Unduh Aplikasi
61.53% Sin Mideo A La Muerte (FILIPINO) / Chapter 16: Kabanata 13

Bab 16: Kabanata 13

LUMABAS muna saglit si Jared upang kumuha ng makakain, binilisan niya ang paglalakad dahil walang bantay si Carrieline. Ilang araw na itong nakaconffine sa hospital. Kaya labis-labis na ang pag-aalala ng mga magulang ng dalaga rito. Maski siya'y nag-alala na rin, ilang araw na siyang pabalik-balik sa paaralan. Kung saan niya nakakitaan ang lalaking tinatawag nitong Dexter.

Isang beses, na naabutan niya ang pinsan nitong si Lydhemay sa eskuwelahan ay agad niyang ikuwento rito ang tungkol sa lalaki.

Takang-taka ito habang inilalahad nga niya ang pagkikilanlan ng binata na maski ang  matagal ng pananaginip ni Carrieline dito ay naikuwento niya rin niya.

"Alam mo ba ang sinasabi mo Jared? Ang mga taong sinasabi mong napapaginipan ni Carrie ay matagal ng patay. My god! Isang dekada na nga ang nakararaan, buhat  ng mangyari ang pagkakasunog ng malaking mansiyon ng mga Lacus."mahabang salaysay ng dalaga kay Jared.

".... And you know Jared, madami kasing naganap dati. Paggradruate na kami ng maganap ang trahedya sa pamilya nina Nakame. Kung 'di mo naitatanong ex boy friend ko si Nakame,"kuwento pa nito, tila nagkaroon ng lambong ang mga salita nito lalo sa huling pangungusap.

Na tila kahapon lang naganap ang trahedyang naganap sa magkakapatid na Lacus. Mataman lang nakikinig si Jared sa kuwento ng kaharap, nasa school cafeteria sila that time. Inaya na niya itong magmeryenda para makapag-usisa pa siya lalo. Kahit labag sa kalooban niya, tutulungan niya si Carrieline tuklasin ang lahat ng misteryong nagaganap dito. Napasulyap siya kay Lydhemay ng magsimula itong magkuwento.

" Masiyadong mahaba Jared kung ikuwekuwento ko ng buo ang nangyari noon. Kaya ikukuwento ko nalang 'yung mga importanteng bagay na gusto mong malaman,"sagot nito saka ito ngumiti ng matipid sa kaniya.

"So it means, nasa 25 years old na sila sana ngayon Lydhemay?"Tanong niya rito na agad niyang tinanguan. Habang umiinom ng juice na inorder niya para rito.

"Pero matanong ko Carrie, hmmm... nagtanong-tanong na kasi ako sa mga faculty staff dito sa St. Beñedicio, nakilala mo naman na siguro si Sir Shin Montello right?"Patuloy niyang pag-uusisa.

Bigla ay natigilan ito sa paglagok sa iniinom nitong juice sa baso. Tila napaisip pa ito, hanggang sa umaliwalas ang ekspresyon sa mukha ng dalaga.

"Ah yeah... yeah I know him. Actually teacher siya sa Arts & Literature ni Denver. B-bakit mo naitanong?"Takang-tanong ni Lydhemay kay Jared.

"So nakita mo na ang itsura ni Shin?"Agarang tanong ni Jared sa kaharap na babae.

"Oo nga, ano ka ba Jared!"Iiling-iling nitong sabi habang inaayos na nito ang mga gamit. Malapit na kasing matapos ang klase ng anak nito, kaya kailangan na nitong bumalik sa guardian waiting area.

"H-hindi mo ba napansin na sobra ang pagkakahawig ni Shin Montello sa sinasabi mong si Dexter Lacus?"Nagtataka niyang sabi.

Natigilan naman si Lydhemay sa pagkalikot sa kaniyang purse at matamang lumipad ang tingin niya kay Jared. Mababakas sa mukha ng dalaga ang pagkalito, hanggang sa bumalong sa magandang mukha nito ang kabiglaan at tuluyan nahalinhinan ng takot.

"H-hindi maari iyon Jared, dahil si Dexter ay nakasama sa bangkay na nailabas sa nasunog na mansyon ng mga Lacus may sampung taon na ang nakararaan. Either na..." natigilan nitong sabi. 

"Either what Lydhemay, spill it up!"Puno na rin ng kaba ang dib-dib ng binata. Tila hindi niya gusto ang tinutumbok ng magiging usapan nila.

"J-Jared... either na hindi isa si Dexter sa mga nakasamang bangkay na nailabas sa nasunog na mansyon ng gabing iyon. D-dahil bali-balita na rin noon na isa sa kanila ang may  kinalaman sa mga patayang naganap dati rito sa aming bayan!"Napaawang ang mga labing bigkas ni Lydhemay, habang ang mga kamay nitong nanginginig ay marahang pinagsalikop nito sa lamesa na kanilang pinagsasaluhan.

Maski si Jared ay nagulat sa nalaman, mariin itong napapikit at isang plano ang nabuo sa isip niya. Hindi niya hahayahan na makipag-ugnayan pa si Carrieline sa lalaking iyon, anuman ang mangyari. Pipilitin niyang mailayo ito, hamakin man siya ng panganib. Mailigtas lamang niya si Carrieline sa lalaking ang hatid lamang nito ay pawang sakit at paghihirap.

