Cali started walking down the aisle when she heard the wedding hymn play. Hindi niya maiwasan ang maging emosyonal sa mga sandaling iyon. Nasa magkabilang gilid niya ang mga magulang, handang ihatid siya sa harap ng altar kung saan naghihintay si Drake Lustre - ang lalaking kanyang minamahal at pakakasalan sa pangalawang pagkakataon.
Lahat siguro halos ng batang babae ay nangarap magkaroon ng isang mala-prinsesang kasal balang araw at isa na siya sa masasabing nagkaroon din naman ng ganoong pangarap - iyong bang fairy tale wedding kung tawagin ng iba. Bagaman hindi ang kasal na pinangarap niya bilang paslit ang naganap, wala pa ring pagsidlan ng kaligayahan si Cali. Drake loves her and will marry her for the second time around, ano pa ba ang mahihiling niya?
Calista was wearing her mother's old wedding dress. Luma na iyon at old style but it fit her perfectly, isa pa, para sa kanya ay isang malaking karangalan ang maisuot ang traje de boda ng ina.
Magalang na nagmano si Drake sa kanyang mga magulang nang ibigay ng mga ito ang kanyang kamay.
"You look stunning as always" papuri nito sa kanya habang inalalayan siyang paakyat sa altar.
"I'm already your wife, hindi mo na ako kailangang bolahin" birong sagot niya.
"Kahit kailan hindi kita binola, Mrs. Lustre."
"Hmp, sige na nga" she answered, smiling from ear to ear.
******
Matapos ang seremonya ng kasal ay isang maliit na salo-salo ang inihanda ng kaniyang mga magulang sa kanilang tahanan. Pawang mga malalapit na kamag anak at ilang kaibigan lamang ang kanilang panauhin. Laking pasasalamat ni Cali na hindi na masyadong nag usisa ang kaniyang mga magulang kung bakit wala ni isa sa pamilya ni Drake ang nakarating, bukod sa matalik nitong kaibigan na si Vince na bumyahe pa mula Maynila upang makadalo.
Marahang naupo si Cali sa tabi ng asawa sa ilalim ng punog niyog. Nakita niya itong tahimik na nakatanaw sa karagatan, hawak ang isang bote ng beer sa kamay.
Malambing siyang sumiksik sa dibdib nito at itinuon rin ang mga mata sa dagat.
"What are you doing here?" she softly asked. Mukhang malungkot ang asawa niya? Is he regretting marrying her?
"Me? sad? no way!" nakangiting sagot ng binata. "I just married the most beautiful girl in the world, for the second time around, bakit ako malulungkot?". Hinalikan nito ang noo niya bago dinala ang bote ng beer sa bibig upang lumagok.
"Then why are you here alone?"
Drake sighed "Naisip ko lang si mama. Hindi ba mas maganda sana kung nakadalo siya ngayon?", he looked at her and smiled, hinawi ang ilang hibla ng buhok niyang nililipad ng hangin "but then ang mahalaga ngayon ay tayo".
"I'm sorry, Drake..."
"Sshh... you don't have to apologize sweetheart, it's not your fault." Muli nitong ibinaling ang paningin sa dagat. "I grew up in a lonely household Cali. We had all the money but that couldn't buy me happiness growing up" muli itong uminom ng beer bago nagpatuloy.
"That's why sweetheart, I want a big happy family with you. Gusto ko ng maraming anak, yung masayang pamilya".
"Marami? Gaano naman karami Mr. Lustre, aber?"
"Hmm? Mga lima".
"Lima?!" bahagya siyang napabalikwas sa sinabi nito. "Ay nako para naman akong inahin niyan sa gusto mo" natatawang protesta niya.
"Bakit? ayaw mo ba ng maraming anak? Mag isang anak ka lang din, ganoon din ako. I want a big, happy family Cali", seryosong sagot nito.
"Pwede bang tumawad? mga tatlo na lang?"
He chuckled and pinched her cheek "Pwede. Pero gusto ko gawin na natin agad yung isa mamaya" pilyong bulong nito sa kanyang tenga.
Ang mabining hininga nito sa kanyang tenga ay sapat na upang panayuan ng balahibo sa buong katawan si Calista.
"Ano ka ba? Ang liit ng bahay namin. Sa Maynila na." biro niya, pero may pakiramdam siyang namumula na ang kanyang mukha.
"I can be really quiet...ewan ko lang sayo..hmmmn..." inilapit nito ang mukha sa kanyang leeg and sniffed her there.
That simple act sent sweet shivers down her spine. Bigla yatang nag-init ang paligid?
"Drake, ano ba?" she weakly said, hindi maiwasang naipikit ang mga mata.
Isang tikhim mula sa hindi kalayuan ang nagpamulat sa kanyang mga mata. Her cheeks turned beet red nang matanaw ang nag mamay-ari ng tinig. Si Vince, Drake's best friend, smiling at them.
"Sorry to interrupt love birds, but I came here to say goodbye". Nakangiti pa ring anito.
