God nakikiusap po ako sa inyo na patnubayan niyo ang batang 'to dahil hindi ko na alam ang gagawin sa kanya.
Napatingin sakin ang lahat ng bigla akong tawagin ni Felix. Shit.
Lumapit siya sakin at huminto sa harap ko. Ngumiti siya sakin. Huwag mo kong ngitian at baka kung ano magawa ko sayong bata ka
"Bakit sila magkakilala sila nung weirdo nayon?"
Nagsimulang magbulungan ang nasa paligid namin. Wala na akong ibang choice kung hindi hilahin si Felix paalis sa lugar na yon.
Wala na akong pakialam sa kanila kung ano man ang sabihin nila tungkol samin ni Felix basta ang iniisip ko na lang ay makaalis kami sa lugar na yon.
Huminto kami sa labas ng building na tinutuluyan ko. Parehas kaming hinihingal. Napatingin siya sa kamay kong nakahawak sa kanya. Padabog kong binitawan yon kaya napatingin siya sakin. Hinarap ko siya bago magsalita
"Ilang beses ko dapat sabihing sayo na hindi ka pwedeng umalis at pumunta kung saan mo gusto. Magkaiba ang Ekbasis at ang mundo namin. Magkaiba ang mundong ginagalawan natin. Sinabihan na kita pero hindi mo ako sinunod. Hindi ko alam kung sinasadya mo talaga pero gaano ba kahirap intindihin yung sinabi ko" hiningal ako pagkatapos kong sabihin yon.
Hindi ko alamm kung ano ang mararamdaman ko. Paano na lang kung maligaw siya tapos hindi ko na siya makita. Pano na lang kung may mangyaring hindi maganda sa kanya. Pano kung...kung….Arrrghh!
Napahawak ako sa sentido ko. Kung ano anong mga ideya ang pumasok sa isip ko. Hindi ko na naisip ang mga sinabi ko.
Napatingin ako sa kanya ng hindi siya sumagot. Nakita kong nakatingin lang siya sa baba at hindi ako magtignan.
"Pasensya na sa abala" sabi at ngumiti ng pilit at nagsimulang maglakad palayo. Napahilamos ako ng mukha. Shit. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Masyado akong nag overthink sa ma bagay
"Felix!" Sinubukan ko siyang tawagin pero hindi niya ako nililingon. Nakita ko siyang naglakad papunta sa likod ng building . Mukhang babalik na siya sa Ekbasis kaya hinabol ko agad siya
Ilang beses kong sinubukang tawagin siya pero parang wala siyang naririnig.
Nang sa wakas ay nabahol ko siya ay mabilis kong hinawakan ang kanyang braso pero hinawi niya lang iyon
"Felix sandali!" sabi ko pero parang kumakausap lang ako ng hangin
Nataranta ako kaya hindi ko na naisip ang gagawin ko kaya niyakap ko siya mula sa likod. Dun na siya napatigil. Hiningal ako kahahabol sa kanya
"Makinig ka muna sakin" sabi ko habang hindi siya binibitawan
Nagulat ako ng bigla siyang napahawak sa ulo niya. Iniharap ko siya sakin
"Bakit?" nag aalalang tanong ko
"Nahihilo ko" maikling sagot niya
Napakunot ang noo ko. Hinawakan ko yung mukha niya para maiharap iyon sakin.
Nagulat ako ng makita ang mukha niya na namumutla. Kinabahan ako bigla
Naramdaman kong mainit ang pisnge niya kaya sinalat ko na din ang noo niya. Shit ang init niya. Dahil don dali dali kong pinabalik si Felix sa loob ng apartment ko. Pinahiga ko siya sa kama ko saka kinumutan
Bumili na din ako ng lugar para maagkaroon ng laman ang tiyan niya bago siya uminom ng gamot. Agad naman akong nakaramdam ng guilt ng maalala ko yung mga sinabi ko kanina sa kanya. Kasi naman eh bakit ba walang preno yung bunganga ko.
Pinakain ko siya ng lugaw saka pinainom ng gamot. Pinunasan ko din siya ng basang bimpo na binabad ko sa maligamgam na tubig para kahit papano ay bumaba yung lagnat niya.
Buong hapon ko siyang binantayan
Napatitig ako sa mukha niya. Kung alam ko lang ang nararamdaman mo nung napagsalitaan kita kanina. Siguro sa panahon ngayon na magkasama kami, hindi ko maiwasang isipin na yung isa't isa na lang talaga ang meron kami dalawa.
