Part 2
Third Person
"I don't need your help," iyan ang mabilis na wika ni Logan sa kaharap niyang si Mateo. Nakapamulsa ito habang pinanonood si Logan na bumabato ng mga malalamig na titig.
"Now, please leave," karugtong nito.
Tumawa nang bahagya ang kausap. Sinundan ng ngisi at paghilig ng ulo. "Ito na ba?" tanong ni Logan sa kaniyang isip, "lumalabas na ba ang totoong ugali ni Mateo?"
"I'm sure that you need my help," sagot ni Mateo. Utay-utay siyang naglakad sa mas malapit na posisyon ng mga estudyante. Bukod tanging siya lang ang nakasuot ng black suit, itim na pantalon, at black leather shoes.
"Dude, please leave," sabat ni Jay.
Ipinalakpak ni Mateo ang kaniyang kamay kasabay ng ngiting hindi mawala. "Right, I'll leave and tell the authorities that you tried shooting me," mapanghamon niyang sabi.
"You can't scare us by that. You don't have proof," sabi ni Oliver.
Sumagot ang Head Student, "Sad. I happened to be cautious. Matthew, come inside."
Mula sa pintuang nakabukas, may panibagong lalaki ang lumabas. Naroon si Matthew habang tahimik lang na nakatingin sa kanilang lahat.
"Matthew?" ani Sheena. Hindi sumagagot ang kaniyang pinagtanungan.
"What do you want?" tanong ni Logan, nakakuom ang kaniyang mga kamao na handa nang gamitin bilang panuntok.
"I want to help you. Didn't you hear me saying that?" natatawang sagot ni Mateo.
Sumagot muli si Logan, "And didn't you hear me replied that we don't need your help."
Ngumisi ulit si Mateo. Mas malapit na ang kaniyang posisyon sa mga estudyante. Inikot niya ang kaniyang sarili sa loob ng madilim na silid. Saka umupo sa bakanteng upuan. Pinagmamadan lamang siya nang lahat habang si Matthew ay kasunod niya.
"Surprise," sabi ni Mateo habang nakapatong ang kaniyang kamay sa lamesa, "I'm your gift. Ang galing nga, e. It happened that my name means gift." Tumawa siya.
"LEAVE!" utos ni Logan. Ngunit hindi nagpatinag ang kaniyang kausap.
"I will. But answer my questions first. Once I assured myself you can handle yourself, I'll leave and take the blame of shooting sir Willie so CPPS wouldn't get tired chasing after you," wika ni Mateo.
Si Shion ang nagsalita, "You did what?"
"Shoot. Thanks a lot, my friend." Tinapik ni Mateo ang balikat ni Matthew. Parehas silang nakaupo habang tinititigan ang D 'Lit.
"You're evil," sabi ni Oliver.
"Coming from a person who tried shooting me," maangas na sagot ni Mateo.
Hindi na mapigilan ni Logan ang kaniyang galit. Mabilis niyang dinambahan ang nakaupong lalaki at saka sapilitang itinayo ito gamit ang panghihigit sa manggas. Nakangisi lang ang nasasaktan. Poot naman ang bumabalot sa mata ni Logan. "Make me repeat myself one more time and I fucking won't hesitate ruining your face."
"That sounds no good," sabi ni Mateo, "especially when you don't know anything at all. Like— ANYTHING, at all."
Mas humigpit ang pagkakapisil ng kamay ni Logan kontra sa kuwelyo ng binata.
Humina ang boses ni Mateo. "Let me just ask you. Do you know who you are dealing with?" Sa sobrang hina ay parang siya at si Logan na lang ang nakaririnig ng mga salita.
Itinulak ni Logan si Mateo sa dingding at saka iginawaran nang malakas na sapok. Hindi pumalag ang lalaki. Ngumisi lang ito kahit na bahagyang dumugo ang kaniyang labi.
Samantala, ang kasamahan niyang si Matthew ay agad na tumayo at mabilis na ginantihan ng suntok ang nauna. "You don't do that to people who really wanted helping you." Madiin ang boses ni Matthew.
Pumagitna si Mateo sa dapat na magsusuntakan. "It's fine, Matthew. I'll handle hi—"
Ngunit hindi niya natapos ang salita nang walang ano-ano ay iginawaran ulit ang lalaki ng suntok. Hindi na makontrol si Logan dahil ilang segundo na lamang ay magwawala na siya. Saan nanggagaling ang galit? Alamin natin.