Bigla ang naging pagtayo ni Cali sabay pagpag sa paldang suot na nakapitan ng buhanging dagat.
"U-uuwi ka na? Hindi ka ba mag overnight dito?". She nudged Drake to stand up, tumalima naman ang asawa.
"Balikan lang ako Cali, may family gathering pa akong pupuntahan bukas eh."
"Sabihin mo mang chi-chicks ka lang!" buska ni Drake na sinabayan ng tawa.
"Pre, one man woman na ako ngayon since I met Diana, alam mo yan." There was a spark in his eyes as he said the woman's name. "Ikaw din sana pare, huwag mong paiiyakin tong si Cali".
Malambing na inakbayan ni Drake si Cali "Alam mong tapos na tayo diyan, bro." he kissed the top of her head.
Natawa si Vince sa sinabi ni Drake. "Who would've thought that the elusive Drake Lustre, one of the most sought after bachelor in the Philippines will be tied down to one woman? Iba ka Cali, saludo ako sa'yo at napaamo mo itong kaibigan ko", nakangising anito.
"Wala eh, hindi na ako pinakawalan eh!"
"Ah ganon?!" she said laughing, kinurot niya ang asawa sa tagiliran.
Nagkatawanan silang tatlo.
"Seriously guys. I wish you all the best.", niyakap sila ni Vince. "Oh paano pre? I'll see you in Manila next week?"
Isang tango ang isinagot ni Drake sa kaibigan.
******
Ilang araw matapos ang kasal nila sa San Antonio ay lumuwas na silang muli pa-Maynila. Napagusapan na nila ni Drake na kailangan nilang harapin ang ina nito, upang ipag bigay alam na mag-asawa na sila, bilang paggalang. Nasabi na sa kanya ng binata na hindi ang ina ang tipo ng taong madaling makalimot o magpatawad, ngunit umaasa pa rin itong matatanggap ng ina ang kanilang naging desisyon.
Hindi birong kaba ang sumakmal sa pagkatao ni Cali habang tinatahak ng sasakyan ang daan papasok ng Mansion ng mga Lustre. It wasn't so long ago when she was here at parang nagka phobia na yata siya sa naging karanasan sa loob ng pamamahay na iyon.
"Ay senyorito! Good afternoon po!" bati ng isa sa mga kasambahay na parang nagulat nang makita si Drake.
"Ang mama?"
"Nasa library po, kaaalis lamang po ng ka meeting ni Senyora".
Tumango tango si Drake at nagtuloy pumasok sa mansyon, hawak pa rin ang kanyang nanalalamig na kamay.
Calista sighed heavily at she and Drake stood in front of the big wooden door of the library.
Tatlong katok ang ginawa ni Drake bago itinulak pabukas ang malaking pintuang iyon.
"Ma?"
Evelyn looked up from the documents she was examining nang marinig ang tinig ng anak.
"Hijo! where have you been? Hindi kita ma-contact! If Vince didn't say you were vacationing ay muntik na kitang ipa blotter as a missing person! Saan ka ba- ", naputol ang litanya ni Evelyn ng mapuna siya sa likuran ni Drake.
"Ano ang ginagawa ng babaeng 'yan sa pamamahay ko, Drake?"
"Ma, we came here to tell you that we got married. Mag-asawa na kami ni Cali."
"What?!" napatayo si Evelyn sa kinauupuan. Her fists slammed against the huge office desk. "Ano'ng sinabi mo Drake?!"
"We're married." matabang na tugon ni Drake sa ina, tila hindi man lamang ito natinag sa galit ng ina.
"What sick joke is this? Nabaliw ka na ba talaga? Hinding hindi ko matatanggap ang babaeng 'yan!", halos lumuwa ang mga mata ng ina nito sa panlilisik. "Your marriage with Abbey has been set already! Nakapag usap na kami ng papa niya!"
"Well I guess you will have to cancel it since a married man couldn't be married again to a different woman." Drake paused, "Nagpunta lang kami dito, Ma, upang ipaalam sa inyo. I am not asking for your permission or blessing."
"Drake!!!" Evelyn's voice sounded desperate "ano ba ang nakita mo sa hampas lupang babaeng 'yan anak?!"
"Don't talk to my wife like that!" dumagundong ang tinig ni Drake sa library. Napakapit si Calista ng mas mahigpit sa braso ng asawa. Noon lamang niya ito nakita ng ganoon ka galit.
"Ngayong alam niyo na, aalis na kami." Hinatak nito ang kamay niya at tinalikuran na ang ina.
"Magisisi ka sa desisyon mo Drake! You will never be happy with that woman! Kapag itinuloy mo ang kahibangan mo, you will lose every right to be a Lustre! Do you hear me? Mawawala ang lahat sa iyo!" hiyaw ni Evelyn.
Saglit lamang napahinto sa paglakad si Drake at nagtiim ang mga bagang bago tuluyang nilisan ang silid na iyon.