Please VOTE!
SACRIFICE
Nasa Hotel room siya ng mga oras na iyon kasama si Tina ang new girl niya, she is one of the candidates sa. Bb. Pilipinas ngayon taon.
She's beautiful, sexy and hot. Nagka kilala sila sa party kanina and she started to flirt with him. And because he's a gentleman ay pinatulan niya ang charms nito.
That's when he heard his phone ringing. Naputol ang kanilang ma init na eksena dahil doon.
"Honey, don't answer it." Malambing na sabi nito sa kanya and she kiss him more. And he just smile, hindi na dapat niya sasagutin iyon kaya lang ay ng makita niya na si Cameron ang tumatawag ay sinagot na niya.
"What?" Iritadong tanong niya dito.
"Ten I've found Heather, you might want to see her. It's her wedding today and she's in the hospital right now." Boses iyon ni Cameron na may pag aalala ang tono.
"I think it's a serious matter. Seryoso talaga ang nangyari ngayong araw kaya't kung gagawa ka lang ng gulo. Huwag ka ng pumunta.."
"Baka makasama lang ang intensyon mo. I'll just want to inform you as a friend that's all. Now, I'll just leave everything to you."
He can't find the words para ma ipaliwanag ang kanyang nararamdaman. May ilan sandali siyang hindi maka kilos.
(Her wedding is today? Really? But wait, it's not important. Why the hell is she in the hospital kung kasal niya ngayon. Is she ill?! Is there an accident?!)
Sa mga na isip niya na iyon ay kinabahan siya at natakot para kay Heather. Hindi niya na na isip ang posibildad na kasal na ito. Ang importante ay ang makita niya ito ngayon din.
Hindi nakapagtataka kung may nangyari na aksidente dahil knowing Heather, she's really capable of making troubles. Dahil isa itong walking disaster.
(Pero sana naman ay hindi malala ang sitwasyon niya.) Nag aalala niyang sabi sa sarili.
Mabilis siyang tumayo sa kama at inayos ang pagkaka bitones ng kanyang long sleeve at kinuha niya ang kanyang mga sapatos at sinuot iyon.
Wala siyang paki elam kung ano ang iisipin ni Heather at ang asawa nito kapag nakita siya ng mga ito.
Kahit na hindi maganda ang huli nilang pagkikita ni Heather ay nag aalala pa din siya para dito kaya bahala na ito kung ano ang gusto nitong isipin.
Ang mahalaga ay makita niya ito. Wala siyang paki elam kung sabihin nito na naghahabol siya dito.
"Honey, what's wrong?" Naguguluhan na tanong nito.
"It's an emergency I'll call you later." Iyon lamang ang sinabi niya at umalis na siya. Hindi na din niya inintay ang reaction nito sa sobrang taranta.
"What the hell happened?" Iyon na lamang ang tangi niyang nasabi habang kasalukuyan siyang nagda- drive patungo sa ospital na sinabi ni Cameron.
Napaka bilis ng kanyang pagpapatakbo. Hindi niya alam kung tama ang kanyang gagawin na pag punta doon lalo na't kasal na ito.
Pero hindi naman siya matahimik dahil nag aalala siya dito. Baka kasi malala ang kondisyon nito dahil na ospital ito.
Kahit na hindi siya sigurado sa nangyayari ay gusto pa din niya ito puntahan. It's been already two years, hindi nga niya alam kung natatandaan pa siya nito.
(Is this really right?) Pagda dalawang isip niya sa gagawin.
Sinimulan niyang tanungin ang sarili. Kung bakit kailangan niya pa itong puntahan. Kung bakit siya nag aalala para dito. This is not an amusement for him anymore.
Sa naka lipas na dalawang taon ay dapat hindi niya na ito naalala pa, ngunit bakit bumalik na naman ang kirot sa puso niya ng hindi man lang ito mag paalam sa kanya bago ito umalis?
This is the first formal meeting they would ever have after those 2 years they continued their lives. May be it's a right thing to do, dahil may ilan pa din siya mga katanungan dito na kailngan ng sagot.
At higit sa lahat ay nais niyang makum pirma kung amusement lang ba ang nararamdaman niya para dito o higit pa?
This is the only option he has para ma resolba ang kanyang nararamdaman pati na ang problema sa kanyang puso.
