Unduh Aplikasi

Bab 16: KABANATA 14

PARANG ang bagal ng oras. Halos tapos na ang JS Prom, ngunit marami pa rin ang nagsasayaw sa gitna ng bulwagan. Mahaharot ang nagkikislapang ilaw kasabay ng maingay na tugtuging sinasayaw ng mga kapuwa ko estudyante.

Nanatili akong nakaupo sa puwesto ko. Marami ang gustong maisayaw ako pero lahat sila ay magalang kong tinanggihan. Pati nga si Cid na escort ko ay humiwalay na sa akin. Na-bored yata siya sa company ko.

Tinignan ko ang suot kong relo. Mag-a-alas dose na pala. Kaya pala inaantok na ako.

Mabilis akong tumayo at dahan-dahan kong iginala ang aking paningin. Sa pamamagitan man lang niyon ay mahanap ko ang aking mga kakambal. "Asan na ang mga iyon? Hindi pa kaya kami uuwi?"

"Uy, Dada, hinahanap mo ba sina Tosh? Naroon sila sa may garden. Gusto mo samahan kita roon?" sabi ni Cid biglang lumapit sa akin. Dahil naiinip na rin ako ay pumayag ako kahit napansin kong may kakaiba na itong ikinikilos. Amoy alak ito at tila wala na sa sariling huwisyo.

Habang nakasunod ako ay panay ang lingon ko. Madilim na kasi ang parteng dinadaanan namin papuntang garden area. "N-nasaan na sila Kuya Tosh, Cid?" nauutal na tanong ko.

Dahan-dahan kaming tumigil, nasa dulo na pala kami ng taniman ng mga rosas. Dagli itong humarap sa akin at nginisian ako. Para bang may ibig ipakahulugan ang paraan ng pagkakangisi nito.

Isang impit na tili ang nagawa ko nang bigla na lang niya akong saklitin at pilit na hinalikan sa mga labi. Para siyang asong ulol na nawawala sa sarili!

"Huwag ka nang maarte, tiyak namang masasarapan ka sa gagawin natin."

Dahil sa sinabi nito ay lalo akong nanlaban. Ngunit sa bawat pagpiglas ko ay lalo lamang itong nagiging mabalasik. Nagtitili ako sa takot nang dumapo sa leeg ko ang mga labi niya at pagkatapos ay kinalmot ko siya, dahilan para mapalayo siya sa akin sandali.

Tatakbo na sana ako palayo nang mahigpit niyang hinila ang buhok ko. Pagkatapos niyon ay bigla niya akong sinampal nang malakas dahilan para sumadsad ako sa lupa. Nanginginig at nag-iiyak na ako sa takot.

Naramdaman ko ang unti-unti niyang paglapit sa akin. Pagkatapos ay mahigpit nitong hinawakan ang aking baba. "Ang ayoko sa lahat, eh, nagmamatigas pa at lumalaban!"

Kahit gusto kong tumakbo para makaligtas ay hindi ko magawa dahil masakit na rin ang aking katawan. Napapikit na lamang ako habang umaasa na may makakasagip sa akin.

Nang akma na niya ako hahalikan ay nagulat ako nang bigla na lang siyang maalis sa pagkakadagan sa akin. Mabilis kong iminulat ang aking mga mata.

Parang nabunutan ako ng tinik nang makita ko si Kuya Dexter. Narito na siya para iligtas ako. Kahit madilim sa kinaroroonan namin ay alam kong siya iyon dahil sa suot niyang salamin.

"Are you alright, Dada? "nag-aalala niyang tanong nang makalapit sa akin.

Tumango ako at saka pinunasan ang aking mga luha.

Nagulat na lang ako nang biglang inihataw ni Cid ang pala sa likod ni Kuya Dexter. Napatili ako dahil doon. Lalapitan ko sana si Kuya Dexter nang haklitan ni Cid ang kamay ko. Dinaluhong ito ni Kuya Dexter at pinagsusuntok. Nakaibabaw si Kuya Dexter kaya walang magawa si Cid. Mas hamak na mas malaking tao si Kuya Dexter kay Cid kaya mas lamang siya.