Tumayo si Jay at si Khen upang pigilan si Logan sa patuloy na pagsuntok. Agad namang sinara ni Sheena ang pinto ng club upang walang ibang makarinig sa kanila. Kaya tanging kapirasong ilaw na lang ang natira. Hindi na nila maaninag ang sarili kung tutuusin.
"JUST LEAVE!" utos ni Jay dahil nahihirapan na siyang pakalmahin ang nagwawalang tigre.
Inakit ni Matthew ang kasama na umalis, ngunit hindi iyon gusto ni Mateo.
"Hindi ako aalis hangga't hindi ko nasisigurado na kaya niyo na. You are dealing with a monster!" depensa ni Mateo.
Si Shion ay napaupo at napasabunot na lang sa buhok dahil sa magulong pangyayari ngayon. Tinabihan siya ni Angelyka na halata ring napapagod na sa paikot-ikot na istorya.
Lumapit si Sheena sa posisyon ni Mateo. "We know that we are dealing with a monster. But please, leave. Magkakagulo lang tayo. I know that you mean well. But that's not just enough. You heard Logan, we can handle ourselves," sabi ng babae.
Sumagot si Mateo sa kausap, "Just hear me out, please. I don't mean to hurt your pride or any of your feelings. I wanted to help."
"And that is by provoking my friend's anger?" tanong ni Sheena.
Umiling si Mateo. "I wanted to see how worse he would react once he heard the truth."
"What truth?" si Sheena pa rin.
"Kaya nga pakinggan niyo muna ako para hindi tayo paikot-ikot."
Nilagpasan ni Mateo ang posisyon ni Sheena at pumunta kay nila Logan. Kapit-kapit pa rin ang binata ng dalawa niyang kaibigan.
"I want you to breathe," utos ni Mateo kay Logan. Alam niya ang kondisyon nito, mayroon siyang bad temperament. At alam niya rin kung paano siya pakakalmahin.
"I don't want to!" pumiglas ni Logan. Ito ang masamang parte ni Logan, kung ano ang gusto niya ay iyon lang ang gagawin. Kung ano sa tingin niya ang tama, iyon lang ang susunduin.
"You'll die if you don't breathe," panimula ni Mateo, "now, follow me as I count. I want you to inhale every time I say, "one," and exhale every time I say "two." Got it?"
Hindi sumagot si Logan. Sa pagkakataong ito ay nasa kontrol na ni Mateo ang galit ng kaibigan.
Hindi makapaniwala ang iba pang estudyante na makita si Mateo na nagagawang pakalmahin si Logan. Kailan ba nakinig ang lalaking iyan?
***
Naupo silang lahat sa palibot ng bilog na lamesa. Bukas ang flashlight ng kanilang cellphone upang may magbigay ng liwanag sa kanilang posisyon.
Kahit na kalmado na ang lagay ni Logan, may galit pa rin ito para kay Mateo. Samantalang ang ikinagagalitan niya ay wala ng kaso.
"As I've been saying, I want to ask you questions. You'll just have to honestly answer it, okay?" sabi ni Mateo. Ito ang kagandahan sa kaniya, may paraan siya upang malaman ang mga bagay-bagay.
"First Question: Do you already know who Echo Riddle is?"
Tumango ang lahat.
"Who is she?" si Mateo.
Si Sheena ang sumagot, "A victim of rape under the doing of Francis Sotto. Nanakawan din siya ng mga thesis report."
Umiling si Mateo. "Wrong." Dahilan upang ang lahat ay mapatingin sa isa't isa. Ang alam nila ay ganoon ang kaso... ano ang sinasabi ni Mateo?
"Second Question: Who is Troy Silvenia?"
Si Sheena ulit ang sumagot, "Father of Echo. Siya rin iyong nangakong maghihiganti para sa anak. He's innocent, I guess."
Umiling ulit si Mateo. "You got some part of it correct. Pero mali iyong iba." Hudyat upang maningkit ang mata ng bawat isa.
"This question is for Logan," panimula ni Mateo, "Who do you think the suspect is?"
Napatingin ang siyam na estudyante sa kaniyang gawi. Pinipisil-pisil ni Logan ang sarili niyang kamay upang kumalma at hindi magalit.
"My... mom." Hindi makumpleto nang tama ng lalaki ang kaniyang pangungusap.
Hindi sumagot si Mateo sa pagkakataong ito. Ibig sabihin ba ay totooo? Oo naman ang ibig sabihin ng katahimikan, hindi ba?
Nagtanong lang muli si Mateo, "Why do you think that way?"
