Unduh Aplikasi
54.16% Ang Prinsesa at ang Basurero (COMPLETED) / Chapter 13: Chapter 12

Bab 13: Chapter 12

Chapter 12: Ang Paggaling

MULING nakasama ni Richard ang kanyang nanay at ang kapatid na si Cherry. Maayos na sila matapos ang mga nangyari. Si Ruby, halos dalawang buwan na niyang nakakasama. Batid ng binata na napalapit na lalo ang loob niya rito. Ngunit alam din niya, na darating ang araw na muli nitong babalikan ang dating tahanan.

Ilang linggo rin na namalagi si Richard sa ospital. Doon ay bigla siyang napaisip kung saan kaya kumukuha ng pera para may maipambayad sa mga gastusin.

"S'an po kayo kumuha ng pambayad dito sa ospital?" tanong ni Richard sa kanyang.

Napatingin pa ang kanyang nanay kay Ruby. Tila nagkaintindihan sila.

"A-Ah... Sa bank account ko." Tila hindi siguradong sagot ng kanyang ina. Napatango na lamang si Richard.

"Malaki na ang savings ko," dagdag pa ng kanyang nanay.

* * * * *

NAGPAULI-ULI ang nanay ni Richard upang makahanap ng mauutangan. Pinuntahan nito ang ilang kaibigan at kakilala pero 'di sapat ang mga nahiram nitong pera.

Wala na ring laman ang account nito sa banko. Dahil kay Hanz nakapangalan lahat ng kanyang pera sa banko.

"M-May problema po ba?"

Nagulat nang bahagya ang nanay ni Richard nang biglang lumitaw si Ruby sa tabi nito.

"Susmaryosep! Ginulat mo naman ako," wika ng nanay ng binata na agad pinunas ang konteng luha sa gilid ng mata.

"Ah... Ano kasi..."

"Wala iha."

Ngunit sa huli ay nagsalita rin ang nanay ni Richard nang mapatingin sa mga mata ni Ruby. Tila nakaramdam ito ng pagtitiwala sa dalaga.

"P...pasensya ka na Iha. Alam ko na mahal ka ng anak ko."

Namula si Ruby sa mga narinig.

"Pinoproblema ko kasi ang pambayad sa mga gamot at mga gastos dito sa ospital," ani nanay.

"Meron na akong konteng nahiram pero 'di pa ito sapat."

Napaisip bigla si Ruby. Gusto niyang makatulong.

"May maiitulong po ba ako?" seryosong tanong ng dalaga at kasunod noon ay bigla itong may naisip na ideya.

"T-Teka po. Dito po ba sa kaharian ninyo ay may bumibili ng alahas?"

Medyo naguluhan ang nanay ni Richard sa narinig mula sa dalaga. Ngunit nakuha naman nito ang ibig-sabihin ni Ruby at sinabing mayroon.

Napatingin si Ruby sa kamay niya. Tumulo na lang din bigla ang kanyang luha.

"I...iha? Ok ka lang ba?" tanong ng nanay.

"B...bakit ka umiiyak?"

Agad pinunas ni Ruby ang kanyang luha. Huminga siya nang malalim at inalis ang suot na singsing.

"Heto po, ibenta n'yo po ito. Siguradong mataas ang halaga nito dahil purong ginto po ito. Nadedekorasyunan din po ang gilid nito ng mga maliliit na diyamante."

Isang singsing na napakahalaga para sa dalaga. At naramdaman iyon ng nanay ni Richard.

"T-Teka iha. Mukhang importante sa'yo ang singsing na ito?" wika ng nanay.

"Hindi mo naman kailangang gawin ito."

Pasimpleng ngumiti si Ruby.

"Napakahalaga po talaga ng singsing na iyan," aniya.

"Pamana po sa akin 'yan ng aking ina. Pinapasa 'yan sa bawat prinsesa ng Florania."

Nagulat ang nanay ni Richard nang marinig iyon.

"F-florania? Ta-taga saan ka ba iha?" Gulat na tanong nito.

"Hindi ko po alam kung papaniwalaan ninyo ako," ani Ruby.

"Taga-Florania po ako. Ako po ang prinsesa ng kahariang iyon."

Naging malalim ang pag-iisip ng nanay. Parang may bagay na bumabagabag dito nang marinig iyon.

"Alam ko po, mahirap paniwalaan ang mga sinabi ko," sabi ni Ruby.

"Pero iyon po ang totoo!"

Tiningnan siya ng nanay nang seryoso.

"Naniniwala ako iha. Pero 'di mo naman kailangang isakripisyo ang bagay na iyan para rito."

