Unduh Aplikasi
17.85% EKBASIS (Tagalog) / Chapter 5: Chapter 4: Ekbasis

Bab 5: Chapter 4: Ekbasis

"Minsan mo na bang naitanong sa sarili mo na kung mayroon nga bang mahika. Naniniwala ka ba na may nabuhay sa mundong mga tao na may kapagyarihan na espesyal pa sa iyong nakikita para itago sa buong mundo dahil sila ay malayo sa ordinaryo"

*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*-*

Pagkababa namin sa tree house ay bumalik kami sa water falls kung saan kami nagkita kanina. May nakita din kaming rainbow kaya lalo akong natuwa. Hindi mo aakalain na kulungan para sa mga lumabag sa patakaran ang lugar na ito. Pero ang nakakalunkot lang dito ay siya lang mag isa dito.

"Gaano kana katagal dito sa ekbasis" tanong ko habang pinagmamasdan namin ang raiwbow sa hindi kalayuan

"Dalawang dang taon na" sagot niya

Halos masamid ako sa sarili kong laway. Nanlalaking mata na tinignan ko siya

"Napakatagal naman!" singhal ko. Jusko sino ba naman ang mabubuhay dito ng mag isa. Sabi nga sa kasabihan ay "No man is an Island". Paano niya nakakaya yon

"Gaano ba kabigat yung kasalanan mo at daawang taon kang nakakulong dito" tanong ko

"Pumunta ako sa mundo ng mga tao ng walang paalam" sagot naman niya

Napaisip ako.

"Bakit bawal sa inyo yun?" tanong ko ulit. Oo na ako na chismosa. Eh nakakacurious naman kasi eh

"Matagal ng ipinagbabawal sa mundo namin ang ang pagpunta sa mundo ng mga tao hindi ko alam kung bakit" sagot ulit niya

"Hindi mo ba namimiss mga parents mo?"

Tumingin siya sakin ng nakakunot ang noo

"Namimiss? Parents? Pasensya na taga lupa ngunit hindi ko naunawaan ang iyong sinasabi" wika niya

Napa falce palm na lang ako. Nakalimutan kong taga ibang mundo nga pala ang isang to

"I mean---- ang ibig kong sabihin ay hindi kaba nangungulila sa magulang mo"

"Hindi naman maiiwasan iyon. Halos araw araw ko silang naiisip"

May point siya. Kasi naman eh tanong kasi ng tanong. Napaisip tuloy ako bigla. Kapag ba bumalik ako ay mabubuksan na ang pinto? May pasok pa ako bukas. Hindi ako pwedeng umabsent dahil baka mapag iwanan ako.

"Tingin ko kailangan ko nang bumalik samin" sabi ko. Napatingin naman siya.

"Marami pa akong kaylangang gawin sa mundo namin"

"Ihahatid na kita" sabi niya. Hindi na ako sumagot at nginitian na lang siya. Naglakad na kami pabalik kung saan ko iniwan ang pinto. Dumaan ulit kami sa kakahuyan. Nadaanan ko ulit ang maliit na tulay na may daluyan ng tubig sa ilalim hanggang sa makarating namin ang pinto. Huminto kami doon.

Humarap ako sa kanya. "Paano ba yan kailangan ko ng umalis" paalam ko

Makikita mo ang lungkot sa kanyang mga mata. Naiintindihan ko siya. Sobrang hirap mapag isa.

Huminga ako ng malalim saka ngumiti.

"Huwag ka ng malungkot babalik naman ulit ako eh" sabi ko sabay tapik sa balikat niya. Nagliwanag ang mukha niya.

"Totoo bayan taga lupa?" nakangiting sagot niya. Napairap ako. Nagpakilala na kami sa isa't isa tapos taga lupa parin ang  tawag niya sakin

"Pangako babalik ako" Lalo siyang nangiti sa sinabi ko

Humarap ako sa pinto at hinawakan ang doorknob non. Dahan dahan ko itong pinihit at bumukas iyon. Nawala ang kaba ko ng bumukas iyon. Akala ko hindi na ako makakaalis dito. Lumingon ako sa kanya sa huling pagkakataon. Kumaway siya sakin ng may ngit sa labi. Kumaway naman ako pabalik bago lumabas sa pinto.