"Uh, because she was pressed of Echo. She never wanted to have any competitor. The girl got on her nerves, she stole the thesis and instructed Francis to sexually assault Echo," naiilang na tugon ni Logan. Malikot ang pag-ikot ng kaniyang mata. Sa gilid nito ay parang may tubig na gustong makawala. Nanay niya iyong pinag-uusapan nila, normal lang naman na magkaroon ng hinanakit kahit papaano.
Tumango si Mateo sa kaniyang sinabi. Sinundan niya ito ng panibagong tanong. "Naniniwala ka ba sa sarili mong salita?"
Kumurap nang dalawang beses si Logan. "O... oo. May pruweba. I just can't turn a blind eye."
Humigit ng hininga si Mateo. "Okay, I understand. Next, do you love your org. I mean... this. Your whole squad. Do you love them?"
Lumunok si Logan nang ilang beses habang tinatanong ang sarili kung bakit sinasabi ito ni Mateo.
"Kahit na malalaman mong I have spies in here?" dugtong ni Mateo.
Si Oliver ang tumugon, "What?"
"I'm not talking to you," wika ni Mateo.
"But I'm talking to you," sagot ni Oliver.
"I don't have time," si Mateo.
Tumunog ang dila ni Oliver. "Damn it," sabi ng isip niya.
"Spies?" panimula ni Logan habang palinga-linga sa kasamahan. "I was unaware."
May ilang sandaling katahimikan bago ulit bumuwelta si Mateo. "Now that you know, who do you suspect?"
Hinawakan ni Logan ang kaniyang nawawalang bigote. "I guess... Shion?" Hindi siya makapaniwala na nagawa niya iyong banggitin sa harap nila. Panahon na para sabihin ang nalalaman.
"Logan?" tanong ni Shion. Madilim man ay ramdam ng kausap ang pagbigat ng damdamin ni Shion. "Is that how you think of me?" Nanginginig ang boses ni Shion.
"No, I'm sorry. Oh God. Why am I apologizing to you even if you did something worse one me?" Napahawak si Logan sa kaniyang ulo. "Alam ko naman na ikaw ang nagtangkang humulog sa akin sa hagdan. I tried to hid it even if my memory really came back. Kaso hindi ko mapigilan. I..."
Ang kaniyang mga kasamahan ay nagulat, lalo na si Khen. "That's why I don't like her guts," sabi nito sa kabila nang pagtulo ng luha ni Shion.
"Logan, hindi ako. I never tried doing that. In fact—"
"Please, Shion. Reasoning out won't do anything good," si Logan.
Sumabat si Mateo, "Hear her out."
"No, I can't. I know it very well."
"You don't," sabi ni Jeff na ikinagulat ng iba.
Dumugtong si Angelyka, "You don't get it, Logan. The story is so complicated that few will understand. Because understanding requires thinking. But we know you know how to think. You can't just do it right when you are hurt. And that's a fact."
Bumilis ang paghinga ng lahat. Tanging si Oliver, Jay, Khen, at Sheena ang walang naiintindihan sa nangyayari. "Something is about to happen," sa isip nilang apat.
Pinigilan ni Shion ang pagiging emosyonal pero hindi niya kinaya.
"Oo na," panimula ng babae, "I may look evil, but I am not. Hindi ko inakala na pagbibintangan mo ako sa pagtulak sa iyo. When all I did was to think of you. To be obsessive with you! That I kept shooing your friends away to get your full attention.
"Oo na, I probably had ruined you. Gusto kasi kita. I like you. I really like you that you made me hate all of your friends. Inuna ko si EJ, siniraan kita. See? Friendship over. Kaso siya lang naman iyong kaibigan mo hindi hanggang sa dumating si Angela.
"Oo na, I admit it. I was jealous of her. How can you like her that much? Hindi mo man aminin, dama ko. And it makes me freaking unstable and irrational that I had to almost ruin her life. Yes, I am that bitch who god damn broke Angela's phone. You thought it was an accident? No, it's intentional.
"Nakita ko kayo na magkausap noon ni Angela sa baba ng kaniyang dorm. Masaya kayo, ang lawak nga ng ngiti mo. I wish that you could smile in front of me the way you smile at her. Eksakto naman na hawak ko ang cellphone niya dahil sa magaling na si Oliver ay inilagay iyon sa aking bag.
