sya nito sa kanyang ulo ng marahan at nang kumawala ito ay naramdaman na lang nya ang pagdampi ng labi nito sa kanya.

Mga labing damang dama nya ang pasasalamat na hindi nito mabigkas dahil sa saya na nararamdaman. Gumaan ang pakiramdam nya sa mga halik na iyon. Sa wari nya na sa mga halik na iyon ay hinaplos ang kanyang puso. Mga halik na unti unti ay sinasagot na nya. Napa-ungol sya hudyat upang pumasok ang dila sa loob ng kanyang bibig. Mas lalo pa nitong diniinan ang paghawak sa kanyang batok upang mas ilapit pa ang mukha nya rito.

Habang tumatagal ay nadadala sya ng bawat halik nito sa sensasyong nagpapagising sa pagkababae nya. Umakyat ang lahat ng kuryente sa ulo nya pababa muli sa buong katawan nya. Nang mapansin nyang naglalakbay na ang mga kamay nito ay natigilan sya. Napatigil din ito sa paghalik sa kanya. Nagkaroon ng hiya sa pagitan nila. Parehong nag-iwasan sila ng tingin. Kapwa namumula ang mga pisngi at tenga nilang dalawa.

Napansin niya sa rearview mirror na napakagat ito sa labi at sya naman ay napangiti habang lihim na hinahaplos ang labi. Tumikhim ito at kusa naman nyang binuksan ang makina ng sasakyan.

Tahimik lang sila sa buong byahe hanggang sa makarating sila sa mansyon nito. Pinasok nya ang sasakyan sa loob at maayos na pinark ito sa garahe.

Binuksan nito ang pinto at lumabas. Pagkalabas nya ay nagulat sya rito ng bigla nitong kinuha ang kamay nya at hinila sya papasok ng bahay. Wala syang nagawa kundi ang magpatianod dito. Napansin nyang wala itong lingon likod na umakyat habang sya naman ay halos mapatid na sa pagsunod dito, hawak pa rin nito ang kamay nya.

Pumasok sila ng pinto ng kwarto nito. Sinarado nito ang pinto saka sya kinulong sa mga bisig nito. Mababanaagan sa mga mata nito ang pagkasabik. 'Teka nabitin ba ito?'

"Boss anung ginagawa natin dito?" Napapalingon sya sa paligid dahil hindi nya maharap ito ng maayos. Naramdaman nya ang paghinga nito ng malalim.

"I don't know pero simula pa lang ng makilala kita may bahagi na dito sa puso ko na umusbong na gustuhin ka. Sabik na sabik ako sayo. Kei" 'Teka nagcoconfess ba sya? Ilang araw pa lang kami magkakilala. Di naman siguro tama yun?' Sa isip isip nya.

Naguguluhan sya sa mga nangyayare.

"Keira, be my Girlfriend?" Ang tanging narinig na lang nya mula rito. Napaawang ang bibig nya at napatitig dito. 'Seryoso ba to? At anu naman ang nakita nito sakin?' saad nya sa sarili. Napaiwas naman sya ng tingin dito.

"I can feel it that you like me too. Nararamdaman ko yun sa tuwing sinasagot mo ang mga halik ko." Napapailing sya rito. Napahawak sya sa kanyang dibdib. Mabilis ang pagtibok nito.

"Boss, ba-baka nabibigla ka lang. Bodyguard mo ako. Driver lang. Hindi tayo pede boss. Nandito ako para protektahan ka. Hindi para maging jowa ka." napaiwas sya ng tingin. Baka nadadala lang ito sa problema na kinakaharap ng kaibigan nito.

Kinuha nito ulit ang kamay nya at hinila sya patungo sa kama. Pinaupo sya nito at lumuhod sa kanya. Mas lalo syang Kinabahan. Dahil sila lang dalawa sa kwarto at posibleng may mangyare sa pagitan nila.

Hindi pedeng wala, kapag nagsama ang babae at lalake sa isang kwarto. Pero sabagay wala namang nangyare sa kanila mag-pinsan nung nakatira pa sya sa unit nito. Kaya naniniwala syang nasa pagpapakita lang yun ng motibo sa lalake.

