Unduh Aplikasi
20.83% Heart's Desire / Chapter 5: The Intrepid Flame - Chapter 1

Bab 5: The Intrepid Flame - Chapter 1

Selina was resigned to become an old maid because she was not attractive… to the only man who secretly owned her heart. Alden was blind to his neighbor's beauty and raw appeal until he saw her swimming like a water nymph.

Kaya nung manligaw na si Alden, hindi makapaniwala ang dalaga at agad na binasted ang binata. Paano kaya makukuha ni Alden ang matamis na 'oo' ni Selina?

* * *

Isinabit ni Selina ang lubid na nagkokontrol sa kabayo sa sanga ng malaking punongkahoy.

Humalinghing ito nang mahina dahil napansin yatang kalbo na ang dahon ng mabababang sanga.

Nangalot na nito lahat kapag nandito silang mag-amo. Malimit kasing dito pumuwesto ang hayop kapag naglulunoy sa batis ang dalaga.

Hinaplos ng isang daliri niya ang mahabang mukha ng hayop.

"O, diyan ka muna, Batik. Doon muna ako sa tubig, ha?" paalam niya rito sa malumanay na tinig. "Ako muna ang maliligo tapos ikaw naman, okey?"

Kinalas niya ang mga butones ng suot niyang jacket na maong na kupasin na at puro tagpi. Pantrabaho niya iyon.

Pati ang pantalong maong din na parang gusto na ring magretiro sa pagsesrbisyo sa kanya.

Maingat niyang isinabit ang mga ito sa katabing puno, malayo kay Batik.

Karamihan sa mga butas ng kanyang kasuotan ay likha ng mapuputi at pantay-pantay na ngipin ng kabayong usisero.

Ang natirang saplot niya ay ang kamison na yari sa puting tela. Praktikal ang yari. Ni walang palamuti na kahit na ano.

Sa kanyang opinyon, hindi bagay sa mga katulad niyang walang ganda ang mga kasuotang may disenyo.

Kaya ang karamihan sa kanyang mga damit ay mga bestidang pang-manang. Ang kanyang buhok ay palagi nang nakatali ng goma at nakatago sa ilalim ng kanyang gora.

Naupo siya sa malaking bato na napakinis na ng panahon. Nandito na iyon magmula bata pa siya.

Paborito niyang upuan kapag nagbabasa, nag-iisip, nagdo-drawing, nagpipinta, etcetera, etcetera, at nag-aalis ng medyas at sapatos.

Inalis niya ang goma sa itiman at alun-along buhok na hanggang beywang na naman pala ang haba.

Ayaw na ayaw niyang magpapagupit ng buhok.

Hindi dahil nagagandahan siya sa madulas na kinang ng mga hiblang malulusog at sing-itim ng gabi, kundi dahil parang pag-aaksaya ng panahon ang gawaing iyon sa isang tulad niya.

Wala naman siyang ganda o karisma, kaya bakit pa siya magpapagod?

May mga ibong dumapo sa lupa, malapit sa kanya.

Patingin-tingin na para bang ayaw pang magpahalata na nagpapapansin sa kanya ang mga munting hayop.

Tumawa si Selina.

"Ah, ang mga munting kaibigan," bati niya sa malamyos na tinig. "Akala ko, hindi na kayo darating."

Tumindig siya at muling lumapit sa jacket.

Dinukot niya sa bulsa ang isang supot na plastic. Puno iyon ng mga pira-pirasong tinapay na pinulot niya sa hapag-kainan kaninang umaga.

Isinaboy niya sa lupa at sandaling pinanood ang pag-aagawan ng mga ibon sa pagtuka.

Tinabingan niya ng isang kamay ang mga mata habang tumitingala sa kalangitan.

Mataas na ang sikat ng araw. Malapit nang magtanghalian.

'Makaligo na nga,' bulong ni Selina sa sarili. Baka mahuli pa siya sa klase niya.

Lumusong siya sa tubig. Napapasinghap nang malakas kapag nadudulas ang hubad na talampakan sa malumot na mga batong nasa sahig ng batis. Napaupo siya nang hindi niya napigil ang pagkawala ng balanse. Nagtalsikan ang malamig na tubig sa lahat ng direksiyon.

"Ay!" hiyaw niya nang maunang bumagsak ang kanyang pang-upo.

