Unduh Aplikasi
48.78% City Academy #1: Raiko Mihada (COMPLETED) / Chapter 20: Chapter 19

Bab 20: Chapter 19

CHAPTER NINETEEN

The Manipulation

"DAMN you, Raiko Mihada." Bungad agad ng nasa kabilang linya na kausap ngayon ni Raiko. Hindi na lamang pinansin ni Raiko ang ginawang pagmumura sa kanya ng kausap.

"Whatever, Cali. Did you get the files?" Tanong nya na talaga namang iyon ang intensyon nya sa kanyang pagtawag at sa kanyang paghingi ng tulong mula sa babaeng nagngangalang Cali.

"Oh, hell yeah. I get the fvcking files, you fvcker." Napailing na lamang si Raiko dahil sa narinig mula sa kabilang linya, kalauna'y sumilay ang isang mala-demonyong ngisi sa kanyang labi.

"Great then, Cali." Saad ni Raiko na hindi man lang nagpasalamat kay Cali na syang tumulong sa kanya sa pagkuha ng hiningi nyang files.

Pinatay nya ang tawag at saka pumikit. Ngayon, aantayin na lamang nya na dumating sa ipisina nya si Maestra bago sya kumilos. Because that girl is really getting in to his nerve! Kailangan nya munang unahin ang kung sinong malapit bago ang mga nasa malayo.

Kumbaga, mas uunahin nya ang mga tangkay bago ang ugat.

Kinuha ni Raiko ang kanyang Cellphone bago nya tinawagan si Aron na ilang ring lamang bago nito sinagot.

"What's up?" Bungad ni Aron kay Raiko. Sumandal naman si Raiko sa kanyang swivel chair at pina-ikot iyon bago sagutin si Aron.

"Change to Plan B." Plan C. Sabi ni Raiko at ipinikit ang kanyang mga mata. Bumuntong hininga si Raiko noong manahimik ang nasa kabilang linya.

"You sure of this, Raiko? Baka mapahamak si Xiyue nito." Saad ng nasa kabilang linya.

"Do you really think that I'll let them hurt Xiyue? No." Sagot ni Raiko at saka tumayo sa kanyang pagkaka-upo. Tumingin ito sa bintana ng kanyang opisina bago muling nagsalita.

"Change of plans, Aron. Change of plans." Plan C. Dugtong ni Raiko sa kanyang isipan bago pinatay ang tawag.

Hindi na ako papayag na madamay ulit ang ibang tao dito.

-

IBINABA ni Aixoneze ang folder kung saan nakasulat ang mga plano ng kanyang kapatid. Nagsalin ito ng alak at mabilisang ininom iyon bago muling binalingan ang mga dokumento.

Nagpa-imbestiga si Aixoneze sa kanyang kapatid. Sinabi kasi nito sa kanya na hindi sya mangingialam kay Aixoneze na gumanti sa City Academy sa isang kondisyon. At iyon ay ang tulungan muna syang i-distract sila Aron at Westley.

"This is insane." Tanging nasabi na lamang ni Aixoneze at pabagsak na inilapag ang folder sa lamesa.

Hinawakan ang sentido at hinilot hilot iyon. Sumasakit ang kanyang ulo dahil sa mga nababasang plano ng kanyang kapatid. At susundin lamang nya ang kondisyon ng kapatid at hindi na ito mangingialam pa sa kanyang gumanti sa City Academy.

"Yuoan," pagtawag nya sa kanyang tauhan na agad din namang tumugon sa kanya.

"Humanda ka. Papasok tayo sa loob ng City Academy." Malamig na saad ni Aixoneze kaya naman tumango agad si Yuoan at umalis sa kanyang opisina.

Huminga ng malalim si Aixoneze at tumayo. Sinuot nito ang kanyang leather jacket na nakasabit sa isang sofa bago lumabas ng tuluyan sa kanyang opisina.

Here i come, City Academy.

-

ISANG araw ang lumipas at lagi na lamang umiiwas si Xiyue tuwing makikita nya si Raiko.