"Kaya itinapon ko iyon, pinagbabagsak ko. Winasak ko kasabay nang pagsira mo sa akin. At oo, si Oliver nga ang nakikita mo sa ibaba ng aking dorm. Binibigyan ko lang siya ng impormasyon para sa mga balita na puwede niyang gamitin. Kaya oo, ako rin ang nagsabi kay Oliver tungkol sa kaso ni Nicole at Angela para masiraan ka.
"Because I badly want you to myself. Gusto ko ako lang. Pero hindi mo iyon gusto."
Tuluyang bumuhos ang bagyo ng luha ni Shion.
Hindi nakaimik si Logan.
"Pero hindi ko kayang itulak sa hagdan ang taong gusto ko. I swear! It's all your mom who did that!" Bumalik ang lakas ng loob ni Shion.
"Naglalakad ako noon sa pasilyo papunta sa teacher's faculty, nakita ko nga kayong magtalo ni Mateo. Pero hindi ko iyon pinansin at pumasok na lang muna sa silid. Medyo natagalan ako. Nang makalabas na ako, wala ka na. Wala na si Mateo. Iyon pala, nahulog ka na sa hagdan. Pero kung ano pa ang mas ikinagulat ko? Ang makita si mama mo na tarantang-taranta habang pinanonood kang maglupagi."
Nagulat ang mukha ng kaniyang mga kasamahan. Hindi nila alam kung paano paniniwalaan ang mga salita ni Shion. Imposible, sa isip nila.
"Pero bakit hindi mo sinabi sa akin?!" hiyaw ni Logan, "nakita mo ako kung paano pagbintangan si Mateo! Bakit hindi mo sinabi sa akin?!"
"Ayaw kong magsalita! Natakot ako. Paano ko papatunayan iyon kung wala naman akong pruweba?"
At nagsimula na silang magtalo. Bumulong si Mateo sa kaniyang sarili, "This is why I hate plot twists."
"Guys, stop," utos ni Mateo, "we definitely have a bigger problem. So, stop."
Ilang sandali pa at nahinto na rin sila.
"Without any more questions. Ako na lang din ang sasagot para hindi na tayo mahirapan mag-isip," may ngiting sabi ni Mateo.
"I want to be straight because I want things get back to their position. Okay, Logan, meet Angelyka and Jeff. They are your friends. And they are my spies. Yey, nagulat ka? Ako hindi. Next, si Matthew iyong nakabangga mo at hindi ako, stop thinking that I was the one to steal Echo's files," sabi ni Mateo nang nakangiti.
Nakakunot lang ang noo ng mga nakikinig. Naguguluhan— hindi nagulat. Paano nila maisisingit ang kanilang reaksyon kung mabilis na nagpapaliwanag si Mateo na animo'y isa lamang itong magandang senaryo sa loob ng bahay.
"And the last thing, Shion got it all wrong," panimula niya ulit, "hindi si Tita Viv ang tumulak sa 'yo. LOL."
Nagkatinginan si Shion at Logan.
"This is really stressing me out. I'm not good at explaining complicated stories. Jeff, take over," utos ni Mateo sa kaibigan. Agad naman itong sinunod ni Jeff.
Ang parati niyang suot na camera ay ihinubad at saka pumunta sa gallery. Matagal siyang nakatitig sa camera habang nagpapaliwanag si Angelyka.
"I'm sorry, Logan. Hindi namin sinabi sa iyo. Kung sinabi namin, hindi na kami spy. We just needed that to help you figure things out. I and Jeff, together with Mateo and Matthew, knew these things long time ago. Sinabihan kami ni Mateo na sumali sa org. mo para mabantayan iyong kilos na iyong gagawin." Mapait na ngumiti ang babae.
"Fuckers," sabi ni Oliver. Hindi nakatugon si Logan dahil pilit pa rin niyang iniisip ang lahat ng mga nangyayari.
"You took us all out for a fool," dugtong ni Oliver na hindi mapigilan ang pagsara ng panga.
Sumingit naman si Sheena at ipinagsabihan ang nagmamaktol na lalaki. "Tumigil ka nga, Oliver. Hindi mo ito eksena."
Inirapan siya ng lalaki at saka sumandal sa monobloc chair. Habang si Logan, kinikiskis ang isa niyang daliri sa isa pa. Ayaw niyang magalit ulit. Nakakapagod, sa isip niya. Kung kaya't tinanguhan lang ni Logan ang sinabi ni Angelyka kahit nasasaktan siya.
Bilang isang tao, hindi pa rin niya kaya ang pakiramdam nang pangta-traydor.