Ilang sandali pa ay nakarating na siya sa ospital. Lumapit siya sa reception area at nag tanong.
"Excuse me Miss, I would like to ask if mayroon kayong pasyente na kakasal lang na isinugod ngayon sa ospital niyo?" Sinamahan niya iyon ng ngiti na pagka tamis tamis para naman sagutin siya nito.
"Ye- Ye- Yes Sir, mayroon po nasa room 326 po." Na uutal na sagot nito sa kanya.
"Thanks!" Masigla naman niyang pasa- salamat. Minsan pala may na itutulong din ang kagwapuhan.
Pumunta na siya sa elevator at pinindot ang 3rd Floor. Now he's on the way sa room number. May halong excitement at kaba ang nadarama niya.
Hindi niya alam kung nagkakamali siya ng lugar na pinuntahan dahil napakaraming mga militar at NBI ang nasa harap ng pinto at sa hallway na papunta dito.
May mga ilan din na mga pawang abay sa kasal ang nasa pinto.
Ang ilan naman ay mga sugatan at may mga benda. Hindi nag tagal ay nagka gulo na dahil nag aaway ang isang babae naka gown at ang miyembro ng NBI.
Minabuti niyang lumapit ng kaunti para mag usisa dahil malapit iyon sa room na sinabi ng nurse kung nasaan si Heather.
"Heather! Stop it!" Sigaw ng isang lalaki na miyembro ng NBI. Tinutok ni Heather sa sentido ang kanyang baril tila nais niyang magpakamatay.
Puro luha ang mukha nito at nagwawala. Ang lahat ay natuliro at hindi makalapit dito dahil sa isang mali lang na kilos ng mga ito ay baka iputok nito ang baril sa ulo nito.
(Si Heather iyon! Mabuti naman at ayos lang siya. How does she comes so beautiful?) Sabi niya sa sarili ng makita ito. Suot nito ang isang magandang wedding dress.
May pagka conservative ang wedding dress dahil sa net at laces nito ngunit mas bagay ito dito kaysa sa mga sleeveless at revealing wedding dress.
(And she wears a high heels? She really does changed.) Sarcastic niyang sabi sa sarili.
Ngunit hindi importante ang labis na pagbabago nito at kahit na sobra itong gumanda dahil may hawak itong baril!
(Wait! Bakit siya magpapa kamatay?! Nababaliw na ba siya?) Pagtataka niya. Nanginginig ang tuhod niya sa ginagawa nito.
Hindi na niya ma ihakbang ang kanyang mga tuhod para lapitan ito.
And he stiffed hindi na niya alam kung paano ito pipigilan o lalapitan man lang.
This is the first time he saw her being so miserable at magpa pakamatay pa ito. Labis na nadudurog ang kanyang puso sa nakikita niya.
"It's all my fault! Kung sana binantayan ko siyang mabuti. Kung sana hindi niya ko iniligtas. He sacrificed himself just to save me! Chief!!! Hayaan niyo na akong mamatay!" Naglulumpasay na ito at tinutukan ulit ang sarili ng baril sa sentido.
At dahil hindi makaya iyon ng Chief ay may tumulong na dalawa pang lalaki para maawat ito. Nagwawala talaga ito.
"Stop it James! Parang hindi ikaw ang babae na nakilala ko." Malakas niyang sabi at ang lahat ng atensyon ay nasa kanya ng mabilis na oras. Si Heather naman ay tila nakakita ng multo at natigil sa pag iyak.
"Sir it's a restricted area, hanggang diyan nalang po kayo." Magalang na sabi ng naka uniporme ng militar. But the Chief gave him the sign that its okay.
"You should not be crying, it's your wedding day. You should smile, sinasayang mo ang maganda mong wedding gown and make up." Nilapitan niya ito at sinuotan ng coat.
Umakap bigla si Heather sa kanya at humagulgol ng pagkalakas lakas. Hindi na nito inalintana kahit na nasa gitna sila ng hallway ng emergency room.
(When does she becomes so vulnerable?) Pagtatanong niya sa sarili habang yakap ito.
Napaka bilis ng tibok ng kanyang puso marahil ay namiss talaga niya ito dahil matagal silang hindi nag kita. Pinigilan niya ang sarili na hagkan ito dahil hindi iyon makaka buti sa sitwasyon nila ngayon.
