A few thoughts run through Brielle's head while he's heading to HUO Group office. He silently cursed Samantha while speeding his car along the highway. Ilang beses na siyang nagtimpi alang-alang kay Ivana dahil pinsan nito ang huli, ngunit sa kasalukuyang pangyayari di niya maiwasang sisihin na naman ito.
Pinilit niyang magpatawad noon at huwag ng ipakulong si Samantha dahil sa pakiusap ni Ivana. He loved his wife so much to hurt her. He tried to forgive, but deep down his heart, he hid a deep resentment against Samantha.
Lalong dumiin ang pag-apak niya sa silinyador ng sasakyan at wala pang kalahating oras nasa harapan na siya ng kumpanya. Nagitla ang guard na nakabantay sa main entrance ng marinig ang sunud-sunod na malakas na busina ng sasakyan ni Brielle. Mabilis nitong inangat ang bakal na nakaharang sa main gate. Pumukaw sa atensyon ni Brielle ang kumpol ng mga reporters sa main entrance ng HUO Group, hinaharang ang mga ito ng ilang security guards nila.
Sabay-sabay na napalingon ang lahat ng makitang papasok ang sasakyan ni Brielle sa parking area. Mabilis na sinundan ng mga ito ang sasakyan niya. Walang nagawa ang mga security guards na humarang sa mga ito. Bago pa man tuluyang nakababa ng kotse si Brielle napapalibutan na siya ng mga ito.
Napatiim-bagang si Brielle at ilang beses na nagbuga ng hangin bago nagbukas ng pinto.
"Sir Brielle, can you give us a clear explanation why the engagement of your sister has been postponed?"
"Sir, ano po ang masasabi ninyo sa biglaang pag-ayaw ng kapatid ninyo sa nalalapit nilang kasalan?"
"Mr. Santillian, what will happen when your sister refuses the wedding?"
Brielle looked at them with his cold eyes, tempting to give a rude reaction, but he chose to calm down. "My sister wasn't gone. She just has an emergency task on that day,"
"Totoo po ba ang sinabi ninyong iyan o sadyang kasinungalingan lang para isalba ang reputasyon ng pamilya ninyo?" hayagang tanong ng isang reporter.
"Do I need to create lies just to cover my family's reputation?" Matalim ang tinging ipinukol niya sa taong nagtanong.
Sinalubong nito ang tingin niya at walang takot na nagbato ulit ng panibagong tanong, "Reputasyon ng pamilya ninyong mayayaman ang mahalaga, at kaya ninyong itago ang katotohanan, ngunit sadyang nararamdaman namin na nawawala ang kapatid ninyo sa araw mismo ng kanyang engagement party,"
Brielle smirked and began to move towards the main entrance, "I didn't need to explain matters to anybody, gossips come around. After all, elite are human too, and we owe no one,"
"We can dig the truth, Mr. Santillian. This is not a pure gossip alone," Brielle heard the reporter's last words.
Sa halip na sumagot, iwinagayway lamang niya ang kanang kamay at di na lumingon pa. Narinig na lamang niyang pinilit ng mga guards na ipagtabuyan ang mga ito palabas ng main gate. Binati si Brielle ng dalawang receptionist sa bukana ng HUO Group at tango lamang ang sinagot niya habang diretso ang tingin niya sa exlusive elevator. Pagbukas nito agad siyang lumulan at pigil ang sariling damdamin. Nagpupuyos ang kalooban niya dahil hindi niya inasahan ang pagdagsa ng mga reporters sa mismong bukana ng HUO Group. Dumagdag lalo sa init ng ulo niya ang mga tanong ng mga ito. Kuyom ang kamao habang naghihintay siyang huminto sa mismong floor ng opisina niya ang elevator.
Ilang saglit lang bumukas na ito at madilim ang anyong naglakad siya patungo sa meeting room sa halip na sa opisina niya siya pumunta. Saglit siyang huminto sa mismong harapan ni Adela at nagsalita.
"Adela, tell Samantha to go to the meeting room,"
Nag-angat ng mukha ang huli at bahagyang nagulat ng makita ang madilim na anyo ni Brielle. "S- Sir Brielle, you're here. I… I thought you're going to take a short vacation,"
"Cut the crap. Do what I told you, I'm waiting for Samantha inside the meeting room," Tumalikod na siya at tumuloy sa meeting room.
Napalunok muna si Adela bago tumayo at nagtungo sa opisina ni Samantha. Ilang katok ang ginawa niya at nang marinig niyang pinapasok siya nito mabilis niyang itinulak ang pinto. Kabado siya habang papalapit sa lamesa ng huli.
"Ma'am, pinatawag po kayo ni Sir Brielle. Nasa meeting room po siya naghihintay sa inyo," agad na bulalas ni Adela.
"Really? Brielle was here? I thought he'd have a vacation?" Bakas sa boses ni Samantha ang pagtataka.
"Nagulat nga po ako eh, biglang sumulpot ngayon. Abala nga akong nag-ayos ng mga dokumento ng biglang narinig ko ang boses niya," Di mapakali ang reaksyon ni Adela dahil ramdam niyang galit si Brielle ng mga sandaling ito.
