Unduh Aplikasi
85.71% EKBASIS (Tagalog) / Chapter 24: Chapter 22: I'm sorry

Bab 24: Chapter 22: I'm sorry

May mga bagay talaga na kahit anong gawin natin ay hindi natin kayang bitawan

Nagmamadaling lumabas ako ng apartment. Basta ang nasa isip ko lang ngayon ay gusto ko siyang makita yun lang at wala nang iba

Pagkalusot ko sa butas ay tumakbo agad ako hanggang sa marating ko ang bridge, ang lugar na nagdudugtong sa dalawang mundo. Tinungo ko agad ang pinto ma magdadala sakin sa kabilang mundo. Kinakabahan ako. Sobrang bilis ng tibok ng aking puso. Nanginginig ang kamay na hinawakan ko ang doorknob. Huminga muna ako nang malalim bago ito dahan dahan pihintin. Pikit matang pumasok ako sa pinto.

Dahan dahan kong dinilat ang aking mata nang makapag adjust ito sa liwanag pero hindi ko inaasahan ang makikita ko. Unti unting nanlaki ang aking mata sa nakita. Mabigat ang aking paghinga

Kahit nagtataka ay inihakbang ko parin ang aking mga paa. Ang dating malalaking puno at malalagong dahon nito na sasalubong sayon pagpasok mo sa Ekbasis ay wala na. Lahat ng puno dito ay halatang wala ng buhay. Ang mga dahon nito ay nasa lupa na at iba na ang kulay. Inilibot ko ang aking paningin. Halos wala akong makitang puno na buhay. Ipinagpatuloy ko ang aking lakad

Lalong nanghina ang aking loob nang makita na pati ang nag gagandahang mga bulaklak ay lanta nadin. Lahat nang puno at bulaklak dito ay patay na. Nagmistulang abandonado ang buong lugar. Bigla kong naalala si Felix

Kinakabahan na tumakbo ako patungo sa tree house. Napatakip ako sa aking bibig dahil sa gulat

"There's no way...." Hindi makapaniwalang sabi ko

Gumuho ang buong tree house. Sira sira na ang hagdan nito kaya hindi na ako makakaakyat pa sa itaas. Hindi ko malalaman kung nandon ba si Felix. Nataranta ako bigla. Hindi ko alam ang gagawin ko. Hindi ko alam na magiging ganito pala ang lugar a aking babalikan.

"Felix!" sigaw ko. Nagbabakasakaling makita ko siyang lumabas don pero ilang minuto na ang lumipas pero hindi ko parin nakikita si Felix

Napasabunot na lang ako sa aking buhok. Masyado akong natataranta. Huindi ko na alam ang gagawin. Ilang beses akong huminga nang malalim. Sinubukan kong pakalmahin ang aking sarili. Hindi ko makikita si Felix kung ganito lang ang gagawin ko. Hindi daat ako pangunahan ng kaba. Baka nasa ibang lugar lang siya dahil hindi na siya pwedeng manatili sa tree house

Sinubukan kong hanapin siya sa ibang lugar na alam ko. Una kong pinuntahan ang water falls kung saan kami madalas magpalipas ng oras. Nadatnan kong wala nang umaagos na tubig. Wala na itong kabuhay buhay. Sunod kong pinuntahan ang hanging bridge. Napahinto ako nang makita putol na ang tulay kaya hindi mo na maaaring masilayan ulit ang magandang tanawin doon. Unti unti na akong nawawalan ng pag asa. Nagsimula nading manlabo ang aking paningin dahil sa nagbabadyang luha.

Hindi ko alam ang nangyari pero sana....

Matapos sa hanging bridge ay sunod ko namang pinuntahan ang lugar kung saan masisilayan ang paglubog nang araw. Pagdating ko doon ay hind ko parin nakita si Felix. Para na akong mababaliw. Kung ano anong ideya na ang pumasok sa aking utak. Ayokong isipan ang mga bagay na 'yon dahil alam kong masasaktan lamang ako.

Isang lugar na lang ang hindi ko napupuntahan at isa na lang ang pagkakataon ko ang meron ako para makita si Felix. Kung hindi man siya makikita don ay hindi na alam ang gagawin ko dahil hindi ko alam kung saang lugar ko pa siya hahanapin

Nagmamadaling pumunta ako doon. Ang lignum Vitae na lang ang hindi ko pa napupuntahan at umaasa akong doon ko siya makikita. Takbo lang ako nang takbo. Gusto gusto ko na siyang makita. Habang tumatakbo papunta doon ay pinahid ko ang luhang hindi na napigilang tumulo. Hindi dapat ako mawalan nang pag asa dahil may tiwala ako sa kanya

Lahat nang punong madaaman ko ay wala ng buhay. Nagkalat ang mga lantang dahon sa lupa. Hindi ko alam kung ano ang buong nanyari dito at naging ganito ang naging itsura nang lugar na tinuturing kong paraiso.

Nang makarating sa lugar ay agad kong pinuntahannang mahiwangang puno. Parang nanlambot agad ang aking magkabilang binti. Bumilis lalo ang pagtibok nang aking puso. Napaiyak ako lalo. Sunod sunod nan nagbagsakan ang mga grupo ng luha sa aking mata. Hindi ko na napigilan ang aking sarili.

