Unduh Aplikasi
37.77% LOVE & REVENGE: THE STUBBORN HEIRESS (Taglish) / Chapter 17: Chapter 17: Asking Reymond’s Location

Bab 17: Chapter 17: Asking Reymond’s Location

DENISE felt shivered while reading the reply from the mysterious man. She tried to control her anger and took a deep breath several times.

"Look, can you be man enough to make a clear conversation. Hindi ko alam kung bakit mo ginagawa ito sa akin gayong wala naman akong natatandaan na may nakagalit akong tao o naapakan. Mali naman atang guluhin mo ang tahimik kong mundo dahil bored ka lang at naghahanap ng atensyon,"

Natawa si Reymond sa sagot ni Denise at mabilis siyang nag-reply sa dalaga.

"I am not bored. I wanted to collect a debt payment that your entire family owed to me. Higit lalo ikaw, marahil nga nakalimutan mo na pero ako hindi nakakalimot Miss Santillian,"

"Ano bang pinagsasabi mo? Ang duwag mo naman at dinaan mo talaga sa ganitong laro? Kung may utang kang sisingilin sa amin or mismong sa akin tulad ng sinabi mo, hindi ba mas makabubuting humarap ka ng personal sa akin and tell it straight to my face!" She replied.

"Wait the exact time! It will be soon. As I said, be observant of your surroundings as I will come like a thief of the night and drag you to hell with me!" his reply.

"Enough for this childish game. It wasn't funny at all. So be it, if you think my family had done something unfair to you, then collect the payment that would please you! Bye!"

Sasagot pa sana si Reymond ng nakita niyang naka-blocked na siya sa account ni Denise. He stood up and quickly packed all his personal belongings. Lilipat siya ng bagong bahay, ito ang plano niya pagkat nararamdaman niyang ng mga sandaling ito maaaring hinahanap na siya ni Brielle Santillian.

***

Brielle parks his car in front of the restaurant where Ivana told her.

"Baby, hindi na ako papasok sa loob, kayo nalang ni Kyree. Dito nalang ako maghihintay sa inyo, dahil alam kong kailangan ninyo ni Samantha ng privacy," Brielle said.

"Okay. Huwag kang mag-alala hindi kami nagtatagal dahil kailangan ko ring bumalik agad sa bahay marami pa akong aasikasuhin sa darating na event ng HOUSE OF FONTANER,"

Kinabig siya ni Brielle at hinalikan sa labi. "Take care. Kyree, you go with Mommy, be good, little boy. Muah!"

Kyree clung his tiny arms to Brielle's neck. "Muah! Daddy!"

"Oh, he talked!" Brielle exclaimed.

Napapangiti si Ivana habang dinadampot ang shoulder bag niya, "Yeah. I think he is in a good mood today. Isinama kasi natin pag-alis ng bahay. Alam mo naman ito, tahimik at madalang sa patak ng ulan magsalita. Oh, paano akin na si Kyree, papasok na kami sa loob, kanina pa raw nandoon si Samantha at ang anak niya,"

"Sige. Dito lang ako!"

Dali-daling bumaba si Ivana, karga ang bunsong anak. Pagpasok nila sa loob ng restaurant agad niyang nakita si Samantha sa dulong bahagi. Kumakaway ito sa kanila at katabi nito ang anak.

"Sorry, medyo late kami, tanghali na nagising ang anak ko," aniya habang paupo sila sa kabisera.

"It's okay. Alam ko namang busy ka lagi. Buti dinala mo si Kyree, isinama ko rin kasi si Nate, dahil di ko rin maiwan ito napakalikot eh," Samantha said.

"Your son looks like his Dad. Kamukhang-kamukha siya ni Simon," aniya.

"Yeah. Nate, say hi to Tita Ivana," turan nito sabay lingon sa anak na nakatitig kay Kyree.

"Hello, Tita Ivana!" Nate greeted them.

"Oh, ang linaw na niyang magsalita ah. Hi, Nate, this your cousin, Kyree. Baby, Kyree, say hi to Tita Samantha and your cousin Nate," untag ni Ivana sa anak.

Nakatitig lamang si Kyree kay Samantha at Nate at hindi nagsasalita.

