Unduh Aplikasi

Bab 19: 19

ALTNF

19

Ben Cariaga.

Nagising ako ng madaling araw. Pagmulat ko ng mata ko, nakita ko ang legs ni Nico na nakapatong sa tiyan ko. Wala siyang damit. Boxers lang ang suot niya. Sa kabilang side ko naman ay si kuya Jay na mahimbing na natutulog, nakaside-view siya na nakaharap sa akin.

Rinig ko ang paghinga niya. Ang sarap niyang tingnan.

Si kuya Jay -- ang bipolar, masungit, palagi akong ipinagtatabuyan na ngayon ay unti-unti ko nang nakikilala pa ng lubusan. Marami siyang mga pinagdaanan noon pero kung titingnan mo siya ngayon, napaka-payapa ng itsura niya. Parang wala na siyang pagsubok. Sana palagi ko siyang makitang ganito.

Tinitigan ko siya at pinagmasdan ko ang facial features niya. Napaka-gwapo niya. Maputi siya noong unang pagkikita namin pero ngayon, unti-unti na siyang nagiging tan which is, sobrang sobrang sobrang bagay sa kanya. Lalong nagpapa-gwapo sa kanya. Mahaba ang pilik-mata niya at kitang kita ito lalo ngayon at nakapikit siya. He has a long, pointed nose na sa tingin ko, pinakang highlight ng mukha niya dahil ito ang una mong mapapansin sa kanya kasunod ang pilik-mata niya.

Kapansin-pansin rin ang kakinisan ng mukha niya. Ewan ko ba, wala ata siyang pores at parang hindi siya tinutubuan ng mga pimple. Samantalang ako, palaging meron. Sa ilong pa. Nakakainis.

Manipis rin ang labi niya. Ewan ko, naa-attract talaga ako sa mga maninipis ang labi. Siguro dahil dagdag pogi points 'yun sa isang lalaki o dahil manipis din ang labi ko? Haha joke.

Over all, masasabi kong napaka-perfect ng itsura niya. But I know, marami rin siyang flaws na maaaring, siya lang ang nakakaalam. Na hindi niya ipinapakita sa iba. Ayos lang naman 'yon. May kanya-kanya tayong flaws, mapa-panloob o panlabas kahit na gaano pa ka-perpekto ang itsura natin.

I heaved a quiet, small sigh at marahan kong tinanggal ang binti ni Nico na nakasampa sa tiyan ko. Tahimik akong bumangon at na-realize ko na naka-unan pala ako sa braso ni kuya Jay dahil nakita ko ito. Ewan ko, hindi ko ramdam. Masyado sigurong komportable at hindi ko naramdaman.

Tumayo na ako at marahan kong binuksan ang pintuan ng tent. Lumabas ako at saka ko lang nakita na nasa labas pala ang mga gamit ko.

Buti na lang at walang magnanakaw dito.

Kinuha ko na ito isa-isa at muli akong tumingin sa tent. I smiled as I bid goodbye to them.

At bumalik na ako sa bahay.

~*~

Pagdating ko sa bahay, nabuksan ko kaagad ang pinto dahil hindi ito ni-lock ni kuya. Sinabi ko naman sa kanya na 'wag niyang i-lock dahil maaga nga akong uuwi.

Pagtingin ko sa orasan, it's already 4:21 am. Napangiti ako. Ibig sabihin, mga around 4 am rin talaga ako nagising.

"Oh, nandiyan ka na pala?" Nagulat ako sa biglang pagsulpot ni kuya.

"O kuya, san ka pupunta?" I asked him.

"Binabantayan kasi kita. Sabi mo kasi uuwi ka ng maaga. So I woke up earlier and I'm glad na nakauwi ka ng safe." Sabi niya, relieved.

"Kuya naman, para namang may mga mamamatay tao rito. Tagal-tagal na nating nakatira dito," sabi ko and I chuckled.

"'Di rin natin nalalaman, babi. It's better to be safe." Ngumiti rin si kuya and I headed to my room.

