Unduh Aplikasi
16.66% Heart's Desire / Chapter 4: Sweet Obsession - Chapter 4

Bab 4: Sweet Obsession - Chapter 4

NANGANGATOG ang mga tuhod ni Nadine habang humahakbang papasok sa kusina.

Alam niyang kasunod lang niya si Teo Montes.

Si Teo Montes!

Nagkakatutoo ba ang mga panaginip?

Kagabi, kaulayaw niya ang lalaki sa panaginip.

Kaya ba ito lumitaw ngayon?

"Nadine, may bisita ka pala," salubong ni Aling Dada nang makita sila. Nasa harapan ito ng isang malaking lababo. May hinuhugasan na mga gulay.

"Aling Dada, si Mr. Montes. Er, bagong kapitbahay natin siya."

"A, kayo pala ang nakabili ng bahay nina Architect Smithson," wika nito sa lalaki.

Tumango lang si Teo. Naupo ito sa kitchen stool kahit na hindi pa inaalok. Para bang at-home na agad.

Kumuha si Nadine ng isang baso at isang pitsel na orange juice mula sa ref.

Naglabas din siya ng isang slice ng bagong gawang chocolate cake.

At inihain ang mga iyon sa bisita.

Ngayon lang siya nagkaroon ng personal na panauhin ngunit parang sanay na sanay na siyang mag-estima ng tao.

Nakamata lang sa kanya si Aling Dada. Bahagyang napapangiti.

"Mmm, masarap 'to, a?" wika ng lalaki matapos makatikim ng kaunti. "This is the best chocolate cake I've ever tasted!"

Lumuwang ang ngiti ni Aling Dada. "Si Nadine ang gumawa niyan, Mr. Montes."

Tumingin sa dalaga ang lalaki. He smiled at her admiringly. "Your cake is fantastic, Nadine," pahayag nito.

Pinilit niyang makapagsalita. "Er, s-salamat. Sinundan ko lang naman ang nakasulat sa recipe book."

good novel (dot) com / book _ info /31000018884 / null / Heart-s - Desire

"Naku, huwag kang maniwala sa dalaga naming ito. Napaka-humble lang talaga niyan," bawi ni Aling Dada.

Namula ang magkabilang pisngi ni Nadine.

The man chuckled warmly. "Sinasabi ko na nga ba't mabait ang dalagang ito," panunudyo pa nito.

Kaya lalo siyang pinamulahan ng mukha at leeg. Hindi na lang siya umimik para hindi na humaba pa.

"Matagal na ba kayong naninirahan dito?" tanong ni Teo. Binibigyan siya ng sapat na panahon para makabawi.

Si Aling Dada uli ang tumugon. "Medyo matagal-tagal na. Naka-tatlong presidente na yata kami dito, e."

"Aba, matagal-tagal na rin 'yon, a?"

Kuntento na si Nadine na makinig sa kuwentuhan ng iba. Itinutok niya ang pansin sa gagawin sana bago dumating si Teo.

"Pakbet ba ang iluluto n'yo?"

"Hindi ako magluluto, Teo. Si Nadine ang magaling dito sa aming lahat," pagmamalaki ng mayordoma.

Kunwa'y hindi niya naririnig ang mga pag-uusap sa paligid ngunit imposible dahil masyado siyang aware sa binatang makisig.

"Maaari mo ba akong patikimin, Nadine?"

Napilitan na naman siyang sumali sa konbersasyon.

"O-oo," sambit niya, in a strange and quavery voice. Parang hindi sa kanya ang boses.

Her short but nimble fingers worked on the cutting and slicing of the vegetables.

Maliksi rin siyang naghiwa ng karneng panggisa, nagtadtad ng sibuyas at kamatis, nagbalat ng bawang at iba pa.

She was showing off her skills but she did not know it.

Ang tanging alam niya, gusto niyang masiyahan ang lalaki.

Nakaramdam siya ng kakatwang kaligayahan nang purihin nito ang kanyang chocolate cake.

"Klaseng napakasarap ng niluluto mo, a?" obserba ng lalaki habang nanonood sa pagluluto niya.

Ngumiti lang si Nadine.

"Ibang klase ang galing ng batang 'yan sa pagluluto," pahayag ni Aling Dada sa background.

She refused to be shy in her favorite turf, the kitchen.

Matapos ang paggigisa ng tama lang para sa isang tao, inihain niya agad ang umuusok na ulam.

"Heto ang kanin, Teo," alok ni Aling Dada, habang inilalapag sa lamesa ang pinggan na may laman na puting kanin.