Papasok na siya ng silid ng dalaga nang bigla siyang natigilan sa paghakbang papasok. Nakita niya ang kasiyahan  at galak sa mukha ng mga magulang nito. Agad siyang lumapit kay Carrieline, gising na ito. Ngunit tuloy-tuloy ito sa pagluha. Agad na lumapit ang Mommy nito sa dalaga, sabay hawak sa kamay ni Carrieline.

"Como te sientes hijo?"(Kamusta ang pakiramdam mo anak?)Tanong ng Mama ni Carrieline rito. Maski ito'y pinangingilidan na rin ng mga luha sa magkabilang gilid ng mga mata.

Ang ama naman nitong si Ginoong Fermin ay mabilis na hinalikan sa noo ang anak. Siya'y nanatili lamang nanunuood sa muling pagkakabuklod ng pamilya nina ni Carrieline, totoong natutuwa siya na maayos na ito. Sana nga magtuloy-tuloy na ang paggaling nito sa sakit.

Naikuyom niya ang mga kamao ng marinig niya ang mga salitang nanulas sa labi ni Carrieline, may pinagdadaanan na nga ito pero ang lalaking iyon pa rin ang nasa isip nito sa mga sandaling iyon.

"Daddy... Mommy, k-kailangan kong makita s-si Dexter. Kailangan ko siyang tulungan p-please!"Pakiusap nito sa pautal-utal na salita.

Biglang napatindig ang Daddy ni Carrieline pagkarinig sa mga sinabi ng anak. Sa totoo lang hindi nito nagustuhan ang nangyayari sa dalaga. Akala nila, nailayo na nila ang anak sa trahedyang kinasangkutan nito noong bata pa lamang ito.

Si Dexter kasi ang dahilan ng pagkakasakit ng dalaga, magmula ng makita at magkakilala ang dalawa ay tila dinapuan na rin ng kung anong karamdaman ang anak nila. Si Dexter rin ang dahilan kung bakit nawalan sila ng isa pang anak.

May malapit na sapa sa looban ng kakahuyan na pagmamay-ari ng pamilya Lacus. Kung saan madalas maglaro sina Carrieline at Jeydi kasama na rin ang quadruplet. Magkaibigang matalik dati ang pamilya nina Carrieline, ngunit sa isang iglap naputol ang maganda nilang samahan dahil sa pagkamatay ng kakambal ni Carrieline na si Jeydi na kinasangkutan ng panganay sa kambal na anak ni Clemencia. 

Nasa gilid kasi ng daanan at malapit pa papuntang sapa ang nilalakaran nila noon, nasa edad pito pa lamang ang mga ito. Nanguha ng mga panggatong ang dalawang bata kasama si Clemencia ang Mama nina Dexter. Nang walang ano-ano'y nagulantang sila sa pagsigaw ng anak nilang si Jeydi.

Dali-daling pumaroon ang mag-asawang Monteclaro, para saklolohan sakali ang anak nilang si Jeydi. Baka nakasalubong ang mga ito ng isang mabangis na hayop sa daan.

Ngunit, pagkagimbal ang namayani sa mag-asawa nang maabutan nilang wala ng buhay ang kakambal ni Carrieline na si Jeydi. Duguan ang ulo nito na tila pinukpok ng kung anumang matigas na bagay, nakita pa ang malaking tipak ng bato na nasa gilid at may bahid pa ng sariwang dugo.

Bigla ang pag-ahon ng emosyon sa mag-asawang Monteclaro, maski si Carrieline na nakasunod sa mag-asawa ay natigagal at tila tuod na rin sa pagkakatayo.

Patuloy ang pagtangis ng mga kasama ni Carrieline, wala man lang nakapansin sa aninong itim na umalis sa tabi ng batang si Dexter. Kitang-kita ni Carrieline kung paano umalis sa pagkakalingkis kay Dexter ito. Mabilis na napadako ang pansin ng itim na anino sa kaniya, kasabay ng pagngisi nito ang biglaang pagkawala ng malay niya. Mabilis naman siyang nilapitan ng mga magulang pagkatapos.

Magpahanggang ngayon, tila nakatatak sa mag-asawang Monteclaro ang karumal-dumal na sinapit ng anak nilang si Jeydi sa kamay ni Dexter. Naniniwala silang ito ang may kagagawan ng pagkakasawi ng kambal ni Carrieline.

Ngunit ang hindi alam ng lahat,  may isang elemento pala ang siyang nagbabantay sa pamilya ng mga Lacus sa mga nagdaang taon at kumukontrol sa mga panganay na anak ng mga ito.

... Upang ubusin ang lahat ng lahi ng pamilya Lacus. Kung saan ang aninong itim ay sa mismong angkan din pala nina Carrieline nagmula. Kung saan sa kasalukuyan ay magiging susi siya upang matapos ang sumpa na matagal ng namamahay sa pamilya Lacus sa mahabang panahon.


Load failed, please RETRY

Status Power Mingguan

Rank -- Peringkat Power
Stone -- Power stone

Membuka kunci kumpulan bab

Indeks

Opsi Tampilan

Latar Belakang

Font

Ukuran

Komentar pada bab

Tulis ulasan Status Membaca: C16
Gagal mengirim. Silakan coba lagi
  • Kualitas penulisan
  • Stabilitas Pembaruan
  • Pengembangan Cerita
  • Desain Karakter
  • Latar Belakang Dunia

Skor total 0.0

Ulasan berhasil diposting! Baca ulasan lebih lanjut
Pilih Power Stone
Rank NO.-- Peringkat Power
Stone -- Batu Daya
Laporkan konten yang tidak pantas
Tip kesalahan

Laporkan penyalahgunaan

Komentar paragraf

Masuk