Hindi tumigil si Kuya Dexter hanggang sa bugbog sarado na nga si Cid at hindi na nga ito makagalaw. Unti-unti namang tumayo si Kuya Dexter at agad na kinuha mula sa lupa ang pala na ipinampalo kanina ni Cid sa likuran nito. Sunod-sunod ang ginawa niyang pagpalo kay Cid gamit iyon habang sumisigaw at wari'y ibinubuhos ang galit dito.

Mayamaya ay may narinig kaming mga yabag papunta samin. Sina Kuya Tosh at ang mga ka-team pala nito sa baketball ang parating. Nang makalapit sila nang tuluyan at nakita ang nangyayari ay agad na niyakap ni Tosh si Kuya Dexter para pigilan. Kung hindi pa sila dumating, ay malamang na hindi na titigilan ni Kuya Dexter si Cid.

Nag-iiyak si Cid habang sapo-sapo ang mga binti nito. "A-ang mga paa ko. . . Anong ginawa mo Dex?!"

Pabalibag na itinapon ni Kuya Dexter sa lupa ng hawak na pala. "Magpasalamat ka, Cid, dahil ang binti mo lang ang nilumpo ko. Kung hindi dumating sina Tosh. . . tiyak napatay na kita!"

Bigla akong nakaramdam ng kakaibang kaba sa mga oras na ito. Parang kakaibang Kuya Dexter ang nakikita ko. Kakaiba ang aura niya, nakakatakot. Parang kaya ngang gawin ni Kuya Dexter ang mga sinasabi nito. Nanlilisik ang kaniyang mga matang nakatuon kay Cid. Puno ng galit. Puno ng karahasan. Kahit na anong pilit kong iwaksi ang takot . . . iyon pa rin ang nangingibabaw sa akin.

"K-kuya. . ."

Nilingon ako ni Kuya Dexter nang tawagin ko siya. Mula sa pagiging mabalasik ay bigla na lamang itong naging mahinahon.

Hindi ko pa mabatid ngayon kung bakit pinag-iisipan ko si Kuya Dex nang ganito. Parang may kakaiba talaga. Parang may naaalala ako sa mga ikinilos niya.

Mariin akong napailing nang mapagtanto kung ano ang iniisip ko. Napakawalang-kuwenta ko naman yata kasi pinag-iisipan ko nang masama ang sarili kong kakambal na siyang nagligtas sa akin. Dahan-dahan akong napalingon kay Tosh na may bahid rin ng kalituhan sa nangyari.

"Umuwi na tayo, Dada. . ." mayamaya'y sabi ni Kuya Dexter. Nilapitan ako nito at inalalayan palayo. Kahit kinakabahan pa rin ay sumunod na lang ako sa kaniya. Nakakailang hakbang pa lamang kami ng bigla itong tumigil at lingunin ang aming kapatid. "Ikaw, Tosh? Di bat ipinagbilin ko itong si Dada sa inyo ni Nakame?" Magsasalita na sana si Tosh nang pigilan ito ni Kuya Dexter. "Sa bahay ka na magpaliwanag! May naghihintay na kaparusahan sa ginawa ninyong pagbabalewala sa bilin ko!"

Natigilan si Tosh at tila nabalot ng takot. Maging ako ay ganoon din ang naramdaman sa sinabi ni Kuya.

Anong ibig niyang sabihing naghihintay na kaparusahan?


Load failed, please RETRY

Status Power Mingguan

Rank -- Peringkat Power
Stone -- Power stone

Membuka kunci kumpulan bab

Indeks

Opsi Tampilan

Latar Belakang

Font

Ukuran

Komentar pada bab

Tulis ulasan Status Membaca: C16
Gagal mengirim. Silakan coba lagi
  • Kualitas penulisan
  • Stabilitas Pembaruan
  • Pengembangan Cerita
  • Desain Karakter
  • Latar Belakang Dunia

Skor total 0.0

Ulasan berhasil diposting! Baca ulasan lebih lanjut
Pilih Power Stone
Rank NO.-- Peringkat Power
Stone -- Batu Daya
Laporkan konten yang tidak pantas
Tip kesalahan

Laporkan penyalahgunaan

Komentar paragraf

Masuk