Nagkamot pa muna sa batok ang lalaki. "Hindi ba lumalabas na makapal ang mukha ko? Bagong kakilala n'yo pa lang ako pero heto't nakikikain na ako sa inyo."

"Aba, hindi!" agap ni Aling Dada.

Anupa't mabilis na lumipas ang mga sandali. Tila hindi man lang nila napansin ang pagdaan ng mga oras.

Hinihimas ni Teo ang tapat ng tiyan nang matapos kumain. "I like your cooking, Nadine," pagtatapat nito. "I hope I'd always be welcome here."

"Siyempre naman," salo na naman ni Aling Dada.

Gayon ang isasagot ni Nadine kaya hindi na niya kinontra ang sinabi ng matandang babae.

Inihatid niya ang lalaki hanggang sa tarangkahan.

Nakita niyang sumakay ito sa nakaparadang kotse. At nagmaniobra sa kaunting distansiya na nasa pagitan ng kanilang mga bahay.

Nadine watched him with a poignancy that made her want to sob out loud.

Buhat nang mamatay ang mga magulang niya ngayon pa lang siya nagkaroon ng pagkakataon na maging masaya.

Ngunit hindi niya puwedeng namnamin ang kasiyahan.

Hindi sila bagay! her mind wailed protestingly.

She should not dare hope for more...

Nanlalabo sa luha ang kanyang mga mata nang tumalikod siya upang magtatakbo patungo sa kanyang silid.

Hindi siya nakapaghapunan nang gabing iyon dahil mugtung-mugto ang kanyang mga mata.

Umiyak siya nang husto. Iniyakan niya ang kamatayan ng isang bagong silang na pangarap!

Naunawaan naman siya ni Aling Dada. Ito na mismo ang nagdahilan para sa kanya.

"Bakit hindi naghapunan si Nadine?" tanong ng boses ni Uncle Peping. Tila nasa tapat lang ng pinto ng kuwarto niya.

"Masakit po ang ulo niya. Tila magkakaroon ng trangkaso," pagsisinungaling ng matandang babae.

good novel (dot) com / book _ info /31000018884 / null / Heart-s - Desire

"Ganoon ba? Uminom na ba ng gamot?"

"Binigyan na po namin, ser."

Naulinigan niya ang paglayo ng mga yabag sa koridor.

Saka lang siya bumangon upang maghilamos ng mukha.

Hindi na siya dapat lumuha pa uli. She made a final resolve to remain calm and collected. Hindi maaaring iiyak na lang siya nang iiyak sa tuwing maiisip niya si Teo.

She must live on a day-to-day basis.

Gayon nga ang ginawa niya.

Tinanggap niyang puwede silang maging magkaibigan. Inisip niyang magkaibigan lang sila. Kaya nagawa niyang makiharap uli sa lalaki nang maulit ang pagpunta ni Teo sa bahay ng tiyuhin.

She treasured the sweet moments of their friendship.

Ang halos araw-araw na pagkikita nila ni Teo Montes ay inipon niya bilang mga gintong sandali ng kaligayahan.

Ng lihim na kaligayahan.

Hindi niya maaaring ipahiwatig sa iba ang nadarama niya.

Ang umuusbong at ang unti-unting yumayabong na butil ng pag-ibig sa kanyang puso...

Hindi maaari ang kanyang nadarama. Hindi sila bagay.

"Gusto kong makilala ang tiyuhin mo, Nadine," pahayag ni Teo nang may isang buwan na silang nagiging magkaibigan.

Nabigla siya sa tinuran ng kaharap. "H-hindi pa ba kayo nagkakakilala?"

Pasakalye lang niya iyon. Alam niyang ni hindi pa nga ito nasisilayan ng mga kamag-anak.

Ang tanging nakakasalamuha nito, sa tuwing dumadalaw sa kanya, ay ang mayordoma at ang mga katulong.

Para bang pinagtitiyap ng pagkakataon na palaging wala sa bahay sina Uncle Peping.

O sinasadya ni Teo na maging ganito?

Kung anuman ang motibo nito, nahirati na siya at kuntento na sana.

But everything had an end.

Ngunit may katapusan ang lahat.

Matatapos na ang mga sandali ng mga munting kasiyahang dulot ng pagluluto niya ng anumang putahe na magustuhan ng lalaki.

Sa paraang ganito lang siya puwedeng maging masaya--at iyon ay malapit nang mawala.

"Hindi pa," ang maikling pahayag ng lalaki.

"N-naging busy kasi sila nitong mga huling araw. Abala sa pakikipagnegosasyon tungkol sa magiging kontrata ni Marissa," ang mahabang paliwanag naman niya.