Ang katabi naman ni Logan na si Khen ay bahagyang tinapik ang kaniyang likuran. Ngumiti lang si Logan bilang tugon at sabihing hindi niya kailangang mag-alala.
Ilang sandali pa at tumayo si Jeff at pumunta sa posisyon ni Logan. May ipinakita siyang litrato.
"This is you," sabi niya bago ibigay ang camera.
Ang litrato ay kuha noong Marso. Nakita niya ang araw na nagtalo sila ni Mateo. Sa kasunod...
"Sir Willie?"
Naguguluhang tanong ni Logan.
Tumango si Jeff.
"I was there when you had an argument with Mateo, hindi pa naman tayo masyadong close kaya gusto sana kitang gawan ng balita. Ang kaso, hindi ko nagawa dahil sa nakita kong papalabas si sir Willie mula sa opisina ng mama mo. Tapos narinig kayong magtalo ni Mateo, hindi ko alam pinag-uusapan niyo. May hawak siyang diary, nagtalo kayo. Umalis siya. Dumating si sir Willie at itinulak ka na. Hindi nga rin ako makapaniwala nang una, e. Kasi umalis lang si sir Willie pagkatapos ka niyang itulak sa hagdan.
"Kasunod noon, lumabas si direktor. Tapos, gulat nga siya. Nilapitan ka niya sa baba. Na-istatwa siya. Ang nangyaring sunod, lumabas si Shion. Ayon, mahabang kuwento pero ganoon ang nangyari."
***
"Logan, do you need anything?" tanong ni Khen sa kaibigan. Matapos ang mahaba pang diskusyon ay pumunta na sila sa kani-kanilang dorm. Si Khen, mas gusto niyang damayan ang kaibigan.
Tumango si Logan. Nakaupo siya sa may sofa habang nakatitig sa dingding at malalim na nag-iisip.
"You can cry if you want to," sabi ni Khen na ngayon ay katabi niya na. Nilingon siya ng kaibigan at saka nagbigay ng pilit na ngiti.
"Bakit naman ako iiyak?" sagot ni Logan sa kabila ng sakit na bumabalot at bumabagabag sa kaniyang damdamin.
Humigit ng hangin si Khen. "Iiyak ka kasi pagod ka na. Ganoon ang ginagawa ng normal na tao. When you are exhausted, you just need to let your feelings out."
Umiling lang ang kaibigan.
Sumapit pa ang mas madilim na gabi at pinagpasiyahan ni Khen na matulog kasama ni Logan. Ayaw niyang mag-isa ito lalo na at maraming nangyari. At dumating ang gabi, tahimik at payapa na nang marinig ni Khen ang mahinang iyak ni Logan.
Pinabayaan iyon ni Khen at hinayaang magdamdam ang kaibigan. Ang mahalaga ay naroon siya para sa kaniya.
Samantala, habang umiiyak ay iniisip ni Logan kung paano biglang umikot ang mundo.
Sa isang iglap, nagmukhanag kontrabida si Shion. Inamin niya lahat ng kaniyang gawa. Sa isang iglap, naging sangkot si sir Willie sa kaniyang kaso. At sa isang iglap, mas lalong gumulo ang mundo.
Patuloy na umiikot ang mga salita ni Mateo sa isip ni Logan.
"Yes, sir Willie is the father of Echo. Walang nakaalala sa kaniya dahil dumaan siya sa mga plastic surgeries. We need to keep our guards from him. He's delicate," sabi ni Mateo.
"That is why I wanted to help you. We need a plan. Matthew and I have been spying on him over the last months. Even Angelyka and Jeff, pinagmamanmanan nila ang bawat kilos ni sir. Pero ngayon, we can't play the role of spectators. He's up to something."
"Up to what?" tanong ni Oliver na halatang galit pa rin.
"He is planning to kill all the students. And Triumphic gave him the biggest opportunity to do that. Gusto niyang i-frame-up ang nanay mo, Logan. We need to stop him. Sir Willie will become a murderer. We need a plan. I need you to take a rest tonight. Give yourself a time to think about things. And when you are done, let's all meet tomorrow at my office. Balik na ulit sa normal bukas dahil napanatag na ang loob ng mga estudyante dahil sa ginawa ng CPPS. Kaya dapat, tayo rin."
Kung kaya, buong gabi ay ibinuhos ni Logan ang sama ng loob. Ang hinanakit na nagawa ng bawat isa. Upang kinabukasan, hupa na at maghihintay na lang sa pag-asang magiging ayos din ang lahat.
(More)