"M-Mahal ko po... Mahal ko po ang anak nimyo!" tugon ni Ruby.

"Kaya gagawin ko po ito para sa kanya... Marami na po siyang nagawang kabutihan sa akin at kulang pa po ito bilang kabayaran."

Napayakap ang nanay ni Richard sa dalaga.

"Iha, maraming salamat. 'Wag kang mag-alala dahil matutubos din natin ito," nakangiting sinabi ng nanay.

"Napakaswerte ng anak ko sa'yo.."

Isinama ng nanay si Ruby sa sanglaan.

"Ano po bang lugar ito?" nagtatakang tanong ni Ruby.

"Sanglaan ito iha. Dito natin ipagbibili ang singsing mo," wika ni nanay.

"Pero iha, sigurado ka ba na isasakripisyo mo 'yan?"

"Opo," seryosong tugon ni Ruby.

Malaking pera nga ang nakuha nila sa singsing. Halos lumabis na ito sa pera nilang kailangan.

"A-Ah... P...Pwede po bang 'wag na ninyo itong sabihin kay Richard?" pakiusap ni Ruby.

"P-Pero... Mas magiging masaya ang anak ko kung malalaman niya?" ani nanay.

"Pero kung 'yan ang gusto mo... Sige iha."

Napangiti ang nanay ni Richard sa ginawa ni Ruby. Nagsakripisyo ito para sa binata.

* * * * *

NAKAUWI nang muli si Richard sa barong-barong nitong bahay. Napangiti siya. Na-miss niya ang kanyang bahay na gawa sa basura. Akay-akay siya ng kanyang nanay at ni Ruby habang papasok sa loob.

"Hellow! Papa Richard," biglang lumitaw sa harapan ko nila si Jana na bakla.

"A-Anong ginagawa mo dito?" tanong ni Richard.

"Siya ang nagluto ng munti nating salo-salu anak," pahayag ng kanyang nanay.

"Pinakiusapan siya ni Ruby. Isa pala siyang kusinera sa restaurant."

"Yeah right mama..." ani Jana. Nilambutan pa nito ang salita at kumembot-kembot pa. Pero magkaganoon man, mabait naman ang bakla na ito.

Nagulat pa si Richard nang makita ang isang double-decked na kama sa loob. ko nang makita kong may double-deck na kama sa loob.

"S-saan galing iyan?" tanong ng binata.

Ngumiti ang kanyang nanay at si Ruby.

"Binili namin 'yan ni Ruby," sagot ng kanyang ina.

"Hindi tayo magkakasya sa dati mong higaan."

Nag-iba tuloy ang dating ng loob ng bahay ni Richard. May mga kurtina na rin sa loob. Isa pa, medyo maraming pagkain sa loob. Hindi naman daw niya birthday.

Nang mga sandaling ay hindi pa makakilos nang maayos si Richard kaya naupo muna ito. Bigla tuloy niyang naalala ang kanyang ama. Kung naroon lang daw sana ito ay kompletong-kompleto na sana sila.

Nilapitan siya ni Ruby. Kasalukuyan na silang kumakain noon.

"Bakit?" tanong ni Richard dito. Napatingin ang binata sa mga mata ng dalaga. Alam niyang nag-iba si Ruby matapos ang nangyari sa kanya. Hindi na siya nito sinusungitan at sinasabihan nang kung ano-ano. Medyo hinahanap niya tuloy ang dating ugali ng dalaga pero mabuti na rin daw iyon dahil tila natuto na ang dalaga.

"H-hindi ka kumakain, kaya gusto kitang subuan," nakangiti wika ni Ruby.

Medyo nagulat si Richard at pasimpleng natawa.

"'Wag na! Ano'ng nakain mo?" wika ng binata pero mapilit si Ruby kaya wala rin siyang nagawa.

"Kalurkey... kayong dalawa. Ang cheezy n'yo naman!" banat bigla ng baklang si Jana.

"Ay, I know na... Pi-picture-an ko kayo," sabay hugot nito ng kanyang cellphone mula sa bulsa.

"Ayieh!" singit bigla ni Cherry at nagtawanan silang lahat.

"Oh! Bitawan mo muna Ruby 'yang kinakain nimyo. Kukuhanan ko kayo ng litrato..." ani Jana na pinaglapit sila lalo.

"Ready na huh, 1... 2..."

"Smile!"

Inilapit ni Ruby ang mukha nito sa mukha ni Richard at pagkatapos ay ngumiti. Umilaw ang flash!

Mukhang alam na ni Ruby ang ginawa ni Jana dahil hindi na siya nagulat at nagtaka roon.

"Ipakita mo sa akin!" Agad lumapit si Ruby kay Jana.

