Unduh Aplikasi
25% Heart's Desire / Chapter 6: The Intrepid Flame - Chapter 2

Bab 6: The Intrepid Flame - Chapter 2

Tumindig siya para magtungo sa kinaroroonan ng kanyang mga damit. Hindi niya pala nais ang ganoong pakiramdam.

Parang may nawawalang bahagi ng kanyang katauhan.

Parang may nalalaman na tungkol sa kanya ngunit hindi niya alam kung ano.

Hindi niya matanto kung bakit parang may nagkulang sa kabuuan niya.

Parang hinihila siya sa direksiyong ayaw niya, ng di-nakikitang puwersa.

Madali siyang nakapag-suot ng pantalon at jacket. Nang ganap na siyang nababalot na naman ng makakapal na kasuotan, saka lang siya uli nakaharap sa lalaki.

Wala na ito sa kinatatayuan nito. Nakasakay na pala sa kabayo nang di niya naulinigan. Inaakay na palapit sa kanya ang kabayo niya.

Parang nakikimi siyang tumingin nang diretso dito kaya tinanggap niya ang rendang iniaabot sa kanya ng isang kamat nito.

"S-salamat--" wika niya.

"Selina," tawag ni Alden nang dagli niyang italikod ang sinasakyang kabayo. "Gusto ko sanang magpatulong sa iyo."

Tumaas ang kilay ni Selina. Hindi sa nagmamayabang siya. Si Alden lamang ang alam niyang nakakalampas sa kanyang katalinuhan.

Mahilig din itong magbasa. Magmula elementarya hanggang hayskul, valedictorian ito. Magna cum laude ito sa college, political science ang kurso.

Kaya nga naging mayor agad kahit na nasa murang edad na beinte nuwebe pa lang. Walang binatbat ang mga kalaban nito sa eleksiyon.

Masyadong mabagsik ang kumbinasyon ng pera at utak ng binatang kandidato, sinamahan pa ng pagiging matikas at simpatiko.

"Saan naman?" duda niya.

Bumuntonghininga ang lalaki. Sumeryoso ang hitsura. "Malaki ang problema ko," patuloy nito. Muling nagbuntonghininga.

Parang naantig naman agad ang damdamin ni Selina. Puwede niyang kalimutan ang nangyaring kakatwa kanina.

Tutal, imahinasyon lang yata niya iyon. Nasobrahan siguro siya sa pagbibilad sa ilalim ng araw. Nakalimutan pa niyang magsuot ng gora.

"A-ano ba ang problema mo?" tanong niya matapos ibuwelta ang sinasakyang hayop.

Muling tumingin nang matagal si Alden sa kanya. Sinipat siya nang husto. Inarok ang kanyang kaibuturan.

Hindi niya magawang iiwas ang mga mata. Para bang namalikmata siya nang tila may nakita siyang ningas na dumiklap sa pagitan nila.

Napaigtad siya na para bang napaso ngunit alam niyang kalokohan lamang ang kanyang nadama. Isang produkto ng paglalaro ng liwanag sa pagitan ng mga dahon ng mga punong nakapaligid sa kanila.

"Basted ako," pahayag ni Alden. "Hindi tinanggap ni Diana ang pag-ibig ko sa kanya."

Napakurap si Selina habang nakatitig sa nagsasalita. Nagtataka siya dahil parang may kulang. Bakit tila hindi nalungkot ang lalaki?

"H-ha?" gulilat na sambit niya.

"Hindi raw ako ang lalaking karapat-dapat sa kanya. Mayroon na siyang nobyo sa Maynila. Kaya gusto niya akong makausap, para tapatin ako at nang hindi na umasa pa," pagtatapos ni Alden. Malumanay at banayad ang tinig nito. Tila walang pagkabahala sa sariling kalooban.

"G-ganoon ba?" Wala sa loob na wika niya. Naguguluhan siya pero hindi niya alam kung saan. "Uh, ano naman ang problema?"

"Sina Papa at Mama ang umasa," umpisa ng lalaki. "Inasahan ng mga ito na mag-aasawa na ako kapag naging mayor na ako. Na dapat naman para maging stable ang imahe ko bilang pinuno."

Nanlaki ang mga mata ni Selina. "Hindi ka ba stable sa ngayon?"

Umiling si Alden, medyo papiksi. Inakalang sinasadya niyang magtanga-tangahan. Hindi nito alam, wala na siyang mawawaang gaano.

