Unduh Aplikasi
8.33% His Unofficial Boyfriend / Chapter 2: Paracetamol

Bab 2: Paracetamol

"Ate, wala na ba talagang bakanteng room dito sa inyo?" sambit ko sa kausap kong caretaker ng dormitory namin for the nth time.

Apat na araw ko nang tinitiis ang roommate kong nuknukan ng kapangitan ang ugali, at suko na talaga ako sa kanya. The way he treated me for the past four days that we were together ay parang 'di roommate; para akong katulong na tiga-linis ng kalat niya sa kwarto namin at provider ng pagkain niya kapag nagugutom siya, and the worst part is that kapag sasabihan ko siya ng sama ng loob ko ay natatawa lang siya sa akin. Kaasar.

"Wala na po talaga, sir. Fully occupied na kami," aniya sabay simangot. Ayaw man niyang sabihin pero halatang nagtitimpi lang siya kasi kanina pa ako sunod ng sunod sa kanya to convince her na i-transfer ako sa ibang room. "Eto, sir. Kung meron man kayong kakilala rito, mag-negotiate kayo at baka mapapayag mo siyang maglipat ng room sa inyo. At isa pa, ang swerte nga po ninyo kasi roommate niyo iyang si Lee. Marami ang gustong makipagkaibigan sa batang iyan."

Napakamot ako ng ulo sa huling sinabi niya. Marami ang gustong makipagkaibigan sa kanya? Ang layo-layo ng qualities niya para gawing kaibigan. Napaisip ako sa sinabi niya kaya nagtanong ulit ako sa kanya. "Kung marami ang gustong makipagkaibigan sa kanya, e bakit pagkarating ko rito, yung kwarto lang niya ang bakante? 'Di ba dapat occupied na rin yung sa kanya since he's popular gaya nga ng sabi niyo?"

Natawa si manang. "Iyan nga ang pinagkakataka ko. Ever since na naging roommate ka niya, 'di pa siya nagreklamo sa akin regarding sa iyo. Si Sir Lee kasi, ayaw niyang may kasama sa room niya at every time na may bago siyang roommate, pumupunta siya rito sa baba para magreklamo na kung pwede ay i-transfer sila sa ibang rooms. Pero so far hindi pa naman siya pumupunta rito. Nakakatawa nga po kasi kayo pa ang nagrereklamo."

"Should I be thankful for that?" I said sarcastically.

"Siguro, sir. Try niyo na lang pong pakisamahan si Sir Lee kasi mabait naman iyan talaga. Bigyan niyo lang ng chance at baka maging close pa kayong dalawa," aniya bago siya nagpaalam na pupunta ng isang room para i-check iyon. Hindi ko pa rin siya tinantanan kaya sumunod pa rin ako sa kanya. Narinig kong nagpabuntong-hininga na lamang siya nang nakita niya ako sa gilid niya.

Mangilang mga minuto rin ang hinintay namin ni manang bago siya pinagbuksan ng pinto ng taga-room 211. Paalis na ako ng dismayado kasi 'di naman ako kinakausap ni manang, pero narinig ko ang pangalan ko sa hindi kalayuan.

"Greyson, ikaw ba iyan?" ang tanong ng lalaking naka-bonnet habang nakangiti sa direksyon ko. Nagkunot-noo na lamang ako habang lumalapit sa kanya. 'Di siya pamilyar sa akin kaya nakapagtatakang kilala niya ako.

"Greyson?" pag-uulit niya habang tinuturo ako. Tinitigan ko lang siya, nagbabakasakaling makilala ko, pero 'di ko talaga siya namumukhaan.

He smiled as he was pointing out his face. "Nakalimutan mo na ang mukhang ito?"

"Sorry, bro, pero 'di talaga kita namumukhaan," sagot ko habang naka-kunot noong nakatingin sa kanya. Hindi ako ang taong mabilis makalimot ng mukha, pero 'di ko alam kung bakit hindi ko talaga siya mamumukhaan.

"It's Mathias, your cute childhood friend, you jerk," he laughed.

Nanlaki ang mga mata ko habang tinignan siya from head to toe. I did not expect him to lose weight since when we were younger, ang laki niyang bata. Natawa ako habang ini-imagine ang kanyang itsura dati – yung time na tinatawag ko siyang Russell ng Up kasi magkamukha silang dalawa.

Nang nakita niya akong tumawa ay agad na siyang lumapit sa akin at pinisil ang left cheek ko. "Gago, ang sama mo. You really thought that I'd look the same from the last time we saw each other no?"

I flinched. "No, not that," pagsisinungaling ko. "I thought that we won't meet each other again. Good thing that you're here as well."