"Heto sis oh, ang cute ninyong dalawa. Bagay na bagay," ani Jana dito.

"Pero mas bagay kami. Harhar..." Pahabol pa ng bakla at kinindatan ang binata. Napatawa tuloy sila. Matapos iyon ay kinuhanan din nito ng litrato ang lahat.

Kahit na minsan ay may pagka-kiri itong si Jana. Hindi maiipagkailang naging mabuti itong kaibigan para sa dalaga.

"Siya nga pala, may nahanap na akong trabaho," ani nanay ni Richard.

"Tindera sa bagong bukas na grocery diyan sa kabilang kanto."

"Kami na ni ate Ruby ang mag-aalaga kay kuya." wika naman ni Cherry sabay tingin kay Ruby.

"'Di ba ate?"

Natahimik si Ruby. "A-Ah... A-Ano kasi," wika nito.

"Ang totoo, nakahanap na rin ako ng trabaho. Nagpahanap ako kay Jana."

"Huh? S-Sigurado ka?" tanong ni Richard sa dalaga. Nabigla siya roon. Nag-aalala siya kung magiging okay kaya ang prinsesa.

"Alam ninyo kasi, I don't know kung s'an bang planet galing itong si Ruby pero don't worry... Dahil I trained her na."

"Tsaka, magkatapat lang ang restaurant na pinagtatrabahuhan ko at ang bakery niyang papasukan," paliwanag ni Jana na may kasama pang kalantikan ng daliri.

"'Wag ka ring mag-alala Chard... Kapederasyon din ang may-ari no'n..." bulong ni Jana kay Richard.

Ayaw sanang pumayag ni Richard, ngunit... lumapit ang dalaga sa kanya.

"Pagbigyan mo na ako. Ayaw kong nang maging pabigat sa'yo. Sa ina at kapatid mo..." seryoso nitong sinabi.

Nakita ng binata na seryoso ang dalaga. Napangiti siya. Nagbago na nga ang prinsesa na kanyang nakilala.

"O sige, kung saan ka sasaya ay do'n din ako," nakangiting wika ni Richard.

"Salamat."

Punong-puno ng saya si Ruby. Isang saya na walang katumbas.

* * * * *

"KUYA, ba't gano'n si ate, parang ang dami niyang 'di alam sa mundo?" nagtatakang tanong ni Cherry. Isang beses nang sila na lang ang tao sa bahay.

Hindi alam ni Richard kung sasabihin ba niya ang totoo o hindi. O kung paniniwalaan ba siya ng kapatid. Ngunit, kapatid niya iyon... Kaya sinabi niya ang totoo, maniwala man ito o hindi sa kanya.

Natatawang hindi si Cherry matapos iyong marinig.

"Really!? Pero kuya, wala namang lugar na Florania? Si ate? Princess!?"

"Mahirap paniwalaan... Pero iyon ang sabi niya sa akin..." Tugon ni Richard.

"Kung totoo man 'yon. Pa'no makakauwi si ate?" tanong ni Cherry.

Napaseryoso si Richard at napaisip. Hindi niya alam kung paano.

"'Di ko alam..."

"Ay gano'n?" ani Cherry.

"Eh... What if kuya makabalik siya d'on sa Florania? Pa'no na kayo?" dagdag pa ng kanyang kapatid.

Tila natigil ang mundo ni Richard nang marinig iyon. Wala ng makulit. Wala ng masungit. Wala ng malambing. Wala na siyang Ruby na makikita.

Napatingin siya sa kawalan. Napakaseryoso ng kanyang mga mata.

"A...ayaw kong isipin..." May kahinaang-sagot ni Richard.

"Hindi na yata ako handa na mawala pa siya..."

Hindi na handa si Richard kung sakaling mawala si Ruby... dahil mahal na niya ang dalaga


Load failed, please RETRY

Status Power Mingguan

Rank -- Peringkat Power
Stone -- Power stone

Membuka kunci kumpulan bab

Indeks

Opsi Tampilan

Latar Belakang

Font

Ukuran

Komentar pada bab

Tulis ulasan Status Membaca: C13
Gagal mengirim. Silakan coba lagi
  • Kualitas penulisan
  • Stabilitas Pembaruan
  • Pengembangan Cerita
  • Desain Karakter
  • Latar Belakang Dunia

Skor total 0.0

Ulasan berhasil diposting! Baca ulasan lebih lanjut
Pilih Power Stone
Rank NO.-- Peringkat Power
Stone -- Batu Daya
Laporkan konten yang tidak pantas
Tip kesalahan

Laporkan penyalahgunaan

Komentar paragraf

Masuk