Cedric's POV
"Property"
Matapos mabanggit ni Mr. Cruz ang katagang ito ay isinulat niya iyon sa katapat na whiteboard. Hindi ko namang maiwasang mamangha sa kagandahan ng kanyang penmanship.
I mean, kumpara sa penmanship ko na kahit freshman highschool studrnt na ako ay mukhang pang-elementary pa rin.
"It is a term used to describe the extraordinary powers that each of you possess." pagdidiscuss ng aming guro.
Teka, ito rin 'yung nabasa ko do'n sa library ah.
"There are 3 types of properties." Tahimik lang kaming nakikinig at nakasunod sa bawat galaw niya. Kasalukuyan siyang isinusulat ang tatlong kataga na'to: Technical, Neutral at Lethal.
"First type is known as Technical. Properties that belong here are those that have an ability to produce, create or compose things."
"Examples of those persons who have these are our great Filipino inventors namely: Francisco Quisumbing, who created the Quink used by The Parker Pen Company, Roberto Del Rosario who invented the Sing-Along System or what we all now know as minus one or karaoke, and many other great inventors and artists. "
"Second type is known as Neutral. Properties that belong here are those that, if used well, cannot harm anyone and don't have any direct effect against others. These are also common or mostly can be found in Alpha Group, like the one you've witnessed yesterday. "
"By the way, Alpha Group is the term used to classify persons like us who possess these powers. So that's why this section is called as Alpha Section."
Sa parteng ito ako napa- "ahhh" sa'king sarili. I also find our section name weird but now I know why.
"Last but not the least, Lethal. As the name implies, properties that belong in this type are those that can cause harm to others, or on it's user itself, if used inappropriately. Most of the properties belong undrr this type are considered deadly."
Natigilan saglit si Mr. Cruz ng nakita ang mga shocked na expressions sa aming pagmumukha, particulary sa'kin.
"But don't worry guys-" he then continued. "-kaya nga tayo may Special Training Class dahil gusto naming mahasa kayo sa paggamit ninyo sa inyong mga properties to prevent any untoward incidents in the future."
Mukhang nabunutan naman ako ng tinik sa'king lalamunan pagkarinig ko no'n. Kung totoo ngang may kakayahan ako, ayokong himantong iyon sa makakapanakit ako ng kahit sinuman.
"Do you have any questions on this part before we proceed." tanong sa'min ni Mr. Cruz.
Pansin kong napadako ang tingin niya sa kanyang kanan no'ng nagtaas ng kamay 'yung parang maarte naming kaklase.
"What's your property sir. If you don't mind me asking." ani nito. All eyes are now on Mr. Cruz and are waiting for his answer.
"Let's not focus on my property for now. Malalaman niyo iyon sa takdang panahon." sagot nito sabay ngiti. Lahat kami ay tila nadisappoint sa kanyang sagot.
"Well, if you don't have any further questions aside from that, then let's proceed to your task for today. I want you to go in front amd state your properties based on what you've observed you can do so far all throughout your life."
"Anyone wants to go here first?"
Matapos iyon sinabi ng aming adviser ay kita kong napataas ng kamay itong kaklase kong nagpamalas ng kanyang kakayahan kahapon. Pagkatawag sa kanya ni Mr. Cruz ay pumunta na siya agad sa gitna.
"Hi. I'm Dwayne Gonzales, freshman student from section 1. As you all know, I have telekenesis property which has the ability to move things with your mind. Ever since I was a kid, I'm already known as a math & physics prodigy. So with just the right calculation of distance and height..." saglit siyang natigilan at iniangat niya ang isa niyang hintuturo, causing Mr. Cruz' whiteboard marker to float.
"I can make anything ascend with just the right amount of distance and height I want." Matapos niyang sabihin ito ay ibinaba niya na ulit 'yung marker.
"But I think there's something more to my power--" pagpapatuloy nito no'ng akala namin na tapos na siya. "And I believe I can discover it here in our class." Sa pagkakataong ito ay natapos na siya sa kanyang sasabihin at naupo na muli sa kanyang upuan.
"Thank you Mr. Gonzales. Who wants to go next?" tanong muli ni Mr. Cruz.
Medyo naintriga ako ng magtaas ng kamay 'yung babaeng nagngangalang Elise. Agad na siyang tumayo at humarap sa buong klase.
"I'm Elise Salviejo. As you can see, I am blind. But because of my property I can freely move kahit sa'n ko gugustuhin. And that is called as Seismic Sense."
"I can feel each vibration in my surroundings from both living and non-living things for me to detect it. I can also detect each individual's personalities by the beating of their hearts, and can detect other person's properties as well." paliwanag nito.