Binalot ng liwanag ang paningin ko kaya napapikit ako. Nang makapag adjust sa liwanag ay saka ko lang iminulat mula ang mga mata ko. Bumungad sakin ang malawak na lupain ng mga bulaklak. Napatingin ako sa pinanggalingan ko. Nakita ko ang pinto na unti unting sumasara.

Inilibot ko ang paningin sa paligid

"So eto ang sinasabi niya na Bridge" wala sa sariling napangiti ako

Tumakbo ako papasok sa kakahuyan. Hindi nagtagal ay natanaw ko na naman ang pader na naghahati sa dalawang mundo. Katulad nang ginawa ko nung papasok ako, una kong ipinasok sa butas ang bag ko at baka hindi ako magkasya saka ako lumusot. Nagpagpag ako ng uniform saka isinukbit ulit ang bag ko. Naalala ko bigla ang pangalan niya

"Felix" sabi ko at wala sa sariling ngumiti.

Sobrang hiwaga ng ekbasis. Hindi mo aakalaing may ganong lugar hangga't hindi mo pa mismo napupuntahan.

Tumakbo ulit ako pabalik sa apartment sak dire diretsong pumasok sa kwarto. Naglinis agad ako ng katawan pagkabalik ko dahil feeling ko natuyuan na ako ng pawis. Pagkatapos maligo ay ibinagsak ko agad ang katawan ko sa kama saka nagpipindot sa phone ko. Napatingin ako sa date. Dahil sa gulat ay napatayo agad ako

"Thursday na?!" Hindi makapaniwalang tanong. Tinignan ko pa ang ibang kalendaryo ko at baka nagkakamali lang ako pero hindi. Naaalala ko pang Wednesday ako ng hapon pumunta don tapos nakabalik ako Thursday ng gabi. What the fuck?!

So ibig sabihin ay absent ako kanina sa klase. Napasapo ako sa noo. Parang wala pang isang araw akong nanatili sa ekbasis tapos isang araw na pala ako nawawala. Ano na nalang ang idadahilan ko sa Teacher ko kung bakit ako absent. Ayy jusko.

Kinabukasan ay gumising ako ng maaga kaya maaga din akong nakapasok. Iilan pa lang ang estudyante na makikita mo sa school dahil nga maaga pa. Nakadukdok lang ako at iniisip parin kung paano nangyari yun.

Ibig sabihin ba nito ay magkaiba ang oras at araw sa mundo ko at sa ekbasis? Siguro dapat tanungin ko si Felix tungkol dyan. Hindi nagtangal ay nagsimula na ang klase

Tinanong ako ng Teacher ko kung bakit hinidi ako pumasok kahapon. Sinabi ko na lang na biglaan akong nagka sakit. Buti naman at naniwala naman sakin yung Teacher ko.

Tinanong pa ako kung ayos na daw baka ako at baka hindi pa ay mabinat ako. Jusme guilty na guilty na ko.

Dumating ang tanghalian at ganon na naman ang sistema. Mag isa na naman akong kumakain at pinagbubulungan na naman ako. Pero akala ko lang pala na magiging maayos ang pagkain ko ng tanghalian ng biglang may lumapit na grupo ng kababaihan sa mesa ko.

"Hindi ka ba nabobored at lagi ka na lang mag isa?" pang aasar nung isa.

Hindi ko na lang sila pinansin at pinagpatuloy na lang ang pagkain ko para makaalis na agad ako dito

"Ang snobber mo naman pala" sabi naman nung isa. Tinignan ko silang lahat sa mukha. Shuta mukhang coloring book.

Akala ba nila ikinaganda nila yan. Sad to say pero para sakin nagmumukha lang silang kulang sa aruga. Hindi ko na ulit sila pinansin.