Inakbayan ako ni Mathias at pumunta kami sa room niya para mag-usap. He told me that he's also a freshman student here in Liesel University and he's taking up Literature. Kinwento rin niya na he's a different person now since he knows who he is now than when we were younger pa which baffles me kasi hindi ko nakuha 'yong punto niya – but we'll get there siguro. When Mathias asked me kung ano ang kinuha kong kurso, ang sinabi ko sa kanya is Tourism. I also confessed to him that I wanted to take Literature at naiinggit ako sa kanya since he can freely choose his course habang ako naman ay sunud-sunuran lang sa gusto ng pamilya ko.

"That's okay. Baka naman kasi gusto nila sa'yo iyang Tourism na course kasi they know na you are capable of it," he told me. I wanted to be vulnerable to him, but I'm afraid to be emotional sa harap niya, so hindi na lang ako umimik kahit na ang dami kong gustong sabihin.

I changed the subject to rub out the awkward silence sa room niya. "So . . . I do have a favor, Mat."

Tumaas ang kilay niya bago siya tumingin sa akin. "Anong klaseng favor iyan, Grey?"

"Uhm . . ." nauutal kong sabi sa kanya. I don't usually beg so this is kind of new to me.

"What kind of favor nga iyan, Grey? You can count on me if you have any problem. Huwag lang financial problem," natatawa niyang sabi sa akin.

"No, not that. I want to change rooms with you kung okay lang sa'yo."

Huminga siya ng malalim habang inuusisa ang body movement ko. "Calm down. Ano ba ang problema?"

I scratched my head upon answering his question. "Ayaw ko kasi sa ugali ng roommate ko," I mumbled while awkwardly smiling at him in the hopes na kakagat 'yong excuse ko. Imbes na mabahala ay tumawa lang siya.

"Sino ba kasi ang roommate mo?"

"Hindi ko alam kung magkakilala kayo, but his name is Lee."

His eyes widened as he shouted his name. "Si Lee ang roommate mo?!"

*****

Tuwang tuwa si Mathias nang malaman niyang roommate ko si Lee na niyaya niya akong lumabas kami so that I can talk about my experiences with him. Hindi ko matanto kung ano ang nakikita ng mga tao rito sa roommate ko at kung bakit hindi mag-click sa akin ang pagsasamba nila sa kanya.

Kumain kami ni Mathias sa pinakamalapit na fastfood chain para 'i-celebrate daw ang friendship naming dalawa', but I certainly know what this is all about. Habang nginunguya ko ang fries na binili niya sa akin, wala akong nalalasahan kasi kwento siya ng kwento tungkol kay Lee na siya namang sagot ko ng napakalamig na "Ah, ganon ba?" like I do care about him at all.

"Teka, paano mo na nakilala ang lalaking iyon?" tanong ko sa kanya para 'di niya mapaghalatang wala akong ganang makinig sa kanya.

"We met through Abby, a common friend of mine. She was Lee's English tutor noong bago pa lang siya rito sa Pilipinas and naging magkaibigan naman kami dahil sa isang forum website na sinasalihan ko. I think that it was the first time na na-starstruck ako sa isang tao."

"I see," I told him coldly while stirring my float.

He chuckled. "That's it? You're not going to ask me anything?"

I flinched while looking at him, and for mere three minutes, nagtititigan lang kami. Parang may hinahanap siya galing sa akin na 'di ko mabigay sa kanya. Pinutol ko ang tensyon at tinanong na siya kung ano ba ang dapat kong itanong sa kanya which he replied, "In case you didn't know, I have a crush on him."

I didn't react. I just took a sip of my float and nodded.

"That's it, Greyson? 'Di ka nagulat sa sinabi ko? I'm having a crush on that person. A guy!" he exclaimed.

I stared at him like it was the most unsatisfying news that I've ever heard. "And then?" I responded.

Inirapan niya ako at nag-facepalm siya bago niya i-drop ang news sa akin. "Don't you get it, Grey? I'm gay! Does that bother you?"

I munched on my fries and pointed at him using my straw. "It doesn't, Mathias, and alam kong gay ka ever since we were kids dahil palagi mong nilalaro ang vintage Barbie dolls ni mama. It's you who couldn't accept your feminine side. We bicker a lot when I ask you certain questions about your sexuality, right?"

He nodded.

"And the moment that I told you who my roommate is, your pupils dilated so fast. Science says that kung excited ang tao sa isang bagay, makikita na nagwa-widen ang pupils nito. That alone was a giveaway na may gusto ka nga sa kanya," I uttered while smiling.