"Namana niya ang ugali mo. Mahiyain pala iyan at di naimik?" Samantha said.

"Oo nga eh. Pasensya ka na, sadyang di ito katulad noong mga kapatid niya,"

"It's okay. Eh, nag-order na pala ako ng meryenda natin bago ka pa dumating. Maya-maya lang i-se-serve na tiyak 'yun. Natuwa ako at nagyaya kang lumabas ngayong weekend dahil wala akong gaanong gawain,"

"Ahem...actually, I wanted to ask you something," Ivana said.

"Okay, go ahead!" Samantha waited for her question.

"Dumadalaw ka ba madalas kay Simon?"

"Oo, once a week, normally, we visited him every Sunday. Para mahaba ang oras na ilalaan namin ni Nate sa kanya. Bakit mo naitanong?" naguguluhang balik-tanong nito.

"Alam mo, nitong mga nagdaang araw kasi meron na namang nanggugulo sa amin," aniya.

"Nanggugulo? Talaga? Sa paanong paraan? Inisip mo ba na si Simon ang may kagagawan?"

Sunud-sunod na iling ang ginawa niya, "Hindi naman, kaya lang nag-aalala kami dahil nitong mga nagdaang araw nga may palihim na nagmamanman sa amin. Sinusundan ang bawat galaw namin at palihim kaming kinunan ng larawan ni Mommy Shantal. Brielle and my eldest son, Brendon, caught someone who did it. Sa katapat na bahay ng Villa namin, may nakuhang video clip ang anak ko, na kinunan nga kami ng mga larawan,"

Bakas sa mukha ni Samantha ang pagkagulat, "Oh my god! So scary but I think Simon is not behind it. Mahigpit kasi ang kulungan sa mga dalaw niya at saka madalas ko rin siyang pinagsasabihan, palagay ko naman kahit papano nakikinig naman siya. Ang pagkakaalam ko rin, nahuli na lahat ng tauhan niya maging ang mga ilegal niyang gawain nahinto na rin,"

"Iyon na nga eh, kaya lang hinala ni Brielle may kinalaman ito sa pamilya ni Simon. Sila lang naman kasi talaga ang mortal na kaaway ng pamilya ng asawa ko. Pasensya ka na, ayokong abalahin ka pero tatanungin kita, si Reymond ba nandito sa Beijing?" agad niyang tanong.

Bago muling sumagot si Samantha, siya namang pagdating ng order nito. Hinintay muna nilang mailapag lahat ng pagkain. Kapwa nila binigyan ng makakain ang dalawang bata na tahimik lamang nakaupo.

"I will be honest with you, Reymond had returned here in Beijing, mula pa noong nag-umpisa ang operation ng laboratory sa Hainan, pero isinara kasi iyon dahil sa eskandalong ginawa namin laban sa inyo noong botohan ng HUO GROUP. Kaya lang mabait naman si Reymond eh, sinabihan ko rin siya na huwag ng makisawsaw sa isyu ni Simon laban sa pamilya ni Brielle,"

"Iyon din nga ang inisip ko. Di ko kasi nakitaan ng masamang ugali si Reymond. Sa halip, tinulungan pa niya ako noon, kaya lang hinala talaga ni Brielle may kinalaman si Reymond. Cousin, I'm sorry if I made it sound unfair accuse to your brother-in-law, but I only wanted to help my husband," hinging paumanhin ni Ivana.

"Hey, it's okay. I understand, cousin, maybe Brielle's theory was right. I...I honestly get lost...thinking something scary like this. Nalulungkot ako kapag totoo nga ang hinala ni Brielle na si Reymond ang gumawa nito. Kakausapin ko siya at ibibigay ko ang address ng bahay niya para masubaybayan siya ng mga tauhan ni Brielle," nalungkot na tugon ni Samantha.