"Ayos naman silang kasama. Actually na-enjoy kong kasama sina Nico at kuya Jay." Sabi ko.

"Alam ko. Kaya nga kita pinasama eh,"

"Ha?"

Ngumisi si kuya ng nakakaloko, "Sino sa kanila? Si Jay o si Nico?" Tanong niya.

Sinamaan ko siya ng tingin, "Wala."

He chuckled. "Sus. Kunyari pa. Aminin mo na, may crush ka sa isa sa kanila!"

Kung alam mo lang, kuya. Alam kong malalaman mo rin 'to. Ako na mismo magsasabi sa'yo sa tamang oras.

"Wala talaga, kuya. Kulit mo. Gusto ko lang talaga maka-experience sumama sa kanila."

"Sows. Kuyari ka pang takot sa mga engkanto. Ikaw pa pala tong magpupumilit na sumama doon sa kabilang ilog samantalang maramimg engkanto ron." sabi niya.

"H-ha? Alam ko, p-pero nandun naman sila eh, kasama ko naman sina kuya Jay so I don't have to worry." Sabi ko.

Ngumiti na lang si kuya pero evident pa rin sa ngiti niya ang pang-aasar.

"Sige na, sige na. Pumasok ka na sa kwarto mo at matulog ka pa. Maaga pa. Kahit ako matutulog pa rin, hinintay lang talaga kita." sabi nya.

"Salamat kuya."

Sabi ko at pumasok na ako sa kwarto ko.

Pagkasara ko ng pinto ay humiga agad ako sa kama ko.

Napatitig ako sa kisame at biglang nag-flash sa utak ko ang nangyari kagabi.

Kinakantahan ako ni kuya Jay. 'Yung chorus ng Beautiful in my Eyes. At habang kumakanta siya, nakatitig ako sa kanya.

Then suddenly, bigla siyang napatigil at tinanong niya ako.

---

"Bakit ka nakatitig sa akin?"

---

At anong sinagot ko? Ano nga ba?

Teka, ano nga ba, hindi ko na maalala.

Napapikit ako. Bwiset. Bwiset talaga.

Kumuha ako ng unan at itinakip ko ito sa mukha ko.

---

"Ang sarap mo kasi..."

Natigilan si kuya Jay sa sinabi ko at nang ma-realize ko ito ay napahiya rin ako ng bongga.

"I-I m-mean, yung gitara mo," nauutal kong sabi.

"Ha?"

"M-masarap 'yung gitara mo."

"What? Masarap ang gitara ko?"

"H-hindi pala, 'yung kamay mo pala,"

"Ano?"

"Masarap 'y-yung kamay mo.."

"Natikman mo na?"

"Ha? Ahh --"

Ngumiti ng malawak si kuya Jay at tinapik niya ako sa balikat.

"I clearly heard what you just said, Ben. At agree ako sa'yo, masarap talaga ako. Partida, hindi mo pa ako natitikman. Paano pa kaya kung..."

He leaned closer to me, at ramdam ko na ang paghinga niya. What...is...going...on.

"...magkainan tayo?"

Sabi niya. Nanindig ang mga balahibo ko at bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi ko alam ang isasagot ko kaya naman ang ginawa ko ay binato ko siya ng maliit na bato at natamaan ang gitara niya, kaya naman nagkaroon ito ng sugat na maliit.

---

Nakakainis. Bakit ko pa ba naalala 'yun? Nakakainis! Nakakainis talaga! Naiinis ako sa sarili ko!

Hindi na ako nakatulog until 8:30 am. Lumabas ako ng kwarto ko at nakita ko si kuya na nagluluto ng almusal.

"Oh, bat sabog itsura mo? 'Di ka nakatulog?"

Tanong ni kuya sa akin habang nagluluto siya.

"O-oo kuya, sakit ng ulo ko."

"Mamaya ka na lang bumawi." Sabi niya at dumiretso na ako sa sink.

Nagmumog ako at inayos ko ang itsura ko. Pagkatapos ay bumalik na ako sa lamesa upang magtimpla ng kape.