Nabigla siya nang husto sa ipinagtapat nito tungkol sa naging desisyon ng ate niya. Para bang napakalaking kawalan na hindi magkakatuluyan ang dalawang magkababata.

"Stable ako, and you know it," pakli nito parang napipika ang tono.

Itinaas ni Selina ang dalawang kamay. "Okay, sori."

Nahimasmasan naman ang lalaki. Dagling nanumbalik ang kaseryosohan ng ekpresyon nito.

Tanging ang enigmatismo na mga matang malalim ang mahirap niyang malagyan ng eksaktong interpretasyon. Para bang hinahaplos siya ng paningin nito.

Agad siyang nag-iiwas ng tingin kapag nararamdaman niyang nag-iinit ang mga pisngi.

"As I was saying," umpisa uli ni Alden. "Umaasa sina Papa at Mama na magkakaasawa na ako."

"Si Ate Diana nga," salo ni Selina.

"Patapusin mo ako, please," pakli ng lalaki. "Kailangan kong magkaroon ng asawa sa lalong madaling panahon. O kaya'y nobya man lang kahit na pakunwari lang."

Nanlaki ang mga mata ni Selina sa narinig. "E, bakit?" bulalas niya.

"Para mapagbigyan si Mama. Kailangan niyang magpaopera sa Amerika, ngunit ayaw nitong tumulak patungo roon hangga't hindi nalalagay sa tahimik ang buhay ko," paliwanag ng lalaki.

Tinitigan niya ang mukha ng kausap. Hindi siya naniniwalang seryoso ito sa sinasabi ngunit nanatiling malamlam ang ekspresyon nito.

"Uh, ano ang maitutulong ko?" tanong niya kahit na nagsisimula nang manlaki ang ulo niya. Nahuhulaan na niya kung ano ang itutugon ni Alden.

"Well, gusto sana kitang suyuin para maging nobya ko," wika ni Alden, kaswal ang tono.

Kapalit ni Ate Diana... bulong ni Selina sa sarili.

Hindi nakahuma nang matagal na sandali si Selina. Kahit na ito ang inaasahan niyang marinig, nagulat pa talaga siya.

Tila inisip naman ni Alden na hindi siya maaaring tumutol. Umibis ito sa naglilikot na kabayo at nilapitan siya para alalayan naman siya sa pagbaba.

Wala sa loob, naging sunud-sunuran siya sa nga unang sandali.

Iniisip marahil nito na wala siyang dahilan para tumanggi sa isang suwerteng inilalapit sa kanya. Guwapo at mayaman, may katwiran naman si Alden na maging presko paminsan-minsan.

Ngunit hindi ordinaryong babae si Selina. Pumiksi siya palayo nang makabawi sa sariling pagkagulat.

"At ano naman ang akala mo sa akin? Panakip-butas?" bulalas niya.

Parang nagulat si Alden sa iginawi niya. "H-hindi, pero--"

Nameywang siya at tiningala ang lalaki habang pinagagalitan ito na para bang paslit na nagkamali.

"Masagwa ang gusto mong mangyari, Alden," sabad niya. Panay ang iling ng ulo.

"Be reasonable, Selina," amuki ng lalaki. "Kailangan ko ang tulong mo. Tinatanong mo ako kanina. I thought, gusto mo akong tulungan, Isa pa, ang ate mo ang nambitin sa akin."

"That's blackmail," pakli ni Selina, matigas ang kanyang tinig. "Tinapat ka nga ni Ate, hindi ba? Bale, nagpaalam siya sa iyo bago tumalusira. Isa pa, hindi pa naman kayo magnobyo, a?"

Bumuntonghininga si Alden. "Okey, I'm sorry," wika nito habang isinusuklay ang mahahabang daliri sa maikling buhok. "Hindi kita ino-obliga, Selina. Humihingi ako ng tulong--ng pabor. Hindi kita gagawing panakip-butas. Makakasira sa reputasyon ko ang bagay na iyon."

Kumunot ang noo ni Selina. May katwiran ang sinabi ng lalaki. "E, paano ang reputasyon ko kapag nagkahiwalay na tayo?"

Guro siya sa elementarya. Nagtuturo ng wikang Ingles sa mga bata tuwing hapon. Hindi siya nag-iisip na baka wala nang magkagustong manligaw sa kanya, pero alangan namang magtodo-pasa na lang siya.