Nandon siya at nakasandal sa puno habng nakapikit parehas ang mata. Hindi ko alam kung humihinga pa siya pero laking pasasalamat ko nang gumalaw siya. Nagkuskos siya ng mata at dahan dahan iminulat iyon. Napatakip ako ng bibig at pilit na pinigilan ang aking hagulgol. Parang nabunutan ako nang malaking tinik sa aking katawan. Non lang ako nakahinga nang maluwag.

Nagtama ang aming paningin. Ilang segundo siyang nakitingin sa aking mata hangggang sa nagsimula nading tumulo ang kanyang mga luha. Tumakbo agad ako palapit sa kanya saka mahigpit siyang niyakap

Hinagod ko ang kanyang likod

"Nandito na ulit ako. Nkabalik na ang taga lupa" mahinang natawa ako sa aking sinabi. Iyak ko pero iyak tawa na lang ako

Humiwalay ako sa aming yakap sa siya hinarap. Wala paring nagbago sa kanya. Siya parin si felix na kilala ko. Pinahid ko ang kanyang luha dahil hindi ito mahinto sa pagtulo. He's such a crybaby

Umupo ako sa kanyang tabi. Ipinatong niya naman ang kanyang ulo sa akig balikat. Hinayaan ko lang siya. Nagulat ako nang maramdaman na hinawakan niya ang kamay ko saka pinagsalikop 'yon. Hindi ko alam pero nangiti ako sa ginawa niya

"Taga lupa" tawag niya sakin. Matagal nadin simula nung marinig ko ang beses niya. Makalipas ang ilang buwan ay narinig ko ulit na may tumawag sakin na taga lupa.

"Bakit?" tanong ko habang nakatingin sa kamay naming magkahawak

"Hinintay kita...."

Yun pa lang ang sinasabi niya pero parang dinudurog yung puso ko. Nagsimula na manag mang gilid ang aking luha

"Hinintay kita. Lagi kitang hinihintay sa pinto, umaasang isang araw lalabas ka don. Sabi mo babalik ka pero hindi mo sakin sinabi na matagagalan ka"

Napatakip ako sa aking bibig. Akoyong marinig niya akong umiiyak. Oo, inaamin ko na nasasaktan ako pero wala akong karapatan dahil simula una palang ay mas masakit ang dinanas niya kaysa sakin. Walang wala yung sakit na nararamdaman ko sa nararamdaman niya ngayon

"Ang dami kong gustong sabihin sayo. Ang dami kong gustong ikwento sayo."

Ako din pero mas pinili kong maging makasarili at wag sabihin sayo ang lahat

"Gusto kong sabihin sayo yung problema ko kasi alam ko ay maaasahan natin ang isa't isa pero nagkakamali pala ako. Hindi kita sinisisi. Hindi ako galit sayo pero sana man lang sinabihan mo ako na aalis ka. Hihintayin naman kita pero sana sinabihan mo man lang ako para hindi ako naghihintay sa wala kasi ang...…. sakit"

Hindi ko na napigilang mapahagulgol nang marinig ko ang huling salitang sinabi niya. Ang lakas nang loob na bumalik at magpakita sa kanya ng ganon ganon na lang. Ang tagal kong naala tapos bigla na lang akong babalik at magpapakita sa kanya ngayon matapos siyang iwan ng walang nalalam kahit isa. Naiinis ako sa sarili ko na wala man lang akong magawa ngayon. Gusto kong malaman ang nararamdaman niya ngayon. Kung pwede ko lang kunin yung sakit na nararamdaman niya. Mas mabuti nang ako ang masaktan kaysa sa kanya dahil wala namang siyang kasalanan dto at nadamay lang sa katangahan ko

Sana pala inisip muna kita bago ako gumawa ng disisyon na mag isa. Sana pala tinanong muna kita kung anong mararamdaman ko kapag umalis ako pero masyado akong makasarili at hindi kita inisip. Ang dami kong san pero hindi na non na maibabalik sa dati ang lahat. Napaka makasarili ko dahil hindi ko man lang inisip yung taong laging nandyan sa tabi ko tapos ang kapal pa ng mukha ko para saktan siya

"Pero masaya akong bumalik ka. Masaya akong makita ngayon bago pa mahuli ang lahat"


Load failed, please RETRY

Status Power Mingguan

Rank -- Peringkat Power
Stone -- Power stone

Membuka kunci kumpulan bab

Indeks

Opsi Tampilan

Latar Belakang

Font

Ukuran

Komentar pada bab

Tulis ulasan Status Membaca: C24
Gagal mengirim. Silakan coba lagi
  • Kualitas penulisan
  • Stabilitas Pembaruan
  • Pengembangan Cerita
  • Desain Karakter
  • Latar Belakang Dunia

Skor total 0.0

Ulasan berhasil diposting! Baca ulasan lebih lanjut
Pilih Power Stone
Rank NO.-- Peringkat Power
Stone -- Batu Daya
Laporkan konten yang tidak pantas
Tip kesalahan

Laporkan penyalahgunaan

Komentar paragraf

Masuk