Mag isa lang siya sa Ekbasis at mag isa lang din ako dito kaya nung mga nagdaang araw na magkasama kami ay naging sandalan na namin ang isa't isa
Nagulat ako ng bumangon siya bigla saka nagmamadaling ppumunta sa lababo para sumuka. Nataranta naman ako kaya sinundan ko.
Hinahagod ko ang likod niya habang siya naman ay sumusuka pagkatapos ay nagmumog siya saka nag punas. Tumingin siya sakin
"Ayos ka lang?" nag aalalang tanong ko. Umiling naman siya bilang pagsagot. Ngumuso siya kaya natawa ako
Lumapit ako sa kanya para yakapin siya at hagudin ulit yung likod niya. He's such a baby that's why I can't stop myself from laughing even though his sick. Napaisip ako bigla.
Nagkasakit ba siya dahil nabasa siya ng ulan. Kung tama ang hinala ko eh jusko naman pala. Ang hina naman ng resistensya niya kung ganon
Ipinatong niya ang ulo niya sa balikat ko. Ilang minuto na kaming nasa ganong posisyon hanggang sa ayain ko na siya sa kwarto. Nakatulog na siya pagkatapos non kaya pumunta na ako sa sofa para mahiga din dahil kanina pa ako walang tulog
Hindi ko alam kung gaano ako katagal nakatulog. Nagising ako dahil sa sinag ng araw na tumama sa mukha ko mula sa bintana.
Nagtaka ako ng makitang nakakumot ako. Sa pagkakatanda ko ay basta na lang ako nahiga sa sofa dahil sa antok. Pumasok ako sa kwarto. Nagulat ako nung hindi ko nakita doon si Felix. Tinawag ko ang pangalan niya pero walang sumasagot
Tinignan ko ang banyo ang banyo pero wala siya doon. Nilibot ko ang buong apartment ko pero hindi makita si Felix. Nagsisimula na din akong kabahan. May sakit siya kaya hindi siya pwedeng pumunta kung saan saan.
Lumabas nadin ako. Pati sa ibang nakatira dito sa apartment ay pinagtanungan ko na din pero kahit isa sa kanila ay walang nakakita kay Felix
Wala sa sariling bumalik ako sa apartment ko. Ibinagsak ko ang sarili ko sa sofa saka nag sip. Saan naman kaya pumunta si Felix. Wala naman siya ibang alam na lugar bukod dito at sabi pa niya ay dalawang araw siya mananatili dito pero bigla siyang nawala. Hindi ko alam kung saan ko hahanapin
Napatingin ako sa oras. It's already 10:30 in the morning. Dapat ay nasa school na ako sa mga oras na 'to. Siguro ay hindi na lang muna ako papasok ngayon dahil bukod sa late na ako ng ilang oras ay wala pa akong masyadong tulog.
Napakunot ang noo ko ng mapansing nakalagay sa lamesa doon kusina yung mga damit na hiniram ko. Lumapit ako doon at kinuha yon.
Maayos ang pagkakatupi nito at kompleto na parang hindi ginamit. Napasip ako, paano kung bumalik na siya ng Ekbasis
Nagpalit ako ng damit saka lumabas sa lugar na iyon. Kaylangan kong masiguro na nandon nga si Felix para mahanap ko agad siya kung sakaling wala mang hindi siya bumalik don.
Wala akong sinayang na oras.
Nagmamadaling pumunta ako sa Ekbasis. Kung kinakailangan kong tumakbo ay gagawin ko. Hindi naman nagtagal ay nakarating nadin ako don. Una kong pinuntahan pagdating ko don ay ang tree house. Hindi na ko na naisipang kumatok at basta basta na alng pumasok nang walang pahintulot. Nabigo ako dahil hindi ko nakita si Felix don
Sunod ko namang pinuntahan ay ang water falls kung saan kami madalas pumunta pero wala din siya. Kahit natatakot ay sunod kong pinuntahan ang lugar kung saan matatagpuan ang hanging bridge pero wala akong nakita Felix.
Maski presensya nito ay hindi ko maramdaman. Isang lugar na lang ang kong hindi ko pa napupuntahan.
Wala akong pakialam kung mabato man ang daan papunta don. Ilang sandali pa ay narating ko din yon. Hinihingal na ako
Saka lang napanatag ang loob ko ng sa wakas ay makita ko siya doon na malayo ang tingin. Papalubog na ang araw at makikita iyon mula dito kaya lalong gumanda ang atmosphere ng paligid. Sa hindi ko na mabilang na pagkakataon ay nandito na naman kami sa isang lugar kung saan makikita mo ang isang breathtaking view.