She stopped suddenly. Mabuti na lang pala, nakatalikod siya dito nang magsalita ito.

A short and tensed silence ensued.

Si Teo ang unang bumasag niyon.

"What I mean is, gusto ko sana kayong imbitahan sa isang dinner party sa bahay ko. Ikaw, ang pinsan mo at ang mga magulang niya." Parang nang-aalo ang masuyong boses.

Ngunit lalo lang nagsikip ang dibdib niya sa labis na sama ng loob.

Pinilit niyang maiwaksi ang nadarama.

Wala siyang karapatang sumama ang loob sa lalaking ito.

Wala silang relasyon. Wala silang relasyon!

She mentally braced herself before facing him again.

"G-gusto mo silang imbitahan?" ulit niya.

"Kayong lahat," wika ng lalaki. Seryosong-seryoso. "Pati sina Aling Dada at ang mga kaibigan mo dito."

'Kaibigan' ang itinawag nito sa mga katulong.

Pero hindi na niya itinama ang lalaki sa sinabi nito.

At hindi na rin niya ipinahayag ang pagtanggi sa imbitasyon na para sa kanya.

Alam niyang gagawin lahat ni Marissa ang paraan para maging miserable ang gabing iyon para sa kanya.

"Ipaparating ko kina Uncle Peping ang imbitasyon mo sa kanila, Teo," wika niya. Kontrolado na ang kanyang tono at pilit ang kanyang ngiti.

"I'll send an invitation card para maging pormal naman nang kaunti," pahayag ng lalaki. "I hope you'll be there," dugtong pa nito.

Hindi siya tumango. Ngumiti lang siya uli.

Marissa was ecstatic when she announced the dinner invitation to the big house.

"Papa! Mama! Inimbitahan tayo ng bagong may-ari ng Smithson House!" tili nito, sa saliw ng masayang pagtawa.

"Iha, dahan-dahan ka sa pagtalun-talon mo. Mataas ang suot mong heels," paalala ni Auntie Moring.

Huminto naman agad ang dalagang kumakandirit sa tuwa. Nangamba rin na baka nga naman madisgrasya pa sa kalikutan.

"Kanino nagpasabi si Teo Montes na iniimbitahan niya kami?" tanong ni Marissa sa kanya.

"S-siya mismo," pagtatapat ni Nadine.

Tumaas ang mga kilay ng pinsan. Hindi naniniwala sa kanya.

"Sira ka talaga, ano? Isang mayamang negosyante si Teo Montes. Hindi siya pupunta na lang basta sa isang bahay para mag-imbita na animo isang houseboy na utusan lang!" pagsusungit nito. "Napakagaga mo talaga!"

"Marissa, tama na 'yan. Huwag mong pagsalitaan ng ganyan ang Ate Nadine mo."

Tumulis ang nguso nito. Sandaling nagmukhang musmos na napagalitan at nagmamaktol.

Sinimangutan nito si Nadine. Nakatalikod ito sa mga magulang at nakaharap sa kanya.

"Nadine," anang malumanay na tinig ni Auntie Moring. "Talaga bang si Teo Montes ang nagtungo rito?" paniniguro nito.

Tumango si Nadine. "Opo, Auntie."

"Kilala mo ba siya?" untag naman ni Uncle Peping.

"Opo, Uncle."

"Sinungaling!" singhal ni Marissa. Natabunan ng panibugho ang katuwaan nito. "Huwag mong sabihing ikaw pa mismo ang nakausap ni Teo Montes!"

Tumingin siya nang diretso sa pinsan. "Si Teo Montes mismo ang nagpunta rito, Marissa."

"Naniniwala ako sa 'yo, iha," pakli ni Uncle Peping. "Pag-isipan mo na ang isusuot mo, Marissa," anito sa anak. Pinal na ang tono.


Load failed, please RETRY

Status Power Mingguan

Rank -- Peringkat Power
Stone -- Power stone

Membuka kunci kumpulan bab

Indeks

Opsi Tampilan

Latar Belakang

Font

Ukuran

Komentar pada bab

Tulis ulasan Status Membaca: C4
Gagal mengirim. Silakan coba lagi
  • Kualitas penulisan
  • Stabilitas Pembaruan
  • Pengembangan Cerita
  • Desain Karakter
  • Latar Belakang Dunia

Skor total 0.0

Ulasan berhasil diposting! Baca ulasan lebih lanjut
Pilih Power Stone
Rank NO.-- Peringkat Power
Stone -- Batu Daya
Laporkan konten yang tidak pantas
Tip kesalahan

Laporkan penyalahgunaan

Komentar paragraf

Masuk