Dylan's P.O.V.
Unti-unti kong binitawan si Yesha nang maramdaman ko ang lasa ng dugo mula sa labi nito. May kirot na bumalatay sa aking puso ng makita ko ang mga luhang pumapatak sa mga mata nito. Bigla akong nakaramdam ng pagsisisi sa nagawa ko. Pupunasan ko sana ang mga luha nito nang may biglang humila sa akin at malakas akong sinuntok sa mukha kaya napaupo ako sa sahig.
"Kaya kong sabayan ang mga katarantaduhan mo. Pero ibang usapan na kung pati si Yesha ay idadamay mo sa mga babae mo." galit na sabi ni Liam.
Hindi ko magawang gumanti rito. Hindi ko rin magawang tumayo dahil bigla akong nawalan ng lakas. Hindi ko rin kayang tingnan si Yesha. Alam kong napasobra na ang ginawa ko rito.
Hinila nito si Yesha palabas kaya naiwan ako roon. Pumasok naman si Clark.
"What happened?" tanong agad nito nang makita akong nakaupo sa sahig. Tumayo na ako at hindi ito tiningnan.
"Nothing." walang ganang sagot ko.
"Alam mo bang may nakita akong kamukhang-kamukha ni Yesha sa mall kanina?" kwento nito.
Napalingon ako rito.
"Ano? May kamukha si Yesha?"
Tumango ito. Napaisip ako bigla.
Posible kayang may identical twins ito? Pa'no na lang kong hindi pala si Yesha ang nakita ko noon? Nahilamos ko ang palad sa mukha ko. Gulong-gulo ang isip na iniwan ko si Clark at pumasok sa hideout.
Posible ngang mali ako. Baka ang kakambal nito ang nakita ko noon. Totoo kaya ang sinabi nitong lalaki ang gusto nito at hindi babae?
Yesha's P.O.V.
Dinala ako ni Liam sa tabing dagat. Inilalayan ako nitong bumaba. Malapit nang lumubog ang araw ngunit hindi ko ma-appreciate ang ganda ng tanawing iyon.
"Pagpasensyahan mo na si Dylan. Minsan talaga may pagkagago iyon." sabi ni Liam habang pareho kaming nakatayo sa harap ng papalubog na araw.
"Hindi ko lang kasi ini-expect na magagawa niya iyon." malungkot kong sagot.
Tumingin ito sa mukha ko hanggang sa bumaba sa sugatan kong labi. Bigla akong nailang kaya nag-iwas ako ng tingin dito.
"Mabait naman si Dylan, actually hindi ko din inaasahang magagawa niya iyon. Kaya pati ako ay disappointed na sa ginawa nito." Liam.
"Mayro'n lang akong hindi maintindihan kung bakit galit na galit ito sa akin kanina na para bang ang laki ng kasalanang nagawa ko rito." napatingin ito sa akin.
"Ni minsan hindi ko nakitang nagalit si Dylan sa isang babae ng gano'n katindi. Kaya napapaisip din ako sa sinabi mo." Liam.
"Isa pang bagay na ipinagtataka ko. Sinabi niyang nakipaghalikan ako sa isang lalaki 3 years ago. E, iyon nga ang unang beses na nahali---" bigla akong nagbaba ng tingin nang maramdaman ko ang titig ni Liam.
"Ibig sabihin kilala ka na niya 3 years ago? Siguro may dahilan siya kung bakit gano'n ang galit niya. Sana hindi ito ang maging dahilan na mag-quit ka sa work." sabi nito.
Hindi ako sumagot. Dahil simula ng pangyayaring iyon parang ayaw ko ng makita ulit si Dylan.
Dahil pagabi na kaya inaya ko na itong umalis. Hinatid ako nito hanggang sa bahay. Napansin kong bukas ang ilaw kaya nagtaka ako dahil laging nakapatay iyon 'pag ganitong oras. Tuloy-tuloy akong pumasok sa loob matapos makapagpaalam kay Liam.
Nakita ko si Mommy na mag-isang umiinom sa salas at umiiyak. Agad akong napasugod dito dahil ramdam kong may problema ito.
"Mommy what's wrong?" tumingin ito sa akin.
"Anak, wala na akong trabaho. Sabi kasi ng boss ko. Nagbabawas sila ng mga matatanda na dahil balak nilang palitan ng mas bata." napaiyak ito habang nagkukwento. Bigla akong nakaramdam ng awa para sa ina. Niyakap ko ito ng mahigpit.
"Tama na po iyan mom. Siguro oras na rin para kami naman ni Ayesha ang magtatrabaho para sa 'yo kaya 'wag ka na po mag-alala." sinubukan kong pagaanin ang loob nito.
"May trabaho na po ako mom at malaki rin ang sahod. Kaya mabubuhay pa rin tayo kahit wala ka ng trabaho kaya 'wag kanang malungkot mom." dagdag ko.
Maya-maya pa ay tumahan na rin ito at bumuti na ang pakiramdam.
Inihatid ko na ito sa kwarto nito nang kumalma para makapagpahinga.
Gustohin ko mang umalis sa pinagtatrabahoan ko hindi pa pwedi. Kailangan ko na lang lunukin ang pride ko at umastang parang walang nangyari para sa family ko kailangan kong maging malakas para kay mommy. Umiyak ako sa gabing iyon. Hanggang sa makatulog ako kaya hindi na ako nakapaghapunan.
— Bab baru akan segera rilis — Tulis ulasan