Unduh Aplikasi
45.83% Ang Prinsesa at ang Basurero (COMPLETED) / Chapter 11: Chapter 10

Bab 11: Chapter 10

Chapter 10: Paghihiganti

MABILIS na napabangon sina Richard at Ruby nang marinig ang isang katok sa pintuan ng bahay nila. Lalo na nang nagsalita ito. Kilala iyon ng binata, si Cherry, ang kanyang kapatid.

Dali-dali niya iyong binuksan at mabilis siyang niyakap ng nakakabatang kapatid na kasalukuyang umiiyak.

"K-kuya..." Humagulhol ng iyak si Cherry.

"A-ano'ng nangyari sa iyo!?" tanong ni Richard ngunit mas lalong umiyak ang kanyang kapatid at humigpit din lalo ang pagkakayakap.

"S-sumagot ka... Ano'ng nangyari sa iyo!?" tanong muli ng binata at hinaplos ang likod ng umiiyak na kapatid.

"Kasalanan kong lahat ito..."

Napatingin si Richard sa likuran ni Cherry. May isang boses ang nagsalita mula roon. Ang kanyang ina. At katulad ni Cherry, napakarungis din nito.

Seryoso pa ang tingin ng nanay ni Richard. Ngunit unti-unti iyong nawala at napalitan ng isang tingin na nagsisisi. Biglang nangilid ang luha nito.

"D-dapat pinakinggan kita anak... A-ako ang may k-kasalanan nito..."

Hindi maintindihan ni Richard ang mga nangyayari kaya itinanong niyang muli kung ano ba talaga ang nangyari? Mas lumuha si Cherry habang nanginginig naman ang labi nito bago magsalita. Doon ay may kaunting kabang naramdaman ang binata.

"D-dahil kay Hanz..."

Napaluhod ang nanay ni Richard. Patuloy na umiiyak.

"N-nagkamali ako... A-akala ko, magiging m-maganda ang buhay ka-kapag sumama kami sa k-kanya... P-patawarin mo ako anak..."

"T-tumakas kami mula ka-kay Hanz..."

"G-ginahasa niya ang kapatid mo!"

Biglang natigilan si Richard sa mga narinig niya mula sa sinabi ng kanyang nanay. Biglang nagpintig ang ugat niya sa ulo. Napakuyom siya ng kamao habang nakatingin sa umiiyak na kapatid. Nangako siyang poprotektahan ang nag-iisa niyang kapatid!

Doon na nagdilim ang paningin ni Richard. Agad na lumakad papunta sa isang sulok ng bahay. May kinuha siya sa dingding. Isang nakasuksok na kutsilyo iyon.

Sandali siyang napatingin kay Ruby matapos iyon. Batid niyang naguguluhan ang dalaga sa mga nangyayari... Doon ay napailing siya.

"Papatayin kita Hanz!" Mahinang sambit ng binata. Mabilis siyang lumabas pero bigla siyang kinapitan ng umiiyak niyang ina.

"R-richard... Ano'ng binabalak mo? H-huwag mong ituloy iyan..."

Nagpintig bigla ang tainga ni Richard. Bigla niyang naalala ang ginawang pag-iwan sa kanya ng sarili niyang ina para sumama kay Hanz. Wala na sa tamang pag-iisip ang binata nang sandaling iyon.

"Tama kayo... Kasalanan ninyo ito! K-kung hindi ninyo piniling sumama sa matandang iyon... E de sana... Walang nangyaring ganito sa kapatid ko!" Matigas na sabi ni Richard at sobrang higpit ng kapit nito sa kutsilyong hawak.

"Palibhasa, makasarili kayo!"

Napayuko si Richard. Napaiyak siya. Marami siyang hinanakit sa sariling ina. Ngunit hindi niya inaasahang aabot sa ganito ang lahat.

Napailing si Richard at mabilis na pumasok sa loob ng bahay. Kinuha niya ang isang maliit na bag at inilagay sa loob niyon ang kutsilyo.