"Ahm, Ben? Kelan ka mag-aasikaso ng enrolment mo?" Tanong ni kuya.

"Kapag alam ko na ang schedule ng pasukan." Sabi ko.

"Ben naman, ikaw na rin nagsabi na pangit kapag late enrolee. Bahala ka, mapupunta ka sa last section."

"Joke lang 'yun. Alam ko hindi naman naka-depende sa kung gaano kaaga mag-enrol ang magiging section. At saka, ramble ata ngayon katulad last year. So ok lang 'yun."

"Bakit? Hindi mo pa ba alam kung kelan ang pasukan nyo?" Tanong niya.

"Hindi pa. Hindi ko lang alam kung may update na. Wait, check ko 'yung page," sabi ko at kukunin ko sana 'yung phone ko sa kwarto ko, kaso naalala ko lobat nga pala 'yun.

So chinarge ko muna ito sa kwarto at bumalik ako sa kusina.

"Kuya pahiram phone, pa-online"

"Nandyan sa lamesa. May porn dyan. Nire-remind lang kita." Sabi nya.

"Alam ko. Wala ka bang app na ginagamit pantago? O hindi kaba nagc-clear ng history record mo sa browser mo? Grabe ka naman!"

Tumawa siya, "Syempre nakatago babi. Ikaw talaga. At nagc-clear rin ako ng history. 'Di naman ako kagaya mo,"

"Hoy hindi ako nagd-download ng porn! Igagaya mo pa ako sa'yo!" Medyo pasigaw na sabi ko sa kanya.

"Joke lang, hahaha! Itsura mo guiltyng guilty." Sabi niya.

Hindi ko na lang pinansin siya pinansin at kinuha ko na ang phone niya. Pagkabukas ko nito ay dumiretso na agad ako sa chrome. Pero bago ko pa ito mabuksan ay bigla akong nakaramdam ng hilo pero hindi ko ito ipinahalata kay kuya.

Tumingin ako sa paligid at parang nanlabo bigla ang paningin ko. Nahihilo ako. Para akong matutumba.

Pinilit ko itong hindi ipahalata kay kuya at pagkatapos rin ng ilang segundo ay natanggal rin ang pagkahilo ko. 'Yun nga lang, hindi na bumalik sa dating linaw ang paningin ko.

Biglang nag-vibrate ang phone ni kuya at nakita ko ang isang text message. It was a message from an unknown number.

Kahit nanlalabo ang mata ko ay binuksan ko pa rin ang message at pinilit kong basahin ito dahil sa curiousity ko.

---

"pasenxa na,, at nadelay ang klhati,,, hind q maipa2dla kya magkita n lng tyo di2 sa dati nting pinagki2taan,, gus2 q rin snang pumnta jan at makita qung ayyos b xa,, patawd sa nagawa q..."

---

Kahit malabo ang mata ko at ang jeje ng pagkaka-type nung mensahe ay nabasa ko pa rin ito.

Na-delay? Anong na-delay at hindi naipadala? Naku sino kaya ito. Hindi kaya girlfriend 'to ni kuya na may utang sa kanya?

Magkita? Pumunta rito at may gusto siyang makita. Sino 'yun? Ako ba 'yun? Joke lang. Siguro nga girlfriend to ni kuya tapos nagbreak sila. Tapos may naiwanang utang.

I sigh.

Saktong tapos na si kuyang magluto at saka ko siya nilapitan. Ipinakita ko sa kanya 'yung mensahe.

Natigilan siya at gulat na napatingin sa akin.

"N-nabasa mo?" Tanong niya na parang nine-nerbyos siya.

I nodded, "Oo kuya. Mukhang magbabayad na ng utang girlfriend mo. Ikaw di mo sinasabi sakin ha! Wawa naman si Kristal."

Napapikit siya. Humawak siya sa noo niya at tumingin siya sa akin. I don't know why but I can see guilt from his eyes. Guilt, furious and concern. Hindi ko alam. Hindi ko maipaliwanag ng maayos ang itsura niya.