"Pero nagpapakita ba ako ng motibo kay Dale? Did I?' Paglilinaw nya sa sarili. Iniisip nyang mabuti kung kailan sya nagbigay ng motibo rito.

Isinubsob nito ang mukha sa kanyang palad na nakapatong sa kanyang binti. Nararamdaman nya ang mainit nitong hininga. Nakayuko lang sya rito habang ito ay nakaluhod at patuloy lang na sinusubsob ang mukha sa kanyang binti.

"Napakakomportable ko na sayo. Keira. I dont know why . But when You're here beside me. I feel so at peace. So bakit pa kita pakakawalan di ba?" Tumingin ito sa kanya.

Napahigit nya ang kanyang hininga dahil sa gwapo nitong itsura. At makailang lunok ang ginawad nya para pakalmahin ang sarili.

"Boss, Im sorry but I can't answer you right now. Give me time to think. At isa pa boss. I am reserved. Alam mo yan. Isa lang ang lalake sa buhay ko. At isa pa may problema pa tayong kinakaharap. We don't need to talk about this kasi mawawala yung focus ko sa work lalo na kapag ganyan ka boss." Yumakap naman ito sa bewang nya at parang bata na nakatingala sa kanya. Naaawa sya sa mukha nito at sa ginagawa nito.

"I know know. What if ako pala yung lalakeng niligtas mo dati. Anung gagawin mo?" 'Sana nga sya na lang.' Saad nya sa kanyang sarili at kusang iniling ang ulo. Tumayo sya at akmang lalabas na ng kwarto ng bigla sya nitong yakapin mula sa likod.

"Be my girlfriend. Keira Or kahit wag mo munang sagutin yan ngayon pero can you sleep with me tonight?" Humarap siya rito at napahawak sya sa ulo nito.

"Sino ba ang may problema boss? Ikaw ba o ang kaibigan mo? Parang ikaw ata ang may sakit jan boss eh." Pigil nya sa sariling bumigay sa mga ginagawa nito.

Sobra pang bango nito. Huminga sya ng malalim at humarap dito. Hindi nya pansin ang mukha nito pero alam nya na nagmamakaawa ito.

Hinawakan nya ang kamay nito at hinila nya ito papunta sa kama. Umupo sya sa kama saka niyaya itong humiga sa lap nya. Naexcite naman ito at parang bata na humiga sa kanyang lap.

Mabilis naman itong nakatulog ng maramdamang hindi na sya aalis sa tabi nito. Hinaplos haplos pa nya ang buhok nito at hinintay na dalawin ng antok.

DALE POV

Naalimpungatan si Dale mula sa pagkakatulog. Sumisilip na ang kaliwanagan sa buong paligid dala ng haring araw. Lumibot ang kanyang paningin sa paligid. Napatigil sya ng mapahawak sya sa isang malambot at mainit na bagay. Hindi ito katulad ng unan na super lambot at walang mararamdaman na buto. 'Teka buto? Malambot na bagay? Mainit?'

Napatingin sya pataas. Nakita nya ang isang babae na nakaupo at mapayapang natutulog. Nararamdaman nya ang mainit na hininga nito. Nanlaki ang kanyang mga mata ngunit bahagya ring kumalma nang silayan ang magandang mukha nito. Muling bumalik sa kanya ang alaala ng nagdaang gabi. Napabangon sya ng dahan dahan at dumeretso ng banyo.

Napahawak sya sa mukha habang nakaupo sa banyo. "You stupid guy! Bakit mo sinabi yun sa kanya? Nakakahiya ka! CEO ka pa man din, Boss ka pa naman tapos papakitaan mo sya ng kahinaan mo." Halos iritable nyang bulong sa sarili.

Kailangan nyang bumalik sa composture nya. Hindi na dapat nya ipakita pa na mahina sya sa harapan nito. Naiirita talaga sya sa pinaggagagawa sa harapan nito. Sa sobrang inis ay ginulo nya ang kanyang buhok. Hiyang hiya sya sa nangyare. Paano nya haharapin ito. Kung hindi lang dahil sa problema ng kanyang kaibigan hindi sya magkakaganun.