"Brainiac," sagot niya habang nakangiti.

"If you think na mag-iiba ang turing ko sa'yo just because you're gay, then let me tell you na hindi. You're one of my oldest friends and I cherish our friendship. Kahit na ano ka pa man, I am still your friend."

He grinned. "Sabi mo iyan, ah?"

"So, are you willing na ba to switch rooms? It seems like you would love to be in my room as soon as possible," nagbabakasakali kong wika sa kanya.

"Pag-iisipan ko pa. Tatanungin ko pa yung roommate ko kung okay lang sa kanya na magpapalit ako ng kwarto. Ask Lee na rin kung papayag siya. Huwag nating pilitin 'yong tao since may naririnig ako na reklamador daw iyan pagdating sa roommates. Consider yourself lucky," he said while arching his eyebrows.

'Yong moment na akala ko okay na ang lahat ay pinalitan ng pagkadismaya. Do I really need to ask him permission pa ba? I don't want to talk to him nga kasi kahit na ang paghinga niya ay naiirita ako.

*****

Matapos naming kumain ay napag-isipan namin ni Mathias na maglakad na lang pauwi since malapit lang naman 'yong fast food na pinuntahan namin sa dorm ng school. While we were walking, bumuhos ang napakalakas na ulan kaya basang basa kaming dalawa pagdating namin sa room niya. Tumambay muna ako roon dahil wala pa naman yung roommate niya. He told me that he as well is a fan of independent pop/rock music. We played several songs and danced into them hanggang sa napagod kaming dalawa. Makaraan ang ilan pang mga minuto, nagpaalam na ako kay Mathias para maligo.

Pagpasok ko sa kwarto ko ay wala pa rin si Lee which means that I can do whatever I want freely. Nag-shower na ako and natulog kasi these past few days have been exhausting to me. 'Di ako sanay na matulog while someone in my room is awake. What's worse is that he also sees to it na aware ako na gising siya with him playing music in full volume, calling someone over the phone – in full volume as well, and some other things that I find annoying.

Nagising ako nang madaling araw kasi nilalamig ako. I asked Lee to turn off the aircon but what he responded was kind of humiliating to me.

"Wala tayong aircon, gago!"

I rolled my eyes and tried to go back to sleep, pero nanginginig talaga ako. Na-notice siguro iyon ni Lee kaya tinanong niya ako kung okay lang ako.

Hindi ko siya sinagot. Nagkunwari na lamang akong natutulog so that he can stop bugging me out.

"Hoy, Greyson. Okay ka lang ba?" Hindi ko pa rin siya sinagot until na lumapit siya sa akin to feel my forehead with the back of his hand.

"Tsk, may lagnat siya," he whispered to himself before he walked away from my bed.

*****

Nagising ako nang may sumusundot sa braso ko. I immediately sat down and stared at Lee kahit na malabo ang vision ko. "What?" I asked him coldly.

He handed me a tablet of Paracetamol as well as a glass of water. "Inumin mo iyan every four hours hanggang sa gumaling ka. Ang ibang tablets ay nasa itaas ng drawer mo," wika niya habang nakatingin sa kawalan.

I smiled uncomfortably. "Salamat sa'yo."

"You're welcome. May dala rin akong cup noodles and fruits diyan kung nagugutom ka," sagot niya habang nakatingin pa rin sa kawalan.

I chafed his head as I was smiling. "Salamat talaga rito, Lee."

When he noticed na matagal-tagal ko nang kinukudlit ang ulo niya ay tumayo siya at umalis. "You're welcome na nga," sabi niya habang nakanguso.

I smirked because of his good gesture. This is the first time that he did something pleasant to me. Parang 'yong galit ko sa kanya ay nawala ng kaunti.

This is the first time that I didn't want to leave him here.


Load failed, please RETRY

Status Power Mingguan

Rank -- Peringkat Power
Stone -- Power stone

Membuka kunci kumpulan bab

Indeks

Opsi Tampilan

Latar Belakang

Font

Ukuran

Komentar pada bab

Tulis ulasan Status Membaca: C2
Gagal mengirim. Silakan coba lagi
  • Kualitas penulisan
  • Stabilitas Pembaruan
  • Pengembangan Cerita
  • Desain Karakter
  • Latar Belakang Dunia

Skor total 0.0

Ulasan berhasil diposting! Baca ulasan lebih lanjut
Pilih Power Stone
Rank NO.-- Peringkat Power
Stone -- Batu Daya
Laporkan konten yang tidak pantas
Tip kesalahan

Laporkan penyalahgunaan

Komentar paragraf

Masuk