Ohh...now I get it. Kaya pala siya nakakalakad ng maayos dahil sa kanyang property! At kung totoo ngang nakakasense siya ng ibang property, that means no'ng araw na kinausap niya ako sa clinic... she really meant it.
I have powers like them. Kaso hindi ko lang alam kung ano iyon.
Pagkaupo ni Elise ay sumunod na pumunta sa gitna ang isa pang babae naming kaklase na nakaayos ang kanyang kulay red na buhok into a ponytail, at hindi ako pamilyar sa kanya masyado.
"Hi, I'm Karen. Dati ko pa itong napapasin, so I have this Electric property. Uhm, let me show you na lang."
Kita naming naglakad siya papunta sa kanyang bag at may kinuha doon. Kinalaunan ay bumalik din siya na may bitbit nang cellphone at nakakabit dito ang isang charger. Tas pinahawak niya iyon kay Mr. Cruz.
"So whenever my heartbeat raises.. like when I feel I'm in danger or tensyonado, gano'n... I can produce electricity." she explained.
Then, walang sabi-sabi siyang tumakbo pero hindi naalis sa kanyang kinatatayuan, at nang mukhang satisfied na siya ay hinawakan niya ang dulo ng kanyang charger. Namangha naman ako no'ng makita kong umilaw ang kanyang phone, meaning nagchacharge ito currently.
"Wow! Isa ka palang walking powerbank!" komento nitong katabi kong si Mitch dahilan para sikuhin ko siya. Ito talaga oh, puro kalokohan.
No'ng maupo na si Karen, nagulat naman ako no'ng sumunod sa kanyang pumunta sa gitna ay si Warren. Ang isa niyang kamay ay nasa loob ng kanyang bulsa.
"I have a technical property, which is known as the invention property. I can create a lot of things with my creative mind, even if it's from scraps of metal or from trash just like the sticker I've used yesterday. Whatever it is, I can make it functional. " paliwanag nito.
Oh wow, medyo may pagka-valid na rin ang kanyang pagiging mayabang dahil aaminin kong I find his property cool and convenient.
Sunod na pumunta sa gitna ay ang kambal kong kaklase.
"Hi I'm Eli." pakilala no'ng nakasuot ng glasses gaya ko.
"And I'm Emmet." sumunod naman sa kanya ang kanyang kakambal na mukhang cool sa kanyang messy hair at magnetized earring sa kaliwang tenga, na looking total opposite sa kanyang kakambal na mukhang bookworm.
"So together, we have the Synchronize property wherein whatever each of us felt can be felt by the other." paliwanag no'ng mukhang bookworm.
"Example." Rinig ko namang pinakiusapan nila si Kylie na hampasin ang isa sa kanila sa braso na malugod namang sinunod no'ng isa.
"Aray!" pagreact no'ng mukhang bookworm kahit na 'yung mukhang badboy 'yung hinampas ni Kylie. After no'n ay umupo na rin si Kylie sa kanyang upuan.
"Pero as an individual, hindi pa talaga namin natutuklasan ang kanya-kanya naming kakayahan." pahayag no'ng Emmet.
Pagkatapos nilang maupo muli sa kanilang mga silya ay tumayo naman si Sasha at sunod na pumunta sa gitna.
"I'm Sasha Vasquez, freshman student from section 1. Based on my experiences, akala ko natural lang akong habulin ng mga lalaki dahil... alam niyo na... sa taglay kong kagandahan." panimula nito. I heard my seatmate sneered kaya sinaway ko ito.
"Pero later on, I find it weird na pati girls, and not to mention animals, ay tila nafo-fall sa natural kong alindog. By joining Alpha Section, I later found out that I have the Pheromone property. If pagaganahin ko ang powers ko, I think I'm releasing the chemical substance: pheromone, which we all know can affect the behavior or physiology of others. " paliwanag niya.
Nagulat naman ako sa biglang pagtawa ni Mitch sa gilid ko.
"So that means habulin ka ng mga lalaki, babae, pusa, aso, daga, ipis, palaka--"
"Oh come on, just shut up." Sasha cuts him off with her sweet voice.
Napatingin naman ako rito kay Mitch na ngayo'y biglang napalunok habang namumula ang mukha. Muli akong napatingin kay Sasha at pansin ko namang wala yata itong epekto sa'kin. Baka hindi ko lang talaga siya type.
"Pero kahit na hindi ko gamitin ang kakayahan ko, marami pa rin namang nagkakagusto sa'kin dahil ipinanganak na'kong maganda. That's all for my property." pagtatapos niya at muling naupo.