Nagulat sya sa sinabi nito na gagawin nito ang lahat para lang maligtas ang kaibigan at ang baby sa loob nito. Napakaganda ng puso nito. At habang tumatagal ay napagtatanto nya sa sarili na nahuhulog na sya rito.  Hindi nya napigilan na halikan ito at damhin ang mga labi nito. Mas lalo syang nasabik at balak nya ng ariin ito ng ipasok nya ito dito sa kanyang kwarto.

Hindi nya napigilan ang sarili na mag-confess dito. 'Whaaaaaat???? Niyaya ko ba sya maging girlfriend?' Mas lalo syang nainis sa naisip. Dale James Lagdameo! You're nothing but a psycho!' Mas na-frustrate pa sya sa naisip.

'Stop it Dale! Go back to your ownself.' Huminga sya ng malalim at makailang lunok ang kanyang ginawa upang kumalma ang kanyang pakiramdam dahil sa mga naisip nya. Binuksan nya ang shower at hinayaang bumuhos ang tubig sa buo nyang katawan.

-----------------------

KEIRA POV

Its been 3 months since nagstart magwork si Keira as a bodyguard and a driver sa boss nyang si Dale and its like a normal phase sa kanilang dalawa. Nothing unusual happened in the past 3 months when she decided to stay in his home.

Parang ang bilis ng araw na nagdaan. Simula kasi ng gumising sya ng araw na yun sa kwarto ni Dale ay naramdaman nya na may nag-iba dito. Ibang iba sa Dale na nakita nya nung gabi bago sya nakatulog sa kwarto nito. Kung paano nito pinakita ang kahinaan nito at paano ito nagconfess sa kanya ay parang nagbago ang lahat ng bumaba ito at sumabay sa kanya na kumain.

Bago kasi ito lumabas ng banyo ay sya namang pagtakas nya mula sa kwarto nito. Hindi na kasi nya alam kung anung mukha pa ang ihaharap dito. Baka tanungin ulit sya nito. Nahihirapan sya dahil bago pa lang sya sa kanyang work pero ganun na ang pagtingin sa kanya ng kanyang boss.

At sa mga araw na iyon ay wala naman syang na encounter para protektahan ito sa mga masasama sa paligid. Sabagay wala naman itong kaaway pero hindi naman nila alam ang pedeng mangyare basta handa syang harapin ang bawat panganib maprotektahan lamang ito. 'Ginagawa lang ba nya iyon kapalit ng binabayad nito sa kanya o dahil sa kaibuturan ng kanyang puso ay talagang gusto nya itong protektahan?'

Umiling iling sya at napatulala sa glass wall kung saan kita ang mga building sa labas. Medyo nalulula sya kapag tumitingin dito pero kahalo nun ay ang kapayapaan sa kanyang isipan sa tanawing kanyang nakikita mula sa labas habang hinihintay nya ang kanyang boss na matapos ang meeting thru online.

Hindi na sila madalas nag-uusap kapag sila na lang ang magkasama. Wala silang matinong communication. Basta maipagdrive lang nya ito sa bahay nito ay nagagampanan na nya ang pagiging driver. Kasama nya lang ito lagi ay sapat na dahil nakikita naman nya ito. At hindi nya naman hinahayaan na mawala ito sa paningin nya.

Tanging ang mga halik lang nito ng tatlong beses sa isang linggo ang way ng paguusap nila. Oo, meron pa ring halikan na namamagitan sa kanila sa tuwing bababa sila ng elevator pero pagkatapos nun ay balik ulit sila sa pagiging casual. Ang weird lang na naghahalikan sila ng wala silang relasyon.

Natatawa sya sa isiping kahit dun lang ay nararamdaman nyang may pagtingin ito sa kanya. Hindi na nga lang talaga nila pinaguusapan. Hindi nya rin maintindihan ang sarili dahil baka nga hanggang duon lang ang gusto nito dahil pagkatapos nitong mag-confess ay bumalik na ito sa dati na malamig at laging seryoso.

'Bakit ba sya umaasa? Eh isa lang naman syang bodyguard at driver and nothing else. Kahit pa nagkukunwari silang magkasintahan kapag kaharap ang pinsan nya at kaibigan nito.'