Tumayo si Samantha at naglakad palapit sa kanya. Inakbayan siya nito at binigyan ng maaliwalas na ngiti. Ramdam agad ni Samantha ang panginginig ni Adela.
"Something wrong? You looked pale,"
"Handa niyo na po ang sarili niyo, mukhang galit si Boss," babala nito sa kanya.
"Huh, why would he be angry?" inosenteng tanong niya rito.
Bakas pa rin ang pag-aalala sa mukha ni Adela ng tiningnan siya nito, "Ah basta, maging mahinahon lang po kayo, anuman ang sasabihin sa inyo ni Sir Brielle. Samahan ko nalang po kayo doon,"
She patted Adela's back and gracefully answered, "Don't be silly, Brielle won't bite me," She followed it with another sweet smile.
Umiling-iling si Adela at lalong iginigiit nito na samahan siya papuntang meeting room. "Basta, samahan ko na po kayo,"
Saglit na huminto sa paglalakad si Samantha at lumingon sa kanya, "Are you sure? Don't you have more tasks today?"
"It can wait. I- I will serve a drink for both of you," tugon nito.
Tumango lamang si Samantha at nagpatuloy na sa paglakad palabas ng opisina. Mabibigat na hakbang ang naririnig niya mula sa mga paa ni Adela habang kasunod niya ito.
Pagbukas ng pinto ramdam niya ang tensyon sa loob ng meeting room at abala si Brielle sa kung sinumang kausap nito sa cellphone. Pumihit ito at tiningnan silang dalawa ni Adela.
"Just come asap," huling tugon ni Brielle sa kausap niya bago isinilid sa bulsa ang cellphone.
"You're looking for me?" Nakangiting tugon ni Samantha.
Brielle darkened his face, and a cold gaze fell to Adela. "Adela, you can leave us now. I didn't remember asking you to come here, too,"
"Ah...I- I will serve your drink, sir!" kandautal na tugon nito.
Naglakad palapit si Brielle sa mismong upuan na nasa gitna ng lamesa sa loob ng meeting room. Agad na umupo roon bago muling tumugon, "Hindi ko kailangan ng maiinom. I told you earlier to call Samantha. You can leave now!" may diin ang huling salita nito.
Napayuko si Adela at bago tumalikod nilingon muna niya si Samantha. Tango lamang ang sinagot ni Samantha sa kanya. Matapos lumabas ni Adela, naglakad si Samantha palapit sa kabiserang upuan at mabilis na umupo roon.
"May kailangan ka Brielle?"
"Tell me, how could you betray us?" Brielle blurted out, and his gloomy face fell on Samantha's face.
"Come again?"
"Oh, still pretending, huh?"
"I don't get it. In what way, I betrayed you?"
"Common, Samantha, let's cut this bullshit. I knew very well that your brother-in-law took away my sister," A mocking smile drawn at the corner of Brielle's mouth.
It took a few minutes before Samantha answered back, she couldn't believe Brielle will accuse her. She heaved a deep sigh, "Honestly, I tried to understand your accusation against me because I know what happened to your sister's engagement hurts your entire family. Pero sana naman bago mo ako pagbintangan nag-imbestiga ka muna. Hindi naman siguro mahirap gawin iyon sa isang maimpluwensyang tao na kagaya mo,"
Another pit of anger flashed on Brielle's face, his jaw clenched tightly. "I expected this kind of reaction coming from you, after all, you definitely will deny it. Hindi ako tanga para maniwalang inosente ka, pero sana inisip mo rin ang kasalanang ginawa mo noon sa amin ni Ivana. Hanggang ngayon sa tuwing nakikita ko ang pagmumukha ng asawa ko sa mismong anyo mo, pikit-mata kong itinatago ang poot ko laban sayo,"
He dragged the chair roughly and stood up, enraged was written over his handsome face, "And you still dare to pretend,"
Napako lamang sa kinauupuan si Samantha, hinintay ang paglapit ni Brielle sa kanya. Hinanda niya na ang sarili sa maaaring gawin nito sa kanya, ngunit bago pa man tuluyang makalapit si Brielle sa upuan niya, mabilis na bumukas ang pinto ng meeting room at iniluwa ang matangkad na bulto ni Harold.
"Sir Brielle, calm down!"
Sabay na napalingon silang dalawa ni Samantha sa pinto. Mabilis at mahabang hakbang ang ginawa ni Harold at hinarang si Brielle.
"Please, don't let your anger ruin your image. She's your wife's cousin. Miss Ivana will hate you if you dare to hurt her,"
"Move! I don't need your opinion, Harold," Brielle yelled.
"No, I can't let you lose your temper. Please, calm down. Hindi mo kailangang manakit. Babae iyan," muling tugon ni Harold habang di pa rin siya tuminag sa mismong harapan nito.
Walang boses na lumabas sa bibig ni Samantha, tanging titig lamang ang ibinibigay niya kay Brielle. Maging ang dila niya ay tila umurong ng makita niyang papalapit sa kanya si Brielle. Saka lamang siya nakahinga ng maluwag ng humarang si Harold dito.
"Harold, tumabi ka dyan. Tabi!" muling bulyaw niya rito.