So that only leaves me, Mitch and Kylie who haven't spoken yet about this so-called 'property'. Clearly, wala akong kaalam-alam kung ano 'yung sa'kin. Eh sila kaya?
"Mitch, alam mo ba 'yung sa'yo?" tanong ko rito sa'king seatmate.
"Hindi nga eh." kibit-balikat niya namang sagot.
"Who else would like to say something in front." tanong ng aming adviser. Nagulat naman ako ng magtaas ng kamay ang nakaupo sa'king harapan na si Kylie.
"Woah. Ambilis namang madiscover ni Kylie ang kanyang powers." pabulong na sabi sa'kin ni Mitch.
"Oo nga eh. Curious tuloy ako kung ano iyon." sabi ko naman.
Tumahimik na kami at napiling makinig sa kung anumang sasabihin ni Kylie sa buong klase.
"I'm Kylie Sullivan, freshman student from section 1. Way back when I was a kid, napapansin kong kada may hahawakan akong isang bagay... nakikita ko ang nakaraang kalakip ng bagay na iyon. Like pumapasok lang ng biglaan sa'king isipan ang samu't saring flashbacks na kaakibat ng naturang bagay. Akala ko nga guni-guni ko lang ang mga iyon. "
"Pero ever since ng encounter natin kagabi, I did my research sa library. And there I found out I have the Reminiscing property. This is the ability to see the past from objects and possibly from people as well. But right now, mga bagay pa lang ang kaya kong makita ang nakaraan. " mahaba-haba niyang paliwanag. Namangha naman ako sa'king narinig.
"Ang other term para sa ability na 'yan is tsismosa property." rinig naming komento ni Sasha sa kanyang kinauupuan, dahilan para mapatingin sa kanya si Kylie.
Kita ko namang lumapit ang huli kay Sasha at hinawakan ang ballpen na nakapatong sa kanyang desk.
"Importante sa'yo ang Parker Pen na'to, dahil binigay ito ng taong espesyal sa'yo." Then kita kong nalipat ang tingin ni kylie kay Sasha. "Sasabihin ko ba sa lahat ng naririto kung sino ang taong ito." pahayag ni Kylie na may nakaukit na ngiting tagumpay sa kanyang mga labi.
"Akin na nga 'yan!" badtrip namang sabi ni Sasha sabay hablot mula kay Kylie ang kanyang ballpen.
Matapos no'n ay bumalik na si Kylie sa kanyang upuan. Ito naman ang pagkakataon ni Mr. Cruz na tumingin sa'ming dalawa ni Mitch.
"Kayo na lang ang hindi pa nakakapunta dito. May gusto ba kayong sabihin sa buong klase?"tanong nito sa'min. Napatingin din sa'min ang iba kong mga kaklase.
"Wala akong ideya kung ano 'yung sa'kin." nahihiya kong sagot. Or baka nga nagkamali lang talaga si Elise at wala talaga akong kakayahan.
"Same." tugon din ni Mitch. Rinig kong napabuntung-hininga si Mr. Cruz.
"Very well then." sabi nito tas napatingin siya sa kanyang suot na wristwatch.
"Malapit na ang inyong break so I'll dismiss you now. We'll continue to discuss different forms of properties next meeting."
Pagkasabi no'n ng aming guro ay nagsimula na siyang magbura sa whiteboard tsaka niya pinulot ang kanyang mga gamit sa kanyang desk at lumabas na ng classroom.
"Tara na Cedric. Magmeryenda na tayo sa cafeteria." pag-imbita sa'kin ni Kylie in her energetic voice.
"Kayo na lang muna. Pupunta na muna akong library. Maybe it can help me solve kung ano'ng property meron ako." sabi ko. Kita ko namang nagtaas ng kamay itong si Mitch.
"Ay, sasama ako diyan." turan nito.
"Look, may dalawang oras tayong break. After nating magmeryenda, pwede naman tayong dumiretso sa library. I bet hindi pa kayo nakakapag-almusal." nakahalukipkip na sabi ni Kylie sa'min. Nagkatinginan naman kami ni Mitch.
"Hindi pa nga." sabi ko sabay kamot sa'king batok.
And so ayun na nga, napagdesisyunan na naming kumain sa cafeteria bago magresearch sa library mamaya. Anhirap talaga minsan makipagtalo sa mga babae ano?
***
Matapos ang saglit naming meryenda session sa cafeteria ay dumiretso na nga kaming library. Agad naman akong pumunta sa shelf kung saan ko nakita dati ang mga libro na tungkol sa powers.