"James, everything will be alright. Don't worry." Iyon lamang ang sinabi niya at tinapik ang ulo nito. Naagaw ang eksena nila ng lumabas ang doktor mula sa kuwarto ng pasyente.
"Sino po ang kapamilya ng pasyente?" Tanong ng doktor at tumayo si Heather at lumapit agad dito.
"He doesn't have any family. Ako po ang fiancé niya. Doc, kamusta po siya?" May pag aalala sa boses nito.
Hindi agad nakapag salita ang doktor at tila iniisip pa nito kung paano nito sisimulan ang sa sabihin nito.
"I'm sorry to tell this hija, pero vital organs niya ang tinamaan kaya't baka hindi na siya mag tagal.."
"Ginawa namin ang makakaya namin. I'm really sorry. He's awake now, and you can talk to him. And stay beside him. He doesn't have much time. I'm sorry." Nakupkop ni Heather ang bibig at pinipigilan ang sarili na umiyak.
"Doktor ka ba?! Paano mo nasabi na isa kang Doktor kung hindi mo naman kaya mag pagaling ng pasyente!" Frustrated na sabi ni Heather sa Doktor at hinawakan ito sa kolar nito.
Minabuti niyang awatin ito dahil baka kung ano ang magawa nito sa walang malay na doktor.
"James, stop it. Huwag ka ng mag aksaya ng oras at puntahan mo na siya." Iyon na ata ang pinaka masakit na ginawa niya sa sarili ang papuntahin ito sa iba.
Tila naman nata uhan ito at sumunod agad. He was still puzzled on what's happening. Hindi niya alam kung ano ang nangyayari. At kung bakit madaming alagad ng batas sa ospital
"I'll wait for you so go." Sabi niya dito nang tila nagda dalawang isip pa ito sa pag pasok.
At pumasok na ito sa loob, siya naman ay minabuti na ma upo muna dahil tila nanghina siya sa mga eksena kanina.
"Hey." Bati ni Arthur sa kanya. Tila wala itong iniinda na sakit. At pumatak na ang pinipigilan niyang mga luha. Mayroon itong oxygen sa bibig.
"I'm sorry it's all my fault. I deceived you. I'm sorry. Arthur, I'm sorry." Pa ulit ulit niyang sabi dito. The guy just smiles. Sumenyas ito ng papel at ballpen na agad niyang kinuha.
"I'm okay. So, don't cry." Iyon ang naka sulat sa papel lalo siyang umiyak dahil doon.
"A cross necklace? What is this?" Tanong niya dito sa ginuhit nito na larawan. Hindi naman ito sumagot at pumikit lang. Mababakas ang pang hihina dito.
Minabuti niyang bantayan ito at hindi siya umalis sa tabi nito. Ilang oras din ang lumipas ng makarinig siya ng mahinang katok at pumasok si Ten mula sa pinto. Hindi ma ipinta ang mukha nito at hindi niya alam kung bakit.
"How is he? Kumain ka muna may dala akong pagkain. Sabi ng mga kasama mo hindi ka pa daw kumakain mula kanina pa. At bumili na din ako ng damit magpalit ka na din at baka ikaw pa ang magkasakit." May halong concern sa tinig nito.
Hindi pa din ito nagpapalit ng damit marahil ay hindi pa din ito umuuwi buhat kanina.
"No, I'm fine hindi ako nagugutom." Tanggi niya dito sa malamig na tono. Ito iyong tono na nagsa sabi na "umalis ka na at gusto ko mapag isa."
"What's with the concern? You seems nice. Nagbago ka na ata?" Tanong niya.
"Hindi kita papatulan ngayon dahil alam ko na pagod ka at wala sa mood. And please, just eat this and get changed.."
"Are you really sure na ipapakita mo sa taong may sakit at nagpapaka tatag na miserable ka? You're just hurting him." Iyon naman ang sagot nito at halatang pinipigil ang inis sa kanya.
Wala na din siya nagawa kung hindi sundin ito.inuha niya ang paper bag na naglalaman ng ilang piraso na damit mula dito.
At pumasok siya sa banyo para mag bihis. May kasamang sabon, supilyo at amenities ang dala nito kaya minabuti na din niyang mag shower.
Humarap siya sa salamin at hindi niya napigilan umiyak dahil sa mga pangyayari. Sino ba ang mag aakala na ganoon ang mangyayari?