Ginagap ni Ivana ang kamay ng pinsan niya, "Pasensya ka na, kaligtasan kasi namin ang nakasalalay dito eh. Alam ko naman na di ka gagawa ng masama laban sa amin. Nagkaayos na tayong dalawa at naniniwala akong nadadaan sa maayos na usapan ang lahat ng ito,"

"Yeah. Sige lang kakausapin ko siya. Kapag may nakuha akong impormasyon sabihan ko kaagad kayo ni Brielle. Huwag kang mag-alala nasa panig niyo ako,"

"Salamat ha. Sana mahaba pa ang oras na ilalaan natin sa ganitong pagkikita at hindi problema ang pag-uusapan. Kapag may oras tayong pareho sabay tayong dumalaw sa puntod ng mga magulang natin. Ilang buwan na rin kasing hindi ko nadalaw ang puntod ng mga magulang ko," aniya.

"Yeah, ako rin! Gusto ko rin ngang maka-bonding kayo ng mas mahabang oras. Kain na tayo, ibibigay ko sayo maya ang address ng bahay ni Reymond bago tayo maghiwalay," masayang deklara nito.

After they talked, Samantha and Ivana parted ways. At tulad ng pinangako nito ibinigay kay Ivana ang address ng bahay ni Reymond. Bumalik na sa loob ng kotse si Ivana at Kyree. Nadatnan niyang abala si Brielle sa cellphone nito at may kausap. Hinintay muna niyang matapos ang pakikipag-usap nito.

"Baby, sorry, may inutos lang kasi ako kay James. Kumusta?" Brielle asked.

"Here. This is the address of Reymond's house. Tama ka nga nandito siya sa Beijing at binigay nga ni Samantha ito," nagpakawala muna ng buntong hininga si Ivana bago muling dinugtungan ang sinabi niya, "Sigurado ka ba na si Reymond ang taong nagmanman sa atin?"

Brielle pinched her cheeks and said, "It's only a theory. I honestly don't have any evidence yet. Maaaring mali ako at may ibang tao nga na gumawa nito, pero kailangan ko pa ring tingnan kong hindi nga ba ang pamilya YUN ang gumawa nito,"

"Binanggit ni Samantha na matagal ng bumalik si Reymond dito sa Beijing at siya nga ang nag-manage doon sa laboratory na nasa Hainan Province, aniya.

"Tama. Matagal ko ng alam na ang kapatid ni Simon ang nagpapatakbo ng operasyon doon pero hindi kami makalapit dahil sa higpit ng seguridad nila. Dating lupa ninyo ang pinagtayuan ng laboratoryong iyon pero nakapangalan naman kay Reymond Yun bilang may-ari. Malawak ang impluwensya ng mga YUN kaya di rin basta-bastang mabawi pa ang negosyong iyon. Pinaimbestigahan ko na iyon at alam kong ilang buwan ng hindi tumatakbo ang laboratoryong iyon kaya lang nakakapagtaka naman at hindi lumutang sa publiko ang kapatid ni Simon. Pinahalungkat ko rin kina James at Anton ang record ng kapatid ni Simon sa Europe pero wala silang nakuha kaya lalo akong naghinala," Brielle said.

"Sige na, umuwi na tayo, ibinigay ko na rin naman sayo ang impormasyong nakuha ko mula kay Samantha, ikaw na ang bahalang maghanap ng matibay na ebidensya kung tama nga ang hinala mo,"

"Okay. Umuwi na tayo, nakatulog na si Kyree,"

They headed back home. Pagdating nila ng bahay agad na tinawagan ulit ni Brielle si James at ibinigay niya ang address ng bahay ni Reymond na galing kay Samantha.


Load failed, please RETRY

Status Power Mingguan

Rank -- Peringkat Power
Stone -- Power stone

Membuka kunci kumpulan bab

Indeks

Opsi Tampilan

Latar Belakang

Font

Ukuran

Komentar pada bab

Tulis ulasan Status Membaca: C17
Gagal mengirim. Silakan coba lagi
  • Kualitas penulisan
  • Stabilitas Pembaruan
  • Pengembangan Cerita
  • Desain Karakter
  • Latar Belakang Dunia

Skor total 0.0

Ulasan berhasil diposting! Baca ulasan lebih lanjut
Pilih Power Stone
Rank NO.-- Peringkat Power
Stone -- Batu Daya
Laporkan konten yang tidak pantas
Tip kesalahan

Laporkan penyalahgunaan

Komentar paragraf

Masuk