Speaking of her cousin and Bea, nagpakasal na ang mga ito, a month after malaman na nagdadalantao ang kasintahan ng kanyang pinsan. Bea is very fragile. Maselan ang kanyang pagdadalantao. Bawal ma-stress at laging nahihimatay. Mas saludo sya sa pinsan nya dahil naging mas responsable ito. Naging maalaga dito ang asawa nito sa kahit sino at anu pa mang bagay.

Nagwowork pa rin ito sa company ni Dale pero hindi na bilang modelo kundi sa marketing department na lang. Paunti unti may mga photo shoot for advertisement pero mas nagwowork na lang ito from home para lang makasama nito ang asawa at bow naman sya sa pagmamahal nito sa asawa.

Ngunit naaawa na rin sya rito dahil sa sacrifice nito at sa kinakaharap nitong problema. Ang walang katiyakan kung mabubuhay ang asawa nito. Nasa ika-dalawang buwan na ito ng pagdadalantao.

Kung paano ang pag aalaga nito ay sya ring concern ng boss nya rito. Ito pala ang dahilan kung bakit wala na rin silang matinong paguusap dahil sa tuwing uuwe sila galing work ay madalas na silang bibili ng grocery at pupunta sa condo unit ng kanyang pinsan para dalawin ang mga ito at kapag masyadong gabi na ay uuwe na rin at matutulog at kinabukasan ay ganun ulit at paulit ulit na lang ang nangyayare.

Pero ngayong araw na ito sisiguraduhin nyang magiiba ang sitwasyon nila. Nilingon nya ang kanyang boss na halatang kakatapos lang din sa meeting dahil itinupi na nito ang laptop na nakalagay sa table nito. Nilapitan nya ito. Tumingin lang ito sa kanya at iyon na ang sign na aalis na sila.

Napapailing na lang sya habang sinusundan ang nakatalikod na boss dahil sa tuwing titingin ito sa kanya ay parang may connection na sa kanilang dalawa na ganito o ganyan ang dapat gawin. Hindi nya akalain na makakatagal sya sa ganung sistema nila.

Isang tingin lang ay kuha na agad ang ibig sabihin. Siguro dahil may connection na talaga sila simula ng magtapat ito sa kanya.

Papasok na sana ito ng elevator ng pigilan nya ito. Hinawakan nya ng mariin ang laylayan ng suit nito. Tumigil naman ang nasa unahan nya at tumingin sa kanya.

"Anu---kasi" hindi nya alam ang sasabihin ng tumingin ito. Sumarado ulit ang elevator. Tumingin lang ito ng nagtatanung. Napailing na lang sya rito. Pinindot muli nito ang button ng pag open sa elevator. Pagbukas ng elevator ay hinila sya nito papasok. Pagsara ng elevator ay kitang kita rito ang pagkasabik na muling sakupin nito ang mga labi nya.

Nang magsimulang bumaba ang elevator ay dumampi na muli ang sabik na mga labi nito sa kanya. Marahan sa umpisa ngunit habang tumatagal ay nagiging agresibo ito. Mas nauuhaw ito sa pag angkin sa kanyang labi. Napaungol sya ng pilitin ng mga dila nito ang makapasok. Damang dama nya ang kasabikan sa buong katawan nito. Mainit, marubdob at nakakabuhay ng sistema ang ginagawad nito sa kanya. Labis syang nalulunod sa paghalik nito.

Napayakap na sya sa batok na senyales na bumibigay na sya at nanghihina na sya para pigilan pa ang nadarama dito. Ganito lagi sa tuwing bababa sila ng elevator. Parang nakasanayan na nilang maghalikan sa loob ng elevator. Wala kasing cctv sa paligid kaya malaya nilang nagagawa ang gusto. Napakabango ng hininga nito. Napakasarap papakin ng mga labi nito. Ang mapaglaro nitong dila ay lumilibot sa kabuuan ng kanyang bibig. Ang sarap, nakakalunod na pakiramdam. Mahigpit ang hawak nito sa kanyang bewang. Parehas walang gustong tumigil sa ginagawa nila. Dahil kapag gumalaw isa man sa kamay nito ay matatapos na rin ang kanilang halikan ganito ang nakasanayan nila. Kaya mariin lang itong nakahawak sa kanyang bewang tinatantya ang bawat galaw ng bawat isa. Mas tumatagal mas napapadiin ang hawak nya sa batok at sa buhok nito. Kung hindi pa tumunog ang elevator na nagsasabing nasa basement na sila ay di pa sila hihinto. Tumatagal minsan ng 30 to 45mins ang halik nila. Walang tigil. Walang hintuan. Dahil walang kumokontra.