Now, Arthur's having a hard time because of her and she might lose him at any second. Lalong lumakas ang kanyang iyak na naging hagulgol na.
And with the guilt she feels dahil iniligtas siya nito kaya siya ang may kaslanan kung bakit ito nakaratay ngayon sa ospital. How can she be so, stupid? Isa siyang alagad ng batas pero heto't iniligtas siya ng isang civilian.
Masakit na ang kanyang ulo sa pag iyak at ng makalma niya ang sarili. Ilang sandali pa ay lumabas na siya sa banyo. Nandoon pa din si Ten at hinhintay siya.
"You're still here? It's almost 1 am, hindi ka pa ba uuwi?" Bungad niya dito pagkalabas sa banyo. Tumutulo pa ang basa niyang buhok sa sahig.
"Sorry, hindi ako aalis hangga't hindi ka kumakain." Pagmamatigas nito.
"What happen to us? Bakit tayo napunta sa ganitong sitwasyon?" Malungkot at frustrated na tanong sa kanya ni Ten.
Hindi din niya masagot ang tanong nito dahil kahit siya ay hindi niya alam kung paano iyon nangyari.
"I'm so tired kaya hindi na ako makikipagtalo. Pagkatapos ko kumain umuwi ka na." Sabi niya dito at tumango lang ito.
Hinainan siya nito ng buttered vegetables at salad. Tubig lang ang panulak nito. Nasa kasalukuyan siya ng pagsubo ng marinig niya na nagri- ring ang kanyang cellphone.
"Hello, Pa? Bakit ka napatawag?" Bungad niya dito.
( Hija, how's the mission? ) Tanong nito sa kanya. Alam ng Papa niya na ngayon ang big day kung saan dapat mahuli nila si Black.
"We failed Papa, I'm in the hospital right now. I need to talk to you." Malapit ng bumagsak ang kanyang mga luha.
( Why?! Are you hurt? Okay, just give me a sec.") Iyon lamang at pinatay na nito ang linya.
Sa pagkakakilala niya sa Papa niya ay wala pang isang oras ay nasa ospital na ito. Naramdaman niya ang kamay ni Ten sa balikat niya, comforting her.
"How have you been Ten?" Basag niya sa katahimikan nilang dalawa apti sa tensyon na namamagitan sa kanila.
"I'm okay in the past 2 years. Ikaw? I never thought na pagkaalis mo ng New York ay magkikita pa tayo." May pait sa tinig nito.
"Yeah, me too. I never thought this day would come." Tila putol ang sinabi nito.
"Ano nga ba ang ginagawa mo sa ospital?" Tanong niya dito and he's shocked. At nag isip muna bago siya sagutin.
"I just... Ahmmm.. I visited my cousin, na aksidente kasi...siya..pero...pero naka labas na din siya kanina." Na uutal naman na sabi nito na tila hindi sigurado sa sagot nito.
And she's somewhat not convinced parang may mali. But, she ignores it dahil wala siya sa mood makipag talo.
"I've been a member of NBI, in the past 2 years. Today we should have caught "Black" ang isa sa mga utak ng drugs sa Asia.."
"Kaya lang nakatakas siya, and he's Arthur's twin brother. I. Don't know If I can face him. Ako ang kasalanan kaya nagka ganito ang kapatid niya." Her tears are starting to fall.
"The one who did this to Arthur is the one who murdered my Mom, pati ang pilat na ito siya din ang may kasalanan." Lalo na itong umiyak at na gulat naman siya sa sinabi nito.
Na iinitindihan niya kung bakit ito umiiyak. Marahil ay dahil wala itong nagawa ng kunin sa harapan niya mismo ang buhay ng inanito pati si Arthur. He really don't know how he will comfort her.
Minabuti niyang lapitan ito at yakapin. Hindi naman ito pumalag at umiyak lang ito. Marahil ay na isip nito na kailngan niya talaga ng karamay sa mga panahon na iyon.
(God, I missed her.) Na isambit niya sa sarili. He missed her so much. Her wittiness, her attitude and the whole her.
Ngayon niya na realize na ito pala ang hina hanap hanap niya na pakiramdam na kahit kailan ay hindi niya naramdaman sa mga babae na naka sama niya.
"Nagkamali kami ng pinagkamalan namin na si Arthur ang kanan kamay ni "Black" dahil hindi namin alam na may kakambal siya.