Tiningnan muna niya sina Ruby.

"Dito lang kayo... May tatrabahuhin lang ako." Pagkatapos niyon ay umalis na si Richard. Sinubukan siyang pigilan ni Cherry pero wala itong nagawa. Hindi niya pwedeng palampasin ang mga nangyari. Ilalagay niya sa kamay ang batas na mailap sa tulad nilang maralita.

Alam niyang kasalanan sa Diyos ang pumatay, pero hindi niya papayagang hindi magbayad ang taong bumaboy sa kanyang kapatid. Hindi niya mapapatawad si Hanz. Papatayin niya ito!

"Kung hindi na ako makabalik... Alagaan ninyo si Cherry. Pati na rin ang babaeng kasama ko... Si Ruby..." Iyon ang huling sinabi ng binata bago ito tuluyang umalis para gawin ang nais niyang mangyari.

* * * * *

NAIWANG umiiyak ang nanay at kapatid ni Richard. Ilang araw rin silang naglakad papunta sa bahay ng binata. Dahil sa takot ay hindi na sila nakapagdala ng pera.

"Kayo ang ina ng lalaking kasama ko rito? Naaalala ko kayo," biglang nasabi naman ni Ruby, dahilan upang mabawasan ang pag-iyak ng mag-ina.

"S-Sino ka ba iha?" tugon nito.

"Ako si Prinsesa Ruby ng Florania," taas-noong sagot ni Ruby.

"Pansamantala muna akong tumutuloy dito."

Nagkatinginan si Cherry at ang ina nito. Hindi nila maintindihan ang sinasabi ng babaeng nasa harapan nila.

"A-Ano bang pinagsasa-sabi mo iha?" Pagtataka ng ina ni Cherry.

Naisip ni Ruby na baka kagaya rin ito ng marami na hindi naniniwala sa kanya kaya hindi na lang siya nagpaliwanag. Naisip niyang huwag nang sabihin pa ang tunay niyang katauhan.

"S-Sandali! Saan ba papunta ang inyong anak?" tanong na lang ni Ruby.

"Bakit siya nagmamadali at parang nagagalit?"

Doon nga'y nakaramdam ng pag-aalala ang mag-ina. Sinabi ni Cherry na sundan nila ang kanyang kuya dahil baka mapahamak ito. Doon ay tila natauhan ang kanilang ina. Malaki ang kasalanan nito kay Richard at sa pagkakataong iyon... batid nitong dapat may gawin na ito para sa lalaking anak.

Sa tulong nga ni Ruby ay nakahanap sila ng pera para ipamasahe sa gagawing pagbyahe upang sundan si Richard.

Ilang oras ang nakalipas, kasalukuyan nang narating ni Richard ang subdivision na tinitirahan ni Hanz. Sa loob ng guardhouse sa entrada ng lugar, kasalukuyang nakaupo ang guwardya. Tila nakalimutan din nitong isara nang maayos ang gate. Parang sinadya iyon ng pagkakataon. Dahan-dahan at tahimik na pumasok si Richard sa maliit na awang ng gate. Nang makita niyang tumayo ang bantay ay mabilis siyang sumandal sa gilid maliit na bahay na iyon.

Nakahinga siya nang medyo maluwag. Iihi pala ang guwardya sa tabi ng isang 'di kalakihang puno na malapit lamang din dito. Eksaktong nakatalikod ito at iyon ang nagbigay pagkakataon sa kanya upang sumalisi. Maingat siyang pumasok sa subdivision, sa mga naglalakihan at naggagandahang bahayan.

Hinanap niya ang bahay ni Hanz. Minsan na rin siyang nakarating dito. Doon ay bigla niyang naalala ang mga luhang pumatak mula sa mga mata ni Cherry. Ang panggagahasa nito... Sandali siyang napatingin sa itaas, sa madilim na langit.

"Patawarin n'yo po ako..."