Kapwa silang humihingal ng maghiwalay at lumabas ng elevator. At paglabas ay babalik na ulit sa dati ang kanilang kilos na parang walang nangyare. Wala silang usapan or kontrata na pinirmahan pero ganito ang kanilang ginagawa kapag pababa na ng elevator. Nakakatawa mang isipin pero ang totoo ay nageenjoy sya sa ganung bagay. Napadila sya sa kanyang labi habang nagpapatiuna na pumunta sa sasakyan. Tahimik naman itong nakasunod sa kanya.

Pinatakbo na nya ang sasakyan at binabagtas ang kalsada patungo sa supermarket. Pagdating nila ay agad silang kumuha ng cart at bumili ng mga kakailanganin nila Bea at Lloyd. Parang sila ang nagiging magulang ng mga ito sa sobrang pagaalala sa kalagayan ng kaibigan nito.

Hanggang kailan kaya sila magiging ganun. Minsan nakakaisip sya ng kasawaan pero wala syang magawa dahil boss nya ito at di naman ganun kahirap ang trabaho niya rito. Malaki pa sahod nya at maganda ang mga benefits so bakit pa sya aalis. Dahilan lang siguro niya para umalis ay kapag nakita na nya ang matagal na nyang hinahanap.

Nagmamasid sya sa paligid. Madalas naman silang naggogrocery dito pero ngayon lang sya nakaramdam na parang may kakaiba sa loob ng supermarket. May napansin sya sa isang salamin. Nang malinawan ang kanyang mata ay nakita nyang may hawak itong patalim at malapit na ito sa boss nya. Nakaramdam sya ng kaba pero ng ikinumpas nya ang kanyang kamay na dahilan para huminto ang oras.

"Keira!" Tawag nito sa kanya na ikinabigla nya.

"Boss! Sorry! I sense danger here!" Napalingon naman ito sa paligid at napansin na huminto nga ang oras. Malaki pa rin ang pagtataka nya kung bakit sa tuwing hinihinto nya ang oras ay hindi ito apektado. 'Bakit kaya?' Takang tanung nya sa sarili.

Tinuro nya ang salamin. Nakatutok nga ang patalim ng lalake dito. Kaya nanlaki ang mga mata nito pero hindi pa sya nasiyahan at nilapitan ito. Kinuha nya ang patalim nito at pinalitan ng bareta ang hawak nito. Napahalakhak naman ang kasama nya sa ginawa. Natawa na rin sya habang tinatapon ang patalim sa basurahan. Lumapit din ito sa lalake at kinotongan ito. Natawa sya sa parang bata nitong akto.

Tinapos na nila ang pag grocery at ng nasa pila na sila ay muli na nyang pinaandar ang oras. Nang masilip nila ang lalake sa salamin ay napansin nito na bareta na ang hawak kaya napalingon lingon ito at saka nagtatatakbo palabas na akala mo ay namaligno sa takot. Parehas naman silang nagtawanan sa nakita.

"Next!" Tawag ng isang cashier na parang nagtataka kung bakit sila tumatawa.

Habang nag-papunch ang cashier ay nagkatinginan naman sila at muling nagtawanan. Kitang kita ang kislap sa mga mata ng lalake. Halatang masaya ito ngayon.

Nang matapos na ay ito na ang nagdala ng mga nabili nila at nilagay sa compartment ng sasakyan. Nakasakay na sya sa driver seat habang hinihintay itong pumasok.

"Thank you kanina." Napatingin sya rito ng marinig itong magsalita. Nakapasok na pala ito ng di nya namalayan. 'Whaa... first time kong narinig ang boses na yun.'

"Wala yun boss, namiss ko to." napatitig naman ito sa kanya na parang nagtatanung.