Saglit lang ang kanyang pagkagulat. Nang masanay ang kanyang katawan sa temperaturang nakapalibot sa kanyang katawan, unti-unti na siyang napapahagikgik sa kanyang sarili. Walang kasinsarap ang ganitong gawain, bulong niya sa kanyang isipan.

Pahiga siyang lumangoy-langoy sa palibot ng mababaw na batis habang nakadipa ang mga braso niya. Pumipikit siya at pinipisil ang ilong kapag inilulubog ang ulo at buhok sa tubig. Hindi niya pansin ang pagkapit ng puting tela sa kanyang balat, kaya humakab ng buong katapatan sa bawa't kurba at lalim ng kanyang katawan.

Pati ang madilim na kulay ng bilugang mga korona niya ay aninag na, maging ang hugis-tatsulok sa panaka-nakang nagpapaanag-ag kapag tumitindig siya para suklayin ng mga daliri ang mahabang buhok.

Napalinga siya sa dako ni Batik nang maulinigan niya ang mahinang paghalinghing nito. Nakita niyang isang lalaki at isang kabayo ang papalapit sa batis.

Si Alden pala. Nawala ang bahagyang pagkabahala na nadama niya sa hudyat ni Batik. Ipinagpatuloy niya ang pagbabanlaw ng sarili. Wala siyang dalang sabon dahil ayaw niyang malason ang ibang naninirahan sa batis ng halong kemikal na panlinis. Paglulunoy lang talaga ang pakay niyang gawin palagi dito.

Umahon siya habang pinipiga ng dalawang kamay ang mahabang buhok. Natural ang bawa't galaw ng kanyang balingkinitang katawan. Walang aral na kumpas o imbay na makaagaw-pansin.

Matamis na ngiting kaibigan ang sumilay sa mga labing malasutla at maninipis. Mga labing likas na kulay-rosas.

Piniga niya ang mga laylayan ng kanyang kamison. Maliksi siyang nakalapit sa kanyang jacket. Kinuha niya ang suklay na may malalaking ngipin sa isang bulsa nito, bago siya sumulyap sa papaibis na lalaki mula sa sariling kabayo.

Naupo siya sa malaking bato para magsuklay habang nagpapatiktik ng basang kasuotan. Luminga siya sa papalapit na lalaki. Ngumiti uli siya dito.

"Kumusta, mayor? Ngayon ka lang uli nagawi dito, a? Galing ka ba sa bahay?" bati niya nang malapit na ito sa kinauupuan niya.

Tumingin muna sa paligid ang matitiim na mga mata ng lalaki bago tumutok uli sa kanya.

"Pumupunta ka pa pala dito," puna nito. Lumapit sa punong kinaroroonan ng mga kasuotan niya. Sumandal at namulsa habang pinapanood siya sa kanyang ginagawa.

"Dumadaan ako dito pagkagaling sa bukid. Pampalamig bago pumasok sa eskuwela," tugon niya. Tumingala siya sa langit. "Ano'ng oras na ba? Hinuhulaan ko lang, e. Naiwan ko kasi ang relo ko sa bahay."

"Alas onse y medya na," tugon ng lalaki. Mababa at tila blangko ang tono nito.

Napatingin siya rito ng matagal. Pilit na inaarok ang likod ng enigmatikong ekpresyon ng lalaki.

Kilala niya si Alden simula pa nung ipinanganak siya. Kababata nito ang kapatid niyang panganay, si Diana. Parang nakatatandang kapatid ang tingin niya rito dahil wala silang kuya sa pamilya. Tatlong Maria lamang ang napagtagumpayan ng mag-asawang Maximo at Selya Cicero.

Tila nahulaan na niya ang dahilan ng pananamlay ng kausap.

"Wala ba si Ate Diana doon?" usisa niya. Siya ang bunsong anak at palaging naiiwan sa bahay. Modelo sa Maynila si Diana at sekretarya naman sa kabilang bayan si Lara. "Umuwi siya kagabi, e," dagdag pa niya.

Bahagya nang nakakunot ang noo. Boto silang lahat sa binatang mayor. Kundi nga lang pangit tingnan gusto na niyang maging adelantada. Tatawagin na niyang Kuya Alden ang kaharap.

Nagkibit-balikat lang ang lalaki. Hindi na nagsalita habang patuloy siyang sinisipat ng tingin.

Ni hindi sumagi sa isipan ni Selina na mapapansin ng sinumang lalaki ang sarili niya. Para sa kanya, wala siyang angking kariktan na maaaring makabighani ng atensiyon. Wala siyang tsansa sa tabi ng kanyang mga kapatid na pulos magaganda at seksi.