Maingat siyang umakyat sa mataas na bakod ng isang magandang bahay, ang bahay ni Hanz. Bago nga iyon ay luminga-linga muna siya para masiguradong walang nakakakita sa gagawin niya. Doon ay pasimple rin niyang dinukot mula sa dalang bag ang dala niyang kutsilyo.

"Humanda kang hayop ka. Papatayin kita!"

Naiwang bukas ang pinto sa harapan. Doon niya naisipang pumasok. Maingat siya at dahan-dahan sa pagkilos. Madilim ang loob ng bahay ngunit pagdating niya sa dining area ay nakita niyang bukas ang malaki at malapad na flat screen TV doon.

Maingat siyang lumakad. Paglapit niya roon ay pasimple niyang inaninag ang nanonood. Nakahubad iyon at tanging shorts lang ang suot. Isang foreigner at may katandaan na ito. May kakapalan din ang balbas nito at medyo mabuhok ang dibdib. Mas lalo siyang nagngalit sa galit nang makitang nanonood ito ng porn.

Doon ay kumaripas si Richard ng hakbang. Mabilis niyang hinawakan ang leeg ni Hanz at itinutok doon ang dalang patalim.

"Putangina ka! Walang-hiya ka!?" Bulalas ni Richard.

Gulat na gulat si Hanz at dinaluyan kaagad ng labis na takot. Nanginginig ito sa takot.

"W-w...ho a-are you!?"

"Y-you... w-want money!?"

"D-don't k-kill m...me. I-i'll... g-gonna g-gi...ve you..."

Napangisi si Richard sa itsura ni Hanz. Mas lalo niyang idiniin ang patalim sa leeg nito.

"'Di mo ako kilala!?"

"Cherry's brother!"

'Tangina ka! Mamatay kang hayop ka!"

Itatarak na sana ni Richard ang patalim sa leeg ni Hanz. Ngunit nang malaman ng foreigner kung sino siya, bigla itong nagkalakas ng loob. Higit na mas malaki ang pangangatawan nito kumpara kay Richard.

Hinawakan ni Hanz ang kamay ni Richard na may hawak na patalim. Buong-lakas itong lumaban at naiumbag kaagad nito ang binata sa gilid ng sofa. Nakaramdam ng sakit at konting pagkahilo si Richard mula roon.

Maagap si Hanz. Nakatayo kaagad ito at mabilis na nilapitan si Richard. Binigyan nito ng malakas na suntok sa tagiliran ang binata.

"Fuck little boy!" Wika ni Hanz at itinayo gamit ang sariling lakas si Richard.

Medyo hilo pa si Richard at nanghina pa siya nang suntukin pa siya sa tagiliran. Kahit may edad na si Hanz, malakas pa rin ito. Walang siyang binatbat.

Tumawa si Hanz at inipit si Richard gamit ang mabalahibo at malaki nitong mga bisig.

"You're a loser boy..."

"And your sister was young... And I like it..." Tumawa muli si Hanz pagkatapos noon.

Nagdilim ang paningin ni Richard nang marinig iyon. Buong-lakas niyang siniko si Hanz. Dahilan iyon para lumuwag ang pagkakakapit nito sa kanya. Isang malakas na sipa ang ibinigay niya rito. Gigil na gigil siya. Punong-puno ng galit at poot. Napaatras niya si Hanz dahil doon.

Ikinuyom niya ang kanyang kanang kamao at pagkatapos ay buong-lakas na sinuntok sa mukha si Hanz. Nagdugo ang kamao niya dahil doon.

"Para iyan sa kapatid ko! Tangina ka!"

Napaatras lalo si Hanz hanggang sa mapaupo ito. Sinipa kaagad ito ni Richard sa mukha. Galit na galit ang binata. Napahiga ang malaking foreigner. Sinundan niya pa iyon ng isang malakas na pagsipa at pagtapak sa malaking tiyan nito.

Halos masuka sa sobrang sakit si Hanz.

"Kulang pa iyan! Hindi pa iyan sapat! Hayop ka!"

