Mariin ko siyang tinitigan habang nakapikit siya.
"Nag-aaral pa sana ako ngayon Sir eh..." napasinghap siya. "...kaso hindi ko pinagpatuloy"
Napatingin ulit ako sa kalangitan.
"Mabuti ka pa nga at nakapag-aral ka" ramdam ko ang biglaan niyang paglingon sa akin. "Kung isasalaysay ko siguro ang buong nangyari sa buhay ko ay hindi mo gaanong maintindihan" bigla siyang pumalapit ng upo sa akin.
"Ampon ka lang po ba Sir? Kung ampon ka lang po, bakit magkamukhang-magkamukha kayo ni Engr. Lust?" napatawa ako sa sinabi niya matapos ay ginulo ang kaniyang buhok.
"Totoo niya akong anak, ano ka ba. Mayroon kasing tradisyon ang pamilya namin na hinding-hindi mo lubusang maintindihan" mas lalo pa siyang pumalapit.
"Hindi po ba kayo pinapaaral? Hindi naman po kasi sa pag-aaral iyan Sir. Mas mabuti na siguro kung hindi ka nalang nila papaaralin kaysa pagplanuhan nila kung sino ang iyong magiging asawa hindi ba?" bigla akong napatahimik sa sinabi niya.
"Sir..." napagulantang ako nang ibulong niya ito sa aking tenga.
Parang nagsitayuan ang lahat ng balahibo ko sa katawan, ang lamig-lamig ng dumaan na hangin sa aking balat nang gawin niya iyon.
Napalunok ako nang mapag-alamang ang lapit na ng kaniyang maliit na mukha sa akin.
"Alam niyo po bang tumakas ako? Sa'tin sa'tin lang ito ha" wala akong ibang nagawa kundi ang tumango nalang.
"Ganito kasi iyan Sir, Muslim po ako, tapos po ay in-arrange marriage ako ng magulang ko sa anak ng kaibigan nila. Tapos iyong anak ng kaibigan nila ay kaibigan ko rin. Kaso lang po ay hindi ko gustong magpakasal sa kaibigan kong iyon kasi nga napag-isipan kong masyado pa kaming bata" kusa na lamang akong napatango nang malaman ko iyon.
"Naaayon lang iyang ginawa mo, Amary. Kailangan ay ikaw ang magdesisyon niyan kasi nga ikaw naman ang ikakasal hindi ang pamilya mo" bigla ulit siyang napailing.
"Mahirap po kasing takasan ang tradisyon Sir, lalo na kung mas pinaninindigan pa ng magulang mo ang nakagisnan kaysa sa pakinggan ang tunay na nararamdaman ng anak nila" mariin akong napabuga.
"Sa isip ko nga po nun ay pinamimigay na nila ako sa iba kasi wala akong ambag sa pamilya namin" kusa akong napatikhim nang tuluyan na siyang napasandal sa akin. "Sir, wala na ba akong hiya sa inyo kapag ganito? Ikaw lang naman po kasi ang malalapitan ko, hindi ko alam kung bakit pero parang nagiging malaya ako kapag ikaw ang kasama ko" mahina akong napahalakhak.
"Malaya ka naman talaga ngayon kasi tumakas ka" napasimangot siya matapos ay mahinang pinalo ang aking balikat kaya mas napahagikgik pa ako ng malakas.
"Sir, mag-iilang taon ka na po ba talaga? Hindi po ako curious ha, nagtatanong lang po ako kasi wala na akong maisip na topic" napabuga ako ng hangin.
"Napaniwala ako noon na labinlimang taon pa ako, hindi ko alam na labingsiyam pala." bigla niyang hinawakan ang aking pisngi habang mariin akong sinusuri.
Bakit ba bigla-bigla lang siyang naggaganito?
Hindi ko na tuloy alam kung bakit nanginginig ang aking mga kalamnan ngayon.
"Totoo ba talagang nineteen ka palang? Para ka na kasing twenty-five sa paningin ko" bigla akong napanguso nang banggitin niya iyon.
Agad siyang napatawa nang malakas habang pinisil-pisil ang aking pisngi.
"Sir, ang gwapo niyo po!" bigla kong iniwas ang tingin sa kaniya matapos ay tumingin nalang sa dagat habang nagpipigil ng ngiti.
Bakit ngayon niya lang yata napansin ang aking kagwapuhan?
Sa pagkakaalam ko ay malaki naman ang kaniyang mata.
"Sir humarap ka naman sa akin, titingnan ko lang muna ang mukha niyo saglit" nakagat ko na ang aking pang-ibabang labi nang pilit niya talaga akong tinitigan.
Ganoon na ba talaga ako kagwapo, Amary?
Huwag mo naman sanang abusuhin ang aking kagwapuhan.
"Sir, saglit lang naman e! Dali na please" napangiwi muna ako bago siya tuluyang hinarap.
"Kanina ko pa kasi ito napapansin, hindi niyo po ba alam na may maliit na ink ang pisngi niyo?" napalunok ako nang ilang beses habang hinahayaan lamang siyang pinupunasan ang aking pisngi.
"Salamat" mahinang usal ko sa kaniya.
Nginitian niya ako matapos ay binaling muli ang atensiyon sa umaasul na kalangitan.
"Ang init dito pero hindi ko malaman kung bakit dito natin napiling magpahangin" nagtataka akong tumingin sa kaniya.
Nagpapahangin lang pala siya rito?
Akala ko kasi ano...
Napakamot ako sa aking ulo matapos ay napapailing-iling.
Wala naman akong iba pang inaasahan.
Ginawa naman talaga siguro ang terasang ito para lamang magpahangin hindi ba?
Mag-isip ka nga, Khalil.
Pumunta ka din naman dito para lang magpahangin.
Malakas akong napabuga ng hangin habang tinatanaw ang naglalakihang alon ng karagatan.
"Oo nga" mapaklang saad ko habang may pekeng ngiti.
"Nais niyo po bang sumama sa akin bukas Sir? Pupuntahan ko po kasi iyong matandang babae na sumagip sa akin matapos akong tumakas. Ayos lang naman po kung hindi niyo ako sasamahan, nais ko lang naman po sana kayong ipakilala sa kaniya bilang amo ko. Masyadong malaki ang aking utang na loob sa pagkupkop sa akin ni Nanay Pasing kung kaya po ay sinusuklian ko siya ngayon ng bagay na karapat-dapat lamang sa kaniya" malakas akong napabuga ng hangin matapos ay nakapamulsa nang tumayo habang nakaharap pa rin sa kaniya.
"Susubukan kong sumama, subalit kailangan ko munang magpaalam sa aking mga tiyuhin at kay Papa" matamis akong napangiti sa kaniyang harapan.
"Saan ka po pupunta, Sir?" napangiwi ako habang pumalapit sa kaniya matapos ay ginulo-gulo ang kaniyang buhok.
"Hindi mo naman ako kailangang tawaging Sir, Amary. Mas gugustuhin ko pa kung tawagin mo nalang ako sa aking buong pangalan, Kharlis Lilhama Marid Zavier. Pwede ring Khalil nalang, basta wala lang akong maririnig na Sir sa bibig mo, hindi kasi bagay sa iyong boses kapag Sir ang itatawag mo sa akin" matamis ang kaniyang mga ngiti ngayong napatayo na rin katulad ko.
"Ganoon po ba? Kung gayon ay saan ka pupunta Kharlis Lilhama Marid Zavier?" malakas akong napahalakhak matapos ay tinalikuran na siya.
"Bakit, binibining Amari? Nais mo bang sumama sa aking pupuntahan?"