At ang kakambal pala niya mismo si "Black". At dahil sa kapabayaan namin may inosenteng buhay ang magbabayad. Hindi dapat talaga ako pumayag sa misyon na ito." Humihikbi na ito.
( So, it's just a set up? Not a real wedding?") Iyon lamang ang tumatakbo sa isip ni. Ten sa mga oras na iyon. Gumaan ng konti ang kanyang nararamdaman. Sa hindi niya malaman na dahilan.
"He's been a great guy and in reality I don't mind spending my life with him. At ako dapat ang tatamaan ng bala ngunit sinalo niya kaya siya nagka ganyan.."
"I'm really a fool. Paano akong naturingan na alagad ng batas kung hindi ko naman kaya maligtas kahit ang sarili ko." His heart is thorn into pieces sa unang sentence na lumabas sa bibig nito.
And he feels worst lalo na habang nakikita niya itong miserable dahil sa ibang lalaki.
(Why am I so concerned to her? Do I like her? Now way! Or in the first place I already love her, even in the past 2 years.) Iyon ang mga bagay na tumatakbo sa isip niya ng mga oras na iyon.
(What if I am?) And now, he's really confused about it. Bumakas ang pinto at may pumasok na tatlong lalaki. Isang matanda at dalawang kasing edad niya.
Agad naman na kumalas si Heather sa kanya at itinulak siya. Ang mga bisita naman nito ay hindi yata nagustuhan ang kanyang presensiya at ang pag akap na naabutan ng mga ito kanina.
"Pa, Kuya Lance, at Kuya Luke. Bakit pati sila sinama mo pa?" May iritasyon sa tono nito.
"Thank God! your okay. Montik ng atakihin ang Ate Freya mo ng malaman na nasa ospital ka. Di' ba Kuya?" That's her Kuya Luke ang pangalawa niyang Kuya.
Hindi nagkakalayo ang height ng kanyang mga kuya at si Ten pati na din sa kagwapuhan.
"You should file an early retirement Hija, kung hindi baka ma una pa kami sa'yo sa mga pinag gagawa mo." Her father says.
"Yeah, you should think managing our business. Instead of doing crazy things na ikapa pahamak mo." Her oldest brother says. Maya awtoridad sa boses nito.
"Who is he?" Tanong ng Papa niya ng makita si Ten at nagulat ng bahagya si Ten.
"Sorry for not introducing myself, Sir. I'm Ten her friend, we met in New York. Akala ko po kasi siya ang na ospital, kaya napa sugod po ako dito." Pagpapakilala nito.
At nagtaka siya sa pagiging magalang nito. Kailan ba ito naging ganoon kagalang? Wala ata siyang matandaan.
All the eyes are on his pati ang dalawang tigasin nito na Kuya. At tila uminit sa loob ng kuwarto.
"Hi, Hijo. I'm his Father John Dobrev. And here's my sons Lance and Luke, nice to meet you Hijo." May galak sa tinig ng ama nito but her two brothers look like he'll be eaten in a minute.
"Me too, Sir nice to meet you. Ma una na po ako, at mukhang may pag uusapan pa kayo. James, see you tomorrow. I'll pass by after my work. And please have some rest kahit konti." Iyon lamang ang sinabi niya at humalik sa pisngi nito.
Napa singhap naman ang mga kaptatid nito. Binigyan lang siya ng tango ng Ama nito. At hindi niya alam kung pa paano bibilisan ang pag alis sa kuwarto para makalabas ng buhay.
"Who is he?" Ulit na tanong ng Kuya Lance niya pagka labas ni Ten sa kuwarto.
"As he've said he's a friend of mine. We met in New York. Dumalaw lang siya, and please nasa harapan natin si Arthur. So, tumigil ka na." Sawa'y niya sa kanyang kapatid.
"So, this is Arthur. How is he? Ano sabi ng doktor." That's her father. Na ikuwento niya dito si Arthur pati ang misyon niya.
"He's in bad condition and the doctor said he will never make it. And it's all my fault. Nagkamali kami Papa, he's not one of them at nadamay lang siya." Malungkot niyang paliwanag sa ama. And her father just gave her the sympathy look in his eyes.
"Kuya, maari niyo ba muna kaming iwan? May itatanong lang ako kay Papa." Na intindihan naman ng dalawa iyon kaya't lumabas.