Ayaw na nya itong lapitan. Lalo pa't hindi nito maalala kung anong namagitan sa kanilang dalawa. Kaya siguro ganoon na lamang sya ipagtabuyan noon ni Raiko, dahil una palang, magkakilala na silang dalawa.

At siguro, may nangyari noon na ayaw na nitong balikan.

Mas makakabuti siguro para sa kay Xiyue na sumunod sa sinabi ni Raiko. Sumunod sa mga sinabi nito noon. Susunod nalang ito at lalayo na ito sa kanya. Tutal, hindi nya naman tinanggap ang misyon na ibinigay sa kanya ni Maestra.

Mas binilisan pa ni Xiyue ang kanyang paglalakad nito noong makita nito ang lalaking gusto na nyang iwasan. Mapagbiro talaga ang tadhana. Kung sino pa ang nilalayuan mo, sya pa ang makakasalubong mo.

Dire-diretso lang ang ginawang paglalakad ni Xiyue. Ni hindi ito tumingin sa direksyon ni Raiko na animo'y wala syang nakikitang rebulto sa direksyon na iyon. Habang palapit sya ng palapit, ay sya rin namang paglakas ng kalabog ng kanyang dibdib.

Nakatingin lamang si Raiko sa kanya at tila nag-iintay ito na huminto si Xiyue sa kanyang harapan. At noong malampasan na sya ni Xiyue, hindi nakaligtas sa mata ni Xiyue at nakita nito mula sa gilid ng mga mata nya ang paghabol ng tingin ni Raiko sa kanya.

Nangunot ang noo ni Raiko noong lampasan sya ni Xiyue. Nakatingin lamang ito sa papalayong bulto ni Xiyue. At sa paglampas ni Xiyue sa kanya, nakaramamdam si Xiyue ng kirot mula sa kanyang dibdib.

Napapikit ito. Parang kaka-iba 'ata kapag sya ang umiiwas kay Raiko.

"Xiyue," rinig ni Xiyue na tawag ni Raiko sa pangalan nito na naging dahilan ng lalo nyang pagbilis sa paglalakad.

Halos tumakbo na si Xiyue papalayo noong maramdaman nya na nakasunod si Raiko sa kanya. Napansin din ni Xiyue na napapatingin na sa kanilang dalawa ang mga tao, siguro'y nagtataka sa kinikilos nila lalo pa't lagi nilang nakikita si Xiyue nakasunod kay Raiko noon.

"Xiyue, sandali." Napahinto si Xiyue noong hawakan ni Raiko ang braso nito.

Huminga ng malalim si Xiyue bago unti unting pinihit ang kanyang katawan paharap kay Raiko na nakakunot ang noo sa kanya.

"What?" Tamad na tanong ni Xiyue. Nakita ni Xiyue kung paano mag-tiim ang bagang ni Raiko sa klase ng pagtatanong ni Xiyue.

Hindi alam ni Xiyue kung galit ba ang binata o ano dahil sa pagpapanggap nitong hindi sya nakita kanina. Hindi nya mabasa ang iniisip ng binata. Hindi nya ito makitaan ng kahit na anong emosyon.

"So, you're avoiding me now, huh?" Bakas ang Sarkasmo sa boses ni Raiko at parang hindi ito makapaniwala sa inaasal ni Xiyue ngayon sa kanya.

Bahagyang ginulo ni Raiko ang buhok nyang magulo naman lagi, bago muling ibinalik ang kanyang mga mata kay Xiyue.

"Pagkatapos kong sundin ka, iiwasan mo ko?" Dagdag pa nito. Napakurap kurap si Xiyue, hindi agad nakapagsalita.

Wait...hindi maproseso ng utak nya ang sinasabi ni Raiko. Hindi matanggap ng isipan nya na nakikitaan na nya ng emosyon ang mga mata ni Raiko. Galit? Inis?

"Sinusunod lang naman din kita, ah. 'Di ba, pinapalayo mo ako sayo noon? Ito na, ginagawa ko na kaya ano pang problema mo?" Sagot ko.

Nagtiim ang bagang ni Raiko kaya naman napalunok si Xiyue.