"Ah boss. Bodyguard mo ko. And my job is to protect you. No need to say thank you." Pag-eemphasize nya sa pagiging bodyguard nya para hindi na nito pansinin yung una nyang sinabi. Ngunit malinaw pa rin ang pandinig nito.

"What have you say earlier before the bodyguard thing?" Napahinto naman sya sa pagbukas ng makina dahil seryoso ang boses nito pero ang mga mata nito ay nasasabik na marinig ang sinabi nya.

"Wala boss, sabi ko gwapo ka sana bingi ka lang." Sabay ng pagbukas muli nya sa makina at pagngisi. Nang makita nya rin ang rearview mirror ay napapangiti na lang din ito at tumingin sa bintana.

Ilang sandali pa at natahak na nila ang unit ng kanyang pinsan. Kumatok sya ng marahan dahilan para marinig ng nasa loob. Bumukas ang pinto at bumungad ang isang matangkad na lalake at kababakasan ng pagod sa mga mata nito at ang mga stabbles nito na unti unting dumudungaw sa face nito. Gwapo pa rin naman ang anyo nito. Ngumiti ito at halatang inaasahan na ang pagdating nila dahil sa maluwang na pag-anyaya nito para makapasok sila sa loob.

"Hi Kei, Hi Boss! Thank you sa mga ito" bati nito sabay kuha sa mga pinamili mula sa kamay ng kanyang boss.

"How's Bea?" Kamusta nito Hanap agad nito sa kaibigan.

"Im here Dale.and I'm grately fine." Nanghihina nitong tugon. Tatayo na sana ito ngunit mabilis nyang pinigilan ito.

"Don't move! Anung kailangan mo ako na bahala kumuha para sayo?" Saad nya rito na may kasamang pag-aalala. Napatigil naman ito sa pagtayo at muling umayos ng upo.

"I need water lang sana. Thank you Keira!" Ngumiti naman ito ngunit makikitaan parin ng pagkaputla. Kumuha sya sa kusina ng baso at agad dumulog dito at binigay iyon.

"Kamusta naman kayong dalawa? Kailan na ang kasal?" Napamaang naman sya sa sinabi nito at napatingin sa gawi ni Dale kung saan parehas sila ni Lloyd na nagaasikaso sa kusina.

Nagtutupi ito ng long sleeve para mag-ayos na sa pagluluto. Ito na kasi lagi ang nagluluto para sa kanila. Kapag napapagawi sa unit ng mga ito.

"Wala pa sa isip namin yan. Siguro kapag nanganak ka na." Saad naman nito habang nagchachop ng mga baboy. Andun pa rin ang pag aakto nila na magkasintahan sa harapan ng mga ito dahil ayaw na nilang madagdagan pa ang iniisip ng mga ito.

"Hay ang palad mo jan sa boyfriend mo Keira, magaling na magluto, Mayaman pa. San ka pa? Papakawalan mo pa ba yan?" Napatitig naman sya sa lalakeng nagluluto sa kusina at napangiti sa sinabi nito.

"Mapalad ka rin sa asawa mo dahil kitang kita na mahal ka nya at kayang magsakripisyo para sa inyong dalawa." Namula naman ito sa sinabi nya. Kitang kita pa rin dito ang paghanga sa asawa.

"Ano yan pinaguusapan nyo ah at nagtatawanan kayo jan?" Saad ni Lloyd ng makalapit ito. Hinaplos nito ang ulo ng asawa at kinintalan ng halik sa noo. Kilig na kilig naman syang nakatingin sa mga ito.

"Tigilan nyo nga ako at sa harap ko pa kayo naglambingan! Nilalanggam na ako o" sabay kunwaring pagpalo nya sa balat ng braso nya at pakunwaring kamot pa na parang may langgam talaga. Sabay naman na nagtawanan ang mga ito sa inakto nya. Natawa na rin sya.

Ganito lang ang gusto nya para dito. Maging masaya para hindi na mag-isip ang mga ito sa problema na matagal pa namang haharapin. Kanina ng pigilan nya ang oras ay tiningnan nya kung kaya ba ng paghinto ng oras ang mailigtas ito sa gitna ng panganganak nito. Dahil hindi pa naman nya nagagawa ang ganung bagay at alam nyang kontra yun sa kagustuhan ng maykapal.