Bumuntong hininga si kuya at tumingin sa akin.

"Hindi, babi. Hindi ko ito girlfriend," he paused for a moment then he sigh, "tingin ko kailangan mo na talagang malaman ngayon." Sabi nya.

Bahagya naman akong naguluhan sa sinabi nya.

"A-ano?" I asked him confusedly.

Hinawakan niya ako sa magkabilang braso.

"I-itong taong ito. Itong nagtext. Siya ang dahilan kung bakit ka nagsasakripisyo sa kondisyon mo ngayon." Sabi nya na tila lalong nagpagulo sa isip ko.

"H-ha? Ano?"

He heaved a small, comforting sigh. Then he looked directly into my eyes. "Ben, you are weak sighted at birth pero walang retinal detachment." He said.

Dito ako natigilan. Hindi ako kaagad nakapagsalita. Nagulat ako sa sinabi niya at nag-paulit-ulit ito sa utak ko. Hanggang sa ma-realize ko rin ito. Agad kong tinanong si kuya.

"Teka, i-ito na ba 'yung sinasabi mong insidente? 'Yung hindi ko alam? 'Yung nakalimutan ko? Bakit wala sa memorya ko, kuya? Bakit hindi ko maalala? K-kung hindi at birth ang retinal detachment ko, anong nangyari sa akin?" Tanong ko sa kanya.

Hinintay ko ang sagot niya ngunit hindi siya nakapagsalita.

May tiningnan siya saglit sa kanyang telepono at may ipinakita siya sa aking isang litrato.

Hindi gaanong malinaw ang paningin ko kaya naman hindi ko masyadong maaninag ang features ng nasa litrato. Maliit lang ito dahil sa distansya, at dahil na rin low resolution ito. Kita ko namang maigi ang nasa litrato.

Isa itong babae.

"Ayoko pa sanang sabihin sa'yo to pero kailangan mo nang malaman. Siya ang dahilan kung bakit lumalala ang kondisyon mo Babi. Matagal nang pinlano nina mama at papa na sampahan siya ng kaso pero nagmakaawa siya sa amin na magbabayad na lang siya. Sa kadahilanang ayaw niyang makulong."

"A-ano? Magbabayad? Paanong bayad? Hanggang ngayon?"

Tumango siya.

"Teka, h-hinayaan nyo lang siyang magbayad? At hanggang ngayon pa? Saan 'yun napupunta?" I asked him.

Muli niya akong tiningnan sa mga mata. "Sa pagpapagamot at monthly check up mo, babi." Sabi nya.

Napapikit ako. "A-ano bang ginawa niya?" I asked him.

He just sigh. Mukhang naririndi na siya sa dami ng tanong ko.

Nilalamon na ako ng kyuryosidad ko. Gusto kong magalit kay kuya. Parang gusto kong magtampo at huwag munang magpakita sa kanya dahil tinago niya sa akin ito. Ang totoo. Ngunit naiintindihan ko sila. Si mama. Si papa. Tinago nila sa akin ito. Ngunit hindi ko na magawa pang magalit dahil ang gusto ko na lang malaman ngayon ay ang totoo.

"Kung gusto mo talagang malaman," he sigh, "then let's meet her."

---


Load failed, please RETRY

Status Power Mingguan

Rank -- Peringkat Power
Stone -- Power stone

Membuka kunci kumpulan bab

Indeks

Opsi Tampilan

Latar Belakang

Font

Ukuran

Komentar pada bab

Tulis ulasan Status Membaca: C19
Gagal mengirim. Silakan coba lagi
  • Kualitas penulisan
  • Stabilitas Pembaruan
  • Pengembangan Cerita
  • Desain Karakter
  • Latar Belakang Dunia

Skor total 0.0

Ulasan berhasil diposting! Baca ulasan lebih lanjut
Pilih Power Stone
Rank NO.-- Peringkat Power
Stone -- Batu Daya
Laporkan konten yang tidak pantas
Tip kesalahan

Laporkan penyalahgunaan

Komentar paragraf

Masuk