Umatras ito ng kaunti noong mapagtanto nya na masyado silang malapit sa isa't isa. At sa sobrang lapit nilang dalawa ay naaamoy na ni Xiyue ang pabango at natural na amoy ni Raiko na napaka-pamilyar sa kanya.

Hindi lamang nito maalala kung kanino nito naamoy ang pabangong iyon.

"Damn it! I accepted their offer for you, pero bakit iniiwasan mo na ako?" Ang gulo. Yan ang nasa isipan ngayon ni Xiyue.

Hindi nito maintindihan ang sinasabi ni Raiko sa kanyang harapan. Napaawang rin ang kanyang labi ng bahagya dahil sa biglang pagmumura ni Raiko sa kanya.

"Sumusunod lang naman ako sayo. Lumalayo." Mahinang sagot ni Xiyue.

Nagtaas baba ang labi ni Raiko, na animo'y magsasalita pa at hindi iyon nakaligtas sa mga mata ni Xiyue.

"You remember something." Sabi ni Raiko sa kanya habang nakatingin ito ng matiim kay Xiyue.

Pilit nitong binabasa ang nasa isipan ni Xiyue ngunit hindi nito magawa dahil tila may humaharang sa kanyang kakayahang basahin ang nasa isipan ni Xiyue. Lalo lamang nakadagdag iyon ng inis ni Raiko.

"Huh?"

"I guess not." Ipinikit ni Raiko ang mga mata na tila pinipigilan ang kanyang sarili na sumabog dahil sa sobrang galit.

Tinalikuran nya si Xiyue at naglakad palayo. Napakunot na lamang ang noo ni Xiyue sa inasta ni Raiko.

Pagkatapos sya nitong kulitin kung bakit nya ito iniiwasan, magsasalita sya ng mga bagay na hindi naman nito alam. Pagkatapos, iiwan nya ako dito?

Pero weird ang pinakita nya. Well, he's weird actually.

-

"SINABI ko sa inyo na tutulungan ko kayo na maghiganti sa mga tao," saad ng isang lalaki sa isang Ajin na kausap nito.

Lumabas pa talaga ang Ajin na kausap nya para lamang makita sya sa lugar kung saan sinabi ng lalaki na magkita sila.

"Ngunit kailangan rin naming maprotektahan, lalo pa't may paparatin na tulong mula sa isang Academy." Tanging ngisi lamang ang isinagot ng lalaki sa Ajin bago ito tinalikuran.

"Magkatiwala kang kayo sa akin." Puno ng kumpiyansang saad ng lalaki bago naglakad palayo sa Ajin ng may ngisi sa labi.

Mukhang umaayon sa plano ko ang lahat.

-

"Xiyue, alam kong baguhan ka palang dito plus ordinaryong tao ka lang. Pero kailangan ng City ang tulong mo."  Pag-uumpisa ni Maestra.

Napakurap kurap naman si Xiyue dahil sa sinabi ni Maestra sa kanya.

Pinatawag si Xiyue kanina noong iwan sya ni Raiko na nagtataka. Hindi parin mawala sa isipan nya ang sinabi ni Raiko.

Nakaalala na daw ako? Ng ano?

Hindi na sinabi ni Xiyue kay Maestra o kahit kanino ang pagsulpot bigla ng clone ni Maestra. Kahit keyla Pei ay hindi nito sinabi, pero alam ni Xiyue  na alam na iyon ni Maestra ngayon. High-tech ang office ni Maestra. Sigurado si Xiyue na may mga hidden camera sa paligid. At kung alam na ni Maestra, alam na rin nito na pumasok sya sa opisina ng walang paalam mula sa kanya.

At ngayon, ito nanaman silang dalawa ni Maestra. Humihingi nanaman si Maestra ng tulong mula sa ordinaryong tao na katulad ni Xiyue. Aligaga ito. At tila kabado. Hindi na nya iyon pinansin at hindi nalang nagsalita pa, inantay na lamang nyang magsabi ng kung anong tulong ba ang maibibigay nya.

"Kailangan mong pumunta sa Lost City of J'zaire. Kailangan nila ang tulong mo. Ang tulong nyo." Ano naman ang magagawa nya?