Wala syang karapatan na pangunahan ang pedeng mangyare at ayaw naman nya abusuhin ang power na talagang misteryoso pa rin sa kanya kung saan nya nakuha ang bagay na yun. Isa lang nasa isip nya. Kapag may gusto syang protektahan ay kusa itong dumarating pero para lamang ito sa boss nya at hindi ang pagligtas sa iba.

Napailing na lang sya sa naisip. Hindi na muna nya aalalahanin yun at may pitong buwan pa sya para pagisipan kung paano gagawin iyon at natitiyak nya na kakampihan sya ng maykapal sa gagawin nyang pagtulong.

Tumayo sya at lumapit sa nagluluto na boss nya. Mula sa likod ay yumakap sya rito. Bahagyang napakislot naman ang lalake sa harapan nya dahil siguro nabigla ito sa ginawa nya.

"Uy si insan nainggit!" Panunuya ng kanyang pinsan sa kanya. Mas diniinan pa nya ang yakap dito. Naramdaman nya ang paninigas ng katawan nito. Buti na lang at naghihintay na lang ito ng pagkulo kaya ng humarap ito sa kanya ay napabitaw sya rito. Yumuko ito upang abutin ang kanyang noo at kintalan sya ng halik sabay ngiti. Namula sya sa ginawa nito. Narinig naman nyang tumawa ang dalawa mula sa sofa.

"How would I resist if you already insist honey." Bulong nito na lalong ikinamula ng kanyang mukha dahil sa kiliti na naramdaman nya sa kanyang punong tenga. napakainit ng hininga nito at nakakabuhay sa sistema ang boses nito. Mali ba na niyakap nya ito.

"I--I'll go to restroom" utal nyang salita rito at parang robot na naglakad patungong cr. Dinig na dinig pa rin nya ang tawanan ng mga ito na lalong ikinahiya nya. Sinarado nya na ang pinto at naghilamos aya ng kanyang mukha. Napatitig sya sa salamin at andun pa rin ang kamulahan ng kanyang mukha. May napansin kasi sya sa ibaba nito parang may bumukol dun pero muli ay ikiniling nya ang kanyang ulo at saka pinagpatuloy ang paghilamos sa mukha.

DALE POV

"Ikaw talaga Dale, masyado mong inaasar si Keira." Pang-tudyo ni Bea sa kanya. Nagpeprepare na sya sa dining table ng kanilang kakainin.

"Hindi ko naman sya inaasar. Masarap kaya syang makita magreact ng ganun." Saad nya rito habang nagsasandok na ng ulam nila na sinigang na baboy, specialty nya. Gusto rin kasi nyang mapatikim nito si Keira.

Natigilan sya ng bigla syang yakapin ni Keira mula sa likod. Nabuhay tuloy ang buong sistema nya na pinipigilan nya simula pa sa elevator. Lagi nya iyong nararanasan kapag nagdadampi ang kanilang mga labi. 'Ang sarap talaga ng mga halik nito. Hindi nakakasawa. At kahit halik lang ay sapat na'.

Napansin din nyang nawala ang awkwardness sa kanilang dalawa ng magkasabay silang tumawa sa nangyare kanina sa grocery dahil sa kalokohan nilang ginawa. Hindi pa rin sya makapaniwala na may tao palang may balak sa kanya ng masama. Sa loob ng 3 months ay wala naman kasi syang naranasan na ganun. Ngayon lang at mas napatunayan nyang kaya nga sya nitong iligtas.

Kanina rin sa pagyakap nito hindi nya alam kung napansin ba nito ang pamumukol ng kanyang pagkalalake sa kanyang pantalon. Hindi nya talaga mapigilan kapag lumalapit na ito sa kanya. Kung wala lang itong dalawa sa harapan nya tiyak may magawa na sya rito at titiyakin nya na maaadik ito sa kanya. Lihim syang napangiti sa naisip. 'Ang manyak mo talaga Dale! Behave!'