Lumapit ako at tinabihan siya. Naghabol muna ako ng hininga bago magsalita pero naunahan niya agad ako
"May pagkakataon ba na naiinis ka sakin" biglang tanog habang hindi inaalis ang paningin niya sa magandang tanawin
Nagulat ako sa tanong nia. Hindi ko inaasahan yon. Hindi tuloy ako nakasagot agad kaya nagsalita na naman siya
"Simula nang dumating ka dito naging masaya ako dahil sa wakas matapos ang ilang taong kong pag iisa ay may makakasama na ulit ako. Nung una syempre hindi pa kita ganong pinagkakatiwalaan dahil kakakita lang natin sa isa't isa" kwento niya. Hindi parin niya ako tinitignan. Hindi ako nagsalita
"Pero makalipas ng ilang araw mong papunta dito ay unti unti mo ng nakukuha ang loob ko hanggang sa tumagal kana dito. Ikaw ang nakasama ko sa mga oras na masaya ako o malungkot man. Tuwing may problema ako lagi kang nandyan. Tuwing masaya naman ako nandyan ka din lagi at nagpapasalamat ako dahil don" at sa wakas ay tinignan niya na din ako. Ngumiti siya sakin pero kitang kita ko na pilit lang iyon
"Nangako ako sa sarili ko na magpapakabait na ako at susunod na sa kanila dahil nagbabaka sakaling ialis na nila ako dito pero nagkakamali ako. Sa tangin ko mukhang makakagawa na naman ako ng kasalanan" sabi pa niya kaya nagulat ako lalo.
Parang may kung anong bumara sa lalamunan ko dahilan kung bakit hindi ako nakapagsalita. Ang dami kong gustong itanong sa kanya pero wala akong lakas ng loob para sabihin iyon.
Bigla bigla na lang siyang nasasalita ng ganyan. Hindi ko alam kung may problema ba ngayon. Kung malalaman ko lang sana kung ano ang nasa isip niya ay baka matulungan ko siya kahit papano pero wala akong kakayahan para magawa yon
Tumingala siya sa langit at tumingin doon. "Mukhang hindi ko na matutupad ang mga pangako ko" sabi niya out of nowhere. Tumayo siya pagkatapo non at naglahad ng kamay sakin. Kahit naguguluhan sa nangyayari ay inabot ko iyon.
Tinulungan naman niya akong makatayo katulad ng lagi niyang ginagawa
"Magpapaliwanag na ako" sabi niya
Napaamang naman ako. "H-ha?" nagtatakang tanong ko
(Author's note: Ha- How you like that! K bye.)
"Diba sabi ko sayo kapag nakabalik na tayo ng Ekbasis ay saka lang ako magpapaliwanag" sabi niya
Buti naman at sinabi niya at naliwanagan ako. Tumango naman ako biglang sagot
Nagulat ako ng bigla niya hinawakan ang kamay ko at pinagsalikop iyon. Nanlalaki ang matang tinignan ko siya. Ngumiti na naman siya pero this time ay totoo na yon at halong lungkot
Hinila niya ako paalis sa lugar na yon. Bigla siyang tumakbo kaya nadala ako. Hindi ko alam kung saan kami pupunta. Nataranta ako nung makitang pupunta kami sa madilim
na bahagi ng kakahuyan
"San ba tayo pupunta?" natatakot na tanong ko. Hindi niya ako sinagot at nagpatuloy lang kami sa pagtakbo. Lalo akong nagulat ng biglang lumiwanag pero hindi ito isang ordinaryong liwanag lamang dahil may kakaibang kulay ito
Ang kaninang madilim at nakakatakot na kakahuyan ay biglang lumiwanag at nagkaroon ng buhay.
Parang isa ito sa mga mapapanood mo sa pelikula pero hindi dahil kakikita ito mismo ng dalawang mata ko. Sobrang magical ng dito. Kulang pa nga ata ang salitang magical para idescribe ang lugar na ito
May dalawang klase ng liwanag ang nagbibigay buhay sa lugar. Kulay asul at dilaw ito.
Huminto kami. Hingal kami parhas sa kakatakbo. Humarap ako sa kanya
"Saan ba kasi tayo pupunta?" hindi mapakaling tanong ko. Ngumiti siya sakin bago magsalita
"Sa lugar kung saan tayo lang dalawa"