Napapakamot na lamang si Xiyue sa kanyang batok bago nagtanong kay Maestra.

"Ano naman pong magagawa ko dyan? May mga tutulong naman na pala sa kanila. Anong worth ko kung sasama pa ako?" Tanong nito kay Maestra. Ngumiti lamang ito sa kanya at may inilibas nanaman na envelope.

"Kung tutulungan mo sila, makukuha mo ang bagay na gusto mong makuha." Napakunot ang noo ni Xiyue noong iwinagayway nito sa harapan nya ang envelope.

"Laman nito ang mga detalye ng bawat estudyante ng City Academy. At hindi ko ito ipinagkakatiwala sa iba, maliban kung sasama ka sa kanila para tumulong ay ibibigay ko ito sa iyo." Napakurap kurap si Xiyue noong sabihin iyon ni Maestra.

Mukha naman itong seryoso. Pero ano pang saysay ng mga detalye na nandyan kung ayaw  naman na nyang malaman? Haler? Lumalayo na sya kay Raiko. Hindi na nya kailangan ng mga detalye na iyan.

Pero kailangan ko paring malaman kung ano bang meron sa past ko at past nya.

Wala ng nagawa si Xiyue kundi ang pumayag. Pero syempre, tinanong muna nya si Maestra kung kailan, saan at paano ang gagawin nya. Para prepared ang isang Xiyue Sy.

"Wala kang ibang gagawin, kundi ang sumama lamang sa kanila. Kailangan ka dahil kung walang mortal na kasama, hindi makikita at mapapasok ng mga imortal ang Lost City of J'zaire."

Napapatango na lamang si Xiyue. 'Yun lang pala.

Kailangan lang pala sya para mahanap nila at makita ang City na iyon. Pero ano naman kaya ang nasa likod ng City na iyon at nangangailangan sila ng tulong ng mga taga City Academy?

-

IPINIKIT ni Raiko ang kanyang mga mata at ang unang nakita nya sa kanyang pagpikit ay ang mukha ni Xiyue na nakangiti. Nagdilat ito ng mga mata at nagpakawala ng isang buntong hininga.

Hinilot nito ang kanyang sentido noong maramdamang sumasakit ang kanyang ulo. Napakuyom ang kamao nya na nakalagay sa ibabaw ng kanyang lamesa bago sumandal sa swivel chair nito.

Naisip nito kung sakaling tigilan na nito ang pagmamanipula ng alaala ni Xiyue, ano kaya ang magiging reaksyon ng dalaga? Kung sakaling maalala na nito ang lahat, magagalit kaya sya kay Raiko na syang nagmanipula sa kanyang alaala?

At kung sakali mang magalit si Xiyue sa kanya, alam naman ni Raiko na kasalanan nya kung bakit nagalit sa kanya ang babaeng mahal nya. Siguro naman ay mapapatawad sya nito sa ginawa nya, hindi ba?

Marami pang tanong sa isipan ni Raiko na tiyak na masasagot lamang kung susubukan nyang gawin ang pagtigil sa pagmamanipula sa alaala ni Xiyue. Doon lamang nya malalaman kung anong magiging reaksyon ni Xiyue sa ginawa nya.

Baby, I know you'll understand why i did it to you.

AN: Maikli muna.


Load failed, please RETRY

Status Power Mingguan

Rank -- Peringkat Power
Stone -- Power stone

Membuka kunci kumpulan bab

Indeks

Opsi Tampilan

Latar Belakang

Font

Ukuran

Komentar pada bab

Tulis ulasan Status Membaca: C20
Gagal mengirim. Silakan coba lagi
  • Kualitas penulisan
  • Stabilitas Pembaruan
  • Pengembangan Cerita
  • Desain Karakter
  • Latar Belakang Dunia

Skor total 0.0

Ulasan berhasil diposting! Baca ulasan lebih lanjut
Pilih Power Stone
Rank NO.-- Peringkat Power
Stone -- Batu Daya
Laporkan konten yang tidak pantas
Tip kesalahan

Laporkan penyalahgunaan

Komentar paragraf

Masuk