"Wow! Sinigang na Baboy!" Napalingon sya sa bandang likuran nya ng marinig nyang magsalita ito. Naglalaway ito at parang sabik na sabik matikman ang luto nya. 'Ako kaya tikman mo at gusto ko yang paglalaway mo sa harapan ko' gumana na naman ang maharot nyang isip. Ngumisi naman sya dito.

"Favorite kasi yan ni insan. Di ba insan?" Sabay tingin naman nya muli sa nagsalita at bumalik sa naglalaway na babae. Nalaman din kasi nya mula sa pinsan nito na favorite nga nito ang sinigang na baboy kaya ipinagluto nya ito. Tumingin naman si Lloyd sa kanya ng makahulugan at napamaang naman sya rito.

Buhat buhat na nito ang asawa at iginiya sa upuan ng dining table. Inasikaso nito ang asawa at masaya silang naguusap. Sana ganun din kami ni Keira.

"Anu kayang feeling ng dinadala nya ang anak ko." Sarap mangarap pero hindi sya makagawa ng move dito. Ayaw rin naman nyang magtanung pa rito about sa nangyare 3 months ago.

"Wow! Ang sarap boss!" Masayang sabi nito matapos mahigop ang sabaw na nasa maliit na mangkok nito. Natutuwa sya sa reaksyon na ipinapakita nito habang tinitikman ang kanyang ginawang sinigang na baboy.

Masaya silang kumain ng hapunan, wala silang ginawa kundi ang magtawanan at magbiruan.

Matapos magsalo salo sa pagkain at makapaghugas si Keira ng pinagkainan ay ilang sandali pa ay nagpaalam na sila sa mag-asawa para makapagpahinga na ito.

"Salamt Boss and insan! Nga pala insan bukas, luluwas kami ng batangas. Dalawin namin sila papa, sama ka ba?" Napatigil ito ng marinig ang sinabi ng pinsan. Mukhang nag-iisip ito.

"Hindi na muna insan. Kayo na lang" nagtataka sya sa sagot nito. Bakit ganun na lang ang pagtanggi nito gayong day off naman nito bukas.

"Sige sasama kami." Saad nya rito.

"Hindi ikaw ang tinatanung Dale." Mariin nitong banggit sa pangalan nya. Nagdilim ang mukha nito na parang mas pipiliin na lang nyang manahimik dahil sa delikado pala ito kapag nagalit. Lumabas na rin ito agad ng hindi na sya hinintay pa.

"Pasensya ka na sa biglang pagbabago ng itsura ni pinsan. Masyadong mahaba kapag kinuwento ko pa. Halos magkapitbahay lang kasi sila papa at sila tito na papa nya. Siguro hintayin mo na lang syang mag-open up sayo. Hindi pa rin ba?" Pagkamot nito sa ulo habang binabanggit ang mga salitang iyon.

Umiling naman sya dahil totoo naman na wala pa itong naikukuwento mula sa mga magulang nito. Paano nga naman nya malalaman kung wala naman silang relasyon. Kunwarian lang naman ang pinapakita nila sa mga ito.

"Sige na una na kami. Ingat kayo ah." Sabay tapik nito sa braso ni Lloyd. At hinabol ang nakikitang papalayong anino ni Keira. Mukhang galit ito. Kailangan amuin at hindi nya masikmura na makita itong ganito kaseryoso. Mas maganda kasi ito kapag laging nakangiti. Maganda pa rin naman ito kapag nakasimangot pero mas dangerous lang. Napapailing na lang syang nakasunod dito.


Load failed, please RETRY

Status Power Mingguan

Rank -- Peringkat Power
Stone -- Power stone

Membuka kunci kumpulan bab

Indeks

Opsi Tampilan

Latar Belakang

Font

Ukuran

Komentar pada bab

Tulis ulasan Status Membaca: C5
Gagal mengirim. Silakan coba lagi
  • Kualitas penulisan
  • Stabilitas Pembaruan
  • Pengembangan Cerita
  • Desain Karakter
  • Latar Belakang Dunia

Skor total 0.0

Ulasan berhasil diposting! Baca ulasan lebih lanjut
Pilih Power Stone
Rank NO.-- Peringkat Power
Stone -- Batu Daya
Laporkan konten yang tidak pantas
Tip kesalahan

Laporkan penyalahgunaan

Komentar paragraf

Masuk