"Alam ng lahat dito sa atin kung gaano ka kabagsik sa tsiks," dagdag pa niya, may halong pambubuska ang tinig niya.

Napalinga sa kanya ang lalaki. Nakalarawan ang matinding pagkabahala. "Bakit? May kasintahan ka na ba?"

Umiling siya bago nakapag-isip ng dapat isagot. Para kasing nakakatawa ang isiping may nagkamaling manligaw sa sa kanya. Tinuwid niya agad ang ekpresyon niya. Medyo napapangiti na kasi ang hugis-busog na mga labi niya.

Nakita niyang muling nakalma ang kaharap. "Wala naman palang problema kung sakaling maging tutoo na ang pakunwaring relasyon natin," wika nito. "We could marry each other."

Nanghilakbot si Selina. "Ano?"

"Bakit? I'm not a bad choice," salo agad ni Alden.

Hindi nga, panggigilalas ng munting tinig sa loob ng utak.

"Hindi natin mahal ang isa't-isa, Alden," Tumalikod siya para muling sumakay sa likod ng kabayong nakikipagbulungan naman sa katabi.

"Batik, uwi na tayo. May klase pa ako." Idinaan niya sa hayop ang pagpapaalam. Walang lingon-likod na iniwan niya ang lalaking sinusundan siya ng tingin.

Late na siya sa klase nang hapong iyon. Paano'y natatagpuan niya ang kanyang sarili na malimit na nawawala. Naaalala ang pagkapaso niya kaninang tinititigan siya ng mga matang puno ng misteryo.

Bakit ngayon lang niya napansin ang ganito? Bakit ngayon lang niya naranasan ang magkaroon ng kaba sa dibdib at mangapos ng paghinga? Gayong tinitingnan pa lang siya.

Kay tagal na panahon niyang pinagtatakhan ang kanyang sarili. Paano'y hindi niya maintindihan noon ang mga nababasa niya sa mga librong kinalokohang basahin.

Patago pa nga dahil ayaw niyang mapagtawanan ng mga kapatid. Ayaw niyang isipin ng mga ito na nangangarap din siyang magkaroon ng tagahaganga at manliligaw. Ayaw niyang kaawaan siya...

Dahil hindi naman niya mapatunayan sa tunay na buhay ang mga nababasa niya tungkol sa mga damdamin at emosyon, napaling ang interes niya sa mga paksang may aplikasyon sa tutoong realidad.

Hindi na siya nagpapaniwala sa mga kuwento tungkol sa magagandang relasyon na maaaring mabuo sa pagitan ng isang babae at isang lalaki. Alam niyang kailangang nagmamahalan ang isa't-isa bago magkaroon ng pagniniig, ngunit hindi niya gaanong pinag-iisipan ang marami pang aspeto ng paniniwala niyang ito.

Ayon sa kanyang butihing ina, ganito ang dapat para hindi maging kasalanan sa harap ng Diyos.

Kaya hindi niya maubos-maisip ang iniaalok ni Alden sa kanya. Magpapakasal sila nang hindi man lang sila nagmamahalan.

Paano kung hindi makalimutan ng lalaki ang kanyang Ate? Kahit na ganito lang siya, alam niyang masasaktan siya kapag nalaman niyang nabubuhay lamang pala siya sa isang ilusyon.

Ah, hindi na dapat pag-isipan ang mga gabay na ganito! asik niya sa sarili.

Basura ang suhestiyon ni Alden. Dala lang marahil ng labis na sakit ng loob na idinulot ng pagtalikod ni Ate Diana kaya nakapagsalita nang ganito ang lalaki.


Load failed, please RETRY

Status Power Mingguan

Rank -- Peringkat Power
Stone -- Power stone

Membuka kunci kumpulan bab

Indeks

Opsi Tampilan

Latar Belakang

Font

Ukuran

Komentar pada bab

Tulis ulasan Status Membaca: C6
Gagal mengirim. Silakan coba lagi
  • Kualitas penulisan
  • Stabilitas Pembaruan
  • Pengembangan Cerita
  • Desain Karakter
  • Latar Belakang Dunia

Skor total 0.0

Ulasan berhasil diposting! Baca ulasan lebih lanjut
Pilih Power Stone
Rank NO.-- Peringkat Power
Stone -- Batu Daya
Laporkan konten yang tidak pantas
Tip kesalahan

Laporkan penyalahgunaan

Komentar paragraf

Masuk