Laging sinasabi sakin ng nanay ko na huwag akong papatol kahit sila pa yung mali dahil kaoag pumatol ka sa isip bata ay magiging isip bata kana din

"Tignan ko lang kung hindi mo pa kami pansinin pagkatapos nito." At don na natapos ang pagtitimpi ko sa mga isip bata na ito. Tinipunan niya lang naman ng juice niya yung kinakain ko and take note sinadya niya yon. Hindi pa sila nakuntento Tinabig pa nila yung plato ko kaya natapunan yung uniform ko.

Napahigpit ang hawak ko sa kutsara. Tinawanan lang nila. Lalon pang lumabas ang bulungan sa canteen.

Nagtatawanan silang umalis sa harap ko. Nag inhale, exhale ako para kalmahin ang sarili ko. Pinaulit ulit ko sa isip ko na huwag kang papatol sa isip bata. Akala ko sa mga pelikula at libro lang nangyayari ang bullying pero pati pala sa totoong buhay. Partida naka public school pa ako niyan.

Pumunta ako sa bayo para linisin yung uniform ko. Naalis naman ang dumi ero hindil ahat. Kahit na marumi ang uniform ay pumasok parin ako sa klase.

*Klase*

*Klase*

*Klase*

*Klase*

*Klase*

At sa wakas ay uwian na namin. Inilagay ko nalang sa harap yung bag ko para kahit papano ay matakpan nito ang dumi sa damit ko. Bwiset na mga isip bata yan pinahirapan pa akong maglaba. Kapag hindo natanggal sa damit ko yung matsa yari kayo sakin

Naalala kong Friday ngayon at wala ng pasok bukas. Nagmamadali ako pabalik samin. Dumaan muna sko sa apartment ko para kumuha ng damit saka iba pang gamit na alam kong gagamitin ko. Nagbaon din ako ng mga chips, biscuitat cup noodles.

Hindi na ako nagpalit ng damit at basta basta na lang akong pumunta sa likod ng building. Puro takbo lang ang hinawa ko. Ewan ko ba at masyado akong excited pumunta ng ekbasis.

Katulad ng nakasanayan ay nadaana ko ang kakahuyan, yung malawak na lupain at ang pinto papasok sa ekbasis. Dali dali akong pumasok don. Unti untiulit itong nagsara at sa wakas ay nasa ekbasis na ulit ako.

Dumaan ako sa maliit na tulay. Umakyat ako sa tree house kaso hindi ko nakita don si Felix. Ilang beses kong tinawag ang pangalan niya pero walang sumasagot hanggang sa makarating ako sa water falls. Inilibot ko ang paningin ko at dun ko siya nakitang nalilig.

"Felix!" tawag ko sa pangalan niya. Lumingon siya kaya kumaway ako

"Taga lupa!" tawag niya sakin saka kumawag pabalik. Napairap ako. Ilang beses ko ba dapat sabihing may pangalan ako at hindi taga lupa. Umahon siyapero napatakip agad ako ng mata. Nataranta ako

"SUSMARYOSEP YAWA KA FELIX MAGDAMIT KA NGA!"


Load failed, please RETRY

Status Power Mingguan

Rank -- Peringkat Power
Stone -- Power stone

Membuka kunci kumpulan bab

Indeks

Opsi Tampilan

Latar Belakang

Font

Ukuran

Komentar pada bab

Tulis ulasan Status Membaca: C5
Gagal mengirim. Silakan coba lagi
  • Kualitas penulisan
  • Stabilitas Pembaruan
  • Pengembangan Cerita
  • Desain Karakter
  • Latar Belakang Dunia

Skor total 0.0

Ulasan berhasil diposting! Baca ulasan lebih lanjut
Pilih Power Stone
Rank NO.-- Peringkat Power
Stone -- Batu Daya
Laporkan konten yang tidak pantas
Tip kesalahan

Laporkan penyalahgunaan

Komentar paragraf

Masuk