Magmula pagkabata, palaging siya ang napu-puwera sa mga pagdalo at imbitasyon sa kasayahan at sayawan. Kaya nga siguro naging mahiligin siya sa pagbabasa at pag-iisa.

At nawalan na pati siya ng kumpiyansa sa pagkababae niya. Hindi siya kailanman magiging maganda sa paningin ng sinumang lalaki.

Nakalimutan niyang wala ang mga kapatid na mala-diyosa ang hitsura nang mga sandaling iyon. Walang mapapagkumparahan ng likas at tagong pang-akit ng kanyang kabuuan.

Maihahalintulad siya sa isang nimpa ng kagubatan habang nagpapaaraw sa ibabaw ng malaking bato.

Nasasaplutan lamang ng mahaba at alun-along buhok na hanggang balakang.

Iniisip pa rin niya ang maaaring kinaroroonan ng panganay na kapatid.

"Nadatnan mo ba si Mama doon?" tanong niya sa tahimik na lalaki. "Ang alam ko ay gusto kang makausap ni Ate Diana--"

Tumikhim ang lalaki. "Nagkausap na kami ni Diana, Selina. Huwag mo nang problemahin ang bagay na iyon." Tila may laman ang mga kataga nito.

Namula ang mga pisngi ni Selina. "Ay," bulalas niya. "Sori sa pakikialam ko," wika niya. "Uh, akala ko kasi.... nasayang na naman ang oras mo."

Napahinto na naman siya sa pagsusuklay at sandaling natutop ang bibig. "Napakatabil ko talaga. Sori talaga, Alden. Er, dalawang araw yata si Ate dito," pahayag niya sa himig na humihingi ng dispensa.

Tumuwid sa pagkakatayo ang lalaki. Marahang humakbang palapit sa kinauupuan niya. Nakatitig pa rin nang mataman sa nakatingalang mukha niya.

Natahimik si Selina. Hindi niya maintindihan kung bakit parang sinasakal ang pakiramdam niya habang nakatitig sa kanya ang mga mata ng lalaki.

Naninikip ang kanyang dibdib at nanunuyo ang kanyang lalamunan. Parang nabibingi pati siya habang nakakarinig siya ng malalakas na dagundong ng tila-kulog na ingay sa loob ng kanyang utak.

Kaipala, ang mabilis na pagragasa ng dugo paakyat sa kanyang ulo ang may likha ng nakalilitong pangyayari sa kanyang kamalayan.

Para bang saglit siyang nawala sa kanyang sarili habang inilulutang siya sa laot ng mga sensasyon.

Ngayon lang siya nakaramdam ng ganito. Nanlalamig ang kanyang balat.

Nanginginig ang kanyang mga kalamnan. Ngunit nag-aapoy ang kanyang pakiramdam. Nag-iinit ang kanyang katawan.

Ipinilig niya nang pabigla ang kanyang ulo. Kumurap siya kaya naputol ang piping komunikasyon ng kanilang mga mata.

Hindi niya namalayan na nabihag na pala ang kanyang paningin at tila nahihipnotismo siya.

Hindi siya puwedeng mag-isip na atraksiyon ang nadarama niya sa lalaking kaharap. Bakit ngayon lang niya naramdaman ang magnetismo ng personalidad nito?

Maraming babae na ang nakapagsabi sa kanya na kakaiba ang karisma ng mayor ng bayan nila ngunit hindi siya gaanong naniniwala dahil hindi niya nararamdaman ang sinasabi ng mga ito.

Ngayon... parang ibig na niyang maniwala na tutoo pala.


Load failed, please RETRY

Status Power Mingguan

Rank -- Peringkat Power
Stone -- Power stone

Membuka kunci kumpulan bab

Indeks

Opsi Tampilan

Latar Belakang

Font

Ukuran

Komentar pada bab

Tulis ulasan Status Membaca: C5
Gagal mengirim. Silakan coba lagi
  • Kualitas penulisan
  • Stabilitas Pembaruan
  • Pengembangan Cerita
  • Desain Karakter
  • Latar Belakang Dunia

Skor total 0.0

Ulasan berhasil diposting! Baca ulasan lebih lanjut
Pilih Power Stone
Rank NO.-- Peringkat Power
Stone -- Batu Daya
Laporkan konten yang tidak pantas
Tip kesalahan

Laporkan penyalahgunaan

Komentar paragraf

Masuk