Sinipa niya nang sinipa ang lalaking si Hanz. Sinuntok niya ito nang sinuntok sa mukha. Kahit nagdurugo at namamanhid na ang kamao niya ay patuloy pa rin siya. Mas napupoot si Richard habang naaalala ang kanyang kapatid. Bugbog-sarado ang matanda. Wala itong laban sa galit ng isang kuya na minolestya ang babaeng kapatid.

"Tangina kang matanda ka! Hayup ka!

Nawalan na ng malay si Hanz. Naliligo na sa dugo ang mukha nito. Patuloy pa rin sa pagsuntok dito si Richard hanggang sa biglang bumukas ang ilaw sa dining area.

Umalingawngaw ang tatlong sunod na putok ng baril. Napahinto si Richard. Napalingon siya sa likuran. Isang matabang babaeng may blonde na buhok ang kanyang nakita. Ito ang kapatid ni Hanz at may hawak itong baril na may kaunti pang usok ang dulo.

"How dare you bitch! I will kill you!?" bulalas nito at isa pang putok ng baril ang umalingawngaw.

Nanlabo ang paningin ni Richard. May dugong lumabas mula sa gilid ng bibig niya. Nakaramdam siya ng sakit at panghihina. Hindi siya makahinga. Naliligo ang katawan niya sa dugo. Doon ay napadapa siya sa sahig. Naalala niya ang kanyang kapatid. Nauwi sa wala ang ginawa niyang paghihiganti.

Hindi na niya kaya. Napapikit na siya at nawalan ng malay. Kasunod niyon ay may sirena na tumunog mula sa labas at isang grupo ng mga armadong lalaki ang pumasok sa loob ng bahay ni Hanz.

* * * * *

MABILIS na pumasok ang grupo ng mga kapulisan sa loob ng bahay ni Hanz. Naabutan nila ang kapatid ni Hanz na may hawak na baril. Isang matanda na nakahiga at duguan ang mukha. At isang lalaki na nakadapa at duguan din ito.

"Ibaba mo ang iyong baril!" utos ng isang pulis.

"Put down your gun?!"

Kasabay rin noon ay biglaang pagpasok ng tatlong babae. Natigilan sila nang makitang duguan ang binatang nakadapa, si Richard.

Sumuko kaagad ang kapatid na babae ni Hanz at mabilis ding isinakay sa ambulansya ang mga sugatan.

Dinala sa presinto ang babaeng kapatid ni Hanz. Nakahingi kaagad sina Cherry ng tulong sa mga pulis ngunit tila nahuli sila ng dating. Naabutan nila si Richard na may apat na tama ng baril sa katawan at naliligo sa sariling dugo.

Samantala, sa ambulansya, humahagulhol na sa pag-iyak ang nanay nila at si Cherry. Tatlong bala ang tumama sa likod ni Richard at isa sa parteng puso. Sa kondisyong iyon, dead on arrival na ang binata.

"Ku...ya... Gu...mising ka..."

Si Ruby naman ay nagulat sa mga nangyari. Sa hindi maipaliwanag na dahilan, tila dinudurog ang kanyang puso. Kanina lang ay maayos pa ang binata. Kasama pa niya. Masaya pa silang dalawa... pero nang mga sandaling iyon, nakikita niya si Richard na wala nang buhay. Kusang pumatak ang kanyang luha. Kahit napakasama ng kanyang ugali. Kahit madalas niyang nilalait ang binata... Tinanggap pa rin nito ang tulad niya. Hindi siya pinabayaan ng binata bagkus ay inalagaan pa.

Ginawa na ng doktor ang lahat ng maaari niyang magawa ngunit, wala na ang pulso ni Richard. Hindi na tumitibok ang puso nito.

Nabalot ng lungkot ang loob ng ambulansya. Napuno ng pag-iyak ang palibot ng wala ng buhay na katawan ng binata.

"Ri...chard! Gumising k-ka! Si...no na ang magpapasyal sa akin?"

"S-s...ino na ang bibili ng ays krim sa akin..."