Kinuha ko ulit ang librong may kulay berdeng pabalat at dali-daling naupo sa sahig at binuklat iyon. Umupo naman si Kylie sa tabi ko at pinanuod akong magscan ng pages.
"Hindi naman kayo pinepressure ni Mr. Cruz na malaman niyo agad ang inyong powers. Malay mo, baka sooner or later eh matutuklasan niyo rin ito." pang-e-encourage niya. Pero nakapokus pa rin ang aking tingin sa hawak-hawak kong libro.
"Hindi naman sa napepressure ako, pero gusto ko lang talaga malaman kung ano ba talaga ang kakayahan ko." I said while I'm scanning the pages. Pero ilang saglit pa'y natigil ako sa pagbubuklat ng may sumagi sa'king isipan.
"O baka naman wala talaga akong kakayahan tulad niyo, and being on this section is just a mistake on the director's part?" dagdag ko pa. Confusion is really obvious in my tone right now.
"Alam kong may nakatago ka ring kakayahan. " sabi ng katabi ko. Kinuha niya ang isang kamay ko at mahina iyong pinisil habang mataimtim na nakatingin sa'kin.
"At alam ko ring hindi nagkamali sina Mr. Cruz at ang director sa pagpapapasok sa'yo rito." dagdag pa niya at ginawaran ako ng isang ngiti kaya napangiti na rin ako.
"Salamat." mahinang sambit ko.
"Woah. Sorry to cut your cheesy moment, pero I need you to see this."
Pareho naman kaming napatingin kay Mitch at awtomatiko namang inilayo ni Kylie ang kamay niya sa'kin. Umupo sa tabi ko itong si Mitch at may inabot sa'king isang libro. Pagkatingin ko sa pabalat ay napag-alaman kong isa itong yearbook.
"Andito na lahat ng mga estudyanteng nasa Alpha Section. Pati tayo ay andyan din." masigasig niyang sabi kaya sinimulan ko na ang pagbuklat sa nasabing libro.
"Oy, si Mr. Cruz oh! William pala first name niya at ang pogi niya diyan! Well, pogi rin naman siya ngayon. " bulalas ni Kylie pagkakita sa picture ng aming adviser in his teen years.
Ililipat ko na sana sa ibang pahina ng may mapansin akong kakaiba kaya ibinalik ko ulit sa pahina kung asa'n si Mr. Cruz.
"Guys, tingnan niyo ito." sabi ko kaya agad kong nakuha ang atensyon nila habang itinuturo ko ang picture ni Mr. Cruz saka ako nagpatuloy.
"Sa pagkaka-alam ko, ang bawat estudyante sa Eastwood High ay naka-arrange into numerical order through our IDs, and same thing applies to us. Sa'ting batch, your ID# is A007." paliwanag ko habang binasa ang ID# ni Kylie.
"Then Mitch is A008."
"So ano'ng pinupunto mo Cedric?" curious na tanong ni Kylie.
"Kung mapapansin niyo rito... " sabi ko sabay turo ulit sa litrato ni Mr. Cruz.
"Mr. Cruz is student A006 sa kanilang batch. Then ang sumunod sa kanya rito-" tas agad na nalipat ang aking hintuturo sa katabi niyang guy. "-is A009."
"Which means there are two students missing!" Nanlaki naman ang mga mata ni Kylie ng mapagtanto niya ang punto ko.
Agad kaming nagpunta sa shelf kung nasaan ito nahanap ni Mitch at nagmamadali naming hinanap ang mga nakaraang yearbook, completely forgetting why we are here in the first place.
The yearbook that Mitch got is the latest issue since ando'n na kami. So the old yearbook in Mr. Cruz' batch got to be somewhere here...
"Found it!" ani Kylie.
Dali-dali niya itong kinuha at sabay kaming napaupong tatlo aa sahig habang binabasa ang naturang libro na may nakalagay na batch 2000 sa kanyang pabalat. Subalit agad kaming natigil sa pagbabasa ng makita namin ang remains ng dalawang pages kasunod sa litrato ni Mr. Cruz.
Mga pahinang halatang sinadyang pinunit!
Pansin ko namang pumikit si Kylie habang hinawakan 'yung mga parteng pinunit. Oo nga pala, nakikita niya ang nakaraan mula sa paghawak sa mga bagay.
"Cedric..." mahinang pagtawag nito.
"Bakit? A-anong nakikita mo?" curious ko namang tanong. Medyo natagalan pa ang kanyang pagsagot habang mas diniinan pa ang kanyang pagpikit.
"Nakikita kong-" saglit siyang napatigil at tumingin sa'kin.
"-kamukha mo ang isa sa kanila."
Have some idea about my story? Comment it and let me know. Thank you :D