"What is it, hija?" Tanong ng kanyang Papa.
"It's about the man with three stars and a skull on his face." Pakiramdam niya ay biglang nanigas ang kanyang ama sa kina uupuan.
"How do you know that bastard?! Where is he?! Did you see him?" Sunod sunod na tanong nito at galit na galit ito.
"In the mission, I saw him. He's one of the drug syndicate kasama siya ni Black."
"He's still in drug business huh?" Gulat niyang sabi ng ama.
"Pa, and about Mama." Biglang sumeryoso ang mukha ng Papa niya.
"I remember everything. It's all my fault kaya namatay si Mama. At hindi siya namatay sa sakit kung hindi dahil sinagasaan siya ng lalaki na iyon. Sana na iligtas ko siya. I'm sorry Pa." At bumuhos na ang kanyang mga luha.
She was in high school at that time, naalala niya na sinundo siya ng Mama niya para mag shopping dahil magba- bakasyon sila next week sa beach.
Naka gilid na sila ng Mama niya at initay lang ang kanilang driver ng may mabilis na sasakyan na palapit sa direksyon nila. Itinulak siya ng Mama niya sa malayo at nakaligtas siya.
Nasa kalagitnaan siya ng paghihisterya at pag hingi nang tulong nang mapansin siya nito.
At para mawala ang ebidensiya ay tinangka nitong patayin siya gamit ang baril nito ngunit sa likod lamang siya tinamaan ngunit dahil sa sakit ay bumagsak na din siya sa tabi ng ina. Mabilis naman na nagsi takas ang mga ito.
At samantalang siya ay kitang kita ang unti unting pagkawala ng buhay ng kanyang ina sa harapan niya mismo at wala siyang magawa hanggang sa unti unting nag datingan ang mga tao para tumulong.
Bago nakatakas ang mga ito ay nakita niya ang mukha ng lalaki na nagmamaneho mayroon itong tatlong stars at isang bungo na tatoo sa mukha at ito din ang bumaril sa kanya.
And that was 13 years ago. Marahil ay dahil sa trauma kaya nakalimutan niya ang trahedya na iyon.
Hindi niya kinaya na makita na mamatay ang sarili niyang ina na pinatay sa mismong harapan niya.
Ang kanyang pamilya ay inilihim din iyon sa kanya siguro ay dahil sa ayaw na nila siyang makita na nasasaktan.
"No, sweetheart. It's not your fault. May kasalanan din ako, siguro kung sinunod ko lang ang.."
"Mama niyo noon na magretiro na, eh di' sana hindi ito nangyari. I'm sorry, kung inilihim namin ito. We just want to protect you." She can see the guilt in his eyes.
"Don't worry Pa, I'll make sure that he'll pay with this. Dalawang tao na ang atraso niya sa akin. And I'll make sure that he'll regret it." Paninigurado niya.
"Please Hija, kung ako lang masusunod mas mabuti na umalis ka na sana sa NBI. I just want you to be safe. Hindi ko na ata kakayanin kapag may nangyari pa sa isa sa inyo." Paki usap ng kanyang ama.
"I promise Pa, that I'll be safe. And this is my last mission kaya tatapusin ko na ito. And after this, I'll file an early retirement or I'll just file an resignation letter." May garantisado niyang sabi sa ama at mukhang na tuwa ito sa sinabi niya.
"Okay, Hija. I'll just send clothes of you here at ang iba mo pang mga gamit. Lance and Luke mag paalam na kayo." Tawag ng Papa niya sa dalawang kapatid.
"Heather, the offer is still open. Sana pag isipan mo." Pangungulit ulit ng kuya niya sa posisyon na inaalok nito sa kompanya.
"I understand Kuya, but give me a few more months. And take care of Papa." Tila umaliwalas ang mukha nito.
"I just want to remind you na sana lagi mong ingatan ang sarili mo kahit manlang para sa amin.."
"Maari nga na hindi ka natatakot na makipag bakabakan sa mga masasamang loob pero intindihin mo naman sana ang pag aalala namin. Ipangako mo na iingatan mo ang iyong sarili."
"Opo, I promise. Sige na baka iniintay ka na ni Ate Freya. Ikamusta mo na lang ako sa kanya. Ingat kayo." Iyon lamang at nag paalam na ang mga ito.