"G...gu...mi...sing ka... P-pa...rang a-awa... mo n-na..."

Pinilit ni Ruby na gisingin si Richard. Umiiyak siya. Hindi niya akalaing makakaramdam siya nang ganitong uri ng sakit. Pareho sila ni Cherry na pilit ginigising si Richard... Ngunit wala ring nangyari.

"I'm sorry po. Wala na po akong magagawa," wika ng doktor sa loob ng ambulansya.

"Wala na po ang anak ninyo..." wika nito sa nanay nina Richard at Cherry. Mas lalong nagsiiyakan ang tatlo dahil doon. Para silang pinagbagsakan ng langit at lupa.

Labis na pagsisisi ang naramdaman ng kanilang ina. Sinisi niya ang kanyang sarili dahil sa nangyaring iyon. Nasilaw siya sa pera ni Hanz. Kasalanan daw niya kung bakit nauwi sa ganito ang lahat.

Ang binata niyang anak na tumayong ama ng tahanan sa kanilang tatlo nang mawala ang asawa. Ang anak niya na lalaki ang nagsakripisyo para sa kanila. Ang anak na binalewala niya. Si Richard na walang hinangad kundi sila ay mabuo. Ang anak na ang ninais lamang ay mapabuti ang pamilya niya. Heto ngayon ang panganay niyang anak, wala ng buhay.

Si Cherry naman, mas lalong umagos ang kanyang luha. Wala na ang kuya nya. Ang kuya niya na laging nandiyan kapag kanyang kailangan. Ang kapatid niya na naging kanyang tagapagtanggol. Ang kuya niya na lagi syang pinapangiti. Heto't wala na nga talagang buhay.

At si Ruby... Ayaw niyang tanggapin ang nangyari. Si Richard na pinaniwalaan siya. Ang lalaki na tinanggap siya. Ang lalaki na nais niya sanang paglaruan... Na nais niya sanang utuin pero sa huli ay itinigil din niya iyon. Dahil ang totoo... Nagugustuhan na niya ang lalaking iyon.

Si Richard na pinagtyagaan siya. Pinakain. Pinatulog. Pinangiti. Ito ang taong nagparamdam sa kanya na hindi porke't mahirap ay pwede ng laitin. Tinuruan siya nito ng mga simpleng bagay na kailanman ay hindi niya pa nagawa. 'Yong tipong naiinis na siya ay inaalagaan pa rin siya. Gusto niyang may magawa pero wala siyang maisip. Hanggang sa bigla siyang may naalala...

Napatalikod na lang si Ruby habang umiiyak.

"Ku...ng na-na...riri...nig m...o man ako... diwata.."

"K-Kahit wag n'yo na ak...ong ibal...ik sa Flo...rania... Basta... iligtas ninyo ang binatang ito.." bulong pa niya sa kawalan.

"Nagmamakaawa po ako... Kung kinakailangang dagdagan ang parusa ko ay aking tatanggapin ito..."

Nang mga sandaling iyon, ibang Ruby ang nakita ng mga diwata. Hindi sila makapaniwala na hihilingin iyon ng prinsesa... Kahit ang kapalit niyon ay ang pagbalik nito sa Kaharian ng Florania.


Load failed, please RETRY

Status Power Mingguan

Rank -- Peringkat Power
Stone -- Power stone

Membuka kunci kumpulan bab

Indeks

Opsi Tampilan

Latar Belakang

Font

Ukuran

Komentar pada bab

Tulis ulasan Status Membaca: C11
Gagal mengirim. Silakan coba lagi
  • Kualitas penulisan
  • Stabilitas Pembaruan
  • Pengembangan Cerita
  • Desain Karakter
  • Latar Belakang Dunia

Skor total 0.0

Ulasan berhasil diposting! Baca ulasan lebih lanjut
Pilih Power Stone
Rank NO.-- Peringkat Power
Stone -- Batu Daya
Laporkan konten yang tidak pantas
Tip kesalahan

Laporkan penyalahgunaan

Komentar paragraf

Masuk